Share

CHAPTER 2

Author: Aura
last update Last Updated: 2020-05-04 21:56:57

KASALUKUYANG tinatalakay nina Jenny at Annabelle ang paksang ipipresenta sa klase. Nakaupo sila sa pang-apatang bilog na mesa ng students’ park.

“Good afternoon, girls!” bati sa kanila ni Fred, ang masugid na manliligaw ni Annabelle. Nagsa-sunbathing siguro ito noong nagsabog ng mahabang pasensiya ang Panginoon dahil kahit ilang beses na niyang inayawan ay sige pa rin sa pagsuyo.

Estudyante rin ito ng eskuwelahang iyon pero hindi sila magkaklase. Kagaya nila, nasa ikatlong taon na rin ito ng kolehiyo. Anak ito ng konsehal ng bayan na nagkataong kumpadre din ng ama ni Annabelle. Maituturing na rin niya itong kababata. May itsura naman si Fred, mabait. Iyon nga lang ay payat at hindi kataasan. Nasa one inch lang ang agwat ng taas nila. Hindi niya masyadong type ang ganoon. Mas tipo niya ang matatangkad at may katamtamang muscles. Iyong nagtataglay ng mahahaba at malalakas na brasong kaya siyang yapusin at ipagtanggol sa kung sino mang manakit sa kaniya.

‘Kaparis ng morenong sundalo.’ Pinilig ng dalaga ang ulo sa isiping iyon. Bakit ba ang taong iyon agad ang pumasok sa isip niya?

Naalala niya kung paano bumilis ang pintig ng  kaniyang puso noong una nilang pagkikita, lalo na noong lumapit ito sa kanila. Naalala niya kung paano niya nahigit ang hininga kaya nauutal siyang nakipag-usap kay Manong Ben.

“Hoy, Anna!” nakangiting untag ni Fred.

“Pasensiya ka na, may iniisip lang ako. Ano ulit ang sinasabi mo?”

“Nangungumusta lang naman ako. Mukhang busy yata kayo sa reports n’yo, aalis na din ako. May meeting din kami ng . . .” tumingin ito sa relo nito, “alas-singko. Mauna na ako, mag-iingat kayo,” paalam nito.

“Sige, mag-iingat ka din,” ganti ni Jenny.

Pagkatapos nilang mag-discuss ay umuwi na rin sila ni Jenny. Naglalakad ang magkaibigan sa gilid ng daan nang may marinig na boses ng lalaking nagsalita sa ’di kalayuan.

“Hi, mga miss!” Sa nakangiting maputing sundalo ang narinig nilang boses. Kasama nito ang sundalong moreno. Kung noon ay naka-gray na T-shirt ang huli, ngayon naman ay nakaitim na pinaresan ng green na walking shorts. Nakasombrero ito na green din at nakaitim na running shoes. Sa tingin ni Annabelle ay parte iyon ng uniporme ng mga ito.

Mataman lang itong nakatingin sa kanila. Nakaramdam ng pagkaasiwa si Annabelle kaya umiwas siya ng tingin.

“Hi daw, oh,” siko ni Jenny. “Sagutin mo.”

Dili ko! (Ayoko nga!)” piksi ng dalaga at nagpatuloy sa paglalakad.

“Pauwi na ba kayo? Hatid na namin kayo,” dagdag ng maputing sundalo.

“Anna, kausapin natin. Tulungan mo ’ko, tagalog, e. Baka maubusan ako.”

“Bahala ka, kausapin mo kung gusto mo.” At walang lingon-likod na iniwan niya si Jenny.

Narinig niyang sinagot ng kaibigan ang mga ito. “Opo, Sir, pauwi na kami, salamat po pero huwag na lang. Kaya naman namin. Iniwan na po ako ng kasama ko, ba-bye!” Pagkatapos ay humabol sa kaniya.

 

LUNES ng umaga, break time. Naglalakad si Annabelle sa hallway ng eskuwelahan patungong office ng amang principal. Nakalimutan siyang bigyan ni Teofilo ng baon na pera pambili ng meryenda. E, nagutom siya kaya sisingilin niya ito.

Pagkapasok niya ng main door ay napansin niyang wala ang sekretarya ng ama sa mesa. Ang mesa nito ay nakapuwesto sa labas ng pintuan ng private principal’s office.

‘Baka pumunta ng banyo?’

Dumiretso siya sa pintuan ng opisina at binuksan iyon nang hindi kumakatok. Nasorpresa siya nang makitang may bisita pala ang ama pero napapatda nang mapagtanto kung sino iyon.

