Please take a moment to rate and comment on this novel. I can't wait for you to join me in the second book, where we'll dive into even hotter and bolder scenes that you won't want to miss!
PRESENT DAY...PAGPASOK ni Alvin sa entrance ng gusali ng Prime Marketing Incorporated na may walong palapag ay nakangiti siyang binati ng guard na naka-duty doon. Minana pa niya ang kompanyang iyon sa kaniyang mga magulang.Nagsimula ang business nilang iyon bilang hardware store, ang Acosta Hardware na sa paglipas ng limang taon ay nagawa niyang palaguin na sa kalaunan ay naging distribution company ng iba’t-ibang construction products. At kahit hindi niya aminin, alam ni Alvin na dahil iyon sa iisang babae.Nang maramdaman ang pamilyar na sakit na gumuhit sa kaniyang dibdib ay agad na iwinaglit ni Alvin ang isiping iyon sa kaniyang isipan.Kung may nangyari sa nakaraan niya na hinding-hindi niya gustong binabalikan, iyon ay ang tungkol kay Patricia. Palagi kasi ay nararamdaman niya ang pagguhit ng sakit sa kaniyang dibdib at hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.Feeling niya nasa dibdib lang niya ang sa
FIVE YEARS AGO...MALUNGKOT na pinahid ni Patricia ang mga luha niyang parang wala na yatang katupusan dahil hanggang ngayon ay patuloy parin iyon sa masaganang pagdaloy. Ilang sandali niyang tinitigan muna ang natutulog na si Alvin bago niya kinuha ang kaniyang shoulder bag.Ngayon aware na siya kung ano ba ang totoong nararamdaman niya para sa lalaki. At kahit hindi niya aminin dito alam niya sa sarili niya mismo na ang dati pagtingin niya kay Alvin noon nasa kolehiyo pa lamang sila ay muling nagbalik. At dahil iyon sa kahinaan niya dahil sa mga kapusukan naman nito sa kaniya.Lumabas siya ng kwarto saka maingat na inilapat ang pinto pasara. Pagkatapos noon ay nagmamadali ang mga hakbang niyang tuluyang nilisan ang mataas na gusali kung nasaan ang condominium unit ng binata.Bakit ba siya pumayag na maging ganito? To think na ibinigay niya ang virginity niya sa lalaking alam naman niyang w
KATULAD ng sinabi na niya kanina, iba ang nangyayari kapag naglapat na ang kanilang mga labi. Nasasabi niya iyon dahil wala pa siyang natatandaan na pangyayaring nagawa siyang halikan ni Alvin at nasa pribadong lugar sila katulad ng condo nito o kaya naman ay dito sa apartment niya nang hindi nauuwi sa isang mainit na pagtatalik ang lahat.Masyado siyang malambot at aminado siyang mahina siya. At ang binata naman ay likas na mapusok. Bagay na hindi niya nakita rito dahil sa matagal na panahon na pagiging magkaibigan nilang dalawa ay nanatiling gentleman ito sa kaniya."Please, tama na," bulong niya nang magkaroon siya ng pagkakataon.Pero parang walang naririnig na itinaas lang siya ng binata saka siya mabilis na ipinasok sa loob ng kaniyang kwarto.Sa kama niya siya inihiga nito, sa paanan niya mismo ay nagsimula itong maghubad sa mabibilis na kilos. Tila ba iniisip nito ba baka bigla siyang tumakb
KUNG tutuusin hindi naman kawalan sa kaniya ang lahat ng nangyari. Lalake siya at sanay siya na babae ang naghahabol sa kaniya. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit pagkatapos nang lahat ng namagitan sa kanilang dalawa ni Patricia ay palaging ito parin ang laman ng isipan niya tuwing gabi.At sinungaling siya kung hindi niya aaminin na ang lahat ng nangyari sa kanila ay paulit-ulit niyang binabalikan sa kaniyang gunito at may mga pagkakataon pang maging sa panaginip ay kasama niya ang mga iyon.Hindi malinaw sa kaniya kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman para sa kaniyang kababata pero aminado siya na galit siya rito dahil sa ginawa nitong pang-iiwan sa kaniya. At kung sakaling magkakaroon ng pagkakataon at makakaharap niya ito, hindi niya maipapangako na hindi niya ito masusumbatan o mapagsasalitaan ng masakit, dahil narin sa lahat paghihirap ng kalooban at matinding kalungkutan na idinulot nito sa kaniya mul
