SLAMBOOK
"H'wag ka na lang kayang umuwi tuwing tanghali, Adrielle," sabi sa akin ni Athena.
Tuwing noon break, umuuwi ako sa amin, sinusundo rin naman ako ng tiyuhin ko kaya hindi naman hassle.
"Saan ako kakain?" tanong ko sa kanila.
"Sa classroom, eh! Marami naman tayo. O kung gusto mo sa kakahuyan tayo kumain," sagot ni Savannah.
Er! Never akong kakain sa kakahuyan. Maaalala ko lang ang ginawa ni Braden noon!
And speaking of him, absent na naman siya. MWF lang yata ang pasok ng isang iyon, eh!
"Wala akong ulam para baunin sa tanghali. Busy si Mama sa manggahan at saka, tuwing tanghali lang nagluluto si Lola," katwiran ko.
Totoo naman, tuwing umaga nga ay itlog o hotdog lang ang ulam ko. Harvest ngayon ng mangga kaya wala ang buong atensiyon nina Mama sa bahay.
"Eh, bumili ka ng ulam!" sabad ni Glenn.
"Saan ako bibili? Wala namang canteen dito."
All of them snorted, tila nauubusan na ng pasensiya sa mga katwiran ko.
"Nakikita mo ang tindahan ni Ate Katerin?" ani Athena sabay turo sa isang maliit na puwesto sa harap ng H.E. room.
Isang maliit na lamesa na nilagyan lang ng rack para may masabitan sa mga plastic ng candies. Tuwing hapon naman, mga alas kuwatro ay nililigpit na ni Ate Katerin ang mga paninda.
"Nakikita mo iyang tindahan na 'yan? Ano 'yan? Pek?" sabi pa ni Razyl sabay turo sa nag-iisang tindahan dito sa eskuwelahan.
Inirapan ko siya. Ulam ang tinutukoy ko, hindi ang mga junk foods at kendi na tinitinda nito. Mahahalo ba ko iyon sa kanin? Hmp!
"May ulam na tinda si Ate Katerin," saad ni Savannah nang nakitang naaasar na ako.
"Ano naman?"
"Ginataang monggo o bihon," sagot niya.
Napangiwi ako. I don't eat monggo. At baka, hindi masarap ang bihon ni Ate Katerin. I don't want to risk, baka masayang lang ang tatlong piso ko.
"Next time na lang..." ani ko nang makita ang aking sundo.
They all shrugged and went inside the classroom. Sinulyapan ko pa silang muli na sabay-sabay na kinuha ang mga baunan sa bag.
They looked so happy and having a good time sharing their foods. And I admit it, naiinggit ako. Malungkot mag-isang kumain sa totoo lang. Maybe, I should try to bring at least a rice tomorrow.
Nilagok ko ang natitirang sofdrink sa baso. Naisip ko rin na magpaalam kay Mama na magbabaon ako ng kanin bukas para hindi na ako umuwi sa tanghali, para na rin damihan niya ang pagluluto ng kanin.
I frowned when I saw her putting the dishwashing liquid on the sink. Nasa gilid ang mga baso at plato na binanlawan lang yata at hindi pa sinasabunan.
Kaya ako nagkakamali, eh! Sabi'y nasa bahay raw tayo unang natututo, mukhang hindi sa akin dahil mali maghugas si Mama.
Inilapag ko ang walang lamang baso sa gilid ng lababo.
"Mama magbabaon ako ng kanin bukas. Hindi ako uuwi sa tanghali," paalam ko.
"Oh, sige..." walang-lingon na sagot niya.
"At saka, Ma. Inuunang sabunan ang baso at hindi ang lababo."
Narinig ko ang paghinto ni Mama sa pagkukuskus sa lababo at napatingin sa akin.
"Ano?"
I grinned and turned away. Hindi yata nakikinig ng EPP subject si Mama rati, eh!
I brought rice. Pinaghandaan pa ni Papa ang unang baon ko dahil nagprito siya ng manok na nilagyan ng crispy mix.
"Mabuti naman at nagbaon ka na," sabi sa akin ni Braden na inilapag ang dalawang maliit na baunan sa desk.
