Share

CHAPTER 34: DARK EYES

Author: Plumarie02
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

HISTORIA'S POINT OF VIEW,

Naglalakad ako sa Corridor ngayon patungo sa classroom namin, suot-suot ko ang uniform namin sa Mentor Club. Ito raw ang magiging uniform namin habang nasa Mentor Club pa kami. 

Habang naglalakad ako sa Corridor ay pinagtitingan ako ng mga nadaraanan kong mga kapwa ko estudyante.

“Siya iyong rank five, hindi ba? Nalaman ko rin na kapatid siya ni Angelo,” narinig kong saad ng isang babae na nadaanan ko.

“Halata naman sa apelyido niya, girl. Kaya pala sobrang close niya kina Levi, dahil siguro sa kaibigan ng Kuya niya ang mga officers,” sagot naman ng kausap niya.

Pumikit ako ako nang mariin at saka nagmulat ng mga mata at nagpatuloy lang sa paglalakad, hindi sila tinapunan ng tingin. 

“Uy pre! Si Historia!” sambit naman ng tinig ng isang lalaki.

“Ang ganda niya talaga, pre. Sana sa section natin siya mapadpad. Kung magiging mentor ko siya ay baka pwede na ako

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 35: HER ANGER

    PERSIA’S POINT OF VIEW,Pumunta ako sa harapan ni Historia upang pigilan siya pero agad akong napaurong nang makita ang mata niya na nababalot ng purong itim.“H-Historia,”“Sino ang nagbigay sa iyo ng permiso na sampalin ako?” Sobrang dilim ng aura ni Historia ngayon, halos hindi ko na siya kilala.Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kamay niya na nag-aapoy na, hindi ordinaryong apoy ang lumalabas sa kamay niya. Kulay itim ito imbes na kulay orange.A-Anong kapangyarihan ang nasasaksihan ko ngayon?Hindi ko na siya napigilan pa na lumapit sa pwesto nila Ashley dahil sa takot na bumabalot sa buong pagkatao ko.Biglang humangin ng malakas sa loob ng classroom, bawat sulok ng classroom ay napalilibutan ng umiikot na hangin na tila bumubuo ito ng isang ipo-ipo.Natakip ko ang braso ko sa mukha ko dahil sa sobrang hangin at nag-angatan na ang mga bagay dulot ng malaka

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 36: MEDALLION

    PERSIA'S POINT OF VIEW,Kitang-kita ko pa rin ang takot at ang pagkabalisa ng mga kaklase ko dahil sa nangyari.Kahit labag sa akin na iwan ang mga kaklase ko sa ganitong sitwasyon ay kailangan ko pa rin silang iwanan, kailangan kong sumunod sa uto ng Head Mistress.Nauna nang lumabas sina Kuya Levi at Kuya Howard na lumabas ng classroom dala-dala sina Historia at Ashley sa laboratory.Sumunod na rin ako sa mga officer at sa Head Mistress na kasabay maglakad si Sir Lincoln.Kasabay kong maglakas si Xylem na tahimik lang at halatang may malalim na iniisip.Ano kaya ang ibig sabihin ni Sir Lincoln sa ‘tama nga ang hinala namin’? Hinala saan? May kakaiba bang nangyari? Konektado ba iyon sa nangyari kina Historia at Ashley?Habang patungo kami sa office ay kaniya-kaniyang tingin sa amin ang mga nadaraanan naming estudyante na nasa loob ng classroom nila. Marahil ay alam na nila kung bakit naririto ang mga officer at ang

