HISTORIA’S POINT OF VIEW,
Nakabalik kami ng Academia ng ayos ng araw din na iyon. Kahit na maraming sugatan sa amin ay kompleto pa rin kaming nakabalik.
Kitang kita ko pa ang ngisi ng Head Mistress ng makita ang mga sugatan naming mga kasama. Nakangisi rin ito sa akin na tila natutuwa pa hitsura ko at sa dragon na kasama ko.
Pinatawag din nila nang mismong araw na iyon ang mga leader upang magreport sa Head Quarters.
Hinayaan ko lang sila na paniwalaan ang mga nakita nila sa ilalim ng mga bangin na iyon. May natuklasan akong kakaiba pero nanatiling tikom ang mga bibig ko. Hanggat maaari ay itatago ko ang mga nakita ko hanggang sa makumpirma ko ang mga hinala ko.
Napapaisip ako mula sa mga sophomore hanggang sa mga senior. Ang ilan sa kanila ay ilang beses ng nakarating sa Garden of Fraud pero parang mga wala silang alam kung umasta. May pilit ba silang pinagtatakpan o sadyang mali lang ang iniisip ko? Gusto kong malaman ang
HISTORIA'S POINT OF VIEW,Kinabukasan ay bumalik na sa dati ang lahat. May kaniya-kaniya na naman kaming buhay rito sa loob ng Academia.Heto ako ngayon nasa library, naghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong ko.Gusto kong alamin ang naging buhay ni Kuya rito sa Academia. Gusto kong malaman at makilala ang mga nakasalamuha niya rito. Baka may alam sila tungkol sa mga nangyari kay Kuya.Nakaupo ako sa dulong bahagi ng library habang binubuklat ang libro na naglalaman ng mga mukha at pangalan ng mga naging estudyante ng eskwelahan na ito.Habang nagbubuklat ay hindi nakatatakas sa mga mata ko ang imahe at pangalan ng mga kamag-anak ko. Halos buong pamilya pala namin ay rito na talaga ginugol ang college life nila.Napakunot ang noo ko nang mapansin ang pagmumukha ng Kuya ko sa isang pahina. Tinigil ko ang pagbuklat at nanatili na sa pahinang iyon.Lalong napakunot ang noo ko ng mapansin si Shiloah sa kaniyang tabi. Ang lara
HISTORIA’S POINT OF VIEW,“The ranking system is based on your general averages and points, so don’t blame us if your name is not on the lists. You are the one who made your grades not us. Let’s proceed to the callings. We have three callings; to become mentors, knights and to have the position or be part of the Ace of Legends. In short, maglilingkod kayo sa Academia bilang mga mandirigma.” Tahimik lang ang buong Gymnasium, boses lamang ng Head Mistress ang maririnig sa apat na sulok ng Gymnasium.“Hindi ko na hahabaan pa masyado, dumako na tayo sa huling pwesto. Our top ten is. . . Ryujin Finlas from the first year, Velmort Building A. He got 94 general average with 30, 000 bronse points. Let’s give him a round of applause!” masayang anunsyo ng Head Mistress sa nakakuha ng ikasampung pwesto sa rankings.Nagpalakpakan ang lahat nang tumayo ang lalaking nasa tabi ni Haria at umakyat sa stage, siya pala s
HISTORIA'S POINT OF VIEW,Gaya nga ng napag-usapan ay nag-celebrate kami rito sa Cafeteria. Magkakaharap ang posisyon namin ngayon. Nasa harapan ko si Levi at sa tabi niya naman ay si Persia sunod sina Xylem at Shiloah. Sa tabi ko naman ay si Howard sunod sina Haria at Lian.Habang kumakain kami ay nakikinig lang ako sa kwentuhan nila. Tahimik lang akong kumakain, paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa pwesto ni Shiloah na ngayon ay tawa nang tawa.Gusto ko siyang kausapin, pero wala akonh lakas ng loob na lapitan siya. Siguro ay kakausapin ko siya kapag kami na lang dalawa.“Why are you looking at him?” Napaigtad ako nang biglang may bumulong sa kaliwang tainga ko. Wala akong katabi sa kaliwang side ko dahil ako na ang pinakadulo, sa kanan ko ay si Howard. Kinilabutan ako nang mapagtanto ang pwesto ko, sino ang bumulong sa akin? Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko.“What’s wrong Historia?” tanong ni Howard nan
