NAGPATULOY ang pagsundo ni Miguel kay Annabelle. Iyon nga lang ay may pagbabago. Naging ‘mas’ na ito sa maraming bagay. Mas maalaga, mas maaalahanin, mas malambing, at higit sa lahat, mas protective. Minsan, nagiging strikto na rin ito, lalo sa mga isinusuot niya. Imbes na mainis, kinikilig siya sa ideyang iyon.
Siniguro nito sa kaniya na pormal itong aakyat ng ligaw. Na nagsimula nga nang gabing iyon.
Guwapong-guwapo ito sa suot na light blue jeans at black polo shirt. Traditionally, gaya ng ipinangako nito, may bitbit itong bugkos ng white roses at malaking teddy bear. Hindi mahilig sa matatamis si Annabelle kaya hindi rin ito nagdala ng tsokolate. Minsan naman, hindi lang siya ang may pasalubong, pati ang mga magulang niya. Mainit ang pagtanggap ng mga magulang niya sa binata, lalo na ang ama niya na halatang botong-boto rito. Minsan nga ay parang ito na ang nililigawan ng binata dahil silang
MARTES ng umaga. Kasalukuyang nagbibigay ng instructions si Miguel sa grupo. Nakahilera ang mga itong nakatikas-pahinga sa harap niya. Full geared na silang lahat at handa na para sa pag-alis.“At exactly ten hundred hours dapat ay nandoon na tayo sa area. Further instructions for this assignment will be given by Captain Francisco. Naghihintay siya doon,” wika niya sa malakas na tinig.Lumapit si Rudy mula sa likod niya.“Your precious angel is here, bud,” bulong nito. D-in-ismiss na niya ang grupo at nagtungo sa kubong tanggapan. Nakatayo si Annabelle roon at may bitbit na maliit na paper bag.“Annabelle?” sambit niya rito.Lumingon ang dalaga sa gawi niya at patakbong yumakap. “Miguel . . .”“Bakit ka nandito?”“Gusto lang kitang makita
KASALUKUYANEKSAKTONG alas-dose ng tanghali nag-landing ang eroplanong sinakyan ni Annabelle. Sinundo siya ng kapatid niyang si Rene sa airport. Bumiyahe sila nang araw ding iyon papuntang Bansalan. Hapon ng alas-singko na sila nakarating ng bahay. Mainit na sumalubong si Mrs. Cora kasama ang hipag niyang si Rosana at ang anak nito.“Kumusta ang biyahe mo, Annabelle? Mas lalo kang gumanda!” Nakilala ito ng kapatid sa Digos kung saan ito nagtatrabaho. Nang makasal ay lumipat ang mga ito sa Magsaysay malapit sa kanilang bahay.“Mabuti naman, Rose. Salamat.”“Nagpaitim ka yata ng buhok? Sa pagkakatanda ko, brown ang buhok mo noon, ’di ba?” Naisipan nga niyang ibahin ang kulay ng buhok niya noon sa Amerika para maiba naman ang dating ng mukha niya.“Oo, nagpa-ha
BUMABA ng taxi si Annabelle pagkatapos magbayad. Tiningala niya ang gusali sa kaniyang harapan. Magkahalong kaba at galak ang nararamdaman niya.Humugot siya ng isang malalim na hininga bago humakbang papasok sa isang electronic sliding door. Tila doon siya makakakuha ng lakas para ituloy ang nais gawin. Bumungad sa kaniya ang dark gray interior. Sa gitna ay may pader na kulay krema. Binasa niya ang malalaking letrang kulay itim na nakapaskil doon, STEEL SECURITY AGENCY. Sa kanang bahagi ay may isang itim na leather couch at oblong-shaped glass center table. The interior looks elegant and clean. Nag-complement dito ang isang palm plant na maayos ang pagkakalagay sa isang sulok.“Good afternoon, Ma’am. How may I help you?” bati sa kaniya ng receptionist. Nakatayo ito sa likod ng counter. Petite ang babae, maputi, at alon-alon ang brown na buhok. Nakasuot ito ng white Chinese collared blouse na pi
