CHAPTER 3
"Ay ang chaka naman ng ex mo! Bakit mo ba tinititigan ang picture nyan? Eh mas gwapings pa 'ko dyan pag naging fafabelz ako!" nandidiring ani ni Bently at lumapit sa gawi ko.
Natatawa akong hinampas sya sa balikat at ibinaling ang mata sa litrato.
"Gaga, ide-delete ko! Gagawa ako ng mga new memories duhh!"
"Memories ng magiging jowa mong bago?"
Umiling ako at nag patuloy sa pagse-select ng mga picture namin. May mga selfie pa sya roon at ilang stolen pictures dahil sa akin.
"Ayaw ko na baks, tatanda nalang akong dalaga," natatawang usal ko.
"Pakiramdam ko kasi, hindi talaga sa akin ang mga love life-love life na 'yan. Sinubukan ko naman lagi na mag hanap ng matitino pero ang ending, waley. Parang ako pa lagi ang talo. Parang ako lagi ang dapat mag-adjust."
'Sinubukan ko naman 'di ba?'
'Nagmahal naman ako.'
Aaminin ko na lahat ng naging ex ko, sineryoso ko lahat. Kaso tingin lang pala sa 'kin ay malaking biro.
Sadyang hindi na talaga ako aasa sa mga ganyang keme-keme.
"Suss! Kaya ba? Eh baka nga bukas-makalawa ay may na pikot ka nang asukal de papa ka na riyan?"
"Ano ka ba! Kadiri ka! Gumagaya kana sa pagiging madaldal ni Rin!" nandidiring saad ko at inirolyo ang mata.
"Duhh, I'm a sisteret so okay lang maging loud!"
Humagalpak ako ng tawa at nag asaran pa kami bago tuluyang matapos sa pagde-delete ng picture.
*
"Baks labas lang ako! Pahiram kay Poochi ha?! Nasa akin na ang susi!" sigaw ko at inayos ang pagkakabuhol ng sinturon sa high waisted jeans na suot ko. Si Poochi yung pangalan ng kotse nya.
"Hoy! Ang galing mo naman! Saan ka pupunta aber?!"
Sinuri nya ang suot ko at tinaasan ako ng kilay.
"Bibili ako ng makakain! Nakaka-bored sa bahay mo! Wala na ngang free foods tapos baka hindi mo pa ipahiram si Poochi! Ayaw ko na sa luto mo," pang-aasar ko.
"Bibili ng makakain tapos ang suot parang a-attend ng bar? Huwag ako Anna Marie! Sasakalin kita!" sigaw pa nya.
Ngumuso ako at nagpapadyak.
"Bibili nga lang Bently Theodore! Gutom na talaga ako! Ang panget kasi ng lasa ng luto mo!"
"Aba'y nakikitira ka na nga lang! Basta may pasalubong ha?! Pizza tapos melktey!" bilin nya sa 'kin at hinintay ako makaalis.
Tumango na lang ako at lumabas na sa pinto. I inserted the key and started the engine as I drove in my favorite market.
*
I stopped when I finally reached my destination.
Totoo talaga na bibili ako ng pagkain pero charrot lang na pangit ang lasa ng luto ni Berta. Magaling ito mag luto at t'yak mafa-fall ang mga babae kung nagpakalalaki lang sana ito, kaso waley. Matigas ang muscle pero pusong mamon!
Iwinahi ko ang buhok bago hawakan ang seradura ng pinto at buksan iyon.
"Ouch!"
"Aray!"
Napatigil ako sa paglalakad nang makabunggo ng isang malaking bulto. Tumama pa ang bandang noo nya sa sliding door kaya napasapo ito sa parteng iyon.
"S-sorry! Sorry. Lutang pa kasi ako sorry talaga!" paghingi ko ng paumanhin bago iangat ang paningin sa nabangga kong lalaki.
Jusko! Kung minamalas ka nga naman!
Napanganga ako nang magtama ang mata namin. Awang ang mapupulang labi ay ipinikit-pikit nya ang mata bago titigan ulit ako.
Then I saw a gorgeous man wearing a blue long sleeves and standing there cutely.
'Fotek! Ang gwapo! Kaninong boyfriend 'to? Itabi nyo, ako na!'
Tumitili na ang buong sistema ko nang mag tama ang mata namin.
Ngunit nang ma-realize ko kung sino ang kaharap ko, gusto kong mag laho nang mamukhaan ang lalaking iyon. Napatakip pa ako sa bibig habang nakanganga ang labi, hindi makapaniwala.
"U-uhh it's okay. I'm f-fine thanks," he muttered nervously as he looked down at his spilled coffee. Napakurap-kurap ulit ako ng makita na natapunan sya ng kape sa braso. Namumula pa ito at halatang na puruhan dahil sa sobrang init.
"Owemji! S-sorry! Sorry! Gagamutin kita okay? Diyan ka lang ha? S-saglit lang ako promise!" ninenerbyos na ani ko.
