CHAPTER 56: IMMINENT DANGER
O'BRIEN EXEQUIEL
Hindi na pa ako nagulat sa sinabi ni Yazenth nang kompirmahin niya na ako nga si Infinity Green, kasi maging ako ay may hinala rin na gano'n — na maaaring ako nga si Infinity Green Orphic pero wala akong sapat na katibayan para patunayan ito. Kaya rin marahil may parang mga alaala na bigla-bigla na lang dumadaloy sa isipan ko. Iyon marahil ang mga alaala ko no'n na pilit ngayong bumabalik.
"So . . . isa lang ang ibig sabihin nito, ang Tartarus sign na nakita mo no'n kay Jenylyn ay totoo?" asked Felize in shocked.
I looked at her with no emotion written on my face. "And she is also the Tehran that rushed to our house in Neverland. She wanted to kill me, but luckily, I was able to escape from her, but unfortunately, I also fell off a cliff that night, and just woke up here in this world inside of someone's body," seryoso kong saad sa kanila.
CHAPTER 57: SHE'S BACKO'BRIEN EXEQUIEL"The Tartarus sign?" dinig naming lahat na tanong ni Queen Affinity pagkatapos niyang lumitaw sa tabi ng trono niya kasama si King Llwen.Naglakad silang dalawa palapit sa aming lahat kaya sabay-sabay kaming nagsiyukuang lahat kasama na si Miss Valkyrie upang magbigay galang sa kanilang dalawa."Tama ba ang narinig ko? Ano ang kinalaman ng Tartarus sign sa nangyayari ngayon dito sa Emerald — sa Wasteland?" mga tanong pa niya. Seryoso siyang nakatitig sa amin, at mapapansin sa kaniyang mga mata na parang umaasa siya sa isang bagay — malamang ay tungkol sa kanilang isang anak na konektado sa Tartarus sign, si Infinity Green Orphic.Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kaya tumitig lamang ako sa kanilang dalawa at hinintay kung ano ang susunod na mangyayari. May parte sa akin na gusto silang yakapin agad, per
CHAPTER 58: HER PARENTS' DECISIONSO'BRIEN EXEQUIELHalatang gulat na gulat ang lahat ng narito sa bulwagan dahil sa mga rebelasyong nalaman. Napayuko pa silang lahat upang magbigay ng galang sa akin. Mapapansin ang kakaibang saya na kanilang nararamdaman, ngunit hindi rin mawawala ang nararamdaman nilang takot dahil siguradong hindi lingid sa kaalaman nila kung ano ang magiging kapalit ng aking pagbabalik — ang digmaang walang kapantay. Pero mangyayari lamang ang lahat ng iyon kapag matagumpay akong napatay ng mga Tartarusian. Sa ngayon ay ako pa lang ang habol nila para matagumpay nilang maibalik si Tartarus."Matagal na panahon kong hinintay ang pagkakaton na ito, aking anak, pero nakalulungkot na kailangan muna nating maghiwalay nang panandalian para sa iyong kaligtasan. Natitiyak akong naghahanda ang Tartarusian para sa kanilang paglusob ngayon dito sa palasyo. Kaya mas makabubuti kung bumalik na kayo sa
CHAPTER 59: The TartarusiansTHIRD PERSON POVMatapos ang ilang sandaling paghahanda nila ng lahat ng kanilang gamit pabalik sa Utopia ay agad na tumayo sa Queen Affinity sa gitna ng bulawagan.Sa kaniyang ginawa ay nakuha agad niya ang atensyon ng lahat. Lahat sila ay nagtataka kung ano ang gagawin ng kanilang reyna. Hanggang sa magsimula nang umilaw ang mga palad nito.Naramdaman ng lahat na parang may enerhiyang lumalabas sa mga palad niya, at ilang sandali lamang ay nagsimula nang may mamuo sa harap ng reyna. Palaki ito nang palaki hanggang sa naging lagusan ito.Pagkatapos ng ginawa niya ay tinawag niya sina O'Brien — Green, Yazenth, Scarlet, Catterfeld, at Felize na lumapit sa kaniya, at agad naman silang pumunta sa gitna kasama sina King Llwen at Miss Valkyrie."Ang lagusan na ito ay nagtatagal lamang ng limang minuto, kaya magmadali na kayong pu
