"Aaron, please let her go!", Saway na wika nito sa kaibigan; Namimilipit na siya sa sakit at bukod pa roon ay pinag-titinginan na sila ng halos lahat ng bisita, at maging ang press media ay hindi pina-lagpas iyon, lumapit ang mga ito sa kanila at naglabas ng camera at sunod-sunod na nagtanong ang mga iyon. Inawat ni Nick ang mga ito ngunit nakorner na sila na, mas nakadagdag ng galit sa mukha ng asawa. Bigla siya binatawan nito kaya napalugmok siya paupo. Iniayos nito ang sarili bago ito tuluyang humarap sa camera, at siya naman ay nakatungo na parang basang sisiw at malakas ang kabog ng dibdib. Dahil sa matinding takot sa asawa."Mr. Aaaron Anderson, siya ba ang napapabalitang asawa mo? "Diba anak siya ni Don Carlos? Ang nagpapatay sa iyong inay?" "Paano mong naatim na pakasalan ang anak ng taong pumatay sa iyong inay?" Sunod-sunod na mga tanong ng mga reporter na naroroon."No! She's not my wife! Kahit kailan hindi ako magmamahal ng katulad niya babae, hindi siya ang papangarapin k
Sa mga narinig niya mula sa mga pulis ay tila napako siya sa kanyang kinatatayuan at halos hindi siya nakapagsalita agad. "Hindi patay ang asawa ko! Buhay na buhay siya at kasama ko siya sa birhday party ko kanina!", Wika niya na halos hindi siya makapaniwala sa mga ito. "Mr. Anderson, nawalan ng prino ang mina-maneho ng asawa mo. Dahil gabi na ng mangyari ang incidente ay marahil hindi agad nakita ng asawa mo na mahuhulog yun sa, bangin. Dahil sa lakas ng pagkahulog nito ay sumabog ito at halos matupok iyon.""Babe, Valerie, please come back to me!", Wika niya habang hawak ng kaibigan ang balikat niya' at luhaan rin iyon. Halos pariho sila na hindi makapaniwala sa pangyayari at maging sila Manang Lina at Mang Larry ay umiiyak narin ang mga iyon. "Sir Aaron, paanong nangyaring nawalan ng prino ang sasakyan na mina-maneho ni Mam Valerie, maayos iyon at alaga ko ang sasakyan na yun at bago natin gamitin kanina ay maayos naman ito.",wika ni Mang Larry hindi rin makapaniwala sa nangyari
Pagdating nila ng Fuentebella mansion ay tahimik na ang paligid, dahil halos mag-uumaga na iyon, mabilis siya nag door bell, habang sila Nick at Mang Larry ay nasa kanyang likuran."Sino naman kaya itong pupunta ng ganitong oras?", kunot noo niyang tinungo ang gate ng mansion at duon niya na aninag ang tatlong lalaki. Nang medyo malapit na siya ay nakilala niya agad si Aaron. Magulo ang ayos nito at halatang wala itong tulog. malalim ang mga mata na punong-puno ng lungkot at ang mga kasama nito, ay ganun rin' malungkot ang mga iyon. "Aaron, ikaw pala! Hali kayo, tuloy kayo", wika nito na kinusot-kusot nito ang mata habang sila naman ay sumunod rito para makapasok sa loob ng mansion."Mag-uumaga na napasugod kayo rito ng ganitong oras?", Wika nito na may pagtataka.Hindi agad siya makapag-salita at maging sila Nick at Mang Larry ay hindi siya pinangugungunahan ng mga ito."Yaya Mercy, si Valerie wa-la na." , putol putol na wika niya rito. "Huh? Paanong nawala? Linawin mo hindi ko baga
Nakauwi an sila ni Mang Larry sa mansion at si Nick ay idinaan nila sa bar nito dahil may aayusin ito roon. "Sir, Aaron, mauuna na ako sayo' magpahinga, kung may kailangan ka tawagin mo lang kami ni Lina." "Sige, Mang Larry, magpahinga na muna kayo' at aakyat narin ako sa itaas."Pagkaakyat niya roon ay naamoy pa niya ang ginamit na pabango ng asawa ng pumunta ito sa bithday party niya, kinuha niya ang unan na ginagamit nito at niyakap niya iyon habang patuloy ang daloy ng luha sa kanyang mga mata. "Babe, iIm sorry! Sa lahat ng ginawa ko sayo' mahal na mahal kita kung alam mo lang kung gaano ko kagusto ikaw ang kasama ko sa aking silid pero mas pinili ko ang hindi ka makasama. Dahil sa aayaw kita masaktan sa tuwing binabangungut ako sa pagtulog dahil sa pagkamatay ng Inay ko na inakala ko na ang daddy mo ang may gawa."Nasipat niya ang resulta ng ultrasound nito inabot niya iyon at niyakap kasama ang unan ng asawa. "Anak, patawarin mo ako sa pagkukulang ko sa Mommy mo, mas inuna ko an
