"Kelly! Kumusta ka?" Sigaw ni Niana habang papalapit ito Kay Kelly na nakatayo sa harap ng kanilang bahay. Tumakbo na agad si Niana upang yakapin ang kaniyang kaibigan.
"Hindi ko talaga mapapalampas ang ginawa niya sa'yo," inis niya pang dagdag. Napakamot naman ng ulo si Kelly.
"OMG! Ginawa niya 'yan?" Tanong niya ulit nang makita ang sugat sa kaliwang bahagi ng bibig ni Kelly. Napahawak naman si Kelly sa parteng iyon.
"O-Oo."
"Saan pa masakit?"
Naglakad naman sila papasok at naupo sa sofa.
Kinausap muna ni Ashburn ang mga magsasaka at ang caretaker bago magpaalam."Napagod ka?" Baling ni Ashburn sa kaniyang asawa nang pinaandar na niya ang sasakyan."Hindi naman," sagot ni Kelly at sumulyap muna sa farm at sa katabing bundok nito. Napangiti pa siya nang makita kung gaano kaberde ang bundok.‘Napakasayang mabuhay sa ganito kalayong lugar. Malayo sa ingay.’"What do you think? Maganda ba ang farm?"Lumingon naman si Kelly sa kaniya habang abala naman ito sa pagmamaneho.
Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Kelly nang tanungin iyon ni Ashburn. Napalunok naman siya at napatitig lamang sa kaniyang asawa upang siguruhin kung seryoso ba siya."A-Ashburn, masyado na akong maraming iniisip. Huwag mo naman akong binibiro," seryosong sambit ni Kelly.Bumuntong hininga naman si Ashburn."I'm serious. Are you not going to accept it?"Napaisip naman siya sa sandaling iyon.‘Never pa niya ako inayang kumain sa labas. Hindi naman siguro masama kung hindi ako tatanggi.’&nbs
"Kelly? Hello?""H-Ha?" Napatingin si Kelly sa kaniyang kaibigan na kanina pa nagsasalita sa kaniyang harapan habang siya ay tulala."Ang sabi ko ay pang-umaga lang daw tayo sabi ni Janelle. Mga lalake lang daw ang panggabing server," wika ni Niana habang nagpupunas sila ng mga kutsara at tinidor saka binabalot sa tissue paper.Sinabihan na sila ng kanilang classmate na hired na silang dalawa agad kahit hindi pa sila nagpapasa ng resume kaya nakapagsimula na agad sila sa trabaho."Ah, sige."Kumunot naman ang noo ni Niana at pinagmasdan si
Nanginginig ang mga kamay ni Kelly ngunit naglakas-loob siyang humakbang palapit sa kaniyang asawa.Hinawakan niya ang dalawang braso ni Ashburn at nagulat naman ito sa ginawa niya."A-Ano'ng ginawa niyo kay S-Sir Kiel? P-Pinatay niyo ba siya?" Tanong niya habang nakatingala sa kaniyang asawa.Kumunot naman ang noo ni Ashburn."What are you talking about?""Ang sabi mo ay ginawa niyo na. Ano'ng ginawa niyo sa kaniya?" Kabadong pag-uulit ni Kelly sa kaniyang tanong.
"Kumusta na kayong dalawa?" Tanong ni Janelle kina Niana habang kumakain sila ng lunch. Sumabay naman ito sa kanila upang makipagkuwentuhan."Okay naman kami. Oo nga pala, Janelle, thank you sa trabaho ah? Napaka-big time mo talaga!" Sambit ni Niana at natawa naman si Janelle sa kaniya."Ano ba, wala 'yon. Tsaka friends naman tayong tatlo noong college tayo. Nga pala, Kelly, balita ko ay kasal ka na," baling nito kay Kelly na abala naman sa pagkain.Tumango naman siya at ngumiti."Oo. Magdadalawang buwan pa lang," sagot naman niya."Ah, oka
Nang makauwi sina Kelly ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari ro'n.Bukod sa ginawang paghalik ni Ashburn sa kaniya sa harap ng ibang tao ay hindi rin siya nito iniwan. Lagi siyang nakahawak sa mga kamay ni Kelly habang pinapapili sa mga natitipuhan niyang mga damit, kahit na ang ending ay si Ashburn ang pumili ng mga babagay sa kaniyang mga damit.Agad siyang uminom sa kanilang kusina habang inilalagay ni Ashburn ang mga pinamili nila sa kaniyang kuwarto.Napahawak siya sa kaniyang dibdib at naalala na naman ang lahat."Hindi ko na alam kung umaarte ka pa rin. Hindi 'to maganda," wika niya sa kaniyang sarili
Pagkauwi nina Kelly ay tahimik pa rin siya at iniisip ang sinabi ng kaniyang asawa. Hindi siya sumagot nang tanungin iyon ni Ashburn, tumingin lang siya sa palubog na araw saka bumaling sa kaniyang asawa at ngumiti.Mabilis pa rin ang tibok ng kaniyang puso habang nakahiga siya sa kama at nakatingin sa puting kisame.Napahawak siya sa kaniyang dibdib at tinanong ang sarili kung ano'ng nangyayari sa kaniya.Biglang tumulo ang kaniyang luha sa kaniyang kanang mata at agad naman niya iyong pinunasan."Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung ano'ng totoo," mahinang sambit niya habang patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luh
Nang makauwi si Kelly ay wala na naman siyang ganang humarap sa kaniyang asawa dahil naiisip na naman niya ang sinabi sa kaniya ni Niana na baka may anak si Belinda at Ashburn.Habang kumakain ay nakatulala siya habang ngumunguya.'Kung sakaling totoo 'yon, at kapag nagkataon na nabuhay ang anak nila ay parang ako pa ang sumira ng kanilang pamilya. Pero kung totoo 'yon, hindi na sana niya ako pinakasalan.'"Good evening!"Napalingon naman si Kelly kay Ashburn nang pumasok ito sa kusina. Napaiwas agad siya ng tingin nang lumalakad na ito papalapit sa kaniya.
