CHAPTER 5
HINDI KO inalis ang tingin sa aking plato. Nararamdaman ko rin ang titig sa akin ng aking pamilya kaya na conscious agad ako sa paraan ko ng pagkain.
Napansin kaya nilang pumayat ako masyado?
O hindi kaya ay ayaw nila sa paraan ko ng pagkain?
Kaunti lang kasi ang inilagay ko sa aking pinggan dahil busog pa ako sa mga kinain ko kanina sa byahe. Balde-baldeng tulog ang kailangan ko dahil alam ko naman ang mangyayari kinabukasan.
Inangat ko ang tingin ko kay Papa ng tumikhim sya, muntikan ko na tuloy maibuga ang kinakain ko kasi halos lahat ng bisita, kung hindi sa akin nakatingin ay sa mga kaibigan ko na bahagyang nakayuko at tipid na kumakain.
Well uhmm...
Almost.
Si Rin kasi at si Bently ay kuha ng kuha ng litson at kanin. Busy rin sila sa kani-kanilang pagnguya habang si Shenna naman ay mahinhing sumasandok ng salad.
Tumingin pa sa gawi ko si Bently Theodore at itinaas ang tinidor na may nakatusok ng karne, parang inaaya na kumain ako. Umiling lang ako sa kanya at iginala ang paningin sa mga tao na nasa kabilang lamesa.
"Mukhang malaki ang ipinayat ninyong magkakaibigan sa Manila anak."
Napalunok ako.
Grabe ang boses ni Papa, parang hindi alam na on-diet ako. Maliban kasi sa maninibago ako sa size na tatahiin ko kapag naging-chubby ako, ang hirap ibagay sa akin ng damit! Ako lang ata ang fashion designer na alam ang fashion ng iba pero aabutin ng ilang oras bago makahanap ng pak na pak sa OOTD ko.
Napahinga ako ng maluwang nang sagutin ni Rin ang tanong ni Papa.
"Alam niyo naman Tito sa Manila 'di ba? Dapat magtrabaho bago makakain, kaso kasi ay naging busy talaga si Ate! Ang dami pong may gusto ng design nya! Pinaghirapan nya naman po kasi talaga ang mga iyon!" Sumubo pa ito ng kanin at hinarap si Papa at Mama na nakangiti.
"Talaga anak? Parang kailan lang ay pangarap mong mag-design ng mga damit at mga gowns! Nakakatuwa naman at unti-unti mong matutupad ang mga iyon," ani Mama. Lihim akong napairap.
"Hindi ko na magagawa ang mga gusto kong gawin Ma," malamig na ani ko. Iniwasan ko silang tingnan kahit batid ko na ang lahat ng atensyon ay nasa akin.
"Eh bakit naman anak? Narito naman kami para suportahan ka ah! Kaya nga pina-"
"Kaya nga ipinapakasal nyo ko?" maang kong tanong. Mapait akong ngumiti bago titigan silang dalawa. Natahimik ang buong lamesa. Maging ang mga kaibigan ko na kanina ay nagkukulitan ay huminto.
"Sa tingin nyo ba... matutupad ko ang mga pangarap ko dahil gusto nyo ako ipakasal?" Natawa ako ng bumadha ang gulat sa mata ni Mama. Si Papa naman ay hindi nakasagot at napatungo.
Ibinaba ko ang kubyertos at isinandal ang likod sa upuan. I laugh coldly, pailing-iling habang ang mga tao sa paligid ay nasa aming lahat ang atensyon.
"Hindi pangarap ko ang gusto nyong matupad Mama. Pangarap mo lang... pangarap nyong dalawa."
My father creases his forehead. His face reddened in anger as he tried to control his self from bursting because of my sudden reply.
"Hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bunganga mo Anna Marie," he said in a low, yet dangerous voice.
I just laugh it off as it was nothing. Sa totoo lang, ngayon lang ako hindi kinabahan sa ganoong tono ni Papa. Everytime he'll use it to me when I was a kid,I actually got scared, but now? I felt nothing but anger.
