“Wow!” she exclaimed. “And this will grow in the next three weeks?”Tumango si Manong Bando sa kanya at ngumiti. “Nako, Ma’am. Parang ngayon lang kayo nakapunta ng vegetable plantation.”Magsasalita pa sana siya nang lumapit si Maria sa kanya, isa sa mga tauhan dito sa farm nina Beau. “Ma’am, pinapasilong na raw po kayo ni Sir Beau. Mataas na po ang sikat ng araw.”Sa sinabi nito ay nag-angat siya ng tingin. At tama nga ito, mataas na ang tirik ng araw kaya pala masakit na sa balat. Tumango siya rito at agad na nagpaalam kay Manong Bando na aalis na siya. Lumapit naman si Maria sa kanya at pinayungan siya.“Halika na po, Ma’am.”She nodded her head and smiled. Sabay silang naglakad patungo sa shed kung saan may mga upuan doon para sa mga gusting magpahinga. Nagpasalamat siya kay Maria bago ito umalis para asikasuhin ang iba pang mga dapat nitong gawin.Umupo siya sa upuan at tinanggal ang kanyang bucket hat. Sariwa ang hangin ngunit mataas na ang sikat ng araw. She looked at the time
She’s busy splashing the water all around. Hind siya sinamahan ni Beau kaya siya lang mag-isa rito. Parang batang nagtatampisaw sa tubig at binabantayan siya ng kanyang kuya. Kuya? Wala sa sarili siyang tumingin kay Beau. Nakatingin ito sa tubig at mukhang malalim ang iniisip.Tama nga naman. Beau is just her husband on paper. Pero kung sila ni Brille ang nagkatuluyan, paniguradong Kuya rin ang kanyang tawag kay Beau dahil mas nakakatanda ito sa kanila. Hindi niya tuloy maiwasang isipin… ano kaya ang magiging buhay niya kapag si Brille ang lalaking nakatuloyan niya? What would be her life if she got married to that cheater?Kasi kahit sabihin nating hindi inahas ni Jessica si Brille, Brille would still cheat on her with another girl. Naniniwala kasi siya na a cheater would always be a cheater. Hindi na ‘yon mababago kahit pa bumalik pa sila sa panahon.Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at muling nag-angat ng tingin kay Beau. He’s still in deep thought kaya sinitsitan niya ito. Be
“Can I talk to you, Beau?” Wala sa sariling napatingin siya sa nagsalita at bumungad sa kanya ang kanyang Lolo na ngayon ay mayroong seryosong ekspresyon sa mukha. He immediately frowned and turned to Emory who is now walking upstairs. “Is it that urgent?” tanong niya rito. “I’m wet.” “Violet is coming.” The mere mention of that woman’s name made him still. He looked at his grandfather and waited for him to say it was just a joke. But then it wasn’t. Seryoso pa rin ang mukha nito kaya’t mukhang importante ang kanilang pag-uusapan. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. “I’ll go and change first.” “I’ll be at the garden.” PINIKIT NIYA ANG kanyang mga mata at dinama ang lamig ng tubig mula sa shower. Ngunit sa kanyang pagpikit ay bumungad sa kanya ang imahe nilang dalawa ni Beau habang na sa falls. Muling namula ang kanyang mga pisngi at wala sa sarili niyang dinilat ang mga mata. “Shit. Bakit ko nagawa ‘yon?” wala sa sariling sambit niya. Narinig niya ang pagbukas ng pinto dah
“Ma’am, tingnan niyo po ‘to.” Two weeks passed in a blink of an eye. Unti-unti na silang nagiging malapit ni Beau at weekly siyang mayroong ice cream mula rito. Madalas siyang sinasama ni Beau sa farm kaya naman marami siyang natutonan lalo na sa pagtatanim. Naging malapit na rin siya sa mga tauhan doon at unti-unti, nasasanay na siya sa buhay probinsya. Nilingon niya si Bernila, isa sa mga babaeng nagtatrabaho rito sa farm na kasing edad niya. Lumapit ito sa kanya at may dalang bulaklak. Napangiti agad siya sa bulaklak na ito at agad itong tinanggap. “Ang ganda,” she chanted. “Anong bulaklak ‘yan?” “Mabaho po ito, Ma’am.” Bernila raised the yellow flower that is similar to sunflower. “Utot-utot po ang pangalan ng bulaklak na ito, Ma’am.” Kumunot ang kanyang noo. “Ano? Sino nagpangalan niyan?” Nagkibit balikat si Bernila kaya mahina siyang natawa. Ang tangang tanong naman non. Siguro ay talagang ganon na ang pangalan nito noon pa man. But she didn’t expect that there would be a p
