[BRIA BRIXTON]Dumating ako sa bahay ni Klio pero wala na siya roon. Dismayado man pinilit kong kumalma. Naiinis ako dahil impossible namang hindi niya nabasa yung message kong susunduin ko siya para ihatid ng work nya. Pwede naman siyang mag reply kung ayaw niya pasundo. Kunot ang noo kong tinawagan siya. Unang ring hindi niya sinagot. Pangalawa hindi ulit. Pero matigas ang ulo ko kaya di ako tumigil hanggat sagutin niya sa wakas. "Oh shit! Bria sorry. I forgot. Nasanay kasi akong mag isa. Sorry ah.." "Hmm.. it's fine. Sunduin kita later? And what time ka magbibreak? Lunch tayo sa labas?" "Ah okay sige. sunduin mo ako pag out ko then about naman sa break, I'm not sure kasi paiba iba. Depende kapag tapos na ako sa mga ginagawa ko. I will chat you na lang kapag okay na.." "Hmm sige. Walang problema. Mag aantay ako." Binaba niya na agad ang phone matapos ng sinabi ko. Ang aga pa pero parang ubos na ang power ko. Talaga bang nakalimutan niya lang? Hmm huminga ako ng malalim kasya
[BRIA BRIXTON] Natahimik na lang ako sa sinabi niya. Lumunok at kinalma ang nagbabadyang yamot. "Okay lang, Klio.. I will wait here na lang until mag out ka para sure.." Pagbibigay diin ko sa huling salita. Ayoko mang isipin pero nananadya ba siya? Ang ulyanin naman niya kung nakalimutan din niya na may usapan kaming mag lulunch together. "Hmm, Bria hindi ko kasi alam kung anung oras pa ako mag oout kasi madami pa kong gagawin talaga. Kasi nga diba matagal akong nawala so baka mainip ka lang. Maiintindihan ko kung hindi mo na ko maaantay." "No. Okay lang, Klio. I'm sure. I'm gonna wait for you here.." Tumango siya. "Hmm wala ka naman siguro ibang lalabasan?" Ewan ko pero bigla ko na lang natanong sa kanya yun. "Ha?" "Ah nothing, Klio.. Mag aantay ako dito sa lobby.. Oh sige na, I know madami ka pang gagawin.." "Sige.. Bye.." Tipid niyang tugon."Bye, Klio.. See you later.. Don't forget I'm here.." Pahabol ko pero di na ata niya nadinig. "Haii.." isang buntong hininga na lan
[BRIA BRIXTON] Sobrang naiinip na ako kakaantay sa kanya. Naka ilang balik na nga ako ng 7 eleven para magkape. Hanggang makita kong magsi uwian na ang lahat. Wala pa din si Klio. Nag isip tuloy ako kung may iba bang exit sa building na to. Hindi na ko nakatiis at umakyat. Mabuti na lang at ready tayo. Inalam ko na kay Tyron ang opisina ni Klio. Nakita ko siya agad na nakaupo sa desk niya habang nilalaro ang ballpen. Nagtaka tuloy ako kung anu pang ginagawa niya. So yun na nga nilapitan ko siya. "Bria! What are you doing here?!" Parang gulat na gulat siyang napatayo agad. "I'm worried kasi.. Kasi nakita ko, nag uwian na yung ibang staff so I was wondering.. I'm thinking about you.. Are you not done yet?" Mukhang tapos naman na siya sa trabaho niya. "Ahmm, actually katatapos ko lang. Medyo alam mo na.. nagpapahinga lang.. Pababa na ko dapat.." Di ko sure if feeling ko lang pero parang di siya komportable. "So tara?!" Nakangiting kong pag aaya sa kanya. Malapit ng mag 11 pm so n