Dati, I used to be a daddy's girl. Napapagalitan man nya ako dahil sa kakulitan at kasuwailan ko noon, didisiplinahin nya lang ako gamit ang words but he never hit or hurt me. Pinapaintindi nya lang lahat. Kung bakit ako pinagalitan ni Mama, kung bakit masama ang ganito at ganiyan. Kung bakit hindi dapat ako pumatol sa mga umaaway sa akin. Kung bakit dapat mas maging maunawain ako. He taught me all of that. Lahat, sya ang naging guro ko.
Pero ngayon, hindi ko na sya maintindihan. Hindi ko maintindihan ang rason nila. Kahit ilang ulit ko pilit intindihin ang mga nangyayari ay hindi ko magawa.
Hindi ako sumagot. Hanggang sa magsi-alisan ang mga tao ay hindi nalang ako umimik.
Tahimik akong umakyat sa aking kwarto. Hindi sila pinag-aksayahan ng panahon. Ni hindi nga ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko, alam kong alam nila ang dahilan kaya nagpaalam sila ng maaga.
Sabi ni Shane, sa kanila muna makikitulog si Bently, bukod doon ay wala na akong ibang narinig.
Humiga ako sa malambot na kama. Pinikit ko ng mariin ang aking mata dahil sa sobrang pagod na nararamdaman.
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang mga katok sa aking pintuan. Tamad akong bumangon at pinihit ang seradura ng pinto.
"A-anak pwede ka b-bang makausap?"
Gusto kong saraduhan ng pinto at pabayaan na lamang si mama magkakatok sa labas. Tutal naman ay pagod ako at mabilis akong makakatulog... pero hindi ko parin ginawa.
Walang emosyon na tumitig ako sa kanya bago tuluyang lawakan ang bukas ng pinto.
"Ano po bang kailangan pag-usapan?" Hindi ko matiis na mag tanong. Nandoon lang kasi sya sa gilid ng kama at nakatuon ang tingin sa akin.
"Anak gusto ko lang sana makausap ka tungkol sa pagdating nang mapapangasawa mo," ani nya habang nakatungo.
Tinaasan ko sya ng kilay at nakangiwing umupo sa malambot na kama.
"Ano naman ho? Sasabihin nyo ba na maging mabuti akong babae sa harap nya? Na huwag ko sya pakitaan ng kabastusan kasi baka bawiin nya ang offer sa inyo?" sarkastikong ani ko. Bakas ang galit at pagkadisgusto ko sa aking mukha habang sinasalubong ang bawat sulyap niya sa akin.
Inalis nya muna ang bara sa lalamunan at humarap sa akin.
"Anak para rin sa kinabukasan mo 'to. Naniniwala kasi kami ng Papa mo na mas mapapabuti ka kapag dala mo ang apelyido ni Mr. Trinus," nanginginig na ani niya. Agad na nangunot ang noo ko dahil sa sinambit nya.
Nagtataka man ay pinilit ko mapanatiling blangko ang mukha.
"At pag dala ko ang apelyido ng Escyda ay hindi?" Taas kilay na ani ko.
"Alam ko na taliwas sa pang-unawa nyo ang gusto kong gawin sa buhay ko Ma. Alam ko 'yun kasi kahit hindi nyo sabihin ay iyon na ang ipinaramdam niyo dati." Nangild ang luha ko nang maalala ang mga araw na pinag-awayan namin ang pagpupumilit ko na kunin ang curse ng fashion designing.
"Kasi ang gusto nyo pag-aralan ko ang bagay na hindi ako interesado gawin hindi ba? Sabi mo, gusto nyo na paglaki ko, ako ang mamahala sa hotel na pinipilit nyong buhayin ngayon... Na pinipilit nyong buhayin para sirain ang pangarap ko ngayon! Gaano ba ka importante ang hotel ni Lola at mas importante iyon sa buhay ko? Gaano ba ka-importante na makuha ko ang apelyido ng Trinus na 'yon?!" Tumaas ang boses ko sa sobrang frustration. Natigil lang ako nang humikbi si Mama sa harap ko at sunod-sunod na pumatak ang mga luha. Tuluyan akong napaiyak.
