Nang bumalik si Yuna matapos ang di magangang pakikipagusap kay Felix ay nakita niya si Rowena na nakatayo sa pintuan ng sample room."Hipag...." mahinang nagsalita si Rowena."Hump!! plastic" bulong ni Yuna."Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot ang noo ni Yuna.Mahinahong sinabi ni Rowena sa hipag."Lumapit ako sa iyo para humingi ng paumanhin, hipag. Hindi ko gustong saktan ka ng ganito. Kasalanan ko ang lahat..." Drama nito.Hindi man lang gustong makinig ni Yuna at nang-uuyam na sinabi,"Hindi mo kailangang sabihin ito sa akin. Hindi ko gustong marinig iyon"onid niyang sabi."Hindi ko alam kung ano ang mali sa akin.Ako na lamang palago sh sanhi ng away nyo.." Arte ni Rowena. Nagsimulang umiyak si Roweba habang nagsasalita.Parami na nang parami ang nanonood.Medyo naiinis si Yuna , at kinontrol ang kanyang init ng ulo."Magsisimula na ang kompetisyon, at ayaw kong makipag-usap sa iyo tungkol dito ngayon. Mangyaring tumabi ka na dyan?" Sabi ni Yuna at pumasok ito sa fitting room at
Si Felix ay matamang tumingin sa disenyo sa entablado at walang sinabi. Sumilay ang inis sa mga mata ni Rowena."Hindi ba't sabi ay ginupit gupit na ang lahat ng damit niya?Paanong may mga damit pa para sa kompetisyon?" Ngitngit ni Rowena.Sa mga oras na iyon ay natapos na ang catwalk ni The Shop. Si Yuna, bilang siya ang designer, ang huling lumabas sa entablado.Nakasuot siya ng itim na damit at pitong sentimetro ang taas na takong, at dahan-dahan siyang naglakad palabas ng usok. Isang magandang mukha, maaliwalas na itim at mapuputing mata, matangkad na pigura, mapuputing binti, kaseksihan na may halong inosente, maganda sa sukdulan.Kung tutuusin mula sa reaksyong ito, siya na ang reyna ng gabi."Hindi ko ine-expect na hindi lang high-end at refined ang mga designs niya, Napakaganda pala niya at may maladiwatang awra at mala anghel na mukha. Napakaganda niya pati ang lanyang mga gawa"sabi ng direktor na ilang ulit pinupuri ang design ni Yuna. Ngumiti si Patrick at sinabing."Oh hind
Nag iutos ni Felix na imbestigahan nag nangyari ay agad lumilos si Marlon ngunitsinabi ni Patrick."Sandali, hihilingin ko sa isang tao na ihatid ka sa silid ng CCtv room. Para mas mapadali ang lahat.Nagpadala nga si Patrick ng isang tao upang sumama kay Marlon.Napakaraming tao sa pinangyarihan ng sigalot, at hindi sila umalis doon.Bagamat pagod na si Yuna, nagtiyaga ang lahat na maghihintay sa kahihinatnan ng pangyayaring."Yuna, Myca, maupo muna kayo. Malapit nang magkaroon ng resulta ang bagay na ito." Sabi sa kanila ni Patrick at hiniling na magrelax muna sila at magpahinga.Talagang masakit na ang mga paa ni Yuna, hkdi siya sanayamgsuot ngataas na heels, kaya naglakad siya papunta sa mga upuan sa ilalim ng catwalk at humanap ng silya na mauupuan.Sumunod si Patrick at umupo sa tabi ni Yuna at humiling sa isang tao na magdala ng tubig.Sa buong proseso, pakiramdam niya ay may nakatitig sa kanya, at ang titig na iyon ay malamig at nakakapangilabot. Alam ni Yuna kung sino ang may
