'Let go of who you were. Love who you are. Look forward to who you'll become.'
-UNKNOWN
***
REALIZED.
REI ZAX' POV:
Sa aming paglalakad narating namin ang pwesto kanina ng mga kabataan. May bricks din tulad ng sinampahan namin bago kami pumunta sa mismong dagat.
Nakahawak ang aking kamay sa kamay din ni Laishia habang nakadako ang aming paningin sa bundok at dagat.
Mainit na rin ang panahon dahil sa mag-aalas dyes na ng umaga. Hindi namin ininda ang init dahil sa simoy rin ng hangin na humahaplos sa aming
Napabuntong-hininga ako nang mahina nang makita ko na sa aming harapan si Daxon. Mukha siyang animal kung ngumiti nang wagas habang nasa malayo.Ngunit ang matamis na ngiti niya noong nasa dulo namin siya ay biglang nagbago at napalitan nang pagtataka ang kaniyang ekspresyon.Nakatingin siya kay Laishia na namumula ang mata. Kahit na itago nito ang tunay na nangyari, mahihinuha mo na agad dahil na rin sa mga mata niya.Parang sa motto lamang na naalala ko noon. Hindi ko na matukoy kung ano ang exact words but, according to that motto.Even you hide the deepest pain of yours and pretend like you are okay, the real person will see how miserable person's you are.That's why I already know what's his thinking. Daxon is a real person, and he will never stop bugging you if you keeping it on yourself.Naalala ko na magaling rin kumilatis ang
REI ZAX' POV:"So what happen into your life?" Iyon agad ang unang bigkas na salita ni Daxon nang makarating kami sa aming bahay. At makahanap ng pwesto upang kami ay makapagpahinga.Naghanap ako ng maaari kong gamitin sa pagbato. At nang may makita akong ballpen sa may cabinet na kinatatayuan ko malapit sa aking kwarto, agaran ko iyon kinuha at tinapon sa mismong direksyon ni Daxon na nakaupo sa may sofa.Sakto naman na tumama ito sa pisngi niya. Kaya sumigaw ito nang malakas na parang baboy na kinakatay tuwing nalalapit ang pista."ARAY!" Matalim niya akong tiningnan. Kita sa maputing balat niya ang pagkapula sa aking ginawa.Binigyan ko rin siya nang matalim na tingin. Kaya napaiwas siya sa
REI ZAX'S POV:"Pero ano bang meron sa panibagong writer na iyan?" Ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kaniyang pagkatakhang mukha."Of course there's a tendency that our company choose Laishia to be one of their new writers.""Huh?" Hindi pa rin maipinta sa kaniyang mukha ang kalituhan. "Is that even possible?"'Andito na naman tayo.' Napasapok na lamang ako sa aking noo.Kahit anong magandang paliwanag ang sabihin mo rito, hindi niya pa rin maiintindihan."They hiring." Sambit ko na lamang sa mas mabisang paraan para may pumasok na ideya sa kaniyang mukha.Kita ko naman kung paano lumiwanag ang mata niya. Kapag straightforward talaga ang sasabihin, alam na agad niya."Iyon lang pala. Oo naman! Lalo na ngayon na isa rin pala siyang manunulat. Basta huwag lang siya mahiya sa interview." Sa sinabi niyang iyon, para akong binagsakan ng langi
DAXON'S POV:Kinabukasan, maaga naming nilakbay ang daan papunta sa Talobatib gamit ang sasakyan ni Rei.Siya lamang naman ang may kakayahan na bumili ng sariling kotse, mayroon din naman ako na nabili. Kaso hindi ganon kaganda na nabibili niya at saka malayo ang bahay ko para iyon ang gamitin namin sa pagbabyahe.Hindi na rin ako umuwi ng bahay sapagkat may mga gamit naman ako na nakaimbak sa kwarto ko kapag doon ako natutulog kung minsan. Naging bahay ko na rin ang bahay ni Rei, hindi naman siya madamot at saka ito na rin ang dahilan ko upang pagmasdan ang kilos ng lalaking ito.May saltik kung minsan ang utak, nagagawa niyang saktan ang sarili niya kapag sobra na siya. Nakapangako na siya sa akin noon na hindi niya sasaktan ang sarili, pero p