"G-gusto ko naman kayong intindihin Mama eh. Gusto ko pong intindihin dahil iniisip ko nalang na gagawin ko ang bagay na iyon para kay Lola... m-mahal na mahal ng Lola ang hotel na 'yun Mama... kaya gusto ko pong intindihin... Gustong-gusto ko po. Pero mama pwede namang maging maging maayos 'yun ng walang kasalang magaganap 'di ba? 'Di ba Ma?" umaasang tanong ko. Pero hindi sya umimik. Ilang segundo akong naghintay ng sagot nya pero tanging pag-iyak nya lang ang nakikinig ko.
"Mama naman eh." My voice broke as I called her softly.
"Buong buhay ko Mama... a pangarap ko lang ako sumuway sa 'yo. Hindi ko pa po naaabot Mama... Hindi ko pa po nagagawa yung ipinaglaban ko sayo dati. Kasi akala ko pumayag na kayo eh." Pumikit ako ng mariin nang maiyak na ako.
"Ang daya naman Mama... ang daya nyo naman po." I cried as I looked at her sadly.
Lumapit sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit kaya lalo akong naluha. She caress my hair and whispered at me.
"A-anak pasensya na ha? S-sorry anak kasi ganito ang buhay na naibigay ni Mama sa 'yo...vs-sorry anak." Pagkatapos sambitin iyon ay lumabas sya sa kwarto ko.
Napaiyak ako ng mahina at niyakap ang aking unan.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pagod.
*
"RACE IN SHRINE BAKLA!"
Naalimpungatan ako ng isang malakas na sigaw ang yumanig sa apat na sulok ng aking kwarto.
Agad na nahampas ng unan sa sofa ni Shenna ang katabi.
"Dummy, rise and shine 'yun! duh!" Sabay irap nito bago ibalik sa akin ang tingin.
"Huwag mo pansinin si Theodore, bes. Nung ilabas kasi 'yan ay na stuck sa labas ang ulo ng ilang oras kaya nahanginan ang utak," natatawang asar ni Rin. Tinawanan lang ito ng bakla bago hilahin ang buhok at inastang ingud-ngud sa sofa.
"Ikaw ngang bruha ka wala kang utak kaya hindi ka na nahanginan eh!"
Kinurap-kurap ko ang mata dahil nasisilaw ako sa liwanag na galing sa bintana kaya ipinikit ko ang mata bago bumalik sa pag-kakahiga.
Napatili ako ng hilahin ni Shenna ang paa ko at tinanggalan naman ako ng unan ni Rin. Si Berta naman ay binuksan ang lumang speaker at nagpapatugtog ng 'Estudyante Blues'.
"Hoy bruha! Alas syete na ng umaga, syete ka! Ingungud-ngud kita sa toilet pag hindi ka pa na ligo! Nandyan na ang daks na fafabelz mo!"
Kumunot ang noo ko. Hindi pa pinoproseso ng utak ang sinabi ng kaibigan. Tinatamad na bumangon at nag-inat ng katawan. Nagtatalon pa ako at nag-stretching habang ang mga kaibigan ay napasapo lang ng noo.
"Lutang pa si Ate, kailangan mo atang ulitin." Dinig ko na ani ni Rin. Nagmulat ulit ako bago harapin sila.
"Buti pinapasok kayo sa kwarto ko..." wika ko bago sulyapan si Bently. "...lalo na sya," ani ko pa at humikab.
"Buti at hindi sya hinabol ng itak ni Papa," dugtong ko ulit.
Napangiwi ang tatlo at umirap sa akin.
"Paano 'yan hahabulin, eh sila nga ang nagpapasok dyan para gisingin ka? Nandyan na raw kasi ang mapapangasawa mo?" sarkastikong ani ni Rin at prenteng umupo sa kama ko.
Napatanga ako.
'Ano nga ulit?'
Nagimbal ang kaluluwa ko ng unti-unting pumasok sa aking utak ang sinabi nila at patakbong tinungo ang C.R. Parang bigla ako natauhan dahil sa narinig. Natatarantang binuksan ko ang shower kaya napatili ako nang maramdaman ang lamig no'n sa aking balat. Dali-dali kong nilinis ang sarili.
"Bakit hindi nyo sinabi sa akin agad?!" sigaw ko habang mabilis na inaayos ang underwear.
Tanging tawanan lang ng tatlo ang narinig ko, paniguradong aasarin na naman ako ng mga ito mamaya.
