"Mukhang may road test ngayon, Sir?" salubong na tanong ng isa sa mga tauhan niya."Naturally wala, Boss. May umaaligid-ligid lamang kaya't iniligaw ko muna bago ako dumiretso rito. By the way, nandito na ba kayong lahat? Dahil kung oo ay maari na tayong magreport kay General. Wala naman kasi tayong kaalam-alam kung ano ang sasabihin," sagot niya saka inayos ang military uniform with his cap.Nauna siyang lumakad kaya hindi niya napansin ang pagtinginan ng mga ito. Ilan lamang sa kanila ang nakakaalam sa tunay niyang kalagayan. Dahil wala naman talaga siyang balak ipaalam sa kanila. K"Hmmm, Sir." Humabol sa kaniya si Rodel, isa sa mga nakakaalam."Yes, Rodel. May problema ba?" Lumingon siya rito. Nagtataka siya kung bakit hindi kumilos ang kasamahan niya. Idagdag pa ang paghabol nito na labis namang nakapagtataka."Sa tingin ko ay hindi mo na maitago ang kalagayan mo, Sir. I'm sorry to say this to you but look at yourself. Nag-iba na ng tuluyan ang kulay mo. Ayaw kong pangunahan ka n
Samantala, matapos kinausap ang mga magulang ay ang Yaya naman niya ang pinuntahan. Sinabihan niya ito na puntahan siya sa tree house sa likuran ng kuwarto niya. Kahit makita ito ng kapatid niya na papasok sa silid niya ay hanggang doon lamang ang malalaman. Silang dalawa lang ng Yaya niya ang may alam sa tree house na iyon sa loob ng mansion."Halika rito, Yaya. Maupo ka." Inalalayan niya itong makasampa ng maayos saka sa pang-upo nito.May edad na rin ito kaya't oras na rin upang siya naman ang magsilbi rito kahit pa sabihing siya ang amo. Ang rason niya ay hindi naman kasambahay ang turing niya rito kundi ina. Dahil ito naman talaga ang gumanap sa tungkulin ng mga magulang niya. Kung gusto nga lang nitong sasama sa kaniya ay gagawin niya, kahit pa sa barko kung nanaisin lang sana nito. Kaso hindi naman nito maiwan-iwan ang kaniyang ama na dati na rin nitong alaga bago pa man ito nag-asawa."Salamat, anak. Mukhang nakahanda ka na namang aalis, anak?" anito nang nakaupo ng maayos."O
"May iniwan bang sulat ang kaibigan natin sa inyo?" tanong ni Anjo sa dalawa niyang kaibigan."Hindi mo na kailangang itanong iyan, Bro. Dahil kung ano ang iniwasan sa iyo ay ganoon din sa amin. Kaso hindi ko lubos akalaing pati cash ay mayroon din. Hindi lang basta pera iyon mga 'TOL," agad na sabi ni Samson."Kaya siguro hindi na niya tayo hinintay dahil diyan. Maaaring inisip niya na talagang hindi natin tatanggapin kapag on hand ang pagbigay niya." Nakangiwi sabay hawak sa batok si Romy.Araw-araw silang magkakasama, papunta man sa trabaho o pag-uwi. Ngunit ng hapong iyon muli silang nagkita-kita dahil sa sobreng iniwan sa kanila ng kanilang kaibigan. Okay lang sana kung sobre lang ito kaso may tig biyente mil na nakalakip. Alam nilang barya lang iyon para sa kaibigan nila ngunit hindi nila akalaing basta ipapamigay ito sa kanila."Marami na siyang naitulong sa atin simula pa noong nag-aaral tayo. Cash man o sa ibang bagay ngunit ito ang pinakamalala. Alam kong marami siyang ipon
