Days? Weeks? Months? Years... have passed and we are still together. I couldn't ask for more, how I love loving him for life. We have been into two years together and being with him in those years was really magnificent. We are both contented and every day might be doing the same thing, but, h*ll, I could do it forever.We celebrated our monthsarry and it was always special and perfect, we celebrated one year together and it was extraordinary! It was only filled with love, contentment, and healthy relationship we could have. We sometimes fight, but at the end of the day, we'll be okay. We may have misunderstood, we will immediately talk about it.We may sometimes don't get along, but he will swallow his pride willingly and then approach me with a smile. He always makes me feel that I'm the most beautiful woman in this world, he'll serve me, he'll take good care of me, kiss me on the forehead and he will always say that I'm the most wonderful person he knows. He was very sweet to me,
"Ang landi talaga!" sigaw ni Amiel mula sa likod at nagtawanan naman ang mga kasamahan namin, at pati na rin kami ni Louis. Bumitaw na siya mula sa pagkakayakap at malapit na akong umiyak dahil nagiging emosyonal ako sa nangyayari. Hinawakan ni Louis ang likod ko at saka kami sabay na lumapit sa mga kasamahan ko. Oo, alam na nila ang tungkol sa amin ni Louis. Dahil ba naman sa kadaldalan ni Amiel, hindi niya natikom ang bibig niya. Nang madulas niyang nasabi na kasal na ako, kumalat na kaagad ito. Lahat na sila ay nalaman na kaya wala na akong ibang pagpipilian kung hindi na sabihin na rin sa kanila. Sinabi ko naman na under contract din naman 'yon. Nag-okay naman sila at walang-sawa naman na nila akong inasar-asar, at dahil alam na rin naman nila ay pinakilala ko na rin sa kanilang lahat si Louis. Nagtampo pa nga si Louis no'ng araw na 'yon dahil sa kanya daw sa akin ay kilala na siya ng pangalan at itsura pero sa kumpanya pa raw ay hindi pa ako kilala ng mga tauhan niya. Sinabi k
"Yes!" malakas niyang sigaw at natawa naman ako dahil nagtatalon pa siya ngayon. Matapos niyang magtatalon sa tuwa ay kaagad niya akong niyakap at hinalik-halikan. "Oh, God! Thank you so much! I love you so much, I love you, I love you, Allison Kye Gomez-Sorreño." Niyakap ko rin siya at hinayaan ko na ang sarili kong umiyak dahil sa tuwa. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso naming dalawa. Everything just fell into places, everything was just perfect and surreal. This feels like a dream that I don't wanna wake up from, however, this is real now. It's going to happen. We're going to get married. After that perfect night to us that will forever be remembered. We went home with a smile on our faces and were the happiest. Ang dami ring nangyari sa amin, ang dami pang naganap at dito lang din naman pala kami mapupunta. Iyong unang pagkikita namin, 'yong pag-uusap namin patungkol sa contracted marriage at paghihiganti ko sa mga nanakit sa akin. Iyong tuluy-tuloy na ikot lang
