Lorelei“Ate Helena?” nanlaki ang mata ko.“Hoi! Lorelei, what are you doing here? Omg dapat malaman ito ni Marrianne, alam mo bang, matagal ka ng hinahanap ng pamilya mo?” wika pa ni Ate Helena, mabilis akong nilapitan.Umupo pa sa aking tabi at agad akong niyakap pagkatapos ay hinawakan ako sa magkabila kong pisngi. “Wait tatawagan ko si Tita Cole, kasi ang bruha na si Mayang. I told her, sunduin niya ako kaya lang umandar ang katamaran niyang Ate mo, hindi ako sinipot,” daldal ni Ate Helena, nakangiting nakikinig lang ako.Kinuha nito ang cellphone sa kanyang bag. Pero agad kong pinigilan.“A-ate nakikiusap ako sa'yo hu-huwag mo muna ipaalam sa kanila,” mahina kong sabi.“What?! Oh my gosh. Why naman bunso? you should go home now. Almost two years na sila nasisiraan ng bait sa kakahanap sa'yo. Kawawa nga si Tita Marycole, laging umiiyak simula ng mawala ka.”“Hindi ako nawala ate Helena. Kusa akong umiwas,”“Pero bakit?!” nakakunot ang noo niyang sabi. “Sabihin natin sa Mommy mo nar
Lorelei“Girl, diba si Helena Marie iyang kausap mo kanina?” tanong agad ni Regina, sa akin ng mga kalahating oras na ang nakalipas nasa boarding house na niya kami.Nagpapahinga na kami sa sala nanood ng TV, subalit hindi ko maintindihan ang palabas na drama afternoon hindi kasi ako mahilig manood kahit noon wala pa akong anak.Inaantay kasi namin na dumating si Darvin. Lumabas kasi kanina lang inutusan ni Regina, bumili ng meryenda at ulam para sa aming hapunan.Nakatulog si Zanelle, nasa b'yahe pa kami. Kaya pagdating sa bahay ni Regina, hindi ko na ginising ang anak ko iwas iyak ng bata.Kapag bitin kasi ito sa tulog iiyak lang si Zanellle, mahirap patahanin kung hindi si Tatay ang kakarga rito.Wala ang Lolo niya kaya mahihirapan ako, hinayaan ko munang magsawa sa pagtulog kasi maaga pa naman aantukin pa ito mamaya pagsapit ng gabi.“Lorelei! Hindi ka na sumagot,” ulit ni Regina.Bumuntong hininga ako. Tapos ay tumango.“Waahhh…paktay kang bata ka. Panigurado sasabihin niyon sa m
Lorelei“Hello, Tatay! Opo bukas na ang book signing ko,”“Anak nag-aantay ako ng tawag mo kahapon pa,” aniya parang nagtatampo ang boses.“Sus, ang Tatay ko matampuhin. Kumusta naman po kayo r’yan?” ani ko sa kanya. Naririnig ko sa cellphone ni Tatay, parang nasa labas ito ng bahay dahil may boses na nagtatawanan. Boses ‘yon ng mga kapitbahay naming mahilig makipag chismisan umaga pa lang nasa kalsada na.“Okay lang kami ‘nak. Ang apo ko, Si Zanelle?” iyon talaga ang unang itatanong ng ama ko hindi ako.“Ayos naman po kami. Kasama ni Regina, si Zanelle, ‘tay. Isinama sa condo ng boyfriend niya,”“Sayang hindi ko makausap ngayon,”“Mamaya po kapag umuwi pakisabi kay Eleazar, video call kami para makita ka din Zanelle.”“Sige anak, anong oras ba?” wika nito.“Alas-sais po habang ‘di pa tulog ang makulit mong apo. Ay wait po Tatay, patungo kasi ako ngayon ng SM. Opo bibili kasi ako ng isusuot para bukas tsaka gatas na rin ni Zanelle,”“Bakit naubusan na ba ng gatas ang apo ko?”“Diba nga
