"Magandang gabi, Sir Tommy. Pasok ka, nasa sala sina Sir at Ma'am. Kanina ka pa nila hinihintay," wika ng night guard sa kaniya."Magandang gabi rin po, Kuya. Sige po, maiwan na kita," tipid niyang tugon.Nasa entrance pa lamang siya main door ngunit kitang-kita na niya ang mga magulang. Halata ngang hinihintay siya. Kaya naman ay agad siyang nagparamdam, ipinaalam ang presensiya niya."Magandang gabi po, Mommy, Daddy," aniya."Oh, Iho, ikaw pala. Magandang gabi rin sa iyo, anak. Halika rito, maupo ka," masayang sabi ng Don."Kumain ka na ba, anak? Kung hindi ay magpapahanda tayo kay Yaya ng dinner mo," sabi naman ng Chief Of Police.Ngunit magalang niya itong tinanggihan. Hindi pa siya kumain ngunit wala siyang balak magtagal doon."Salamat na lang po, Mommy. Tapos na po ako," sagot na lamang niya. Kahit hindi pa siya kumportable sa mga ito ngunit ayaw din niyang tuluyang maging bastos.Then..."Anong plano mo ngayon, anak? Babalik ka na ba sa trabaho mo?" tanong ni Don Felimon sa bu
"Magandang gabi, Sir Tommy. Pasok ka, nasa sal sina Sir at Ma'am. Kanina ka pa nila hinihintay," wika ng night guard sa kaniya."Magandang gabi rin po, Kuya. Sige po, maiwan na kita," tipid niyang tugon.Nasa entrance pa lamang siya main door ngunit kitang-kita na niya ang mga magulang. Halata ngang hinihintay siya. Kaya naman ay agad siyang nagparamdam, ipinaalam ang presensiya niya."Magandang gabi po, Mommy, Daddy," aniya."Oh, Iho, ikaw pala. Magandang gabi rin sa iyo, anak. Halika rito, maupo ka," masayang sabi ng Don."Kumain ka na ba, anak? Kung hindi ay magpapahanda tayo kay Yaya ng dinner mo," sabi naman ng Chief Of Police.Ngunit magalang niya itong tinanggihan. Hindi pa siya kumain ngunit wala siyang balak magtagal doon."Salamat na lang po, Mommy. Tapos na po ako," sagot na lamang niya. Kahit hindi pa siya kumportable sa mga ito ngunit ayaw din niyang tuluyang maging bastos.Then..."Anong plano mo ngayon, anak? Babalik ka na ba sa trabaho mo?" tanong ni Don Felimon sa bun
"Oh nandiyan ka na pala anak. Bakit hindi mo pinapasok ang nobyo mo?" salubong ni Clarence sa anak."Ay gising ka pa pala, Daddy?" balik-tanong ng dalaga sabay yakap dito saka hinagkan sa noo."Pambihira ka namang bata ka, tinanong kita kaso sinagot mo din ng tanong?" napangiwing sabi ng padre de-pamilya.Kaya naman ay napangiti ang dalaga, totoo naman kasi ang ama niya kaso sa kawalan ng masabi'y iyon ang naisagot niya. Dahil hanggang sa oras na iyon ay palaisipan sa kaniya ang pagbabago ng kasintahan."Sabi niya ay lumalalim na ang gabi kaya next time na lang daw ang pasok niya, Daddy. Bakit may sasabihin ka ba sa kaniya?" muli ay tanong niya.Sa tanong ng anak niya ay napagdesisyunan niyang ito na lang ang kakausapin niya."Halika rito, anak. Maupo ka total hindi naman tumuloy ang nobyo mo'y ikaw na ang kakausapin ko." Nakalambitin ito sa kaniya kaya't iginaya na lamang niya ito sa upuan.Dito napagtanto ni Cassandra na talagang inaabangan siya ng ama kaso nagkataon namang hindi t