NAGPAKAWALA ng mahabang hininga si Miguel nang tuluyang naglapat ang pintuan pasara ng office. Ngayon lang niya napagtanto na kanina pa niya pigil iyon.Bakit ito nandito? Bakit ito bumalik? Kung kailan maayos na ang buhay niya. Kung kailan nasanay na siyang mamuhay ng wala ito. At bakit pa ito nakipagkita sa kaniya? Para guluhin ulit ang buhay niya? Higit sa lahat, may asawa na ito. Alam ba ng asawa na nagpunta ang babae rito?Tila eksena sa pelikula na nag-flashback sa kaniya ang mga pangyayari. Pitong taon na ang nakalipas. Pangyayaring nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay niya.Masyado siyang naapektuhan sa biglang pagkawala nito kaya nawala ang focus niya sa trabaho. Isang taon matapos tuluyang natuldukan ang ugnayan niya rito, nangyari ang pinakamalaking biro ng tadhana. He was shot with a rifle straight to his chest. Buong akala niya ay katapusan n
BANDANG hapon na humupa ang mga tao. Hindi na rin masyadong busy si Jenny.“Okay ka lang ba, Anna? Pasensiya ka na, sis, ngayon lang ulit kita na-accomodate.” Lumapit ito sa kaniya na may dalang dalawang kopita ng wine.“No worries, sis. Okay lang ako. Maya-maya uuwi na din ako.” Hindi na niya namataan si Miguel simula noong engkuwentro nila. Naiwan na lang ang lalaking kasama nito na ngayon ay kausap si Rudy.Ilang sandali ay lumapit ang mga ito sa mesa nila. “Bud, I want you to formally meet Annabelle Reñedas, Jenny’s best friend. Kararating lang niya from the States three weeks ago,” pagpapakilala nito sa kaniya. “Anna, this is our friend Anton dela Cerna. He was with us in the battalion before, kung naaalala mo. Kasama din namin siya sa SSA.” Inilahad ni Anton ang kamay sa harap niya. Tinanggap din niya iyon nang nakangiti. Pero ang totoo ay awkward sa kaniya
“WHAT was that, Miguel?!” hindi makapaniwalang tanong ni Rudy. “Are you out of your mind?”Nanatiling walang imik ang binata. Nakaupo lang siya sa swivel chair. Hindi man lang nag-atubiling ayusin ang nagulong buhok.“Hindi ako makapaniwalang nagawa mo ’yon!” Rudy ranted. “For God’s sake, wake up, buddy. That was Annabelle! ANNABELLE,” pagdidiin nito, nagbabakasakaling hindi pa nag-si-sink in sa utak niya iyon. “Hindi siya isa sa mga babaeng napulot mo lang sa kung saan. Bud, she’s the love of your life.”“Was,” pagtatama niya rito.“Alam kong galit ka, at may karapatan kang maramdaman ’yon. But, bud, not like this. Huwag kang gumawa ng kalokohan na pagsisisihan mo lang sa huli.”“It’s none of your business.” Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Ang alam lang niya ay galit siya at kailangan niyan
“GOOD afternoon, Ma’am. Anong item po ang hanap n’yo?” magiliw na bati ni Annabelle sa babaeng pumasok sa hardware nila. Pinauwi niya ang kaniyang ina para makapagpahinga kaya siya muna ang nakatoka roon.“So you’re Annabelle,” sabi nito sa halip na sagutin siya.Napakunot-noo siya. “Yes, I am. And you are?”“I’m Nancy Alcantara, daughter of Counselor Alcantara,” taas-noo nitong pakilala. Naalala niya ang sinabi ni Jenny. Ito pala iyon. Maganda ito, matangkad, medyo morena pero pantay. Gaya ng sabi ni Jenny, may hint ng pagka-bitch.“How may I help you, Miss Alcantara?” she asked.“Nothing, I just want to . . .” tila nag-iisip pa ito ng maidadahilan, “check if you’re fine now. I was with Miguel noong sinugod ka sa hospital.”“I am well now, thank you.” Parang hindi nama
UMAGA ng pangalawang araw nila sa beach. Alas-singko pa lang ay dilat na ang mga mata ni Annabelle. Madaling araw na siya nakatulog pero hindi niya alam kung bakit maaga rin siyang nagising. Nag-inat siya, nag-toothbrush, at naghilamos. Lalabas siya, siguradong kasisikat pa lang ng araw.Hindi nga nabigo ang dalaga. Paglabas niya ng cottage, sumalubong sa kaniya ang pang-umagang ihip ng hangin. Napangiti siya nang makita ang araw na kasisilip pa lang. Patakbo niyang pinuntahan ang dalampasigan.Wala pa masyadong tao roon pero may nakikita siyang magkapareha na naliligo sa unahan.Naghubad siya ng tsinelas at pumunta sa dagat. Huminto siya kung saan naaabot ng alon ang mga paa, dinama niya iyon. Para siyang batang nilaro-laro ang mga alon.Ang sarap bumalik sa pagkabata. Kung kaya niyang ikutin ang panahon, hindi siya magdadalawang-i
