TREVOR YOUNG "The family heirloom jewelry ng pamilya ng Presidente ngayon ay nawawala. Sinasabi na kinuha ito ng mga nasa underground." wika ni Agent Willis.Binagsak nito ang papel at doon namin nakita ang family Heirloom ng Presidente."At gusto niya na tayo ang kikilos, ngunit kulang tayo wala si Agent Freyah. Tanging si Freyah ang may kaya gawin ito." wika ni Agent Agatha."Tama ka d'yan, Agent Agatha. Hindi natin kaya kunin ito, dahil hindi ito forte ng mga Agent dito. " pagsang-ayon ni agent Willis.Hindi ko akalain na kahit ito ay hindi kaya ng mga agent sa bansang ito. "Gagawin ko 'yan!" napa lingon kami lahat sa nag salita."Hey! Hindi ka pa ayos!" pagtaas ko ng boses dito. Si Cierra ito naka suot na ito ng lagi niyang suot."Kaya ko, wag ka mag alala basta huwag kayo aalis sa tabi ko. Kailangan ko ang tulong niyo."nginitian ako nito at binalingan ang mga kasama namin."Hindi nabigo si Agent Cole na ipadala kayo dito, kung wala kayo? Hindi namin ito kaya." wika ni Agent John
CIERRA RAVEN FIOR Habang busy ako mamili ng kulay ang mga anak ko naman ay nakita ang santa claus na tingin ko ay nasa 11 feet lang."Mommy can we buy this?" tanong ng anak kong si Tilly.Pasagot na ako ng sumagot ang ama nito. "Sure sweetie, but kapag nag lakad yan sa kalagitnaan ng gabi walang titili ha?" natatawang sagot nito ni Trevor sa anak nito mismo.Hinampas ko naman ang braso nito. "Huwag mo na takutin ang bata!" sermon ko dito pero tumawa lang ito habang tulak tulak ang push cart nito, nahirapan kasi kami dalhin, mabuti at may push cart dito sila."Geez, mommy hindi po 'yun totoo diba?" tanong ng anak kong si Heather na nakasakay sa cart.Bago pa ako maka sagot nakita ko si Tilly na may tinuturo. Si Mama at Luna naman ay kasama si Kuya Tommy at si Yaya sa amin naman ito sumama."Mommy look, may santa claus sa taas po!" tumatalon nito ng wika.Natawa naman kami ni Trevor, pinauna ko si Trevor ako naman ay nasa likod. "Where sweetie?" tanong ni Trevor sa anak niya."There da
CIERRA RAVEN FIOR Tuluyan ng nagkagulo ang buong pamilyang Ferrer at Anderson. Mr. Lyndon Ferrer wants to file the case against Mr. Marcus Anderson.Umamin na rin pala si Diana kalaunan, naka tanaw ako sa labas ng aking opisina pinapanood ko ang pag usad ng mga sasakyan sa ibaba. "Kung ang buhay sana kasing bilis din ng usad ng sasakyan. Sigurado na walang taong nanatili sa nakaraan o sa kasalukuyan. Ngunit hindi kasi ganun ang buhay." wika ko, ang dalawang braso ko at naka cross sa ibaba ng aking dibdib."D'yos ang mag didikta ng panahon para sa'yo, may kaya maka move on agad meron din namang hindi." bulong ko at bumuntong hininga na ako.Tatlong araw simula ng matapos ang gulo na 'yun sa mall. Lahat ng accusation sa akin ay nawala na kahit pa sa internet wala na rin. Pero alam ko na hindi pa dito tapos."Baka nga nag uumpisa pa lang talaga ang totoong laban.." muling bulong ko at bumalik na ako sa aking upuanMuli akong mag trabaho para matapos na ako ngayong araw. Hindi ko alam k