Dali-dali akong nag hanap ng bulak at mga pwedeng panggamot sa paso. Mabilis kong nilibot ang tindahan bago magbayad sa cashier at tumungo sa bench na nasa labas lang noon.
"Pasensya kana talaga. Hindi ko sinasadya... s-sorry," ilang beses kong paghingi ng tawad sa kanya.
Lalo akong binalot ng guiltiness ng tipid sya sa aking ngumiti. Pakiramdan ko ay galit sya sa akin pero pinipigilan nya lang dahil ayaw nya ako awayin.
"I told you lady, I'm fine now. No need to waste your time healing me," he said in a low voice.
Napatanga ako sa at ibinaba ang tingin sa aking kamay. Nakaupo kasi kaming dalawa sa bangko na naroon at pinilit ko syang magpagamot sa akin.
"Huwag ka na magalit. Alam ko namang masakit 'yan kaya hayaan mo akong gamutin okay?" litanya ko. Tumango lang ito at inilahad ang braso sa akin.
Marahan kong idinampi ang bulak na may gamot at minasdan ang reaksyon nya. He didn't even flinch or show any reaction that I'm hurting him. Alam ko na masakit talaga iyon pero nakatitig lang sa akin ang inosente nyang mga mata.
Ilang minuto na walang namutawing salita sa pagitan namin kaya nagulat ako nang iangat ko ang tingin ay nakatitig na sya sa akin.
"You're that lady," he almost whispered.
Gulat akong napalunok.
'Nakikilala nya ba ako? Baka naman iba ang tinutukoy nya.'
Agad na namula ang pisngi ko. Akala ko ay hindi nya ako nakikilala pero mukhang mali ako ng naiisip.
"A-ako? Ano ako?" maang kong tanong at bahagyang lumayo nang matapos gamutin ang sugat nya.
He grinned at me cutely while his dark gray eyes roamed around my face.
"You're the lady who said that s-x is awesome," he continued. Para akong binuhusan ng yelo dahilan para mangatog ang tuhod ko sa sobrang hiya.
So naalala nya nga! Akala ko ay pareho kaming lasing pero natatandaan ko ang itsura nya! Bahagya akong nagpeke nang ngiti at sinalubong ang titig nya.
"S-sinabi ko 'yun sa 'yo?"
Tumawa lang sya nang mahina at parang nage-enjoy sa reaksyon ko. Ngumuso ako at iniwas ang tingin.
"Yah. You said that it's masarap but it's not. You slept and left me having a bellyache lady." May pang-aakusa sa tono nya at parang bata na hindi natupad bilhan ng candy.
Mahina akong napamura.
'A-ano?! Sinabi ko na masarap ang bagay na iyon?'
Napasapo ko ang noo sa sobrang kagagahan. Kung hayok sa s-x ang isang ito, malamang ay nakailang mura na ito sa 'kin.
Tinitigan ko ang gwapong lalaki na may kaunting ngiti sa labi. Lumalabas din ang biloy nito sa parehong pisngi kaya naman mas lalo syang gumwapo tingnan!
"B-bakit? B-bakit—a-ano... Bakit ko g-ginawa 'yun?" I stammered while looking at him. Ibinaling nya ang ulo sa ibang direksyon at ibinalik ulit sa 'kin ang tingin.
'Ang gwapo nya. Parang gusto ko nalang mahimatay pag tumitingin sya sa 'kin'
"You're sad last night." Natigil ako sa mga iniisip ng mag-salita ulit sya.
"You even cried at me and asked me if you are beautiful," he continued.
Hindi ako nakaimik. Nahihiya ako dahil nakita nya pa akong ganoon pag lasing. Siguro ay ang walang hiya kong ex ang naiisip ko nung gabi 'yun.
"Bakit ka naglasing?" he asked curiously. Itinabi ko ang panglinis ng sugat sa aking bag at ngumiti.
Kaswal akong nag-isip ng sagot.
"Broken ako eh," simpleng ani ko.
Tumaas ang isang kilay nya at nag taka sa sinasabi ko.
"Pag broken ba kailangan mag-inom?" he asked curiously.
Tumango ako bilang sagot kaya napatango-tango rin sya.
Nagulat ako ng hawakan nya ako sa pisngi at masuring tinitigan bago iharap sa kanya. Nahigit ko ang hininga at kumalat sa aking mukha ang init sa aking pisngi. Pinakiramdaman ko ang tibok ng aking puso at sinalubong ang kanyang tingin.
"Maganda ka."
Napanganga ako habang ang kamay nito ay nasa mukha ko pa rin. Paniguradong nakakahiya ang reaksyon ko dahil mag kaharap kami ngayon. Suminghap ang ako at ilang beses na napakurap.
Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito? Bakit ganoon na lamang ang epekto niya sa akin?
