Bea
“Bea, you know, matagal na rin naming gustong mag-asawa si Alonzo. And thank God na nakahanap na rin siya ng pakakasalan niya. May edad na kami ng daddy niya at gusto namin na magkaroon na kami ng apo sa bahay na ito.”
Bigla akong napaubo sa sinabi ng mommy ni Alonzo. Pasimple na lang akong nagpahid sa bibig kong may kaunting tubig. Nasa garden kami habang nagkukuwentuhan na lang tungkol sa plano kuno namin ni Alonzo na kasal.
“Are you okay?” pag-alala ni Tita Catherine sa akin.
“A-Ayos lang po. N-Nasamid lang,” ngiting sabi ko na hindi ko ipinahalata.
“What’s your plan, Alonzo?” tanong naman ng daddy niya.
Hinintay kong si Alonzo na ang sumagot ng tanong ng daddy niya. Sa totoo lang ay naghihimutok pa itong damdamin ko sa ginawa niyang pagtapon ng cell phone ko. Naroon lahat ng mga memories ko sa bansang ito at ibang mahahalagang bagay para sa akin. Hindi iyon maintindihan ni Alonzo dahil temper lang niya ang iniisip niya.
Hindi rin ako makapaniwalang ganoon pala siya kung magalit. He’s a monster and I don’t like it. Kung hindi lang ako matatag, baka umiyak na lang ako sa harapan niya pero muntik na. Wala naman akong naging kasalanan at ang nais lang niya ay ang batas na gusto niya. Kung hindi lang mahalaga ang pamilya ko, iniwan ko na siya sa daan.
“We plan to get married next week. I already prepare all the documents, venue, food, and clothes to wear,” tugon ng binata.
We planned? Saktong pagsulyap ko ay nagtama ang tingin namin pero bigla rin akong umiwas. Paladesisyon talaga ang isang ito. He arranged everything just for the fake wedding. Ni wala nga kaming napag-usapan kung ano ang magiging takbo ng kasal. What the hell?!
“That’s great! Just let me know kung ano pa ang kailangan natin. Pero hindi ba masyadong mabilis naman yata anak? Hindi ba ito bonggang kasal?” tanong ng mommy niya. “We can plan the huge and majestic wedding if you want.”
“Oo nga naman, Kuya Alonzo. Ate Bea should need a grand wedding. Minsan lang sa buhay ng isang babae ang ikasal, ‘no. You should consider it,” dagdag pa ng kapatid niya.
“Na. It’s okay. Ayos lang sa akin ang simpleng kasalan. Hindi naman kailangang bongga at hindi rin makakarating ang mga magulang ko dahil wala pa silang mga passport,” sabi ko naman.
“That’s not a problem. Alonzo can do that easily,” sabat naman ng daddy niya.
“It’s okay, dad. We can have another wedding in her hometown. Gusto ko rin bigyan si Bea ng maayos na kasal sa Pilipinas kasama ang family niya,” wika naman ng binata.
“Ganoon ba? And then, we don’t have a problem now,” dagdag naman ng mommy niya.
Kung sana ay totoong kasal iyang inaalok mo, damulag ka. Kaysarap sanang pakinggan kung ganito ang usapan namin ng kaniyang mga magulang. Maayos at desente ang pamilya ni Alonzo at hindi ko alam kung saan siya nagmana ng temper niya. Nakukunsensiya rin ako sa pagpapanggap naming ito at naaawa sa pamilya ni Alonzo na umaasa na pala na mag-settle down ang binata.
“Ma’am Catherine, may bisita pala kayo,” anang kasambahay nila.
“Ha? Sino raw?”
“Hi, everyone!”
“Pauline!”
Sabay pa kaming lahat na nag-angat ng tingin nang isang napakagandang babae at modelong-modelo kung maglakad ang biglang lumitaw sa kinaroroonan namin. Napasulyap ako kay Alonzo na tila nabigla rin sa pagpapakita ng ex niya at hindi ko alam pero dama kong nasa babaeng ito na ang atensiyon niya.
“Hi, Pauline!” bati ng ina ni Alonzo. “Napadalaw ka, hija?”