SHILOAH HANS’S POINT OF VIEW,Ito ang kinatatakot ko noong una pa lang na nakita ko si Historia, ang tanungin niya ako tungkol sa Kuya niya. Kilala ko siya dahil na rin kay Angelo, lagi siyang bukambibig ng kaniyang Kuya.Nakatitig lang ako sa napakalinaw na batis habang nakaupo sa isang bato habang katabi ang tahimik din na si Historia.“Ano ba ang nais mong malaman?” pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa.“Alam kong malapit ka sa Kuya Angelo ko,” paninimula niya. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil inaasahan ko na ito. Tama nga ang hula ko, tungkol ito kay Angelo.“Magkaibigan kami simula pagka—, ehem. I mean simula noong maging magkaklase kami noong first year pa lang kami.” Halos masuntok ko ang sarili ko sa pagiging hindi maingat sa mga salita ko.“Kung ganoon ay kilalang kilala mo na ang Kuya ko?” tanong niya sa akin. Tumango ako sa kaniya.“Lahat n
HISTORIA’S POINT OF VIEW,“Maraming salamat,” saad ko kay Gavin.“Aasahan kita Historia,” sagot niya sa akin gamit ang malalim nitong boses at hinawi ang mga hibla ng buhok ko na nasa mukha ko.“Pinangako mong gagabayan mo ako,” malumanay kong saad sa kaniya.Kahit hindi ko makita ang buong mukha niya ay halata mong nakangiti siya dahil sa mga mata niya.“Aalis na ako, mag-iingat ka. Nandiyan lang ako sa paligid at ginagabayan ka,” muli niyang sagot. Niyakap niya ako at sandali lamang ay naglaho na siya sa harapan ko.“Kakaiba ang boses mo pagdating sa kaniya.” Napaigtad ako nang may magsalita sa likuran ko.Nandirito ako ngayon sa harapan ng dormitory naming mga babae. Dito ako hinatid ni Gavin gaya ng napag-usapan namin.“Anong ibig mong sabihin?” seryoso kong tanong sa kaniya.“Naiinis ako sa tono ng panan
HISTORIA’S POINT OF VIEW,Dahan-dahan akong lumapit sa lamesa upang kumpirmahin ang hinala ko.“Historia?” patanong na tawag ni Kuya Shiloah sa pangalan ko pero hindi ko ito pinansin at tinuon lang ang pansin sa lamesa.Nang makalapit na ako roon ay sumalubong sa aking mga mata ang nakahelerang papel at ang mga libro na tungkol lahat sa Baybayin.“A-Ano iyang mga iyan?” nagtatakang tanong ni Kuya Shiloah.“Simula ba nang umalis si Kuya Angelo ay wala nang pumasok sa kwartong ito?” tanong ko sa kaniya.“Simula nang mawala si Kuya mo ay inanunsyo na ni Head Mistress Iris na isarado at huwag na huwag gagalawin ang kwarto ni Angelo. Ang binigay na dahilan sa amin ng Head Mistress kung bakit hindi na bumalik si Angelo ay dahil nakauwi na ito sa inyo. Kailangan daw si Angelo ng mga Snape dahil may malaking problemang kinahaharap ang pamilya ninyo,” mahabang paliwanag ni Kuya Shiloah.
HISTORIA'S POINT OF VIEW,Naglalakad ako sa Corridor ngayon patungo sa classroom namin, suot-suot ko ang uniform namin sa Mentor Club. Ito raw ang magiging uniform namin habang nasa Mentor Club pa kami.Habang naglalakad ako sa Corridor ay pinagtitingan ako ng mga nadaraanan kong mga kapwa ko estudyante.“Siya iyong rank five, hindi ba? Nalaman ko rin na kapatid siya ni Angelo,” narinig kong saad ng isang babae na nadaanan ko.“Halata naman sa apelyido niya, girl. Kaya pala sobrang close niya kina Levi, dahil siguro sa kaibigan ng Kuya niya ang mga officers,” sagot naman ng kausap niya.Pumikit ako ako nang mariin at saka nagmulat ng mga mata at nagpatuloy lang sa paglalakad, hindi sila tinapunan ng tingin.“Uy pre! Si Historia!” sambit naman ng tinig ng isang lalaki.“Ang ganda niya talaga, pre. Sana sa section natin siya mapadpad. Kung magiging mentor ko siya ay baka pwede na ako
PERSIA’S POINT OF VIEW,Pumunta ako sa harapan ni Historia upang pigilan siya pero agad akong napaurong nang makita ang mata niya na nababalot ng purong itim.“H-Historia,”“Sino ang nagbigay sa iyo ng permiso na sampalin ako?” Sobrang dilim ng aura ni Historia ngayon, halos hindi ko na siya kilala.Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kamay niya na nag-aapoy na, hindi ordinaryong apoy ang lumalabas sa kamay niya. Kulay itim ito imbes na kulay orange.A-Anong kapangyarihan ang nasasaksihan ko ngayon?Hindi ko na siya napigilan pa na lumapit sa pwesto nila Ashley dahil sa takot na bumabalot sa buong pagkatao ko.Biglang humangin ng malakas sa loob ng classroom, bawat sulok ng classroom ay napalilibutan ng umiikot na hangin na tila bumubuo ito ng isang ipo-ipo.Natakip ko ang braso ko sa mukha ko dahil sa sobrang hangin at nag-angatan na ang mga bagay dulot ng malaka