CIERRA RAVEN FIORNang mapag tanto ko na galing sa sniper 'yun ay agad kong kumawala at tinutukan ko ng bar*l si Laxus.Nang ipuputok ko na biglang dumilim ang paligid. "Sh*t!" mura ko ng wala na talaga ako makita."Matalino din ang isang ito, pero hindi kita patatakasin ng walang galos.." na nindig ang katawan ko ng marinig ko ang boses ng babaeng Mafia Boss na si Flame.Wala akong narinig na kahit anong ingay hanggang may bumangga sa akin, naging dahilan ng pagka upo ko sa sahig. "Laxus Ferrer! Hindi pa tayo tapos!" sigaw ko dito. Ngunit wala akong sagot na narinig mula dito.Tahimik lang ang buong paligid namin at tila lahat ay naka tikom ang bibig. "Agents! Anong nangyayari sa inyo?!" nag alala kong tanong."Ayos lang kami, pansamantala lang na hindi namin magamit ang mga earpiece namin." sagot ni Agent John."Nakuha ba natin ang heirloom?" tanong ko, kinapa ko ang sahig at doon ko nakuha ang bar*l ko at dahan dahan akong tumayo.Hindi nakasagot ng isang mabilis na Ilaw ang nakita
CIERRA RAVEN FIOR Nagulat ako sa lumabas na balita tungkol sa pagpapasabog sa isang Police station sa Maynila. "Diyos ko, ano ba ang nangyari sa bansa ngayon?" tanong ni Mama, nag sign of the cross pa ito habang naka tanaw sa malaking TV namin sa sala."Ma, kayo na muna ang bahala sa mga bata aalis ako muna." bilin at paalam ko, mabilis akong umakyat sa taas at nag bihis ako ng ibang damit.Pag baba ko wala ng tao sa sala naka off na rin ang TV, kaya nag madali akong pumunta sa garahe at sumakay sa Aston Martin.Mabilis kong minaneho ito paalis na sakto naman may nagpadala ng mensahe sa akin. Anonymous ito at wala kahit man lang pangalan.Agad kong binasa ito, "Santa Teresa street block 5?" pag babasa ko, binaba ko ang cellphone ko at hinanap ang location na 'yun sa aking digital map.Agad ko natunton ito, doon ako pupunta ngayon, binuksan ko din ang radio ng aking sasakyan mabuti at meron.Narinig ko ang balita na patuloy ang pagpapasabog sa Maynila. Bakit nila ito ginagawa anong da
LAXUS TIMOTHY FERRER Naikuyom ko ang kamao ko ng hindi kami mag tagumpay sa ikalawang pag atake namin. Balak namin patay*n lahat ng tao sa condominium na 'yun.Gusto ko alisin ang atensyon sa akin ng mga p*steng Agent na 'yun. Sa ganung paraan makuha ko si Freyah.Naikuyom ko ang kamao ko at huminga ng malalim, "Tingin mo ba mananalo ka sa kanila?" napa lingon ako sa likod ng may nag salita."Kung ganyan na klase ng pag iisip? Kahit mga kuya at pinsan ko kalaban mo? Hindi ka mananalo." muling wika nito.Doon ko nakita ang mukha nito, nginisian ako nito. "Ikaw ang boss ng DCN ikaw din ang totoong Mafia Lord ng dalawa pang Mafia organization. Ikaw si Flame tama?" tanong ko dito.Alam ko kung sino ito, pero mas gusto ko kumpirmahin. "Wala ng iba. "malamig na sagot nito.Nag lakad pa ito palapit sa akin kaya tinutukan ko ito ng bar*l sa ulo para matakot itong lumapit, ngunit wala lang ito sa kanya. "Alam kong kilala mo ako, si Sebastian Caleb ang nag introduce sa'kin sa'yo, alam mong wa
CIERRA RAVEN FIORILANG ARAW NA ANG LUMIPAS NA TAHIMIK ang buong bansa. Si Lola naman ang apo nito ay tumira na sa bahay.Tuwang tuwa ang mga bata na may isa pa silang Lola. Sabi pa ng kambal ang Mamita niya ay hindi pa Lola kasi hindi pa daw ito kulubot at may ipin pa.Kapag naalala ko 'yun natatawa talaga ako. "Tumatawa ka dyan?" tanong ni Trevor at niyakap ako ng mahigpit mula sa likod ko."Wala, na alala ko lang 'yung sinabi ng mga bata kanina, na hindi pa daw kulubot ang Mamita nila." kwento ko dito. Narinig ko itong tumawa."Hahaha! I heard that too. Anyway hindi ka paba mag papa sukat?" tanong nito sa akin.Humarap ako dito at sinubuan ko ito ang niluto kong meryenda na banana chips. "Sabay na lang tayo with them?" tanong ko din dito pabalik.Tumango naman ito habang ngumunguya, nang maka inom ito saka lang ito sumagot. "Oo pwede naman, para narin kain tayo sa labas after."nginitian ako nito.Pabuka na ang bibig ko para mag salita ng sumigaw ang anak ko. " Daddy! Hinahabol po a
