"Hindi ko kaya!" Hinawakan ni Yuan ang telepon ng mahigpit, halos namumugto na ang lanyang mga mata sa kaluluha."Isipin mo ang buhay ng tatay mo, kaya mo yan. Tandaan mo, isang araw lang ang ibibigay ko sayo. Kung hindi mo kaya, maghanda ka na para kunin ang walang buhay na katawan ng tatay mo"pagkatapos ay ibinaba na ni Jhiro telepono.Naubusan na ng pasensya si Yuna.Halos tuyo na ang luha niya sa pagiyak, pagod na pagod na siya.Alas diyes ng umaga.Si Yuna ay naglalakad pabalik-balik sa harap ng entrance ng Alta Group Building, ng may dalang lunch box.Naglakad siya papasok pero agad ding lumabas, ang kanyang isip ay naguguluhan at nag-aalangan.Hindi niya gustong saktan si Felix, ngunit gusto rin niyang iligtas ang kanyang ama...Nabigo ang plano ng pagsagip ni Patrick, at ang buhay ng kanyang ama ay nasa kamay na ni Jhiro at isang araw na lang ang ibinigay nito sa kanya.Si Yuna ay naging urong sulong at hindi malaman kung gagawin o hindi ang nais ni Jhiro nang muling dumating ang
Hindi na ako makatulog. May meetong na rin alo maya maya lamang" sagot nito na hinimas ang pagod na mga kilay."Then...aalis na muna ako?" mahinang sabi ni Yuna habang nakatingin sa ibaba."Sige, mauna ka ng bumalik." Sabi ni Felix na hidi man lamang kakabakasan ng pagdududa.Tumalikod si Yuna at dahan dahang humakbang palayo.Hindi maiwasang manginig ang mga tuhod niyaUmupo si Felix sa likuran gilid ng sofa, nakatutok ang mga mata nito sa "fh221" na dokumento sa mesa, malabo ang awra ng mukha ni Felix.Kinagat ni Yuna ang kanyang labi at bumils ang lakad patungo sa pinto. Hindi siya naglakas loob na lumingon.Sa isang panig ay ang kinabukasan ni Felix, at sa kabilang banda ay ang buhay ng kanyang ama. Patuloy na hinihila si Yuna sa pagitan ng dalawang bahagi, ng tama at mali, ng puso at isip at sa sobrang sakit ng damdamin niya ay halos mapunit ang puso niya.Sa wakas, binuksan niya ang pinto ng opisina, ibinaba ang kanyang ulo at umiyak.Hindi niya kaya.Hindi niya magagawang ma
Tumango si Yuna. Naiintindihan niya. Masyado lang siyang nalungkot. Malungkot at walang magawa.Mula nang makilala niya si Felix dalawang taon na ang nakakaraan, tila ang buhay niya ay puno ng balalid at problema Ngunit alam niyang hindi niya ito masisisi kung hindi niya ito pinakasalan dalawang taon na ang nakakaraan, o kung hindi siya nainlove sa kanya, baka namatay ang kanyang ama sa binanguan, tulad ng nalugmok sila sa utang sa bangko ngayon, at napahamak oa siya ngayon.Ngunit kung pupunta siya sa Felix ya ganun din , i-provoke niya ang kanyang mga kaaway. Kaya, ang buhay ay hindi kontrolado ng isang tao lang. Anuman ang kanyang mga pagpipilian sa nakaraan o ngayon, siya ay dumaranas ng maraming mga problema."Ang tanga-tanga ko lang," bulong niya, "Parang wala akong magawa. Wala akong magawa sa nangyayari sa aming dalawa. Ako..."Habang nagsasalita siya, nagsimula siyang umiyak. Napakabigat at nanlumo ang kanyang puso, hindi siya komportable...Nakita ni Felix na umiiyak si