HISTORIA'S POINT OF VIEW, "What's wrong with you?" tanong niya sa akin habng sinusundan ako. "No, what's wrong with all of you?" tanong ko pabalik sa kaniya at saka siya hinarap. Kitang kita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya pero wala na akong ibang nararamdaman kung hindi galit at sobra na akong naguguluhan sa mga nangyayari."You should listen to me, you need to listen to me. Not everyone here is your friend, you need to teach yourself not to trust someone. Lalong lao na yung transferee na yon!" frustrated niyang sagot sa akin. Napasinghap ako at sarcastic na tumawa. "Wow! Just wow! Coming from you! Coming from someone like you!" sagot ko at sinabayan pa ng pagpalakpak na tila ba natutuwa ako sa sinabi niya. Nagulat siya sa naging sagot ko at halata ang pagkalito sa hitsura niya."Historia I'm sorry I-""Stop! Shut up Levi! Hindi ko kailangan ng sorry mo or kahit na sino sa inyo. Ang gusto ko ay malaman ang nangyari sa kuya ko sa eskwelahan na ito. Anong mayroon sa inyong tatl
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Habang naglalakad kami patungo sa Cafeteria ay napapansin ko ang tingin ng mga kapwa namin estudyante sa kasama kong lalaki. Minsan pa ay nagbubulungan sila pero dinig na rinig ko naman ang mga sinasabi nila. “Bakit kasama ni Historia ang transferee na iyan? Baka may masamang binabalak iyan sa eskwelahan natin,” dinig kong bulong nang naraanan naming babae kasama ang kaibigan niya. Napaisip naman ako dahil sa narinig, kaya pala hindi familiar ang mukha niya dahil transferee lang siya. Kung ganoon, saang eskwelahan siya galing? Kaya ba pinag-uusapan siya ng mga kapwa naming estudyante? Napalingon ako sa kaniya at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin din siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin at bahagyang namula, kanina pa siya ganiyan kung makatingin sa akin. Napamaang ako nang tumabi siya sa akin, kaya sabay na ang lakad naming dalawa. “Nagdududa ka rin ba sa akin?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. “Hindi naman, pero nga
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa ni Levi kanina hindi na kami nakapag-usap pa nang maayos dahil tunog ang bell hudyat na simula na ang klase. Dumiretso ako sa classroom ko at gaya ng inaasahan ay mailap ang mga kaklase ko sa akin. Minsan ay nahuhuli ko ang mga tingin sa akin ni Persia pero pinagsawalang bahala ko lang iyon. Hindi pa ako handa na kausapin siya o pakinggan ang paliwanag nila. Pagkatapos ng klase namin nang umaga ay agad akong bumalik sa office ng Head Mistress, kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong malaman ang lahat dahil ayaw ko nang maging tanga. Ayaw ko na pinagmumukha akong tanga. Pagkarating ko sa harap ng pintuan ng office ng Head Mistress ay agad akong kumatok, pero nakakailang katok na ako ay wala pa ring sumasagot. Pinihit ko ang doorknob at nagtaka ako nang bumukas ito palatandaan na hindi naka-lock sa loob. Nagkibit-balikat lang ako at pumasok na sa loob kahit na alam kong wala a
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Napalingon ako sa likuran ko at kitang kita ko si Levi na hingal na hingal habang nakahawak sa mga tuhod niya. Tagaktak ang pawis niya at halatang galing siya sa pagtakbo. Pinunasan ko ang luha ko at nagtatakang nakatingin sa kaniya. Anong ginagawa niya rito? “Levi? Ano namang problema mo, Ijo?” tanong sa kaniya ni Head Mistress na animo’y may pinahihiwatig. “Please accept my apologies for disturbing your conversation, but can I take Historia with me?” seryosong tanong ni Levi na naging dahilan ng paglaki ng mga mata ko. Really?! Ang kapal naman ng pagmumukha niya para hingiin ako, I mean isama ako. Napalingon ako kay Head Mistress at napansin kong tila nakahinga siya ng maluwag pero mabilis din iyong napalitan ng takot nang may marinig kami na kung anong bagay ang nahulog mula sa kwarto na nasa loob lang ng office ng Head Mistress. “Of course, you can. Sa tingin ko ay may mga daga na rito sa office ko, mukhang kailangan ko nang ipalinis ang buong offic