CHAPTER 60: NEVERLANDO'BRIEN EXQUIELWala akong kaalam-alam sa kung saan kami patungo ngayon nina God Astrid at Goddess Hedly. Hindi ko rin alam kung ano dahilan kung bakit kailangan akong sumama sa kanilang dalawa.May inutos kasi si Alpha Goddes Hely sa kanila na hindi niya sinabi kung ano, kaya naguguluhan ako kung saan kami papunta ngayon. Habang sina Yazenth, Scarlet, Catterfeld, at Felize naman ay inutusan niya na bumalik sa Royal Academy upang ipaalam sa aming mga Master at Mistress na pabalikin na sa lalong madaling panahon ang lahat ng kaklase namin na kasalukuyang nasa misyon ngayon.Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano na ang mangyayari pagkatapos nilang bumalik sa Royal Academy. Wala talaga akong alam sa kung anuman ang mangyayari. Hindi ko rin alam kung saan kami patungo ng dalawang Neonians na kasama ko, pero nakasunod lamang ako sa kanila palabas ng palasyo. Hanggang sa nagla
CHAPTER 61: CHAOSTHIRD PERSON POVChaos! Everything was in chaos now. The whole Emerald palace was covered already in black magic. Marami na ang mga kawal ng palasyo ang nasugatan at may ilan namang namatay na sa pakikipaglaban. Pero ganiyan talaga kapag may digmaan. Buhay ang magiging kapalit nito kaya hindi na ito bago sa kanilang lahat. May mga namamatay at natatalo, pero ang mahalaga ay ginawa mo ang lahat para protektahan ang dapat na protektahan.Marami ang nagbuwis ng kanilang buhay laban sa mga Tartarusian. Walang tigil ang pakikipagpalitan ng mga Sorcerers sa napakaraming kalaban kahit saan mang sulok ng palasyo. Hindi nila inaasahan na gano'n kalakas ang puwersa nila. Mabuti na lang ay napaghandaan nila nang maigi ang pangyayari na ito dahil alam nila na darating ang panahon na magaganap ang digmaan na ganito.Kaya mas malakas at makapangyarihan na sila kumpara sa rati. Lalo pa't pinamumun
CHAPTER 62: THE GREATEST THIEF OF LIFEO'BRIEN EXEQUIELIlang minuto na kaming naglalakad na tatlo ngunit hindi pa rin namin nararating ang lugar na dapat naming patunguhan.Kanina pa ako nasasabik na makitang muli ang mga taong nag-aruga at nagmahal sa akin kahit ang totoo pala niyan ay hindi nila ako tunay na anak. Marami akong gustong tanungin sa kanila — ang katotohanan. Gusto kong malaman kung bakit hindi agad nila sinabi sa akin ang katotohanan. But don't get me wrong, huh? Wala akong sama ng loob sa kanila dahil kahit kailan ay hindi ko naramdaman na tinuring nila akong iba sa kanila. Totoo ang pagmamahal na ipinaramdam nila sa akin dahilan upang hindi ko malaman kung ano ang totoo.Gusto ko lamang malaman kung bakit nila iyon ginawa sa akin. Kung bakit gano'n na lamang nila akong itrato kahit hindi naman pala nila ako tunay na kadugo. At higit sa lahat ay kung paano ako napunta sa
CHAPTER 63: TEARS OF JOYO'BRIEN EXEQUIELHindi ko na namalayan ang aking sarili na naglalakad na palapit sa sa babae na hindi kayang iguhit sa papel kung gaano siya kasaya habang hinahabol ang isang paru-paro. Parang nagkakaintindihan silang dalawa dahil sa halip na lumayo ang paru-paro ay parang nagpapahabol lang siya paikot-ikot sa bakuran.Agad ko namang pinahid ang luha na dumaloy sa aking mga pisngi. A tears of joy indeed because finally, I was able to see my body was alright. Parang walang nangyari no'ng gabing iyon. Hindi mababakas sa katawan ko kung anuman ang naganap no'n.Nagpatuloy lang ako sa paglalakad palapit sa kaniya habang nakasunod naman sa akin sina God Astrid at Goddess Heldy. At ngayon ko lang na-realize na sobrang weird pala ng outfit naming tatlo. It was so different from how immortal or human dresses themselves. You could really tell from at first sight that we were fro