“Yes, Tita Cath. I just want to give something to all of you.” Sumulyap siya kay Alonzo. “Hi, Alonzo.” Lumapit naman siya sa nakatayo na ngayong si Alonzo at biglang humalik sa pisngi ng binata.
Bahagya pa akong napayuko para lang hindi makita ang eksenang iyon. Wala naman akong pakialam kung ano ang gagawin nila pero parang awkward lang dahil ang alam ng pamilya ng binata na hiwalay na sila.
“Hi,” bati rin ni Alonzo na may kakaibang mga tingin kay Pauline.
Totoo nga ang sinasabi nilang kakaiba ang karisma ni Pauline at talagang kahit sinong lalaki ay mababaliw dito. Isa na roon si Alonzo kaya nga gagawin niya ang lahat upang bumalik lang ang nobya niya sa kaniya.
“Why are you here?” Alonzo asked her.
“Here.” May iniabot siyang isang invitation. “That’s my wedding invitation next month. Sana makadalo kayo ng pamilya mo.”
“Wow. You’re getting married too. My brother will be getting married next week,” sambit ni Heart na kapatid ni Alonzo. Ipinagmalaki rin ng dalaga ang kasal na magaganap sa pagitan namin ng kapatid niya.
“Oh, really? Who’s the lucky woman?” Saka sumulyap si Pauline sa akin. “Ah…” Saka sumulyap siya kay Alonzo. “Congrats to you, Alonzo. Finally, you really found your right one. Here. Don’t miss my wedding day.” Kinuha naman ito ni Alonzo sa kaniya saka binigyang muli ng isang halik sa pisngi ang binata. “Bye. I have to go. Idinaan ko lang iyong invitation.”
“Take care, Pauline,” wika na lang ng mommy ng binata nang tumalikod na ito sa kanila.
Kaybilis ng pangyayari na ganoon na lang ang treatment nila sa isa’t isa pero dama kong naroon ang isang bahagi ni Alonzo na nasaktan. Nasaktan sa nalaman niyang ikakasal na ang nobya niyang pinagpaplanuhan pa sana naming bumalik sa kaniya. Matapos naman ang eksenang iyon, nagkaniya-kaniya na kami. Ako naman na inihatid na ni Alonzo pauwi ng tinutuluyan namin ng pinsan ko.
“Thanks for the dinner,” wika ko sa kaniya sabay talikod. Wala ako sa mode na makipagdiskusyunan sa kaniya at pagod na rin ang diwa ko.
“Bea…”
Napahinto ako nang magsalita siya. I turned around and looked at him. Bakas sa mga matang iyon ang hindi ko mawaring damdamin. Hindi iyon galit, hindi rin naiinis ngunit dama ko ang isang kalungkutan. Sino ba naman ang hindi malulungkot kung ang taong minamahal niya ay lalagay na sa tahimik? I don’t know if this plan will win her heart to him. Habang nasa kasunduan kami ni Alonzo, wala akong karapatang diktahan siya ng mga dapat niyang gawin. I am here to marry him just for the citizenship.
“About earlier, we will stick to the plan.” Humakbang siya palapit sa akin na siyang ikinabahala ko naman. “She’s my ex-girlfriend, Pauline. I didn’t have the chance to introduce you to her. We will also have this wedding in a natural and normal way. I hope you can get that easily,” kalmado niyang sabi.
Nakatitig ako sa mga mata niya na kaylayo kaninang halos nagbabaga na. He seems that he needs someone to lean on, someone to talk about his damn feelings to that woman.
“Uhm, I understand. Gagawin ko naman ang lahat para lang maging makatotohanan ang lahat. Pag-aaralan ko ang bawat kilos niya at kung paano siya umakto sa iyo. I know I have a lots to know about her and of course, as part of our agreement, I’ll do my best. Have a good night, Mr. Montecarlos—”
“Hey…”
Nagulat na lang ako nang bigla niyang hilahin ang braso ko nang akma na akong talikuran siya. I bumped to his chest and he just wrapped me tight in his arms. I am just freeze and I couldn’t talk. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nang sandaling magkadikit ang aming katawan at heto akong niyayakap niya.
“A-Alonzo… W-What are you doing?”