"Congratulations, love! I'm so proud of you! You deserved this!" malakas kong sigaw dahil sa tuwa at saka 'ko tumalon at niyakap siya. Mukhang ang bigat ko ata kaya natumba pa kami pareho pero hindi ko muna inisip 'yon dahil tuwang-tuwa ako dahil naging successful ang project niya na matagal niya nang pinagplanuhan at pinaghandaan. Ang tagal niyang sinabi, kinuwento sa akin pero ngayon at narito na siya. Niyakap niya rin ako pabalik, kakatapos lang ng ribbon cutting kasama ang iba pa niyang investors at iba pang nasa likod ng successful ng project niya sa ibang bansa. International kasi 'yon kaya naging pahirapan at naging matagal din kahit kilalang-kilala si Louis at ng kanilang kumpaya, kahit ang lawak na ng connections niya ay talagang napunta rin siya sa mahabang proseso para lang makatayo siya kung siya dalhin ng mga paa niya. Ngayon ay nakamit niya ito, sobrang saya ko lang sa kanya at maiyak-iyak na rin ako dahil kitang-kita ko naman ang effort na nilaan niya, 'yong hindi na
"Noted everything, Tita!" "Oh, don't call me that, dear. From now on, call me Mom na, okay?" Nanlaki pa ang mata ko dahil sa gulat, ngumiti lang siya nang malaki at nakisabay rin si Tito na itawag ko na rin sa kanya ay Dad dahil ikakasal na rin ako sa anak nila, at parang anak na rin naman daw nila ako kaya ayon na raw ang itawag ko sa kanila. I was shocked at the same time, I don't know what to react because they are the only family that I have now, Sila na lang ang parang tinuturing kong magulang at hindi ko naman maiwasan na ma-touched dahil sa sinabi nila. Sinubukan kong huwag maiyak pero huli na ang lahat at talagang may tumulo nang luha mula sa aking mata. Kaagad naman nila akong niyakap at saka nila parehong hinimas ang likuran ko. "Silly, Allison, you don't have to cry... we're here for you, okay? You now got a Mom and Dad, though, not by blood but by heart," Tita or Mom said to me. I just loved how she avoided mentioning my about my own blood, instead, she just mentioned t
"Paano ko masisiguro na totoo ang lahat ng ito at hindi niyo na naman ako o kami pinapaikot? Ilang beses niyo nang ginawa ito sa amin, ano'ng akala mo, Neon? Hindi ko nalaman kung ano ang ginawa mo noon kay Louis? Pasalamat ka at hindi kita pinatulan no'ng araw na 'yon dahil ayaw ko na ng gulo at nanahimik na ako't hinayaan ko na lang na inaangat ang aking sarili pataas. "Hindi na ako nag-aksaya ng panahon sa 'yo. Tandaan niyo, kapag sa oras na malaman ko na pinaglalaruan niyo na naman kami ay kayang-kaya ko kayong ipademanda o baka ano pa ang gawin sa inyo ni Louis? Kaya matakot na kayo, kung ako sa inyo ay itigil niyo na ito," tuluy-tuloy kong sambit. Sinubukan kong patatagin ang bawat salita na aking binabanggit pero may mga pagkakataon na pumipiyok ako dahil sa bilis ng pantig ng puso ko. Ang bilis ng tibok ng aking puso ko at 'yong mga bigayan namin dito ng mga tingin, na animo'y puwede nagbab*rilan na kami gamit ang mga mata namin. Sinusubukan ko lang manlaban para hindi ako u
"Nang ganu'ng-gano'n lang? Nasayang ang halos na tatlong taon niyo? Hindi mo 'man lang ba itatanong ang dahilan sa likod nito?" hindi mapakaling tanong ni Valentine, pero nakapagdesisyon na ako. Dahil masyado nang nag-normalize sa kultura ng Pilipino ang pagche-cheat. Hindi na dapat hinahayaan pang ginaganito lang ako. Sa iba ay tinatanggap pa nila at binibigyan pa ng pangalawang pagkakataon ang lalaking nagkasala sa kanila. Desisyon nila 'yon at wala akong kailangan na sabihin pa tungkol doon, pero kung sa aking mangyari ay hindi ko papalagpasin pa ito. Hindi ko hahayaan ang aking sarili na makipaghalikan sa lalaking alam kong may iba naman din palang kahalikan. "Wala sa haba ng relasyon 'yon," mariin kong sabi. Dahil ayon palagi ang iniisip ng ibang tao na sila pa ang mas nanghihinayang dahil naiisip nila ang tagal na ng relasyon ng ibang tao, sabay hindi pa nagkakatuluyan. Magii-stay ka pa ba sa relasyong hindi ka na masaya? Hindi, 'di ba? Magii-stay ka pa ba sa relasyon alam mo
