Share

Chapter 6

Penulis: Gray
last update Terakhir Diperbarui: 2021-08-21 07:24:01

NANG makarating kami sa cafe kung saan magkikita sila Angelo at Sheena ay agad akong umupo. Binuklat at binasa ko na agad ang librong binili para sa akin ni Sheena. Bago kasi kami pumunta rito ay kinuha na muna namin kay JelayAce 'yung isang kopya ng second volume ng binabasa kong libro. Medyo na-starstruck pa nga ako dahil idol na idol ko talaga ang author na 'yun.

"OMG! Nandiyan na siya, sister girl!" Pinalo ako ng bahagya ni Sheena pero hindi ko siya pinansin. Panay lamang ang basa ko sa hawak na libro. 

"C-cameyofan?" dinig kong tanong ng lalaki. 

"Yes! OMG! You can just call me Sheena." Kita ko sa peripheral vision ko na nagkamay sila. Nanginginig pa ang kamay ni Sheena parang tanga. 

"Sino siya? I mean, I'm just curious kasi nakita ko rin siya sa school kanina." 

"Siya ba?" maarteng tanong ng kapatid ko saka tinuro pa ako. "Kapatid ko iyan, si Rose. Hindi naman siya masiyadong pala-kaibigan kaya no need na magpakilala pa kayo sa isa't isa." 

Napataas ang kilay ko sa sinabing iyon ni Sheena pero hindi ko na lang masiyadong pinansin. Mabuti na rin iyon para mas malaya akong makapagbasa ngayon. Hindi ako dapat ma-istorbo sa ganda ng binabasa ko ngayon.

"Sobrang saya ko na pumayag kang makipagkita sa akin ngayon kahit short notice. Grabe. I can't believe we're talking to each other right now," dinig kong sabi ng Angelo. 

"Grabe, ako lang 'to Angelo. 'Yung long time crush mo, joke!" Tumawa si Sheena na sinabayan rin naman ng kausap niya. 

"Naaalala ko tuloy 'yung nasa libro mo. Cafe kasi ang setting nung kuwento." 

Natigilan ako nang marinig iyon. Tama siya, isang employee ng cafe ang protagonist ng isa sa mga sinulat kong kuwento.

"Y-yeah, I also remember! Nakakatuwa naman!" Pilit na tumawa si Sheena. 

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa kanilang dalawa. Ikinatuwa ko naman iyon dahil mas makakapag-focus ako sa pagbabasa. Pero nang mapagtanto kong ilang minuto na silang tahimik ay saka ako na-curious kung ano bang meron.

Nang tingnan sila ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Habang nakapatong sa mesa ang kamay ni Sheena ay hawak iyon ng lalaking kaharap niya. Abot-tenga ang ngiti ng kapatid ko na animo'y gustong gusto pa ang ginagawa ng hunghang na Angelo.

Sinamaan ko ng tingin 'yung Angelo at nang magsalubong ang mga mata namin ay saka niya binitawan ang kamay ng kapatid ko. Napa-ehem pa siya nang ilang beses. 

"Punta lang akong CR. Stay put ka lang diyan bebe boi, ah. I will be right back!" Maarteng kinuha ni Sheena ang clutch bag niya saka siya tumayo.

Katahimikan. 

Hindi ko inaasahang magtatagal sa CR ang kapatid ko. Siguro ay naglalagay pa iyon ng kung anu-anong kolorete sa mukha. Hindi talaga siya makuntento sa hitsura niya, tss.

"Ikaw 'yung nakita kong nagbabasa kanina sa school, diba?" dinig kong tanong ng lalaki. 

Natigilan ako sa tanong niyang iyon pero hindi ko pinahalata. Siya siguro 'yung lalaking feeling close kanina sa school. Kaya pala pamilyar ang boses niya. 

Hindi ako sumagot sa tanong na iyon ng lalaki. Nanatili ako sa pagbuklat at pagbabasa ng libro. Maganda na ang mga senaryo sa binabasa ko kaya kahit sinumang Poncio Pilato ay wala akong planong kausapin. 

"Bakit hindi mo sinabing kapatid mo pala si cameyofan?" 

Muli ay nagpatuloy ako sa pagbabasa at hindi pinansin si Angelo. Maya-maya ay dumating na si Sheena kaya hindi na ako ginulo at kinausap pa ng lalaki. Mabuti naman.