DAXON'S POV:"NO!!!" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang biglang sumigaw si Rei.Napapreno pa ito ng kaniyang kotse. Dahil na rin sa mabilis ang pangyayari at hindi ko alam na may kasunod pa pala ang pagsigaw niya. At the end, bigla akong napauntog sa headboard nang hindi ganon kalakas. Napapaaray na lang ako nang mahina, kahit hindi malaki ang pagkakaimpact ng aking pagkakauntog. May tendency pa rin na masaktan lalo na kung ang matigas na parte naman ng headboard ang tumama sa aking ulo.'Bwisit!'Hindi ko lang alam kung ano na ba ang nangyari kay Laishia dahil sa labis na pagkagulat. Ngunit napalabi na lamang ako nang bigla akong nakarinig ng sigaw."ANO BA ZACK! PAPATAYIN MO BA KAMI?!"Napaangat ako ng aking ulo at saka iniinat-inat ito upang hindi masyadong masaktan sa pagkakauntog. At para sigurado na walang nasira na buto."Hinay-hinay. Chill! H-hey..." Mababakasan sa boses ni Rei ang takot. Kaya napaharap ako sa dalawa na ito. Masama ang tingin ni Laishia, parang a
DAXON'S POV:"Wait..." Pagpapatigil ko sa kanilang dalawa. "Kanina pa tayo nag-uusap pero 'yung tanong ko hindi pa ninyo sa akin sinasabi.""Ano bang tanong mo?" Sabay na saad din nila.Para silang magkambal.Napairap naman ako sa kawalan. "Ang sabi ko, ano bang pinag-uusapan ninyo tungkol sa pagsasabi ng mura? A-ano...ano bang meron!" Tanong ko muli sa kanila."Iyon ba, nagpustahan kaming dalawa ni Laishia na kung sino man ang magsalita ng masama o badwords. Magbabayad ang isa sa amin ng 20 billion pesos. Kaso dahil masyadong mayabang si Laishia noon, nagpusta siya ng 50 Billion pesos. Panigurado siya na hindi niya magagawa iyon. Pero...""Pero tama siya. Dahil ikaw ang natalo sa pustahan niny
REI ZAX'S POV:Nagkayakapan at nagfist bomb ang bawat isa. Kitang-kita sa mata ang pangungulila ng dalawang lalake kay Daxon. Hindi ko sila kilala pero nararamdaman ko na mapagkakatiwalaan naman ang mga ito.Gusto ko lang masigurado na tama ang sinabi ni Daxon. Minsan ang iba niyang sinasabi ay hindi totoo, nang-aasar lamang siya sa akin para manalo na naman siya."Wait... Where's Kuya L?" Nagtataka nitong tanong. Palingon-lingon pa si Daxon sa buong paligid.Ngunit hindi niya makita ang taong hinahanap niya. Ito yata ang tao na sinasabi niya na makikilala namin kapag pumasok na kami sa loob."Si Kuya ba? Nag-asawa na siya, matagal na rin. Itong kambal niya ang ipinalit para bantayan ang hacie
REI ZAX'S POV:Kitang-kita sa peripheral vision ko kung paano lumawak ang kaniyang ngiti. Matapos kong pirmahan ito ay ganon na lang ang gulat ko nang yakapin ako nito ng walang paalam.Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Nanatili akong nakatayo habang nanginginig ang aking kamao.'Hindi talaga ako sanay na may yumayakap na lang sa akin. Ang gusto ko, ako dapat ang yumayakap sa kanila.'"Salamat!" Mababakasan pa rin dito ang saya sa kaniyang salita.Napangiti na rin ako sa huli, siguro kailangan ko na talagang masanay sa ganito.'How about Laishia? Hindi ba at niyayakap ka rin nito?' Salungat naman ng aking utak.
