Share

KABANATA LIMA: Pft, Maselan?

Author: Leafy
last update Last Updated: 2022-02-22 19:19:18

KABANATA LIMA: Pft, Maselan?

June 13, 2020

KARRIE'S POV

Knock knock

"What is it?" Tanong ni Aljur habang kinuha ang work outfit na inihanda ko para sa kanya. 

Mula sa pintuan, sumagot ang maid nito, "Ma'am, sir, dumating po mga magulang niyo po na sina Madam Maja at Mister Alfindo, kasama na rin po si Mister Don Machito. Inaantay po kayo sa sala."

Napangisi ako dahil alam kong dadating sila ngayon. Kagaya ng dati, hindi man lang nila pinaabot ng ilang araw ang 'supposed to be' honeymoon namin bago ito bumisita... Siyempre, alam ko kung sino may pakana.

Nakita kong kumunot ang noo ni Aljur at tumingin sa'kin, ngumiti ako at nagkusa, "Magbihis ka muna, ako muna mag-aasikaso sa kanila."

Hindi na tumanggi pa si Aljur at pumunta na sa dressing room nito bitbit ang damit niya. Ako naman ay napasaglit na dumaan sa salamin at inayos ang nakalugay kong buhok. 

Hindi na ako nag-make up pa kagaya ng ginawa ko dati. Iniba ko na rin ang dati kong gustong damit na mga fluffy dresses at pinalitan ko ang style ko nang mga long slim but modest style dresses. Nagsuot pa rin ako ng robe para hindi halatang inaasahan ko sila ngayon.

Lumabas na ako ng kwarto at lumakad papuntang sala na para bang binibing mahinhin kagaya ni Maria Clara. 

Pagbaba ko ay nakita ko sina Lolo Don at ngumiti ako sa kanila. Nagmano ako kay Lolo Don at nakipag-shake hands ako kay Tito Alfindo. Mabilisan pero hindi halata naman na nakipag beso ako kay Tita Maja. "Naparaan po kayo, pasensya na po at hindi ako nakapaghanda."

Lolo Don waved his hand, "Naku hija, dumaan lang kami dito saglit, hindi naman kami magtatagal." 

Tumango si Tito Alfindo, "Nag-aalala kasi ang asawa ko sa'yo," hinawakan nito sa mga braso si Tita Maja, "Baka kasi mahihirapan ka sa unang araw. Maselan pa man din si Aljur sa pagkain."

Pft, maselan? Wala ngang sinabi si Aljur no'ng past life ko tungkol sa mga halos nasunog na naluto ko, naubos pa nga niya. Tapos maselan?

Baka si Tita Maja naseselanan. Maselan kasi hindi pa handa ang ang gusto sana niyang ireto kay Aljur... Maselan kasi wala siyang magawa na ang asawa niya, biyenan at pati si Aljur, ay pumayag nang magpakasal sa'kin kahit na ilang beses niyang sinubukang i-brainwash si Aljur na tumanggi.

Maselan kasi natatakot siyang maging successful ang relasyon namin ni Aljur at masira ang plano niya.

Hinawi ko ang buhok kong nakaharang sa gilid at nilagay sa likod na tainga ko, ngumiti ako na para bang nahihiya, "M-may inihanda po ako sa kanya kanina, pababa pa lang po siya kaya hindi pa po niya nakikita iyon."

Tinakpan ko ng bahagya ang mukha ko, "I'm not sure though if he'll like it..."

Siyempre, suportado ako ni Lolo Don sa lahat, "Magugustuhan 'yan ng apo ko! Basta ikaw!"

Umiling si Tita Maja at hinawakan ang braso ni Tito Alfindo, "Aljur is allergic to seafood, what if she made that kind of food."

Napaisip si Tito Alfindo at lumingon sa'kin ito, "Hija, ano bang niluto mo? Pwede ba namin malaman habang hindi pa nakikita ni Aljur?"