Naging abala si Yuna at halos hindi na kumibo.Muling nangsalita si Myca. "Pero sinabi na ni Felix na simula bukas, malamang na hindi na natin makikita ang nakakainis na si Brian na iyon.""Huwag kang pakasiguro.At wala tayong paki sa gagawin nila" sabi ni Yuna."Myca, ilabas mo na itong mga naimpake ko at dahil mo na sa sasakyan.Medyo masama ang hilab ng tiyan ko.Kaya uipo muna ako saglit.Susnod na ako sayo maya-maya" sabi ni Yuna.Medyo nakaranas ng matinding stress si Yuna kanina dahil sa nangyari sa mga damit at pagkatapos ay ang harapan pa nila ni Rowena kaya siya ay naantala dito ng isa o dalawang oras. Ngayon ay nakakaramdam siya ng kaunting sakit sa tiyan."Yuna baka pagod ka na""Hindi ko alam kung pagod na ba ako""Yuna, anong narardaman mo sa tiyan?humihilab ba? Sinisikmura ka ba ganun? nagaalalang tanong ni Myca."Ayos lang, baka pagod lang ako. Magpupunta ako sa ospital, pagkatapos nito""Sigeabuto pa nga.Ako na magbabalik nito sa studio.Mag-ingat ka sa daan." sabi ni Myc
Pinakatitigan lang siya ni Felix. Ang inis sa mga mata ni Felix ay dahan-dahang napalitan ng poot, at sa wakas ay tumingin kay Yuna at malungkot at sinabi ang bawat kataga""Napakababang uri mong babae ngayon Yuna"Napakamura ng lihim si Yuna at ang puti sa kanyang mga mata ay nagdilim. Ngunit nakatayo pa rin siya doon na parang bangkay na walang pakiramdam.Tila labis na nadismaya si Felix sa mga nalaman at dahan-dahang binitawan si Yuna, ang tono nito na walang anumang pagbabagu-bago."Huwag mong isipin na napaka-charming mo. Isa ka lang walang muwang at tangang babae.Dapat alam mong may dahilan kung bakit hinahabol ng isang maangas na presidente ng pipitsuging kompanya ang isang babaeng may asawang tulad mo?" Sabi ni Felix."Sa tingin mo ba ay mabibigyan ka ni Patrick ng kaligayahan? Natatakot ako na baka sa huli, wala nang matitira sa iyo" sabi ni Felix.Naramdaman na ito ni Yuna, sa totoo lang ay ilang besesn na ring nagkng laman ng isip niya kung bakit? at nagsimula siyang mags
Tumahimik na lang na umiyak si Yuna,napapagod na siyang makipagtalo bukod pa sa nakakaramdam na siya ng pananakit ng tiyan sa dami ng stress na sunod sunod niyang hinaharap.Si Felix naman ay madilim pa rin ang mukha at sumakay ng kanyang kotse, humithit ng sigarilyo, at tinawagan ang kapatid ni Patrick."Nasaan ka? Gusto kitang makausap tungkol sa isang negosyo.""Anong negosyo ito?" Tanong ni Peter."Hindi ba may konting problema ang iyong bagong proyekto sa China? Matutulungan kita na malutas ang problemang ito, ngunit may kondisyon ako" walang paligoy ligoy na sabi ni Felix"Ano ang kondisyun mo Mr. Felix? sabihin mo!""Ilipat mo ng kompanya si Patrick, siya ang papuntahin mo sa China upang pamahalaan ang negosyo ng mas personal."Ganun ba kadali iyon?" Gulat na tanong ng kausap ni Felix. Tumango si Felix, nanlamig ang kanyang mga mata."Oo, napakasimple nito.Gawin mo lamang agad at isang daang porsieto ang tulong na ipadadala ko agad" sabi ni Felix.Kapag ganito ang mangyayari
Sa huli, hindi pa rin sinabi ni Ginoong Shintaru kahit kanino ang tungkol kay Ferdinand. Matapos ang malalim na pag -iisip ay nakaisip ng paraan si Ginoong shintsru upang matulungan ang anak."Yuna payag ka ba kung magpunta na lang tayo sa ibang bansa at huwag ng bumalik pa dito?" Ang nais niya sa anak na babae ay maging payapa ang pamumyhay nitomTahimik st walang bahid ng takot at pangamba. Yung hijdi kontrolado.Nais na rin niyang mabuhay sa isang ligtas at maligayang buhay. Tumango si Yuna sa sinabi ng ama."Okay lang po Tay, total ang buong lugar na ito ay nasa ilalim ng kontrol ni Felix" sangayon ni Yuna."Yuna, hintayin mo lang ako.mga ilang araw lang at kapag naayos ko na at ang mga usapin sa mga bahagi ng Parson Group at natanggap ki na ang pera, aalis tayo agad at sa ibang bansa na titira " sabi niya sa Anak.Binalak ni Ginoong Shintaru na ibenta ang kanyang mga share sa Parson Group at tumakas kasama ang kanyang anak na babae gamit ang pera. Nag-isip siya saglit at inutusa