"Ang lukong ito, oo. Hindi pa rin nagigising." Napakamot sa ulo si Romy. Dahil umuwi sila na mahimbing ang tulog nito, nakabalik na sila ay tulog pa rin."Mukhang si Miss Mondragon ang napanaginipan niya, huh! Kung noon pa sana niya nilagawan ang dalagang iyon disin sana'y hindi lang sa panaginip niya nakikita," wika rin ni Samson.Subalit ang binatang may-ari sa bahay ay iba ang sinabi. Nakapagsuhestiyon ito ng magandang pampagising. Kaya naman imbes na tuluyan nila itong gisingin ay hindi dahil kumuha sila ng tubig. Parang eyes drop ang ginawa. Inunti-unting ipinatak sa mukha nito hanggang sa tuluyan itong nagising. Iyon nga lang ay pikit pa ang mata nito."Ano ba naman kayong tatlo. Maari bang patulugin n'yo muna ako?" anito saka muling hinila ang kumot.Ang ganda pa naman ng panaginip niya eh! Nandoon na, hahagkan na sana niya ang kasintahan niya! No, mali! Mapapangasawa niya dahil ikakasal na sana sila kung hindi lang dahil sa mga sutil niyang kaibigan ay kasal na sana sila ng dr
"Mukhang may road test ngayon, Sir?" salubong na tanong ng isa sa mga tauhan niya."Naturally wala, Boss. May umaaligid-ligid lamang kaya't iniligaw ko muna bago ako dumiretso rito. By the way, nandito na ba kayong lahat? Dahil kung oo ay maari na tayong magreport kay General. Wala naman kasi tayong kaalam-alam kung ano ang sasabihin," sagot niya saka inayos ang military uniform with his cap.Nauna siyang lumakad kaya hindi niya napansin ang pagtinginan ng mga ito. Ilan lamang sa kanila ang nakakaalam sa tunay niyang kalagayan. Dahil wala naman talaga siyang balak ipaalam sa kanila. K"Hmmm, Sir." Humabol sa kaniya si Rodel, isa sa mga nakakaalam."Yes, Rodel. May problema ba?" Lumingon siya rito. Nagtataka siya kung bakit hindi kumilos ang kasamahan niya. Idagdag pa ang paghabol nito na labis namang nakapagtataka."Sa tingin ko ay hindi mo na maitago ang kalagayan mo, Sir. I'm sorry to say this to you but look at yourself. Nag-iba na ng tuluyan ang kulay mo. Ayaw kong pangunahan ka n
Samantala, matapos kinausap ang mga magulang ay ang Yaya naman niya ang pinuntahan. Sinabihan niya ito na puntahan siya sa tree house sa likuran ng kuwarto niya. Kahit makita ito ng kapatid niya na papasok sa silid niya ay hanggang doon lamang ang malalaman. Silang dalawa lang ng Yaya niya ang may alam sa tree house na iyon sa loob ng mansion."Halika rito, Yaya. Maupo ka." Inalalayan niya itong makasampa ng maayos saka sa pang-upo nito.May edad na rin ito kaya't oras na rin upang siya naman ang magsilbi rito kahit pa sabihing siya ang amo. Ang rason niya ay hindi naman kasambahay ang turing niya rito kundi ina. Dahil ito naman talaga ang gumanap sa tungkulin ng mga magulang niya. Kung gusto nga lang nitong sasama sa kaniya ay gagawin niya, kahit pa sa barko kung nanaisin lang sana nito. Kaso hindi naman nito maiwan-iwan ang kaniyang ama na dati na rin nitong alaga bago pa man ito nag-asawa."Salamat, anak. Mukhang nakahanda ka na namang aalis, anak?" anito nang nakaupo ng maayos."O
"May iniwan bang sulat ang kaibigan natin sa inyo?" tanong ni Anjo sa dalawa niyang kaibigan."Hindi mo na kailangang itanong iyan, Bro. Dahil kung ano ang iniwasan sa iyo ay ganoon din sa amin. Kaso hindi ko lubos akalaing pati cash ay mayroon din. Hindi lang basta pera iyon mga 'TOL," agad na sabi ni Samson."Kaya siguro hindi na niya tayo hinintay dahil diyan. Maaaring inisip niya na talagang hindi natin tatanggapin kapag on hand ang pagbigay niya." Nakangiwi sabay hawak sa batok si Romy.Araw-araw silang magkakasama, papunta man sa trabaho o pag-uwi. Ngunit ng hapong iyon muli silang nagkita-kita dahil sa sobreng iniwan sa kanila ng kanilang kaibigan. Okay lang sana kung sobre lang ito kaso may tig biyente mil na nakalakip. Alam nilang barya lang iyon para sa kaibigan nila ngunit hindi nila akalaing basta ipapamigay ito sa kanila."Marami na siyang naitulong sa atin simula pa noong nag-aaral tayo. Cash man o sa ibang bagay ngunit ito ang pinakamalala. Alam kong marami siyang ipon