"B-bakit m-mo ko hinahawakan?" hindi ko naiwasang mag tanong ng makaramdam ng awkwardness sa pagitan naming dalawa.
Lumakas lalo ang kabog ng puso ko nang lumapit ang binata sa 'kin. I can clearly smell his minty breath dahil ilang dangkal na lang ang layo nito.
"Am I not allowed to touch my girlfriend?"
*
NAWINDANG. Nawindang ang buong pagkatao at lamang lupa ko nang sabihin ng gwapong lalaki ang mga katagang iyon! Sino ba naman kasing tanga ang maniniwala? Naglasing lang ako tapos nagkajowa na agad? Paniguradong may lilipad na sapatos sa bahay ni Berta dahil confirmed ang theory nito!
Kanina pa ako nakatingin sa boyfriend kuno ko na nakatingin din sa akin.
'Gandang-ganda lang?'
Hindi ko pa rin matandaan ang buong nangyari sa amin kagabi o kung may nangyari man, na sa palagay ko ay wala naman.
Parang boomerang ang boses na iyon ng sintu-sintong nasa harap ko. Bakit pumayag ito sa kalokohan ko kagabi?! Juskolord! Parang tutubuan ako ng uban ng maaga!
"Gi-girlfriend mo..." Itinuro ko siya gamit ang kanang daliri at itinuro naman iyon sa akin. "...ako?"
Tumango sya at ngumuso.
"Bakit parang hindi ako makapaniwala?" singga ko at napahilamos ng mukha. He just shrugged his shoulder and took his eyes away from me.
"Basta girlfriend kita," pinal na usal niya bago tumayo at ilahad sa akin ang kamay.
"Gusto mo ng ice cream?"
Wala sa sariling napatango ako bago hilahin nya ang kamay ko patungo sa kung saan.
*
"TEKA! A-ano ngang pangalan mo?" mahinang usal ko bago kami mag layo ng daan.
Nilibre nya muna ako ng ice cream kanina at nagkwentuhan ng ilang minuto bago samahan ako mamili ng grocery at pagkain para kay Bently.
Masaya syang kasama. Nakakatuwa ang pagiging palatanong nya sa mga bagay na hindi pa nya alam. Wirdo. Parang mas bata pa sa edad ang ugali nya ngunit ang dating nya ay parang kaya ka itapon nalang sa kama. Napangiti tuloy ako. Kaya naman pala nagka-boyfriend ako ng ganito kagabi! Ang dating ay ako ang mapusok sa aming dalawa.
Ngumuso ako sa naiisip. Dapat lang talaga na hindi na ako maglasing. Kung anu-ano ang ginagawa ko sa tuwing may alkohol ang utak.
Napatingin ako sa gawi nya na marahang humarap sa direksyon ko. Nilipad ng hangin ang ilang hibla ng buhok nya at ngumiti sa akin.
"Angel."
Napalunok ako. Kung pagmamasdan sya ay para nga syang anghel. Sinuklian ko ang ngiti nya bago kumaway.
"Mag-iingat ka… Angel."
*
"MAMA NAMAN! Nag-usap na tayo tungkol dito 'di ba? Hindi po ako papayag!"
Inis kong binaba ang linya ng telepono.
Nakakabastos 'yun, alam ko, pero nakakabastos din ang desisyon nila Mama. Bakit ganoon? Nasa lahi ba nilang mag kakapatid ang ganoong ugali? Una, Si Tito Rick, pinsan ni mama, lagi nalang nya kinokontrol ang buhay ni Rin. Para na ngang robot ang isang 'yun at nakakalaya lang pag nandito na sa Manila. Second, si Mama! Gustong-gusto nya i-revive ang hotel na ipinamana ni Lola sa kanya.
Maganda namang idea iyon kung tutuusin, pero sana naman, magdesisyon sila na i-revive 'yun sa sarili nilang pera kesa makipagkasundo sa hindi naman siguradong tao!
Kaya ko naman silang tulungan! I mean, may trabaho na ako! Kaunting sipag at tyaga lang ay matutulungan ko sila sa gastusin kung hihingi sila nang tulong pinansyal! Hindi ganitong tulong na kapalit ang kalayaan ko!
Nag-ring ulit ang cellphone kaya inis nya iyong pinindot at ini-loud speaker.
"Anak naman... Alam mo na gustong-gusto ko maipaayos ang hotel na iyon 'di ba? Iyon nalang din ang natirang alaala ni Mama sa akin. Please naman anak pumayag ka na." My mother's voice irritated me. Mabait naman si mama pag hindi inaabot ng ganito.
"Mama, kasalanan niyo kung bakit nalugi ang hotel ni Lola. Wala na akong konsiderasyon sa ganyang bagay kung ako naman ang siguradong mahihirapan," nakasimangot na sabi ko.