MatthiasI was busy signing papers at my table when the intercom rang on my secretary's line. Kahit ayaw ko iyon sagutin napilitan ako baka importante ang sadya ng aking sekretarya.“Yes Ms. Kathleen,” malamig kong kausap sa kaniya.“Sir nasa labas po ang lolo n'yo gusto raw po kayo makausap,” sabi nito tila alanganin. Dahil siguro pangatlo ko na itong nasigawan simula kaninang umaga.“Tell him I'm busy,” iyon lang sabay tinapos ko na ang tawag ni Kathleen. Narinig ko pa ang pahabol niyang sinabi ngunit hindi ko na pinakinggan.“Pero Sir, pangalawang balik na niya ito. Kanina po kasi wala ka," narinig kong saad niya sa akin bago ko tuluyan ibaba ang tawag.Pang-ilan ko na ba itong sekretarya sa loob ng two years. Pang walo, pang siyam, pang sampu? Ah, hindi ko na mabiling dahil lahat hindi nagtatagal sa aking kasungitan.Ito na ang tumagal sa akin. Iyong mga nauna sa kaniya, masigawan ko lang, iiyak na. Sabay resign kinabukasan. Kapag hindi isang buwan, isang linggo, minsan pa nga isa
Lorelei“Regina kabado ako,” bulong ko sa kaibigan ng nasa tabi kami ng booth sa kinabibilangan kong pub house. Nakatayo kami nag-aantay ako ng iskedyul ko para sa book signing ko sa bawat bibiling reader na gusto ng signature galing sa akin or dedication.“Bakit naman?” aniya. Nilalaro ang kamay ni Zanelle kapagkuwan binibiro ang anak ko na kakagatin. Kaya lang wala na ‘ata energy ang anak ko dahil simpleng tawa lang ang tugon sa Ninang niya.Hindi natuloy sumama si Ricky, may biglaan na meeting sa office nito. Pero sabi nito hahabol kung may time pa at itutuloy namin ang pamamasyal. Darvin also had a sudden taping. Kaya dalawa lang kami ni Regina ang nagpunta.Ang anak kong si Zanelle, kinarga ko na ngayon. Kanina pa kasi ako naghahabol sa pagiko-ikot nito sa mga book stand.Natatakot akong baka bumasag at ito ay madagan dahil inuuga nito ang bawat mga stand na madadaanan. Na-amazed siguro ang anak ko first time niyang makapasyal ng ganitong lugar puro books ang makikita.Sa Samar ka
Lorelei“A-ano nga u-ulit ‘yon?” nautal kong tanong kay Matthias, sa walang tigil ang titig niya sa akin.Peste sobrang seryoso naman kung tumingin ito sa akin, parang hinihigop ako sa klase ng tingin niya, nasa isip ko. Wala pa naman akong nag-retouch ng make-up bago umupo rito sa harapan ng table ko.Ngayon ko pinagsisihan hindi ako pumayag na lagyan ni Regina kanina. Ano raw Lorelei? Lagot ka sa bestfriend mo sinabihan kang rendahan ang pagka marupok pero ito daig pa ang nagdalaga kung isipin ang itsura.Shit lihim kong pinagalitan ang sarili ko. Iniisip ko pa talaga ang magpaganda dahil lang dito sa hudas na Matthias? Nakita ko lang nagaarte na ako samantala kanina wala akong pake sa itsura ko.Pinilit kong maging kaswal ang kilos kasi ayaw kong mahalata nitong hudas na affective ako sa makalaglag panty niyang tingin.“Sir! I'm asking you po,” mahina kong sabi dahil sa amin ang atensyon ng dalawa kong katabi na para bang nanonood sila ng isang taping kung maka react.Pinagmamasdan
LoreleiNapako ang tingin ko kay Matthias ng may galit niya akong tawagin. Kung hindi ko lang ito kilala matatakot ako sa galit na nakalarawan sa kanyang mata.“Sorry…” tangi kong nasabi. Naglaban kami ng titigan ni Matthias. Hindi ko nga napansin nasa harapan ko na ang anak kong nakakunot noo at palitan kami ni Matthias na tiningnan.Nakalapit na pala si Zanelle sa amin, kung hindi pa hinila ang laylayan ng suot kong dress, hindi ko namalayan nasa harapan ko na pala ito.“Mama, tino siya?” nagtataka tanong ni Zanelle sa akin, ngunit kay Matthias ito humarap at nag-angat ng tingin sabay ngiti sa hindi pa niya nakikilalang ama.Napalunok ako dahil lalong namula ang mata ni Matthias, ng ngitian siya ni Zanelle.Buti hindi napansin ng anak ko ang tension namagitan sa amin ng ama niya bago ito dumating. Masyado pa naman itong palatanong sa edad niya akala mo matanda kung makapag observe sa nakapaligid sa kanya.“Hi po, wapo mo po,” wika pa nito kay Matthias.Mahinang tumawa si Matthias pag