CIERRA RAVEN FIOR DUMATING NA ANG ARAW NG PARTY NG KUMPANYA. Eto na ako at nag aayos ng aking mukha.Ang mga anak ko naman ay binihisan na rin ni Yaya Janet. Patapos na rin naman ako, at mag bibihis na lang."Ang ganda po ng kambal ma'am!" naka ngiting papuri ni Yaya Janet sa kambal. Tumayo na ako at nilapitan sila. "Syempre mana sa mommy!" sagot ko "Tama po kayo! Labas na po ako ma'am para maka pag bihis na po kayo." paalam nito.Umiling ako at pinigilan ito, "Tulungan mo ako Ya mag suot, hindi ko kaya yun!" sagot ko dito.Nag kamot na ito, naka bihis din kasi Yaya black naman ang dress niya syempre kasama siya dahil kasama namin ang kambal. "Sige na nga po." kamot ulo nitong pag payag.Ngumiti naman ako at inutusan ang mga anak ko na umupo at huwag mag dumi. Sinuot ko na ang The Valdrin Sahati white and silver gown, with long slit sa right legs.Medyo revealing ito pero okay para sa akin, nang matapos ako nag suot na ako ng high heels na Silver and Crystal by Jimmy Choo."Ang ga
CIERRA RAVEN FIOR - YOUNGMATAPOS ang kaarawan ng mga bata ay nag si balikan na kaming lahat. Ngayon ay hinahanda na namin ang pagkain para sa aming Noche Buena.Tama kayo lumipas na ang ilang araw matapos ang kaarawan ng kambal. Hindi ko na idi-detagle ang buong nangyari. Naging masaya ang lahat ng araw na 'yun. "Dalian niyo malapit na mag alas dose at magbubukas na tayo ng regalo!" Pag mamadali ni Mama na kina taranta naman namin.Dahil limang minuto na lang ay 25 na ng December. Nang mailagay ko ang handa namin sa mesa ay agad kami nag hintay ng tamang oras.Ang mga bata ang mas higit na excited, naka ngiti lang ako habang pinapanood ang mga bata na nauna pang kumain. Hindi ko naman sila pwede gutumim dahil mga bata 'yan.Tumabi ako sa fiancée ko, sa nagdaan na araw lahat ng gusto namin sa kasal ay nagawa na namin. Nakausap na namin sa aming kinuha na organizer kahit ang catering, wala na kaming po-problemahin dito.Kung kailan ang kasal? Ay sa araw mismo ng kaarawan ko. January 6,
CIERRA RAVEN FIORKINAUMAGAHAN HINATID KO LANG SILA MAMA sa labas ng gate kasama ang mga bata. Kahit si Cassie at sila Manang, Yaya ay kasama na.Kumaway ako hanggang mawala na sila sa paningin ko, ngumiti lang ako at pumasok na ako ng gate. "Hon?" tawag ko kay Trevor na nag presinta na mag hugas ng plato."Yes?" sagot nito sa akin."May cash ka ba? Ibibigay ko lang sa naka duty mamaya na guard. Saka ang pinamili natin para sa kanila sa Christmas and new years eve.." tanong ko dito ng maka lapit ako dito.Sakto naman na tapos na ito mag hugas. "Yeah, nag abot din si Daddy kanina. Ibigay ko daw sa mga guards natin, and the grocery." sagot nito habang nagpupunas ng kamay."Ano kaya papuntahin na lang natin dito?" tanong ko dito. Tiningnan naman ako nito habang sumisimsim ng kape."Pwede Honey, para personal nila makuha." sagot nito, ngumiti ako at tumango.Lumapit ako sa may TV kung saan nakalagay ang telepono namin, agad kong tinawagan ang line sa guard house."Hello ma'am?" sagot ng i