REI ZAX'S POV:Panibagong araw na naman at panibagong proyekto naman ang aking gagawin ngayon. Kanina pa ako naglalakad sa gitna ng kagubatan na ito upang puntahan ang baranggay lagpan kung saan doon ko kikitain ang isang tao. Isang personal na panauhin ko sa magiging bagong akda ko.Hindi ko inaasahan na magugustuhan din ng aming manager ang ginawa ko tungkol kay Laishia. Akala ko ay hindi niya ito kukunin sapagkat sobrang maselan ng mga pangyayari ang nakapaloob sa kwento. Subalit napansin niya ang magandang lesson sa buhay ni Laishia kung kaya kinuha niya ito at pinabigay na agad sa editor upang suriin at siyasatin.Hindi ko na alam ang lagay ng aking libro sa mga oras na ito sapagkat mas pinili kong ipokus muna ang sarili sa mga mahal ko bago sa mga ito. Iyon muna ang mahalaga sa akin, alam ko na darating ang mga oras na magiging busy na kami sa lahat.Lalong-lalo na ngayon na puno an
Rei Zax's POV:(1 month passed)Sa isang buwan na ito naging payapa ang buhay naming tatlo. Mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa at ang pagmamahalan namin ni Daxon ay tumibay pa. Ganito pala talaga ang pagmamahal, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya kapag kasama siya. Para bang…para bang nasa langit ka.Napakaaliwas at napakasarap. Sana ganito na lang ang buhay, sana patuloy na mananatili ang ganitong eksena sa aming tatlo.Pero alam ko na hindi pa rin nagtatapos ang aming mga pinagdaraanan. Alam kong may darating pa. Sana lang makayanan naming tatlo na harapin ng magkakasama.Kapag hindi nakayanan ng isa, sana ang iba ay tuluyan siyang makaahon ng sabay-sabay."Here's the food!" Malakas na hiyaw ni Laishia galing sa kusina. May dala siyang tray na kinalalagyan ng pagkain habang naglalakad palapit sa amin."Tar
REI ZAX'S POV:Nakauwi ako sa mansyon na masama pa rin ang pakiramdam. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na kaya nilang gawin iyon sa anak at pamangkin nila, at worse hindi rin nila sasabihin ang totoo.Ang dami nilang lusot. Pero nangyari na iyan sa iba, gagawin nila ang lahat para hindi sila makulong. At hindi nila mapagbayaran ang kanilang kasalanan kaya gagawa sila ng paraan."Tsk." Inis na singhal ko sa aking sarili. Kinuyom ko pa ang kamao ko dahil sa labis na galit sa aking dibdib."What happened?" Napalingon ako sa taong nagsalita. Nakita ko si Daxon na nagtataka sa aking ginawa.Napailing naman ako sa kaniya at saka inispread ang aking braso palapit sa kaniyang kinaroroonan. Naiiling naman siyang lumapit kaya malaya ko siyang niyakap.Gabi na naman ngayon. Alas siete na ng gabi ako nakauwi sa bahay. Nagkaroon pa ng problema sa daan k
REI ZAX'S POV:Nakarating na ako sa kulungan sa Masalong, Labo. Malayo ang lugar na ito sa mga kabahayan at halata rin na bago pa lang ang pagkakagawa. Tatlong palapag ito at saka may alambre na nakapaikot sa itaas ng pader ng kulungan. Sinisigurado nila ang kaligtasan ng mga mamamayan para hindi makatakas ang mga taong nasa loob.Hindi ko na iyon pinansin pa at tinuloy ang aking sarili na maglakad papunta sa guard house. Napatayo naman ito sa kaniyang kinauupuan at saka hinarangan ako sa daraanan."Anong sadya mo rito Sir? Hindi po ito oras ng pagbisita." Nagtataka nitong tanong sa akin."Hindi ako pumunta rito para bumisita. Pinapunta ako rito ng isa sa mga pulis na tumulong sa akin."Napansin ko naman kung paano siya magulat at biglang napagilid sa daraanan. "Ganon po ba…kanina pa po kayo hinihintay ni Corp." Tanging tango na lang ang aking iginawad sa guard bago