Tawa lang sila nang tawa habang ako ay busy sa pagbabasa. Ang ingay nila at hindi ako masiyadong makapag-focus sa pagbabasa. Sa inis ko ay lumipat ako ng lamesa.

"Galit yata 'yung kapatid mo."

"Hindi galit iyan, ganiyan lang talaga mukha niyan. Pinaglihi iyan sa sama ng loob, eh." 

Muli ay tumawa silang dalawa. Napakalakas noon dahilan para tingnan ko sila pareho ng masama. Parehas naman silang natahimik dahil doon. 

BAGO mag-alas nuwebe ng gabi ay inihatid na kami ni Angelo. Hindi na ako nakatanggi pa dahil panay ang hila sa akin ng kapatid ko para sumakay sa kotse na pagmamay-ari nito.

"Dito mo na lang kami sa kanto ibaba, Angelo," ani Sheena. 

"Bakit hindi pa mismong sa bahay niyo?" 

"Malalagot ako, strict kasi si mama. Dito na lang kami bababa, okay?" Ngumuso si Sheena na akala mo ay nagpapa-cute.

"Hindi ba mas magandang magpakilala ako sa kaniya para hindi na natin kailangang magtago lagi ng ganito? Ipapaalam ko sa kaniyang seryoso ako at malinis ang intensyon ko sa 'yo. Sa ganoong paraan ay mas makukuha natin ang tiwala niya." 

Napairap ako. Speed lang? Kakasimula niyo pa lang mag-usap kanina, ah. Hindi naman siguro kayo nagmamadali sa buhay, 'no?

"Awww! You're so sweet, Angelo! Huwag ka ngang ganiyan, baka mamaya sagutin na kita kahit hindi ka pa nanliligaw." 

Natawa naman si Angelo. "Makakarating din tayo sa puntong iyan. Sa ngayon ipakilala mo muna ako sa mama mo." 

"Hindi! I mean, saka na lang, birthday ko kasi next week. Doon ko balak ipakilala ka sa kanila. Alam mo na, para mas special." Hindi matanggal ang malawak na pagkakangiti nito.

Parehas silang nagkatitigan habang ako ay inip na't gusto nang bumaba. Ilang segundo na silang nagtititigan ngunit mukhang wala silang balak humiwat. Napairap na lang ako at saka kusang bumaba ng kotse. 

Bahala silang magtitigan magdamag sa kotseng iyan.

Maya-maya ay bumaba na rin ang dalawa na parehas pang nakangiti sa isa't isa. Animo'y mina-magnet ang pareho nilang mga mata dahil hindi humihiwat sa pagtititigan ang mga iyon.

"See you again, Angelo. Kita tayo sa school!" Hinila ko si Sheena na mukhang walang balak hiwatan ang pagtitig sa hunghang na lalaking iyon. "Sandali! May naiwan ako!"

Ikinagulat ko ang pagsigaw niyang iyon. Agad siyang tumakbo papunta sa direksiyon ni Angelo na mukhang nagtataka rin sa inaasta ng kapatid ko.

"Anong naiwan mo? Parang wala naman, ah," tanong ng lalaki. 

"May nakalimutan ako." Tumingkayad si Sheena at saka inilapit ang mukha kay Angelo. Ikinagulat ko nang mabilisan niyang hagkan ang lalaki sa pisngi. Mula sa pwesto ko ay dinig ang tunog ng halik na iyon. "Iyan, iyan ang nalimutan ko." 

Bab terkait

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 7

    "ALAS-DIYES na ah, bakit ngayon lang kayo dumating?! Nalimutan niyo na bang may curfew kayo?!"Napatungo na lamang ako sa tanong na iyon ni Tita. Tiningnan ko si Sheena at agad na tinapik nang makitang mukhang wala itong pakialam. Animo'y may sarili itong mundo. Hawak nito ang labi habang panay ang ngiti."Nakikinig ka ba, Sheena?!" Kahit itinanong na iyon ni Tita nang mas malakas ay hindi pa rin nagbago ang hitsura nito.Napaawang na lamang ang bibig ko nang batukan ni Tita si Sheena. Agad naman itong nanumbalik sa katinuan."Aray ko naman, ma! Kapag ako na-bobo huwag kayong magrereklamo sa mababa kong grades.""Hindi ang pambabatok ko ang magpapababa sa grades mo kundi iyang kalalakwatsa mo!"Hindi na umimik pa si Sheena. Ngumuso na lamang ito habang pinagdidikit ang dalawang hintuturo. Alam niyang kahit gaano siya kadaldal ay wala pa rin siyang panama sa tunay ng reyna