"Gaga! Ininform ka namin!" ani ni bakla habang patuloy sya sa paghalungkat ng bag para hanapin ang iba nyang na-pack na damit. Tumulong naman si Shena mamili nito.
In the end, I choose to wear a high waisted jeans and a black halter crop top. Binagayan ko iyon ng boots na suot ko at iniladlad nalang ang mahabang buhok.
"Halatang hindi ka masyadong nag prepare day," sarkastikong ani ni Bently.
Natatawa ko itong hinampas ng bolster at lumabas na lang pintuan pagkatapos ayusing ang light makeup na inilagay.
Napatigil ako ng may ma-realize.
"Wala pa sya no?" tanong ko sa tatlong nakasunod sa pagbaba ko ng hagdan.
Tinaasan nila ako ng kilay.
"Beh, bonakid ka talaga. Paano ko masasabing daks kung hindi ko nakita?" iritadong ani Bently.
Napakurap sya. Para kasing may mali talaga.
"May hindi kayo sinasabi sa 'kin," sambit ko at tumigil sa paghakbang. Tinitigan ko sila isa-isa kaya napangisi ako ng makita ang alanganing ngiti ni Shenna.
Bingo!
Isa-isa ko silang pinitik sa noo.
"Wala talaga kayong maisip na matino ano? Ginising nyo ako dahil gusto nyo mag picnic! Kaya naka summer outfit kayo eh!"
Nagulat ako ng mapatawa si bakla at hinampas pa si Rin na katabi nya. Agad namang nahagip ni Rin ang braso nito at iaastang ihuhulog sa hagdan. Agad namutla ang binata.
"T-tangina Rin! Papatayin mo ba ako?!"
Inosenteng napakurap-kurap si Rin bago mag salita.
"Paano kita mapapatay? Eh tatlong hakbang nalang ay nakababa na tayo," ani pa nito at naunang nagderederetso patungo sa sala.
Kumunot ang noo ko. Bakit ba ang wirdo ng mga ito ngayon?
Nagpati-una narin si Bently sa pagbaba kaya naiwan kami ni Shenna na nakatayo sa hagdan.
"Ate. What Bently said? It's true! Your future husband just arrived kaninang five ng umaga. Hanggang ngayon hindi parin nagsi-ink in sa 'kin ang lahat. Owemji ate! I thought that it's not true?! Why the hell na ikakasal ka na? How the hell there is a freaking man in your sala talking with your parents?"
Literal akong napanganga. Kaya pala parang lutang ang mga ito kanina at aligaga rin na tumulong sa pag-aayos ko. Hindi ini-expect ng mga kaibigan ko na seryoso ang usapan na natunghayan nila kagabi.
Agad na nagsalubong ang kilay ko nang mamataan ang bulto ng mga tao na nakapa-ikot at naka-upo sa aming malawak na living room.
I saw my father and mother in the left side, magkatabi ito at halatang masaya sa pag-uusap.
Naglakad ako papalapit sa mga ito, my sight was fixed in my parents when her gazed suddenly caught a familiar man sitting comfortably in the couch.
Tumayo ito at nakangiting sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Natulos ako sa kinatatayuan.
"My girlfriend!" Angel giggled happily as he hugged me tight and kissed my lips swiftly.
Napanganga ako.
