FRIENDSHIP OVERHindi ko inakala na iba ang magiging reaksiyon ni Braden sa ginawa namin.Nagalit siya dahil bakit daw namin siya pinaglalaruan habang wala siya."Hindi ka naman namin pinaglalaruan, Braden, nagboto talaga kami. At isa pa, wala namang masama sa ginawa namin, ah!" depensa ni Sav.Sinamaan niya ng tingin si Savannah at iiling-iling na tumayo."Alam mo Sav na ayaw kong tinutukso ako. Ayaw kong nauugnay kahit na kanino lalo na sa... kaibigan," mariing tugon niya sabay sulyap sa akin."Sinabi ko na sa kanila kahapon, Aden na hindi ka dapat i-nominate dahil wala ka, unfair!" panggagatong ni Yui. Nagpapabida na naman!"Puwede pa naman nating palitan ang prince charming, si... Kenith na lang o hindi kaya ay si Reynaldo, kahit sino basta... hindi lang sa Braden," halos bulong kong sabi.Sa totoo lang, medyo nasaktan ako dahil sa naging tugon niya. Wala namang masama sa ginawa namin, nagkatuwaan lang naman kami, bakit ba galit na galit siya?Sabagay, nabigla siguro si Braden sa
GUILTYAll students jumped for joy when the principal announced that there will be no class in the afternoon because of the PTA meeting. Pati ako ay natuwa rin dahil sa totoo lang tinatamad ako ngayong araw na ito.Athena and Sav were busy chit chatting for their plan this afternoon, wala naman daw ang mga magulang namin sa bahay dahil nga a-attend ng meeting mamaya, they decided to go somewhere else."Maligo kaya tayo sa dagat," suhesyon ni Razyl."Mahuhuli ako! Wala akong damit at hindi ako puwedeng umuwi, malalaman ng mga tiyahin ko na wala ako sa eskuwelahan," sagot ko."Sino ba ang a-attend para sa'yo?" tanong naman ni Sav."Dadaan lang sina Papa rito bago sila mag-deliver ng mangga sa Davao."Tumango-tango ang apat at tila nag-iisip ng kung ano ang magandang gagawin.I eyed to Braden who was now talking to our male classmates. Tila hinay-hinay na rin akong nasasanay na wala na akong kaibigan at ang samahan namin noon ay isang magandang panaginip na lamang.Masakit man na isipin
FORGOTTEN"Isa pa, Braden at kakalbuhin kita!" galit na galit na sabi ko sa kanya nang kunin niya sa ulo ko ang headband. "Wow, talaga bang kakalbuhin mo ako para sa headband na ito? Magkano ba ito?" tanong niya pa at sinipat-sipat ang naagaw na gamit ko.Marahas kong kinuha iyon sa kanya at muling bumalik sa pagkakaupo. I stared at the headband and smiled. "May sentimental value siguro iyan, 'no?" usisa niya. "Oo..."Humarap siya sa akin at itinukod ang kamay sa lamesa. "Kwento ka na, ano ba ang istorya ng headband na iyan?"Agad akong lumabas ng silid-aralan nang natapos ang klase namin sa HEKASI. Kanina ko pa gustong umiyak pero pinipigilan ko lang dahil ayaw kong magtanong ang guro namin. Plano ko sanang umabsent ngayon at hanapin ang headband ko kaso saktong pumasok din si Ma'am Nila kaya hindi ako natuloy.Ang sama ng loob ko kay Braden. Gusto ko siyang karatehin dahil sa ginawa niya pero naisip ko, kasalanan ko rin dahil sinadya ko talaga iyon para mapansin niya. How idiot
HIGH SCHOOLIniisa-isa ko ang mga papel na nakadikit sa dingding at hinanap ang aking pangalan.I smiled when I saw Athena and Savannah's name on the ESC grantees or Educational Service Contracting scholarship.ESC grantees are students already pursuing their secondary education in private schools through the financial assistance of the government. The ESC is under the Government Assistance to Students and Teachers in Private Education or GASTPE. Kahit na hindi buo ang scholarship na makukuha ng isang nakapasa ay malaking tulong na rin ang singko mil na abuno para sa mga mag-aaral na nais pumasok sa pribadong paaralan.My parents offered a wonderful gift na noon ko gusto– ang mag-aral ako sa Davao sa kahit saang gusto kong paaralan. Our business was getting better and I could say, they could send me to a good school.I was thinking to be with Summer and Venus sa kaparehong eskuwlehan dito sa isla, ang Holy Cross pero tila may nagpipigil sa akin na rito na lang sa Samal mag-aral kung p