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 37: BETRAYED

    HISTORIA'S POINT OF VIEW,Minulat ko ang mga mata ko at natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng isang napakalawak na puting kwarto.Sinubukan kong bumangon pero agad rin akong tumumba nang tinangka ko. Ginalaw ko ang mga kamay ko pero nakaramdam ako ng mabigat na bagay sa mga kamay at paa ko.Sinuri ko ang buong sarili ko at ngayon ko lang napagtanto na nakakadena ang mga kamay at paa ko. Nakasuot ako ng isang puting bestida at kung may anong bagay ang nakalagay sa ulo ko.Sinong may gawa nito akin? Anong nangyari, bakit wala akong maalala? Anong ginagawa ko rito?Nakahiga ako sa sahig habang nakakadena ang mga kamay at paa. Hindi ko rin magalaw ng ayos ang buo kong katawan, animo’y bugbog sarado.Pinilit kong tumayo kahit na hinang hina pa ang katawan ko.Sinubukan kong higitin ang mga kadena na nasa kamay ko ngunit masyadong mahina ang katawan ko at nanglalambot.Hindi ko rin maramdaman ang buo kong kapangyarihan sa kwart

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 38: PROPHECY

    LEVI CRUISE’S POINT OF VIEW,Nakatitig lang ako sa maamong mukha ni Historia. Tulog ito pero nakalutang ang katawan niya habang nasa loob ng isang bilog na ginawa mula sa mga ugat ng puno— ang Cirroo Tester.Ang Cirroo Tester ay isang uri ng ugat ng mga puno na ginawang pabilog. Galing ang mga ugat sa puno ng Atrilium na may kakayahan kalkulahin ang kapangyarihan ng isang tao.Nakasuot si Historia ng puting bestida at may koronang ginto sa ulo. Napakaganda ng prinsesa ko.Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nalaman na niya ang lahat. Natatakot akong tuluyan na siyang mawala sa akin.Natatakot ako sa maaring mangyari kung sakaling malaman niya ang nakaraan niya at kung bakit siya ganito ngayon.Natatakot akong kamuhian niya ako sa nagawa ko sa kaniya, natatakot ako na baka tuluyan ng gumuho ang natitira kong pag-asa.“Ginugulo ka na ba ng konsensya mo?” Napalingon ako sa nagsalita, hindi ko napansin na nas

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 39: CRESTRIA

    PERSIA'S POINT OF VIEW,“Nagkaroon ng away ang dalawang magkapatid na nauwi sa isang matinding duwelo. Walang nagawa ang dalagang si Crestria dahil hindi siya pinayagan ni Moowan na umakyat sa langit upang makita ang pakikipagduwelo nito sa kapatid. Lumikha ang duwelo ng magkapatid ng malalakas na kulog at kidlat sa langit.”Bumukas na ang libro ng propesiya, ito na ba ang senyales ng nalalapit na pagbabalik ni Goddess Crestria?Tahimik lang akong nakatitig sa libro na naglalahad ng nangyari sa Diyos at Diyosa ng Parallel Dimension.“Ngunit agad ring natigil ang duwelo ng magkapatid nang dumating ang isa pa nilang kapatid na si Sunria— ang prinsesa at ang diyosa ng kagandahan at kabusilakan. Malambot ang puso ng bunsong kapatid kung kaya’t hindi nila magawang saktan ang damdamin nito. Naging maginhawa ang pakiramdam ng dalagang si Crestria nang mabalitaan na hindi na natuloy pa ang mapaminsalang duwelo ng dalawang

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 40: PAST

    HISTORIA’S POINT OF VIEW,Pumasok ako sa isang mall kahit na ganito ang suot ko. Nakapagtataka lang na walang pumapansin sa akin. Kahit ang guard ay hindi ako sinita. Malapit ko ng isipin na walang nakakikita sa akin.Naagaw ang pansin ko ng isang babae na nakatalikod sa akin, hindi ganoon kalayo sa pwesto ko. Likod pa lang ay halata mo ng sexy ito at mayaman dahil sa magara niyang damit at bag.Lumapit ako sa babaeng iyon at mahina siyang kinalabit.“Miss?” pagtawag ko sa kaniya. Napakunot ang noo ko nang hindi ako nito pansinin at palinga-linga lang siya sa paligid na halata mong may hinahanap.“Miss?” pag-ulit ko pero wala talaga itong balak na pansinin ako. Napabuntong-hininga ako at tatalikod na sana nang bigla itong sumigaw.“Sebastian!” sigaw niya at kumaway sa direksyon sa harapan niya. Napalingon ako sa kinawayan niya at nanlaki ang mga mata ko sa nakikita.“D-Daddy?” bula