CIERRA RAVEN FIORTATLONG LINGGO ANG LUMIPAS, ito ako ngayon nasa harapan ng Columbarium kung saan nakalagak ang abo ni Laxus.Hawak ko ang bulaklak na kulay puti, pinasok ko ito sa loob may maliit itong pinto. "Patawad kung kailangan humantong sa ganito, hindi man kayo nag ka ayos ni Cassie. Pangako aalagaan ko si Cassie at gagabayan ko siya hanggang kaya na niya ang sarili niya." pagka usap ko dito."Alam ko, hindi ka masaya dahil sa nangyari at alam ko naririnig mo ako. Laxus pakawalan mo na ang sarili mo sa galit at bigat. Patawad dahil hindi ko magawang mahalin ka ulit, mahal ko ang sarili ko Laxus, sana matanggap mo na 'yun. Noong minahal kita nakalimutan ko ang sarili ko." wika ko.Huminga ako ng malalim. "Sa ginawa ko na 'yun, parang ako na rin ang pumat*y sa sarili ko. Laxus, walang may gusto na mangyari ito ngunit nag matigas ka." wika ko.Huminga ako ng malalim at nag salita. "Hindi ako nandito para isumbat sa'yo ang nangyari. Gusto ko lang marinig mo ako, Laxus gabayan mo
CIERRA RAVEN FIORSame hospital ang pinag dalhan kay Agent Trevor at kay Laxus.Nasa loob ako ng isang kwarto kung saan ginagamot ang mga sugat ko habang nasa harap ko si Agent Venus. "Kamusta si Trevor? May balita ka ba? How's the operation?" sunod sunod na tanong ko kay Agent Venus.Bumuntong hininga na ito, "Still ongoing ang operation. Don't worry dumating kami on time, isang malaking pasasalamat na lang din namin na tumulong ang mga tauhan ni Flame sa atin. Hindi nila tayo iniwan, pero umalis agad sila ng maihatid na si Trevor dito." mahabang paliwanag nito.Nakagat ko ang ibabang labi ko ng ibaon ulit ang karayom sa likod ko. Naka dapa ako habang tinatahi ang sugat ko sa likod."Mabuti kung ganun, paano si Laxus?" tanong ko dito, humawak ako ng mahigpit sa unan."Nasa isa pa siyang operating room, ang sabi kailangan na putulin ang dalawang hita niya, kung hindi kakainin ito ng mga bacteria galing sa bakal." paliwanag nito muli."And kapag hindi niya kinaya mamat*y siya.." dugton
CIERRA RAVEN FIOR"Itigil mo ang sasakyan Laxus! May anak ako at may pamilya pa ako! " sigaw ko dito, tumingin ako sa daan dahil lalong binilisan nito ang takbo."No! Hindi ako papayag na maging masaya kayo ng hay*p na lalaking 'yun! Walang magiging masaya!" sigaw nito."Laxus! Makakaya ba ng konsensya mo alisan ng ina ang mga anak ko?! Maliit pa ang mga anak ko!" sigaw na tanong ko dito.Nang kumabig ito pakaliwa, kumapit ako ng mahigpit sa hawakan at sa seat belt na nakalagay sa akin. Pumikit pa ako ng diin at nag dasal.D'yos ko panginoon, 'wag niyo po ako pabayaan may anak pa ako.."Still no! Wala akong pakialam sa mga anak mo!" sagot nito, dahil doon napa dila ako at sa galit ko sa narinig ko.Malakas kong tinadyakan ito sa tagiliran na kina bitaw nito sa manibela. "Wala kang puso! Walang hiya ka!" sigaw ko dito, inalis ko ang seat belt ko at lumuhod ako sa upuan ko at pinag susuntok ito sa mukha."Wala kang karapatan bawiin ang buhay ko o kunin ang buhay ko dahil lang sa gusto m
TREVOR YOUNGTulad ng sinabi sa amin, gabi ililipat si Laxus ng kulungan, lahat ng police at sundalo naka deploy ngayon."Hindi ba talaga kayo sasama sa parada?" tanong ni Agent John."Hindi, tapos na ang trabaho namin mula dito kaya hindi na kami sasali d'yan." pagsisinungaling ko.Sinabi ko sa kanila na si Cierra ay busy sa bahay, ngunit ang totoo ay naka abang lang si Cierra sa hindi kalayuan.Napa tingin ako kay Agent willis, nakatitig lang ito sa lalaking nakatali ng kadena at naka posas pa.Napa tingin ako sa kulungan kung saan nakalagay ang pekeng si Laxus. Kung totoo nga na lalabas posible si Laxus ngayon?Sino ang dapat kong tapusin? Si Laxus o ang pekeng ito.Naka kulong ito sa isang bakal na heras at nakatali ang mga katawan at kamay upang hindi ito maka takbo.Ang suot nito sa leeg ni isang beses hindi man lang umilaw. Nag search ako sa bagay na ito, kapag gamit ito kailangan umiilaw ito.Yun kasi ang paraan para malaman na naka activate ito sa kung sino man ang gagamit. M