Tumango ako, "Opo! Wala rin po akong masyadong alam tungkol kay Aljur kaya malaking tulong po sa'kin ano mang suhuwestion niyo."

Ginabayan ko sila papuntang dining area kung saan nakahanda ang niluto ko nang madaling araw. Habang naglalakad kami patungo doon, napapansin kong dumadaan ang tingin ni Tita Maja sa'kin... 

Inoobserbahan na naman ako... 

Kung madali ba akong utuin at paglaruan sa mga kamay niya o hindi.

Mag-obserba ka diyan mag-isa!

Sarap mang-irap kaso dapat mabait na bata ako ngayon. 

Nang makarating kami sa lamesa, binuksan ko ang tray na naglalaman ng mga plato at bowl na may adobong manok at boiled egg kasama ng kanin. "I- ah... Wala po akong alam sa mga expensive dishes... Alam ko lang po kasing lutuin ay mga lutong bahay. Kagaya ng mga luto ni mama noon."

Pinagpatuloy ko magpaliwanag, "Naalala ko lang po kasi, kung buhay pa si mama, siguro kasama ko rin po sana siya na ilakad ako sa altar. Kaya sa pagkain ko nalang idinaan."

Pagkatapos kong magpaliwanag, lumingon ako sa kanila. Bakas sa mga mukha nila Lolo Don at Tito Alfindo ang pag-aalala at pansin kong lumambot ang mga puso nila. "Sabi sa'yo, napakamabuting bata nitong si Karrie."

Tumango si Tito Alfindo, "Tama ka nga, Papa, naniniwala na ako." Lumingon ito sa'kin, "Basta hija, allergic sa mga seafood si Aljur at higit sa lahat, ayaw nito ng mga bisyo."

Tumango ako at nagkunwaring inalala... Kabisado ko na si Aljur... Alam ko rin ang mga paborito nito... At mahilig ito sa mga local foods than exported and expensive ones.

Kaya nagluto ako ng isa sa mga paborito nito... Although totoo naman na gusto rin ni mama ang mga local foods... Pero never akong naturuan nito. Sobrang bata ko pa kay no’n.

"Alam mo ba hija, ang pabiritong mga pagkain ni Aljur ay adobo at sinigang!" Dagdag ni Lolo Don, "Kaya mabuti 'yan at 'yan ang naisipan mong iluto!" Tuwang-tuwang tinapik-tapik nito ang balikat ni Tito Alfindo.

Si Tita Maja naman ay hindi maiwasang ngumiti ng pilit, "Your mother said you don't know how to cook. Kaya sa pag-aalala, naisipan kong daanan ka." 

Umakto ako na para bang nagulat, as if naman may paki ito. Gusto lang naman akong ipahiya nito. "Naku po, tita! Sorry po at nag-alala pa po kayo. Totoo po ang sabi ni mom Sharon,"

"Mula po kasi no'ng naka graduate po ako two years ago, bihira lang po ako makauwi ng maaga at umaalis po ako ng sobrang aga rin po. Nahihiya naman po akong gisingin si mom Sharon just to cook that early." Paliwanag ko, "Kaya po nag-practice po ako pero mga simpleng luto pa lang po ang kaya ko."

"I see," Ngumiti na lang si Tita Maja, "Mabuti naman. I will send you some recipes later, send me your email soon. It could help you with some new recipes you could try at home."

Tumango ako at ngumiti ng malapad, "Thank you po, Tita, malaking tulong po sa'kin 'yon."

Ikinwento sa'kin nina Tito Alfindo at Lolo Don ang mga bagay na nalaman ko tungkol kay Aljur na matagal ko nang alam dahil narasanan ko nang makasama ito ng limang taon.

Habang nagkwekwentuhan kami, maya-maya ay bumaba si Aljur at sinalubong namin ito sa dining room.

"Lo, Pa, Ma, magpapahanda ako para sa breakfast niyo." Ani ni Aljur.