[KLIO KRIXTON] Inubo ako sa pagiging lantad ni Bria sa kanyang nararamdaman. "Okay ka lang?" Nakangisi nitong usisa. Sino ba naman ang hindi mabibilaukan sa mga sinasabi niya. "Nasamid lang ako, Bria.." May konting ilang kong sagot sa kanya. Habang siya nagiging mas malagkit pa ang mga tinatapon niyang tingin sakin. Grabe naman toh! Umiinit na ang paligid. Hindi ba siya makaramdam na medyo naiilang ako at mas lalo pa talaga siyang dumikit sakin at lumapit sa mukha ko. "Nasamid ka lang ba talaga?" "Oo.. bakit? Marunong ka pa sa kin.." Naiinis kong saad. "Ikaw ba? Hindi mo ba namimiss? Minsan ba hindi sumasagi sa isip mo?" Panunutya nito. "Namiss ang alen? Sumagi sa isip ang alen Bria?" Alangang kong tugon sa kanya. Kung pwede lang ihinto ko ang oras gagawin ko dahil nasa sitwasyon na akong sobrang nahihiya. "Wait! Dessert diba? May ice cream ako diyan.." Biglang tayo ko, pag iiba ng usapan. Saktong feeling ko hahalikan niya na ko sa sobrang lapit niya sakin. Buti na lang maaga
[NARRATOR] Isang linggo na ang dumaan pero ayaw pa din harapin ni Klio si Bria. Nirespeto naman ito ni Bria pero walang araw na hindi ito nagpupunta ng building ni Klio nagbabakasakaling makita niya to. Panay din ang pag silip nito sa bahay ni Klio. Paminsan minsan natatanaw niya si Klio kapag lumalabas ito para magtapon ng basura. "So anu ng plano mo? Iiwasan mo na lang siya? Dapat maging klaro ka sa gusto mo mangyari Klio." Pahayag ni Yumi. Nag aalala ito kaya dinalaw niyang muli ang best friend niya. "Hindi ko alam Yumi. Naguguluhan ako.. Hindi ko na alam kung anung dapat isipin pa.." Nakayukong sagot niya. "Normal lang naman yang nararamdaman mo kasi you still love her. You are not ready yet, or I must say YOUR HEART is still in the healing process. "Are you asking best? Tingin ko nga hindi pa ko healed.. Paano ba kasi mag move on sa mga hindi magandang nangyari sa buhay natin? Ang hirap.. Sobrang mahal ko pa siya Yumi at hindi yun nawala o huminto yung pagmamahal ko na yun
[BRIA BRIXTON]Hindi ko inaasahang magiging ganito kapangit ang takbo ng araw ko. Halata naman ang mga galaw ng Michiko na to pero ang hirap pala kapag di ka makaporma dahil walang kayo kahit pa kasal kau. Naisip ko kung ilayo ko bigla si Klio sa lugar na to for sure baka magalit naman sakin ang best friend niyang si Yumi. Pasalamat na nga lang ako unlike Trixie they are not against me and Klio getting back together. If nagkataon mas mahihirapan ako. "Hey, are you alright?" "Okay lang. Mukha kang japanese pero nagtatagalog ka.." "Ang mama ko pinay siya. Si Dad japanese.." Pagpapaliwanag niya. "What's your name?" Tanong nito."Bria.. And ikaw?" "Keiko.." "Bakit mo naman natanong kung okay lang ako?" "Halata naman kasi.. You two. Ahmm may something ba sa inyo?" Napatingin ito kay Klio na abalang kausap yung babaeng yun. HIndi sila kalayuan at rinig ko ang tawanan nila. Ano close agad. Kakakilala lang. Edi wow.. "Hmmm.. I don't know if you can call that something.. Perhaps ako
[KLIO KRIXTON]Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Talagang sumunod siya sa babaeng yun na parang invicible ako. Napako ang paningin ko sa kanilang dalawa na may kaakibat na kung anong mabigat sa dibdib ko. Kinubli ko ang namumuong inis at sabay kaming lumakad ni Michiko. "Are you alright, Klio?" "Yeah! Oo naman.." Isang kasinungalingan pero tagumpay kong nasabi na parang tunay. Ang totoo hindi na ko natutuwa sa lakad na to. [NARRATOR]"Tara! Bria.. Umorder na lang din tayo ng kakainin natin.." Masiglang saad ni Keiko kay Bria na bumalin naman ng tango sabay ngiti ang isa. Naniningkit ang mga matang nakatingin lang si Klio pero agad ding umiiwas. Hindi na ito nakatiis at lumapit kay Yumi.. Napatingin lang din si Devin sa paghakbang nila palayo. "Oh.. Bakit? May problema ba?" Nagtatakang tanong ni YUmi sa kaibigan. Di naman ito agad magsalita at panay ang pag galaw. "Klio.. Anu? May nangyari ba?" Pag uulit ni Yumi. Sa pagkakataong ito napahawak na siya sa braso ni Klio pa