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-30
  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 8

    "O-ONYX! Hehe. Anong ginagawa mo rito?" tanong ng isa sa mga lalaki."Bitawan niyo si Rosanne."Dahan-dahan akong binitawan ng lalaking nakahawak sa akin. Mabilis akong naglakad ulit. Walang lingunan akong nagpatuloy sa paglalakad. Mali-late na ako at nakakainis dahil bad shot agad ako sa mga teachers ko ngayon."Rosanne!" Ikinagulat ko nang may humawak na naman sa braso ko. "Ayos ka lang?"Nilingon ko ito at saka nginisian. "Bitawan mo ako kung ayaw mong sa'yo ko ibaling ang pagka-badtrip ko.""I'm s-sorry." Agad na binitawan ni Onyx ang braso ko.Wala itong nasabi nang simulan ko na ulit ang paglalakad. Nagmamadali kong tinahak ang daan papunta sa PNHS. Halos takbuhin ko pa nga ang gate sa pagmamadali.Nang makarating sa gate ay agad kong naalala ang assignments kong ginawa kagabi. Nadala ko ba ang mga iyon o naiwan ko sa study table sa kwarto? Napairap ako sa kawalan dahil sa sarili ko na namang katangahan.Habang naglalakad

    Terakhir Diperbarui : 2021-10-01
  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 9

    "Y-YES, ANGELO. Pumapayag akong magpaligaw sa'yo."Matapos iyong sabihin ng kapatid ko ay saka nagsitilian ang mga estudyante sa loob ng canteen. Irita na lamang akong napairap dahil sa kaingayan nilang lahat. "OMG! Kinikilig ako!" "Sana hindi na pahirapan ni Queen manligaw si Angelo. Bagay naman silang dalawa eh!" "Knowing our Queen, hindi iyan basta-basta pumapatol sa kahit na sino. And I get her, masiyado siyang maganda to let her standards fall.""Yieee!" Hindi pa rin nawala ang nakakairitang ingay kahit ilang minuto na simula nang payagan ni Sheena na manligaw si Angelo.Lumabas na lamang ako ng canteen para hindi na marinig pa ang tilian nilang para bang kinakatay ng baboy. "Rose!" Agad akong napalingon nang biglang may tumawag sa akin sa loob ng canteen. Nang makitang si Angelo iyon ay saka nagsalubong ang mga kilay ko. Ano bang kailangan ng hunghang na 'to? Nawala ang nakakabinging sigawan at lahat ay napunta ang atens

    Terakhir Diperbarui : 2021-10-02
  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 10

    NANG makitang may mga tao na sa classroom at nagsisimula na ang klase ay pumasok na rin ako. Bahala na sila kung anuman ang iisipin nila sa hitsura ko ngayon. Wala na akong pakialam kung mas lalo akong pumangit sa mga mata nila. Bulagin ko pa sila, eh."Tingnan mo, umiyak siguro iyan." "Baka na-bully." "Hindi naman na nakakagulat, ang pangit kaya niya. Nakakapagtaka naman kung walang mambubully sa kaniya, 'no." Blangko lamang ang ekspresyon ko habang umuupo sa silya ko sa unahan ng klase. Lahat ay nasa akin ang atensyon. "Ano?" salubong ang kilay at pasigaw kong tanong. Kaniya-kaniya naman silang nagsipag-balikan sa mga g

    Terakhir Diperbarui : 2021-10-22
  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 11

    "BAKIT ngayon ka lang?" Kalmado man ang tono ay naroon pa rin ang pagsasalubong ng mga kilay ni Angelo. Hindi ako makatingin sa kaniya ng matagal dahil inaagaw ang atensyon ko ng notebook na hawak niya. Bakit nasa kaniya ang writer notes ko? Nalaman na kaya niyang ako ang totoong cameyofan at hindi ang kapatid kong si Sheena?! "I'm asking you, bakit ngayon ka lang?" pag-uulit ng kaharap ko sa tanong. Nakaupo siya sa silya ng karinderya at magkakrus ang mga braso. Hindi ko maiwasang mailang sa paraan niya ng pagtingin sa akin.Hindi ako 'to! Bakit ako naiilang sa isang