Alonzo
Bea and I have this awkward scene while I’m embracing her tightly. Honestly, I knew that she was upset earlier and this was my way on how to ease that anger. Hindi ko muna sinagot ang tanong niya kahit alam kong any moment from now, magagalit na siya. Sa maikling panahong nakilala ko siya, alam ko na agad ang kilos niya at ang kaniyang kahinaan.
“I just want to take this chance to be our moment. Gusto ko lang tanggalin iyong awkwardness natin sa isa’t isa. And this is the way we need to know each other. Have you ever felt it with the other man before?” I asked her.
“Alonzo, ginagawa mo ba ito para maibsan ang inis ko sa iyo? Look, alisin mo iyang mga braso at pakawalan mo ako. It doesn’t make sense anymore. At kung gusto mong maging at ease tayo sa isa’t isa, I think this isn’t the right way. You’re ruining my privacy.”
“Isn’t it? How about this?” Mas mahigpit ko siyang niyakap.
“A-Alonzo! What the— I can’t breathe!”
“Yeah, I know and I hear your heart beating so fast.”
“Hindi mo ba ako pakakawalan? Itutulak kita!” banta niya.
“You can’t do it. I am stronger than you and this piece of your body won’t make my bones tremble,” asar ko pa.
“Ah, ganoon!”
Maya-maya lang ay biglang nagbukas ang pinto ng apartment at iniluwa ang pinsan niyang si Lizzie.
“Oh, my god!” Nanlaki ang mga mata niyang nakita ang eksenang iyon.
Agad naman na kumalas ako sa pagkakayakap kay Bea at ganoon din ang dalaga sa akin.
“Uhm, Lizzie! I-Iyong nakita mo…mali ang iniisip mo! H-Hindi kami… Hindi kami…” taranta ni Bea.
Inakbay ko ang kamay ko sa balikat niya upang kumalma lang siya. “We have done this very tight day so we need to do the…hug challenge.” Naramdaman kong pilit niyang inaalis ang kamay ko sa balikat niya pero hindi ako nagpatinag.
Malawak naman ang ngiti ni Lizzie. “Wow. Sana all may kahug challenge,” wika niyang may ningning sa mga mata habang nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Bea. “P-Pasok na ulit ako sa loob at baka naabala ko ang hug challenge niyong dalawa. Akala ko kasi ay kung sino ang nandito sa labas. Good to see you, Alonzo.”
“Same here, Liz. Good night.”
“Good night too.” Isang pilyang ngiti pa ang pinakawalan niya bago muling pumasok sa loob at isinara ang pinto.
Pagkasara ng pinto, noon lang din inalis ni Bea ang kamay ko sa balikat niya. “Goodness, Alonzo. Kanina lang ay gusto mong lamunin ako nang buhay pero heto ka ngayon na para kang sinapian. Ano na lang ang iisipin ng pinsan ko sa ginagawa mo? Sige na! Diyan ka na!” Agad niya akong tinalikuran ngunit bago niya buksan ang pinto ay nagsalita ako.
“About your phone, I have it.” Kinuha ko sa bulsa ng leather jacket ko ang cell phone niyang itinapon ko kanina. I handed it to her. “You cannot use it anymore. The LCD has broken but we can fix it if you really want the phone or maybe we should buy a new one.”
Tinanggap naman niya ito habang nakatitig sa cell phone niyang basag na ang LCD. “All my best memories are here.” Nakita ko ang namumuong mga luha sa gilid ng mga mata niya bagamat pinipigilan niya. “Paano mo ito nakuha at natagpuan?”
“I called someone after our dinner before I headed back to the garden.”
“Ahh… Good night, Alonzo.” Mabilis niya akong tinalikuran at matabang lang ang pagkasabi niyang iyong sa akin. Binuksan niya ang pinto at agad na pabagsak na isinara.
“Uhm…” I took a deep sigh and I looked at the door she went in. I know she’s mad at me and hates myself in my hell temper. “Damn it,” mahinang mura ko. Napakamot din ako sa batok ko bago ako naglakad palayo sa pinto ng apartment nila Bea.
Habang naglakad ako patungo sa kotse ko, hindi ko maiwasang alalahanin ang mukha niyang nalungkot nang makita ang cell phone niyang basag kaysa nararamdaman kong malaman na ikakasal na si Pauline. Maya-maya lang ay muli akong bumalik sa apartment nila Bea at naglakas-loob na nag-door bell. Nagdadalawag-isip ako pero hindi ako mapalagay sa reaksiyon ng mukha niya.