"Hanggang kailan mo balak ilihim kay Cassandra ang tungkol sa kalagayan mo, Kuya? Baka nakakahalata na ang tao kaya't naghahanap na rin ng paraan upang malaman ang tunay na dahilan mo kung bakit paunti-unti kang dumidistansiya sa kanya. Kaninang tanghali ay nakipagkita sa akin ngunit pinanindigan kong hindi nagsalita tungkol sa iyo. Pero Kuya naman, maawa ka sa kaniya," ani Imie sa kapatid. "Hindi ko alam, Sis. Kung paano ko ipagtatapat sa kaniya ang lahat. Ang nasa isipan ko ay mas nanaisin kong kamuhian niya ako kaysa ang malungkot siya sa aking paglisan. Kaya hanggang ngayon ay wala siyang kaalam-alam sa tunay kong kundisyon. Maaring iba ang iniisip niya pero mas mabuting ganoon na lamang kaysa ang kaawaan ako," pahayag ni Rodney."Ewan ko sa iyo, Kuya. Matino namang tao ang nobya mo. Siya ang uri ng tao na nakikinig sa paliwanag! Naturingan kang militar na may mataas na katungkulan pero pagdating sa love life mo ay ewan ko ka iyo. Maano bang ipagtapat mo sa kaniya ang totoong ka
"Ako ang natatakot, Andong. Hindi ko alam pero talagang kinakabahan ako simula pa kaninang umaga," ani Aling Tina. Sa boses pa lamang ay halatang hindi ito mapakali."Hindi lang naman ikaw ang kinakkabahan, asawa ko. Nagtungong siyudad si Tan-Tan upang sunduin ang Yaya ng Boss natin. Ngunit wala ring kasiguraduhan kung makakaalis ito ng mansion na walang makakapansin sa kaniya," tugon ni Mang Andong."Iyon na nga eh, madalas namang lumuluwas sa siyudad ang batang iyon ngunit ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Wala namang kasiguraduhan kung kailan darating si Sir Tommy." Palakad-lakad ang Ginang patunay lamang na hindi ito mapakali. Panaka-nakang sumisilip sa main gate na para bang nandoon ang mga taong hinihintay."Uuwi raw ang amo natin bago lalayag ang barko ni Sir Clarence. Pero mga ilang araw pa iyon dahil nasa Europe sila. Sigurado akong matatagalan din ang biyahe niya dahil sa distansiya." Sumusunod ang Ginoo sa kapaparoo't parito. Nagmukha tuloy silang nasa ROTC training dahi
"Who is she?" tanong ni Isabelle."Who? I mean who do you mean?" balik tanong kasama."Huh! I asked you first but you answered back with question. Well ,the lady who's with the owner of the cruise ship. She's with him since we stop few hours ago," Isabelle answered.Pero hindi pa nakasagot ang kasama ay inunahan ito ng ama. Nakalapit naman kasi ito na hindi nila nalamalayan."His sister, Isabelle. Why? Do you have problem with them?" tanong nito.Kaya naman napalingon sila. Sa direksyun pa lamang ng pinanggalingan nito ay kakarating din nito mula sa jewellery stand."No, Daddy. I don't have problem but I have some issues. What's her relationship with Tommy? I saw her with him a while ago. So I was wondering if who is she," tugon ng dalaga sa ama."Whatever their relation to each other, we don't need to mind them. Tommy Saavedra is one of the engineers here. As he told us few days ago, he's close to the Bosses of this cruise ship. But wait, why are you asking those question? Are you in