"Anak, mabait si Mr. Trinus. Naipagkasundo na namin kayo kapalit ang tulong niya maipaayos ang lugar na iyo—"
"ANO?!" Halos ibagsak ko ang pinggan na hawak ko ngayon sa sobrang pagkulo ng dugo.
"Naipagkasundo nyo na ako without asking kung papayag ako?! Mama naman! I'm old enough to handle myself! Bakit kailangan niyo ko pangunahan?!" sigaw ko. Gulat na inilapag ni Bently ang pagkain sa harap ko at nag-aalalang tumingin sa akin.
Suminghap ako para pigilan ang pagsabog sa sobrang inis. Naiiyak ako sa sobrang frustasyon!
"A-anak...para naman sa ikakabuti mo 'yun—"
"Para sa ikakabuti na ikasal sa hindi ko kilala?! Para sa ikakasaya nyo at ikakaayos ng hotel Mama! Hindi para sa akin! Kasi kung para sa akin talaga 'yan iisipin nyo muna ang nararamdaman ko bago kayo isang kurap na nagdesisyon," galit na sabi ko.
Natahimik ang kabilang linya. I didn't mean to shout at my mother pero sobra na kasi. Ngayon alam ko na ang nararamdaman ng pinsan ko. Tumulo ang luha sa mga mata ko at sinuklay ng daliri ang buhok.
"Umuwi ka na rito sa Central bukas-makalawa. Iyon ang araw na dadalaw si Mr. Trinus," malamig na ani nito bago ibaba ang linya.
Patakbo kong niyakap si Berta at umiyak nang umiyak.
"Mamsh shush na! Malay mo daks pala ang mapapangasawa mo," pang-aalo nya at hinagod ang likod ko.
Gusto ko mag lupasay sa sobrang inis.
"Bertaaaa! I-itakas mo nalang ako! Willing ako mag pakasal sa 'yo Bently Theodore! Iligtas mo ako dali na!" Halos masingahan ko na sya ng sipon dahil sa pag-iyak.
Nabalot ng pagkadisgusto ang mukha nito at itinulak ang mukha ko papalayo.
"Mahagas ka nga bakla! Nasisipunan mo na ang outfit ko! I-su-support nalang kita sa kasal mo! Sasama ako sa 'yo sa Sabado, malay mo pogi pala ang future fafabelz mo!" tili nya.
Napanguso ako bago umiyak ulit.
"Paano pag 4-M, Berta? Matandang Mayamang Madaling Ma-tsugi? Paano na ang kinabukasan ko?"
Tumawa lang ang bakla at tinalikuran ako.
"Mamatay ka pagkatapos ng honeymoon pag 4-M mamsh! Ang cause of death; Eating an expired hotdog!"
Naiinis ko syang binatikal ng tissue habang sya ay mamatay na kakatawa. Napasubsob ako sa lamesa at naiiyak na inilapag ang cellphone ko.
Kahit kailan napakalaswang bunganga nya. Kung brutal ang bunganga ni Rin sa kanya naman ay puro kabastusan!
Sandali akong napatigil sa pag-e-emote ng may mag-doorbell. Agad naman iyong tinungo at binuksan ni Berta.
"Ate! Tumawag si Papa. Umuwi na daw muna tayo sa Central! Anong meron?" kunot noong tanong nya.
Ngumuso si Shane na nasa likuran at inilapag ang dalang sling bag sa couch.
"Daddy also wants me to come with you two, you know? It's not that I don't want to visit but I hate the idea of being there just for business and not for them." Umirap ito sa hangin at humalukipkip.
I sighed.
Alam ko na may kanya-kanya kaming dahilan kaya ayaw namin bumalik doon at hindi ko sila masisisi.
"So anong plano natin? Mag le-leave muna ako kay boss, panigurado naman na papayag sya dahil kung hindi ay sasapakin ko sya," nakangising ani ni Rin.
Pinitik ito ni Shane sa pisngi.
"Napakabrutal mo talaga eh no? Simula nang mag trabaho ka ay lagi mo nalang kaaway ang boss mo," sikmat nito at iwinagayway ang sumbrero na suot ni Rin kanina.
"Sus! Alam nyo ba ang quote na 'The more you heyt da more yu luv?" singit ni bakla. Tinadyakan naman siya ni Rin kaya napalayo ito ng tatlong hakbang.
"Sus! Guilty ang ate nyo oh! In denial stage amfokfok!"
Napatawa ako sa pag-aasaran ng tatlo at ibinalik ang tingin sa telepono.
Bumuntong hininga ang dalawa nang mapansin ang pagbabago ko ng mood.
"Tungkol na naman ba 'to doon sa hotel ni Lola?" mahinahong tanong ni Shane at tinitigan ako.
"Jusko bakla! Tumpak! Tumawag ang mudrabelz nya ng early tapos 'yun nga! Ipapa-marry sya sa hindi nya knows na fafabelz. Nag-a-alala ang loka baka daw expired na ang hakdog," tsismis ni Bently at may pag kumpas pa ng kamay.