Naiwan si Yuna na tulala matapos humarorot ni Jhiro paalis. Nakaramdam ng pag-aalala pagkatapos ng ilang sandali, nagpasya siyang magpadala ng text message kay Felix. Ang mga gamit ni Yuna ay kinuha niya. Hindi niya alam kung bakit handang ibigay sa kanya ni Felix ang file, ngunit natatakot siyang baka saktan siya ni Jhiro, kaya pinaalalahanan pa rin niya ito. Mabilis na sumagot si Felix sa kanya. Nang makita ni Yuna ang mensahe, mas nakahinga siya ng maluwag at sumakay ng taxi pabalik sa mansion ni Felix. Pagdating ko sa kwarto, narinig ni Yuna na may tumunog na cellphone sa dressing table. Iyon ang kanyang lumang cell phone, na naiwan niya sa bahay noong umaga at nakalimutan niyang kunin. Nang damputin niya, nakita niya ang numero ng telepono at si Patrick ang tumatawag at meron pa itong l 33 beses na missed call.Marahil ay dahil hindi nagtagumpay ang pagliligtas, kaya tumatawag ito sa kanya upang ibalita."Hello." Sinagot ni Yuna ang telepono habang nakatayo sa tabi ng bint
Ang dahilan kung bakit nanahimk si Yuna ay dahil parang hindi niya kayang aminin na nagaalala rin siya sa kahihinatnan at sa mangyayari sa haharaping laban ni Felix.Ngunit alam ni Felix na nag-aalala si Yuna sa kanya, kaya hinawakan nito ang kanyang maliit na kamay gn asawa at dinala sa labi niya.. Nagulat si Yuna at biglang napaangat ng tingin kay Felix."Sa totoo lang, ang mga hidwaan at away na pang-negosyo ay napakadelikado' sabi in Felix na sinasadyang hulihin ang damdamin ni Yuna."Kung sino man ang matalo sa oras na iyon ay maaaring maging desperado at baka magawa pa nito ang pumat*y" Nakaramdam ng bigat sa loob si Yuna matapos itong marinig.Ayaw niyang pakialaman si Felix, ngunit hindi niya maiwasang mag-alala na baka may mangyari dito. Lahat ng uri ng magulong emosyon ay sumanib puso ni Yuna. kaya hindi niya naiwasang magalala at magsalita na."Magdagdag ka pa kaya ng bodyguard at sundan ka kamo kahit saan" sabi ni Yuna. na susundan ka,"Sige baka nasa panganib ako sa sus
Naalala ni Yuna ang pagkakataong sobra ang galit niya kay Felix, pero si Felix lang ang tao sa buong mundo na handang mag-alaga sa kanya ng ganito kahit halos kinasusuklaman pa niya.Ngunit ang kanyang pag-ibig ay napaka-possessive na nagpaparamdam ng takot sa mga tao. Natatakot pa rin si Yuna na maaaring babalik pang muli si Rowena.Pagkatapos ng paulit-ulit na pag-iisip tungkol dito, lalong gumulo ng isip ni Yuna, kaya umiling lang siya at tumigil sa pag-iisip tungkol dito."Kalimutan mo muna ang bagay na yan Yuna" utos niya sa sarili hanggat maamri ay iniwasan ni Yuna ang isipin ang tungkol dito. Pagkatapos ng digmaan sa negosyo at s makalaya ang kanyang ama ay aalis siya dito.Pagkatapos kumain, ay nsngpunta is Yuna sa kanyang Shop. Ngunit siya ay wala sa sariling isipan at hindi mapakali.Balisa si Yuna na parang may mabigat sa dibdib.Sa wakas, binuksan niya ang kanyang mobile phone upang tingnan kung may anumang balita tungkol sa press conference ng Alta Group. Ngayon ang pres
