-Rain's point of view-Nag iisip ako ng paraan kung paano ko siya makakausap ng maayos. Iniiwasan niya talaga ako. Tapos, nadagdagan pa ang ikinagagalit niya nang dahil sa nangyari kahapon. Yes, nag iisip din ako ng paraan para makapag usap silang dalawa at magkaayos pero ang nangyari kahapon ay hindi ko inaasahan. Nagulat talaga ako na nandoon din si Jeronel. It must be coincidence. Hindi ko iyon plinano. Mas namoblema tuloy ako. Pati ngayon ay hindi ko na siya malapitan. Sa tuwing nakikita niya akong papalapit ay agad na itong nagpapaalam sa mga anak na papasok na. Hindi naman ako manhid para hindi iyon maramdaman. We needed to talk. Hindi naman pwedeng ganito na lang kami lagi na hindi nagpapansinan or should I say na hindi niya ako pinapansin. I sighed in frustration.Simula ng makauwi kami galing ng Tagaytay--- mas trumiple ang hindi nito pagpansin sa akin. Kahit nga ang tanguan o ilingan man lang ako ay hindi na nito ginagawa. Nakakafrustrate talaga. Feeling ko isa akong outc
-Rain's point of view-Desperately, nag decide ako na makausap muli si Jeronel. And this is for the better. Alam ko na deal lang ang lahat sa amin ni Harve, pero tama nga naman ito. We need to respect each other. At nangako ako na gagawin ko ang part ko. Being with Jero in our house, made me happy. Why? Kasi isa siya sa mga taong nakakaalam ng mga bagay bagay sa buhay ko at hindi iyon maintindihan ni Harve. So, I have to let him go, for now because. Para sa ikabubuti at ikakaayos ng lahat. I let him go, but that doesn't mean--- I'll totally forget him. No, gagawa at gagawa ako ng paraan para magkaayos silang dalawa. At alam kong hindi pa ngayon."Hey..." napabuntong hininga ako nang marinig ang pagtawag ni Jero sa akin sabay tapik sa aking balikat. "Is there any problem?" "Sorry..." malungkot na sambit ko at tumitig sa kanyang mga mata. I know he had a clue why I want to see him."Pinagbawalan ka ba niya?" "Hindi..." I lied."Let me guess, then..." Inalalayan niya akong maupo. "
-Jeronel's point of view-Mapapamura na lang ako sa nangyayari. Bakit ba kasi bumalik pa sa buhay nila Rain ang lalakeng iyon? Okay na ang lahat lahat, eh. Everything was set, not until he showed up. Isang buwan pa lang akong nawala at nabusy sa kabi-kabilaang business trips taps malalaman kong kinasal na pala sila. At sa kasamaang palad, aksidente kaming nagkita sa Paris para lang malaman ang namiss ko sa halos isang buwan kong Wala sa tabi nila.Magaling tumayming ang gago. Kung nandoon lang ako--- never niyang malalapitan ang mag iina. Ang dami tuloy what if sa utak ko. And it's frustrating. At saka, tama ang naging hinala ko. That bastard will do everything just to break us apart. And he won. Wala akong laban dahil kinasal siang dalawa. Rainy is a woman of her words. Mataray at nangangatwiran kapag tama, pero hindi siya gagawa ng bagay na ikakapahamak at ikakasira niya. Kaya sinamantala ng lalakeng iyon ang kahinaan ni Rainy. He used her debts para mapapayag ito at mapapirma
-Harve's point of view-Kapapasok ko pa lang sa opisina ni dad sa loob ng mansion nang dumagundong na agad ang galit nitong boses."How dare you did that to us!" "What are you talking about, dad? What did I do?" Naguguluhang tanong ko. Pinapapunta niya ako sa bahay dahil may pag uusapan daw kaming importante. Tapos, hindi pa ako nakakaupo--- sigaw agad nito ang sumalubong sa akin. Hanep, ah. Hindi ako nainform na bulyawan portion pala kaya niya ako pinapunta. Kinancela ko pa ang lakad naming mag aama dahil sa emergency meeting daw. Tapos gagawin pa akong manghuhula. Dad didn't give me an answer. Sa katunayan nga, isang malakas na suntok ang pinakawalan niya sa mukha ko. "Damn it, dad!" Gulat na mura ko. "What' s that for?!" Dahan dahan akong tumayo habang sapo sapo ang mukhang sinuntok niya. Matanda na ito ngunit malakas pa din ang kanyang kamao. "You. f*cking lier!" Dad is furious."I am not a lier, dad. Huwag mo akong gawing manghuhula. I didn't do anything wrong to treat m
