ChantriaNang mahimasmasan ako ay saka lang ako tumigil sa paglalakad at huminga nang malalim. Hindi ko na muna pinansin si Iwatani na nakatingin lang din sa ginagawa ko.I know that he has a lot of questions right now. It’s either ayaw niya lang magtanong o wala lang talaga siyang pakialam kung ano ang nasaksihan niya. Mas mabuti na rin dahil ayokong magtanong pa siya nang magtanong. Baka maungkat lang ang nangyari sa nakaraan. Ayokong makita niyang mahina ako sa tuwing pinag-uusapan ang nangyari.“Let’s take a rest,” ani niya. “Pwede naman tayong mag-tour sa ibang araw.”Agad akong tumango. Sa totoo lang, kanina ko pa dapat siya aayaing umuwi. Masyadong malawak ang campus at aminado akong pagod na ‘ko. I’m not fit enough to continue touring. At isa pa, marami pa naman akong time para libutin ang campus kahit may pasok na.“Anyway,” sabi ko, “are we classmates?” Nagsimula na kaming maglakad patungong parking lot. Magkatabi lang kaming dalawa at may kaunting distansya sa pagitan namin
ChantriaHinatid ako sa labas ni Iwatani kahit na magkapit-bahay lang naman kami. Ayon sa kaniya ay madilim na sa labas. At hangga’t nasa labas ako ay kailangan niya akong bantayan sa lahat ng oras. Nagkibit-balikat na lang ako at hinayaan siya dahil may punto naman siya.Nang makarating kami sa tapat ng bahay ko ay hinarap ko siya at nagpasalamat.“Trabaho kong protektahan ka, Seanne.”Napanguso na lang ako. Sabi ko nga. Pero kung bakit sumikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya ay wala akong ideya. “Maraming salamat pa rin. Saka salamat sa masarap na Sinigang. Pwedeng-pwede ka na mag-asawa,” biro ko.Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. “Wala pa akong balak mag-asawa kahit na marunong akong magluto. Hindi naman iyon ang basehan kung pwede nang mag-asawa o hindi.”Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. “That was a joke, Iwatani.”Tumikhim siya. “I know.”“No, you don’t. Alam mo, minsan, masarap ding makipag-usap sa mga tao. Try mo.”“Anong ibig mo sabi
ChantriaBored na bored akong nakikinig sa adviser namin at sa mga palatuntunang dapat sundin sa klase. Halos paulit-ulit na lang ang sinasabi niya na para bang mga elementary student kami na hindi agad makaintindi.Not to mention, itong mga sinasabi niya naman ay ang talagang inaasahang gawin naming mga estudyante niya kaya bakit kailangang ulit-ulitin? Wala na tuloy akong nagawa kung hindi ang mangalumbaba sa lamesa ko at tumitig sa kawalan.“Makinig ka,” bulong ni Iwatani.“I already know what she’s saying. Hindi ka ba nabo-bored? Dapat ay nagsimula na tayong magklase. Sayang ang oras.”Napabuntonghininga na lang si Iwatani at hindi na nagsalita. Siya na lang ang nakinig para sa ‘ming dalawa kahit na alam kong narinig na niya ‘to nang paulit-ulit noon. I don’t understand the need to listen to this all the time. Halos lahat ng sumunod na subjects ay ganito ang sinasabi.Nagawi naman ang tingin ko sa lalaking ngayon ko lang nalaman ang pangalan. Dahil nagpakilala kaming dalawang tran