CIERRA RAVEN FIORHabang inoobserbahan ko ang kilos ni Laxus sa loob ng kulungan, ni isang beses hindi ito nag salita.Kagabe nag usap pa kami ni Trevor tungkol sa taong ito. Pinag usapan namin kapag hindi pa ito nag salita at nakita namin na may electric choker pa rin ito. Maniniwala na kami na hindi ito si Laxus.Kung tama si Flame ginagawa ito ni Laxus para huwag na kami mag hinala.Kung tutuusin hindi ko alam kung saan si Laxus ngayon kahit si Mildred. Kung totoo na si Laxus ay nasa paligid lang.Pero hindi mawala sa isip ko na nagsasabi ng totoo si Flame. Ni isang beses hindi pa ito nag sinungaling."Sabihin mo sa akin na saan si Mildred?" tanong ko dito. Umupo pa ako para maka pantay ko ito.Ngunit yumuko lang ito and he avoid eye to eye contact. "Sabihin mo sa akin na saan ang totoong Laxus?" bulong kong tanong dito na kina tingin sa akin nito.His eyes is shaking na parang nahuli mo siya sa isang bagay na hindi naman dapat siya ang nandun.Ngumisi ako at nag salita. "Alam kong
THIRD PERSON POVTatlong araw simula ng gumulong ang kaso laban kay Laxus Ferrer. Naka yuko ito habang naka posas ang mga kamay sa kanyang likod.He not able to talk or defense himself, makikita sa gilid si Cierra na hindi gusto ang nagiging takbo ng usapan sa loob ng court.Hanggang ilatag na ang lahat ng evidence na nakuha ng mga police at ang sa mga Agent. Kahit pa ang binigay sa kanila ng batang si Flame.Para kaso Cierra hindi ito maka tarungan. "Pakiramdam ko minamadali nila ang hatol kay Laxus." bulong ni Cierra sa kanyang Fiancé."Yan din ang naiisip ko, sa tatlong araw hindi nila pinag salita si Laxus kahit man lang tanungin ito kung ginawa nga ba niya ang lahat ng inaakusa sa kanya." pagsang-ayon ng fiance nito kay Cierra.Nanatiling nakaupo si Laxus wala itong kahit anong reaction sa mukha hanggang, maramdaman ni Cierra ang kanyang cellphone dahil nag vibrate ito.Dahil injured ang braso nito at nasa kanan niya ang cellphone kaya hindi niya ito makuha. "Hon, paki kuha naman
CIERRA RAVEN FIOR Napa tayo ako ng marinig namin ang pag alarm ng mga serenela sa buong Maynila. "Anong nangyayari?!" tanong ko."May pagtaas ng tubig sa dagat patungo sa kalapit na pantalan!" sigaw ni Agent Phoenix.Kinuha ko ang helmet ko at tumakbo palabas. "Kailangan masabihan na ang mga tao na lumikas doon! Wala bang tsunami?" tanong ko habang sumasakay ako sa motor ko.Nang paandarin ko ito ay mabilis akong umalis sa headquarters. "Wala, kagagawan ito ng bomba na tinanim sa ilalim ng tulay! Mag ingat kayo!" paalala ni Agent Phoenix."Sino may gawa nito?" tanong ko at mas binilisan ko pa, kung itatanong kung nasaan si Trevor? Kasama siya sa operation ngayon."Si Laxus." yun lang, uminit na ang ulo ko. Wala talagang pagbabago ang gag*ng yun!Mas binilisan ko pa ang pag mamaneho hanggang nakita ko nag takbuhan na ang mga vendor sa gilid ng pantalan.Nang pababa na ako sa motor ko nakita ko si Flame at ang dalawang kasama nito, "Pakay din ni Flame si Laxus.." pag bibigay ko ng info