Lumipas ang mga araw at buwan ay tila ganoon parin ang pighati na nararamdaman niya sa pagkawala ng kanyang asawa. Kaya mas pinili muna niya ang manatili sa mansion, at halos walang araw na hindi siya lasing, kahit paano sa alak ay nagiging manhid siya ngunit sa paggising niya ay ganoon parin' gigising siya na wala ng ang kanyang mahal na asawa.Naging tahimik ang mansion matapos ang lahat ng nangyari. Tanging sila na lang ng mga tao niya ang naiwan sa mansion. Si Hillary ay bumalik na ng America dahil sa trabaho nito roon bilang modelo, at wala na itong plano bumalik matapos niya tapatin ito na wala na siya mamahaling ibang babae kundi si Valerie lang.Habang umiinom siya ng kape ay napansin niya ang bakuran napupuno iyon ng mga magagandang ibat ibang uri ng bulaklak."Manang Lina!", tinawag niya iyon kahit abala ito sa kusina. "Sir, Aaron bakit?" "Yung mga bulaklak sa bakuran ang gaganda ngunit nagtataka ako kung saan iyon nanggaling.""Pasalubong iyon kay Mam Valerie ng kaibigan ni
"Saan ninyo ako dadalhin bitawan ninyo ako?", Pagpupumiglas niya sa mga ito ng isakay siya sa sasakyan. "Sa kamatayan mo! Pasalamat ka dahil kung ako lang ang masusunod ay, papatayin kana namin ngayon pa lang!", wika ng mga ito habang nagtatawanan."Narito na tayo sa katapusan mo.", sabay ng pagkasabi ng mga ito ay pasalya siya inihagis at sa subrang lakas ay pakiramdam niya ay nabali ang kanyang balakang."Narito na ang taong tatapos sa kasamaan mo!", wika ng mga ito ng tinanggal ang piring niya."Aaron?", wika nito na gulat na gulat ng makita siya. "Mr. Lee kung ako sayo' simulan munang mangumpisal baka sakaling tanggapin kapa sa langit sa lahat ng kasamaan mo!", wika nito madilim ang mukha at punong puno ng galit ang mga mata. "Wala akong alam sa kasamaang sinasabi mo. Pakawalan mo ako dahil kapag akoy nakawala rito papatayin kita!""Bert, ipasok muna sila dito isama mo sila sa hayop na matandang yan!", kaagad na naipasok ng mga ito ang tao ni Mr. Lee. Laking gulat nito ng makita
"Pare, anong oras ang business conference mo bukas?" "Alas gis pa yon pero maaga tayo bukas kailangan ko pang dumaan sa opisina dahil may mga kailangan akong pirmahan." Maya maya ay nakalapag na ang eroplanong sinasakyan nila. "Hello, America!" Natawa na lang siya sa kaibigan sa pagsigaw nito. Dahil ito ang unang pagkakataon nakarating iyon rito."Pare, saglit lang punta lang akong comfort room." "Bilisan mo maya maya ay darating na yung sundo natin." Pagkatapos niya magpaalam sa kaibigan ay kaagad na siya tumalikod para hanapin ang comfort room duon ngunit, dahil sa ihing-ihi na kayat nagmadali siya maglakad papuntang palikuran at sa pagmamadali niyang iyon ay nakabangga siya ng isang babae."Im sorry miss." Kasabay ng paghingi niya ng pasensya rito ay tinulungan niya itong makatayo."Next time, please look at your footpath!"Hindi niya napansin ang pagtataray nito dahil higit na mas kumuha ng pansin sa kanya ay ang hitsura nito. "Valerie?", Sa pagkagulat ay napalakas ang pagbigkas n
