ALLYS POV "Sandali lang Leon, nasa loob pa ng club ang kaibigan kong si Samantha. Lasing siya at walang malay, hindi ko siya pwedeng iwanan na lang doon mag-isa," sabi ko kay Leon habang hinihila niya pa rin ako palabas ng club.Nakita kong huminto kami sa harapan ng kanyang sasakyan at nagulat ako nang galit niya akong hinarap."Son of a fucking bitch! What the hell are you thinking?! What are you doing in this fucking place?! You supposed to be in your house and sleeping right now! It's fucking 3 am in the morning Mariel!"Halos mangatal ako sa sigaw niya sa akin. At sa nanginginig na mga kamay ay pinagsiklop ko ang aking mga palad. "Fuck! Fuck! Fuck!" Sigaw na naman niya.Kita kong pinagtitinginan na kami ngayon ng mga taong nakatambay lang dito sa labas ng club."Paano kung hindi kaagad ako dumating?! Paano kung hindi ko nalaman na nandito ka pala sa putanginang lugar na ito?! Ano? Edi nabastos at nasaktan ka na doon sa loob!"Napayuko ako nang mapagtanto kong tama siya. Paano n
ALLYS POV Hinatid ako ni Leon pauwi at nang makarating na ako sa mansyon ay halos tulog pa rin ang lahat. Kaya naging madali para sa akin ang makapasok sa silid ko nang wala manlang nakakaalam na lumabas ako, maliban na lang sa security guard na nasa labas ng gate. Kinaumagahan ay sinabi sa akin ni Lita na may bisita daw ako kaya madali akong naligo at nag-ayos para maharap ang sinasabi niyang bisita. Nakita ko sa sala si Samantha, nakaupo siya at para bang balisa siya. Nang makita niya ako na pababa sa hagdan ay mabilis siyang tumayo at kaagad akong nilapitan at hinila papunta sa likuran kung nasaan ang swimming pool. "Hey, Sam, whats the rush all about?" nagtataka kong tanong sa mga ikinikilos niya. Ok na ba siya? Wala ba siyang hangover manlang? "Did you really come to the nightclub last night, Mariel?" I stared at her, mukhang maayos naman siyang nakauwi kaninang madaling araw. Kasi base sa nakikita ko ngayon ay mukhang parang wala ngang nangyaring masama sa kanya. "Hindi
ALLYS POV "Ayos lang naman ako," sabi ko kay Leon na abala panggagamot sa braso ko. "Hindi naman ako nagkaroon ng sugat, Leon. Sadyang namumula lang siya pero mawawala rin ito kaagad," dagdag ko pa nang hindi niya ako pinansin. Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha. Sobrang kapal ng kilay niya at kita kong magkasalubong ito. Ang sabi nga ng mga matatanda sa amin, kapag makapal daw ang kilay at magkasalubong ay nagpapahiwatig daw ito na madaling magselos ang isang tao. Kung ganoon ay seloso kaya siya? "Stop staring will you," sabi niya at iniligpit na ang mga ginamit niyang first aid kit. Namumula ang mukha kong nag-iwas nang tingin sa kanya. "H-hindi kita tinititigan ah," nauutal kong sabi at tumayo. Umalis ako sa tabi niya at sa halip ay nilapitan ko na lang ang mga naitanim kong mga bulaklak noong nagdaang araw. Medyo may nakikita na akong maililiit na bagong tubong dahon sa tangkay nito. Mabuti naman at nabuhay silang lahat na itinanim ko. "Nasabihan ka na ba ng mga magulang
ALLYS POV I'm wearing a red backless off shoulder long gown at maayos na nakalugay ang aking mahabang kulot na buhok na may nakalagay na iilang palamuti. I looked at myself in front of the whole length mirror. Kitang kita ko ang pagkakakurba ng aking katawan sa suot kong damit. Sobrang ganda dahil nagkikislapan pa ang mga mamahaling diyamanteng palamuti nito. Maging ang palamuting nasa buhok ko ay ganoon rin. Ito ang kauna unahang pagkakataon na nakasuot ako nang ganito kagandang damit at makakadalo sa isang engrande at malaking okasyon. "Ang ganda niyo po Miss Mariel," puri sa akin ni Lita habang tinitingnan ako nang may paghanga. Natawa ako sa nakikita kong reaksyon niya. "Maraming salamat Lita." Nakita ko si daddy na sumilip sa may pintuan ng aking silid. "Napakaganda mo hija, nasisiguro kong isa ka sa mga magagandang dilag na pag-uusapan ng lahat mamaya sa gaganaping annual galla," mapagmalaking sabi ni daddy sa akin at saka tumawa. "Naku! Dad, huwag niyo po akong biruin n