Ilang saglit pa ay muling bumukas ang pinto at iniluwa si Bea. Nakakunot pa ang noo niya nang muli akong makita sa pinto. Agad ko rin inilibot ang paningin ko sa loob ngunit walang tao. Wala roon sa maliit nilang sala si Lizzie kaya bago pa man siya magsalita ay ginawa ko ang hindi dapat.
“Bakit ba—”
Hindi na niya natapos ang kaniyang pagsasalita nang biglang sinakop ng mga palad ko ang mukha niya at sinakop ang nakaawang niyang mga labi. And the moment our lips taste each other, it makes me feel the comfort. Isang bagay na kahit sa sarili ko ay may kakaiba ang naramdaman.
Ilang beses kong ipinilig ang ulo ko habang nakatitig ako sa malaking salamin sa kwarto ko. Iniisip kong panaginip lang ang lahat pero kahit anong gawin ko, nangyari iyon. Ilang beses ko rin dinama ng daliri ko ang aking mga labi kung saan lumapat ang mga mapupulang labi ni Alonzo Montecarlos.Damn it! Totoo ba iyon? Tulala na lang ako kagabi matapos niya akong hinalikan at basta na lang umalis na wala man lang ibang sinabi. Walang sinumang lalaki ang nagtangkang humalik sa akin maliban sa kaniya. Hanggang ngayon ay tila nalasahan ko pa rin ang tamis ng halik ng mapupulang labi niya kahit sandaling segundo lang itinagal niyon.“Bea!”“Ay, puki!” untag ko at nagulat na rin.“Puki mo rin!” mabilis naman niyang tugon.Bumalik ako sa kasalukuyan nang biglang naroon na si Lizzie na ginulat ako. “Bakit ka ba nanggugulat? Tuloy kung ano na lang lumabas sa bibig ko,” inis ko sa kaniya.“Te, kanina ka pa diyan sa harapan ng salamin at tulaley. Kanina pa kita napapansin at ni hindi ka man lang
AlonzoI stopped the car near to the helipad where my chopper landed early this morning. Mga isang oras mula sa Milan kung saan kami nanggaling ni Bea. At nang lingunin ko siya, mahimbing ang tulog niya. Hindi na niya napigilan ang matinding antok na nararamdaman niya mula pa kanina. Hinayaan ko na lang din siya makatulog dahil mahaba-haba pa ang byahe namin paglipat namin sa chopper.I slowly moved to come closer. Marahan lang ang kilos ko upang hindi siya maalimpungatan. I planned removed her seatbelt before I wake her up. But I was stunned when I am nearer. Napagmasdan ko nang malapitan ang maamong mukha niya hanggang sa namalayan ko na lang na nanatili akong nakatitig ng ilang segundo.I did it once again when I saw her early this morning. She was really different than the first time I’ve met her. Naka-focus lang ang isipan ko kanina kay Pauline lalo na noong nalaman kong doon din sila ikakasal ni Wilson. That was the place we talked about our supposedly wedding. Kaya lang noong s
PaulineWilson and I are having a lunch dinner here in Paris. Matapos naming pag-usapan ang tungkol sa aming napipintong kasalan, inimbitahan niya ako rito sa isang sikat at mamahaling restaurant. Naramdaman marahil ng fiancée ko na awkward na ang sitwasyon namin ng dati kong ex-boyfriend na si Alonzo sa Milan pa lang kami.I met his soon-to-be-wife. Hindi naman ako nagulat na magpapakasal agad siya sa babaeng noon ko lang din nakita dahil kilala ko ang ugali niyang padalos-dalos. Mula nang maghiwalay kami ay wala akong nabalitaan na tungkol sa kaniya. Ngayon lang na instant ang pagpapakasal niya sa mismong lugar kung saan kami magpapakasal ni Wilson.That was our dream place for the wedding.Hindi ko aakalain na ibibigay niya sa babaeng ito ang inaasam-asam kong kasal noon sa kaniya. May oras pa nga na naisip ko na nang-aasar lang ba siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kaniya. Pero sabi nga ng kasabihan, life must go on! May kaniya-kaniya na kaming mga buhay kahit alam namin pareho na
