Letitia’s POV “Letitiaaaaaa!” Malakas na sigaw ang bumungad saakin papasok sa condo ni Krisha. As usual si Krisha lang naman ang may boses na akala mo hindi babae. “Where have you been?” naiiyak niyang tanong saakin at inakap ako ng mahigpit. “Hindi ako makahinga bes!” angal ko habang nagpupumiglas sa kanyang yakap. Kung mayakap naman ito saakin parang ilang araw ako nawala. Sabagay hindi pala ako nakapagsabi sa kanya na aalis kami ni Archer kaya hindi ko maikakaila na mag-aalala talaga 'tong kaibigan ko. Lalona't hindi naman siya sanay na anong oras na ako nakakauwi. Lumayo siya saakin at ngumuso pa. “So, saan ka nga nagpunta?” Paano ko ba sasabihin sa kanya 'yon. Napakamot ako sa aking ulo. “A-ano kasi...” huminga ako ng malalim at pumikit. “Nag-date kami ni Archer.” kinagat ko ang ibaba kong labi. Para akong nabunutan ng tinik nang sinabi ko 'yon hindi ko maiwasan mag-init ang aking mga pisngi. “Fck!” mura niya. Lumapit siya saakin at hinawakan ang aking mga braso.
Archer's POVUmalis na si Rafa at tanging ako na lamang ang naiwan sa bar. Nanatili lang ako nakaupo at iniinom ang alak na nasa harapan ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi niya. Why do I need to choose?Matagal ko ng sinira ang pagkakaibigan namin nang malaman kong siya ang nanakit kay Letitia. Matagal ko ng pinutol ang pagkakaibigan namin simula noong araw na 'yon. I never imagined Bryson, who was my best friend, would do things which could hurt others. Hindi ko pa ba talaga siya lubusan na nakikilala. Napahilot ako sa aking sentido.Mahal ko si Letitia.Pero nasabi na ba niya saakin na mahal niya ako? May pag-asa ba ako?Mamahalin niya rin ba ako tulad ng pagmamahal niya kay Bryson. Susugal pa ba ako kahit alam kong talo na ako sa dulo. What if Bryson's telling the fact that he already loves Letitia. Ano ang mangyayari?Babalik ba siya kay Bryson?“Ah, sh*t!” tinapon ko yung baso na hawak-hawak ko. “I can't, sobrang sakit.” napahilamos ako sa a
Letitia’s POV“What the hell is happening here?” bungad ni Krisha mula sa pintuan ng unit ko.Dumiretso siya sa pagpasok at lumapit saakin na abalang naglalagay ng mga nabili kong groceries. Ito kasing napili kong unit ay hindi kalakihan dahil pagpasok pa lang ay bubungad na agad ang kitchen area at sumunod ang living area. Mini salas lang ito kaya makikita na agad ang aking kama na nakatapat sa balkonahe ng condo.Umupo siya sa bar tools ng counter top. “Nakakapagod na araw!” pagrereklamo niya.Nakapagtataka dahil hindi niya ata napansin si Archer na mahimbing na natutulog sa sofa dahil siguro ay nakatalikod siya kay Archer. Hindi ko alam paano ko uumpisahan sabihin kay Krisha lahat ng nangyari kanina.Naghugas ako ng kamay nang matapos ko ang paglagay ng mga gulay sa fridge. Hinubad ko ang aking apron at isinabit iyon sa gilid at humarap kay Krisha.Huming ako ng malalim.“Hoy! Ano ‘yan bakit may paghinga ng malalim?” natatawang tanong ni Krisha. “At saka bakit para ka nanaman pinag
Letitia’s POVKumusta na kaya si Archer. Nakita na kaya niya yung iniwan kong note ko sa pinto. I can’t wait to see him kahit binabalot ako ng kaba. Ilang oras na ako dito sa office ko at madaming pipirmahan na papeles pero hindi ko magawa dahil sa nararamdaman kong kaba at pag-iisip kay Archer.Now, I can say how much I love him. Hindi na ako makapag-antay makita kung anong magiging reaksyon niya sa mga sasabihin ko.Nakakainis hindi ito ang panahon para kabahan ako!Huminga ako ng malalim at nagpokus sa mga pinipirmahan ko.Mga ilang oras lang naapangat ako ng ulo ng may marinig akong kumatok mula sa pinto.Hindi ko alam pero awtomatiko akong napatayo.Mas tumindi ang tibok ng puso ko.I think he was already there.Nandito na si Archer. Para akong tangang nataranta sa pag-aayos ng aking lamesa. Kinuha ko agad ang lipstick ko sa bag at nilagay iyon sa labi ko.Huminga ako ng malalim. “Come in.”Ngiting-ngiti akong nag-aantay ng pagbukas ng pinto. Nararamdaman ko rin ang panginginig n