PARANG natauhan na magkakasunod na tumango si Patricia sa tanong na iyon sa kaniya ni Alvin. Hindi niya alam kung kaya niyang tagalan ang katotohanan na ito ang magiging boss niya kung sakali pero kailangan niya ng pera at walang puwang sa mundo niya ngayon ang pag-iinarte at pagbalik o pagpapaapekto sa nakaraan."Y-Yes sir, I'm okay," sagot niyang pilit na nginitian si Alvin.Tumango ang binata saka siya pinakatitigan. "Sige hindi na ako magtatanong ng iba pang impormasyon tungkol sa iyo o sa buhay mo pero mayroon akong gustong malaman at kailangan ko ang sagot mo ngayon mismo," anitong ibinaba ang hawak na folder at saka siya tinitigan ng tuwid sa kaniyang mga mata.Hindi maintindihan ni Patricia kung namamalik-mata lamang siya pero parang nakita niyang sandaling nanalim ang mga mata ni Alvin habang nakatitig ito sa kaniya. Pagkatapos naman noon ay naging normal na ang mga iyon bagaman salat sa damdamin at parang wala siyang makapa na kahit an
NANG gabing iyon ay inihanda ni Patricia ang damit na isusuot niya para sa unang araw niya bukas sa trabaho bilang sekretarya ni Alvin. Aminado siyang apektado siya sa binata pero hindi narin naman iyon katulad ng dati dahil nang mga panahong iyon ay hulog na hulog siya rito. Sa kaisipang iyon ay agad siyang napabuntong hininga. Sana lang ay hindi na maulit ang nakaraan at sana ay hindi na siya muling maging mahina rito. Kahit naman kasi nakapag-asawa na siya ay alam niya sa sarili niyang hindi nawala sa puso niya si Alvin, katulad ng nauna na niyang sinabi. Pero dahil mas matured na siya ngayon kumpara noon ay inaasahan niyang magagawang niyang ihiwalay ang emosyon sa kaniyang propesyonal na pagtatrabaho. Pero paano nga ba siya nahulog noon sa lalaki? Hindi rin niya alam kasi ang natatandaan niya, nagising na lamang siya isang araw at in love na siya rito. Sa kabila iyon ng katotohanang ang best friend niyang si Portia ang walang kapaguran na hinaha
"TEKA, bakit parang ang mahal naman yata nitong regalo mo sa akin? Baka mamaya magselos nito si Jane?" tanong niya sa binata. Noon ginulo ni Caleb ang buhok niya saka ito nagbuntong hininga bago nagsalita. "Sinabi kasi sa'kin ni Mang Delfin na gusto mo raw na sa Maynila ka mag-college. Alam mo Patricia okay din dito. Mahirap kasi kung bigla kang sasabak doon sa siyudad, wala kang kilala doon, saka wala ako doon, walang kuya na magtatanggol sa'yo," ani Caleb na sinundan ang sinabi ng mahinang tawa. Napahagikhik doon ang dalagita. "Okay lang ako, ano ka ba. Saka kung lalake ang iniisip mo Kuya Caleb, wala pa sa plano ko ang tungkol doon kasi ang gusto ko at priority ko sa ngayon ay mag-aral ng mabuti." Totoo naman iyon. Nagkakanda-kuba sa pagtatrabaho ang mga magulang niya, tama lang na suklian niya iyon ng maganda. At isang mabuti at pinaka-perpektong halimbawa na lang doon ay ang pag-aaral niya