"Mabuti naman at pumasok ka na," patuyang tugon ko sa kanya.
Napakamot siya ng ulo at nakangiting binuksan ang baunan na may lamang kanin.
Pinaikot namin ang mga desk, forming a circle para magkaharap kaming lima sa pagkain. Hindi kami masiyadong marami sa loob dahil nasa kakahuyan ang iba. Mahangin kasi at presko kuno ang hangin, ewan ko lang. Iba na ang vibes ko roon.
I took my lunch box and put it on my desk. Pareho kami ng ulam ni Savannah. Wala nga lang crispy mix sa kanya at inilubog lang sa mantika ang manok. Si Razyl naman ay bumili ng monggo kay Ate Katerin, si Athena ay kinuha pa ang baunan niya sa mama niya. Before I forget, Grade three teacher ang nanay ni Athena rito kay mas kilala siya ng lahat.
My eyes darted to Glen's food. Isang pirasong tuyo na maliit ang ulam niya at mais ang kanin.
I didn't say na hindi masarap ang tuyo, but thinking that she will eat that small piece of dried fish, na malaki lang kaunti sa daliri ko ay parang nalulukot ang puso ko sa awa.
Binuksan ni Braden ang isang niyang baunan.
"Is that an octopus?" bulalas ko nang nakitang lumulutang sa itim na sabaw ang maliit na octopus.
Savannah and Braden laughed hysterically. Bakit? May mali ba sa sinabi ko?
"Hindi mo ito kilala?" tanong ni Braden.
"Kilala. Octopus," sagot ko.
Savannah cackled and shook her head.
"Iba ang pugita sa pusit, Adrielle. Ang liit niyan! Ang pusit, squid sa english," ika ni Sav.
Talaga? Hindi ko alam.
I shrugged, feeling defeated. Mali ako at wala akong mailalaban sa debateng mga pandagat at pang-probinsya na mga pagkain.
I cut half of my chicken and gave it to Glen, nagulat pa siya nang inilapag ko ang manok sa ibabaw ng kanin niya.
"Share-share tayong lahat," ani ko.
Ngumiti silang apat sa akin at namamangha na tiningnan ako. Bakit? Mukha ba akong madamot? Aalma sana ako kaso saktong dumating na rin si Athena na may bitbit na malaking baunan.
"Oh, tapos ninyong kumain, kain tayo nito," aniya sabay patong ng dala sa lamesa.
"Ano 'yan?" tanong ni Razyl.
"Maja..."
Natatakam ako sa maja kaya bibilisan kong kumain.
I widened my eyes when Braden put his squid on my rice! Umitim tuloy ang kanin ko.
"Hala!" reklamo ko.
"Hindi ka kumakain niyan?" tarantang tanong niya.
Sumimangot ako kaya agad niyang kinahig ang umiitim na kanin ko.
"Okay na, kakainin ko na lang," sabi ko na lang. After all, he just wants to share his food.
"Sorry, akala ko kasi kumakain ka, pero tikman mo muna, masarap magluto ang mama ko ng adobong pusit," sabi pa niya, pilit lang pinapagaan ang loob ko.
"Oo nga, masarap si Tiyang Judith magluto," gatong naman ni Sav.
Hindi ako sumagot pero kakainin ko ito. Ayaw ko ring isipin nila na masiyado akong maarte at baka ayaw na nila akong kaibiganin.
Sa totoo, lang mas magaan ang pakiramdam ko sa kanila kaysa sa mga pinsan ko. Sabihin natin na maasar sila sa akin pero alam kong hindi pakitang-tao ang pakikitungo nila.
"Gusto mo palit tayo ng kanin?" suhesyon ni Braden.
Wala pang sabaw ang kanin niya pero agad akong umiling. Mais!
"No, okay na. Kakainin ko 'to, mukhang... masarap naman," sabi ko na lang.
Nag-aaalalang tumingin si Braden sa akin at saka mahinang tumango. I don't want to let him feel guilty kaya ngumiti ako at tumango-tango nang kainin ko ang isang pusit.
"Oo, masarap nga," sabi ko na tumango-tango habang ngumunguya.