    Terakhir Diperbarui : 2021-10-23
  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 12

    "BAKIT ngayon ka lang dumating?" tanong sa akin ni Sheena habang sumasayaw sa sikat na tugtugin sa Tiktok ngayon.Napatingin siya sa hawak kong notebook kaya agad ko iyong nilagay sa loob ng bag ko. "Pagod ako, Sheena. Huwag mo akong guluhin.""Nagtatanong lang naman, ah. Late ka na kasi umuwi. Pasalamat ka nagma-mahjong si Mama sa kapitbahay kundi lagot ka.""Wala akong pakialam manahimik ka."Nginusuan ako ni Sheena habang panay pa rin ang sayaw sa harap ng cellphone niya. "Bakit ganiyan ka sa akin ngayon? Wala naman akong ginagawa, ah."Napairap na lang ako bago umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko. Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya agad ko naman iyong sinagot."Hello, anak!""Hell

    Terakhir Diperbarui : 2021-10-24
  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 13

    PINASADAHAN ko ng tingin ang mga naroroon at nagulat nang makita si Sheena sa bulwagan ng covered court. Nanlalaki ang mga mata nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "OMG! WHAT HAPPENED TO YOU?!" humahangos na tanong sa akin ni Sheena. "Okay ka lang, sister girl?" Dahan-dahan akong tumango saka pinagpag ang mga harina sa blouse ko. Ikinagulat ko naman nang hilahin bigla ni Sheena ang braso ko. Wala akong nagawa kundi magpahila sa kaniya palabas ng covered court. Nang tuluyan na kaming makalabas ay saka ko hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak ng kapatid ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mahaba niyang pagkakanguso. Animo'y isa itong batang nagmamaktol. "Anong p

    Terakhir Diperbarui : 2021-10-24
  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 14

    SUMAKAY ako ng kotse niya, ganoon din naman siya. Buong biyahe ay wala sa aming umiimik. May mahinang tugtog mula sa kotse niya na ipinapagpasalamat ko dahil nabawasan ang awkwardness. Napailing ako. Bakit kailangang mailang ako sa hunghang na ito? Siya lang naman si Angelo Francisco! Hindi siya dapat kinaiilangan. Tulad lang siya ng ibang mga tao! Anong nangyayari sa'yo Rose at nagkakaganiyan ka? Tumigil ang kotse sa tapat ng isang cafe. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang cafe kung saan nakipag-meet itong si Angelo sa kapatid ko. Out of all places bakit dito pa? "Malamig ang panahon ngayon, mukhang masarap din ang kape nila rito." Napasinghal ako. Kape lang pala ang gusto niya edi sa

    Terakhir Diperbarui : 2021-10-24

Bab terbaru

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 50 [ Last Chapter ]

    ANGELO'S POV NAPADAING ako nang makaramdam ng sakit ng ulo paggising. Ikinagulat ko nang makarinig ng ingay mula sa mga taong kasama. Tumayo ako sa kamang kinahihigaan saka nagpalinga-linga. Ano ang dahilan at nag-iingay sila nang ganito kaaga? Dahan-dahan akong humakbang sa sahig na yari sa kawayan at saka binuksan ang pintong gawa din sa kawayan. Bumungad sa akin ang mga kasamahan naming kaniya-kaniya ang paroo't parito. May tumatawag sa telepono at mayroon din namang panay ang pakikipagtalo sa isa pa. Napakagulo nila kaya taka ko silang pinakatitigan. "Anong nangyayari?" pupungas-pungas kong tanong. Saka lamang nila ako napansin nang sabihin ko iyon. Kitang-kita sa mukha nila ang pag-aalala. Lalong-lalo na sila Mr. and Mrs. Escara. "Nawawala si Rose," si Mama na ang sumagot sa tanong kong iyon. Natigilan ako at nanlaki ang mga mata nang marinig iyon? Nawawala? Tek