BeaIt’s our wedding day today! Halos nakailang paroo’t parito na ako sa loob ng silid ko matapos akong maayusan ng kinontrata pa ni Alonzo na make-up artist. Suot ko na rin ang simpleng wedding gown pero napaka-eleganteng tingnan na pinaresan pa ng puting sapatos. Hawak-hawak ko na rin sa kamay ko ang bouquet kasabay ng pamumuo ng mumunting pawis ko sa noo.“Aatras o hindi? Aatras o hindi?” sambit ko sa aking sarili habang palakad-lakad. Mukha na akong timang sa naghahalong emosyon ko nang mga oras na ito.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na ako kay Alonzo at matutuloy na rin ang pagpapanggap na sana ay huwag mauwi sa totohanan. No! Hindi si Alonzo ang tipo ko at masyado siyang perpekto para sa akin. Iniisip ko na lang na palabas lang ito at lilipas din ayon naman sa napagkasunduan namin.“Pssst. Bea!”“Ay, lintek na!” Nagulat naman ako sa pagsitsit ng pinsan kong si Lizzie na sumilip pa talaga sa pinto ng kinaroroonan kong kwarto.“Halika na at magsisimula
Alonzo“Boss A, ito ang madalas puntahan ng asawa mo.” Isa-isang inilapag ni Jemuel ang mga larawan sa table.Nasa opisina ako habang nakaupo sa swivel chair at isa-isang tinitingnan ang mga larawang kinuhanan niya. Inutusan ko siyang lihim na sundan si Bea sa tuwing lalabas siya ng bahay ko. Hindi sa wala akong tiwala sa kaniya pero para na rin iyon sa kaniyang seguridad.“Anong susunod niyong ipag-uutos sa akin? Hindi ko na ba aalamin ang kinaroroonan ni Ms. Pauline?”Nasa mga larawan pa rin nakatuon ang atensiyon ko at nanatiling nakatitig sa mga larawan ng asawa kong ume-ekstra kung saan-saan. Si Jemuel din ang inutusan kong magmatyag sa kinaroroonan ni Pauline kaya nalalalaman ko ang kilos at galaw ng dati kong nobya para sa sundan siya. Habang ginagawa ko iyon, I felt something. Mas nawalan na ako ng interes lalo na noong ikinasal na rin siya kay Wilson three days after ng kasal namin ni Bea. Mas nagkakainteres pa akong pasundan ang asawa ko kaysa sa dati kong nobya. That I don’
BeaInilayo ko ang aking sarili sa kaniya at parehas pa kaming nabigla. Noon ko lang din namalayan na lumaylay na pala sa balikat ko ang strap ng suot kong manipis na pantulog. Maya-maya lang ay biglang pumasok si Mrs. Gil dala ang panlinis na ginamit niya.“Huh?!” Alerto akong iniayos ang laylayan ng strap ng damit ko.“Ay, por santo!” biglang sabi ni Mrs. Gil sa amin. “Ay, pasensiya na kayo, n-nandito pala kayo. Ilalagay ko lang sana itong mga dala-dala ko sa storage,” nahihiyang sabi pa ni Mrs. Gil sa amin.Sa taranta ko rin, bigla ko na lang binitbit ang baso sa counter top saka inubos ang laman niyon. Maya-maya lang ay malalaki ang hakbang kong iniwan silang dalawa sa kusina. My god, nakita ba kami ni Mrs. Gil na naghahalikan? Shit, Bea! Nakakahiya! Napaisip ulit ako habang paakyat ako sa hagdanan, mag-asawa ang tingin ni Mrs. Gil sa amin ni Alonzo at wala akong dapat ipag-alaala. Natural sa mag-asawa ang maghalikan kaya lang ay kami lang nakakaalam ni Alonzo na mali iyon. Maling