Hindi naman sa hindi masarap, maganda ang lasa pero magaspang sa bibig.
"Talaga?" he excitedly asked.
"O-Oo."
"Sige sabihan ko si Mama bukas na ramihan ang pusit para bigyan kita."
Halos maibuga ko ang kinakain sa bibig nang sabihin niya iyon. H'wag naman!
"Naku! Hindi na kailangan, baka maubos ang pusit ninyo," ika ko na pilit na ngumiti.
"Naku, okay lang! Unlimited ang pusit sa dagat."
Nilagok ko ang kanin na hindi nginunguya. Grabe siya!
Araw-araw kaming gano'ng anim. Si Athena ang nagdadala ng dessert na galing sa faculty. And I must say, this is the first time I truly enjoyed my lunch with my classmates. Sina Summer at Venus kasi ay may proper etiquette na sinusunod 'pag kumakain, kaya ako, nakikisabay na rin.
Halos lumabas sa ilong ko ang kanin nang ngumisi si Braden sa akin. Puro itim ang ngipin niya kaya mukha siyang bungal tingnan.
"Ang pangit!" bulalas ko sabay hampas sa braso niya.
I stopped laughing when all of them laughed deliriously at me. Tinuturo-turo pa ako ni Braden kaya tinampal ko ang daliri niya sa inis.
Sav took her small mirror from her pocket. Hinarap niya mismo ito sa mukha ko kaya nakita ko ang rason ng tawa nila.
I grinned seeing my black teeth. Ako rin pala ay maraming itim sa ngipin dahil sa pusit ni Braden. At aaminin ko, nasanay na ako sa araw-araw na pusit niyang baon. I am beginning to like it, somehow.
Wala kaming ginagawa ngayon sa loob ng classroom. Nasa meeting ang mga teachers kaya binigyan na naman kami ng susulatin ni Sir Sergio. At dahil sa alam ko na ang tactic at petiks ng mga kaklase ko ay imbis na magsulat ay nakikipagdaldalan na lang ako. Hindi naman pala minamarkahan o chine-check ni Sir ang mga notebook namin kaya okay lang na hindi magsulat.
"Oh, si Adrielle naman!" sabi pa ng isa kong kaklase.
"Ano 'yon?" inosente kong tanong.
"Sagutan mo 'to, oh!"
Joy handed me a small notebook. Not an ordinary notebook but a slambook, I think. Ngayon lang ako nakakita ng ganito.
"Lahat ng ito?" tanong ko sabay turo sa mga blangko.
"Oo."
I shrugged. Wala naman yatang masamang isulat ang tungkol sa akin.
May mga personal information na nakalagay. I wrote down some, but not my birthdate and my contact numbers. Ayaw kong malaman nila ang kaarawan ko. I don't like celebration.
Napakagat ako ng labi sa ibang mga tanong.
Who is your love?
I flipped the pages and checked other's answer. Dah! Halos lahat, family. Kaya family na rin nilagay ko. Iba naman kung si Marvin Agustin ang ilagay ko rito?
"Do... you believe in destiny?" basa pa ni Braden. Nakiusyoso pala siya.
"Tsismoso ka!" angil ko.
"Tinatanong diyan oh, kung believe in destiny ka ba?"
Inismiran ko siya at patalikod na nagsulat.
Of course, I answered yes!
Who is you crush?
Awtomatikong nilingon ko si Athan. Nakaharap ito sa likod at masayang nakikipag-usap sa mga kaklase naming lalaki.
Ngingiti-ngiti kong sinulat ang letrang A.
"Sino si A?"
Halos mapalundag ako sa gulat nang magsalita si Braden sa likuran ko.
"Braden naman!" sigaw ko.
"Hala! May crush ka, si letter A? Sino?" nanunuksong sabi pa niya.
Dahil sa lakas ng boses ng kumag na si Braden ay nakaagaw ng atensiyon ito at nagsilapitan ang mga kaklase ko.
"Sino si A?"
"Dito ba? Kaklase natin?"
"Tao ba iyan? Hayop?" biro pa ng isa.
Pinaningkitan ko ng mga mata si Braden. Nakakainis!