ChantriaPinatawag si Iwatani sa office nang nasa kalagitnaan kami ng klase. Hindi naman sinabi kung bakit pero wala na siyang nagawa. Muli niya lang akong sinulyapan bago isinara ang pinto ng room namin.Napabuntonghininga na lang ako at nagsimulang mag-take down notes. Nagkaroon na kami ng activity kanina para malaman daw namin kung ano na ang nalalaman namin sa subject niya. Ngayon naman ay nagsisimula na siyang magturo.Matapos ang lesson ay inutusan niya ang vice president, which is ako, na dalhin ang mga notebook namin sa faculty niya para i-check ang activity. To my surprise, Gab volunteered to help me. Noong una ay aapila dapat ako. Pero nang hawak na niya ang halos lahat ng notebook ay wala na akong nagawa. Hindi naman din umangal ang teacher namin.Wala namang kaso sa ‘kin kung may tumulong pero nagdadalawang isip lang naman ako dahil itong si Gab pa ang nagboluntaryo. Baka mamaya ay paulanan na naman ako ng kung ano-anong maaanghang na salita. This time, ako na lang ang pop
ChantriaPagdating namin sa gym ay may karamihan ang mga tao. Ayon sa kaniya ay marami talagang pumupunta rito kapag hapon. Sa umaga naman ay iilan lang. Tutal ay alas dyes ang klase namin, sinabihan ko siyang ayos lang sa ‘kin kung sa umaga na lang kami.Mas ayos na rin ‘yon dahil hindi ko kayang gabihin dito. I’d rather wake up early than sleep late.“Mag-stretch ka muna ng katawan,” ani Iwatani. “Pagkatapos ay saka ka mag-lift ng magaang weights. Kailangan muna nating i-warm up ang katawan mo. Kailan ka huling nagbuhat?”Hindi ko alam kung paano niya nalamang nagbubuhat ako pero hindi ko na tinanong. “Three or four months ago?” patanong na sagot ko.“Really?”“Yeah, I know. Matagal-tagal na rin dahil tumigil ako. I thought it won’t be useful anymore.” Umirap na lang ako dahil alam ko namang kasalanan ko. No need to rub it on my face.“Okay. We’ll start from scratch. Sabihan mo ako kapag tapos ka na para ma-guide kita. Kauusapin ko lang si Coach Jay.”I watched him as he jogs toward
ChantriaSa unli Samgyupsal namin napiling mag-dinner dahil mahilig pala ‘tong dalawa sa mga korean foods. Honestly, I’ve never tried korean foods before. Ang madalas kong kainin sa Canada ay Canadian, Thai at Mexican foods. Kahit nga roon ay hindi ako kumakain ng Fililipino foods maliban kung magpaluto si Carleigh. Siya kasi ang mahilig doon.Itong si Lorreine naman ang mahilig sa Samgyupsal at sa Japanese foods naman itong si Louella. Noong nakaraan daw kasi ay nag-ramen na sila kaya pinagbigyan naman niya ngayon ang kaibigan.Habang kumakain tuloy kami ay hindi ko maiwasang hindi mainggit sa pagkakaibigan nila. Sobrang close kasi nila kahit na medyo tahimik talaga ‘tong si Louella. Iyong simpleng pagpapaabot lang ng dish ay sobrang natural sa kanilang dalawa.I have a friend in Canada, Jackson. Pero hindi kami ganito ka-close. Siguro close kami kapag sa gala. Mahilig kasi kaming dalawa mag-travel noon lalo na ang mag-hike. Doon din kami nagkakilalang dalawa kaya iyon na ang naging
ChantriaGaya ng inaasahan ay nakaabang na si Iwatani sa ‘kin sa labas habang nakasandal sa pinto ng sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako kaya mahina lang akong nagpasalamat.Buong araw na naman kaming magkasama. Alam kong hindi maiiwasang kausapin ko siya dahil halos lahat ng dapat kong gawin ngayong araw ay may kinalaman sa kaniya. Pero as much as possible, ayoko siyang makausap kapag hindi naman talaga kailangan.If it’s about school, I’ll talk to him. Kung about sa gym, I can handle that. If it’s about Aling Tryna, I’ll go with the flow. Pero hindi ko na kayang makipag-asaran pa sa kaniya. Hindi ko na kayang marinig ang mga lame joke niya at tumawa na parang wala lang.Mukhang wala rin naman siyang balak na kausapin ako kaya mas magiging madali na lang ang lahat. Sa tingin ko nga ay pabor pa ‘to sa kaniya dahil hindi na niya ako kailangang plastic-in pa. He should have told me about it before, para hindi na siya nahirapang pakisamahan ako. We can be like this from the start. Eh ‘di