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 49

    "SAAN kayo papunta?" tanong ni Jelay nang makita kami ni Angelo'ng magkasama.Napatingin kami ni Angelo sa isa't isa. Napakamot sa batok niya si Angelo at saka nginiwian ang ate niya. "Bakit mo tinatanong?""Wala. Bakit, masama bang magtanong?""Wala ka na do'n, ate."Hinampas siya sa braso ni Jelay kaya agad naman siyang humaplos sa parteng iyon. "Bakit ba?!""Sasama ako." Nagpa-cute pa si Jelay matapos iyong sabihin. Akma pa nitong yayakapin ang kapatid pero winaksi lang siya ni Angelo."Ate, hindi ka pwede sumama. Baka manggulo ka lang sa amin. May mga kasama ka namang mga lalaki diyan, ba't nanggugulo ka sa 'min ngayon?'"Nanggugulo agad? Nagtatanong lang naman ako!" Ngumuso ito na animo'y batang nagmamaktol. Tinawanan lang naman siya ni Angelo. Wala nang nagawa si Jelay kundi hayaan na lamang kaming umalis. Ayaw kasi magpatalo nitong isa, e.Wala sa aming umiimik ni Angelo habang naglalakad sa pampang. Maski ako ay wala ri

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 48

    "A-ANGELO?" hindi makapaniwalang bulong ko nang makitang tanggalin ng lalaking nakaitim ang bonnet na suot. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi nang makita ang pagkakangisi ni Angelo sa akin."HA!" Hingal na hingal akong napabangon sa kaninang pagkakahiga. Pulos butil ng pawis sa noo ko't dibdib. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid habang ako'y hingal na hingal pa rin.Nang mapagtantong wala na ako sa panaginip at gising na'y saka ako napapikit at napahinga nang maluwag. Ikatlong beses ko nang napanaginipan iyon. At ngayong ikatlong pagkakataon ko nakita kung sino ang nasa likod ng lalaking iyon na nakaitim.Hindi ako makapaniwala.Si Angelo?Alam kong hindi niya iyon magagawa sa akin. Alam kong hindi niya ako kayang saktan. Hindi ko talaga maisip kung paanong nangyaring si Angelo ang pumatay sa akin sa panaginip kong iyon. It doesn't make sense. Hindi niya iyon kayang gawin sa akin. Hinding-hindi!Ngunit ano kaya ang ib

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 47

    NANG imulat ko ang mga mata ko ay laking gulat ko nang mapagmasdan ang lugar na hindi naman sa akin pamilyar. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Sobrang sakit pa ng ulo ko kaya nahirapan akong umupo mula sa kaninang pagkakahiga.Nasa isang kubo ako na maliit at walang kagamit-gamit bukod sa kamang hinihigaan ko. Pero nang tingnan ko sa sahig na yari sa kawayan ay nakalapag doon ang sari-saring mga bag. Iyon 'yung mga bag namin, kung 'di ako nagkakamali. Nakarating na kami sa resort? Marahil nga siguro.Abala pa ako sa pagmamasid nang bigla-biglang bumukas ang pintuang kawayan na nasa harap ko lang din. Iniluwa nito ang gulat na si Angelo. Pinakatitigan pa ako nito habang nakaawang ang mga labi. Nang matauhan ay agad itong lumapit sa akin. "A-Anong pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? May kailangan ka ba?" sunod-sunod nitong tanong.Dahan-dahan naman akong umiling bilang sagot sa huling katanungan niya.Bumuntonghininga naman siya at tumabi sa kin

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 46

    NAPATAKBO ako sa dalawang taong nakita ko sa pinto ng mansion nila Angelo. Hindi ko na napigilang mapahagulgol matapos silang makilala."Alesia, we miss you, anak." Hinaplos ni Mommy ang likod ko. Pati buhok at likod ng ulo ko ay hinagod niya saka niya ako binigyan ng halik sa tuktok ng ulo."We are happy you are safe. Please, lagi kang makinig sa amin. We only want what's best for you," si Daddy. Bumaling naman ako rito at agad na yumakap.Nagyakap kaming tatlo. Animo'y kami lang ang nandoon at hindi alintana na may mga nanonood sa amin, ang pamilya Francisco. Hinaplos nilang dalawa ang pisngi ko habang ako ay nagpipigil pa rin ng luha. "Na-miss ko po kayo.""Mas na-miss namin ang nag-iisa naming anak. We want to apologize for hiding the truth. Alam kong deserve mo na malaman ang lahat ng tungkol sa pagkatao pero kinain ako ng takot. I was so afraid that you'll leave us once na malaman mo ang totoo na hindi ka namin tunay na anak. Natatakot kaming ipaala