GAYA ng gustong mangyari ni Caleb ay nagpunta siya sa birthday party ni Jane. At katulad rin ng sinabi nito ay sinundo siya ng binata gamit ang sasakyan nito."Nakakahiya naman wala akong regalo. Baka magalit siya sa akin," ang nag-aalala niyang sabi saka nilingon si Caleb na busya sa harapan ng manibela."Hindi na mapapansin ni Jane iyon kasi busy siya sa mga kaibigan niya. At isa pa, hindi ba napag-usapan na natin ang tungkol diyan? Bakit inaalala mo na naman?" tanong sa kanya ng binata saka siya sandaling nilingon.Napabuntong hininga doon si Patricia at sa huli ay piniling huwag nalang magsalita. Alam naman kasi niya na kapag nangatwiran pa siya ay sermon lang ang aabutin niya kay Caleb.*****"ANO bang gusto mo, ikuha kita ng pagkain o ikaw na?" tanong sa kanya ni Caleb nang marating nila ang mansyon.Hindi pa man debut ni Jane pero talagang engr
“Mmmmnnn—” ang tanging namutawi sa bibig ni Patricia habang malayang pinagpipyestahan ni Alvin ang pagkababae niya.Madilim ang kabuuan ng silid at tanging ang liwanag na nagmumula sa sala na pumapasok sa bukas na pintuan ang nagmistulang tanglaw nila. Napakasarap talagang kumain ng binata. Hubad na siya. Sa mabilis na mga kilos ay nagawa siya nitong hubaran. At ganoon rin rin. At heto na nga, matapos nitong paglakbayin sa kabuuan niya ang mga halik nito, ang paborito nitong papakin at tinungo ng bihasa nitong mga labi.“Ohhhh—Ohhhhh—” aniyang putol-putol ang naging paghinga habang nilalantakan ng tila walang katapusan ni Alvin ang pagkababae niya.Init na init si Patricia. Napakasarap at talagang hindi niya magawang patahimikin ang sarili niya sa lahat ng nangyayari.Mararahas ang paghinga ng binata at sumasapul ang lahat ng iyon sa nakabilad niyang kasarian sa harapan nito. Muling isinubsob ni Alvin ang bibig nito sa harapan niya. Huminga lang ito sandali at pagkatapos ay ipinagpatul
“I want to spend the rest of my days loving and protecting you. At kung anuman ang gusto mong gawin, I promise to support you. Hindi ako mapapagod na suportahan ka, Pat. Mahal na mahal kita, iyon ang totoo at iyon ang dahilan ng lahat ng ginagawa ko,” ani Alvin habang nakikiusap ang mga titig nito sa kanya.Sa puntong iyon ay agad na naramdaman ni Patricia ang nag-uumapaw na pagmamahal na sinasabi ni Alvin sa kanya. Dahilan kaya mabilis siyang napaluha. Pero sa pagkakataong ito, ang mga luhang iyon ay luha na ng kaligayahan.“Y-Yes,” ang tanging nasambit niya.Lalong tumingkad ang angking kagwapuhan ni Alvin nang ngumiti ito. Pagkatapos ay mabilis siya nitong niyuko at mariing siniil ng halik sa mga labi.Kung tutuusin iyon ang first kiss nilang dalawa ng binata. At kahit pa sabihing maraming beses nang may nangyari sa kanila, iba ang kaligayahang inihatid sa kanya ng idea na ngayon, ang halik na ito at sila bilang officially dating na.“I’m sorry,” ani Alvin nang pakawalan nito ang m
“ANG unfair lang,” ang tanging naisagot ni Patricia saka mapait ang tinig na nagpahid ng mga luha. Hindi alam ni Patricia nang mga sandaling iyon kung mas pipiliin ba niyang i-entertain ang sakit na nararamdaman niya o ang kasiyahan na malinaw na ngayon ang lahat sa kanya? Nang sapuhin ni Alvin ang kanyang mukha saka ipinirmi ang paningin niya para harapin ito ay naramdaman agad niya ang pagtutumindi ng tahip ng kanyang dibdib.“Ngayong alam mo na ang totoo, papayag kana bang magpakasal sa akin?” tanong sa kanya ng binata saka inilapit ang mukha nito sa kanya.Sa pagbalandra ng amoy alak na hininga ni Alvin sa kanyang mukha na malayang nasamyo ni Patricia, agad siyang napapikit. Kasabay niyon ang awtomatikong pagkapit ng kamay niya sa mga kamay nitong nasa kanya pa ring mukha.“Let’s get married, Pat,” anito sa kanya nang tamang nagdilat siya ng mga mata.Tinitigan ni Patricia ang binata. Pagkatapos ay sinubukan niyang pakiramdaman ang sarili niya sa kung ano ba ang gusto niya?