"Wala! Kaklase ko..." My eyes darted to Athan. Nakangiti siyang nakatingin sa akin.
I sighed when his dimples appeared again! Beket nemen genyen!
"Hoy saan nga!" untag ni Athena sabay yugug sa balikat ko.
"Ha? Kaklase ko sa Bangoy," sabi ko na lang sabay upo.
Mabuti na lamang at hindi na sila nag-usisa pa at nagsialisan na.
I eyed back to what I wrote. In this provincial place with provincial people, I experienced my very first time putting even the initial letter of my crush's name in a slambook. And I must say, I am happy and liking the place already.
CRUSHEksaheradong nagsinghapan ang apat na babae kong kaibigan na ang letter A na tinutukoy ko na crush ay si Athan."O.A. ng reaksiyon, ha!" komento ko sabay tapon ng balat ng kayimito sa gitna ng araruhan."Sabagay, gwapo naman talaga si Athan. Kaso nga lang ay mabaho ang paa!"Inis kong tinapunan ng tingin si Razyl. Mali yata na sinabi ko ang tungkol kay Athan. Dini-discourage nila ako!"Ano sa tingin mo, Braden? Crush din kaya ako ni Athan?" wala sa sariling tanong ko.Nagkibit-balikat lang siya. Wala pala akong mapapala sa isang kaibigan na ito! Lalaki pa naman kaya importante ang opinyon niya."Braden!""Ano!" bulyaw niya nang tinulak ko siya para sagutin ako.I want to know what boy's thought about me. Siyempre lalaki siya kaya alam kong mayroon siyang ideya."Do you find me... attractive?" lakas-loob na tanong ko.He creased his brows and just stared at me. Pinag-aaralan niya ba ang mukha ko?"Ano..." Halos bulong na iyon, baka mawala ang konsentrasyon niya sa pagkilatis sa a
SPARKI looked away when Razyl stared at me. Naiilang ako sa tingin niya na para bang nagdududa. Pinaningkitan niya pa ako ng mata."H'wag mo nga akong tingnan ng ganyan!" angil ko sa kanya.She smirked and glanced to Athena and Braden who were so busy playing bato-bato-pick at the back side of the classroom."Sino ba ang tinititigan mo kanina? Si Athena o Braden?" tanong niya na hindi pa rin nawawala ang ngisi."Both!" agad na sagot ko."Botbot nimo!" she replied.Sinimangutan ko siya nang sabihan niya akong sinungaling.For almost a month of living here in Punta del Sol, I knew a lot of words. Weird words, actually. Kagaya nang sinabi ni Razyl, she just said, I am lying! Dito ko lang narinig iyan at sinasabi lalo na kung mukhang nagsisinungaling ka.Teka... am I saying that I lied?"Totoo nga!" giit ko.Tumango si Razyl pero alam kong hindi siya kumbinsido.Sinulyapan kong muli ang gawi nina Braden. Hindi ko alam saan nanggagaling ang inis ko kay Athena ngayon. Para bang... ang land
F.L.A.M.E.S.Gigil na gigil kung pinunit ang papel at ibinaon ko sa mga palad.Savannah, who was so busy licking her lollipop, shocked when she saw me in so much frustration. Napangiwi naman si Athena na nakatingin lang sa akin."Sayang naman ng papel..." Tiningnan ni Glen ang tatlong papel na nalukot ko sa tabi ng aking notebook."Maraming puno ang mapuputol dahil sa 'yo, Adrielle," komento ni Razyl."Ano ba kasi iyan at parang galit na galit ka?" Si Sav na kukunin sana ang mga papel sa aking lamesa pero mas mabilis ko itong nahablot.Asar na asar ako dahil kahit ano ang gawin kong pagfe-F.L.A.M.E.S sa pangalan ko at pangalan ni Braden ay hindi ko gusto ang resulta.Kung kasali ang buo niyang pangalan, pati apelyido niya at apelyido ng nanay ay sweet siya, ako naman ay friend ang resulta at overall result, friends lang kami.So, I took away our mothers' last name. Love ang resulta sa kanya kaya kilig na kilig ako pero sa akin ay friend pero ang overall ay accept! Nah! Hindi pa rin ma