Umiling si Lolo Doon, "No, no, Karrie suggested that too but we were just waiting for you."

"We only passed by," Dagdag ni Tito Alfindo. "Your mom and I just worried, but it seems there's nothing to worry about."

Lolo Don agreed, "Well, enjoy your first day together."

Hindi na nagtagal pa ang mga ito at nagpaalam na. Nang kami na lamang ni Aljur ay sabay na kaming kumain ng breakfast. Nagulat ito sa nakita niyang inihanda ko. Ang paborito nitong pagkain. 

Ngumiti at nagpasalamat sa'kin, "Thank you for the wonderful food you cooked for me, Karrie." 

Ngumiti ako pabalik, "Walang anuman. Hindi ko inaakala na paborito mo palang pagkain ang adobong manok."

"Yes, especially adobong atay-balunbalunan." Tumayo si Aljur at pinagsalinan ako ng tubig. Nang bumalik ito sa kinauupuan, kumain kami ng sabay.

Pagkatapos kumain, bago pa ito tumayo, tinanong niya ako, "I have free time tomorrow, Should we have a date?"

Nagulat ako at napahinto sa pag-inom ng tubig. Bukas agad? "S-sure... I don't work on Sunday anyway."

"Great," Tumango si Aljur, "I have work today, but I can come home at 5 pm. Since ikaw nagluto ngayon, ako naman mamaya sa dinner. What do you like tonight?" 

Napakurap ako sa bilis ng pangyayari. Inisip ko nalang ano bang gusto ko kainin, may cravings ba ako?

"Ahm..." Ano ba paborito ko? Seafood? Eh, allergic siya doon eh... "Ahm, surprise me?"

"Alright~ I'll see what I can do." Tumayo ito at lumapit sa'kin.

Napaisip ako bigla at nagpaalam na rin, "Ahm, I want to go out today. To the favourite coffee shop I used to hang out when working."

Hindi naman ako pinagbawalan at pumayag ito, "Sure, you are free to go wherever you want. Basta magsabi ka sa'kin at dalhin mo 'yung isa sa mga maids or butler natin. Pati na rin driver. I want you to be safe."

Ngumiti ako ng malalim dahil alam kong totoo ang sinabi niya. I kissed him in the cheeks and he was stunned, "Thank you, see you tonight?"

"Yes," Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko, "See you tonight, Little Kitty."

Sinamahan ko na siya palabas ng bahay hanggang sa sumakay na ito sa sasakyan. Nang makitang malayo na ang sasakyan nito, bumalik na ako sa loob ng bahay at nagbihis ulit sa kwarto

"Well, I avoided the first scheme, personal naman!" 

 ~

KL •Unang Libro• RMT:SMH

Related chapters

  • Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!   KABANATA ANIM: Jobless Karrie

    KABANATA ANIM: Jobless KarrieKARRIE’S POVJune 14, 2020Kling~Nang buksan ko ang glass door ng coffee shop na pinuntahan ko, nag ring ang bell. Biglang may lumapit sa’kin na babae, “Welcome po, ma’am.”Ngumiti ako at gayun din ito. Pumunta na ako sa favourite spot ko which is at the end of the shop na sa pinakasulok na may glass window. Kapag umupo kasi ako doon, tinatakpan ako ng halaman na nasa labas at may harang din para ‘di mainitan.Hindi rin ako dinadaanan ng tao at nakakapg trabaho ako ng matiwasay.This is the coffee shop na pinupuntahan ko nung nag-aaral ako. Hindi kasi ako pwede umuwi at mag-aral, as if hahayaan ako mag-aral nina Tita Sharon at Shaina.Walang nakakaalam na dito ako tumatakbo kapag gusto ko nang tahimik kaya nga kilala na ako ng amo ng shop

    Last Updated : 2022-02-28
  • Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!   KABANATA PITO: Back At Home