Medyo natigilan si Yuna, naging kakaiba ang tibok ng puso niya. Bibihirang magpakita ng ganitong kalambutan si Felix.Hindi man nais ang sitwasyun ay hindi naglakas-loob si Yuna na kumawala sa mga kamay ni Felix kamay saka nakangiting sinabi."Sa palagay ko lang kase ay pagod ka pagkatapos ng trabaho sa maghapon, at gusto kong makapagpahinga ka ng maaga" katwiran na lang niya."Pero gusto kung makasama ka pa?msguspa muna tayo?" Lambing niFelix na may kasamabg matamis na ngiti. Napakaguwapo nito kapag masungit pero iba lalo ang karisma nito kapag ganito kabait."Ano ba ang nais mong pagusapan pa. Nagkalinawan na tayo diba?.""Hindi ito tungkol doon.Yung tungkol sa model na naggupit ng damit mo kahapon ay pinadampot ko na sa ng pulis." "Ah, salamat" Inaasahan na iyon ni Yuna.Galit man siya at masama ang loob kay Felix alam ni Yuna na sa mga ganitong bagay ay alam niyang hindi ito palalagpasin ni Felix."Simula ngayon, wala nang manggugulo sayo dahil sinigurado ko na wala ng kumpanyang
Pagkatapos maghanap ng ilang sandali at maikot ang lugar sa waka ay nkita naring ni Yuna ang hinahanap Nakaupo ito sa isang malapad na upuan. Nilapitan ito ni Yuna at umupo siya sa likod ng isang mahabang sofa."Hello, President Tom, ako si Yuna mula sa Parson Group" bati ni Yuna at lumapit kay President Tom at inabot dito ang isang business card. Tumingin sa kanya ang Presidente, na may pagtataka sa kanyang mga mata. "Sino ka naman?""Ako ho si Yuna ang anak na ni Mr.Shintaru Parson ng Parson Group" pagpapakilala ni Yuna.Tumango si President Tom, na parang alam na niya ang sitwasyon ng Parson."Nabalitaan ko na na-admit ang tatay mo sa ICU kamakailan. Kumusta na siya?" Tanong nito."Sa ngayon po ay hibdi pa siya nakakakilala ng tao pero bumuti na ang sitwasyon ng aking ama. Salamat po President Tom sa pag-aalala ninyo. Siya nga ho pala, President Tom, gusto kong kausapin ka tungkol sa pera ng Parson Group kase ho....." Bago natapos ni Yuna ang sasabihin pa ay nagssalita si Presi
Tumalikod si Yuna at naglakad sa gilid ng kalsada at hindi na lumingon pa. Medyo bumuti na ang kalagayan ng Tatay niya ngunit hindi pa rin ito nakakakilala ng mga tao at kailangan daw itong ilipat sa isang nursing home para magamot.Ngunit kinabukasan, nalaman ni Yuna na may problema sa kompanya ng kanyang ama. Hindi alam ni Yuna kung sino ang nagpakalat ng balita na ang presidente ng Parson Group ay may malubhang karamdaman.Dahil sa pagkalat ng balitang ito ay bumagsak ang mga stock ng Kompanya mila Yuna sa loob lamang ng tatlong araw .Napakalaki ng ibinaba ng stock at naalarma ang mga share holders.Ang panloob na kaguluhan ay lumaganap at ang mga nangungunang executive ng kumpanya ay nagmamadaling ibenenta ang kanilang mga share sa takot na malugi at walang mapala Sa oras na malaman ni Yuna ang balita, na ang Kompanya nila ay nasa panganib na at nasa bingit ng pagkabangkarote sa loob lamang ng ilang araw.Agad niang tinawagan ang bise presidente ng kompanya. Ang kanyang tito S