Nagising ako dahil kay Valentine, niyaya niya akong mag-jogging. Kailangan ko raw 'yon para ma-boost ko raw ang happy hormones ko sa katawan, kahit na ayaw ko dahil inaantok pa ako sa sobrang aga at tinatamad pa ako, gusto ko pang matulog. Wala na rin akong nagawa pa dahil mapilit ang babae. Pinahiram niya muna ako ng pang-jogging na suotan at saka na kami lumargang tumakbo. Kahit papaano ay naging maginhawa rin ang puso ko dahil sa lamig ng simoy ng hangin, sa pagtagatak ng aking pawis, at saka sa mga kapaligirang iyong nakikita, at kahit saan ka lumingon ay magbibigyan mong pansin ang ganda ng kalikasan. Nakakamangha ring pagmasdan ang paghampas ng mga halaman, sumasayaw kasama ang hangin. I don't know, but it brought me peace and I was able to breathe for a moment. "Aray!" malakas kong sigaw dahil tinulak ako ni Valentine at saka mabilis siyang tumakbo, tumawa-tawa pa. "Humanda ka sa akin kapag ikaw nahabol kong babae ka!" sigaw ko para marinig niya ako mula sa malayo. Tinignan k
"Look, Daddy! I have a perfect score!" bungad kaagad sa akin ni Philo pagkadating na pagkadating ko sa school nila para sunduin na sila. Hawak-hawak niya pa ang notebook niya para maipakita niya sa akin ang score niya at nakita ko nga roon ang perpekto niyang marka. "Wow! Well done, Philo!" Ngumiti naman siya nang matimis at si Allistair naman ay nahihiya niyang nilahad sa akin ang notebook niya at puro numbers 'yon kaya hindi na ako magdadalawang-isip na Math subject 'yon at perfect niya dahil paborito niya itong subject. Ginulo ko ang buhok ni Allistair at saka ko siya pinuri sa perfect score niya rin. "Ang galing ng mga anak ko ngayon, ah. We need to celebrate these small wins!" "Yay!" masayang sigaw ni Philo at si Allistair naman ay nakangiti lang. Sabay-sabay na kaming pumunta sa kotse ko at saka muna kami dumaan sa isang paborito nilang kainan after ng classes nila. Isa itong kilalang kainan dito dahil sa pang-snacks ang mga ito 'tulad ng mga donuts, drinks na mga milktea or
Louis' POV "Daddy, Daddy, Daddy! Wake up! Please! Wake up, wake up!" sigaw ng matinis na boses at kahit inaantok pa ako ay pinilit ko namang imulat ang aking mata at nakita ko ang mala-angel na mukha ng anak kong babae. Napangiti naman ako dahil do'n, nakikita ko kasi si Allison sa kanya kaya tuwang-tuwa ako sa kanya. "Daddy, please! Stand up now, I'm getting mad already!" Natawa naman ako sa aking isipan ko dahil sa sinabi niya, para talagang makita kung magagalit talaga siya kaya nagtulug-tulugan pa muna ako para asarin siya. "Daddy, no!" Minulat ko ang aking mata at nakita kong namula na ang mata niya, malapit nang tumulo ang luha niya. Mabilis ko naman siyang niyakap at saka hiniga ko siya sa akin at saka mahigpit ko siyang niyakap, hindi ko na maramdaman sa aking tabi si Allison siguro ay hinahanda na si Allistair sa unang araw ngayon sa eskwelahan nila na ngayong dalawa. Nakapang-alis na nga ang anak kong babae, baka magusot ko ang damit niya kaya nagrereklamo na siya. "Dadd
