Share

219

Nahirapan ang grupo nila na makawala sa mga reporter at paparazzi na dumumog sa kanila. Napaligiran sila nito. Hindi sapat ang tatlong bodyguard na kasama nila para makaalis agad sa lugar ngunit nakatulong naman ang mga ito na protektahan ang mga batampara mabilisan silang maialis sa lugar.

Bitbit ng dalawang bodyguard Sina Raze at Uri, habang si Anjie naman ay karga ni Georgia, at si Cas ay na kay Ellaine. Ang huling bodyguard ay ginagawa ang makakaya upang hindi lubusang makalapit sa kanila ang mga mikropono at may mga hawak ng mga camera na bawat segundo na lang yatang nagfa-flash sa kanila para makuhanan ng litrato ang kasalukuyan nilang reaksyon at ayos.

Tiim-bagang lang at katahimikan ang sagot ni Ellaine sa mga ibinabato sa kanilang mga katanungan na may kinalaman kay Garreth at sa pinapalakad nitong kumpanya.

“Mrs. Randall! May masasabi ba kayo tungkol sa embezzlement case na ibinabato sa inyong asawa?”

“Totoo ba na kinurakot ng inyong asawa ang pondo ng isa ninyong subsidiar
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status