CHAPTER 64: FATE'S WILLO'BRIEN EXEQUIELPumasok kaming lahat sa loob ng bagong bahay nina mom and dad. I must say that this was wider and bigger than our first house. Well, this wasn't a surprise already because they could buy and get everything they wanted or needed immediately.My parents were wealthy business owners. They have different businesses around the city before. Hindi ko lang sigurado ngayon dahil parang wala na kami sa dating city kung saan kami nakatira dati. No'ng naglalakad kasi kami papunta rito ay napansin kong iba ang lugar. I mean, we were in the human world, pero hindi pamilyar sa akin ang lugar, that was why I was assuming that they left the city where I grown up already, marahil ay upang malayo sila sa posibleng panganib? Lumayo sila para hindi na pa sila mahanap ng Tehran na sumugod sa amin no'ng gabing iyon kung sakali mang bumalik ito?Iyon lamang ang nakikita k
THIRD PERSON'S POVTatlumpung minuto bago sumapit ang gabi ay magkakasama nang nagtipon sina Queen Affinity, Headmaster Rain, God Astrid, Goddess Heldy, kasama na sina Yazenth, at Leaves malapit sa tarangkahan ng akademya para sa pag-alis nina Alpha Goddess Hely at Green papuntang Helia. Nakatakda silang umalis ngayon ng akademya upang isagawa ni Alpha Goddess Hely ang kaniyang plano — ang natitirang paraan upang ibalik muli ang nawalang kapangyarihan at alaala ng itinakdang nilalang na magtatapos sa kasamaan ni Alpha God Tartarus — si Green.Nakatakda rin ang pag-alis ni Headmaster Rain patungong Emerald upang alamin ang suliraning nagaganap doon na hinihinalaan na may kinalaman ang yumao niyang isang anak na si Finn. Hinala ng karamihan ay may alam si Finn tungkol sa kung anuman ang nangyayari ngayon sa buong Therra Universe. Nakahanda na rin siya upang umalis simula pa kagabi ngunit gusto niyang mauna munang makaalis sina Alpha Goddess Hely at ang kaniyang pamangkin na si Green upa
CHAPTER 119: FINDING ANOTHER WAYTHIRD PERSON'S POVKinaumagahan ay magkakasama sina Green, Celeste, at Scarlet patungo sa girl’s dormitory, ito ay sa kagustuhan ni Green dahil gusto niyang makilala ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga bagay o lugar na sentimental value sa kaniya. Hindi kasi niya mapigilan ang makaramdam ng kalungkutan sa kung anuman ang magaganap mamaya pagsapit ng gabi. Umaasa siya na sa ganitong paraan ay maaari niyang maibalik ang kaniyang alaala at kapangyarihan nang walang magsasakripisyo ng buhay. Kaya kailangan niyang maghanap ng ibang paraan upang ibalik ang kaniyang nakaraan. Sa kaniyang mga nalaman — ang pinagdaanan niya, maging ang lahat ay hindi niya mapigilan ang makunsensya. Marami nang nadamay sa kaniyang kapalaran na siya lang dapat ang kailangang humarap. Marami na ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa kaniya. Husto na ang lahat na iyon, kaya niya ito ginagawa.Ngunit habang naglalakad sila papunta sa dormitoryo ay hindi nila naiwasan na makas