Halos ni isa sa kanila ay hindi nakapagsalita parang tuod sila nakatingin lang rito. Hanggang sa hindi nila namalayan na nakaalis na iyon sa harapan nila."Shit! Where is she?" hinabol niya iyon hanggang sa labas ng bar ngunit wala na siya nakita pa roon. "Pare, siya yung nakita ko sa airport pero hindi ko sinabi sayo' dahil sa isip ko baka namamalik mata lang ako, pero ngayon tayong dalawa ang nakakita ibigsabihin hindi ako namamalik mata." "Nick, kamukhang kamukha ng asawa ko yon' at yung gamit niya pabango iyon ang paborito na pabango nito hindi ako pwedeng magkamali.", wika niya nilamukos ang mukha at nagpabalik balik sa loob ng bar."Sir Aaron, is there's a problem?""Who is that girl the beautiful girl? Wearing a black dress?" "She is the fiance of Mr. Jerome Solis the CEO of Bank of America." Para makasiguro sila ay kinuha niya ang pitaka sa bulsa para ipakita sa bar manager ang larawan ng asawa."Is it she?" "Yes, she is the fiance of Mr Solis.", giit nitong wika ng makita
Pag kaalis ni Jerome at ng pamilya nito ay pinuntahan niya ang anak at ng makita na mahimbing na yon na natutulog pumunta muna siya sa banyo para mag haft-bath. Habang bumubuhos ang tubig sa katawan ay malaya niya na hinayaan yon' at ipinikit ang mga mata at huminga siya ng malalim at noon lang siya nakahinga ng maluwag. Ang pagbibigay niya ng kapatawaran sa ginawa ni Mr. Lee sa pamilya niya' at maging sa kasalanan na nagawa sa kanya ng asawa, yun ang nagpalaya sa kanyang sarili at maging sa kanyang puso upang magtiwalang muli sa pagbig."Valerie, nandyan kaba sa banyo?""Opo, Yaya Mercy, saglit palabas na po ako. Bakit po?" "Magbihis kang madali puntahan mo si Aaron sa mansion, tumawag sa telepono si Lina ayaw daw paawat sa paginom ng alak.""Sige po, Yaya Mercy, salamat."Wala na ba siya ibang gagawin kung hindi ang uminom ng alak. wika ng isip at pakamot ulo na umalis ng mansion para puntahan ang asawa. "Valerie, mahal na mahal kita!", Wika niya habang lango na lango sa alak at
Pagkatapos ng masayang almusal nila ay tumawag si Banjo at pinapupunta siya sa opisina dahil may dumating na important investor."Baby, Amelia Erie alis muna si daddy babalik agad ako promise.", wika nito na humalik yon sa maliit na pisngi nito at sumunod ay sa labi niya."Babe, alis na muna ako para makauwi agad ako' dahil alam ko na hahanapin agad ako ng pinsesa ko na yan." "Sige, mag iingat ka.""I love you both baby and mommy.", wika nito na habang pasakay na ng sasakyan kasama si Mang Larry. Pagdating niya ng opisina ay sinalubong agad siya ng mga empleyado. "Carla, coffee, Banjo, pakiset agad ang meeting sa mga investor, para makauwi agad ako." Kaagad na sumunod ang mga yon' sa pinaguutos niya."Sir Aaron, sana isinama mo ang iyong mag-ina para naman makita namin ang magandang future boss ng Aderson Land Corporation.", wika ni Carla ng ihatid nito ang kape na hinihingi niya."Carla, sa susunod na lang' nagmadali ako na umalis sa mansion, dahil after my meeting with the investor
Matapos maisakay sa sakyan ni Mang Larry ang mga gamit nila ay lumarga na sila patungong Anderson Mansion, naging tahimik siya sa byahe nila at tanging yung mag-ama lang ang walang kasawaan sa pag-uusap."Mam, hindi ko talaga inakala na yung tinawag ni baby Amelia Erie na papa ay siya pala talaga ang papa nito' lukso ng dugo ika nga.""Kaya nga nagulat rin ako ng ituro mo siya sa restaurant dun sa America."Maya maya pa ay nakarating na sila."Welcome home baby Amelia Erie sa bahay ni daddy at ngayon ay bahay mo narin.", wika nito na nakangiti yon habang papasok sa loob ng mansion."Mam Valerie and baby Amelia Erie welcome back.", Yumakap siya rito at magiliw na kinarga si baby Amelia Erie. "Mang Larry, pakidala ng mga gamit ng mag-ina sa silid ko malaki naman yon kakasya kami sa kama ko' at si Yaya Tess sa guest room mo siya ihatid. "Sige Sir Aaron", wika nito na tumalikod na kasunod ni Yaya Tess."Aaron, kahit sa sofa na lang ako matulog ayos lang sa akin.", wika niya na nakatungo.