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 41: POVs

    XYLEM’S POINT OF VIEW,“Sit down, everyone!” saad ni Head Mistress habang nakatayo sa Harapan.Agad tumalima ang mga tao rito sa loob ng Head Quarter sa utos ng Head Mistress.“Malinaw na, na si Historia at Crestria ay iisa. Sigurado ako na malalaman at malalaman ito ng mga Hoffman. Nagdadalawang isip ako kung ipaaalam natin sa kaniya ang tungkol sa tunay niyang katauhan o ililihim muna ang katotohanan sa kaniya. Kailangan ko munang makausap ang mga magulang niya at alamin ang katotohanan kung paano napunta sa kanila si Historia,” seryosong saad ng Head Mistress.Kitang kita ko ang pagsang-ayon sa mga mukha ng mga taong naririto ngayon sa Head Quarter. Marahil ay nakukuha nila ang punto ng Head Mistress. Nakapagtataka nga naman kung paano nangyari ang ganitong bagay.Kahit ako ay nagtataka sa totoong katauhan ni Historia, malayong malayo siya sa Historia na nakilala ko noong bata pa ako. Pakiramdam ko ay may nagbago sa

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 42: KINO

    HEAD MISTRESS IRIS’S POINT OF VIEW,“Malinaw na, na si Historia at Crestria ay iisa. Sigurado ako na malalaman at malalaman ito ng mga Hoffman. Nagdadalawang isip ako kung ipaaalam natin sa kaniya ang tungkol sa tunay niyang katauhan o ililihim muna ang katotohanan sa kaniya. Kailangan ko munang makausap ang mga magulang niya at alamin ang katotohanan kung paano napunta sa kanila si Historia,” seryoso kong saad sa harapan nila.Tumango ang mga kasama naming administrator dito sa loob ng Head Quarter.“Masyado na tayong malapit sa katotohanan at hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita sa amin ang Head Master. Paano tayo uusad sa lahat ng ito kung hindi namin makakausap ang Head Master?” tanong ng isa sa mga administrator na si Damien.Natutop ang bibig ko at halos hindi ako makasagot sa tanong niya. Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto at lahat sila ay nakatingin sa akin na kapwa naghihintay sa magiging sagot ko.

Latest chapter

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 63: REVEALATION

    HISTORIA'S POINT OF VIEW, "What's wrong with you?" tanong niya sa akin habng sinusundan ako. "No, what's wrong with all of you?" tanong ko pabalik sa kaniya at saka siya hinarap. Kitang kita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya pero wala na akong ibang nararamdaman kung hindi galit at sobra na akong naguguluhan sa mga nangyayari."You should listen to me, you need to listen to me. Not everyone here is your friend, you need to teach yourself not to trust someone. Lalong lao na yung transferee na yon!" frustrated niyang sagot sa akin. Napasinghap ako at sarcastic na tumawa. "Wow! Just wow! Coming from you! Coming from someone like you!" sagot ko at sinabayan pa ng pagpalakpak na tila ba natutuwa ako sa sinabi niya. Nagulat siya sa naging sagot ko at halata ang pagkalito sa hitsura niya."Historia I'm sorry I-""Stop! Shut up Levi! Hindi ko kailangan ng sorry mo or kahit na sino sa inyo. Ang gusto ko ay malaman ang nangyari sa kuya ko sa eskwelahan na ito. Anong mayroon sa inyong tatl