"Hanggang kailan mo balak ilihim kay Cassandra ang tungkol sa kalagayan mo, Kuya? Baka nakakahalata na ang tao kaya't naghahanap na rin ng paraan upang malaman ang tunay na dahilan mo kung bakit paunti-unti kang dumidistansiya sa kanya. Kaninang tanghali ay nakipagkita sa akin ngunit pinanindigan kong hindi nagsalita tungkol sa iyo. Pero Kuya naman, maawa ka sa kaniya," ani Imie sa kapatid. "Hindi ko alam, Sis. Kung paano ko ipagtatapat sa kaniya ang lahat. Ang nasa isipan ko ay mas nanaisin kong kamuhian niya ako kaysa ang malungkot siya sa aking paglisan. Kaya hanggang ngayon ay wala siyang kaalam-alam sa tunay kong kundisyon. Maaring iba ang iniisip niya pero mas mabuting ganoon na lamang kaysa ang kaawaan ako," pahayag ni Rodney."Ewan ko sa iyo, Kuya. Matino namang tao ang nobya mo. Siya ang uri ng tao na nakikinig sa paliwanag! Naturingan kang militar na may mataas na katungkulan pero pagdating sa love life mo ay ewan ko ka iyo. Maano bang ipagtapat mo sa kaniya ang totoong ka
Sa kabilang banda, dahil hindi siya dalawin ng antok kahit anong baliktad niya sa kaniyang higaan ay mas minabuti niyang bumaba sa garden nila sa pag-aakalang tulog na ang mga tao kaso nasa hagdan pa lang siya'y nakita na niya ang kapatid na panganay at ang kanilang amang masinsinang nag-uusap sa kanilang maluwag na sala. Kung tutuusin ay two months lang itong sumampa ngunit dahil dumaong na Italian Port ang MARGARITA ay sumaglit ito ng uwi. Wala naman siyang kaalam-alam kung ano ang pinag-uusapan nila na mukhang napakaseryoso."Oh, Iha. Saan ka pupunta sa ganitong oras? Akala ko ba ay tulog ka na kayo ng kambal mo?" agad na sabi ng kaniyang ama ng napansin siya."Magpapahangin sana sa garden, Daddy. Hindi ako dalawin ng antok eh. Kayo ni Kuya bakit hindi pa kayo natutulog? Hindi ba't tumae at umihi lang si Kuya rito? Ah... Me and my mouth again. Itong si Kuya kasi, kakasampa lang ngunit ginawa na yatang tahanan ang himpapawid," aniya sa tumingin sa ama na naghihintay ng sagot ngunit
"Kuya, anong nangyari? I mean bakit nag-iba tayo ng daan? Hindi ba't pupunta tayo ng airport?" maang na tanong ni Tan-Tan.Hindi pa siya nakakapunta ng paliparan ngunit marunong naman siyang bumasa ng mga sign boards. May mga arrows ang bawat daanan kaya't alam niyang hindi sa airport ang tungo nila."I'm sorry to tell you, Tan-Tan. Ngunit tumawag ang Boss ko kaninang nasa rancho tayo. Sa kanila na raw kami manggagaling ni Boss Tommy. Ayun sa kanila ay upang maagapan kung sakali mang may ibang binabalak ang kapatid ko lalo na sa iyo, Tan-Tan. Maaring tama ka nga na may iba silang balak laban sa akin ngunit wala silang makukuhang impormasyon dahil hindi nila alam kung saan ako tumutuloy. At kung ikaw ang mapagpabalingan nila ay malaking problema. So, naisip ni Sir Clarence na sasabay na lang ako kay Boss Brian. Pagkahatid mo sa akin sa bahay nila ay maari ka ng babalik sa rancho upang walang ibang makakita sa iyo lalo na ang alipores ng Kuya ko," paliwanag ni Tommy.Sa pahayag ng Kuya
"Anong oras na bakit hindi ko pa natatanawan ang mga iyon?" bulong ni San.Nagsisimula na siyang mainis dahil maaga pa lamang ay nasa paliparan na siya upang makasiguradong hindi makakaligtas sa paningin niya ang mga hayop. Kaso talagang wala pa siyang nakikita kahit anino sana nito o ang hampas-lupa nitong kasama."Ah! Damm those men! Nasaan na ba sila?" Napamura tuloy siya dahil sa inis.Iyon ang pinakaayaw niya sa lahat ang naghihintay ng napakatagal. Kung hindi lang sana nila kailangan ang gago ay pina-shoot to kill na niya ito. Kaso sa tuwing sinasabi niya iyon sa ina ay bulyaw at mura lamang din ang napapala. Kaya't mas pinili niya ang sumunod sa utos nito dahil ayaw naman niyang lagi siyang napapagalitan. At saka ito rin ang may control sa ATM nila ng Kuya niya. Ang ATM nga ng gago niyang kapatid ay nasa kanila ngunit hindi rin nila magamit o mapakialaman.Sa inis ay nagpalakad-lakad siya. Humalo siya sa mga nandoon ngunit mas pinili niya ang pumuwesto sa bandang hulian upang h