She bit her lower lip as she caressed her tummy. Pakiramdam niya ay sinaksak siya sa tagiliran at hindi niya alam kung paano ito lunasan. Ayaw niya rin namang sabihin kay Beau o sa mommy nito dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito. Baka nga masabihan pa siya ni Jessica na kulang as atensyon.The truth is, hindi lang kanina sumakit ang tiyan niya. It has been going on for a week now. Na sa plano niya ang magpakonsulta sa doctor ngunit balak niyang sa Maynila na siya magpakonsulta dahil hindi niya masyadong kabisado ang Cebu. At saka, nahihiya siyang magpasama kay Beau o sa mommy nito.Tinignan niya ang oras sa kanyang pambisig na relo at napanguso. Wala pa sina Beau. Kanina pa kasi siya nito hinatid pauwi at agad naman itong umalis para bumalik sa farm. Hindi sana siya sasang-ayon na umuwi ngunit masyadong masakit na ang kanyang tiyan kaya umuwi na lang siya.“Emory?”Wala sa sarili siyang nag-angat ng tingin sa kumatok ng pinto. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at humugot ng ma
Kumunot ang kanyang noo at pinanood ang mga bituing nagkikinangan sa kalangitan. Na sa hardin siya ngayon at mag-isa. Maghahating gabi na rin at hindi siya makatulog kaya heto siya, nagmumuni-muni.These past few days was good to her. Everything is according to plan and life has not been very difficult on her. Marami siyang nakilalang mga tao, marami siyang natutunan, at higit sa lahat, naging malapit ang kanilang pagsasama ni Beau ngayon.But for how long? Alam niyang may malaking dagok na mangyayari sa kanyang buhay. This feels like the calm before the storm. Hindi siya mapakali. Or maybe she’s just too paranoid.Sa susunod na linggo na ang uwi nila sa Maynila at inaamin niyang mami-miss niya ang kung ano man ang mga nakasanayan niya sa pananatili nila rito. The lessons she learned from the people around her will remain in her forever. Hinding-hindi niya kakalimutan ang mga bagay na ‘yon.“You’re alone.”Wala sa sarili siyang napalingon sa nagsalita at bumungad sa kanya ang kanyang
She took a very deep breath and looked at her husband. Nakapikit na si Beau at hindi siya sigurado kung tulog na ba ito o ano. But his eyes are closed kaya siguro naman ay tulog na ito, ‘di ba? Umikot siya para tumalikod kay Beau at ngumuso. Hindi talaga siya makatulog. Alam niyang sa susunod na mga minuto pa ay may manok nang magpaparamdam. But she can’t sleep at all. Hindi maalis sa isipan niya ang nangyari kanina sa kanila ni Brille. The sadness in his eyes is making her chest tightened. Mas masakit pala talaga magkaroon ng closure kahit alam na may feelings pa kayo para sa isa’t isa. Inangat niya ang kumot hangang leeg niya dahil nagsisimula na siyang makaramdam ng lamig ngunit nang makapagkumot na siya ay nakaramdam na naman siya ng init kaya inis niya itong inalis. Ngunit nanlaki ang kanyang mga mata nang biglang may brasong pumulupot sa kanyang beywang. And before she could say something, Beau pulled her toward him and now they’re in a spooning position. Wala sa sarili siyan
Hindi alam ni Emory kung ilang minuto na siyang nakaupo sa bathtub. Maligamgam kasi ang tubig sa loob ng bathtub kaya kahit papano ay naiibsan ang sakit na naramdaman niya kanina. At mas lalong naging maayos ang kanyang pakiramdam sa ice cream na dala ni Beau. She closed her eyes and took a very deep breath. Iniisip niya kasi kung susunod ba sila sa outing ng pamilya ni Beau o manatili na lang sila rito. Pero ayaw niya namang isipin ng pamilya ni Beau na nagiging kj sila. Besides, she’s already feeling better. Sadyang masyado lang silang harsh ni Beau kagabi kaya nagkaroon siya ng aftermath. Emory scooped inside the box of ice cream once again, only to find out ubos na ito. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at tumingin sa ice cream. Hindi niya alam kung anong meron sa ice cream na ito na para bang binabalik siya sa mga panahong bata pa siya. Hindi kaya… dahil sa palagi niyang pagkain ng ice cream kaya masakit ang kanyang tiyan lagi? Kasi ice cream na lang ang palaging bukambibi