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 62: TRANSFEREE

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Habang naglalakad kami patungo sa Cafeteria ay napapansin ko ang tingin ng mga kapwa namin estudyante sa kasama kong lalaki. Minsan pa ay nagbubulungan sila pero dinig na rinig ko naman ang mga sinasabi nila. “Bakit kasama ni Historia ang transferee na iyan? Baka may masamang binabalak iyan sa eskwelahan natin,” dinig kong bulong nang naraanan naming babae kasama ang kaibigan niya. Napaisip naman ako dahil sa narinig, kaya pala hindi familiar ang mukha niya dahil transferee lang siya. Kung ganoon, saang eskwelahan siya galing? Kaya ba pinag-uusapan siya ng mga kapwa naming estudyante? Napalingon ako sa kaniya at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin din siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin at bahagyang namula, kanina pa siya ganiyan kung makatingin sa akin. Napamaang ako nang tumabi siya sa akin, kaya sabay na ang lakad naming dalawa. “Nagdududa ka rin ba sa akin?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. “Hindi naman, pero nga

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 61: DISCOVER

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa ni Levi kanina hindi na kami nakapag-usap pa nang maayos dahil tunog ang bell hudyat na simula na ang klase. Dumiretso ako sa classroom ko at gaya ng inaasahan ay mailap ang mga kaklase ko sa akin. Minsan ay nahuhuli ko ang mga tingin sa akin ni Persia pero pinagsawalang bahala ko lang iyon. Hindi pa ako handa na kausapin siya o pakinggan ang paliwanag nila. Pagkatapos ng klase namin nang umaga ay agad akong bumalik sa office ng Head Mistress, kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong malaman ang lahat dahil ayaw ko nang maging tanga. Ayaw ko na pinagmumukha akong tanga. Pagkarating ko sa harap ng pintuan ng office ng Head Mistress ay agad akong kumatok, pero nakakailang katok na ako ay wala pa ring sumasagot. Pinihit ko ang doorknob at nagtaka ako nang bumukas ito palatandaan na hindi naka-lock sa loob. Nagkibit-balikat lang ako at pumasok na sa loob kahit na alam kong wala a

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 60: MOMENT

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Napalingon ako sa likuran ko at kitang kita ko si Levi na hingal na hingal habang nakahawak sa mga tuhod niya. Tagaktak ang pawis niya at halatang galing siya sa pagtakbo. Pinunasan ko ang luha ko at nagtatakang nakatingin sa kaniya. Anong ginagawa niya rito? “Levi? Ano namang problema mo, Ijo?” tanong sa kaniya ni Head Mistress na animo’y may pinahihiwatig. “Please accept my apologies for disturbing your conversation, but can I take Historia with me?” seryosong tanong ni Levi na naging dahilan ng paglaki ng mga mata ko. Really?! Ang kapal naman ng pagmumukha niya para hingiin ako, I mean isama ako. Napalingon ako kay Head Mistress at napansin kong tila nakahinga siya ng maluwag pero mabilis din iyong napalitan ng takot nang may marinig kami na kung anong bagay ang nahulog mula sa kwarto na nasa loob lang ng office ng Head Mistress. “Of course, you can. Sa tingin ko ay may mga daga na rito sa office ko, mukhang kailangan ko nang ipalinis ang buong offic

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 59: SHE'S DEAD

    LEVI’S POINT OF VIEW,Napatigil ako at napatitig sa mukha niya, tila bumagal ang buong paligid. Nakatitig lang ako sa kaniya habang nililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok na paminsan-minsan pa ay humaharang ang ilang hibla ng buhok niya sa kaniyang mukha.She's gorgeous as fuck!Tumingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang lumipad siya patungo sa direksyon ko. Naging alerto ako at hinanda ang espada ko pero nang aamba ko na ang espada ko ay bigla siyang naglaho sa harapan ko. Napangisi ako, kahit na hindi ko siya nakikita ay nararamdaman ko kung na saan siya.Nagpalinga-linga ako sa paligid, nagkukunwari na hinahanap siya ng mga mata ko. Nang maramdaman ko na ang presensya niya na papalapit sa akin ay mabilis akong lumipad.“I’m summoning the God of Seasons— Mapulon, lend me your strength! Leaves proper sphere, release!” sigaw ko at nag