Kinaen ko lahat ang sinabi ko kanina kay Yumi na hindi na ako ang dating Klio. Mas naging malakas pa sakin ang emosyun ko.Hindi ko matagalan ang pag iisip ng husto kung anung nangyayari sa pagitan nila. Isa lang ang namutawi sa isip ko. Yun ang makaalis sa hindi kaaya ayang sitwasyun na to. Pumukal ang tingin ng lahat sakin ng bigla akong tumayo. Mabilis akong umalis sa lugar. I just want to get away. Wala sa isipan kong susundan ako ni Bria. Binubulong ng utak ko di dapat niya ko abutan pero traydor ang puso kong nag nanais ng lambing niya. Gusto nitong marinig ang mga salitang magpapagaan sa bumibigat na kalooban."What's wrong?!" Tanong niya kasabay ang pagpigil sa pulso ko. Ang kabog ng dibdib ko ay mas naging mabilis sa mga oras na yun. "What's wrong?! Yan talaga ang masasabi mo? What's wrong?" Buong buhos ng inis ko sa kanya. Manhid ba siya?"May nagawa ba ko? May nagawa ba yung Michiko na yun sayo?" Lalo akong nang gagalaiti dahil nagpapanggap pa talaga siyang walang alam.
[KLIO BRIXTON] "Hello.. BABY! Andyan ka na? Sorry papunta na ako.." Hinihingal ang tinig nito. Mukhang paalis pa lang siya ng building at nagmamadali. Narinig ko pa ang pagtawag ng staff sa kanya. "Naiwan niyo po ang susi niyo Ms. Bria.." Saad nito. "Oh! Thank you.." Tugon niya. "Okay lang.. BABY! Take your time.. wag ka magmadali.. I'm fine.." Sambit ko naman. Four years na siyang cancer survivor. Wala pa ding makapag sabi kung anong himala ang nangyari nung araw na yun. Dumaan ang asawa ko sa maraming treatment. Chemotherapy, radiation at halos lahat ng herbal na nagkalat online locally man o international ay nasubukan namin. Bawat araw ay pahina siya ng pahina. Nawala ng tuluyan ang buhok at lalo pasensya niya. Palagi itong galit at iritable pero di ko siya sinukuan. Butot balat man hindi ako pinanghinaan ng loob na ilaban hanggang sa abot ng kaya naming dalawa. Ang buong pamilya at mga kaibigan ay fully support. Lahat ng kainin niya ay nakasunod sa chart. Ang oras ng pag
FOUR YEARS PASSED>>>[KLIO BRIXTON]"Klio, sure ka kaya mo ng mag isa?" Taimtim na tanong sa akin ni Yumi. Papunta kasi ako ng sementeryo. Isang taon na din ang lumipas simula ng iwan niya kami. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na dalawin siya. Nung mga unang araw, linggo o buwan ay wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong at umiyak lang sa kwarto ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko nagpabaya ako sa pag aalaga sa kanya. Tingin ko hindi naging sapat lahat ng ginawa ko kaya siya nawala sa akin. Akala ko noon hindi ko kakayanin pero binigyan pa ako ng dahilan ni God para lumaban, wag sumuko sa buhay, magpatuloy at para maging masaya. "Kaya ko na bes.. Pakisabi kay Devin salamat sa mga bulaklak. Magugustuhan niya to.." Nakangiting saad ko saka humalik sa kanyang pisngi at nag paalam. Habang tinatahak ang daan naalala ko ang araw ng mawala siya sa amin. FLASHBACK>>> "Wala na ho kaming magagawa Mrs. Brixton.. Hindi na po kinaya ng katawan niya.." Ang mga sa