LEVI’S POINT OF VIEW,Napatigil ako at napatitig sa mukha niya, tila bumagal ang buong paligid. Nakatitig lang ako sa kaniya habang nililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok na paminsan-minsan pa ay humaharang ang ilang hibla ng buhok niya sa kaniyang mukha.She's gorgeous as fuck!Tumingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang lumipad siya patungo sa direksyon ko. Naging alerto ako at hinanda ang espada ko pero nang aamba ko na ang espada ko ay bigla siyang naglaho sa harapan ko. Napangisi ako, kahit na hindi ko siya nakikita ay nararamdaman ko kung na saan siya.Nagpalinga-linga ako sa paligid, nagkukunwari na hinahanap siya ng mga mata ko. Nang maramdaman ko na ang presensya niya na papalapit sa akin ay mabilis akong lumipad.“I’m summoning the God of Seasons— Mapulon, lend me your strength! Leaves proper sphere, release!” sigaw ko at nag
HISTORIA’S POINT OF VIEW,Napatitig ako sa mga mata niya. Ito ba ang gusto mo, Levi? Ang nakikita akong nasasaktan? Puwes ipakikita ko sa iyo kung paano ako masaktan!“Ahh!” sigaw ko at mabilis na siyang tinulak palayo sa akin at saka humarap sa Fear Black na umatake sa akin sa likuran ko.Sunod-sunod ang pagwasiwas ko sa espada ko habang sunod-sunod silang nahahati dahil sa pagtama ng espada ko sa tagiliran nila. Galit na galit ako, gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko.Nawalan ako ng balanse dahil sa biglaang pagtalsik ko nang tamaan ako ng black magic sa balikat.“Historia!” rinig kong sigaw ni Trigger. Lumapit silang dalawa ni Warren sa akin at tinulungan akong tumayo. Hingal na hingal ako habang nakayuko at pilit na pinapatatag ang mga binti ko.Nagpupuyos ako sa galit, hindi ko na makontrol pa ang sarili ko.
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Nakatitig lang ako sa professor na nagsasalita sa harapan pero ang isipan ko ay umiikot sa ibang bagay. Nagkukunwari lamang akong nakikinig pero nasa ibang lugar ang isipan ko. Next week na ang simula ng War of Cities, nabalitaan ko na bago magsimula ang patimpalak ay makababalik na ang Head Mistress dito sa eskwelahan. Hindi na ako makapaghintay na malaman ang tinatago nilang sekreto sa akin. Siguro oras na rin para siya ang tanungin ko tungkol sa nangyari sa Kuya Angelo ko. Natigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng mga sigawan sa labas na nakapagpatigil din sa professor namin sa pagtuturo. Kahit ang mga kaklase ko ay nagtataka at napupuno na ng bulungan ang buong classroom. Napatingin ako sa pintuan at napansin na dumidilim ang buong paligid. “Uulan ba?” mahina kong tanong sa sarili ko. “Saglit lang class, titignan ko ang n
HISTORIA’S POINT OF VIEW,Simula nang araw na ginamit ko ang training ground ng walang paalam ay hindi ko na muling pinansin pa ang magkakaibigan na iyon. Simula rin nang araw na iyon ay ginugol ko na lang ang sarili ko sa pag-eensayo para sa nararating na War of Cities. Alam ko naman na kagrupo ko sila at hindi ko sila maiiwasan lagi pero habang training month pa lang ay nilalayo ko muna ang sarili ko sa kanila.Balita ko ay malapit na ring umuwi ang Head Mistress, marami pa siyang dapat ipaliwanag sa akin. Iniisip ko rin ang Kuya Angelo ko, hindi ko pa nalalaman ang tunay na nangyari sa kaniya. Patong patong na ang problema ko, pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin pa. Pero hindi ako susuko dahil nararamdaman kong malapit na ako sa katotoohanan.Biglang pumasok sa isipan ko ang narinig ko noong araw na dinala ako ni Levi sa clinic. Isa pa iyong gumugulo sa isipan ko pero ang taas ng pride ko, ayaw kong lumapit s
SHILOAH’S POINT OF VIEW,“Dapa!” sigaw ko at saka agad nagtago sa ilalim ng lamesa ng mga computer. Napatakip ako ng tainga at mahigpit na pinikit ang mga mata ko.Nakarinig kami ng malakas na pagsabog at nakaramdam ng malakas na pagyanig ng lupa na nanggaling sa loob ng training ground.Napamulat ako ng mga mata at natagpuang maayos pa rin ang buong system room. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, nakadapa rin ang mga kasama namin dito sa loob kagaya ko. Nagpapasalamat ako na wala akong nakitang basag na salamin sa sahig, ibig sabihin ay hindi nawasak ni Historia ang buong training ground.Tumigil ang malakas na pagsabog at ang pagyanig ng lupa. Nang masigurado kong tumigil na ang pagyanig ng lupa ay tumayo na ako upang siguruhin ang nangyayari sa loob ng training ground.“A-Anong nangyari?” tanong ni Haria na nasa tabi ko na pala. Dumiret