REI ZAX'S POV:"HOY PAPASUKIN NINYO AKO!" Patuloy sa pagkalampog si Daxon sa pintuan. Hanggang ngayon hindi pa rin namin siya pinapasok hanggat wala siyang sinasabing password."Password muna." Pangisi-ngisi pa kami sa may bintana malapit sa pintuan. At kitang-kita roon ang mukha ni Daxon na hindi maipinta. Nakalabas ang kaniyang kulubot sa noo at ang mata ay masama kung makatingin sa amin.Kung nakakamatay lang talaga iyan, baka kanina pa kami naghihingalo sa lupa."Pa-password password pa. Ano ba kasing meron diyan?" May halong inis sa kaniyang boses at saka nagdadabog sa sahig.Natatawa na lang ako sa kaniya. Para siyang bata kung makaasta talaga."Hayss... Ewan daw sa inyo! Wala talagang forever, password na lang hindi pa alam." Naiiling na saad ni Laishia bago mapahalukipkip."Eh...ang alam ko lang naman password ay 'I love you Rei'
REI ZAX'S POV:Nakarating na kami sa ilog na pinagsasabi ni Laishia kanina habang kami ay kumakain ng umagahan.Nasa labas nga ito ng hacienda at nasa gilid pa nito. May pader na nagtatabing sa mismong bahay ng Don. At sa ilog naman maraming mga bato ang nakapaligid. Puro mga malalaki saka bagay lamang para talunan kung gusto mo.Ngunit, kapansin-pansin din ang mga matatandang naglalaba sa pinakaunahan ng ilog."Wala ba riyan na dumi sa ilalim ng liliguan natin?" Tanong ko agad kay Laishia.Napakibit-balikat din ito sa tanong ko. Lahat naman kami ay walang sagot dahil parehas kaming walang alam patungkol dito."So…" napalingon naman kaming dalawa ni Laishia kay Daxon na nakatingin ng diretso sa kaliwang direksyon namin.Napaharap naman ako roon at biglang napangiwi sa aking nakita.'Hindi ba siya na
REI ZAX'S POV:"A...Ax," pailing-iling pa ako sa mga narinig ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala." Bakit ngayon mo lang sinabi?"Ngumiti lang siya at saka tumingin sa langit." Dahil alam ko, dadagdag lang ako sa problema mo. Ayos lang naman na itago, hanggat kaya pang damdamin. Gagawin ko. Basta ang mahalaga masaya pa tayo.""Pero sinabi ko na sa iyo na walang sekretuhan hindi ba?" Sambit ko sa kaniya nang seryoso. Pero hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.Para ngang hindi niya ako narinig dahil patuloy lamang siya sa kaniyang pagmamasid sa itaas.Limang minuto siya na ganon lamang ang ginagawa. Hindi ko na rin dinagdagan ang aking sinabi dahil magsasalita rin naman siya kapag napagod siya sa kakatungo."Alam ko. Kaya nga nilalabas ko na ito sa iyo para aware ka sa akin kung bakit masyado ba akong makrat sa mga nakapaligid sa atin. Sobrang tagal 'no? Sobrang ta
REI ZAX'S POV:"Look at your reaction! Nakakatawa ka Ax!" Hinawakan ko pa ang aking bibig para hindi lumabas ang nagbabadyang halakhak.Pero hindi ko talaga kayang pigilan. Kung kaya ay tawa na lang ako nang tawa habang patuloy na sumasagi sa aking isipan ang nangyari sa kaniya kanina.Pero ang saya ay napalitan nang hindi kaaya-aya matapos may kakaibang nangyari sa aking katawan.Napaubo ako dahil sa matinding halaklak. Napahawak pa ako sa aking lalamunan dahil sa sobrang hirap makahinga.'Napasobra tuloy ako sa pagtawa. Hays!'Nakarinig naman ako ng tawa sa kabila. Siya naman ngayon ang tumatawa dahil sa akin.
REI ZAX'S POV:Matapos ang madamdamin na eksena sa nakaraan ni Laishia. Nakaramdam siya ng antok kung kaya naisipan namin na patulugin na muna siya.Total anong oras na rin natapos ang pagmamasid at pagtikim namin sa mga prutas sa may bukid. Lalo na ang pagkwekwento niya ng nakaraan.Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Laishia. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari, kaya pala ganon siya umasta tuwing magkasama kami. Ang alak na lang pala ang nagiging solusyon sa problema niya, ni hindi ko man lamang nakita ang mga bagay na iyon. Hindi ko man lamang siya nasamahan sa mga araw na nalulungkot at natatakot siya sa ama't tiyuhin niya.Tunay nga na kaibigan ako sa kaniya, pero para sa akin. Isa akong walang kwenta na kaibigan. Hindi ko man lamang naiisip na may nangyayari na palang hindi maganda sa kaniya.Kung sana lang..."Haist." Mahinang buntong-hininga