“Annabelle?” nagtatakang sambit ni Tiofilo.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya inakalang magkikita sila ng binata nang umagang iyon at sa opisina pa talaga ng ama. Naging abnormal na naman ang salsal ng kaniyang puso. Napakatikas nito sa suot na berdeng camouflage. May nakapaloob din doon na berdeng undershirt na nasisilip niya sa bandang dibdib. Sa paa ay itim na boots. Nakaupo ito sa silyang katapat ng mesa ng ama.

Narinig niyang tumikhim ang binata kaya napapahiyang ibinaba niya ang tingin. Ramdam ni Annabelle ang pag-iinit ng kaniyang mukha. Na-i-imagine niyang nagkukulay makopa na ang mga pisngi niya, lalo na ang mga tainga. Nahuli siya nitong pinag-aaralan ang itsura nito! Napaisip tuloy siya kung aalis na lang ba nang hindi nakakahingi ng pera. Manghihiram na lang muna siya kay Jenny.

Subalit naunahan na siya ng ama. “Annabelle, ano’ng ginagawa mo rito?”

“Ahm, Papa, hihingi lang po sana ako ng . . . baon,” halos pabulong niyang sabi dahil nako-concious siya.

Nakita niyang may dumaang amusement sa mga mata ng binata sa narinig. Mas lalo siyang nakaramdam ng hiya at inis dito.

“Siya nga pala, Miguel, siya si Annabelle, ang bunso at unica hija ko. Third year na siya. Hija, magbigay galang ka kay Lt. Luis Miguel Saavedra. Siya ang isa sa mga officer ng sundalo sa kampo.”

“Good morning po, Sir,” mahinang sabi ng dalaga.

Hindi niya inasahan ang pagtayo ng sundalo at paglahad ng 

isang kamay sa harap para sa isang lamano. Napatitig siya ng ilang sandali roon bago niya ito inabot. Naghatid ng bolta-boltaheng kuryente ang pagkakadaop ng kamay nila. Dumaloy iyon sa kaniyang braso at katawan dahilan upang bigla siyang bumitaw na tila napaso.

“Good morning. Nice to meet you, Annabelle,” nakangiting sagot ng binata at tumuwid ng tayo. Ang sarap sa pandinig ng baritono nitong boses na naghatid na naman ng kakaibang damdamin sa kaniya. Mas lalo siyang na-tense kaya mabilis niyang hiningi ang sadya at saka nagmamadaling lumabas.

 

“SIS! May chismis ako sa iyo. Mainit pa! Kasing init ng kinakain mong fishballs,” tili ni Jenny. Kasalukuyan silang nasa labas ng gate ng eskuwelahan. Natakam si Annabelle sa mga bagong lutong fishball kaya bumili siya.

“Hmn, ano na naman?” Hindi talaga nahuhuli sa balita itong best friend niya kaya gustuhin  man ni Annabelle o hindi ay updated din siya sa mga pangyayari.

“Guess what?” pagsisimula ni Jenny.

“What?”

“Tutulong ang mga poging soldier natin sa security management ng eskuwelahan. So ibig sabihin, makikita at makakasama natin sila. Live na, araw-araw pa! Healthy ’yon sa mata,” tili na naman nito na may palundag-lundag pang nalalaman.

Marahil ay iyon ang pinag-usapan ng lalaki at ng papa niya kanina sa opisina.

“Ang popogi nila, ’di ba, sis? Type ko ’yong maputi. Sana kasama siya sa pupunta dito,” ani Jenny.

Pinandilatan niya ito habang nginunguya ang fishballs.

“Bakit ba? Don’t tell me hindi ka naku-cute-an sa kanila? Kahit isa sa kanila?”

“Tandaan mo ang sinabi ko, Jen.” Kinagat ni Annabelle ang huling fishball at naunang pumasok ng eskuwelahan.

“Sungit nito,” habol ni Jenny.

Noong hapon ngang iyon, pagkatapos ng flag ceremony, ay tumulong ang mga sundalo sa pag-neutralize ng traffic sa harap ng eskuwelahan. Ang iba naman ay inaalalayang makasakay ng traysikel ang mga bata.