Pero naalala ni Yuna ang plano ni Jhoro at kung balit siya nandito. Sumama si Yuna sa lounge pero sinabi niya kay Marlon ang pakay niya at ang plano ni Jhiro."Kung malalaman ni Sir na ang kanyang asawa ay nagpunta dito at nagaalala sa kanya, ay tiyak na matutuwa iyon ng labis" Pagkasabi niyon ay umalis si Marlon at iniwan si Yuna sa lounge. "Bakit kaya pati si Marlon ay hindi rin siya pinakinggan" Medyo nasiraan ng loob si Yuna. Umupo siya sa lounge na may malaking LCD TV sa harap niya at binuksan ang live broadcast ng press conference.Sa TV, nakatayo na si Felix sa harap ng malaking screen na nakaharap sa camera, bahagyang nakangiti ang kanyang asawa, mukhang kalmado, guwapo, at matikas. Sa unang sampung minuto, naging maayos ang kanyang pananalita. Ngunit sa ika-11 minuto, nagbago ang nilalaman sa malaking screen sa likod niya. Pagkatapos ay lumitaw ang ilang malalaking salita. "Ang bagong proyekto ng Alta Group ay ilegal! Hindi sumusunod sa batas" iyon ang nakasulat.Nang makit
Hindi makita ni Yuna si Felix dahil sa mga lihod at nangkakagulogn tao nag nakikita niya sa monitor. Ang kanyang puso ay kinakabahan na hindi siya makahinga, kaya tumakbo na si Yuna palabas. Hindi kaya nagpadala si Jhiro ng taong papatay kay Felix?" Kinilabutan si Yuna. Hindi niya kayang mapahamak si Felix.Isang grupo ng mga tao ang sumugod sa at halos maitulak si Yuna palayo. May mga natatakot at sumisigaw..."May gustong pumatay...May demonyo sa loob gusto mo pa ring pumasok. Tumakbo ka na Miss, at lumayo ka sa lugar na ito""Patay? anong nangyayari sa loob?" nenenebiyos na tanong ni Yuna. Isang babaeng reporter na inuubo pa ang sumagot sa tanong niya."May taong nakapasok at may dalang bomba at sumabog iyon""B-Bomba?" Teka? Yung presidente? si Mr Felix kamusta siya?"nangingjig ang kamay ni Yuna habang nagtatanong."Lumapit sa kanya ang lalaking may hawak ng bomba at isang lalaki ang lumapit din pero humarang si President Felix, iyon daw ay para kay President Felix,""Ano? hind
Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni
Doon sa gilid. Isang matangkad at matikas na anino ang tumambad sa paningin ni Yuna.Si Felix, Tumingin ito sa kanya, may bahid ng pagmamahal at paggaalala ang kanyang mga mata."Bakit ka napunta dito?" Tanong agad ni Felix "Kapag sinabi kong nandito ako para batiin si Rowena, maniniwala ka ba?" Hawak ni Yuna ang kanyang baso ng alak at nakangiti."Sa tingin mo ba maniniwala ako?" Tumingin si Felix sa kanya. "Yuna, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa pagpunta mo rito?" Ayaw ni Felix na gumawa si Yuna ng mga bagay na pagsisisihan nito o pagdudusahan na naman nito, mahigpit niyang tinitigan, si Yuna sinusubukang makita ang nararamdaman nito sa kanyang mga mata.Pero bukod sa pagngiti, walang nakita si Felix na emosyon sa mga mata ni Yuna, tanging malamig at malayo mga mata lamang"Mr.. Felix, hindi naman tayo kinektado na diba kaya tawagin mo na lang akong Ms. Yuna." Pagkatapos sabihin iyon, nakita niya si Rowena na umakyat, ibinaba niya ang kanyang baso at nais na sanang umalis.Per
Ay ilang linggo ng nakakalaya si Yuna ngunit hindi pa ito nakakausap ni Felix Palagi kase itong umaalis kasama ni Patrick..Pagsapit ng gabi, nakaupo si Felix sa swivel chair sa kanyang opisina na nakapikit at may malungkot na ekspresyon. Siya namang pagdating ni Marlon.Itinulak ni Marlon ang pinto at lumapit kay Felix, "Sir, pumunta si Madam sa birthday party ni Miss Rowena." Bakits nito.Biglang iminulat ni Felix ang kanyang mga mata, madilim ang kanyang mukha, "Anong sabi mo?" Seryosong tanong nito."Kadadating lang po ni Madam sa birthday party ni Miss Rowena at pumasok na siya ngayon sa bulwagan" ulit nito.Itinikom ni Felix ang kanyang manipis na labi. Si Yuna ay may sama ng loob kay Rowena at may galit, at pumunta ito sa birthday party party ni Rowena sa sandaling makalabas ito sa bilangguan. Sigurado si Felix na may plano si Yuna kaya kinabahan si Felix.Naningkit ang mga mata ni Felix, kinuha niya ang coat sa tabi niya, isinuot, at malalaki sng hakbang na lumabas.Samanta