BeaMaang na nakatitig sa akin si Alonzo nang sabihin ko ang totoo at madilim pa rin ang mukha. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaniya lalo na ngayon na padalos-dalos na naman siyang nagagalit nang walang dahilan. He went to my job place and he did this kind of unrespectful thing. Kung makapilipit siya, parang ang laki ng kasalanan ni Benedict sa kaniya. Hindi ko rin alam kung ano ang pinagmulan ng kaniyang galit at heto akong walang ideya.“Manliligaw ko si Benedict matagal na,” pag-amin ko. “S-Sagutin ko na sana siya kapag natapos na ang kontrata nating dalawa. Pero dahil sinira mo na ang momentum namin, wala na.” Napalunok na lang ako sa hindi pagsasabi ng totoo. Nais ko lang na tumigil na siya sa kabaliwan niya.Matagal na nakatitig sa akin ang lalaking ito. Hindi makagpigil sa temper niya at tila baliw kung sumugod na lang basta-basta. Iba siya sa lahat ng lalaking nakilala ko. He’s too dangerous yet something different in him.“From now on, hindi ka na magtatrabaho kahit saan
BeaMatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, tila nagpatianod na ako at naniwala. It was a kind of lullaby when he said that he would take this chance to make this marriage into real. At ako naman na naniwala sa matatamis niyang salita, tuluyan siyang pinahihintulutang tangayin ako at…angkinin.Yes! Ang matapang na imahe ko ay susuko rin pala sa isang Alonzo Montecarlos. Ang harang na inilagay ko sa pagitan naming dalawa ay binasag na rin niya. Magkaaway man ang turingan namin sa isa’t isa pero humantong kami sa ganitong sitwasyon na tanging ang kwartong ito ang saksi sa lahat ng kahibangan ko. And I let him do that thing. Nandidilim at umiikot man ang paningin ko sa tama ng alak sa katawan ko, tanda ko pa rin ang sensasyon bumabalot sa aking katawan.Nakakapanibago. Nakakabuhay ng sensasyon na noon ko lang naramdaman at natamasa mula sa kaniya. Ang bawat paghalik at pagdampi ng mga labi ni Alonzo sa iba’t ibang bahagi ng aking katawan, tila tinutupok ako ng mainit niyang paghapl
Bea“Ate Bea, s-sino siya?” tanong ng kaniyang kapatid na si Cheska na isa sa kambal nang mapuna si Alonzo sa likuran ko.Muntik ko ng makalimutan na kasama ko pala siya at nag-alangan pa akong ipakilala siya sa pamilya ko. I never tell them I am with Alonzo. Ang sabi ko lang ay uuwi ako matapos kong umatend ng kasal ng kakilala ko na hindi ko na rin naman sinabi kong sino. Wala rin akong nabanggit sa mga magulang ko tungkol kay Alonzo at iyon ang ikinababahala ko.“Uhm… Alonzo…” sambit ko. “Mga kapatid ko. Si Arman, Cheska at Lilibeth. Si Nanay Imelda naman ito at si Tatay Benjie. Sila ang pamilya ko,” pagpapakilala ko sa kanila.“Hi,” seryosong bati ni Alonzo sa kanila.Batid kong walang namutawi sa mga labi nila kung hindi nakatitig lang kay Alonzo. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka at mga katanungan. Kaya naman agad ko rin siyang ipinakilala sa mga ito para mabawasan ang kanilang agam-agam.“Uhm.. Siya si Alonzo… Alonzo Kerwin Montecarlos. S-Siya ho ang…” Nag-alangan pa akong s
AlonzoAs Bea gets started, I still have difficulty letting go of control. She bats away my hands, and I give up, putting my palms open on the floor. Damn it. Hindi ko inaasahan na gagawin niya ito knowing na wala siyang masyadong karanasan sa ganitong bagay. Or I may unlock her inner desires in me. I am still fighting my urge, and after a couple of her movements, I finally give up.“Move,” utos ko. “Because if not, I’m going to…” I said, and she followed my orders. My head falls back as I finish. I am in pure bliss…but recover fast, zipping up and getting off the floor. “Wait. I am warming up. I need a moment, though.”“Isn’t that the exciting part?” she asked me while I saw her curled lips.“Later, baby.” I sit on the sofa and pull her onto my lap, slowly kissing and caressing her.“Minsan lang ako maging pilya sa ganitong bagay, Mr. Montecarlos. Sulitin mo na.”“I will, misis.” Hearing those words from her makes me visibly eager to continue.Marahan niyang tinanggal ang kasuotan ni
