Chantria We partied all night. Matapos ang slow dance nang madaling araw ay kumain ulit kami para may energy pa. The night is still young, sabi nga ni President Jared. Alas singko pa ang tapos ng party kaya may tatlong oras pa kami para magsaya. Nagsayaw kami sa gitna nang naging rakrakan ang kanta. Halos magwala na nga rin si Lorreine na akala mo nakainom. Hindi man ako kasing energetic niya ay sinubukan ko pa ring makisabay sa kaniya dahil good mood rin ako. Ang daming nangyari sa gabing ‘to. Parang roller coaster ang feelings ko kanina. Bumilis ang tibok ng puso ko habang kasayaw si Gab, nanlumo nang makitang masaya siyang tumatawa kasama si Makino, ‘tapos malalaman kong ni-reject niya ‘to at ako pa rin ang gusto niya. Staring at Gab, hindi pa rin ako makapaniwalang akin na ang lalaking ‘to. Parang kailan lang ay inis na inis ako sa kaniya noong tawagin niya akong gold digger. Parang kailan lang at iniiwasan ko siya dahil baka kung ano na naman ang sabihin niya sa ‘kin. But her
Chantria “Hey!” bulalas ni Lorreine. “Pupunta kami ni Louella sa Intramuros. Sama kayo?” Napatingin kami ni Iwatani kay Lorreine habang nagbubuhat ng weights. Kararating lang nilang dalawa ni Louella samantalang halos pauwi na kami ni Iwatani. “Actually,” pagpapatuloy niya, “sasabit lang talaga ako sa kanila. May business daw kasi roon si tita kaya sabi ko, sama ako. And then she’ll just pick me up again after dinner. Louella said she’ll come.” “Why not?” sagot ko. “Bakasyon naman na. Wala na rin tayong gagawin. Okay lang ba sa ‘yo, Iwatani?” “Hindi rin naman ako busy. I can tag along.” “It’s a deal, then!” Muli na namang napuno ng tawanan ang buong gym dahil kay Lorreine. She’s friends with everyone here. Hindi ko rin tuloy maiwasang hindi makilala ang ilan sa kanila dahil na rin sa kaniya. How I wish I had her confidence in making friends. Pero sabagay, mapili ako sa kaibigan. Mas pipiliin ko ang kaunting kaibigan pero alam kong mapagkakatiwalaan ko kaysa ang marami nga pero
Chantria“So, who’s the other guy?” tanong niya habang nakatingin sa mga kaibigan ko na mukhang nakahinga na rin nang maluwag nang makitang hindi na tumataas ang tensyon sa pagitan naming dalawa.Napatingin ako sa mga kaibigan ko dahil hindi ko sigurado kung sino ang tinutukoy niya. “Who? Iwatani?”“The other one. The cute one.” Naningkit ang mga mata ko dahil parehong cute sina Iwatani at Gab. “The new one. I already met that Japanese-looking guy. The other one. The Spanish-looking one.”Napatango naman ako. “That’s Gab. My boyfriend.”Napataas ang isang kilay niya sa dereksyon ko. “I thought the other one was your boyfriend.”“No, he’s not. He’s my bodyguard. What about that guy? Your boyfriend?”Napairap siya. “My bodyguard, Chantria. Hindi lang ikaw ang binigyan ni dad ng bodyguard. And he’s annoying. There’s no way in hell he’s my boyfriend.”Natawa naman ako sa sinabi niya. “You two look cute together.”Napangisi naman siya dahil sa sinabi ko. “You and your bodyguard look cute t
ChantriaHumigop ako sa baso ko na may kape bago humarap kay Iwatani. Narito kami sa sala para ipakilala sa ‘kin ang mga importanteng tao sa mundo ng business. Ito ang unang hakbang sa gagawin kong paghihiganti. Syempre, kailangan kong malaman kung sino ba ang mga makakabangga ko. Hindi naman pwedeng bangga lang ako nang bangga nang walang alam.“First of all, ang Zima Company. Ang kompanya ng dad mo.” Aangal na sana ako pero hindi niya ako hinayaan. “Kahit na ikaw ang tagapagmana nito, alam kong hindi mo pa kilala ang lahat ng mga tauhan ng dad mo. Tama ba?”Napaisip naman ako pero tama nga siya. Wala akong kilala. Alam kong si Joaquin ang sekretarya ni dad noon pero nang mawala siya ay hindi ko na alam kung sino ang pumalit. Miski ang member ng boards ay hindi ko pa opisyal na na-meet dahil din sa nangyari.Nilapag niya ang litrato ni dad sa mesa na agad kong dinungaw. “Philippio Geronimo Zima. Ang presidente at CEO ng Zima Corp. As you may know, may mga pag-aari siyang hotels, res