Dalawang araw pa ang lumipas, si Yuna ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong dahil sa injury na tinamo ng biktima. Nang mga panahong nanyayari ang lahat nakabalik na noon si Patrick mula sa ibang bansa. Bumalik si Patrick mula sa ibang bansa at narinig ang tungkol sa nangyari kay Yuna. Dumating siya upang bisitahin ito sa bilangguan sa lalong madaling panahon. Napatingin si Patrick sa babaeng nasa tapat niya na nakayuko, at nagtanong, "Bakit hindi mo piniling baguhin ang iyong pag-amin noong panahong iyon?" Narinig ni Patrick ang lahat tungkol sa nangyari at sa ginawa ni Yuna mula kay Myca. Bahagyang ngumiti si Yuna, "Dahil ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya." "Nakita ko siya sa labas nung pumunta ako dito kanina lang." sabi ni Patrick Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yuna, "Hayaan siyang maghintay sa wala, wala na akong pakialam. Anyway, araw-araw siyang dumadating pero at araw-araw rin siyang nawawala" sabi pa niya "Yuna, Ikaw ay mayroon na sanang p
Kanina ay matatag Si Yuna, ngunit ng mabanggit ang ama at marinig ang pagiyak ni Myca, doon nagsimulang bumangon ang lungkot at takot ni Yuna. Kung tutuusin ay nangpapakatatag lamang siya pero matagal nang para siyang living dead. Mula ng mawala ang kanyang anak ay para na rin siyang buhay na patay. Tanging ang kanyang ama na lamang ang nagiisang hibla ng pisi na nagpapanatili ng kanyang katatagan."Attorney Sandro, maaari ka nang bumalik at sabihin sa kanya na huwag nang mag-alala tungkol sa akin. Wala na akong pagmamahal sa kanya, tanging poot na lamang."Napatingin si Sandro sa kanyang payat na pigura at hindi alam kung ano ang sasabihin. Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, nagtanong si Sandro."Sigurado ka ba Yuna?""Oo. " Tumango siya ng ilang ulit. Walang pagpipilian si Sandro, kundi mag-impake ng mga dokumento at tumayo para lisanin ang lugar. Lugar na alam niyang ayaw ni Felix kahantungan ng asawa nito."Attorney Sandro." Bigla siyang tinawag ni Yuna. Lumingon si Sandr
Halos manikip ang dibdib ni Felix sa mga narinig. Ang dugo sa kanyang katawan ay parang biglang kumulo at umapaw hanggang sa kanyang bumbunan.Halos hindi niya makontrol ang kanyang emosyon, at gusto niyang pigilan ang mga pulis upang huwag hulihin si Yuna. Ngunit si Yuna ay nakaupo sa itaas ng puno, kaya hindi siya nangahas kumilos ng padalos-dalos. Dalawa ang kinakatakutan ni Felix: una, baka maisip ni Yuna na talon kapag natakot, dahil sa kasalanang iyon; at pangalawa, hindi niya kayang makitang damputin si Yuna ng mga pulis.Tumingin si Yuna kay Felix, itinaas ang gilid ng kanyang mga labi, at pagkatapos ay tumitig sa kanyang mga mata. May bakas ng nakatagong lungkot at poot—para bang sinasabi nito kay Felix na oo, ayaw niyang humingi ng tawad kay Rowena, at tumatanggi itong tanggapin pa ang kabaitan ni Felix.Natakot si Felix. Sa ilang segundo, sa sandaling tinulungan niya si Yuna at ilang pulis sa pagbaba sa puno, halos gusto na ni Felix na lumapit at yakapin ito. Gusto niyang