"Hey, guys. Are you not happy that I'm back here with you?" nakatawang tanong ni BN sa mga staff niya. Pero sa kaloob-looban niya ay may mali dahil naging tahanan na niya ang himpapawid at karagatan ngunit kailanman ay hindi pa nangyari na matamlay ang paborito niyang tauhan. Si Tommy Saavedra. Sa bawat pagsampa at pagbaba niya sa barko ay ito ang numero-unong madaldal. Kaya't labis-labis ang pagtataka niya sa katahimikan nito sa oras na iyon. Hindi pa nga niya ito nakakausap tungkol sa pasalubong niyang dala. Ang box ng yumaong opisyal at ang galing sa rancho na paborito daw nito ayun kay Tan-Tan."Of course not Boss." Napangiwi siya dahil sabay-sabay namang sumagot ang mga ito.Nakakapagtaka talaga ang reaksyons nila. Una ay halos hindi sila makapagsalita nang tuluyan siyang nakasampa dahil nauna na ang kapatid niya. Sa katunayan gumagala na ito sa mall. Ngayon naman nagsabay-sabay silang sumagot. Dahil dito ay mas mas tumibay ang pakiramdam niyang may mali sa mga ito. "In that
"Huwag mong kalimutan ang box para kay Tommy, anak. Maaring pauwi rin siya ngunit mas magandang dalhin mo iyan upang doon mo ibigay," wika ni Clarence sa anak.Abala ito sa muling pagliligpit kaya hindi nito napansin ang pagpasok niya. Ganoon naman kasi sila. Biniyayaan sila ng Maykapal ng yamang materyal ngunit hindi sila umaasa sa mga katulong. Lalo na sa mga gamit nila sa pagtravel. Sila mismo ang nag-aayos."Nandito ka pala, Daddy. Maupo ka po." Humarap ito sa kaniya. Akmang aasikasuhin pa siya nito kaso itinaas niya ang palad saka nagwika."Don't mind me here, anak. Ipagpatuloy mo lamang ang iyong ginagawa. Tomorrow afternoon, you will be leaving again. This time in Australia, papalapit na sa pier na ang MARGARITA. Kaya naisip kong puntahan ka rito at ipaalala ang box para kay Tommy." Sansala niya. Iminuwestra pa niya ang palad na ipagpatuloy lang ang ginagawa."Nailagay ko na rito sa isang maleta, Daddy. Safety na po ito sa personal luggage ko. Ang padala ni Mrs Rodrigo at Mrs
"Hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring balita kung saan nakatira ang Tan-Tan na iyon, San? Aba'y ilang buwan na ang nakakaraan simula nang umalis ang kapatid mo pero hanggang ngayon ay wala ka pa ring balita? Binigyan na rin kita ng ultimatum ngunit wala ka pa ring nagagawa? Aba'y anong ginagaws ninyo ng mga tauhan mo?" inis na tanong ni Don Felimon."Daddy, don't be mad alam mo namang mahirap hanapin ang taong nagtatago at sa pagkakaalam ko'y lumapit na ang taong iyon sa mga Boss ng gag*ng Tommy na iyon! Kung noon ka pa sana sumang-ayun sa suhestiyon namin ni Mommy. Gagamitin lang naman natin si Yaya eh," maangas na sagot ng binata."Shut up! I told you already before not to say that words anymore!" bulyaw ng Don."Scream all you want, Daddy. Ngunit nais ko rin pong ipaalala sa iyo na kayo na rin ni Mommy ang nagsabing we are running out of time. In other words, the more you resist to use Yaya, the more we lost the chance to gain back all your hard work," ayaw paawat na wika ni San.