-Rain's point of view-Kinakabahang hinarap ko ang ina ni Harve. Hindi ko alam pero may nararamdaman akong kakaiba sa awra ng ginang. She's very serious. She didn't even greet me like she use to do. Pati nga ang pagbati sa kambal ay ibang iba.She ignored them. Inutusan pa nga nito ang mga yaya ng kambal na i-akyat ang mga bata sa kanilang mga silid. Masyadong nakakapagtaka dahil kapag bumibisita ang mga ito ay ang dalawa ang lagi nilang hinahanap. Pero ngayon--- ni hindi man lang niya sinulyapan ang dalawa. "Go to your rooms, okay? Mag uusap lang kami ng Mommy LA niyo." Nginitian ko ang dalawa at hinalikan sila sa ka nilang mga pisngi. "Tatawagin ko na lang kayo kapag aalis na tayo, okay?"Ngumiti ang dalawa saka tumango sa akin. And then lumapit sila sa Mommy La nila. Nagpaalam sila, pero ang nakakasakit lang ay ni hindi niya pinansin ang dalawa. Ni hindi nito tinignan ang kambal. Diretso lang ang tingin nito sa bintana.I can see pain in their eyes. Nasasaktan ako bilang nanay ni
-Rain's point of view-Hindi talaga ako mapakali sa kinauupuan ko. Hindi ko naman matanong dahil nasa likuran lang ang dalawa. Napapaisip kasi ako--- akala ko ay maayos na ang lahat tapos biglang ganito ang gagawin ng mga magulang niya. I'm not sure, but I know something is off. At alam kong alam ni Harve kung ano ang nangyayari. Hindi lang siya umiimik.Paano naman ang kawawang utak ko? I wanted to know everything. Pakiramdam ko kasi naiiwan ako sa ere at gulong gulo. Nakipag argumento na ako sa ina nito na hindi man lang alam kung ano ang pinagmulan. Nakakastress. I deserve to know what's happening. Tila nakaramdam naman si Harve sa ipinagsisintir ng aking isipan. "We'll talk after this, Rain. Alam kong naguguluhan ka. Just... not now. Ayokong pag usapan natin ang bagay na iyon sa harap ng mga bata. Okay?" Saglit itong tumingin sa akin at muling nag focus sa kanyang pagmamaneho. Now, I feel satisfied because he has the intention of telling me everything. Kahit iyon lang ay ayos n
-Rain's point of view-Natauhan ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Nero. Tinatawag nito ang pangalan ng kakambal habang umiiyak.Nanginginig man sa takot ay pinilit kong kalmahin ang sarili. Wala akong maitutulong kung magpapanic din ako gaya ng ibang tao sa paligid. "Isa... dalawa... tatlo..." nakapikit na bilang ko. Bumuga pa ako nang malalim ba hininga bago nagmulat ng mga mata at patakbong lumapit sa kinaroroonan ng anak. May mga nagmamagandang loob ng tumutulong sa mag ama. Madali lang sana ang pagrescue sa kanila kaso tagilid ang pagkakahawak ni Eros sa kanyang daddy. Isang pagkakamali lang nito at maari na siyang bumulusok pababa ng bangin. "Stay still, son. Daddy is here, okay? Hindi ka bibitawan ni daddy. Just trust and listen to me." Kita sa mukha ni Harve na nahihirapan din siya at natatakot. Alam din nito kung ano ang sitwasyon."If daddy said keep still--- keep still, okay?" Marahang tumango si Eros. "Eros!" Umiiyak nang sigaw ko. Ito ang pangalawqng pagkak
-Rain's point of view-Bigla akong naalimpungatan. Pagtingin ko sa tabi ko, wala si Harve sa kinahihigaan niya. Dahan dahan akong tumayo at hinanap ito sa loob ng kuwarto.I found him outside our room, in our terrace. May kausap ito sa cellphone niya. He's mumbling something. Hindi ko iyon maintindihan. Halatang ayaw nitong may makarinig sa sinasabi niya sa kausap. Naglakad pa ako palapit sa gawi niya at nagtago sa likuran ng kurtina. I don't want him to know that I was eavesdropping. Para kasing nakapa-importante nang pinag uusapan nila at naku-curious ako.He can talk inside the room, pero mas gusto nito sa labas at parang bumubulong na nga lang kung magsalita. Halatang ayaw nitong iparinig ang pinag uusapan nila."Huwag kang kikilos hangga't hindi ko sinasabi." He said with finality in his voice. "No! Tumahimik ka! Mapapahamak ka sa ginagawa mo. Hindi siya basta basta. He has his connections too. Umayos ka." Saglit na nanahimik si Harve bago muling nagsalita."Huwag mo siyang ga