Sinamaan ko ito ng tingin kaya napatakip naman ito sa bibig.
"Alam na alam Berta? Shota ka? Shota ka?" nagbibirong singhal ni Rin. Inungusan ito ng bakla at namewang.
"Kung alam mo lang bruha ka! Nag-propose 'yan sa 'kin kanina! Para namang ako ang pinakagwapo sa balat ng lupa! Bumaba tuloy ang look ko sa pagkatao ko!"
Tumawa ang dalawa kaya natawa na rin ako.
"So... 6 am sa Biyernes? Gamitin nalang natin si Poochi," ani ko at tinaas-taas ang kilay.
Ngumuso si Bently Theodore at nagpapadyak.
"Kasama yan? Baka ubusin lang nya ang saging na tanim namin eh."
Hinampas ng binata ang balikat ni Rin at matalim itong tinitigan.
"Ano ang tingin mo sa'kin? Unggoy? Dyosa ako mamsh at ang hanap ko ay daks na saging!"
Napaubo si Shenna at naibuga ang tubig na iniinom.
"Gross! Fvck you, Bently!"
Kumendeng ang binata na ikinatawa ko.
"Hindi ako napatol sa flat mamsh! At kahit maging boylet ako mas pipiliin kong magbigti kaysa pagnasaan ka!"
Tinakpan ko ang tainga ni Rin at sinipa ang malantod na bakla.
"Bwiset ka Theodore!" inis na ani ni Shenna at hinabol nang sabunot ang kasama.
Humagalpak ako ng tawa sa kaharutan ng mga ito. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kakulitan nila. Ngunit hindi ko naiwasang mangamba dahil sa sinabi ni mama.
Ikakasal na ako. Ikakasal sa taong hindi ko kilala at hindi ko gusto.
CHAPTER 4"SABI KO i-prepare mo lang ang mga kailangan nating damit! Hindi ko sinabing magdala ka ng mga swimsuit ko Shenna."Nagmamaktol na pinulot ni Rin ang mga damit na napili ni Shane para sa pagluwas namin sa Central.Biyernes na ng umaga kaya naman todo prepare na kami. Nakabihis na rin ang mga ito at nagbubuhat nalang ng mga gamit patungo sa kotse ni Bently. Ituring nalang daw naming big break ang bakasyon sa kanya-kanyang trabaho para makahinga sa polusyon ng Manila.Ngumuso si Shenna at inirapan ang babaeng kanina pa nagrereklamo."Cut it out Rin. Kung ayaw mo mag-wear ng ganyan pipilitin nalang kita pagdating dun okay? Aren't you exited? We are going to Central and the resort near by in our area is very awesome!" Shane eyes twinkled because of excitement.Napailing-iling ako at kinuha ang foundation sa lapag bago mag-apply no'n
CHAPTER 5HINDI KO inalis ang tingin sa aking plato. Nararamdaman ko rin ang titig sa akin ng aking pamilya kaya na conscious agad ako sa paraan ko ng pagkain.Napansin kaya nilang pumayat ako masyado?O hindi kaya ay ayaw nila sa paraan ko ng pagkain?Kaunti lang kasi ang inilagay ko sa aking pinggan dahil busog pa ako sa mga kinain ko kanina sa byahe. Balde-baldeng tulog ang kailangan ko dahil alam ko naman ang mangyayari kinabukasan.Inangat ko ang tingin ko kay Papa ng tumikhim sya, muntikan ko na tuloy maibuga ang kinakain ko kasi halos lahat ng bisita, kung hindi sa akin nakatingin ay sa mga kaibigan ko na bahagyang nakayuko at tipid na kumakain.Well uhmm...Almost.Si Rin kasi at si Bently ay kuha ng kuha ng litson at kanin. Busy rin sila sa kani-kanilang pagnguya habang si Sh
CHAPTER 6LITERAL NA napanganga ang mga kaibigan ko sa ginawa ni Angel. Maging ang mga magulang ko ay awang ang mga labi habang walang namutawing salita sa aking bibig.Tangina?! Anong ginagawa ni Angel dito?!Naghuhuromentado ang kabog ng dibdib ko. Kanina pa ito parang tambol na nagwawala sa aking katawan.'Shet! Ibang level ang gulat ko!'Napatingin ako sa mata ni Angel na parang bata at tuwang-tuwa na makita ako. Niyakap nya ulit ako nang mahigpit kaya halos hindi na ako makahinga."A-angel! A-angel hindi ako m-makahinga," nanghihinang wika ko. I gripped his ripped arms tightly, begging him to let me go dahil nasasakal na ako. Sa tigas ng braso nya ay parang babalian nya ako ng buto dahil ayaw nya talaga ako pakawalan ng yakap."I missed you girlfriend," he muttered slowly, his voice was deep and dangerously sexy. Napalu