    KABANATA PITO: Back At HomeYEAR 2020KARRIE’S POVKnock KnockLumabas ng kotse ang maid ko at walang tigil ang pagkatok o kaya naman ay pagpindot ng doorbell.Ding Dong!Sa labas kami ng bahay nina Papa kasama ng driver at katulong na inantasa sa’kin ni Aljur, ang katulong ko na ang lumabas para mag doorbell. Dito pa ako nakatira last few days ago pero sa mismong kasal ko, kinuha na agad ni Tita Sharon ang susi ko sa bahay. Patapos-tapos ibugaw ako direcho palayas agad? “Sigh,”

    Last Updated : 2022-03-02
  • Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!   KABANATA WALO: First Date

    KABANATA WALO: First DateYEAR 2020KARRIE’S POV“Teka ba’t ang dilim?” Kinakabahan ako at nag-aalala. Marami naming guards sa hacienda pero kahit saan ako tumingin walang katao-tao… Pagkatapos akong iwan ng driver kasama ang maid ko sa harap ng pinto, hindi ko maiwasan matakot… Ipapa-assassinate na ba ako?Kakabalik ko lang ah!Napakagat labi ako at humawak sa bag ko ng mahigpit para madali kong ibalibag ang bag sa kung sino mang gustong kakaladkad sa’kin this time! Lumakad na ako sa pinto at dahang-dahang binuksan ito.Sa takot, sumilip muna ako pero wala akong Makita kaya kinuha ko ang cellphone ko para sa flashlight… Walang tao…Hinahanap ko ang switch pero nang pindutin ko ito, sa gulat ko, imbes na sa itaas ang ilaw, napunta na sa baba!

    Last Updated : 2022-03-03
  • Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!   KABANATA SIYAM: Vault 7174

    YEAR 2020KARRIE’S POV“Madam, master ordered us to make sure you have good rest today. Should I call maids to help you? It seems you need more water?"Nagulat ako nang marinig ko ang boses ng butler at napalingon agad sa kanya... "Ka--kakainom ko lang ng tubig, thank you." Ngumiti na ako at bumalik sa kwarto, hindi ko na nilingon ang butler na hindi umalis sa pwesto nito.Pagpasok ko sa kwarto ay ni lock ko na agad ang pinto bago ako nakahinga ng mabuti, "Whew..."I'm not allowed there...Hindi ko alam kung bakit pero nung first life ko, dahil sa curiosity ko, may nakita akong hindi dapat sa basement.Kagaya rin ngayon, although different time, may narinig din ako sa basement... at sinundan iyon...Hindi ko inaasahan na makakakita ako ng nilala

    Last Updated : 2022-03-04
  • Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!   KABANATA SAMPU: Allowance

    KABANATA SAMPU: AllowanceSANDOVAL'S POV"Bring it to the office, I'll be there soon." Ibinaba ko na ang tawag ko sa secretary pagkatapos kong sabihan ito.Naghahalungkat ako ng gamit sa aking drawer para hanapin ang mga papeles na naiwanan ko at kailangan ko sa bahay.Nakakainis, nakarating na ako sa office nang maalala ko na may naiwan ako, napabalik tuloy ulit ako.Ipapakuha ko na lang sana sa iba kaso importante ang papeles dahil ito ang next plan project para sa kompanya. Kaya wala akong magawa kundi umuwi."Got it!" Isinara ko na ang drawer ng makuha ang kailangan ko. Paalis na ako ng kwarto ng bumukas ang pinto at bumungad ang asawa ko, "Sharon! You scared me!"Nakabusangot ito at biglang yumakap sa'kin, napahawak ako sa papeles na hawak ko ng mahigpit. "What's wrong?"