Letitia's POV “Are you okay now?” tanong ni Krisha. Inangat ko ang aking ulo at tinignan si Krisha. “Hindi ako umiiyak dahil mahal ko pa si Bryson, umiiyak ako dahil alam kong malaya na ako,” saad ko at patuloy pa rin bumabagsak ang aking mga luha. “Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, ganito ba ang pakiramdam na malaya na ako sa lahat ng sakit na naranasan ko?” dagdag ko. Ito na siguro ang simula ng bagong kabanata sa buhay ko. Malaya na akong bumuo ng bagong mga ala-ala. Magagandang ala-ala at malungkot na ala-ala. “Tara nga rito,” sabi ni Krisha, hinila niya ako at niyakap. Hindi ko maiwasan mapangiti. Alam kong ang mga luha na ito ay dulot ng saya. “I can't imagine, kung paano ka tumindig para sa sarili mo,” aniya at mas naramdaman ko pa ang higpit ng yakap niya. “Natakot ako, baka hindi ka makabangon baka hindi kana maging masaya pero i realize na hindi dapat ako matakot kasi alam ko at kilala ko na ang kaibigan kong si Letitia ay matatag,” dagdag niya. Bumitaw siya
Letitia’s POV“I love you, I always Letitia.”Nanlamig ang buo kong katawan ng makita ko si Archer na papalayo saakin. Pilit ko siyang hinahabol pero para lang akong tangang takbo nang takbo pero hindi ko man lang siya mahawakan.“No! Please don’t leave me!” sigaw ko at patuloy pa rin ako sa paghahabol hanggang sa nanghina na ang aking tuhod. “Archer! Mahal kita!” dagdag ko at humagulgol.“ARCHER!”Parang nabiyak ang ulo ko sa naramdaman kong sakit pero mas pumukaw ng atensyon ko ay buong paligid.“Hoy! Gaga ka! You’re awake!”Nakita ko si Krisha naluluha sa aking gilid. Mabilis siyang tumawag ng doctor sa labas at bumalik agad saakin.Anong nangyari saakin at teka bakit nandito ako sa hospital?Nasilaw ako sa liwanag na tumapat saaking mata.“She’s still in recovery at mas makakabuti kung magpapahinga muna siya. Para matignan natin kung anong naging epekto ng pagkabagok niya.”“Talaga ba Doc? Thanks God!” parang nabunutan ng tinik si Krisha.“Maiwan ko na kayo at ikaw Ms. Letitia you
Letitia's POV5yrs ago“Congratulations bes!” ngiting bati sa akin ni Krisha at agad akong niyakap ganoon din naman ako.“Thank you!” sagot ko. “Buti at nakarating ka akala ko pa naman busy ka sa work mo,” dagdag ko sabay kalas sa pagkayap niya.Abala kasi ito sa kanyang trabaho kaya akala ko talaga ay hindi siya makakapunta ngayong araw. “Bes! Hindi ko papalagpasin 'tong newly open branch mo no!” sabi niya.Sa loob ng limang taon, limang branch na ang naipatayo ko sa iba't-ibang lugar. Nakakatuwa dahil nagbunga lahat ng pinagpagudan ko. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang buong haligi ng bago kong cafe shop. “Grabe no, paunti-unti mong na aabot lahat ng pangarap mo bes,” napalingon ako kay Krisha na abala rin sa pagtitig sa buong gusali ng cafe.Tumingin siya saakin at ngumiti. “I'm so proud of you!”Natawa ako ng bahagya at hinila ang kamay niya papasok sa cafe.Hindi ko rin naman magagawa 'to lahat kung hindi ako sinuportahan ni Krisha. Hindi ko mabubuo lahat 'to kung hindi n
Letitia’s POVSumimsim ako sa aking tasa habang nakatingin sa malayo nang biglang magsalita si Krisha.“Bes! Mukhang hindi kita masasamahan sa pagbili ng mga appliances,” saad niya.Panigurado about nanaman ito sa kaniyang trabaho dahil matapos naming mamili ng mga damit niya biglang may tumawag sa cellphone nito."Don't mind me bes, if it's an emergency, then you can go," sagot ko at nginitian ko siya. Gusto ko matawa sa ekpresyon na para bang ayaw umalis.“Babalik ako agad matapos lang ‘to,” aniya at sinukbit niya sa kaniyang balikat ang bag niya.Tumango-tango ako at hinawakan ang balikat niya. “Welcome na welcome ka bes don’t worry.”Nang ma-assure ko si Krisha agad naman itong umalis. Gusto talaga nito ng assurance ni Krisha. Nagpaalam na rin ako sa mga staffs ko dahil aasikasuhin ko pa yung bago kong titirhan, naipalinis ko naman ‘yun. Ang kulang nalang talaga ay appliances and furnitures.Dahil hindi makakasama si Krisha sa pagbili ng mga gamit ko sa bahay ako na lang ang mag-i