GROWING"Gusto kita!" bigla kong sabi.Napalingon sina Athena at Razyl sa akin.Braden innocently looked up at me and smiled. Did he hear what I just said?"Adrielle!" saway ni Athena pero hindi ko siya pinakinggan.Kailan ko pa dapat sabihin sa kanya ang nararamdaman ko? I will not be the same Adrielle na gusto niya kung sarili kong nararamdaman ay nagsisinungaling ako."Tss! Ang tigas talaga ng ulo," Razyl murmured, walking out to get Savannah."Braden, are you listening?" I desperately asked.I don't know where did I get such guts. Basta ang alam ko lang ay ito na ang tamang oras."Ha? Bakit pala?"So, hindi talaga siya nakikinig.Umupo siya nang maayos at hinarap ako."May problema ba?" he worriedly asked, putting his pen on the table and faced me."B-Braden, gusto kita. Gusto mo rin ba ako?"Napaawang ang bibig niya. Marahil ay nagulat siya sa biglaang pagkumpisal ko sa nararamdamanSa bawat pagkurap ng mata niya ay katumbas din nang pagbilis ng tibok ng puso ko. What if he will
OBSESSEDMali sina Sav. Mali sina Mama at Papa. Maling-mali sila.Ang sabi nila, mawawala lang daw itong kakaibang nararamdaman ko kay Braden. Pero bakit hanggang ngayon ay narito pa rin. Ang mahirap pa ay mas lalong lumalaki ang paghanga ko sa kanya. I even missed him now!Before, summer vacation thrilled me so much. Pero ngayon, gusto kong pumasok na. Aside sa boring at wala akong matinong makausap dito sa bahay, kung lalabas din ko ay puro puno ng mangga ang nasa paligid. Ayaw ko ring makipaglaro sa mga pinsan, aasarin lang ako kung matatalo ako at isa pa, dalaga na rin ako. Baka isipin ni Braden na para akong bata dahil naglalaro pa.''Anak, anong oras dadating ang mga kaibigan mo?'' magiliw na tanong ni Papa na sa tingin ko ay pang-limang beses na niyang paulit-ulit na tinatanong sa akin. Mas excited pa siya kaysa sa akin, eh! Siya yata ang may kaarawan sa amin.Yes, it's my eleventh birthday. At unang beses kong nagdiwang ng kaarawan na may mga kaibigang pupunta. Kahit na nasa D
MINEIf cracking my knuckles would make them separate from each other, I'd rather break it than seeing them so close.Kanina ko pa tinataliman ng tingin sina Braden at Yui, kanina pa rin bumibigat ang loob ko sa nakikitang mga eksena. Ganyan ba talaga ka-close silang magpinsan at kailangan pang sumandal sa balikat niya si Yui?''Hayaan mo na, close talaga sila simula noon pang mga bata pa kami,'' sabi sa akin Savannah sabay pisil sa balikat ko.Napangiwi ako sa sinabi niya. Ang weird kaya tingnan. Kahit sabihin na nating close sila pero dalaga na si Yui at binata si Braden. Ano na lang ang iisipin ng mga tao kung makikita silang ganyan ka-close? At hindi gawain ng magpinsan iyan. Hindi kami ganyan ng mga pinsan ko.''Bakit kayo? Hindi ba close kayo ni Braden, magpinsan pa na buo, bakit hindi ganyan ka ka-touchy?'' Halata sa boses ko ang inis kaya medyo nagulat si Sav.Nagkatinginan pa silang dalawa ni Razyl. Wala siyang maisagot dahil tama ako. May point naman ako, hindi ba?Bakit ba