    Last Updated : 2022-03-07
  • Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!   KABANATA LABING-ISA: All Good Things

    KABANATA LABING ISA: All Good ThingsJune 15, 2020KARRIE'S POV" I can probably help you with it..." Ani ng isang babaeng naka uniporme sa Trix Coffee Shop.Kilala ko ang babaeng ito. Kahit sa first life ko.Nakayuko itong habang yakap-yakap ang tray at nahihiyang lumapit. Ngumiti ng todo si Neru at tumayo, "Ha! Thank you!""Thank you Ms. Pauleen," Kagaya ni Neru, ngumiti rin ako at nag sip sa baso ng tubig. "Neru needed all the help for this year."Biglang umaliwalas ang mukha ni Pauleen at kumuha ng papel at pen sa bulsa kung saan niya nilagay ang cellphone number niya at binigay kay Neru, "I-if r-ready ka na, pwede mo kong i-text d-diyan. I-I'll see in my s-schedule."Ngumiti ako ng palihim. As if. Lagi namang may time 'yan kay Neru.Sa first life ko, matagal nang may gusto kay Neru 'yan to the point ini-stalk niya

    Last Updated : 2022-03-08
  • Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!   KABANATA LABING-DALAWA: Karinderya

    KABANATA LABING DALAWA: KarinderyaKARRIE’S POVJune 15, 2020“All good things… now I believe.” Ngumisi si Jenika, ang may ari ng Trix Coffee Shop.Napatulala ako nang umalis ito. Hindi ko inaasahan na sasabihan niya ako na makipag-divorce sa asawa ko.Ang pagkakaalala ko, mabait man si Jenika, pero ni minsan hindi siya nagsasalita o nagsusuhuwestiyon ng mga negatibo kagaya ngayon.Katunayan, sa first life ko, nang malaman niya ikinasal ako sa taong hindi ko kilala, siya pa ang nagpalubag sa kalooban ko na mag-isip ng mga mabubuti kaysa gawing problema ang mga bagay na hindi pa nangyayari.Kagaya ng sinabihan niya ako na baka sa pagpapakasal kay Aljur ay maging masaya ako sa piling nito. Na baka ayon na ang mabuting karma na naghihintay sa’kin.Ngunit sa kasamaang palad, ang mga hopeful wi

    Last Updated : 2022-03-10
  • Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!   KABANATA LABING-TATLO: Deal Or No Deal

    KABANATA LABING TATLO: Deal Or No DealKARRIE’S POVJune 15, 2020I tilted my head, “What is it?”“Di ba po, sa corporation, minimum members is five?” Tanong ni Harris na siya rin naman ang sasagot, “I want my younger sister to have a part in that.”Napangiti ako at napakunot-noo, “Well, as I said, you can choose whoever you want. When your younger sister reached legal age, of course she can.”Tumingin si Harris sa tatay niya bago mag-salita, “Yes, pero… Gusto ko po sana na hawakan niyo po ‘yung mga stocks at have a contract about it.”I was confused. Hindi ko maintindihan ano ang gusto niyang ipahiwatig. Pero parang may hinala na ako.“Si mama, si papa, at ako ang magkakaroon ng stocks at… pansamantala po si Tita ko po per

    Last Updated : 2022-03-13

Latest chapter

  • Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!   KABANATA TATLUMPU’T WALO: Bisita o Bwesita

    KABANATA TATLUMPU’T WALO: Bisita o BwesitaJuly 09, 2020 ThursdaySHAINA’s POV“I’m fine dad, don’t you kilala me pa ba?” Napairap ako sa harap ng laptop ko habang ka- call si daddy at mommy online.After ko mag- abroad three days ago, my mother’s friend guided me to the school at sa dorm na tutulugan ko. I only brought small stuff kasi I know naman na I can buy the rest here.Nakapag- adjust naman and I met new people. Okay din ang mga pagkain dito, medyo hindi pa ako ganoon kasanay since they mostly have bread here and sanay ako sa rice. Pero tiniis ko na lang, ayaw ko magmukhang taga-bundok or magmukhang outsider much if hindi ako makibagay sa culture nila.Also, mas fashionable ang mga students here kaysa sa pinas. So I observed and saw their style and copied it. Mas bagay nga sa akin ang style nila kaysa sa kanila. Nakakabwesit lang kasi ‘yung three muskeeteer girls sa school, ang pinaka popular ay ayaw akong tanggapin! Kesyo raw I’m a copycat?Bwesit sila! Is it wrong to try new

  • Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!   KABANATA TATLUMPU’T PITO: Double o Triple Agent

    KABANATATATLUMPU’T PITO: Double o Triple AgentJuly 06, 2020MondayDANARA’s POV“Naipadala ko na po sa email ni ma’am.”“Okay. Thank you.”Habang nasa byahe kami pagkatapos namin mamili, biglang nag chat sa akin si Harris, isa sa negosyanteng ininvestan ni madam.Hindi ko maintindihan bakit sa akin nag- a- update ‘tong lalaking na ‘toh. Hindi naman ako si madam.Pero hinahayaan ko na lang cute naman.Nope! Umiling ako. Kailangang ko ng pera hindi ng t*te.Huminga ako ng malalim at binalik ang cellphone ko sa bulsa ko.Maya maya pa ay nakarating na rin kami sa labas ng building na pag mamay- ari ng amo ko habang si madam, ang asawa ng amo ko ay inaalalayan ng mga tauhan palabas ng sasakyan.Ang s

  • Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!   KABANATA TATLUMPU’T ANIM: A Scary Coincidence

    KABANATATATLUMPU’T ANIM: A Scary CoincidenceJuly 06, 2020MondayKarrie’s POVHabang namimili ako at nag- isip isip kung mag barney costume ba ako or mag barbie mask sa meet and greet, may biglang sumagi sa ‘kin na babaeng naka huge eyeglasses. “Omg! I’m sorry!”Ngumiti ako at umiling, “It’s okay, I’m fine. Are you oka----?” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang babaeng nakasalamin….Liliana Roxy….Ang demonyitang sumira ng buhay ko.Sobrang nagulat ako at hindi maka imik agad.Masyado pang maaga para makita ko tong babaeng toh!Napakurap ako sandali at inisip kung anong nangyari.Nag- sha- sho

  • Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!   HIATUS BREAK

    Nyahoo~ Thank you so much for waiting for this book to update. I apologized for the long hiatus break. All announcements can be read in my fab page, you can search norinrinterinkirche and you will see KircheLeaf page. All my stories and their announcements can be found in that page. After this note, probably third week of december I will start writing chapters again in two novels [Rapunzel And Her 18 Bloody Gifts] and [Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!]. Both of them will be one chapter week update again. I apologized. Due to studies and life changes, I could not finish these two books this year. I really hope I could. But I could not and I do not want to drop them hence I will continue them but only one to twice a week updates only. Thank you for understanding. Love lots~

  • Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!   KABANATA TATLUMPU’T LIMA: Isang Linggong Makalipas

    KABANATA TATLUMPU’T LIMA: Isang Linggong MakalipasJuly 06, 2020 MondayKarrie’s POV“Oh, my baby! Bakit ba naman kasi pinili mo pang mag aral sa abroad.” Walang tigil na hinihimas himas ni papa ang ulo ni Shaina at parang ayaw nang pakawalan. “Maganda rin naman sa dati mong pinag aralan di ba? Sabi mo dati gustong- gusto mo doon.” Maluhang sambit ni papa.“Pero pa, napag usapan niyo na ‘toh ni mommy.” Asiwang nguumuso si Shaina, “I will have great future kapag sa states ako mag- aral.”Gusto kong tumawa sa mga dahilan niya pero pinigilan ko na lang dahil huling araw na rin naman ni Shaina ngayon sa pinas. Pagbigyan ko na tutal hindi na rin naman ako pinaki- alaman ng nanay nito ngayon.Nasa airport kami ngayon at hinahatid si Shaina para umalis na ito papuntang states.Normally, hindi naman talaga ako dapat nandito at hindi ko rin naman malalaman na ngayon ang alis niya kung hindi pa ako tinawagan ni papa para samahan ihatid ang kapatid ko daw.Ang sarap nila hambalusin, ngayon pa ni

  • Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!   HIATUS COMEBACK NOTICE

    AUTHOR’S NOTE: Nyahoo~! I apologized for the long break. It took time to finish writing outlines. I did finish one story whole outline and still currently working for two stories outlines. But I have enough to continue these three ongoing stories including this novel. For any updates or announcement, I always states in my f* page, so if you have any questions or want to be updated, feel free to check it out and hopefully you could give me a thumbs up there. Well, the current chapter update for this novel as of now is 1 chapter(s) per week. It will be change depending on the situation, stay updated! Love lots everyone and stay safe! For students out there, wish you all safe for these upcoming face-to-face!

  • Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!   KABANATA TATLUMPU’T APAT: Yes or No

    KABANATATATLUMPU’T APAT: Yes or NoJune 29, 2020Monday“Tsk,” One of the maids in the garden clicked her tongue, “Akala ko pa man din may magandang drama sa loob.” Bitbit ang walis, nag cross arms ito, “Hmph!”“Oo nga, nakakainis! Sayang ganda ko para lang sumilip sa bintana kanina!” Sumang- ayon naman ang isa na may hawak na pitcher, “Muntikan pa ako mahuli ng head maid kanina! Apaka epal kasi!”Napa facepalm naman ang isang hardinerong napadaan, “Eh kung ibalik mo na kaya ‘yang pitcher na yan sa kusina? Baka kayo pa mahuli diyan sa pagiging marites niyo noh?”Umirap ang dalawang katulong at lumaban, “Nagsalita ang nakipag bet kanina kung mapapahiya ba si madam o hindi!” Umirap ang babaeng may bitbit na walis, “Oh diba naubusan ka lang ng pera? Sugal pa!”

  • Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!   KABANATA TATLUMPU’T TATLO: One or Five?

    KABANATATATLUMPU’T TATLO: One or Five?June 29, 2020MondayKarrie’s POV“Upo ka muna.” Umupo ako sa couch na hindi ito inantay at nag cross legs ako, “Which one do you prefer? Juice, coffee or tea?”Umupo nang maayos sa tabi ko si Ms Herrera at dahan- dahang iginilid ang dalawang paa nito, “Juice will do. And I prefer mango if you have.”I nodded at lumingon sa isang maid na nasa gilid namin. “Two mango juices and some delicacies.”Tumango ang katulong at umalis.Humarap ako kay Ms Herrera at idinantay ang braso ko sa gilid, “What’s up~?” Tinanong ko ito na para bang mag tropa lang kami na may halong nagpapanggap na slang~Ngumiti sa akin si Ms Herrera pero nakita ko pa rin ang pasulyap nito sa akin mula ulo hanggang paa, “Well, our agen

  • Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!   KABANATA TATLUMPU’T DALAWA: Meet the Tutor

    KABANATATATLUMPU’T DALAWA:Meet the TutorJune 29, 2020MondayKarrie’s POVArgh… Nasisiraan na ata ng bait si Aljur… Mapapa- facepalm na lang talaga ako sa kanya.Alam naman niyang hindi kami magtatagal. Tingin niya ba talaga na gugustuhin kong mag- stay sa puder ng mga ahas, plastic at mga bakulaw? Ilang taon akong nag tiis, tanga lang ang hindi pa magising sa katotohanan.At sabi- sabi niya na gagawa siya ng paraan para mahulog ako sa kanya at magbago isip ko, eh lagi nga siyang wala at hindi tinutupad ang pangako niya sa ‘kin madalas. Ano ‘yon? Maiin- love ako at every sight sa kanya? Asa siya!Tapos ngayon gusto niya maging public kami? Akala niya siguro ipinanganak ako sa balde at nabagok ang ulo ko at naging mangmang.Once maging public ako at makikilala bilang asawa niya, pressure sa pamilya ko at sa akin

DMCA.com Protection Status