CHAPTER 7"KALOKA! KASING fresh ko ang water!"Napanood ko kung paano taasan nila Shenna at iba pang kaibigan ng gitnang daliri ang bakla na parang nasa Titanic, nakadipa ang kamay at feeling may yumayakap sa likod."Ulul!""Tangina ihuhulog ko 'yan dyan.""So gross, Theodore!"Napangiwi ako. Mga wala talagang support sa isa't isa ang mga ito. Mas gusto pa atang magbangayan all night hanggang sa matuyuan ng laway kaysa mag open forum at maging sweet.Speaking of maging sweet, nasa tabi ko ngayon si Angel habang nakalublob sa tubig ang mga paa nito. Ginagaya nya raw ako sa pagre-relax dahil maliban sa malamig ang tubig ay malalim din iyon. Hindi ako marunong lumangoy."Bakit? Ganoon ba ako kaganda para kainggitan ang beauty?!" eksahaderang ani ni Bently at madramang hinawakan ang sariling dibdib. Isa-isa namang umikot ang mga mata ng mga kaibigan ko."Kadiri ka Bently! Bakit ba isinama pa kita dito?" nang-uuyam na a
Chaoter 8PADABOG kong isinarado ang pinto ng cottage. Kung hindi nga lang ako nahihiya sa may-ari ay sinira ko na ito at hinampas kay Angel na nakasunod sa akin ngayon."Kaninong T-shirt 'yan? Akin nalang!" Rin looked at me in an awe before Charles pulled her closer to him.Inungusan nito ang binata bago sapakin sa braso."Problema mo boss?" Inis itong lumayo kaya ipinagkibit balikat ko nalang ang pagtatalo ng dalawa.I mentally rolled my eyes as I felt Angel's arms wrapped around my waist. Nilingon ko s'ya at sinamaan ng tingin."Alisin mo ang kamay mo sa bewang ko Angel," I hissed in annoyance. Angel's lips pouted."You are my girlfriend Anna. I'm supposed to protect you. Don't be mad na nga," mahinahong aniya pa.Tinanggal ko ang pagkakapulot ng braso nito sa aking katawan at mabilis na l
Chapter 9'Naka-ilang pikit ako bago ikurap-kurap ang mga mata.Naulan.Napabuntong hininga ako. Hapon na pero wala pa rin ang sundo ko. Normally kasi pag-umuulan nang malakas, susunduin ako ni Papa at dadalhan ng malaking payong... pero wala sya ngayon dahil may aasikasuhin daw siya sa trabaho.Iginala ko ang paningin sa lumang waiting shed. Butas na ang bubong noon kaya napasok ang ilang tubig sa loob.Napasigaw ako ng may dumaang truck at nawisikan ako ng tubig."Ano ba yan! Ang pangit ka bonding ni manong!" I uttered rolling my eyes. My uniform is now wet and brown liquid is gushing down my feet, ang iba no'n ay nasa mukha ko pa."Bakit kasi wala akong kasama pauwi? Kung sana ay nandito si Shenna at Rin, may masisilungan ako at may kasabay pa maglakad," nakangusong ani ko at umupo nalang sa sirang upuan doon.Laking gulat ko ng may isang batang lalaki ang sumuplot sa kung saan. Magulo ang b
Chapter 10"SO, IT'S SETTLED. Mr. Trinus and you, soon to be Mrs. Trinus will be married next week, Sunday. I will work on the papers regarding on it." Attorney de Guzman fixed his eyeglass then looked at me afterwards. Napakurap ako bago pigilang samaan sya ng tingin."Are you sure about this Am?" Biglang nagbago ang tono nya mula sa pagiging pormal. Gusto ko masuka dahil parang awang-awa sya sa sitwasyon ko.Bumaling sya sa akin at iniayos ang suot na salamin habang ngiting-ngiti akong sinulyapan. I mentally rolled my eyes as I saw him smirking.I simple nod my head and look at him boredly."That's fine with me, thank you very much." Ngiti ang iginanti ko habang si Angel naman ay nakakapit sa akin at hinapit ako palapit sa kanya."Exited huh? I wonder if you're telling the truth," he spoke gullibly but there is a hint of sa
Chapter 11"This gown screams elegance ate. Saan kang planeta galing?" Shane's eyes sparkled with amusement while she looked at my gown's details.Mababakas ang paghanga sa mga mata ng kaibigan ko habang sinusuri nila ang wedding gown na nakalagay sa isang manequin na naka-ready para susuutin ko nalang mamaya."Gago ang ganda! Ate Ems, gawa'n mo rin ako nyan pag-ikakasal ako ha? Yung maganda 'rin tapos kulay black at pink!"Nagulat si Rin ng pitikin ni Bently ang noo nito at sinamaan ng tingin.Napabungisngis tuloy ako."Dzai, jusko ka. Dati kabang illuminate? Baka hindi kayo ikasal ni pader at bendisyunan ka nalang sa simbahan!"Ngumuso lang si Rin at tinitigan ako sa repleksyon ng salamin."Ate hindi naman masama kung gagayahin ko si Ivy Aguas ng Wild Flower 'di ba? At least sa 'kin may light color. Kill joy talaga 'yang bading na 'yan e