“NAGPAKASAL ako kay Robert kasi inisip ko kapag tinanggap ko siya mapapalitan ka niya sa puso ko. Akala ko makakalimutan ko siya. Pero nagkamali ako,” malungkot pa rin ang tinig ni Patricia habang isinasalaysay ang lahat ng iyon.“I’m sorry,” sa wakas matapos ang matagal nitong pakikinig lang ay narinig rin niyang nagsalita si Alvin. “Tama ka, kung anuman ang nangyari sa buhay mo may ambag ako,” anitong tinuyong muli ang kanyang mga luha saka inilapit ang mukha at hinalikan siya sa noo.Hindi nagsalita si Patricia. Napapikit lang siya ng kusa nang maramdaman niya ang paglapat ng labi ni Alvin sa kanyang noo.“Pat, sana mapatawad mo ako sa lahat ng pagkukulang ko sa iyo. Sa lahat ng pagkakamali ko,” anitong nanatiling hawak ang kamay niya na ngayon ay hinahaplos nito. “Kung naging matured lang siguro ako nung mga panahong iyon, kung napahalagahan kita at hindi ako nagpadala sa pride at galit ko, siguro tayong dalawa na ang magkasama ngayon, baka may pamilya na tayo. Baka masaya na tayo
“HINDI mo alam kung anong nawala sa akin, Alvin,” aniyang nagpatuloy sa pag-iyak.Wala siyang narinig na kahit anong salita mula sa binata. Basta ang alam lang niya naramdaman niyang niyakap siya ng binata. At sa puntong iyon parang wala na siyang lakas para pakawalan ang sarili mula sa mga bisig nito. Kaya hinayaan na lamang niya ang mga bisig ni Alvin na kulong siya.“P-Patawarin mo ako, naduwag ako, nilamon ng insecurities,” anito habang hinahagod ang kanyang likuran.Sa puntong iyon minabuti na nga ni Patricia na pakawalan ang sarili mula kay Alvin. Pagkatapos ay tinuyo niya ang kanyang mga luha kahit pa hindi naman huminto ang paghulagpos ng mga iyon.“Tell me, mahal mo rin ba ako?” tanong ni Alvin na hinawakan ang baba niya para itaas ang luhaan niyang mukha.Sa pagtatamang iyon ng kanilang mga mata ay lalong nagtumindi ang paghihirap sa kalooban ni Patricia. Habang sa isip niya, bakit parang iba ang nararamdaman niya? Hindi ba dapat masaya siya kasi noon pa man mahal na siya ng
MAHAL niya si Alvin noon at minamahal niya ang binata hanggang ngayon.Pero hindi tama ang damdaming iyon. Hindi tama dahil maling-mali na gumawa ulit siya ng isang bagay na alam niyang ikalulubog niya at sa huli ay dahilan ng sakit na pwede niyang maranasan.Hindi niya pwedeng aminin kay Alvin ang tungkol doon dahil hindi rin iyon paniniwalaan ng binata. Well, sa huling naisip ay hindi siya sigurado. Baka paniwalaan siya ni Alvin. Pero meron bang ganoon? Maniniwala ba talaga ito sa kanya kahit nag-asawa siya at matagal na panahon na ang nakalilipas mula nang magkahiwalay sila?“Noon pa man ikaw na ang pinaka masarap magtimpla ng kapa, Pat,” ulit ni Alvin na muli siyang tinitigan.Agad na napangiti si Patricia sa sinabing iyon ng binata. Hindi lang dahil sa hinaplos ng puso niya ang compliment nito. Kasama na rin doon ang nakita niyang katapatan sa mga mata ni Alvin na siyang naging dahilan kaya naramdaman niyang nagsasabi ito ng totoo at hindi siya basta binobola lang.“Yeah? Nakakat