ALLYS POV "Naku! Maganda ito, isa sa mga tanyag na businessman at kilala ding mahusay na engineer na si Mr. Mondragon. At ang kanyang fiancee na nag-iisang tagapagmana ng mga Cuevas. Ayusin niyo ang kuha niyo ha, boys!" Dinig kong utos ng isang bakla sa mga taong kukuha ng litrato sa amin. Kaagad na kaming pumwesto ni Leon sa kanilang harapan at inihanda ko na ang aking ngiti pero natigilan ako nang maramdaman kong pumadausdos ang kanyang malaki at magaspang na kamay sa aking beywang. Gulat ko siyang nilingon at nakita kong seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa camera. Nasa ganoon akong sitwasyon nang bigla na lang mag flash ang camera at nagulat ako ng sa ikalawang pagkakataon ay nag flash ulit ang camera ngunit sa pagkakataong ito ay nakatingin na sa akin si Leon. Pero ang mas higit na nakakagulat sa lahat ay noong inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Mabilis ko siyang hinawakan sa kanyang dibdib at akma ko na sana siyang itutulak palayo sa akin nang sa ikatlong pagkaka
ALLYS POV "That fucking bastard! I will fucking make sure he will pay for everything. Damn fucking asshole," rinig kong mura ng lalaki. Eh? Matalik nga silang magkaibigang dalawa. Sa paraan ng kanyang pagmumura ay alam ko na kaagad. "By the way I'm with Mariel," bigkas ni Leon at ipinakilala ako sa kaibigan niya. Seryoso naman ang tingin na binalingan ako nito. Bakit nakakaramdam ako nang takot sa isang ito? "Uhm, h-hello," bati ko sa kanya. "Hello, Mariel. It was nice to see you again," pakli niya at binalingan nang tingin si Leon. Kilala niya ako? Sino nga bang hindi nakakakilala sa akin? Mukhang sikat na sikat nga talaga si Mariel sa lahat. Pansin ko lang naman kasi lahat ng mga kaibigan na ipinapakilala ni Leon sa akin ay kilala si Mariel. "Are you sure about your decision, Leon? You really think that..." "I'm sure about it, Zack. You know me very well better than anyone else," putol ni Leon sa mga sinasabi ng kanyang kaibigang si Zackeriel. "Well, what can I do? I will
ALLYS POV "Well...." "Mariel!" Magsasalita na sana ako nang marinig namin pareho ang baritonong boses ni Leon. Halos sabay pa kaming dalawa ni Bella na napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko siyang nakatayo sa hindi kalayuan sa amin. Kasama niya ang kaibigan niyang si Zackeriel at pansin kong nakatitig ito sa babaeng kasama ko ngayon. Sabay silang naglakad palapit sa amin ni Bella. Kita ko ang masamang tingin ni Leon sa akin. Ano na namang problema niya? Nagulat ako nang mabilis na lang na tumayo si Bella sa tabi ko. "Mauna na ako sa iyo, Mariel," nagmamadaling paalam niya sa akin at hindi na niya hinintay pa ang sagot ko dahil mabilis na siyang naglakad paalis. Parang may iniiwasan siyang tao na ayaw niyang maharap ngayon. Mabilis ko namang naintindihan ang lahat. "Teka lang Bella!" tawag ko sa kanya pero nakita ko kung paano siya sinundan ni Zackeriel. Malalaki ang bawat hakbang nito na animo'y takot siyang maiwanan ni Bella. T-teka? May relasyon ba sila? Naiint
ALLYS POV "Oh, Leon, hijo. Saan ka ba nang galing at bakit mo iniiwan itong si Mariel. Baka lapitan pa ito ng ibang mga kalalakihan na naririto," sabi ni Tita Sylvia na agad namang sinang-ayunan ni Tita Rovery. "Oo nga, hijo. Alam mo bang sobrang dami ng mga lalaking nagkakagusto rito kay Mariel. Balita ko nga na iyong anak ni Gustavo ay baliw na baliw sa iyo hija." Natatawang sabi ni Tita Rovery. "Iba yata ang alindog ng mga Cuevas," mapagmalaking dagdag pa ni Tita Sylvia. Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila ngayon. Bakit nila ito ginagawa?Leon looked at me menacingly, agad akong kinabahan. Ano na naman ang gagawin niya ngayon? "Well, wala akong pakialam kung nagkakagusto sila sa fiancee ko. Ang importante sa akin ay hindi sila maaaring lumagpas pa sa estadong iyon," mariing bigkas niya. Naghagikhikan ang mga ginang. Kaagad namang kumunot ang noo ko sa ginagawang pagtawa nila. Anong nakakatawa naman sa sinabing iyon ni Leon? I felt a warm big hand slowly caressed m