CHAPTER 6LITERAL NA napanganga ang mga kaibigan ko sa ginawa ni Angel. Maging ang mga magulang ko ay awang ang mga labi habang walang namutawing salita sa aking bibig.Tangina?! Anong ginagawa ni Angel dito?!Naghuhuromentado ang kabog ng dibdib ko. Kanina pa ito parang tambol na nagwawala sa aking katawan.'Shet! Ibang level ang gulat ko!'Napatingin ako sa mata ni Angel na parang bata at tuwang-tuwa na makita ako. Niyakap nya ulit ako nang mahigpit kaya halos hindi na ako makahinga."A-angel! A-angel hindi ako m-makahinga," nanghihinang wika ko. I gripped his ripped arms tightly, begging him to let me go dahil nasasakal na ako. Sa tigas ng braso nya ay parang babalian nya ako ng buto dahil ayaw nya talaga ako pakawalan ng yakap."I missed you girlfriend," he muttered slowly, his voice was deep and dangerously sexy. Napalu
CHAPTER 7"KALOKA! KASING fresh ko ang water!"Napanood ko kung paano taasan nila Shenna at iba pang kaibigan ng gitnang daliri ang bakla na parang nasa Titanic, nakadipa ang kamay at feeling may yumayakap sa likod."Ulul!""Tangina ihuhulog ko 'yan dyan.""So gross, Theodore!"Napangiwi ako. Mga wala talagang support sa isa't isa ang mga ito. Mas gusto pa atang magbangayan all night hanggang sa matuyuan ng laway kaysa mag open forum at maging sweet.Speaking of maging sweet, nasa tabi ko ngayon si Angel habang nakalublob sa tubig ang mga paa nito. Ginagaya nya raw ako sa pagre-relax dahil maliban sa malamig ang tubig ay malalim din iyon. Hindi ako marunong lumangoy."Bakit? Ganoon ba ako kaganda para kainggitan ang beauty?!" eksahaderang ani ni Bently at madramang hinawakan ang sariling dibdib. Isa-isa namang umikot ang mga mata ng mga kaibigan ko."Kadiri ka Bently! Bakit ba isinama pa kita dito?" nang-uuyam na a
Chaoter 8PADABOG kong isinarado ang pinto ng cottage. Kung hindi nga lang ako nahihiya sa may-ari ay sinira ko na ito at hinampas kay Angel na nakasunod sa akin ngayon."Kaninong T-shirt 'yan? Akin nalang!" Rin looked at me in an awe before Charles pulled her closer to him.Inungusan nito ang binata bago sapakin sa braso."Problema mo boss?" Inis itong lumayo kaya ipinagkibit balikat ko nalang ang pagtatalo ng dalawa.I mentally rolled my eyes as I felt Angel's arms wrapped around my waist. Nilingon ko s'ya at sinamaan ng tingin."Alisin mo ang kamay mo sa bewang ko Angel," I hissed in annoyance. Angel's lips pouted."You are my girlfriend Anna. I'm supposed to protect you. Don't be mad na nga," mahinahong aniya pa.Tinanggal ko ang pagkakapulot ng braso nito sa aking katawan at mabilis na l
Chapter 9'Naka-ilang pikit ako bago ikurap-kurap ang mga mata.Naulan.Napabuntong hininga ako. Hapon na pero wala pa rin ang sundo ko. Normally kasi pag-umuulan nang malakas, susunduin ako ni Papa at dadalhan ng malaking payong... pero wala sya ngayon dahil may aasikasuhin daw siya sa trabaho.Iginala ko ang paningin sa lumang waiting shed. Butas na ang bubong noon kaya napasok ang ilang tubig sa loob.Napasigaw ako ng may dumaang truck at nawisikan ako ng tubig."Ano ba yan! Ang pangit ka bonding ni manong!" I uttered rolling my eyes. My uniform is now wet and brown liquid is gushing down my feet, ang iba no'n ay nasa mukha ko pa."Bakit kasi wala akong kasama pauwi? Kung sana ay nandito si Shenna at Rin, may masisilungan ako at may kasabay pa maglakad," nakangusong ani ko at umupo nalang sa sirang upuan doon.Laking gulat ko ng may isang batang lalaki ang sumuplot sa kung saan. Magulo ang b