Chantria“Bakit naman gulat na gulat ka na makita ako?” tanong niya. “I told you I’m coming today, right? Nakalimutan mo ba?”Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti pero hilaw ang kinalabasan n’on. “I–I’m just… yeah. I forgot.”Mahina siyang natawa. “That’s okay. I’ll wait for you here para makapag-ayos ka. We’re going somewhere, and you’re going to love it.”Tumalikod siya at akmang babalik sa sasakyan niya nang tawagin ko siya. Humarap siya sa ‘kin nang may nagtatanong na tingin.“What? May problema ba?” He ambled near me. Inilahad niya ang kamay niya sa ‘kin pero hindi ko ‘yon tinanggap.“Let’s not go today. I’m not feeling well.”Hindi niya pinansin ang hindi ko pagtanggap sa kamay niya at hinawakan na lang ang noo ko. “You don’t have a fever. Pero kung masama ang pakiramdam mo, let’s go there next time. Teka at bibilhan kita ng gamot.”Before I could stop him, nakaalis na siya. Napabuntonghininga na lang ako bago pumasok sa loob. Kailangan kong makaisip ng paraan para mapaalis siya
Chantria“Congratulations on passing the interview,” ani HR manager na si Ma’am Dianne Guttierez. “From here on out, you’ll be assigned to different leaders to guide you. I want to introduce to you Miss Anna Marshall, the head of the marketing department.”Nagpakilala naman ang isang matangkad na babaeng may suot na eyeglasses. Matapos n’on ay pinakilala sina Lorreine at Louella na silang magiging apprentice ni Miss Marshall.“And Miss Yao Lu, the head of the general management.” Siya naman ‘yong mas maliit na babae na may suot ding eyeglasses pero mas makapal.Tumango naman kami ni Chanel nang tawagin niya ang pangalan namin. Sa kaniya kami naka-assign. Tanging si Ma’am Dianne lang ang nakakaalam kung sino kaming dalawa ni Chanel para na rin maiwasang ang favoritism sa kompanya. Ayaw rin namin magkaroon ng priviledge sa pagiging apprentice namin dito. Malaki na ngang tulong na nakapasok kami rito kahit na magkokolehiyo pa lang kami. Ayaw naman naming sagarin ang impluwensya namin. M
ChantriaTulala ako habang nakatingin sa kawalan. Hindi pa rin mawala sa ‘min ang naging tagpo sa 7/11 kanina. Hindi ako makapaniwalang nakita ko ulit siya matapos ang maraming buwan.And he was not looking for me, he said. Hindi siya magpapakita kung ayaw ko siyang makita. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa sinabi niyang ‘yon o ano. But one thing is for sure, he still loves me. Chanel is right. He loves me. Well, hindi siya sigurado kung mahal ba talaga niya ako o hindi pero sabi niya, hindi nagbago ang nararamdaman niya.There’s something inside me, hoping na sana ay nagsasabi siya ng totoo. May parte sa ‘kin na naniniwalang wala talaga siyang kinalaman sa kung ano man ang ginagawa ng dad niya. Naipit lang siya.Ngayon, I just have to wait. Maghintay sa kung ano man ang plano niyang gawin. Hindi ko alam kung anong klaseng plano ang gagawin niya, but I will believe in him.“Akin na nga lang ‘yang ice cream mo.” Hinablot na ni Chanel ang hawak kong ice cream bago pa ako maka
Chantria Binaba ko ang cap na suot ko para itago ang mukha ko kahit papaano. In-adjust ko rin ang pekeng salamin ko para makita nang maayos ang dinadaanan. Nagpatuloy ako sa pagtulak ng mga gamit panglinis papunta sa elevator. May ilan akong nakasabay na binati ko. Binati naman nila ako pabalik ngunit hindi na nang-usisa pa. I need to act as natural as possible. Ayokong mahuli ako matapos ang lahat ng ginawa ko para lang sa misyong ‘to. Hindi ako aalis sa hotel nang wala akong nakikitang ebidensya laban sa kanila. Nang makarating ako sa ikalabing-dalawang palapag ay bumaba na ako. Patuloy kong tinutulak ang mga panlinis papunta sa room ni Gab. Tumingin muna ako sa kanan at kaliwa bago pinasok ang card at nag-swipe. Pigil-hininga ko pa ‘yong ginawa hanggang sa tumunog ang lock hudyat na bumukas na ang pinto. Maaasahan talaga si Lorreine sa mga ganitong gawain. At tiyak naman babatukan ako ni Chanel kapag nalaman niya ‘to. Iwatani doesn’t want me to do these things too kaya hindi