LoreleiPaktay tinanghali pala ako ngayon ng gising. Dali-dali akong lumingon kay Zanelle na nasa tabi ko pero wala na ang anak ko.Mabilis akong bumangon upang ito ay hanapin at hindi na akong nag-abalang magbihis, basta ko lang pinasadahan ng kamay ko ang may kahabaan kong lampas balikat na buhok, at pagkatapos kong mahagilap ang pahiram ni Regina na pambahay tsinelas. Naglakad na ako patungo sa pinto ng k'warto okupado ko.Kasi nagka sinat si Zanelle, kagabi. Siguro nanibago sa klima dahil maghapon din naman kasi nababad sa lamig ng SMX. Dagdagan pa ng pagod ang bata, sa kakaikot ng magtungo kami sa MOA at seaside after kumain kahapon.Naku po baka inistorbo nito ang Ninang Regina niya. Parehong napuyat kami ng kaibigan ko kasi sinamahan ako sa k'warto at doon na nagpaumaga.Kumunot ang aking noo kasi may kausap na lalaki si Zanelle. Naririnig ko na ang hagikhik nasa pinto pa lang ako."Matthias?" nang makilala ko ang boses.Studio type itong apartment ni Regina. Two bedrooms pero
MatthiasIt's been 3 years, simula ng ikinasal kami ni Lorelei, sa Sanctuary Hotel pero feeling ko noong isang Linggo lang nangyari ‘yon.Araw-araw kasi mas lalo kong minahal ang mabait kong asawa. Oo minsan may away kami ngunit inaayos agad namin ‘yon. Nag-uusap agad kami at gumagawa ng maganda solusyon. Ngunit ang away lang naman namin ay simpleng hindi lang pagkakaunawaan bilang buhay mag-asawa.Ayaw kasi rin namin patatagalin kung sino sa aming dalawa ang may tampo kailangan solve agad hindi pinaabot kinabukasan.If I look back to the past, when Lorelei was Mommy's daughter, it seemed impossible for us to be together. She can never be mine because everyone believes we are siblings.Marami na nga kaming sinuong na pagsubok. But thankful kay God, kasi nalampasan namin ang pinagdaanang unos, at sa kung may darating man na matinding problema kaya naman namin ‘yon lampasan. Ngayon pa ba na may mga anak na kami at mas mahal namin ang isa't isa.Lalo pa nga naging matibay ang aming pagsas
LoreleiAfter four months…“Uh? Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dalawa at alam ko may trabaho pa kayo ngayon?” kunot ang noo ko pareho ko silang tiningnan.“Besh…punta tayo ngayon sa Sanctuary Hotel and resort n'yo,” wika ni Ricky at Regina. Pumasok agad sa loob ng condo hindi ko pa man naaya pumasok. Tsk, ang weird ng mga bestfriend ko.“Lorelei! Tara minsan lang magyaya–”“Ha? Walang kasama si Zanelle, besh, si Tatay kasi nagpaalam maaga pa pumunta sa kaibigan niya.”“Edi isama natin,” wika nilang dalawa.“Paano? Wala si Mang Raul, baka hindi pumayag si Matthias. Pinagmaneho kasi siya patungo raw sa Sanctuary, may asikasuhin.”“Pak na pak? Sakto malilibre tayo ng asawa mo sa entrance ng beach,” palatak ng dalawa.“Sure kayo? Malayo ang Zambales pagod din mag-drive,” paliwanag ko sa kanila.“Girl Scout itong mga BFF mo, may driver akong kasama. Grabe kasi besh, ang init gusto naming mag-swimming,” magpanabay na saad nila.Pumayag ako OA pa ang dalawa nag-apir pa ng sumang-ay