"Engineer Saavedra, kanina pa kita napansing tahimik ah. May iniwan ka na bang kabiyak ng puso mo?" Pukaw ni Brian Niel sa binatang mula sa airport ay tahimik.Nakakapanibago para sa kanya ang bagay na iyon dahil para itong babaing madaldal kapag nagsimula sa pagsasalita kaso himala yatang nalunok ang dila. Pero sa kabilang bahagi ng isipan niya ay may hinala na siya kung bakit tahimik ito. Idagdag pa ang inis nito sa airport sa mga babaing walang awang bumangga sa may edad na lalaki."Ang magiging kabiyak ko ay ang kapatid mo, Boss. Iniisip ko pa kung paano ko siya maagaw kay Sir Officer upang madala ko sa aking palasyo," tugon ni Tommy.Ngunit sa isipan niya ay hindi na niya ito kailangang agawin dahil bukod sa malapit nang mamatay ang opisyal ay naihabilin na nito sa kaniya. Mahal niya ang dalaga ngunit hindi ibig sabihin na ilalayo niya ito sa kasintahan. Kung wala man sigurong taning ang buhay ng opisyal ay hindi siya papagitna kahit pa sabihing mahal niya ang dragona. Subalit an
"Ako ang natatakot, Andong. Hindi ko alam pero talagang kinakabahan ako simula pa kaninang umaga," ani Aling Tina. Sa boses pa lamang ay halatang hindi ito mapakali."Hindi lang naman ikaw ang kinakkabahan, asawa ko. Nagtungong siyudad si Tan-Tan upang sunduin ang Yaya ng Boss natin. Ngunit wala ring kasiguraduhan kung makakaalis ito ng mansion na walang makakapansin sa kaniya," tugon ni Mang Andong."Iyon na nga eh, madalas namang lumuluwas sa siyudad ang batang iyon ngunit ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Wala namang kasiguraduhan kung kailan darating si Sir Tommy." Palakad-lakad ang Ginang patunay lamang na hindi ito mapakali. Panaka-nakang sumisilip sa main gate na para bang nandoon ang mga taong hinihintay."Uuwi raw ang amo natin bago lalayag ang barko ni Sir Clarence. Pero mga ilang araw pa iyon dahil nasa Europe sila. Sigurado akong matatagalan din ang biyahe niya dahil sa distansiya." Sumusunod ang Ginoo sa kapaparoo't parito. Nagmukha tuloy silang nasa ROTC training dahi
"Who is she?" tanong ni Isabelle."Who? I mean who do you mean?" balik tanong kasama."Huh! I asked you first but you answered back with question. Well ,the lady who's with the owner of the cruise ship. She's with him since we stop few hours ago," Isabelle answered.Pero hindi pa nakasagot ang kasama ay inunahan ito ng ama. Nakalapit naman kasi ito na hindi nila nalamalayan."His sister, Isabelle. Why? Do you have problem with them?" tanong nito.Kaya naman napalingon sila. Sa direksyun pa lamang ng pinanggalingan nito ay kakarating din nito mula sa jewellery stand."No, Daddy. I don't have problem but I have some issues. What's her relationship with Tommy? I saw her with him a while ago. So I was wondering if who is she," tugon ng dalaga sa ama."Whatever their relation to each other, we don't need to mind them. Tommy Saavedra is one of the engineers here. As he told us few days ago, he's close to the Bosses of this cruise ship. But wait, why are you asking those question? Are you in