Tahimik kami pareho nang itabi ni Alonzo ang sasakyan sa niyugang bahagi ng lupain kung saan iyon na rin ang daan papuntang Hacienda Arganza. Sina Rose naman na nauna na rin at hindi na rin nila nahalatang sinadya ni Alonzo na magpaiwan sa daan.Ilang segundo ang katahimikang namayani sa amin ni Alonzo. Nakikiramdaman sa isa’t isa at laman ng isipan ko ang nasaksihan ko kanina. Ngayon ko nauunawaan kung ano ang ibig niyang sabihin kanina pa. Lalaki siya at may pangangailangan pero para sa akin ay hindi naman tama na gawin namin ang bagay na iyon sa ganitong sitwasyon.Marahan akong napasulyap kay Alonzo habang nakasandal siya sa kinauupuan niya at napapikit. Actually, kanina pa siya sa ganoong ayos habang tahimik lang. Gusto ko na sanang sabihin na magpatuloy na kami at baka nakakahalata na ang mga kasama namin.“Alonzo…” marahan kong sabi. “A-Are you okay?” Nanaig ang pag-aalala ko sa kaniya.“I’m not,” maagap niyang tugon. “Just two or three minutes more, Bea. I wanted to stay like t
Maaga pa lang ay kumilos na ako upang lumuwas kami ng Maynila. Inilabas ko na ang isang medium size kong luggage at isang back pack sa labas ng pinto nang saktong naroon na pala si Alonzo at naghihintay.He turned his gaze to me and again, our eyes met. Hindi naman ako nagsabi sa kaniyang sunduin ako rito o hintayin pero heto siya at nasa tapat ng Villa ko. I was staring at him for a moment but I don’t want to reminisce those moments we’ve been through. Pakiwari ko sa kasi ay maaalala ko lang ang kahapon⸻ang kasiyahan at kalungkutan.“Good morning,” bati niya. Hindi man sumilay ang ngiti sa labi niya ngunit dama kong good mode siya ngayon.Wala yatang topak ang isang ito at maganda ang gising. Naglakbay ang paningin ko sa kabuuan niya. He wears his navy-blue polo shirt, jeans and a pair of shoes. Bagay na bagay sa kaniyang outfit of the day ang naka-brush up style niyang buhok.Sa kinatatayuan ko pa lang ay naamoy ko na ang pabangong gamit niya na nanunuot naman sa ilong ko. That’s too
BeaMabibigat ang mga yabag kong tumungo sa mansion ni Sir Ethan dahil baka magtagpo na naman ang landas namin ni Alonzo. Ayoko na talaga siyang makita pa pero hanggang nandito kaming dalawa sa paraisong ito, hindi namin matatakasan ang presensiya ng isa't isa. Nasa main gate na ako nang maulinigan kong may nag-uusap sa garden kaya imbes na sa main door ako kakatok, napagpasyahan kong doon na lang pumunta. Bitbit ko ang mga folder para kay Sir Ethan at nang masulyapan kong naroon sa kumpulan nila ang ayaw kong makita kagyat akong natigilan at nagdadalawang-isip na tumuloy pa. Kaya lang ay napalingon na agad sila sa kinaroroonan ko kaya nagdahilan na lang ako. “Uhm, babalik na lang ako. G-Good morning, Sir Ethan,” wika ko na lang saka ko ibinaling ang tingin kay Rose at ngumiti. Akma na sana akong tatalikod nang tinawag ako ni Rose. Rose naman, ang wrong timing mo. “Bea! Sandali! Dito ka na,” yaya niya.I turned my glimpse to him and our eyes met. Ilang sandali rin naglapat ang pa