Lorelei“Babe, it's not obvious that you're the excited one,” tudyo ng asawa ko dahil kanina ko pa ito minamadali ng magbihis.Ngayon nasa labas na kami ng pinto sa kwarto ni Tatay. Ngayon araw na kasi ang birthday nito at ang pangako kong sorpresa sa kanya.Bitbit ni Matthias ang ginawa kong vanilla cake, na pinagtatalunan pa namin ‘to, kasi nga suggestion nito paglabas na ni Tatay ng silid niya ngunit mahigpit akong tumutol.Eh, bakit ba? Gusto kong ito agad ang bubungad pag gising ni Tatay ngayong umaga sobrang pakialamero lang itong asawa ko pero nasunod din naman.“Ako ang napapagod sa'yo, Misis. Kasi kagabi ka pa isip nang isip kung anong pagkain ang iluluto mo at hanggang umaga ala-sais pa lang maingay ka na,” wika ulit ni Matthias.Natawa na lang ako sa kaniya.“Hindi ko naman itatangi kasi totoo naman na excited ako kaya ‘wag ka ng komontra, Mister. Para happy tayong dalawa,” wika ko sa kanya kinaangat ng sulok ng taas ng labi niya.“Bakit may mali ba sa sinabi ko?” ulit kong
Lorelei“Mang Raul, sa Pasig po ulit tayo. Sa Manggahan po sa dating apartment na pinuntahan natin ng dalawang beses,” magalang kong sabi rito.“Sige Lorelei," wika ni Mang Raul. "Mabuti na lang pinayagan ka ng asawa mo," mahina itong tumawa tila ba may naalala."Bakit po?" nangiti na rin ako."Noong una, nagalit sa akin iyon at pumayag daw akong ipagmaneho ka rito sa Pasig.”“Inaway ko po masyadong maarte. Ayon wala siyang nagawa,”Masayang humalakhak si Mang Raul.“Kaya pala nakasimangot na lang ng sabihin ko paalis tayo,” natatawa pa wika ni Mang Raul.Kasama ko rin si Ricky at Regina, full support itong dalawa kong bestfriend. Dumating na kasi ang isa ko pang Ate na galing pa ng Province pumayag na mag-usap kami.Sakto lang dahil nangako tutulungan daw ako mapapayag ang panganay naming kapatid.Dalawang Linggo ko rin ito kinumbinsi na pumayag. Kasi grabeng sungit noong una. Mabuti talaga mabilis nalusaw ang kasungitan nito ng mai-kwento ko rito kung gaano pangarap ni Tatay, na mak
Lorelei“Lo!”“Lolo…” napahagulgol ako nang tuluyan itong sumuko nasa sasakyan pa lang kami.Sa ospital dapat ang punta ng ambulance ngunit sa St. Martin funeral home napunta.Busy na si Matthias na tawagan sila Mommy at Lola. Ako tahimik lang habang pinagmamasdan ko ang payapang tulog na si Lolo.Humahangos sila Mommy at Lola Liza maging si Kuya Mattheus at si ate Mayang namumula ang mata katulad kay Daddy.Hinanap ko si Zanelle kila Mommy kasi hindi nila kasama.“Si Rina ang kasama nasa bahay, ‘nak,” wika ni Mommy.“Eh, si Tatay po Mhie?”“Nasa mansyon pa anak. Gusto nga umuwi sa condo n'yo kaya lang sabi ng Dad n'yo, sa bahay muna kasi nandito pa kayo wala siyang kasama roon,”Nilapitan ko si Lola, sa harapan ng Lolo Ronald. Tahimik ito umiiyak sa harapan ng tila tulog lang na si Lolo.“Lola, ayos lang po ba kayo?” ani ko nginitian siya at tumabi ako rito ng tayo hinaplos ang likuran niya.“Apo,” hikbi nito kaya kinabig ko upang yakapin at hinayaan itong umiyak habang yakap ko.“Nag
LoreleiWedding day…Tapos na akong mag-ayos, si Zanelle na ngayon ang binibihisan ko. Twiny kami ng suot na dress ng anak ko kaya hindi ko mapigil mangiti at nanggigil sa cuteness overload nito.“Ang pretty naman ng Zanelle ko,” I giggled. Magkabilang pisngi niya pinanggigilan kong hinalikan.“Itaw lin po Mama, same po Zael, pletty,” aniya niyakap ako sa leeg, tapos ulit-ulit na hinahalikan ako sa pisngi. Iyon ang naabutan ng ka papasok na si Matthias.Tinaasan ako nito ng kilay ng mapansin nito napapangiti ako tiningnan siya mula ulo hanggang paa.“Daddy!” nilapitan ni Zanelle ang ama. “Wow…wapo Daddy ni Zael,” wika nito akala mo matanda na kung nagsalita.“Ikaw din anak ang ganda-ganda,” sagot ni Matthias.“Hehehe opo Daddy, same Mama to danda,” sagot pa nito sa ama.“Sobra! Same kayo ni Mama mo ang pinakamaganda para sa Daddy.”“Babe, tapos ka na?” saad ni Matthias.“Patapos na. Mauna na kayo lumabas ni Zanelle, dadaanan ko pa si Tatay.”“Nauna na, babe kasama nila Mommy,”“Ay hind