ANG lagaslas ng tubig sa shower ang humila kay Patricia pabalik sa kasalukuyan. Tapos na iyon at para sa kanya, hindi na dapat maulit pa lalo na at ang nobya nitong si Kelly ay mukhang mahilig gumawa ng problema.Ginawa lang na mabilis ni Patricia ang pagliligo. May mga bagay kasing tumatakbo sa isipan niya ngayon. Sensuwal na mga alaalang kahit pa sabihing gusto niyang ulitin kasama si Alvin ay hindi na tama.Maraming beses nang may nangyari sa kanilang dalawa, oo. Pero hindi naman tama na patuloy niyang ipagamit ang sarili niya sa binata ang sarili niya ng paulit-ulit katulad ng nangyari noong mga bata pa sila.Sa puntong iyon ay pwede pang bigyan ng katuwiran ni Patricia ang sarili niya. Bata pa siya noon at masyadong agresibo. Pero ngayon, mas matanda na siya. Mas marami nang karanasan na dapat ay nakapagpa-mature at nagturo sa kanya ng mga leksyon. Tama lang na gamitin niya ang utak niya. Kaya naisip niyang hindi na tama ang patuloy niyang pakikipagtalik kay Alvin. Gaano man niya
MULING inangkin ni Alvin ang mga labi niya habang ang daliri nito ay walang kapaguran sa paglalabas-masok sa kanyang hiwa. Masyado na naman silang mainit. Habang ang katawan niya ay pirming tumutugon sa bawat pananalakay na gawin sa kanya ni Alvin.Hindi nagtagal at inihinto ni Alvin ang paghalik sa kanya. Pagkatapos ay lumuhod ito sa kanyang harapan. Alam niya kung anong gagawin ng binata. At wala siyang karapatang tumanggi sa plano nito. Kaya naman nang bigla nitong isubsob ang mukha sa pagkababae niya ay wala siyang ibang nagawa kundi ang magpakawala ng isang marahas na pagsinghap.Ilang sandali pa at pinuno na nga ng magkakasunod na ungol ni Patricia ang kabuuan ng banyo. At dahil kulob iyon ay malayang nag-e-echo ang mga ingay na pinakakawalan niya. Dahilan kaya nagiging mas marahas ang paggalaw ng bibig ni Alvin. Kasama na rin doon ang walang dudang mas pagtutumindi ng pagnanasang nararamdaman niyang dalawa para sa bawat isa.“Punyeta! Ang sarap!” sigaw niya saka pinanood ang gi
Ilang sandali pa at naisipan na ni Patricia ang mag-shower muna. Wala siyang planong magbabad sa shower. At dahil nga apartment lang ang tinutuluyan niya ay isa lang ang CR niyon. Ibig sabihin, walang banyo sa loob ng kwarto niya.Pumasok siya sa loob ng kanyang silid para asikasuhin ang kanyang pagligo. Naglabas siya ng usual na pambahay. Walking shorts at malaking tshirt. Ganoon lang naman talaga ang kadalasang isinusuot niya. Pero nang maalala ang presence ni Alvin ay mabilis niyang ibinalik ang walking shorts at sa halip ay naglabas ng pajama.Hindi pa rin nagbabago ng ayos nito si Alvin nang makalabas siya ng kwarto. Dala ang pampalit na damit at twalya ay pumasok na si Patricia sa banyo. Hindi niya alam kung dahil ba sa presensya ni Alvin sa bahay niya. Pero bigla ay parang ibinalik siya ng lahat ng iyon sa isang mainit na sandaling naganap at pinagsaluhan nilang dalawa ng binata noong nasa Sta. Clara pa sila.*****DAYS AT STA. CLARA…Ang kasunod na namalayan ni Patricia ang ay