"Nagugutom ka na ba? May gusto ka bang kainin?" maingat na tanong ni Felix sa kanya.Hindi gumalaw si Yuna kahit ang pilik mata."Ayokong kumain"sabi ni Yuna Hindi siya pinilit ni Felix, pero hindirin ito umalis sa koridor, tahimik lang na sinasamahan siya doon.Wala sa mood si Yuna na pakialam kung nasaan man ito ngayon.Ang kanyang isip ay ganap na nakatuon sa kalagayan ng kanyang ama.Matapos ang halos hindi mabilang na tagal, tuluyang namatay na ang operating red light at lumabas ang doktor sa operating room.Ang puso niYuna ay parang nagrarambulan.Nang makita ang doktor, nanginginig ang mga tuhod ni Yuna na lumapit at nagtanong sa doctor."Doc, kamusta ho ang aking ama ngayon?""Naisagawa na namin ang kanyang bypass operation, pero sa ngayon ay hindi pa stable ang kondisyun ng pasyente at kailangan niyang manatili sa ICU ng ilang araw oobserbahan siya at maalagaan ng husto" sabi ng doktor.Matapos mapakinggan iyon, kahit papaano ay lumuwag ang tensiyon sa puso ni Yuna.Mabuti na
Seryoso ang mukha ni Ginoong Samuel na tumingin muna sa kapatid na panganay bago muling bumaling kay Yuna."Ang lahat ng ito ay dahil sa sakim mong tiyuhin na si Steven! Kaninang umaga, nagsagawa ng internal meeting ang iyong ama at nais niyang ilipat ang mga bahagi sa kanyang mga kamay sa mga internal na tauhan.Ngunit dahil dito, walang nangahas na bumili. Nang maglaon, nalama nila at ng iyong ama na Ang tiyo Steven mo ang nangsabi sa mga stock holder at nag-abiso sa kanila, Ang nagsasabi daw nito ay kung sinuman ang maglalakas-loob na bumili ng share ng iyong ama ay kay Felix Altamirano mananagot. kapag binili daw nila ang share ng iyong ama ay tahasan daw na nangpapahiwatig iyon ng paglaban at papgkontra kay Felix na siyang major share holder. Walang sinuman nsa mga stock holder ang guatong kalabanin ang isang taga Alta Group kayat walang nangtankang tulungan ang ama mo" sabi ni Ginoong Samuel.Nag makarating iyon sa iyong ama ay nangtungo ito sa ang departamento ng pa
Pagkaraan ng ilang sandali, dahil sa inis ni Yuna ay sinabi niya kay Felix ng walang pakundangan,"Ayokong kumain ng sopas ngayon, gusto ng chowpan at saka ng bulalo at saka ng rispy pata" sabi niya. Sinadya ni Yuna na mahirap igayak ang mga pagkain para hindi siya nito kulitin pa. Pero hindi nagbago ang ekspresyon ni Felix kahit alam nan nitong nananadya ang asawa."Medyo matindi ang nangyari kagabi. Kumain ka ng bagay na madaling matunaw para mapunan ang iyong nutrisyon. Kung gusto mong kumain ng chowpan at crispy pata, hihilingin ko kay Mananz na ihanda ito para sa iyo mamaya o bukas. Medyo nahiya si Yuna para kay Manang kaya sinulyapan niya ng masamang tingin si Felix. Pero walang reaksiyon si Felix, hindi nito pinapatulan ang pagmamaktol niya. Hindi din naiinis si Felix at kinuha pa ang kutsara at inilagay sa kamay ni Yuna. "Kumain ka. Pagkatapos mong kumain, dadalhin kita sa Shop mo" "Ayokong magpahatid sayo"maktol pa rin ni Yuna."Walang silbi ang pagtutol mo.Hindi ka ma
Bago pa niya matapos ang sasabihin, kinurot na nii Felix ang baba ni Yuna at tinignan siya ng masama."Hindi ako pumayag na umalis kayo ng bansa at doon mamg migrate..." seryosong sabi ni Felix tanggi"Tumigil ka na! Hindi ko na talaga gustong makasama ka pa.Sige na hayaan mo na akong umalis" sabi ni Yuna habang umiiyak."Alam kong gusto mo lamang makasama si Patrick.Hah! naghanda pa nga ito ng helicopter para sa inyo.Plano mo bang mangibang bansa kung saan akala mo ay hindi na kita makokontrol at para magkasama na kayo ng malaya ganun ba?" "Hindi..! Umiyak na si Yuna st pinabulaanan ang sinabi ni Felix. "Ayoko ng may kasama. Hindi na lang talaga ako masaya sayo, kaya gusto kong umalis. Wala namang kinalaman sa iba tao ang desisyun ko" paliwanang niya."Sinabi ko na ang desisyun ko, hindi kita pinahihintulutang umalis" Napuna ni Felix ang mga luha ni Yuna, dahan dahan nitong binitiwan ang baba ni Yuna."Ayokong nakikita kang umiiyak. Umakyat ka na at maghilamos ka. Simula ngayon, di