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 45

    NAGLAGLAG ako ng mga bulaklak sa bumababang kabaong ni Nanay. Inayos ko pa ang shades na suot at saka bumalik sa kaninang kinauupuan. Nang makabalik ay hinawakan ako sa balikat ni Onyx. Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti ng pilit.Kaunti lang ang dumalo sa libing ngayon ni Nanay. Ayon na rin iyon sa hiling ko. Gusto ko sana ay tahimik lang at talagang mga close lang ng pamilya namin ang makikita ko. Hindi ko rin kasi gusto pang makipag-usap kung kani-kanino ngayon."Ang sabi ng mga pulis ay nakasara daw ang pinto ng kwarto ni Tita Hyacinth. Naka-lock daw iyon kaya hindi nagkaroon ng pagkakataong makalabas si Tita. Sa bintana nila nakita ang katawan nito, mukhang nagpipilit na lumabas mula roon."Nagsipagtuluan ang mga luha ko nang marinig iyon mula kay Angelo. Lumapit sa akin si Jelay at pinisil pa ang kamay ko. Napatingin ako dito at saka nagpasalamat sa pagdalo. Mabuti na lamang at may mga tulad nila na handang damayan ako sa mga ganitong pagkakataon. Hin

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 44

    NANG imulat ko ang mga mata ko ay ikinagulat ko nang mapagmasdan ang mga puno at halaman sa paligid. Taka akong nagpalibot-libot ng tingin at saka tumayo. Where am I? Nasaan na ang nasusunog na kwarto na kinaroroonan namin? At si Onyx...Tears escaped from my eyes as scenes flashed into my mind. Hindi ko siya nagawang iligtas. Napahagulgol ako habang bahagyang nakahawak sa dibdib. Napakabigat ng dibdib kong iyon at kailangan ko pang hilutin para mabawasan ang bahagyang sakit."Rose..." Boses iyon ng isang lalaki.Agad akong napalingon sa palagay ko'y pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon. Napaawang ang mga labi ko nang makilala kung sino ang lalaking bumanggit ng pangalan ko. Lalo pang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ng medyo may edad nang lalaki at umiiyak na niyakap iyon. "P-Papa!"Ginantihan nito ang yakap ko."P-Patay ka na po, 'di ba?" tanong ko matapos ang ilang segundong katahimikan.Ti

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 43

    "THE two of you will pay for everything," mariin kong bulong. Sapat na ang lakas niyon para marinig ako ng kaharap ko. Hindi pa rin mawala ang masama kong pagkakatitig dito.Tinawanan lamang ako nito. "Anong kaya mong gawin ngayon? Wala kang kalaban-laban, Rose. Mamamatay kang hindi nalalaman ng mga tao ang tunay na mga nangyari. Papaniwalaan pa rin ng lahat na si Sheena si Rosanne Oliveros. Kami ng anak ko ang makikinabang sa mga yaman na para sa iyo talaga. Saklap 'no?""Totoo ang karma, Divine. Kung sa akin at sa ibang tao makakatakas kayo sa mga kasalanan niyo, pwes sa karma hindi."Ngumisi ito. "Basta ba ang kapalit ng karmang iyon ay ang pagkamatay mo, okay lang. Handa akong harapin ang karma ko basta mapapatay kita."Lumapit ito sa akin at saka mahigpit na hinawakan ng isang kamay ang tigkabilang pisngi ko. Nagkumawala ako sa pagkakahawak niya pero sinampal lang niya ako. My cheeks were already feeling numb. Ilang beses nang nasam

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 42

    NAILINGON ko sa kanan ang mukha ko nang sampalin na naman iyon ni Sheena. Napangiwi ako nang makaramdam ng hapdi sa gilid ng labi. May likidong dumaloy doon at nang tingnan ko ang pagpatak niyon sa sahig ay nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng dugo.Nginig ang mga labing napatingin ako sa kaharap. I glanced at her nervously, her eyes were screaming resentment. Gustuhin ko mang magalit at sigawan siya ay nadadala ako ng takot sa hitsura niya. I am intelligent enough to restrain myself. Baka ikamatay ko pa ang pagpapairal ng emosyon ko.Napakagat labi na lamang ako habang pinapakiramdaman ang pagdaloy ng dugo sa baba ko. Ikinagulat ko naman nang hilahin ni Sheena ang buhok ko. Napangiwi ako at agad na napatingala. I looked at the ceiling. "S-Sheena, let go of me. P-please..."Napapikit naman ako nang may malamig na metal na dumaan sa leeg ko. I flinched after realizing what it was. That cold metal went up until my cheeks. Ilang beses akong na

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status