THIRD PERSON'S POVHindi makapaniwala si Scarlet sa mga tunuran ni Celeste sa kaniya. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit napansin niyang parang may nagbago kay Green noong nakita niya ito kanina. Tila ba hindi niya alam kung saan siya papunta no’ng nakita niyang naglalakad siyang mag-isa kanina. Tila rin hindi siya nito naaalala, ngunit minabuti lamang niya itong hindi pansinin dahil naiintindihan niyang marami siyang iniisip, at saka nagagalak siyang makita siyang muli na nakabalik na. Wala kasi siyang kaalam-alam sa nangyari kay Green, kahit noong kinalaban niya sina Queen Affinity, Leaves, at Yazenth. Ngayon lamang niya ito nalaman kaya hindi niya mapigilan ang mabigla at makaramdam ng awa sa pinagdaanan ni Green. She has been through a lot starting when she was still a baby. Naiisip niya na kung sakaling nasa katayuan siya ngayon ni Green ay wala siyang gagawin kun’di ang sumuko na lang sa bigat ng responsibilidad niya. Kaya malungkot siyang lumapit kay Green na nanatili
THIRD PERSON'S POVDala ng kuryusidad ni Green sa lugar ay hindi niya sinunod ang sinabi sa kaniya ni Celeste — na huwag lumabas ng kaniyang silid.Maliwanag ang paligid dahil sa laki at pula ng buwan na parang may ibinabadya itong panganib. Dumagdag pa ang nakabukas na mga ilaw ng mga gusali ng akademya, at mga nagkalat na mga ilaw sa iba’t ibang parte nito.Alas-tres na ng madaling araw nang tingnan kanina ni Green ang orasan sa silid kung saan siya nagising kanina kasama ang maraming mga nilalang na hindi niya kilala. Gayunpaman ay tanging mga kawal pa lang ang nakakasalubong niya sa daan, na nagbibigay sa kaniya ng paggalang.Hindi naman niya nakakalimutan ang isang habilin ni Celeste sa kaniya kanina — na huwag siyang magsasalita tungkol sa nangyayari sa kaniya. Sinunod niya iyon, tanging malawak na ngiti lamang ang iginagawad niya sa lahat ng nakakasalubong niya. Ngunit hindi pa rin maiwasan ng mga ito na magtaka sa kaniya dahil nagbibigay din ito nang paggalang, gaya ng ginagaw
THIRD PERSON'S POVMatapos ang ilang minuto ay nakarating din si Celeste sa harap ng pinto ng opisina ng Headmaster. Bago siya pumasok ay kumatok muna siya, at may narinig naman siya sa loob na pinahihintulutan siyang pumasok. Kaya agad niyang pinihit ang door knob at maingat na binuksan ang pinto. Nadatnan niya sina Headmaster Rain, Queen Affinity, at Leaves sa loob na abala sa pag-uusap dahilan upang mapayuko siya.“Paumanhin kong naabala ko ang inyong pag-uusap, Your Royal Majesty, Queen Affinity, Headmaster Rain, at Your Highness, Leaves,” paghingi niya ng kapatawaran at saka itinaas muli ang tingim at magtama ang mga mata nilang dalawa ni Queen Affinity.Ginawaran siya ng isang ngiti ni Queen Affinity ngunit mapapansin sa kaniyang mga mata ang lungkot na nadarama dahil sa nangyayari ngayon sa kaniyang anak na si Green, at sa planong pagsasakripisyo ni Alpha Goddess Hely. Ilang araw at gabi na rin siyang walang pahinga kaya namumutla na rin siya.Ngumiti naman siya pabalik at muli
THIRD PERSON’S POV“Argh! Naguguluhan ako sa mga sinasabi mo . . . Nakakahilo,” she said, complaining and giggling because she didn't believe what Leaves was saying to her. She didn't believe in such things like fantasies, magical worlds, magics, and magical creatures.“True? Kapatid kita, seriously?” hindi makapaniwalang tanong niya at saka natawa na lang bigla.Umirap naman si Leaves sa naging reaksyon ni Green. Kanina pa siya nagtitimpi upang hindi niya masampal o masakal si Green pero namumuro na ito.“Can you just please listen to me? Yes, you heard it right, kapatid kita — kambal tayo. Haven't you noticed the girl wearing a green dress earlier? She’s our mother. She’s a Queen, and we are Princesses. Kanina pa tayo rito pero hindi mo man lang mapansin na may resemblance tayong dalawa, hello?” she stupendously said as she glared at her once again.“At gaya nga ng sinabi ko, ikaw ang itinakda ng propesiya na lulupig kay Alpha God Tartarus, na siyang may gawa rin kung bakit wala kan