PRINCE CHARMINGHindi ko alam kung bakit hindi ako komportableng kumain ngayon, o hindi lang talaga ako sanay na may bago kaming makakasamang kumain o ayaw ko sa ideyang makakasama namin si Yui sa pananghalian.Masiyado siyang agaw-atensiyon sa lahat. Sa klase, sa mga kaklase namin at kahit na sa mga guro. Ngayon lang ba sila nakakita na anak ng isang foreigner?"Oh, Ady? Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong ni Razyl.Nakatingin lang ako sa kanin ko at manok na ulam na nasa ibabaw ng aking lamesa."Hindi ba natin hihintayin si Braden?" balik-tanong ko sa kanila.Makahulugang na nagkatinginan ang apat at nagkibit-balikat. Athena pushed Razyl to tell something but Razyl pushed Glen.Kunot-noo ko silang tiningnan dahil sa pagtutulakan nila. Napakahirap bang sagutin ng tanong ko? Nasaan ba si Braden? Kanina pa siya wala, ah. Pat si Yui rin ay wala rito. Magkasama na naman ba sila?Itutulak na sana ni Glen si Sav pero agad na itinutok ng huli ang tinidor sa harap ni Glen."H'wag mo akong i
FRIENDSHIP OVERHindi ko inakala na iba ang magiging reaksiyon ni Braden sa ginawa namin.Nagalit siya dahil bakit daw namin siya pinaglalaruan habang wala siya."Hindi ka naman namin pinaglalaruan, Braden, nagboto talaga kami. At isa pa, wala namang masama sa ginawa namin, ah!" depensa ni Sav.Sinamaan niya ng tingin si Savannah at iiling-iling na tumayo."Alam mo Sav na ayaw kong tinutukso ako. Ayaw kong nauugnay kahit na kanino lalo na sa... kaibigan," mariing tugon niya sabay sulyap sa akin."Sinabi ko na sa kanila kahapon, Aden na hindi ka dapat i-nominate dahil wala ka, unfair!" panggagatong ni Yui. Nagpapabida na naman!"Puwede pa naman nating palitan ang prince charming, si... Kenith na lang o hindi kaya ay si Reynaldo, kahit sino basta... hindi lang sa Braden," halos bulong kong sabi.Sa totoo lang, medyo nasaktan ako dahil sa naging tugon niya. Wala namang masama sa ginawa namin, nagkatuwaan lang naman kami, bakit ba galit na galit siya?Sabagay, nabigla siguro si Braden sa
My messanger notification popped up to my screen.It was a message from Braden.Nakangiti kong binuksan ang mensahe niya.A caption was written under the photo he sent.'Si Sossy lang ang sakalam.Malakas kumain ng gadgad ng niyog.'Kahit kailan talaga itong dalawa ito! Kung magsasama ay kung ano-anong kalokohan ang ginagawa.Braden was scraping the coconut while Sossy was busy eating the grated coconut.I replied, 'Baka utot nang utot iyang si Saoirse mamaya, ha?'"Miss Reesha, labas na po, naghihintay na sila," pahayag sa akin ng isa sa mga admin at staff ng mall.I will be having my first book signing today! Hindi ko akalain na bebenta ang kwento nina Aden at Ady sa lahat.It was just an ordinary story. Two young hearts met when they were still young, became friends but ended like strangers. However, I don't want my characters to end with no happiness. Dapat ay happy ending naman.I was known in my pen name Reesha, kabaliktaran sa pronunciation sa pangalan ng anak ko na si Saoirse.