Chantria“Una kong naging kaibigan ang kakambal mo, si Carleigh,” panimula ni Iwatani. Narito kami sa bakuran ng bahay nila habang nakatanaw sa mga dumadaang sasakyan. Pareho kaming umiinom ng kape matapos naming makapag-dinner.Tahimik lang akong nakikinig sa kwento niya. Gaya ng sabi ko, hahayaan ko siyang ipaliwanag kung ano talaga ang nararamdaman niya. Kung galit siya sa ‘kin, kailangan kong tanggapin ‘yon.“Nagkakilala kami dahil pareho kami ng gym na pinupuntahan noon sa Canada. Noong nabubuhay pa kasi si tatay ay palagi niya akong sinasama roon dahil mas maganda ang turo kaysa rito. At isa pa, naroon ang main business ng pamilya niyo kaya kailangan ko rin iyong pag-aralan.”“Bata pa lang pala ay magkaibigan na kayo,” sabi ko, “pero bakit hindi kita kilala? Madalas din akong magpunta sa gym kasama siya at si Chanel.”Humigop muna siya sa kaniyang kape bago nagsalita. “Lagi na kitang nakikita noon kasama si Carleigh pero sa tuwing darating kayo ay pauwi naman ako. Hindi gaya niy
ChantriaDahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko pero agad rin napapikit dahil sa sakit ng ulo ko. Pero nang bumalik sa ‘kin ang lahat ng nangyari ay mabilis akong bumangon mula sa kama ko. Hindi ko na ininda pa ang kumikirot kong sentido dahil isa lang ang gusto kong makita ngayon.“Carleigh!” bulalas ko nang makarating ako sa sala ng bahay namin ni Chanel. Sabay na napalingon sa ‘kin sina Chanel at Iwatani na naglalaro ng xbox. Agad na hininto ni Iwatani ang nilalaro nila para kausapin ako.“She’s in the kitchen,” sagot ni Chanel. “She said she wanted to cook for you.”Hindi ko na tinapos ang sinasabi niya at kumaripas na ng takbo sa kusina. There I saw her back turned on me. Naghahalo siya ng kung ano sa kawali. Muli na namang tumulo ang luha ko sa mga mata. I can’t believe that she’s really here. Hindi panaginip ang lahat. Nandito nga siya sa harap ko.“Carleigh…”Napaharap siya saglit, gulat sa biglaan kong pagsasalita. “Chantria, you’re awake. Okay na ba ang pakiramdam mo? Na
Chantria “Woah! Woah! Calm down, princess,” ani Lance habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. “Ang sabi mo kaibigan mo si Iwatani. You lied to me!” “Hindi ako nagsinungaling, binibini. Best friend ko si Iwatani.” “Kung kaibigan mo siya, bakit mo kasama ang isang ‘to?” Tinutok ko ang baril kay Gab na kalmado lang na nakatayo malapit sa isang sasakyan. Nakasandal pa siya roon habang nakatitig sa ‘kin na para bang hindi siya natatakot sa hawak ko. “Si Isaac? Bakit? Hindi ko siya best friend pero kaibigan ko rin siya. Kilala mo ba siya?” “Hindi ko lang siya kilala. Kilalang-kilala ko siya.” Napatingin siya sa kaibigan niya nang nagtatanong kaya sumagot si Gab. “Siya si Chantria, Lance. O mas kilala mo bilang si Seanne.” Nalaglag ang panga ni Lance at tila naestatwa sa kinatatayuan niya. “Ito ‘yong babaeng kinababaliwan mo? Hindi ko inaasahang ganito pala ang tipo mo.” Sinubukan kong huwag magpaapekto sa sinabi ni Lance. Baka nagsisinungaling siya. Hindi. Tiyak na nagsisinungali