Dahil sa pagud sa ginawa nila at bukod pa roon ay pagud rin maging ang isip niya kaya hindi niya namalayan na nakatulog pala siya ng hindi niya alam. Pagmulat ng kanyang mata ay wala ito sa kanyang tabi' lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. "Babe, where are you?", Wika niya habang sapo sapo ang ulo. Bumalik na naman ang takot sa kanyang dibdib na muli na naman iyon mawala sa piling niya. Tumayo siya at pinulot niya ang kanyang boxer shorts at isinuot yon' pagkatapos lumabas siya para tingnan yon sa labas ngunit wala rin ito roon hanggang sa nakaamoy siya ng mabangong niluluto na nagmula sa bandang kusina sa loob ng yate.Nakita niya yon na abala iyon sa pagluluto habang may mga ilang hibla na tumatabing sa maganda nitong mukha at ang mga labi nito na kulay seresa na maka ilang ulit na tinikman nito ang niluluto at ang mga ngiti nito sa labi na parang nagpapahiwatig na ayos na masarap na. Habang pinag mamasdan niya ito ay muli na naman siya nakaramdam ng pagnanasa rito at naalala niya
Hindi niya namalayan ay na nakalapit na pala iyon sa kanya, dahilan para hindi siya makagalaw dahil kung gagalaw siya mahuhulog silang pariho sa dagat. Hinapit nito ang kanyang baywang at walang ano anong binuhat siya nito palayo kung saan ang kinatatayuan niya na alanganin kanina. Noong makita niya na nakalayo na siya roon ay nag pumiglas siya at nakangisi iyon na ibinaba siya nito."Where is my phone?", Sigaw niya rito."Para ano tumawag ka naman kung kanino para lang takasan ulit ako? Huh!", Biglang dumilim ang mukha nito at may dinukot iyon mula sa bulsa nito. "Ito ba yung selpon na hinahanap mo?", Pagkatapos sabihin yon ay itinaas nito ang kamay at hawak-hawak parin ang selpon niya' lumapit siya rito para kunin yon' ngunit mas matangkad ito sa kanya kaya hindi niya maabot yun, mabilis ang pangyayari biglang itinapon nito ang selpon niya sa dagat."Anong ginawa mo?", Wika niya rito na pinag-susuntok at sampal niya yon'Hinayaan lang nitong gawin niya iyon at hindi man lang nito si
Halos maaga pa ng makalapag ang eroplanong sinasakyan nila sa bansang Pilipinas at duon ay masayang masaya na sinalubong sila ng kanyang daddy at ng kaibigan na si Fredy, samantalang si Yaya Mercy, ay nagpaiwan ito para ipagluto at ipaghanda sila ng makakain para sa pagdating nila."Hi, dad and Fredy", baby Amelia Erie siya ang lolo mo at siya ang napaka gandang kaibigan ni mommy si Tita Fredy." "Welcome back anak and my apo", wika nito na kinuha si Baby Amelia Erie, kay Yaya Tess para ito na ang mag karga rito papunta sa sasakyan."My beautiful friend I miss you! Walang nagbago sayo' still sexy and seductive' kaya pala patuloy kang hinahabol ni Papa Aaron, at parang nababaliw na yon' simula ng mawala ka.", wika nito sabay yakap sa kanya.Huminga siya ng malalim at hindi niya nagawang sumagot sa sinabi ng kaibigan at bigla siya umiwas na pag usapan ang dating asawa."Fredy, tara na maiiwan na tayo ng mag-lolo ang bilis nilang maglakad." "Sabi ko naman sayo' na malakas pa sa kalabaw a