Epilogue"PSST BATA!"Naiangat ko ang paningin sa batang babae na inaabot sa akin ang isang puting damit. Nangunot ang noo ko ng hindi mawala ang ngiti na nakaukit sa manipis at mapula nyang labi. Palihim akong napalunok ng mapagmasdan ang matambok nyang pisngi.Ang ganda nya.Gusto kong ibulalas ang mga katagang 'yon ngunit napipi ako."Hindi ka ba nakakapagsalita?" Nakangiti pa rin sya simula ng makita nya akong sumilong sa waiting shed na sira. Kanina ko pa sya pinagmamasdan doon buhat ng mabasa sya dahil sa pag talsik ng maruming tubig sa uniporme nya. Nang mapansin nyang may sugat ako sa braso at ilang parte ng katawan, nagulat ako ng bumadha ang pag-aalala sa mga mata nya."Bata! Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka may mga sugat?" Halos hindi na nga nya alam ang gagawin. Tulirong binasa nya gamit ang tubig ng ulan ang puting panyo na k
Chapter 50Many years later...Years passed in a blur. Maraming nagbago simula noong mawala si Rin ngunit ang sakit na iniwan nya sa amin ay nakaukit pa rin sa puso at isip ko. After her death, napag-alaman naming ginugol ng El Fuego ang mga oras na iyon para mahuli isa-isa ang sangkot na organisasyon. Pero kahit anong gawin nila, X organization is still out there. Free and can do murderous events and evil doings.No one can measure how I loathed those heartless fvcker. Matapos nilang patayin ang kaibigan ko at bigyan ng trauma ang aking anak ay hanggang ngayon, malaya pa rin silang gumagawa ng mga karumaldumal na krimen.Wearing a red simple dress paired with a cartwheel hat and black pointy lace up booth, I step out of the car elegantly as I walked towards my 11 years old son. Napangiti ang anak ko at masaya akong sinalubong habang suot ang toga na bagay na bagay sa kanya.
Chapter 49Noon, akala ko, kapag nakamit mo na ang mga bagay na gusto mo sa buhay, natagpuan mo na ang kulang sa pagkatao mo at naabot mo na ang matagal mo ng pangarap, sapat na ang lahat ng 'yon para magpatuloy ka sa buhay.Pero ngayon? Habang nakatingin sa maliit na memorial na isinagawa nila Tito Rick para kay Rin, hindi ko mapigilang umiyak. Parang pakiramdam ko ay pinipira-piraso ang puso ko.Ganoon na lang 'yon? Sa isang iglap ay wala na talaga sya?Ayaw kong maniwala.May parte sa pagkatao ko na umaasa na sana hindi totoo ang lahat... Sana nandito sya ngayon at tatawa ng malakas para sabihing prank lang ang lahat. Ngunit ng makita ko ang bangkay nya... Ang parehong damit, sapatos at ang paborito nyang kwintas ay sapat na para iguho ulit lahat ng pag-asa na nabubuo sa puso ko."Kumain kana wife. Ako na muna dito." Angel grabbed my right shoulder lightly. Ang gaan ng haplos nya. Parang kahit sa simpleng paraan na iyon ay inaalis n
Chapter 48"NAALALA nyo pa ba 'yung sinampal ni Rin si Anna Marie? Gago laugh trip talaga!" Nasundan ng malalakas na tawa ni Bently ang sinabi nyang iyon kaya napangiti na rin ako."Kinabahan ako noon dahil nang tawagan ko si Rin at sinabi sa kaniya na hindi ka pa bumabalik ay tinanong nya agad kung may nasabi raw ba ikaw sa 'kin. Sabi ko ay buntis ka noon at heartbroken." Matipid na ngumiti si Shenna kaya natawa naman kami ni Bently."Tinawagan nya ako noon! Sabi pa nya ay kung nasa bahay ka raw ba! Jusko Anna Marie! Mabuti nalang at on ang location dyan sa cellphone mo dahil wala talaga kaming clue kung nasaan ka na!"Lumakas ang tawa namin kaya bahagyang gumaan ang nararamdaman ko. Hindi pa rin maalis ang takot dahil sa ilang oras ay wala man lang silang tawag at hindi pa sila bumabalik.Mahigit dalawang oras na. Kahit nakikipag usap ako sa kanila ay alam ko