Sobrang sama ng loob ko kay Alonzo sa ginawa niya at hindi ako nakaluwas ng Maynila. Mula nang magtalo na naman kaming dalawa, iyon na siguro ang malala para sa akin. Hindi ko rin ginamit ang cell phone ko at baka na-wire tap niya ako na hindi ko man lang alam. Hindi ko rin naman mahanap sa cell phone ko kung paano niya ito ginawa.Ang makinig sa usapan ng iba, ang privacy ko, at kung ano pa na dapat ay ako lang ang nakakaalam, ibang usapan na iyon. Mula rin nang araw na iyon, hindi na nagtagpo ang landas namin. Hindi ko na rin siya pinagkaabalahan pa at since malapit na rin matapos ang renovation, makakahinga na ako. Makakauwi na rin ako sa wakas at wala na rin pipigil pa sa akin.Nagbukas na ang resort ni Sir Ethan at bilang isa ako sa fan na naturang paraiso niya, dumalo ako sa live band. Sobrang matao ang lugar at kahit may kaguluhang nangyari sa lugar na ito, hindi iyon alintana ng mga guests. Hindi rin ako nagpahalata sa grupo ni Benedict na marahil ay dumalo rito at alam kong t
Ilang araw ang lumipas, nabalitaan ko na lang na nagkaroon pala ng personal bodyguard si Rose. Hindi pa man kami gaanong nagkakausap dahil bantay-sarado siya at hindi pa rin pinapayagan ni Sir Ethan na buksan ang resort sa publiko. Ang renovation naman sa resort niya ay pansamantala niyang pinatitigil muna.Nasa Villa ako at may tinatapos naman na report. Iniwan muna ako ni Alonzo at ang sabi niya ay tutungo siya sa mansion upang kausapin ang mga tauhan niya. Hindi niya sinabi sa akin ang dahilan at hinayaan ko na lang siya. Abala naman ako sa ginagawa ko nang biglang tumunog ang cell phone ko. Tiningnan ko ang nakarehistrong pangalan at si Benedict ito. Kunot-noo akong sinagot ang tawag niya. Ngayon lang ulit siya tumawag matapos ang ilang linggong hindi nagparamdam sa akin.“Hello?” tugon ko sa kabilang linya.“Bea! Kumusta?” bati naman niya.Tumayo ako at naglakad upang makahanap ng magandang spot ng signal. Nasa gitna pa ako ng pathway na saktong malinaw na ang boses ni Benedict s
“Alonzo…”Sinakop na naman niya ang labi kong nakahanda lang halikan siya pero siya rin pala itong nauna. Wala na…nagpatangay na naman ako sa mainit niyang halik at sa mga bisig niyang nakapulupot na sa katawan ko. Iniwas na lang niyang masaktan ako dahil sariwa pa itong sugat ko.“Alonzo… Ang braso ko…” sambit ko nang i-angat na niya ang suot ko at kalahati ng dibdib ko na ang nakita niya.“Sorry. I almost forgot. Maybe you can do it on my top,” pilyong sabi na naman niya.“Alonzo, m-may sugat ako. Hindi ka naman siguro sadista sa lagay na iyan,” reklamo ko.“Baka lang magbago na naman iyang isip mo. Why are you always left fuming at me, Bea? Is there a really big reason? Just tell me, and I am ready to listen.” Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. “Three months ago, after the night you spent with me, I went to the hospital where Pauline was. She was rushed to the hospital when his husband and she had a dispute. When I came back, Mrs. Gil told me you left the house. I swear, Bea. I
Bea“Alonzo…” Namilog ang mga mata ko nang makita siya.“Ethan!” sambit ni Rose kay Sir Ethan na naroon na.Nagkatitigan pa kami ni Alonzo pero halata sa mukha niya ang galit. Nakita ko pa na nagtagis ang bagang niya marahil ay sa mga sugat at pasa ko sa mukha. Subalit ibinaling din niya ang kaniyang tingin sa mga tauhan ni Klarisse. Ang dalaga naman na dahan-dahang ibinaba ang kamay niya saka marahang sumulyap sa kinaroroonan ng boses ni Alonzo na pinigilan siya kani-kanina lang.“Klarisse?!” Bahagyang nagulat pa si Ethan nang makita ang dalaga ngunit nakita naming nakakuyom na agad ang kamao niya.“Surprise, babe? Well, I know it’s not a surprise anymore. How’s your trip through here? Nagustuhan niyo naman ba ang masukal na kagubatan?” She teasingly smiled to Rose’ husband.“Boss Ethan, mabuti naman at nakarating kayo rito at dala niyo ba ang perang kailangan namin?” Sabay napatingin si Kent sa dala-dalang attache case ng tauhan niya.“Heto na, boss.” Akma na sanang maglalakad ang d