Related chapters

  • SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED   CHAPTER 3

    “UUWI ang Kuya Winston at Rene mo sa Sabado, Anna. Sigurado akong na-mi-miss mo na sila,” ani Mrs. Cora. “Kaya magluluto ako ng masarap na ulam. Ano’ng request mo ngayon, mahal ko?” Pinisil ng ina ang pisngi ni Annabelle.“Ginisang hipon, Mama!” magiliw na sagot ng dalaga. Nasa sala sila at nanonood ng TV.“Favorite mo talaga iyan, anak, ano? Kahit pa siguro araw-arawin,” natatawang sabi ni Mrs. Cora. “O siya, sige, magluluto ako.”“Yehey!”Galing sa kusina ay lumabas ang ama niyang may bitbit na tasa ng tsaa. “Mang, iimbitahin ko rin iyong nakilala kong opisyal ng sundalo, si Miguel. Nagkausap kami kanina sa opisina. Gusto ko ang batang iyon. Mabait, magalang, at karespe-respetado. Magaling sa trabaho. Sigurado akong magkakasundo kami niyon.” anito.“Oo naman, Pang. Imbitahan mo nang makilala naman n

    Last Updated : 2020-05-04
  • SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED   CHAPTER 4

    NAKAPILA sila ni Jenny sa cafeteria. Lunch break nila iyon kaya mahaba-haba ang linya. Naabutan sila ni Fred doon.“Anna, Jen, makikisabay na ako sa inyo. Nakakawalang ganang kumain kapag nag-iisa. Ayos lang ba?”“Oo naman. Libre naman maki-join, e,” sagot ni Jenny.“Siya nga pala, pupunta ba kayo sa disco ngayong linggo? Bago daw ang gagamiting sound system ni Kapitan kaya siguradong maganda ang tunog. Magdadagsaan na naman ang mga taga-kabilang bayan. Siguradong enjoy ’yon,” anito.Biglang nabuhayan ng loob si Jenny. Yamot na ito sa mahabang pila. “Ay, oo! Punta tayo, sis. Ang boring na ng life natin lately, bahay-eskuwelahan na lang lagi.”“A, titingnan ko. Si Papa kasi, e . . .” Siguradong hindi siya papayagan niyon. May pagka-conservative kasi ang pamilya niya.“Ay

    Last Updated : 2020-05-04
  • SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED   CHAPTER 5

    KINABUKASAN ng hapon ay nakaabang na si Miguel sa labas ng gate ng eskuwelahan. Nakasuot ito ng puting T-shirt na pinatungan ng black leather jacket at hapit na kupasing maong, prente itong nakaupo sa itim na motorsiklo. Nakapatong ang kanan nitong paa sa footrest ng motorsiklo at ang kaliwa naman ay nakatukod sa lupa. Ngumiti ito nang makita sila.Parang gustong pulutin ni Annabelle ang puso niyang nahulog sa lupa nang mapagmasdan ang guwapo nitong mukha.“Whoa, Annabelle! Tama ba ang nakikita ko? Si ano ’yan, ’di ba?” usisa ni Jenny.“Si Miguel,” pagkumpirma niya at gumanti ng ngiti sa binata.Mataman siyang tinitigan ni Jenny. “Ba’t parang may naalala akong sangkatutak na paalala at babala tungkol sa mga taga-Maynila? Sino nga ba’ng nagsabi niyon?”“Tigilan mo nga ako. Nagmamagandang loob lang ’yon

    Last Updated : 2020-05-04
  • SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED   CHAPTER 6

    NASA hapagkainan si Annabelle kasama ang mga magulang.“Annabelle, nabalitaan kong madalas kang hinahatid ni Miguel dito sa bahay galing eskuwela.” Nagulat siya sa biglaang pagtatanong ng ama.Kahit ine-expect niya ng malalaman ng mga ito ang bagay na iyon ay hindi pa rin niya maiwasang kabahan.Paano niya iyon sasagutin at ipaliliwanag sa ama?Baka mag-isip ito ng masama.“O-opo,” nakatungo niyang sagot.Namayani ang katahimikan sa buong kusina. Tanging kalansing lamang ng mga kubyertos ang naririnig. Si Mrs. Cora ay nakamasid lang din.“Aba’y maganda iyan,” hindi inaasahang sabi nito. Biglang naitaas ng dalaga ang tingin. Nasorpresa siya, pati ang ina niya ay hindi rin makapaniwala.“O, bakit ba? Mas mabuti iyon. May bodyguard na ang anak ko, opisyal pa ng s

    Last Updated : 2020-05-04
  • SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED   CHAPTER 7