"Hello, Daddy and Yaya Mercy", wika niya sa harap ng computer habang kalong si baby Amelia Erie." "Ayan na ba ang apo ko Hija?""Yes dad, buong ngiti niya sinabi yon sa kanyang ama. "Pagka gandang bata manang mana sainyo ni Aaron, yung mata ni baby ay kuhang kuha kay Aaron at yung ilong naman ay sayo aba eh kahit bibig ni baby ay sa kanyang ama parin nakuha."Bigla siya nalungkot sa mga sinabi ng kanyang ama, alam naman niya na mas kamukha ng kanyang anak ang ama nito ngunit hindi niya gustong ipakilala ito sa dating asawa, mas gusto na lang niya na isipin ni Aaron nawala na sila."Baby, Amelia Erie' meet your grandfather Carlos Fuentebella and my lovely, Yaya Mercy."Bahagyang ngumiti yon sa harap ng camera kaya labis na natuwa ang dalawang matanda."Dad and yaya, kailangan na namin mag-paalam aayusin pa namin ang mga gamit namin na dadalhin pauwi ng Pilipinas' tawag na lang ulit kami ni baby pag nasa Airport na kami.""Sige Anak, mag-iingat kayo sa byahe ng apo ko' mahal na mahal ko
"Baby, thank you" ipinasundo mo pala si Yaya Tess at si baby Amelia Erie." "Oo para sabay sabay na tayong makakain ng hapunan." "Yaya Tess, kumusta naman si baby habang wala ako?""Naku ma'am, ayos na ayos yan si Baby Amelia nakakatuwa, dahil yung isang customer na lalaki sa flower shop kanina ay ilang ulit niya na tinawag na papa.", nakangiti iyon habang ibinibida ang anak niya."Totoo ba yun baby Amelia Erie?", Huwag ganun baka mamaya hindi matuwa yung tinawag mo na papa.", wika niya na kinausap ang Anak na parang nakakaintindi na iyon. "Ma'am, siya yung lalaking tinawag na papa ni baby Amelia.", wika nito na itinuro yon' Pag tingin niya ay laking gulat niya ng makitang si Aaron ang tinutukoy nito nakatingin iyon kung saan silang lamesa naroroon."Pare, alam ko kung ano ang nasa nasa isip mo. Hindi mo sila pwedeng lapitan baka mamaya nandyan lang yung Daddy ng batang yan' malaking gulo yon pag nagkataon."Hindi niya nagawang sagutin ang kaibigan."Order na kayo ng pagkaing gusto nin
"Pare, si Valeria pasakay ng elevator.", wika ng kaibigan sabay turo rito. "Nick, mauna kana sa graduation ni Joice dalahin mo narin itong bulaklak na para sa kanya." "Bakit at saan ka pupunta?" "Basta mauna kana dun at susunod ako." Patakbo niya na iniwan ang kaibigan para mahabol ito sa elevator kung saan ito sasakay."Hi, miss anong floor ka?" "4th-floor, thank you!", wika nito na nakatungo iyon at hindi man lang siya nito tinatapunan ng tingin. "Pariho pala tayo ng floor na pupuntahan!", Wika niya rito na pinindot ang 4th-floor button."By the way, you look familiar!""Realy! Siguro dahil nabangga kita sa bar kagabi sa pag mamadali ko.", wika nito na nakatungo parin iyon. "Mabuti naman at naalala mo pa pala!" "Oo naman. Sorry ha' kasi nagmamadali ako kagabi kaya hindi man lang ako nakahingi ng sorry.", wika nito na nakatungo parin yon'"Humihingi kana ng sorry sa lagay nayan?", Sabi nila pag sincere ang isang tao ay dapat nakatingin sa mga mata.", wika niyang nakangisi at nakalag