Chapter 10"SO, IT'S SETTLED. Mr. Trinus and you, soon to be Mrs. Trinus will be married next week, Sunday. I will work on the papers regarding on it." Attorney de Guzman fixed his eyeglass then looked at me afterwards. Napakurap ako bago pigilang samaan sya ng tingin."Are you sure about this Am?" Biglang nagbago ang tono nya mula sa pagiging pormal. Gusto ko masuka dahil parang awang-awa sya sa sitwasyon ko.Bumaling sya sa akin at iniayos ang suot na salamin habang ngiting-ngiti akong sinulyapan. I mentally rolled my eyes as I saw him smirking.I simple nod my head and look at him boredly."That's fine with me, thank you very much." Ngiti ang iginanti ko habang si Angel naman ay nakakapit sa akin at hinapit ako palapit sa kanya."Exited huh? I wonder if you're telling the truth," he spoke gullibly but there is a hint of sa
Chapter 11"This gown screams elegance ate. Saan kang planeta galing?" Shane's eyes sparkled with amusement while she looked at my gown's details.Mababakas ang paghanga sa mga mata ng kaibigan ko habang sinusuri nila ang wedding gown na nakalagay sa isang manequin na naka-ready para susuutin ko nalang mamaya."Gago ang ganda! Ate Ems, gawa'n mo rin ako nyan pag-ikakasal ako ha? Yung maganda 'rin tapos kulay black at pink!"Nagulat si Rin ng pitikin ni Bently ang noo nito at sinamaan ng tingin.Napabungisngis tuloy ako."Dzai, jusko ka. Dati kabang illuminate? Baka hindi kayo ikasal ni pader at bendisyunan ka nalang sa simbahan!"Ngumuso lang si Rin at tinitigan ako sa repleksyon ng salamin."Ate hindi naman masama kung gagayahin ko si Ivy Aguas ng Wild Flower 'di ba? At least sa 'kin may light color. Kill joy talaga 'yang bading na 'yan e
warning: matured content."ASAWA na kita ngayon."Napalunok ako ng ilang ulit bago lingunin ang lalaking nasa likuran ko na diretsong nakatingin sa akin."H-hehe," umubo ako dahil pakiramdam ko ay nasamid ako ng sarili kong laway. "Oo nga asawa mo na ko... Ang galing." Pilit kong ini-ngiti ang labi ko na kanina pa nakatikom.Ninenerbyos ako. Parang tanga lang. Pakiramdam ko ay kada salubong ng paningin namin ay may kuryente na dumadaloy doon. Iniisip ko kung anong pwede naming gawin ngayong gabi para hindi maging awkward sa isa't isa.Sinaway ko ang sarili. Ano ba ang ginagawa ng mag-asawa sa gabi? Syempre tutulog! Tutulog lang at wala ng iba.Umingos ako bago ipagpag ang malambot na unan na may puting punda. Inabala ko ang sarili para hindi magsalita ng kung anu-ano dahil sigurado naman ako na walang kwenta ang lalabas sa bibig ko.
Inirapan ko si Bently ng mapansin ang nanunuksong tingin nya sa akin papasok sa sasakyan."Taray 'teh! Ang snob." Parinig pa nito kaya naman natawa ako ng wala sa oras."Tigilan mo ako Theodore at mababalatan kita mamaya gamit ang nail cutter." Nagbibiro kong banta at tinanaw ang dalawang babae na inabot na ng syam-syam sa pag-eempake pabalik sa Manila. Kung tutuusin naman ay pwede magpaiwan ang mga iyon kaysa sumabay sa aming mag-asawa.Napahagikhik ako.'Taray! Feel na feel teh?!'Napabungisngis ako sa mga naiisip. Hindi na masama na tawagin itong asawa. Mabait naman si Angel. Matulungin din ito, mabango at higit sa lahat ay masara—"Shutangina Berta?! Bakit ka nang hahampas?!" Inambahan ko ng suntok ang baklang nakaupo sa back seat ng sarili nitong sasakyan. Natanaw ko pa si Rin na halatang sumisigaw sa kabilang kotse kaharap ang kaibigan ni Angel.