KUMUHA sila ng airline tickets for two to Chicago the next day pagkatapos ng madamdamin nilang tagpo. At dahil flight na nila kinabukasan, nandoon si Annabelle ngayon sa SSA, sa private room ng binata. Kasama ni Miguel si Anton sa opisina at abala ang mga ito sa endorsements ng mga gawain sa kompanya. Si Anton na muna ang mamamahala ng SSA habang wala si Miguel.Naaliw siyang pagmasdan ang mga interior ng kuwarto. It was a total opposite of the SSA office. Kung sophisticated and very manly ang dating niyon, ang kuwarto naman ay cozy. Tila hindi iyon parte ng opisina.She got a glimpse of a familiar thing sa isang glass shelf. Napasinghap ang dalaga nang masiguro kung ano ang bagay na iyon.“Mon-Mon . . .” Maingat itong nakalagay sa isang plastic transparent box. Hindi niya inakalang matatagpuan ang laruang iyon sa kuwarto. Katabi niyon ay isang red velvet box.
NAPUTOL ang pakikipag-usap ni Miguel sa telepononang maulinigan ang tila pagtatalo sa labas ng opisina niya. Tatayo na sana siya para silipin iyon nang biglang bumukas ang pinto.“Sir! Hindi po talaga puwedeng makausap si Mr. Saavedra sa ngayon,” saad ng guwardiya habang pinipigilang pumasok ang lalaking bisita.“This is very important. I need to talk to him right now!” paggigiit ng lalaki. He could see in his face na hindi ito titigil hangga’t hindi siya nakakaharap.“Its okay, Jay,” he interrupted. “Papasukin mo siya.”Binitiwan ng guwardiya ang braso ng lalaki at hinayaang pumasok sa loob. The man stretched his back and fixed his clothes in a smug way.“And you are?” tanong niya rito.“Huh! So hindi mo na ako nakilala?” panimula nito.
ALAS-singko ng umaga, nagising si Fred sa ring ng cellphone niya. Pupungas-pungas niyang sinagot ang tawag.“Hello, Anna? Good morning.”“Fred . . .” Garalgal ang boses ng nasa kabilang linya kaya tuluyan na siyang nagising.“What happened? Umiiyak ka ba?”“Please, sunduin mo ’ko.”“Hey, Anna, what happened?”“Saka ko na ipapaliwanag sa iyo. Just please, come here.” Binigay nito ang eksaktong address ng resort. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at pinuntahan ang babae.“I SWEAR I’m gonna kill that bastard!” Galit na naisuntok ni Fred ang kamao sa manibela.“Fred, it’s fine. I’m fine.”“No, Annabelle! It’s definitely not okay! Pagkatapos ng
NAKALUTANG si Annabelle sa mababaw na bahagi ng beach in a supine position. Ang pares ng kaniyang mga mata ay diretsong nakatanaw sa madilim na kalangitan. Pagkatapos nilang umalis ni Jenny sa restobar ay naglakad-lakad na lamang sila. Naalala niya ang sabi nito.“Hindi ako makapaniwalang nagawa niya ’yon!” inis na sabi ni Jenny. “Napakaespesyal ng kantang ’yon. Lagi kong pinaniniwalaang may feelings pa siya sa iyo. But after what he did tonight? Argh! Malilintikan talaga sa akin ang lalaking ’yon!” nanggigigil na sabi nito.“Jenny, huwag na nating pilitin ang ayaw na. Anyway, before ako nagbalik, alam kong mangyayari na ito.” ‘Pero hindi ko inakalang ganito pala kasakit,’ dagdag niya pero hindi na isinatinig.Mag-aalas-onse na ng gabi nang maghiwalay sila. Hindi pa siya inaantok kaya napagpasyahan niyang magtampisaw muna sa dagat. Iilan na lang ang nakik