BRADEN RION CASTRO PART II"Paano ba natin makukuha iyong lupain na iyan? Ang dami nating kompetensiya. Tiyak na mas bibigyan nila ng mas mataas na presyo ang may-ari!" pahayag ni Harry.Hindi ko mawari bakit ba napakalaking problema sa kanya ang hindi makuha ang lupa ni Adrielle. I know that the investor told us about the offer but what could we do if Adrielle doesn't want to sell her land to us?"Aden? Hindi ka lang ba gagawa ng paraan? Punta del Sol is your place, alam kong kilala mo si Miss Adrielle Santos," aniya."Teka? Si Adrielle? Si Ady ba kamo?" biglang sulpot ni Kurt bitbit ang isang can ng beer.Namumula na ang mukha niya, halata na marami na siyang nainom. At ano na namang masamang hangin at napadpad na naman siya sa shop ko?Nagtatakang tumango si Harry sabay sulyap sa akin. Hindi niya alam na may pinsan akong pakno (baliw)."Pinsan ko nga pala, si Kurt," walang ganang pakilala ko."Hindi mo ba alam na si Adrielle at itong pinsan kong si Aden ay magkaklase noong elementa
BRADEN RION CASTRO PART I"Huwag mo akong iiyak-iyakan, Braden. Maraming nagkakahiwalay na mag-asawa tuwing umiiyak ang groom sa kasal. Babaero daw ang mga iyon," pairap na turan ni Adrielle nang inihatid siya ng kanyang Tiyong Cito sa altar.Nagulat, hindi lang ako, pati na rin ang tiyuhin sa sinabi ni Adrielle. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya dahil walang ngising nakasilay sa kanyang mga labi.I glanced to Tiyong Cito, nagkibit-balikat lamang siya kaya napakurap ko ang mga mata dahil na baka hindi nga nagloloko si Adrielle.Is she really serious?Mayamaya ay narinig ko ang mahina niyang halakhak at kinalabit ang braso ko."Hindi tayo magkakahiwalay, promise mo iyan, ha?" puno ng paglalambing niyang sabi."Of course, love... never."Simple lamang ang kasal namin. Nais lang din ni Adrielle ng pribadong kasalan, iyong kami lamang kapamilya at malalapit na mga kaibigan ang makakasaksi sa pag-iisang dibdib namin.Sa simbahan kung saan pareho kaming nagdasal noon na sana, makatagpo n
TREASURENakahalumbaba ako sa lamesa habang pinapakinggan ang sinasabi ni Ate Sandy sa kabilang linya.Inilapag ko sa ibabaw ng mesa ang cellphone at hinayaan ko lang na i-loudspeak ito para marinig ko lahat ng pinagsasabi ni Ate.Kailangan ko na palang bumalik ng Punta del Sol dahil marami na raw pending na transaksiyon ang manggahan.Anihan pa sa susunod na linggo kaya kailangan ko na talagang ipunin lahat ng nagkapira-piraso kong puso para kahit naman papaano ay makapagtrabaho ako."Ady? Nakikinig ka ba?" untag ni Ate sa kabilang linya.Wala sa sarili akong nagsalita, "Ate, ano ang feeling no'ng nalaman mong buntis ka kay Scarlet?""Ano?" bulalas niya sa kabilang linya."Masaya ka ba? Natakot? Kinakabahan?" dagdag ko."Ano ba ang pinagsasabi mo, Ady? Ano'ng buntis-buntis? Ikaw ba'y..."I heard her gasp. Ang OA ng reaksiyon, ah!Natural na maaari akong mabuntis. Alam niya rin na parati kong kasama si Braden kaya alam kong hindi sila mag-iisip na nagrorosaryo lang kami sa loob ng bah
PUSIT"Alam mo iyong tipong gusto mong kumain ng pusit pero hindi ko mahanap-hanap ang gusto ko sa palengke? Tapos iyong itlog, feeling ko ang tabang ng pagkakatimpla ko at ito pa... hindi ko maiwasang maiyak tuwing nakikita ko ang hitsura ko, Hector," kwento ko sa doktor na kasintahan ni Sav.Savannah gently caressed my back. Napahagulhul ako sa 'di na naman alam na dahilan. Depress na depress na talaga ako!"Gusto ko lang naman mag-stress-eating pero ako ang naste-stress sa mga kinakain," iyak ko."This is getting out of hand, Hector. What shall we do?" tarantang wika ni Sav sabay haplos sa balikat ko para tumahan ako.Hector rubbed his nape and smiled, dahilan para sabay kaming napakunot-noo ni Sav sa reaksiyon niya.Anong klaseng doktor siya? Nginingitian niya lang ang mga seryosong problema at dinaramdam ng mga pasyente niya? Na-offend ako kay Hector, promise!"B-Babe... stop smiling," saway ni Sav na pilit hinihinaan ang boses at pinandilatan pa ng mga mata ang kasintahan."Oh,