Epilogue"PSST BATA!"Naiangat ko ang paningin sa batang babae na inaabot sa akin ang isang puting damit. Nangunot ang noo ko ng hindi mawala ang ngiti na nakaukit sa manipis at mapula nyang labi. Palihim akong napalunok ng mapagmasdan ang matambok nyang pisngi.Ang ganda nya.Gusto kong ibulalas ang mga katagang 'yon ngunit napipi ako."Hindi ka ba nakakapagsalita?" Nakangiti pa rin sya simula ng makita nya akong sumilong sa waiting shed na sira. Kanina ko pa sya pinagmamasdan doon buhat ng mabasa sya dahil sa pag talsik ng maruming tubig sa uniporme nya. Nang mapansin nyang may sugat ako sa braso at ilang parte ng katawan, nagulat ako ng bumadha ang pag-aalala sa mga mata nya."Bata! Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka may mga sugat?" Halos hindi na nga nya alam ang gagawin. Tulirong binasa nya gamit ang tubig ng ulan ang puting panyo na k
Chapter 50Many years later...Years passed in a blur. Maraming nagbago simula noong mawala si Rin ngunit ang sakit na iniwan nya sa amin ay nakaukit pa rin sa puso at isip ko. After her death, napag-alaman naming ginugol ng El Fuego ang mga oras na iyon para mahuli isa-isa ang sangkot na organisasyon. Pero kahit anong gawin nila, X organization is still out there. Free and can do murderous events and evil doings.No one can measure how I loathed those heartless fvcker. Matapos nilang patayin ang kaibigan ko at bigyan ng trauma ang aking anak ay hanggang ngayon, malaya pa rin silang gumagawa ng mga karumaldumal na krimen.Wearing a red simple dress paired with a cartwheel hat and black pointy lace up booth, I step out of the car elegantly as I walked towards my 11 years old son. Napangiti ang anak ko at masaya akong sinalubong habang suot ang toga na bagay na bagay sa kanya.
Chapter 49Noon, akala ko, kapag nakamit mo na ang mga bagay na gusto mo sa buhay, natagpuan mo na ang kulang sa pagkatao mo at naabot mo na ang matagal mo ng pangarap, sapat na ang lahat ng 'yon para magpatuloy ka sa buhay.Pero ngayon? Habang nakatingin sa maliit na memorial na isinagawa nila Tito Rick para kay Rin, hindi ko mapigilang umiyak. Parang pakiramdam ko ay pinipira-piraso ang puso ko.Ganoon na lang 'yon? Sa isang iglap ay wala na talaga sya?Ayaw kong maniwala.May parte sa pagkatao ko na umaasa na sana hindi totoo ang lahat... Sana nandito sya ngayon at tatawa ng malakas para sabihing prank lang ang lahat. Ngunit ng makita ko ang bangkay nya... Ang parehong damit, sapatos at ang paborito nyang kwintas ay sapat na para iguho ulit lahat ng pag-asa na nabubuo sa puso ko."Kumain kana wife. Ako na muna dito." Angel grabbed my right shoulder lightly. Ang gaan ng haplos nya. Parang kahit sa simpleng paraan na iyon ay inaalis n
Chapter 48"NAALALA nyo pa ba 'yung sinampal ni Rin si Anna Marie? Gago laugh trip talaga!" Nasundan ng malalakas na tawa ni Bently ang sinabi nyang iyon kaya napangiti na rin ako."Kinabahan ako noon dahil nang tawagan ko si Rin at sinabi sa kaniya na hindi ka pa bumabalik ay tinanong nya agad kung may nasabi raw ba ikaw sa 'kin. Sabi ko ay buntis ka noon at heartbroken." Matipid na ngumiti si Shenna kaya natawa naman kami ni Bently."Tinawagan nya ako noon! Sabi pa nya ay kung nasa bahay ka raw ba! Jusko Anna Marie! Mabuti nalang at on ang location dyan sa cellphone mo dahil wala talaga kaming clue kung nasaan ka na!"Lumakas ang tawa namin kaya bahagyang gumaan ang nararamdaman ko. Hindi pa rin maalis ang takot dahil sa ilang oras ay wala man lang silang tawag at hindi pa sila bumabalik.Mahigit dalawang oras na. Kahit nakikipag usap ako sa kanila ay alam ko