"Hey, guys. Are you not happy that I'm back here with you?" nakatawang tanong ni BN sa mga staff niya. Pero sa kaloob-looban niya ay may mali dahil naging tahanan na niya ang himpapawid at karagatan ngunit kailanman ay hindi pa nangyari na matamlay ang paborito niyang tauhan. Si Tommy Saavedra. Sa bawat pagsampa at pagbaba niya sa barko ay ito ang numero-unong madaldal. Kaya't labis-labis ang pagtataka niya sa katahimikan nito sa oras na iyon. Hindi pa nga niya ito nakakausap tungkol sa pasalubong niyang dala. Ang box ng yumaong opisyal at ang galing sa rancho na paborito daw nito ayun kay Tan-Tan."Of course not Boss." Napangiwi siya dahil sabay-sabay namang sumagot ang mga ito.Nakakapagtaka talaga ang reaksyons nila. Una ay halos hindi sila makapagsalita nang tuluyan siyang nakasampa dahil nauna na ang kapatid niya. Sa katunayan gumagala na ito sa mall. Ngayon naman nagsabay-sabay silang sumagot. Dahil dito ay mas mas tumibay ang pakiramdam niyang may mali sa mga ito. "In that
"Huwag mong kalimutan ang box para kay Tommy, anak. Maaring pauwi rin siya ngunit mas magandang dalhin mo iyan upang doon mo ibigay," wika ni Clarence sa anak.Abala ito sa muling pagliligpit kaya hindi nito napansin ang pagpasok niya. Ganoon naman kasi sila. Biniyayaan sila ng Maykapal ng yamang materyal ngunit hindi sila umaasa sa mga katulong. Lalo na sa mga gamit nila sa pagtravel. Sila mismo ang nag-aayos."Nandito ka pala, Daddy. Maupo ka po." Humarap ito sa kaniya. Akmang aasikasuhin pa siya nito kaso itinaas niya ang palad saka nagwika."Don't mind me here, anak. Ipagpatuloy mo lamang ang iyong ginagawa. Tomorrow afternoon, you will be leaving again. This time in Australia, papalapit na sa pier na ang MARGARITA. Kaya naisip kong puntahan ka rito at ipaalala ang box para kay Tommy." Sansala niya. Iminuwestra pa niya ang palad na ipagpatuloy lang ang ginagawa."Nailagay ko na rito sa isang maleta, Daddy. Safety na po ito sa personal luggage ko. Ang padala ni Mrs Rodrigo at Mrs
"Hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring balita kung saan nakatira ang Tan-Tan na iyon, San? Aba'y ilang buwan na ang nakakaraan simula nang umalis ang kapatid mo pero hanggang ngayon ay wala ka pa ring balita? Binigyan na rin kita ng ultimatum ngunit wala ka pa ring nagagawa? Aba'y anong ginagaws ninyo ng mga tauhan mo?" inis na tanong ni Don Felimon."Daddy, don't be mad alam mo namang mahirap hanapin ang taong nagtatago at sa pagkakaalam ko'y lumapit na ang taong iyon sa mga Boss ng gag*ng Tommy na iyon! Kung noon ka pa sana sumang-ayun sa suhestiyon namin ni Mommy. Gagamitin lang naman natin si Yaya eh," maangas na sagot ng binata."Shut up! I told you already before not to say that words anymore!" bulyaw ng Don."Scream all you want, Daddy. Ngunit nais ko rin pong ipaalala sa iyo na kayo na rin ni Mommy ang nagsabing we are running out of time. In other words, the more you resist to use Yaya, the more we lost the chance to gain back all your hard work," ayaw paawat na wika ni San.