WEIRDPara akong tangang naghihintay sa kanya na bumalik siyang muli at kausapin ako.Baka... baka mapatawad ko pa siya. Baka pipikit na lamang ako at kakalimutan ang lahat. Kaya naman iyon, 'di ba?Ngunit natapos ang buong araw at walang Braden na dumating. Napagtanto kong wala akong mapapala sa kahihintay at kakaasa na muli siyang magbalik sa piling ko. It would never happen. I already chased him away."Get up, Adrielle! Day-off ko ngayon, tara! Clubbing tayo," yaya ni Venus sa akin sabay hila sa akin patayo sa kinahihigaan.I groaned, still closing my eyes."I'm tired..." pagod kong tugon sa kanya sabay yakap-yakap sa bolster pillow.Tatlong araw na ako rito sa condo ni Venus simula nang umalis ako ng Punta del Sol.Hindi ko kayang mag-isa at para akong mababaliw. Ayaw ko rin namang sa bahay nina Ate Sandy dahil baka ako pa ang mas babantayan niya at hindi ang sariling anak. Wala rin akong ibang kamag-anak na puwedeng mapuntahan dahil ayaw kong may masabi na naman ang mga iyon. Mah
DOOR Tears spilled over and streamed down my face like a river escaping in a dam. My body looked calm but contradicted to how tangled my mind was. Whimpers escaped my lips through the suppressed sound of hiccups. Sa sobrang pagpipigil ko ring humagulhul ay halos mawalan na ako ng panimbang na maglakad para makalabas pero kailangan kong magmadali. I know Braden will follow me, so I must go first before he'll catch me and explain lies again. Kilala ko ang sarili. Ang hina ko pagdating sa kanya. "Ma'am, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ng security guard nang nakita niya akong nakahawak sa railings ng hagdanan pababa ng restaurant. Akma niya akong hahawakan pero itinaas ko ang isang kamay. Ang sakit. Ang sakit ng ginawa ni Braden sa akin at walang katumbas na hinagpis ang pinabaon niya sa akin. Akala ko ay siya na ang matagal ko ng pinagdasal. Siya ang hiniling ko sa Diyos na sana ay makasama at mamahalin ko. Siya ang magiging kasama ko habambuhay, magiging ama ng mga anak ko. Pero
RUNI don't want to deprive myself now. I want to enjoy every single moment to Braden.Ang pagmasdan lang siya habang natutulog ay sapat na sa akin para memoryahin ang bawat sulok ng hitsura niya.The smooth flow of his forehead through temples, his small spotted moles on the cheeks like kisses of angels, prominent jaw angle, crisp jawline, and long, rounded chin, with all these facial aspects that Braden had will be stored in my brain. Para kung mami-miss ko siya ay iisipin ko na lang ang hitsura niya sa utak ko.Ang sarap niyang titigan habang tulog na tulog. Sa mumunting hilik niya at ang kaunting awang ng bibig ay alam kong puyat si Braden kakaabang sa akin kagabi.Akala niya ay nakatulog na ako kaya tumabi siya sa akin ulit habang mahigpit akong niyapos sa kanyang bisig.Hinihiling ko sana na hindi ko na maaalala ang lahat at ang tanging pinapakita ni Braden ngayon ang para sa akin ay totoo. Subalit sa kabila ng lahat ng ginawa niya, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa
ENDINGI am so proud of myself for being so hypocrite. Nakikingiti pa ako sa mga jokes at kuwento ni Braden habang kumakain kami. Nakikipagkuwentuhan pa ako at nagtatanong patungkol sa pamilya niya na hindi niya napapansin na hinay-hinay ng namamatay ang kalooban ko dahil sa sakit.Bakit niya ginagawa sa akin ito? Masaya ba siya kung nasasaktan ako't wasak na wasak? Nakakalabas ba ng tunay na pagkalalaki ang magpaikot at paglaruan ang nararamdaman ng isang babae?"Stop playing the squid ink, Braden!" natatawa kong saway sa kanya nang ipahid niya ang tinta ng pusit sa ngipin.He grinned and showed to me his black teeth."Remember before? Sabay-sabay tayong kumakain araw-araw ng tanghalian," sabi niya sabay inom ng tubig.Tumango ako at sinulyapan siya."Kami araw-araw pero ikaw hindi kasi parati kang absent!" ani ko na pabirong umirap sa kanya.He laughed giddily and nodded."Yeah, absenous nga ako rati pero bumawi naman sa high school dahil Best in Attendance awardee ako," pagmamayaba