Chapter 47KUNG may gusto akong gawin ngayon, iyon ay saktan ng ilang ulit ang sarili ko. Napakapabaya kong ina. Wala man lang akong magawa kung hindi ay mag-alala nalang para sa kalagayan ng anak."Anong kagaguhan 'yan Lucas? Seryoso ka ba? Wala akong pera at kailangan ko mahanap ang pamangkin ko. Tatadtarin at pipira-pirasuhin ko ang katawan mo kapag may nangyaring masama sa bata!" Rin's voice is livid. Nakailang pabalik-balik na sya at frustrated na kinakausap ang lalaki sa telepono."W-wala naman akong sinabi na hindi ko hahanapin beh. Wala akong load kaya tinatanong ko kung may pera ka hehe. Go Surf lang beh ha? 'Yung pang-isang linggo."Imbis na matuwa ako sa effort ni Rin ay lalong nadagdagan ang problema ko."Don't stress your self wife. I'm sure that our son is safe. Hindi namin hahayaan na mapahamak sya." Angel caress my back soothingly. Pinapakalma ang nag
Chapter 46I shooked my head as I felt it sting a little. Napakurap ako ng ilang beses bago tuluyang inilibot ang paningin sa kama kung saan ako nakahiga. A smile crept my lips as I saw Angel hugging our son. Natawa pa ako sa itsura nilang dalawa dahil bahagyang awang ang bibig ng mga ito.Bumangon ako at hinaplos ang mukha ng asawa at anak na payapang natutulog. Napangiti ako bago marahang umalis sa kama para makapagluto ng umagahan."Good morning wife."Umangat ang balikat ko sa pagkabigla ng biglang pumulupot ang kamay ni Angel sa aking bewang. Kunwaring sumimangot ako at nilingon sya bago napanguso para itago ang pamumula ng mukha."Mapapaso ka sa kalandian mo Mr. Trinus," ani ko at pinatay ang gasul at hinubad ang suot na gloves. Narinig ko ang pilyo nyang tawa. Naroon pa rin sya sa likod ko at nakayakap."I still have the same effects on yo
Chapter 45warning; matured contentSUNOD-SUNOD na umalpas ang ungol sa labi ko bago mahigpit na napakapit sa kanyang braso. Angel pushed me lightly, caging my body in the wall and kissing my lips fervently."Angel!" marahas akong napasigaw ng gunalaw ang palad nya patungo sa dibdib ko but he immediately covered my lips using his hand making me surpressed my voice.Nanginginig na ang labi ko nang bumitaw sya sa pagkakahalik doon. Damang-dama ko ang init na nagmumula sa pagitan ng kaniyang hita na pumipigil sa pagkakagalaw ng binti ko."A-angel..." I hardly breathe out. Walang imik na minasahe nya ang kaliwa kong dibdib, marahas at puno ng panggigigil ang mainit nyang palad habang mainit na nakatingin sa aking mga mata."Don't make any noice, wife." His hoarse voice send shiver down to my spine. Atomatikong napatango ako, hirap na pigilan ang impit
Chapter 44"AKALA KO BA walang comeback na magaganap?" Nakataas ang kilay na tinitigan ako ni Bently habang paikot kaming nakaupo sa sala. Nakataas ang dalawang paa nito at nakasanday sa magkabilang gilid ng upuan na para bang 'yon ang pinaka maayos na upo na kaya nyang gawin. Shane was tapping continuously in her laptop while Rin was doing pushups, wearing a black sports bra and a comfortable leggings. Kapwa may mga ginagawa ang isa sa amin maliban kay Bently na parang tamad na tamad na sa buhay."Wala naman talagang comeback ah? Sino ba ang may sabi?"Nagkatinginan silang tatlo na parang pinagkakaisahan nila ako."Walang comeback pero may second chance?" Tumigil si Shane sa pagtipa ng keyboard at tinaasan rin ako ng kilay."Walang comeback pero kasing pula mo ang kamatis ngayon?" sunod na ani Bently."Walang comeback pero naglaplapan?""Hoy! Sensored!" sabay-sabay na sigaw namin.We glared at Rin who just shrugged
Chapter 43 "ANONG uri ng organisasyon ang El Fuego na 'yon?" curious na tanong ko habang nakasandal si Angel sa puno ng narra. Nakahiga sa binti nya ang anak habang ako ay inaasikaso ang kakainin namin para mamaya. He combed his son's hair before looking at me. "El Fuego is an underground society wife," anito kaya napaharap ako sa direksyon nya. "But unlike X, we're the one who breaks the law to captured drug dealers, and other murderous people around." Bahagya pa syang tumigil ngunit nanatiling na sa akin ang paningin. "Yeah, our organization is not good, neither do bad. Illegal pa rin ang pagpatay ng tao but dahil malakas ang kapit ng namumuno sa itaas, walang dahilan para arestuhin kami." Napailing-iling ako at ngumiwi. "Sa tingin mo ba? Bakit may saltik 'yung leader ng kalaban nyong organisayon? Ilang taon na ang nakalipas pero nanggigig