MARGARITAKahit anong gawin ni Tommy ay hindi siya makatulog. Napapagdesisyunan niyang magpahangin kahit sa tapat lang ng cabin niya. Kaso paglabas niya ay sakto namang bumukas ang kabilang cabin. Kahit pa sabihing may pagitan ito mula sa kinaroroonan niya ay kitang-kita niya iyon."Kailan pa nila pinahintulutang may mamasyal sa bahaging ito ng barko lalo sa ganitong oras? Kaninang umaga ay ang Australian ang naligaw, sino naman kaya sa ganitong oras?" tanong niya sa sarili.Para sa kanilang mga engineers naman kasi ang deck na iyon. Gusto pa nga ng Boss niya na ilipat ang cabin niya dahil isa raw siyang right hand man ngunit mahigpit niyang tinutulan. Ang rason niya ay pare-parehas naman silang engineers, nagtatrabaho ng maayos kaya hindi na niya kailangan ang special treatment. Ang pinakadulo ay ang cabin ng co-captain ng Boss nila ngunit siya na ang co-captain ng Boss iyon nga lang ay right hand man ang tawag nila sa kaniya. Ang sampung cabin na magkakaharap ay para sa kanilang mga
"Hey! Watch out!" malakas niyang sabi dahil sa pagkabangga ng isang babae sa kaniya.Kung hindi pa niya ito naagapan ay parehas silang tumilapon. Baka nahulog pa sila sa karagatan kung walang railings. Pero sino ba kasi ito at paharang-harang sa dinaraanan niya samantalang nasa staff deck siya. Mga staff and engineers lamang ang maaring makatuntong sa bahaging iyon ng barko. Ngunit anong ginagawa ng babaing iyon doon?"I-im sorry, Sir. I-im lost." Nakatungo nitong paghingi ng paumanhin.Galit siya dahil sa pagkagulat ngunit ang paghingi nito ng paumanhin ay sapat na. Hindi naman siya ganoon kaipokrito lalo at may kasalanan din siya. Napalalim ang pag-iisip niya samantalang nasa daan siya."It's okay, Miss. But what are you doing in this side of the deck? Hindi mo ba alam na private part ito. Huwag mo ng ulitin ang pagpunta rito dahil baka iba ang makakita sa iyo," tugon niya."W-what are talking about? I don't get it," bakas sa mukha nito ang pagtataka.Kaya naman naisip niyang hindi
"Kailangan mo ba talagang babalik sa mansion, Nena?" tanong ni Aling Tina sa may edad ng Yaya ng mga Saavedra."Ok, Tina. Kailangang makabalik ako upang maiwasan ang pag-iisip nila laban sa inyo. Tama, napapaligiran ang buong rancho ng private armies pero huwag n'yo ring kalimutang tuso si Ma'am Sandra. Alam kong pinapaikot lamang niya si Sir kaya't naging sunod-sunuran ito. At oras na hindi ako babalik ngayon ay parang kinumpirma ko na nasa akin ang susi sa problema nila. Ayaw kong mangyari iyon, Tina. Wala sa bansa ang alaga ko kaya't hindi maaaring mabunyag ang lahat habang wala siya," paliwanag ng Yaya."Iyon na nga, Nena. Sa katusuhan nila ay baka kakalimutan na rin nila ang katutuhanan mahigit kuwarenta na taon ka sa kanila. Natatakot akong mapahamak ka, Nena." Napabuntunghininga siya dahil sa takot. Ayun sa anak niya ay binilinan ito ng amo nila na kumbinsihin nila ang Yaya nito upang huwag ng babalik sa mansion. Ngunit sa nakikita niya ay malabong papayag ito. Hindi lang kata
"Anong nalaman mo, San? Kalahating taon na ang nakalipas ngunit wala ka pa ring nagagawa upang alamin kung nasaan ang mga dokumento? Aba naman, San. Wala na ba talaga kaming pag-asa ng Daddy mo sa iyo?" hindi matukoy kung galit ba o ano na tanong ni Mrs Saavedra sa pangalawang anak."Mas naging maagap siya sa inaakala ko, Mommy. Wala na akong ibang masabi," nakatungong tugon ni San.Hindi naman sa wala siyang masabi ngunit nagsasawa na rin siya sa kakahanap ng paraan upang masiyahan ang magulang. Pinasok na rin niya ang mundo ng druga ngunit ito ay lingid sa kaalaman ng ina. Malupit ito sa kanilang magkakapatid, kinonsente sila ng yumao niyang Kuya Gil. Ngunit kailanman ay hindi ito konsintedor sa druga. Kumapit siya sa patalim para rin may pantustos siya bisyo dahil simula umalis at bumalik ng barko ang mortal nilang kaaway ay unti-unting nag-freezed ang income ng kabuhayan nila. Dahil dito ay naging mahigpit din ang ama niya sa pera. Mas naging eager naman ang ina sa paghahanap ng p