Hindi pa rin gumalaw si Kelly sa kaniyang kinatatayuan at patuloy pa ring pinagmamasdan si Belinda habang inaalalayan si Ashburn na nakatungo ang ulo at pagewang-gewang maglakad.Kitang-kita niya mula sa ilaw nila ang suot ni Belinda. Puting crop top, maiksing puting maong shorts, at mataas na puting heels.Napatigil naman si Belinda nang mapansin niya si Kelly na nakatayo sa harap ng pintuan. Kumunot lalo ang noo ni Kelly at napayukom ang mga palad.Nanginginig pa ang kaniyang mga tuhod ngunit naglakas-loob siyang humakbang pababa at lumapit sa kanilang dalawa.Walang anu-ano'y kinuha niya ang kaliwang braso ni Ashburn at inilagay sa kaniyang balikat. Pinagtulungan nilang ipasok ang kaniyang asawa sa loob ng kanilang bahay."I h-had fun, but it's more fun when..."Hindi naman natuloy ni Ashburn ang sasabihin at biglang nanahimik. Napalingon naman si Kelly sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.‘Mamaya ka sa'kin, gurang.’Nang maipasok nila si Ashburn at napaupo sa sofa sa kanilang sal
"A-Ayoko," sagot ni Kelly saka tumulo na naman ang kaniyang luha. Pinunasan niya agad iyon saka napatingin sa kaniyang asawa na naging maamo ang mukha dahil sa narinig.Napalunok naman si Kelly at nilagpasan na si Ashburn. Ngunit napatigil siya sa pag-akyat sa hagdanan nang tawagin siya nito sa kaniyang pangalan."I want to stay with you, Kelly," sambit niya. Napalingon si Kelly sa kaniya at nakitang sinsero ito sa kaniyang sinabi. Napakagat siya sa kaniyang labi at nakahinga nang maluwag saka ipinagpatuloy ang pag-akyat papunta sa kaniyang kuwarto.Napaupo agad siya sa kaniyang kama nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto at hinawakan ang kaniyang dibdib dahil mabilis pa rin ang kabog ng kaniyang puso."Gusto ko ring manatili ka," mahinang wika niya saka binuksan ang side table niya at kinuha ang kaniyang wedding ring.Pingmasdan niya iyon at kumikislap ang malaking diamond nito kapag tinatamaan ng ilaw. Napapunas siya ng kaniyang luha nang mapansin ang pangalan nilang mag-asawa sa l
Hindi nakaimik si Kelly at naramdamang tumulo ang kaniyang luha sa kaniyang kaliwang mata.Bigla siyang humarap sa kaniyang asawa na ikinagulat naman ni Ashburn. Ilang sentimetro na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha kaya kitang-kita ni Ashburn ang pagluha ni Kelly. Sinamaan ni Kelly ng tingin ang kaniyang asawa."A-Alam mo, mahilig kang umiwas sa mga bagay ano? Kapag alam mong may nasasaktan ka na ay tatalikod ka na agad. Ang pamilya mo ang may gustong ikasal tayo, tapos ngayong nahihirapan ka na sa'kin, bibitaw ka na agad? Napakatalino mo pero wala kang paninindigan," sambit niya saka tumalikod ulit at nagpigil ng iyak ngunit patuloy pa rin sa pagtulo ang kaniyang mga luha."I'm always hurting you," mahinang wika ni Ashburn at niyakap si Kelly sa kaniyang likuran. Patuloy naman siya sa pagpahid ng kaniyang luha.‘Kaya ka bumibitaw dahil hindi mo alam kung paano mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.’Alam niyang hindi pa siya handa para iwan ng kaniyang asawa.Kinabukasan, tahi