    NAGPATULOY ang pagsundo ni Miguel kay Annabelle. Iyon nga lang ay may pagbabago. Naging ‘mas’ na ito sa maraming bagay. Mas maalaga, mas maaalahanin, mas malambing, at higit sa lahat, mas protective. Minsan, nagiging strikto na rin ito, lalo sa mga isinusuot niya. Imbes na mainis, kinikilig siya sa ideyang iyon.Siniguro nito sa kaniya na pormal itong aakyat ng ligaw. Na nagsimula nga nang gabing iyon.Guwapong-guwapo ito sa suot na light blue jeans at black polo shirt. Traditionally, gaya ng ipinangako nito, may bitbit itong bugkos ng white roses at malaking teddy bear. Hindi mahilig sa matatamis si Annabelle kaya hindi rin ito nagdala ng tsokolate. Minsan naman, hindi lang siya ang may pasalubong, pati ang mga magulang niya. Mainit ang pagtanggap ng mga magulang niya sa binata, lalo na ang ama niya na halatang botong-boto rito. Minsan nga ay parang ito na ang nililigawan ng binata dahil silang

    Last Updated : 2020-05-04
  • SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED   CHAPTER 8

    MARTES ng umaga. Kasalukuyang nagbibigay ng instructions si Miguel sa grupo. Nakahilera ang mga itong nakatikas-pahinga sa harap niya. Full geared na silang lahat at handa na para sa pag-alis.“At exactly ten hundred hours dapat ay nandoon na tayo sa area. Further instructions for this assignment will be given by Captain Francisco. Naghihintay siya doon,” wika niya sa malakas na tinig.Lumapit si Rudy mula sa likod niya.“Your precious angel is here, bud,” bulong nito. D-in-ismiss na niya ang grupo at nagtungo sa kubong tanggapan. Nakatayo si Annabelle roon at may bitbit na maliit na paper bag.“Annabelle?” sambit niya rito.Lumingon ang dalaga sa gawi niya at patakbong yumakap. “Miguel . . .”“Bakit ka nandito?”“Gusto lang kitang makita

    Last Updated : 2020-05-04
  • SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED   CHAPTER 9

    KASALUKUYANEKSAKTONG alas-dose ng tanghali nag-landing ang eroplanong sinakyan ni Annabelle. Sinundo siya ng kapatid niyang si Rene sa airport. Bumiyahe sila nang araw ding iyon papuntang Bansalan. Hapon ng alas-singko na sila nakarating ng bahay. Mainit na sumalubong si Mrs. Cora kasama ang hipag niyang si Rosana at ang anak nito.“Kumusta ang biyahe mo, Annabelle? Mas lalo kang gumanda!” Nakilala ito ng kapatid sa Digos kung saan ito nagtatrabaho. Nang makasal ay lumipat ang mga ito sa Magsaysay malapit sa kanilang bahay.“Mabuti naman, Rose. Salamat.”“Nagpaitim ka yata ng buhok? Sa pagkakatanda ko, brown ang buhok mo noon, ’di ba?” Naisipan nga niyang ibahin ang kulay ng buhok niya noon sa Amerika para maiba naman ang dating ng mukha niya.“Oo, nagpa-ha

    Last Updated : 2020-05-12
  • SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED   CHAPTER 10

    BUMABA ng taxi si Annabelle pagkatapos magbayad. Tiningala niya ang gusali sa kaniyang harapan. Magkahalong kaba at galak ang nararamdaman niya.Humugot siya ng isang malalim na hininga bago humakbang papasok sa isang electronic sliding door. Tila doon siya makakakuha ng lakas para ituloy ang nais gawin. Bumungad sa kaniya ang dark gray interior. Sa gitna ay may pader na kulay krema. Binasa niya ang malalaking letrang kulay itim na nakapaskil doon, STEEL SECURITY AGENCY. Sa kanang bahagi ay may isang itim na leather couch at oblong-shaped glass center table. The interior looks elegant and clean. Nag-complement dito ang isang palm plant na maayos ang pagkakalagay sa isang sulok.“Good afternoon, Ma’am. How may I help you?” bati sa kaniya ng receptionist. Nakatayo ito sa likod ng counter. Petite ang babae, maputi, at alon-alon ang brown na buhok. Nakasuot ito ng white Chinese collared blouse na pi