"OO! MASAYA KA NA?!" Singhal ni Bria. "Wala akong ibang mapupuntahan kaya sa AYAW MO MAN O GUSTO.. Dito AKO mag SSTAY!" Ganti ni Klio. Akmang papasok na ng loob pero inawat siya ni Bria. "NAHIHIBANG KA NA BA TALAGA?!" Bulyaw nito kasabay ang paghigpit ng hawak sa braso ni Klio. "OO!! BALIW NA KO! Pero MAS MAY TILILING KA!" Banat ni Klio. Winaksi ang kapit ni Bria sa kanyan sabay humakbang papasok. Isang buntong hininga at hawak sa kanyang baywang na lang si Bria saka sumunod kay KLio. "Hindi ka pwede dito.. Alam mo ba ang ginagawa mo??!" Muling sita ni Bria. "Wala akong PAKE kung dalawa kami dito.. ASAWA KITA, BRIA! May TUMOR ka lang! WALA KANG AMNESIA!!" Sambulat nito. "Saan ang kwarto mo?!" Muling balin ni Klio sa kanyang asawa. "At BAKIT?!" Kunot noo nitong saad. "ANONG BAKIT? Alangang hiwalay tayong matutulog!" "Klio please..." Naging mababa ang tono ng salita nito. "Ako ang dapat magsabi niyan.. PLEASE BRIA..Don't do this to me!" Pakiusap ni Klio. "I AM DOING THIS F
Agad na kumonek si Tyron kay Alex para malaman nito ang eksaktong address nila sa L.A. Walang kamalay malay na binigay naman ito ni Alex. Hangad ni Alex lahat ng makakabuti kay Bria kaya naisip niyang matutuwa ito kung paminsan minsan makikita si Tyron na parte din naman ng pamilya."Kamusta ang tulog mo?" Salubong ni Alex ng lumabas ng kwarto si Bria. "Okay lang.." Tipid at walang emosyon nitong sagot. Pinaglapat lang ni Alex ang magkabilang pisngi ng kanyang labi. Alam na alam niya kung anong pinagdadaanan ngayon ni Bria. "Ahmm gusto mong sa labas kumaen?? Sa may beach.. I mean makalanghap ka ng fresh air.." Nagugulihanang pa anyaya ni ALex. "Ahmm dibale na lang.." Pagbawi agad nito, nag iingat siyang wag bigyan ni Bria ng meaning ang mga magiging kilos niya pero hindi nga naman ito maiiwasan dahil mag ex sila."Ahem yeah! SURE! That would be.. Hmm, Great.." Nakangiting saad ni Bria na ikinasilay ng kislap sa mata ni Alex.Naghanda na ang dalawa ng kani kanilang gamit. Si Alex sy
[BRIA BRIXTON] "We're here.." Turan ni Alex. Naputol ang pananahimik ko at bumaba ng sasakyan. Tinulungan ko siyang magbaba at magdala ng mga bagahe ko sa loob ng bahay. Sa may pinto pa lang sinalubong na kami ng isang babaeng nakauniform. "Manang may pagkaen na ho ba?" Balin ni Alex sa kanya habang kinukuha ng babae ang ibang hawak ni Alex. "Meron na ho mam.." Ngumiti si Alex saka nagsalita.. "Hai buti naman dahil gutom na gutom na ko. Delay kasi yung flight nitong kaibigan ko ei.." Paliwanag niya saka bumalin sakin. "Ikaw ba Bria nagugutom ka na ba? Tara na muna sa dining area.. Mamaya I will show you your room.." Hindi na ko sumagot at sumunod na lang. Wala akong gana magsalita o ang kumaen pero nakakahiya naman kung tatanggi ako. Iginaya ako ni Alex sa upuan saka ipinag sandok ng pagkaen ko. Wala siyang pinagbago. Ganun pa din siya kung paano ko siyang nakilala noon. "By the way kamusta ang lola mo, Alex?" Pag iiba ko ng usapan. Curious din naman kasi ako dahil
MAKALIPAS ang halos 14 hours lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Bria."Hey! Bria here!" Sigaw ni Alex ng makita si Bria. Inaantay nya to sa may arrival. Nasa Pinas pa lang si Bria pinaalam niya na rito ang tungkol sa kanyang kondisyun. Agad namang sinamantala ni Alex ito para makasama si Bria sa kabila ng pagkakaalam na hindi ito magiging daan para maging sila ulit. Tinanggap ni Alex ng buong puso at malinaw na malinaw sa kanya kung anu lang ang magiging papel niya sa buhay ni Bria sa mga dadating pang araw. [BRIA BRIXTON] Pagiging makasarili ang idamay ko pa si Alex sa sitwasyun ko pero si Tyron na mismo ang nagpaalam rito. Nung una hindi din naman ako sang ayon.Wala sa isip kong gawin ito kay Alex. Ginamit ko lang siyang dahilan pero nagbigay ideya ito kay Tyron. Inisip niyang hindi ako maaring mag isa sa laban ko. Kapalit ng pagtikom ng kanyang bibig patungkol sa sakit ko papayag akong alagaan at samahan ni Alex saking pagpapagamot."Kamusta ang byahe? Sumakit ba ang ulo mo