MARGARITAKahit anong gawin ni Tommy ay hindi siya makatulog. Napapagdesisyunan niyang magpahangin kahit sa tapat lang ng cabin niya. Kaso paglabas niya ay sakto namang bumukas ang kabilang cabin. Kahit pa sabihing may pagitan ito mula sa kinaroroonan niya ay kitang-kita niya iyon."Kailan pa nila pinahintulutang may mamasyal sa bahaging ito ng barko lalo sa ganitong oras? Kaninang umaga ay ang Australian ang naligaw, sino naman kaya sa ganitong oras?" tanong niya sa sarili.Para sa kanilang mga engineers naman kasi ang deck na iyon. Gusto pa nga ng Boss niya na ilipat ang cabin niya dahil isa raw siyang right hand man ngunit mahigpit niyang tinutulan. Ang rason niya ay pare-parehas naman silang engineers, nagtatrabaho ng maayos kaya hindi na niya kailangan ang special treatment. Ang pinakadulo ay ang cabin ng co-captain ng Boss nila ngunit siya na ang co-captain ng Boss iyon nga lang ay right hand man ang tawag nila sa kaniya. Ang sampung cabin na magkakaharap ay para sa kanilang mga
"Hey! Watch out!" malakas niyang sabi dahil sa pagkabangga ng isang babae sa kaniya.Kung hindi pa niya ito naagapan ay parehas silang tumilapon. Baka nahulog pa sila sa karagatan kung walang railings. Pero sino ba kasi ito at paharang-harang sa dinaraanan niya samantalang nasa staff deck siya. Mga staff and engineers lamang ang maaring makatuntong sa bahaging iyon ng barko. Ngunit anong ginagawa ng babaing iyon doon?"I-im sorry, Sir. I-im lost." Nakatungo nitong paghingi ng paumanhin.Galit siya dahil sa pagkagulat ngunit ang paghingi nito ng paumanhin ay sapat na. Hindi naman siya ganoon kaipokrito lalo at may kasalanan din siya. Napalalim ang pag-iisip niya samantalang nasa daan siya."It's okay, Miss. But what are you doing in this side of the deck? Hindi mo ba alam na private part ito. Huwag mo ng ulitin ang pagpunta rito dahil baka iba ang makakita sa iyo," tugon niya."W-what are talking about? I don't get it," bakas sa mukha nito ang pagtataka.Kaya naman naisip niyang hindi
"Kailangan mo ba talagang babalik sa mansion, Nena?" tanong ni Aling Tina sa may edad ng Yaya ng mga Saavedra."Ok, Tina. Kailangang makabalik ako upang maiwasan ang pag-iisip nila laban sa inyo. Tama, napapaligiran ang buong rancho ng private armies pero huwag n'yo ring kalimutang tuso si Ma'am Sandra. Alam kong pinapaikot lamang niya si Sir kaya't naging sunod-sunuran ito. At oras na hindi ako babalik ngayon ay parang kinumpirma ko na nasa akin ang susi sa problema nila. Ayaw kong mangyari iyon, Tina. Wala sa bansa ang alaga ko kaya't hindi maaaring mabunyag ang lahat habang wala siya," paliwanag ng Yaya."Iyon na nga, Nena. Sa katusuhan nila ay baka kakalimutan na rin nila ang katutuhanan mahigit kuwarenta na taon ka sa kanila. Natatakot akong mapahamak ka, Nena." Napabuntunghininga siya dahil sa takot. Ayun sa anak niya ay binilinan ito ng amo nila na kumbinsihin nila ang Yaya nito upang huwag ng babalik sa mansion. Ngunit sa nakikita niya ay malabong papayag ito. Hindi lang kata
"Anong nalaman mo, San? Kalahating taon na ang nakalipas ngunit wala ka pa ring nagagawa upang alamin kung nasaan ang mga dokumento? Aba naman, San. Wala na ba talaga kaming pag-asa ng Daddy mo sa iyo?" hindi matukoy kung galit ba o ano na tanong ni Mrs Saavedra sa pangalawang anak."Mas naging maagap siya sa inaakala ko, Mommy. Wala na akong ibang masabi," nakatungong tugon ni San.Hindi naman sa wala siyang masabi ngunit nagsasawa na rin siya sa kakahanap ng paraan upang masiyahan ang magulang. Pinasok na rin niya ang mundo ng druga ngunit ito ay lingid sa kaalaman ng ina. Malupit ito sa kanilang magkakapatid, kinonsente sila ng yumao niyang Kuya Gil. Ngunit kailanman ay hindi ito konsintedor sa druga. Kumapit siya sa patalim para rin may pantustos siya bisyo dahil simula umalis at bumalik ng barko ang mortal nilang kaaway ay unti-unting nag-freezed ang income ng kabuhayan nila. Dahil dito ay naging mahigpit din ang ama niya sa pera. Mas naging eager naman ang ina sa paghahanap ng p