"Allistair Kyzen Gomez Sorreño." Natuwa naman ako nang tawagin ko ang pangalan ng aking anak, nasa kamay ko na siya at ang liit-liit niya. Kakaibang tuwa ang aking naramdaman. Ang tuwang walang katumbas na tanging iisang tao lang ang makakapagbigay nito sa akin. Hinaplos ko nang dahan-dahan ang mukha ng anak ko habang natutulog ito. Dahan-dahan ko pa hinalikan ang pisngi nito at saka nilapit ko ang pisngi ko sa kanya. Pumikit ako at dinamnam ang pagkakataon at saka minulat ang aking mga mata at nakita ko na si Louis ito, nakangiti nang matamis at saka niya ako hinalikan sa noo. "Thank you for this, love." Nantubig ang mata ko dahil sa kakaibang saya na naging hatid nito sa amin 'to ni Louis para sa aming dalawa. Ang tagal ko na ring inaasam ang ganitong klaseng pangyayari sa aking buhay at si Louis ang kasama ko. Tinignan ko ulit ang anak naming dalawa at nakita ko kung paano sumilay ang ngiti niya. Lumigaya naman ang puso ko dahil lang sa simpleng gano'n. Lumipas ang ilang araw a
Allison's POV. "Love, pretty please?" pagpipilit ko pa sa kanya dahil hindi niya pa rin siya pumapayag sa gusto ko. Gustung-gusto ko na kasing gawin sa akib ni Louis ang isang bagay na kahit ito na lang kasi wala eh... bored ako. Gusto ko lang talaga gawi ni Louis ang bagay na hinihiling ko sa kanya. "Are you even serious?" Tumango naman ako sa kanya kaagad at saka nag-pretty eyes pa sa kanya para sundin niya na ako, hindi ko na nga alam kung maayos pa ba ang itsura ko at kung may kinang pa ba 'yong ganda ko, wala na akong pakialam. Bumuntonghininga naman siya at saka niya kinuha ang kamay ko at saka niya lang naman hinilot ang mga ito, pero... ang sinabi ko sa kanya na hanggang gabi niya gagawin 'yon. Natawa naman ako sa pinapagawa ko sa kanya. Talagang lahat ng gusto ko ay susundin niya, kahit ano pa 'yan. Well, siguro kaya niya ginagawa because I'm happy to announce that I'm already 9 months pregnant! Ang bilis talaga ng mga araw na nagdaan parang kahapon lang ay sinasabi lang
"Allison!" tawag ko at saka naman nagtuluy-tuloy ang pagdaan ng mga tao, nakita ko na tumingin pabalik si Allison at hindi akong magkakamali na siya 'yon. Sabi ng tauhan ko na nasa airport ang mahal ko at papaalis na ito. Ayaw kong iwanan niyang ganito lang kami, ang halos tatlong taon namin o dalawang taon na magkasama kami ay matatapos lang din nang ganu'n-gano'n lang, hindi ako papayag. Nangako rin isyang kakauspain niya ako, na magkakaayos kami at papakinggan niya na ako. Kung ano ba talaga ang tunay na nangyari, nalaman ko na lang din sa mga katulong na kinuha na raw lahat ni Allison ang mga gamit niya. Ngayon ay ito pala ang rason, may kinailangan lang akong asikasuhin sa kumpanya at ito na pala kaagad ang malalaman ko... iiwan niya na ako. Pero huli na ang lahat, wala na siya. Tuluyan na siyang nawala hanggang sa tinitigan ko na lang kung paano lumipad ang eroplanong sinasakyan niya at tuluyang na nga siyang nawala sa kamay ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, gusto kon
"Okay then, if that makes you feel okay. I'll do it, anything for you. Just name it, my love," sabi ko at kung ano ang gusto ng mahal ko ay gagawin ko. Nakakainis kasi 'yong nurse na 'yon kaya pinatanggal ko, i know that I acted so immatured pero hindi ko kasi mapigilan at 'yong mga tinginan no'ng lalaking 'yon. Kaya talagang galit na galit ako sa hospital at tinakot ko na kayang-kaya kong pabagsakin 'yon para lang matanggal nila 'yong nurse. Pero nalaman ng mahal ko, at sinabi niya na ngayon ang dapat kong gawin at mas alam niya. Kaya makikinig din ako sa kanya, wala, eh... under ako. Pagkatapos no'n ay balik na ulit kami sa kailangan naming gawin. Habang nagscro-scroll ako online at nakita ko na may mga alagang hayop ang iba't ibang celebrities at kahit papaano ay nakakuha ako ng idea na kumuha na rin ako ng isa, matagal ko na ring pangarap na mag-alaga ng mga hayop at nakakaginhawa siya kapag pag-uwi mo sa bahay na makikita sila na kasama ang Mommy nila, si Allison. Natawa naman