Chapter 47KUNG may gusto akong gawin ngayon, iyon ay saktan ng ilang ulit ang sarili ko. Napakapabaya kong ina. Wala man lang akong magawa kung hindi ay mag-alala nalang para sa kalagayan ng anak."Anong kagaguhan 'yan Lucas? Seryoso ka ba? Wala akong pera at kailangan ko mahanap ang pamangkin ko. Tatadtarin at pipira-pirasuhin ko ang katawan mo kapag may nangyaring masama sa bata!" Rin's voice is livid. Nakailang pabalik-balik na sya at frustrated na kinakausap ang lalaki sa telepono."W-wala naman akong sinabi na hindi ko hahanapin beh. Wala akong load kaya tinatanong ko kung may pera ka hehe. Go Surf lang beh ha? 'Yung pang-isang linggo."Imbis na matuwa ako sa effort ni Rin ay lalong nadagdagan ang problema ko."Don't stress your self wife. I'm sure that our son is safe. Hindi namin hahayaan na mapahamak sya." Angel caress my back soothingly. Pinapakalma ang nag
Chapter 46I shooked my head as I felt it sting a little. Napakurap ako ng ilang beses bago tuluyang inilibot ang paningin sa kama kung saan ako nakahiga. A smile crept my lips as I saw Angel hugging our son. Natawa pa ako sa itsura nilang dalawa dahil bahagyang awang ang bibig ng mga ito.Bumangon ako at hinaplos ang mukha ng asawa at anak na payapang natutulog. Napangiti ako bago marahang umalis sa kama para makapagluto ng umagahan."Good morning wife."Umangat ang balikat ko sa pagkabigla ng biglang pumulupot ang kamay ni Angel sa aking bewang. Kunwaring sumimangot ako at nilingon sya bago napanguso para itago ang pamumula ng mukha."Mapapaso ka sa kalandian mo Mr. Trinus," ani ko at pinatay ang gasul at hinubad ang suot na gloves. Narinig ko ang pilyo nyang tawa. Naroon pa rin sya sa likod ko at nakayakap."I still have the same effects on yo
Chapter 45warning; matured contentSUNOD-SUNOD na umalpas ang ungol sa labi ko bago mahigpit na napakapit sa kanyang braso. Angel pushed me lightly, caging my body in the wall and kissing my lips fervently."Angel!" marahas akong napasigaw ng gunalaw ang palad nya patungo sa dibdib ko but he immediately covered my lips using his hand making me surpressed my voice.Nanginginig na ang labi ko nang bumitaw sya sa pagkakahalik doon. Damang-dama ko ang init na nagmumula sa pagitan ng kaniyang hita na pumipigil sa pagkakagalaw ng binti ko."A-angel..." I hardly breathe out. Walang imik na minasahe nya ang kaliwa kong dibdib, marahas at puno ng panggigigil ang mainit nyang palad habang mainit na nakatingin sa aking mga mata."Don't make any noice, wife." His hoarse voice send shiver down to my spine. Atomatikong napatango ako, hirap na pigilan ang impit
Chapter 44"AKALA KO BA walang comeback na magaganap?" Nakataas ang kilay na tinitigan ako ni Bently habang paikot kaming nakaupo sa sala. Nakataas ang dalawang paa nito at nakasanday sa magkabilang gilid ng upuan na para bang 'yon ang pinaka maayos na upo na kaya nyang gawin. Shane was tapping continuously in her laptop while Rin was doing pushups, wearing a black sports bra and a comfortable leggings. Kapwa may mga ginagawa ang isa sa amin maliban kay Bently na parang tamad na tamad na sa buhay."Wala naman talagang comeback ah? Sino ba ang may sabi?"Nagkatinginan silang tatlo na parang pinagkakaisahan nila ako."Walang comeback pero may second chance?" Tumigil si Shane sa pagtipa ng keyboard at tinaasan rin ako ng kilay."Walang comeback pero kasing pula mo ang kamatis ngayon?" sunod na ani Bently."Walang comeback pero naglaplapan?""Hoy! Sensored!" sabay-sabay na sigaw namin.We glared at Rin who just shrugged
Chapter 43 "ANONG uri ng organisasyon ang El Fuego na 'yon?" curious na tanong ko habang nakasandal si Angel sa puno ng narra. Nakahiga sa binti nya ang anak habang ako ay inaasikaso ang kakainin namin para mamaya. He combed his son's hair before looking at me. "El Fuego is an underground society wife," anito kaya napaharap ako sa direksyon nya. "But unlike X, we're the one who breaks the law to captured drug dealers, and other murderous people around." Bahagya pa syang tumigil ngunit nanatiling na sa akin ang paningin. "Yeah, our organization is not good, neither do bad. Illegal pa rin ang pagpatay ng tao but dahil malakas ang kapit ng namumuno sa itaas, walang dahilan para arestuhin kami." Napailing-iling ako at ngumiwi. "Sa tingin mo ba? Bakit may saltik 'yung leader ng kalaban nyong organisayon? Ilang taon na ang nakalipas pero nanggigig