    Last Updated : 2020-05-12

Latest chapter

  • SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED   EPILOGUE

    KUMUHA sila ng airline tickets for two to Chicago the next day pagkatapos ng madamdamin nilang tagpo. At dahil flight na nila kinabukasan, nandoon si Annabelle ngayon sa SSA, sa private room ng binata. Kasama ni Miguel si Anton sa opisina at abala ang mga ito sa endorsements ng mga gawain sa kompanya. Si Anton na muna ang mamamahala ng SSA habang wala si Miguel.Naaliw siyang pagmasdan ang mga interior ng kuwarto. It was a total opposite of the SSA office. Kung sophisticated and very manly ang dating niyon, ang kuwarto naman ay cozy. Tila hindi iyon parte ng opisina.She got a glimpse of a familiar thing sa isang glass shelf. Napasinghap ang dalaga nang masiguro kung ano ang bagay na iyon.“Mon-Mon . . .” Maingat itong nakalagay sa isang plastic transparent box. Hindi niya inakalang matatagpuan ang laruang iyon sa kuwarto. Katabi niyon ay isang red velvet box.

  • SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED   CHAPTER 18

    NAPUTOL ang pakikipag-usap ni Miguel sa telepononang maulinigan ang tila pagtatalo sa labas ng opisina niya. Tatayo na sana siya para silipin iyon nang biglang bumukas ang pinto.“Sir! Hindi po talaga puwedeng makausap si Mr. Saavedra sa ngayon,” saad ng guwardiya habang pinipigilang pumasok ang lalaking bisita.“This is very important. I need to talk to him right now!” paggigiit ng lalaki. He could see in his face na hindi ito titigil hangga’t hindi siya nakakaharap.“Its okay, Jay,” he interrupted. “Papasukin mo siya.”Binitiwan ng guwardiya ang braso ng lalaki at hinayaang pumasok sa loob. The man stretched his back and fixed his clothes in a smug way.“And you are?” tanong niya rito.“Huh! So hindi mo na ako nakilala?” panimula nito.

  • SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED   CHAPTER 17

    ALAS-singko ng umaga, nagising si Fred sa ring ng cellphone niya. Pupungas-pungas niyang sinagot ang tawag.“Hello, Anna? Good morning.”“Fred . . .” Garalgal ang boses ng nasa kabilang linya kaya tuluyan na siyang nagising.“What happened? Umiiyak ka ba?”“Please, sunduin mo ’ko.”“Hey, Anna, what happened?”“Saka ko na ipapaliwanag sa iyo. Just please, come here.” Binigay nito ang eksaktong address ng resort. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at pinuntahan ang babae.“I SWEAR I’m gonna kill that bastard!” Galit na naisuntok ni Fred ang kamao sa manibela.“Fred, it’s fine. I’m fine.”“No, Annabelle! It’s definitely not okay! Pagkatapos ng

  • SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED   CHAPTER 16

    NAKALUTANG si Annabelle sa mababaw na bahagi ng beach in a supine position. Ang pares ng kaniyang mga mata ay diretsong nakatanaw sa madilim na kalangitan. Pagkatapos nilang umalis ni Jenny sa restobar ay naglakad-lakad na lamang sila. Naalala niya ang sabi nito.“Hindi ako makapaniwalang nagawa niya ’yon!” inis na sabi ni Jenny. “Napakaespesyal ng kantang ’yon. Lagi kong pinaniniwalaang may feelings pa siya sa iyo. But after what he did tonight? Argh! Malilintikan talaga sa akin ang lalaking ’yon!” nanggigigil na sabi nito.“Jenny, huwag na nating pilitin ang ayaw na. Anyway, before ako nagbalik, alam kong mangyayari na ito.” ‘Pero hindi ko inakalang ganito pala kasakit,’ dagdag niya pero hindi na isinatinig.Mag-aalas-onse na ng gabi nang maghiwalay sila. Hindi pa siya inaantok kaya napagpasyahan niyang magtampisaw muna sa dagat. Iilan na lang ang nakik

  • SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED   CHAPTER 15

    UMAGA ng pangalawang araw nila sa beach. Alas-singko pa lang ay dilat na ang mga mata ni Annabelle. Madaling araw na siya nakatulog pero hindi niya alam kung bakit maaga rin siyang nagising. Nag-inat siya, nag-toothbrush, at naghilamos. Lalabas siya, siguradong kasisikat pa lang ng araw.Hindi nga nabigo ang dalaga. Paglabas niya ng cottage, sumalubong sa kaniya ang pang-umagang ihip ng hangin. Napangiti siya nang makita ang araw na kasisilip pa lang. Patakbo niyang pinuntahan ang dalampasigan.Wala pa masyadong tao roon pero may nakikita siyang magkapareha na naliligo sa unahan.Naghubad siya ng tsinelas at pumunta sa dagat. Huminto siya kung saan naaabot ng alon ang mga paa, dinama niya iyon. Para siyang batang nilaro-laro ang mga alon.Ang sarap bumalik sa pagkabata. Kung kaya niyang ikutin ang panahon, hindi siya magdadalawang-i

  • SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED   CHAPTER 14

    “GOOD afternoon, Ma’am. Anong item po ang hanap n’yo?” magiliw na bati ni Annabelle sa babaeng pumasok sa hardware nila. Pinauwi niya ang kaniyang ina para makapagpahinga kaya siya muna ang nakatoka roon.“So you’re Annabelle,” sabi nito sa halip na sagutin siya.Napakunot-noo siya. “Yes, I am. And you are?”“I’m Nancy Alcantara, daughter of Counselor Alcantara,” taas-noo nitong pakilala. Naalala niya ang sinabi ni Jenny. Ito pala iyon. Maganda ito, matangkad, medyo morena pero pantay. Gaya ng sabi ni Jenny, may hint ng pagka-bitch.“How may I help you, Miss Alcantara?” she asked.“Nothing, I just want to . . .” tila nag-iisip pa ito ng maidadahilan, “check if you’re fine now. I was with Miguel noong sinugod ka sa hospital.”“I am well now, thank you.” Parang hindi nama

  • SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED   CHAPTER 13

    “WHAT was that, Miguel?!” hindi makapaniwalang tanong ni Rudy. “Are you out of your mind?”Nanatiling walang imik ang binata. Nakaupo lang siya sa swivel chair. Hindi man lang nag-atubiling ayusin ang nagulong buhok.“Hindi ako makapaniwalang nagawa mo ’yon!” Rudy ranted. “For God’s sake, wake up, buddy. That was Annabelle! ANNABELLE,” pagdidiin nito, nagbabakasakaling hindi pa nag-si-sink in sa utak niya iyon. “Hindi siya isa sa mga babaeng napulot mo lang sa kung saan. Bud, she’s the love of your life.”“Was,” pagtatama niya rito.“Alam kong galit ka, at may karapatan kang maramdaman ’yon. But, bud, not like this. Huwag kang gumawa ng kalokohan na pagsisisihan mo lang sa huli.”“It’s none of your business.” Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Ang alam lang niya ay galit siya at kailangan niyan

  • SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED   CHAPTER 12

    BANDANG hapon na humupa ang mga tao. Hindi na rin masyadong busy si Jenny.“Okay ka lang ba, Anna? Pasensiya ka na, sis, ngayon lang ulit kita na-accomodate.” Lumapit ito sa kaniya na may dalang dalawang kopita ng wine.“No worries, sis. Okay lang ako. Maya-maya uuwi na din ako.” Hindi na niya namataan si Miguel simula noong engkuwentro nila. Naiwan na lang ang lalaking kasama nito na ngayon ay kausap si Rudy.Ilang sandali ay lumapit ang mga ito sa mesa nila. “Bud, I want you to formally meet Annabelle Reñedas, Jenny’s best friend. Kararating lang niya from the States three weeks ago,” pagpapakilala nito sa kaniya. “Anna, this is our friend Anton dela Cerna. He was with us in the battalion before, kung naaalala mo. Kasama din namin siya sa SSA.” Inilahad ni Anton ang kamay sa harap niya. Tinanggap din niya iyon nang nakangiti. Pero ang totoo ay awkward sa kaniya

  • SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED   CHAPTER 11

    NAGPAKAWALA ng mahabang hininga si Miguel nang tuluyang naglapat ang pintuan pasara ng office. Ngayon lang niya napagtanto na kanina pa niya pigil iyon.Bakit ito nandito? Bakit ito bumalik? Kung kailan maayos na ang buhay niya. Kung kailan nasanay na siyang mamuhay ng wala ito. At bakit pa ito nakipagkita sa kaniya? Para guluhin ulit ang buhay niya? Higit sa lahat, may asawa na ito. Alam ba ng asawa na nagpunta ang babae rito?Tila eksena sa pelikula na nag-flashback sa kaniya ang mga pangyayari. Pitong taon na ang nakalipas. Pangyayaring nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay niya.Masyado siyang naapektuhan sa biglang pagkawala nito kaya nawala ang focus niya sa trabaho. Isang taon matapos tuluyang natuldukan ang ugnayan niya rito, nangyari ang pinakamalaking biro ng tadhana. He was shot with a rifle straight to his chest. Buong akala niya ay katapusan n

DMCA.com Protection Status