"Bro, what do you think? Punta ka na rin para pupunta na rin ako! Nakakatamad kasi baka mamaya ay wala akong kilala ro'n. Inimbita magulang ko sabay idadamay nila ako, eh, ayaw ko ngang dumalo roon," pagpipilit pa ng kaibigan kong si Hermes. Ilang beses niya na akong niyaya na um-attend ako ng isang kasal, isang kasal sa dami kong ginagawa. At sa tingin niya ba ay libre ako no'ng araw na 'yon? Hindi. Hindi na ako puwedeng gumawa pa ng ibang bagay dahil tambak ako ng daming gawain. "No," simple kong sagot sa kanya at natawa naman siya agad. "Ayan kasi! Lasing pa, inom pa, babae pa! Ano ka ngayon? Ang dami mong gagawin ngayon sa kumpanya niyo, tambak na tambak ka!" pang-aasar niya at saka siya tumawa nang malakas, sinamaan ko naman siya ng tingin. Palagi na lang sinasabi na kung sinu-sino ang babae ko, sila naman itong nagi-insist sa akin pero hindi ko tinutuloy hangga't walang consent nila. Ayaw ko rin namang gumawa ng gano'ng klaseng bagay lang ng walang permisyon ng babae at syemp
"Bakit naman ako iiyak? Sino ba kayo?" narinig ko 'yon mula sa malapit na parte sa paligid ko kaya humarap ako kung saan-saan hanggang sa narinig kong muli ang boses ng matinis na babae. Nang makita ko na ay mayroong nakapalibot sa kanyang dalawang babae at mukhang inaasar siya nito. "Ano naman ngayon kung may bungal ngipin ko?! Eh, maganda pa rin naman ako. Eh, kayo ba?" dagdag pa ng babae, at hindi ko maiwasan na masiyahan dahil sa kung papaano siya magsalita.Maldita ito pero ramdam mo na tinatapangan niya lang ang kanyang boses para maipakitang matapang siya. Tinuruan ako ni Mommy na huwag akong makialam sa ginagawa ng ibang tao, pero naramdaman ko ngayon ay gulo naman ito at gusto kong maging maayos lang ang lahat ng ito kaya naman napagpasyahan ko na lapitan sila at awatin.Tinulak no'ng babae na inaasar 'yong babaeng tinatapangan ang kanyang sarili para hindi maapi, nag-alala naman ako kaagad kaya mabilis akong pumunta sa gawi nila. "Eh, bungal ka kasi! Ang pangit! At saka iiya
"Huh? Puwede bang ipaliwanag mo muna sa akin kung ano'ng nangyayari? Akala ko ba ay may nangyayari kay Louis? Nasaan ba siya? Pinag-aalala niyo pa ako, lalo ka na! 'Yong mga sigaw-sigaw mo pa sa akin kanina, nag-aalala talaga ako nang sobra!" irita kong sabi sa kanya at siya naman ay nag-peace sign lang at tumawa. Napairap naman ko dahil kalokohan niya na naman ata kung anu-ano ang mga sinabi niya kanina. "Huwag ka nang maraming tanong at sinasabi basta ang malinaw ay narito ka na! Kapag sinabi ko sa 'yo, edi hindi na siya surprise, 'di ba? Okay 'yang pag-aalala mo, ibig sabihin lang no'n na sobra-sobra mong mahal si Louis, ayie!" Tinulak niya pa ako nang mahina at patuloy pa rin ang kasiyahan sa aking gilid, pero limited pa 'yong ilaw, may iba pang parte ng venue ay walang ilaw. "Well, ang galing ko na atang umarte at napaniwala kitang may nangyari nga sa mahal na mahal mo!" Tumawa naman siya nang malakas kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "At saka huwag mo muna siyang hanapin,