Lorelei“Tay!” masaya kung sigaw sabay tinakbo ko ang pinto upang salubungin si Tatay, kasama na siya ni Matthias at si Kuya Mattheus na seryoso.Hindi kasama si Eleazar, kasi may pasok pa sa school ngunit susunod daw kapag naka graduate na payag naman si Tita Candy. Isa pa ayaw na ni Eleazar. Mag-transfer. Kung nakatapos na raw luluwas ng Maynila.Dito na kami nakatira ni Zanelle sa condo unit ni Matthias. Pag-alis kahapon, iniwan naman ang susi sa condo niya bago kami iwanan sa bahay nila Mommy.Nakangiti si Tatay kahit hindi niya ako nakikita. Mahigpit ko itong niyakap. Larawan pareho naming mukha ng saya. I looked at Matthias.“Thank you,” I uttered.Inalalayan ko si Tatay patungo sa sala at pinaupo. Pinagmasdan ko ito baka napagod sa biyahe ngunit mukhang maaliwalas naman ang bukas ng mukha nito.“Tatay ayos lang po ba ang naging biyahe n'yo?” wika ko.“Oo naman ‘nak, ngunit mahinang tumawa. Aba'y nagmamadali itong katipan mo dahil nga kasal n'yo na bukas, ginawa lang pasyalan an
Lorelei“Mommy,” nakanguso kong sabi. Nahihiya akong tumingin sa kaniya kasi kanina pa ako nito tinutukso kung saan daw ako natulog kahit alam niyang magkasama kaming dumating ni Matthias.“Halika ka nga rito anak,” wika nito hinila ako upang mayakap niya.Napangiti ako at hindi na ako nag-aksaya ng oras. Niyakap ko si Mommy Cole ng husto.“Salamat naman nagkabalikan na kayo ni Matthias. Ako ang unang masaya para sa inyong dalawa ‘nak. Mapapanatag na ako kaso mabubuo na rin ang pamilya n'yo ni Matthias,” aniya.“Mhie, susunduin ko lang po pala si Zanelle ha? Diba nagpaalam na si Matthias kanina umalis agad?” “Bukas na kayo umuwi hija,” sagot nito.“Inantay po kasi ako nila Ricky at Regina, Mommy.”“Ganoon ba? Sige, binilin pala ni Matthias, ihatid daw kayo ni Mang Raul,”“Opo Mhie, kaka tawag lang din ulit sa akin akala naman nakakalimot ako.”“Siya sige na baka abutin kayo ng gabi. Naroon ang anak mo sa silid ng ate Mayang mo,”“Sige po tatawagin ko na lang Mommy,” paalam ko sabay
Lorelei“Ang lamig!” tili ko kahit ako'y nakapikit.Gusto kong may mayakap kaso alam ko, wala ang anak ko. Mamaya pa 'yon ibablik nila Mommy kasi hapon pa ang flight namin ni Zanelle.Iniisip ko nasa k'warto ako ni Regina. Nakangiti pa ako kinapa ko ang tabi ko upang hilahin ang gamit na unan ni Zanelle, upang iyon ang yapusin.Gusto kong yakapin upang maibsan ang ginaw. Maybe it rained last night, so it was cold. Electric fan lang naman ang gamit namin ni Zanelle, sa silid na bigay ni Regina, pero dinaig pa ngayon ang naka aircon.Mahigpit kong niyakap ang unan at sinubsob ko pa ang aking mukha dahil nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ni Matthias.Sandali...natigilan ako...hanggang dito ba naman sa silid ni Regina, ginugulo ako ng hudas na si Matthias?Ganito talaga ang amoy ng lalaking 'yon hindi ako maaaring magkamali. Letse pati ba naman sa pagtulog ko, ang lalaking ‘yon sumasagi sa isip ko?Pero paano naman mapupunta ang unan ni Matthias sa silid namin ni Zanelle? Grabe na ba a