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 58: REVEALED

    HISTORIA’S POINT OF VIEW,Napatitig ako sa mga mata niya. Ito ba ang gusto mo, Levi? Ang nakikita akong nasasaktan? Puwes ipakikita ko sa iyo kung paano ako masaktan!“Ahh!” sigaw ko at mabilis na siyang tinulak palayo sa akin at saka humarap sa Fear Black na umatake sa akin sa likuran ko.Sunod-sunod ang pagwasiwas ko sa espada ko habang sunod-sunod silang nahahati dahil sa pagtama ng espada ko sa tagiliran nila. Galit na galit ako, gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko.Nawalan ako ng balanse dahil sa biglaang pagtalsik ko nang tamaan ako ng black magic sa balikat.“Historia!” rinig kong sigaw ni Trigger. Lumapit silang dalawa ni Warren sa akin at tinulungan akong tumayo. Hingal na hingal ako habang nakayuko at pilit na pinapatatag ang mga binti ko.Nagpupuyos ako sa galit, hindi ko na makontrol pa ang sarili ko.

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 57: FEAR BLACK

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Nakatitig lang ako sa professor na nagsasalita sa harapan pero ang isipan ko ay umiikot sa ibang bagay. Nagkukunwari lamang akong nakikinig pero nasa ibang lugar ang isipan ko. Next week na ang simula ng War of Cities, nabalitaan ko na bago magsimula ang patimpalak ay makababalik na ang Head Mistress dito sa eskwelahan. Hindi na ako makapaghintay na malaman ang tinatago nilang sekreto sa akin. Siguro oras na rin para siya ang tanungin ko tungkol sa nangyari sa Kuya Angelo ko. Natigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng mga sigawan sa labas na nakapagpatigil din sa professor namin sa pagtuturo. Kahit ang mga kaklase ko ay nagtataka at napupuno na ng bulungan ang buong classroom. Napatingin ako sa pintuan at napansin na dumidilim ang buong paligid. “Uulan ba?” mahina kong tanong sa sarili ko. “Saglit lang class, titignan ko ang n

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 56: THEM

    HISTORIA’S POINT OF VIEW,Simula nang araw na ginamit ko ang training ground ng walang paalam ay hindi ko na muling pinansin pa ang magkakaibigan na iyon. Simula rin nang araw na iyon ay ginugol ko na lang ang sarili ko sa pag-eensayo para sa nararating na War of Cities. Alam ko naman na kagrupo ko sila at hindi ko sila maiiwasan lagi pero habang training month pa lang ay nilalayo ko muna ang sarili ko sa kanila.Balita ko ay malapit na ring umuwi ang Head Mistress, marami pa siyang dapat ipaliwanag sa akin. Iniisip ko rin ang Kuya Angelo ko, hindi ko pa nalalaman ang tunay na nangyari sa kaniya. Patong patong na ang problema ko, pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin pa. Pero hindi ako susuko dahil nararamdaman kong malapit na ako sa katotoohanan.Biglang pumasok sa isipan ko ang narinig ko noong araw na dinala ako ni Levi sa clinic. Isa pa iyong gumugulo sa isipan ko pero ang taas ng pride ko, ayaw kong lumapit s

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 55: CHANGES

    SHILOAH’S POINT OF VIEW,“Dapa!” sigaw ko at saka agad nagtago sa ilalim ng lamesa ng mga computer. Napatakip ako ng tainga at mahigpit na pinikit ang mga mata ko.Nakarinig kami ng malakas na pagsabog at nakaramdam ng malakas na pagyanig ng lupa na nanggaling sa loob ng training ground.Napamulat ako ng mga mata at natagpuang maayos pa rin ang buong system room. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, nakadapa rin ang mga kasama namin dito sa loob kagaya ko. Nagpapasalamat ako na wala akong nakitang basag na salamin sa sahig, ibig sabihin ay hindi nawasak ni Historia ang buong training ground.Tumigil ang malakas na pagsabog at ang pagyanig ng lupa. Nang masigurado kong tumigil na ang pagyanig ng lupa ay tumayo na ako upang siguruhin ang nangyayari sa loob ng training ground.“A-Anong nangyari?” tanong ni Haria na nasa tabi ko na pala. Dumiret

DMCA.com Protection Status