THIRD PERSON'S POVAlpha Goddess Hely, together with Queen Affinity, God Astrid, Goddess Heldy, Headmaster Rain, Yazenth, and Virgo were currently in the hall discussing something about how they could bring Green back to normal — to an immortal Goddess of Infinity, and of course Yazenth and Leaves’ mission in Emerald. Alpha Goddess Hely and Headmaster Rain were confused on their sudden mission without her knowledge.Leaves, on the other hand, was left with Green in the room to explain everything to her — about what really happened to her.“A-ano ang tinutukoy mong natitirang paraan upang maibalik ang aking anak sa rati, Alpha Goddess Hely? We can’t just sit here without doing anything. Hindi natin alam kung kailan ulit tayo susugurin ni Alpha God Tartarus. Kaya kailangan nating maayos ang lahat bago mangyari iyon, at alam mo iyan,” seryosong tanong at sabi ni Queen Affinity. “Sabihin mo lang kung ano ang maaari nating gawin . . . u-upang magawa ko na ito . . . ” she continued. She re
THIRD PERSON'S POV“A-ano ang ibig mong sabihin, Alpha Goddess Hely? Anong sinasabi mong isa na siyang mortal? P-paano? Paano nangyari iyon? A-ano ang nangyayari?” hindi makapaniwala at natatarantang mga katanungan ni Queen Affinity.She didn’t want to believe it, but coming from an Alpha Goddess Hely was something she must believe on the reason why she couldn’t help but be emotional and lost her mind of what she found out.Nagulat din ang lahat sa nalaman. Lahat sila ay nag-aalalang tumingin kay Green na mahimbing pa rin na natutulog kahit maingay na ang silid dahil sa mga bulungan nila.Naglakad si Alpha Goddess Hely palapit kay Green habang nakatitig sa kaniya. May mga planong dumadaloy sa kaniyang isipan ngunit nagdadalawang isip siya kung gagawin niya ito, ngunit alam niyang ito na lang ang natitira nilang pag-asang lahat.“Kagagawan ito ni Tartarus. Isinagawa nito sa Demiana dahilan upang magawang kontrolin si Green. Ito ang plano nito simula pa lamang kaya gusto nitong makuha si
THIRD PERSON’S POVPagkagat ng dilim ay nagpaalam na sina Leaves at Yazenth kay King Llwen, maging kay Goddess Eyelet pabalik ng Utopia — sa Royal Academy. Hindi sila maaaring magtagal pa sa Emerald dahil may nga suliranin din silang kailangan harapin, at mga katungkulan na kailangan gampanan.Wala namang magagawa si King Llwen kun’di ang hayaan sila sa kanilang pag-alis kahit pa man maiiwan ulit siyang mag-isa sa Emerald dahil sa kaniyang sariling tungkulin din. Lungkot at muling pangungulila ang nararamdaman niya habang paalis sina Leaves at Yazenth. Ngunit kailangan niya itong itago, kaya isang pilit na ngiti lamang ang gumuhit sa bibig niya habang hinihintay na mawala sa kaniyang paningin ang dalawa. Hindi na niya maihahatid ang mga ito papuntang borders ng Emerald dahil wala na siyang panahon pa upang gawin iyon.Nagawa naman niya ang mga dapat niyang gawin bago sila umalis. Kaya sapat na iyon para sa kaniya dahil iniisip na lang niya na pagkatapos ng kaguluhan ay muli silang mag