Chantria Matapos ang mahabang araw ko sa trabaho ay dumeretso ako sa bahay namin ni Chanel. And yes, we’re still living together. Iyon nga lang, madalang kaming magkita bukod sa umaga bago pumasok. Pero nagulat ako dahil ang aga niyang nakauwi ngayon. “You’re early,” bungad ko. Sumalampak din ako sa sofa at dumukot ng kinakain niyang chichirya. “Para bago naman. I need a break.” Saglit kaming natahimik habang nanonood sa TV nang bigla siyang magsalita. “I heard the one who killed Carleigh is caught.” Mahina ang boses niya, sapat lang para marinig ko. “I don’t know yet. Pero ayon kay Lorreine, may kinalaman ‘yong lalaking nahuli nila sa nangyari. Hindi ko alam kung siya na ba ‘yong pumatay o may iba pa.” “Bakit parang nagdadalawang isip ka pa? This is what we’ve been waiting for, right? Ang mahanap ang killer.” “Hindi ko alam. I don’t think I can face him yet.” Pinatay niya ang TV bago ako hinarap. “Let me ask you something. Ano bang gusto mong gawin? Anong paghihiganti ba ang p
Chantria Binaba ko ang cap na suot ko para itago ang mukha ko kahit papaano. In-adjust ko rin ang pekeng salamin ko para makita nang maayos ang dinadaanan. Nagpatuloy ako sa pagtulak ng mga gamit panglinis papunta sa elevator. May ilan akong nakasabay na binati ko. Binati naman nila ako pabalik ngunit hindi na nang-usisa pa. I need to act as natural as possible. Ayokong mahuli ako matapos ang lahat ng ginawa ko para lang sa misyong ‘to. Hindi ako aalis sa hotel nang wala akong nakikitang ebidensya laban sa kanila. Nang makarating ako sa ikalabing-dalawang palapag ay bumaba na ako. Patuloy kong tinutulak ang mga panlinis papunta sa room ni Gab. Tumingin muna ako sa kanan at kaliwa bago pinasok ang card at nag-swipe. Pigil-hininga ko pa ‘yong ginawa hanggang sa tumunog ang lock hudyat na bumukas na ang pinto. Maaasahan talaga si Lorreine sa mga ganitong gawain. At tiyak naman babatukan ako ni Chanel kapag nalaman niya ‘to. Iwatani doesn’t want me to do these things too kaya hindi
ChantriaTulala ako habang nakatingin sa kawalan. Hindi pa rin mawala sa ‘min ang naging tagpo sa 7/11 kanina. Hindi ako makapaniwalang nakita ko ulit siya matapos ang maraming buwan.And he was not looking for me, he said. Hindi siya magpapakita kung ayaw ko siyang makita. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa sinabi niyang ‘yon o ano. But one thing is for sure, he still loves me. Chanel is right. He loves me. Well, hindi siya sigurado kung mahal ba talaga niya ako o hindi pero sabi niya, hindi nagbago ang nararamdaman niya.There’s something inside me, hoping na sana ay nagsasabi siya ng totoo. May parte sa ‘kin na naniniwalang wala talaga siyang kinalaman sa kung ano man ang ginagawa ng dad niya. Naipit lang siya.Ngayon, I just have to wait. Maghintay sa kung ano man ang plano niyang gawin. Hindi ko alam kung anong klaseng plano ang gagawin niya, but I will believe in him.“Akin na nga lang ‘yang ice cream mo.” Hinablot na ni Chanel ang hawak kong ice cream bago pa ako maka
Chantria“Congratulations on passing the interview,” ani HR manager na si Ma’am Dianne Guttierez. “From here on out, you’ll be assigned to different leaders to guide you. I want to introduce to you Miss Anna Marshall, the head of the marketing department.”Nagpakilala naman ang isang matangkad na babaeng may suot na eyeglasses. Matapos n’on ay pinakilala sina Lorreine at Louella na silang magiging apprentice ni Miss Marshall.“And Miss Yao Lu, the head of the general management.” Siya naman ‘yong mas maliit na babae na may suot ding eyeglasses pero mas makapal.Tumango naman kami ni Chanel nang tawagin niya ang pangalan namin. Sa kaniya kami naka-assign. Tanging si Ma’am Dianne lang ang nakakaalam kung sino kaming dalawa ni Chanel para na rin maiwasang ang favoritism sa kompanya. Ayaw rin namin magkaroon ng priviledge sa pagiging apprentice namin dito. Malaki na ngang tulong na nakapasok kami rito kahit na magkokolehiyo pa lang kami. Ayaw naman naming sagarin ang impluwensya namin. M