DUMAAN pa ang dalawang linggo na nasa bahay lang si Klio. Matapos ang tangkang saktan ang sarili minabuti ni Mayumi na mamalagi na lang sa poder niya si Klio at mag hire ng nurse na magbabantay rito kapag wala siya. Hindi ito lumalabas ng kanyang kwarto kahit na anong pilit sa kanya ng mga kaibigan. Maski ang mama nito ay walang magawa upang gustuhin niyang ipagpatuloy ang buhay. Hindi na lingid sa lahat ang pakikipaghiwalay ni Bria kay Klio kung kaya galit na galit nanaman si Trixie. "Alam mo akala ko nagbago na talaga yang Ate mo pero heto nanaman siya sa pagpapahirap sa pinsan ko! Dadating ang araw Tyron kakarmahin yang Ate mo!" Sambakol ang mukhang sabi ni Trixie ng makalabas sila ng kwarto ni Klio. Wala namang naging sagot si Tyron. Naninikip ang dibdib nito sa pagpipigil na isiwalat ang buong katotohanan. "Alam mo deserve ng Ate Bria mo ang mamatay! Wala siyang isang salita at hindi talaga niya alam ang salitang pagmamahal!!" Buryong saad pa ni Trixie. Kumuyom lang ang pal
Luhaang iniwan roon ni Bria si Klio. Parang bumagsak ang mundo nito at di magawang ibangon ang sarili. Patuloy sa pag iyak. Kinuyom ang sarili. Binaluktot ang mga paa, nilagay ang mukha sa tuhod at niyakap ang mga binti. Walang humpay na pag tangis. Si Bria naman ay bumalik sa kanyang condo. Kumuha lamang ito ng beer sa loob ng ref saka iyon binuksan at ininom. Wala pa din itong kahit anong reaction sa mukha. Tulalang iniinom ang alak hanggang sa sumabog. Sumilay ang mga guhit sa mukha ni Bria. Galit itong ibinato ang bote sa tapat na pader. Naningkit ang mga matang sumigaw ng pagka lakas lakas saka tuluyang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Ilan sandali at dumating si Tyron. "Anong ginagawa mo dito?!" sabog ang tinig nito. "Ate Klio called me.. Ano bang nangyayari Ate Bria? Nag away nanaman ba kayo? This time what would be the reason?" Pinukol sa kanya ni Tyron ang buong tingin. Napapikit lang si Bria at napayakap sa sariling nakaupo sa sahig. Nakasandal sa paanan ng sofa. "I
"Do I need to repeat myself? Bingi ka ba?!" Bulyaw ni Bria na bumangon sa kama. Hinawakan siya ni Klio sa pulso bago pa to makalayo. "Ano bang nangyayari sayo ha? Nasasaktan ako alam mo ba yun? Buong magdamag akong gising Bria tapos yan ang sasabihin mo sakin??" "Sinabi ko bang wag kang matulog? Tsaka tigilan mo nga ako sa drama mo! ANo iiyak ka nanaman? Napaka iyakin mong talaga.." Akmang aalis na to. Lalabas ng kwarto pero humarang roon si Klio. "San ka nanaman pupunta?!" Singhal ni Klio na umiiyak na ngayon. Di man lang makitaan si Bria ng konting simpatya. "Tumabi ka nga! Nagugutom ako! Malamang sa kusina ang punta ko.. Ano ba Klio? Tantanan mo nga ako.." Naguguluhanang tumabi na lang si Klio at hinayaang dumaan si Bria. [KLIO BRIXTON] Humagulgol ako pag labas niya ng kwarto. Parang ibang Bria yung nakaharap ko. WHat on earth happened to her? Bigla bigla na lang naging ganun ang pakitungo niya sakin? Napahilamos ako sa mukhang hindi malaman ang gagawin.. Nagtungo ako