Nang maibaba ni Kelly ang tawag ay natulala siya at biglang namawis ang kaniyang mga palad kaya ipinunas niya iyon sa gilid ng kaniyang slacks."Ano, 'te, okay na?" Tanong ni Niana at saka lumapit sa kaniya."S-Sasakay na lang ako ng traysikel pauwi. B-Busy raw kasi si Ashburn eh," pagpapalusot niya. Tumango tango naman si Niana.Iniabot naman niya ang cellphone niya kay Niana."Ipasa mo na lang 'yong mga pictures mo," sambit niy. Ngumuso naman si Niana."Ano ba 'yan, mas magaling kang mag-edit kaysa sa'kin eh," wika naman niya saka kinuha ang cellphone ni Kelly.Napakunot naman ng noo si Kelly at inalala kung may iba pa bang babaeng binabanggit si Ashburn. Napailing na lang siya nang wala siyang maalala.Nang makauwi siya ay hindi pa rin siya mapakali at tinawagan ulit ang kaniyang asawa habang naghihintay siya sa sala.Napakagat siya sa kaniyang labi nang hindi pa rin sumasagot si Ashburn sa kaniyang mga tawag.Napaupo siya sa sofa at nanlumo nang hindi man lang niya nakausap ang ka
Kinabukasan ay maagang nagising si Kelly ngunit wala na sa tabi niya ang kaniyang asawa.Kinusot niya ang kaniyang mga mata saka tumagilid at humarap sa puwesto ni Ashburn kagabi.Mas lalo siyang naguluhan sa iniasta ni Ashburn kagabi."Mas marupok pa yata ako sa kahoy," wika niya saka hinaplos ang higaan kung saan nakapuwesto ang kaniyang asawa kagabi.Napatingin muna siya sa orasan at nakita niyang mag-aalas sais pa lang ng umaga. Naalala niyang mag-seserve sila nang alas syete ng umaga tuwing weekend kaya nag-inat siya at lumabas na sa kaniyang kuwarto.
Bumilis ang tibok ng puso ni Kelly nang ilang segundo na ay hindi pa sumagot ang kaniyang asawa.Napabuntong hininga na lang siya at umiwas ng tingin."I don't have any plans para balikan siya," sagot ni Ashburn.Natawa naman si Kelly saka siya napailing. Nakatingin lang sa kaniya ang asawa at tumayo ito saglit upang kumuha ng maiinom nila.Nang mailapag niya ang tubig ni Kelly sa harapan nito ay bumaling si Kelly sa kaniya."How well do you know your ex?" Tanong niya.
Nagmadaling lumapit ang isang server na lalake kina Niana nang makita nitong natumba si Kelly."Ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong nito kay Niana."May lagnat kasi siya. Ayaw niyang umuwi," kabadong sagot ni Niana habang hawak ang nakahandusay na katawan ni Kelly. Hindi naman siya mapakali habang nakahawak sa kaniyang kaibigan.Nagsilapitan naman ang ibang mga servers ngunit nang mapansin nilang tumitingin din ang mga guests ay pinakalma muna nila ang mga ito at sinabing ayos lang si Kelly.Bubuhatin na sana ng server si Kelly ngunit may tumakbong lalakeng nakaitim at naka-facemask papalapit sa kanila.
Napatigil si Kelly sa kaniyang nakita at napasulyap sa kaniyang asawa na seryoso lamang sa kaniyang upuan habang abala sa pagkain.Nanlabo ang kaniyang paningin, ngunit bago pa siya tuluyang matumba ay dahan-dahan na siyang umalis doon habang hawak pa rin ang mga regalo.Bigla siyang napaupo sa sahig nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto. Napatakip siya sa kaniyang bibig at nag-uunahang pumatak ang kaniyang mga luha.Pinunasan niya ang kaniyang basa nang mukha ngunit hindi tumigil ang pagpatak ng kaniyang luha. Napatungo na lang siya sa kaniyang tuhhod saka ipinagpatuloy ang pag-iyak."Bakit s-sa'yo pa?" Tanong ni
Nang makauwi si Kelly ay wala na naman siyang ganang humarap sa kaniyang asawa dahil naiisip na naman niya ang sinabi sa kaniya ni Niana na baka may anak si Belinda at Ashburn.Habang kumakain ay nakatulala siya habang ngumunguya.'Kung sakaling totoo 'yon, at kapag nagkataon na nabuhay ang anak nila ay parang ako pa ang sumira ng kanilang pamilya. Pero kung totoo 'yon, hindi na sana niya ako pinakasalan.'"Good evening!"Napalingon naman si Kelly kay Ashburn nang pumasok ito sa kusina. Napaiwas agad siya ng tingin nang lumalakad na ito papalapit sa kaniya.