"Sir, pumunta po si Madam para bisitahin ang kanyang ama na si Ginoong Shintaro? Pero hindi po siya nakapunta sa ward ni Miss Rowena?" Sagot ang tapat na tauhan ni Felix."Hindi niya pinuntahan si Rowena?""Hindi po, Sir." Nakagat na lamang ni Felix ang kanyang mga labi sa pagtitimpi."Ano pa ang sumunod niyang ginawa?" tanong ni Felix. "Pumunta po siya sa lumang villa, Sir," sagot ng tauhan."Anong ginagawa niya roon?" "Sir, si Madam po ay pumunta sa likod ng bundok ng lumang villa. Doon po sa puntod ng kanyang ina." "Um, pagkatapos po niyang pumasok sa lumang villa, hindi na po siya lumabas," dagdag ng unang tauhan."Kaya naisipan ko po na umuwi na lamang. At iniisip ko na maaaring doon na po magpalipas ng gabi ang inyong asawa." Hindi maipaliwanag ni Felix kung bakit nakakaramdam siya ng kaunting pagkabalisa. Patuloy na nagsalubong ang kanyang mga kilay. Hindi talaga siya mapakali at tila kinakabahan. Kaya agad kinuha ni Felix ang telepono at lumabas. Pagkatapos ay inutusan ni
"Kuya , ibig mong sabihin, hahayaan mo lang siya na makalapit pa rin sa akin at hahayaan mo na saktan niya ako ulit kahit kelan niya gusto?" naaagrabyadong sinabi ni Rowena."Napakawalang halaga ba ng buhay ko? Gusto niya akong patayin, ngunit hindi ako namatay. Ngayon gusto niyang makipagkompromiso ako at patawarin siya." Tingin ito ng may pagdaramdam kay Felix."Kung patatawarin ko siya, hindi ko mapapangako sa kanya na hindi niya ako sasaktan. Sa kasong ito, magiging ligtas ba ako sa hinaharap?" Tanong ni Rowena.Natahimik sandali si Felix, Nagisip muna ito ng mabuti pagkatapos ay sinabi kay Rowena ang nais nitong marinig."Kung sasaktan ka niya sa hinaharap, sige poprotektahan kita." Iyon na lamang ang sinabi ni Felix para matapos na ang usapaan nila. Alam niyang iyon ang igigiit ni Rowena at iyon ang hinihintay nitong sabihin niya.Samantala sa kabilang dako........Nakita din ni Yuna sa balita na nailigtas nga si Rowena.Tatlong araw daw siyang naanod sa dagat, at ang pangyayar
"Mr.Felix, Nandito ako para makipag-ayos sa kanya!" Itinuro nito si Yuna. Ang mga mata ni Robert ay may kakaibang titig kay Yuna. Tahimik itong humihigop ng kanyang sopas, at nang marinig niya ang mga salita ni Robert, ngumiti siya at nagtanong, "Patay na ba si Rowena?" Nagbago ang mukha ni Robert nang marinig niya iyon,"Ikaw babae! hindi ako makapaniwalang napakasama mo palang babae! Hindi pa ako nakakita ng ng babaeng ganito kasamang na tulad mo. Matapos itulak si Rowena sa dagat, wala ka man lang bahid ng panghihinayang o takot!" Sabi ni Robert at lumakad para salakayin si Yuna. Hinawakan ni Felix ang kamay ng lalaki saka ito tinitigan g may pagbabanta at sinabi sa malamig at walang malasakit na boses, "Robert Ikaw ay nasa pamamahay ko, kung maglakas-loob kang saktan ang asawa ko ulit, hindi ako magdadalawang isip, gusto mong subukan?""Kapatid mo si Rowena!" Nagulat si Robert. Talagang ipinagtanggol ni Felix ang masamang babaeng ito hanggang sa oras na ito.Si Felix ng