Hindi sumasang-ayon si Felix sa pagbebenta ni Ginoong Shintaru ng kanyang share, ngunit pinilit ni Ginoong Shintaru na gawin iyon, kaya pumunta si Steven kay Felix at umaasang ibenta ang sikreto ng ama ni Yuna sa magandang presyo."Ibigay mo sa kanya." senyas ni Felix kay Marlon.Umupo si Felix sa sofa, kinusot ang kanyang mga kilay, nang hindi man lang iminulat ang kanyang mga mata. Agad namang tinanong ni Marlon ang isang tao na maglipat ng pera.Wala pang sampung minuto, nakatanggap si Ginoong Steve ng paglilipat ng limang milyon. Tuwang-tuwa ito habang tinitignan ang pera sa kanyang account.Sinabi nito kay Felix slang impormasyun nito."Mr. Felix, hindi mo pinapansin ang Parson Group namin, kaya malamang hindi mo alam na Kamakailan lang ay gustong ilipat ng panganay ko ng kapatid ang kanyang mga share sa ibang shareholders, at ilang sunod-sunod na lihim na pagpupulong ang gusto niyang gawin?" Sumbong nito."Gusto daw niyang maipagbili na ang share niya agad agad at lilipat na siy
"Ayoko na nga. Ayoko ng makita ang damit na yan!" "Anong sabi mo?" Tanong ni Felix na seryoso na ang mukha.""Ang sabi ko ayaw kalimutan na natin ang tungkol dito at ayoko ng suotin ang damit na yan!" Hindi na nagawang magtimpi ni Yuna.Hindi na niya kayang magkunwari pa.Hindi naman niyan gustong lokohin si Felix lalao naman ang lokohin ang sarili niya. Sumangot ng husto si Felix at tila nawala sa mood. Natakot si Yuna na hindi natutuwa si Felix na at hindi siya maligaya, kaya lumakad si Yuna pasulong at gustong makipag-usap nang maayos sana kay Felix. Ngunit bigla itong sumigaw..."Magsilabas kayo!!" Sigaw nito.Napaatras si Yuna at palabas na sana sa pag-aakalang siya ang tinutukoy ni Felix. Kinagat niya ang kanyang labi at tumalikod para sana umalis. "Hindi niya inaasahan ang makita galit muli si Felix. Sa mga nagdaang araw ay bihira na niya itong makitang galit."Sana ka pupunta Yuna? Sila ang kausap ko.Hindi ko sinabi sa inyo na tumayo kayo dyan. Pwede bang lumabas kayo" uto
Hiniling ni Yuna sa kanya na isuot ang kanyang damit, ngunit hindi siya nagalit. Tumabi siya sa kanya at iniabot sa kanya ang mga damit."Tara na!" sabi ni Yuna."Okay." Sumagot si Felix na may mapagmahal na tingin sa kanyang mga mata.Lumapit siya, hinawakan ang maliit na kamay ni Yuna, at hinikayat siya sa mahinang boses."Huwag ka ng magalit. Ngayon lang ay hindi mo mapigilan ang sarili mo""Napakakulit mo kase.Piipilit ko akong magalit." Ngumiti si Felix at hinawakan ang kanyang maliit na mukha."Ginawa ko ito dahil akala ko nagustuhan mo ito. Pasensya na"Sabi ni Felix kay Yuna.Itinaas ni Felix ang sulok ng kanyang mga labi."Huwag kang magalit, babawi ako sa iyo. Gayunpaman, huwag mo akong masyadong pigilan. Tanging sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa akin mapapalagay ang loob ko" sabi niya ngunit hindi siya pinansin ni Yuna. Pagdating nila sa Lumang Villa ng mga Parson, binuksan ni Yuna ang pinto ng kotse at lumabas nang hindi man lang lumilingon.Si Felix ay tumingin sa