Chantria“Bakit naman gulat na gulat ka na makita ako?” tanong niya. “I told you I’m coming today, right? Nakalimutan mo ba?”Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti pero hilaw ang kinalabasan n’on. “I–I’m just… yeah. I forgot.”Mahina siyang natawa. “That’s okay. I’ll wait for you here para makapag-ayos ka. We’re going somewhere, and you’re going to love it.”Tumalikod siya at akmang babalik sa sasakyan niya nang tawagin ko siya. Humarap siya sa ‘kin nang may nagtatanong na tingin.“What? May problema ba?” He ambled near me. Inilahad niya ang kamay niya sa ‘kin pero hindi ko ‘yon tinanggap.“Let’s not go today. I’m not feeling well.”Hindi niya pinansin ang hindi ko pagtanggap sa kamay niya at hinawakan na lang ang noo ko. “You don’t have a fever. Pero kung masama ang pakiramdam mo, let’s go there next time. Teka at bibilhan kita ng gamot.”Before I could stop him, nakaalis na siya. Napabuntonghininga na lang ako bago pumasok sa loob. Kailangan kong makaisip ng paraan para mapaalis siya
ChantriaHumigop ako sa baso ko na may kape bago humarap kay Iwatani. Narito kami sa sala para ipakilala sa ‘kin ang mga importanteng tao sa mundo ng business. Ito ang unang hakbang sa gagawin kong paghihiganti. Syempre, kailangan kong malaman kung sino ba ang mga makakabangga ko. Hindi naman pwedeng bangga lang ako nang bangga nang walang alam.“First of all, ang Zima Company. Ang kompanya ng dad mo.” Aangal na sana ako pero hindi niya ako hinayaan. “Kahit na ikaw ang tagapagmana nito, alam kong hindi mo pa kilala ang lahat ng mga tauhan ng dad mo. Tama ba?”Napaisip naman ako pero tama nga siya. Wala akong kilala. Alam kong si Joaquin ang sekretarya ni dad noon pero nang mawala siya ay hindi ko na alam kung sino ang pumalit. Miski ang member ng boards ay hindi ko pa opisyal na na-meet dahil din sa nangyari.Nilapag niya ang litrato ni dad sa mesa na agad kong dinungaw. “Philippio Geronimo Zima. Ang presidente at CEO ng Zima Corp. As you may know, may mga pag-aari siyang hotels, res
Chantria“So, who’s the other guy?” tanong niya habang nakatingin sa mga kaibigan ko na mukhang nakahinga na rin nang maluwag nang makitang hindi na tumataas ang tensyon sa pagitan naming dalawa.Napatingin ako sa mga kaibigan ko dahil hindi ko sigurado kung sino ang tinutukoy niya. “Who? Iwatani?”“The other one. The cute one.” Naningkit ang mga mata ko dahil parehong cute sina Iwatani at Gab. “The new one. I already met that Japanese-looking guy. The other one. The Spanish-looking one.”Napatango naman ako. “That’s Gab. My boyfriend.”Napataas ang isang kilay niya sa dereksyon ko. “I thought the other one was your boyfriend.”“No, he’s not. He’s my bodyguard. What about that guy? Your boyfriend?”Napairap siya. “My bodyguard, Chantria. Hindi lang ikaw ang binigyan ni dad ng bodyguard. And he’s annoying. There’s no way in hell he’s my boyfriend.”Natawa naman ako sa sinabi niya. “You two look cute together.”Napangisi naman siya dahil sa sinabi ko. “You and your bodyguard look cute t