CHASEAlam kong nahihirapan na sina Athena at Savannah sa set up namin. Magkahiwalay kaming kumakain ngunit nasa iisang lugar naman kami, magkahiwalay nga lang ng lamesa.Kaya sa pangatlong araw ay hindi na ako nakisabay sa kanila at kay Ritzel na lang ako sumama na walang ibang bukambibig kun'di ang pagtakbo niya bilang representative sa Glee Club."May church mass tayo ngayon, Adrielle kaya isali mo ako sa dasal na manalo sana ako," aniya habang kinukuha ang baunan sa bag."Hindi ako nagdadasal," matabang kong sagot. Bahagya siyang nagulat at nang mahimasmasan ay nagkibit-balikat na lamang.I smiled when I saw Sav and Athena went inside the canteen. Kasama nila si Braden at iilang mga kaklaseng babae at lalaki.Athena waved at me. Patakbo siyang tumungo sa lamesa namin."Ady, nandito ka na pala. Hinintay ka namin," saad ni Athena sabay sulyap kay Ritzel."Hindi na ako sasabay sa inyo, Athena. M-May kasabay nako..." Tiningnan ko ang kasama na ngayon ay inilapag na ang baunan sa lames
TRY OUT"Mine!" sigaw ng isang babaeng matangkad at pinatalbog ang bola sa kamay.Namamangha kaming itinangala ang tingin nang nasa taas na ang bola at halos hindi na maka-landing sa semento. Ang galing lang dahil kahit mga babae ang naglalaro ay ang lakas nila. Sa tingin ko rin ay madali lang namang paliparin ang bola sa ere."Wow!"Naghiyawan kami ng isang malakas na hampas ang ginawa ng sa kabila. Sabi ng katabi ko ay spike raw ang tawag sa ginawa ng player.Napangiwi ako sa lakas ng hampas nito sa bola. Malaki ang katawan ng babae at 'di hamak na malakas ito kaya kaya niyang hampasin ang bola kahit na pumutok ito sa sobrang lakas."Sigurado ka bang magta-try out ka, Santos? Ako ang natatakot sa'yo," hindi makapaniwalang turan ni Roseann sa akin.Sinipat ko ang dalawang braso ko. Sa totoo lang ay nag-aalangan ako dahil baka sa pag-serve ko pa lang sa bola ay mabali ito. Ang payat ko pa naman."Rose, may iba pa bang sports maliban dito?" tanong ko sa kanya."Mayroon, sepak takraw, b
MISTAKENaniningkit ang mga mata nina Sav at Athena habang pinapasadahan ako ng tingin. Pinakita ko sa kanila ang jersery uniform na susuotin para sa District Athletic Meet o Palarong Pambansa sa susunod na araw.I didn't expect their disgusted reaction. Akala ko ay mae-excite sila na malaman na varsity na ako."Wow ha, napakasaya ninyo para sa akin," sabi ko sa kanila at hinubad na ang jersey shirt. Na-disappoint tuloy ako naging reaksiyon nila."Sorry, Ady. Hindi lang talaga namin ma-imagine paano ka maglalaro. Kilala ka namin. Aside sa ang dali mong hingalin, lampa ka pa," saad ni Sav.Hindi sila nakakatulong! And I admit it, totoo lahat ng sinabi nila. Palagi akong napagsasabihan ni Coach Manolo dahil sa kalagitnaan ng laro ay humihingi ako ng timed out dahil nawawalan ako ng hangin."Naalala mo no'ng nag-softball tayo noon sa elementarya sa P.E. Akala namin ay hihimatayin ka sa sobrang putla mo at sabi mo'y nahihirapan kang huminga?" dagdag ni Athena.Their uncertainty was evident
SORRYMabilis akong naglakad nang nakita ko si Ivan na papalapit sa akin. Kanina pa siya kaway nang kaway kaya iniiwasan ko siya.Hindi sa ayaw ko si Ivan. Hindi ako komportable sa kanya o kahit na kaninong lalaki. Well, Braden is exempted, alright?"Santos!" tawag niya nang naabutan ako.I helplessly stopped walking and looked at him innocently."Oh, Ivan. Bakit?" maang ko."Ka... kanina pa ako tawag nang tawag sa iyo pero hindi mo ako pinapansin. Ang bilis mo pang maglakad," aniya at inilagay ang mga kamay sa baywang.Ivan was tall. His slender legs defined a lot that he belongs to a foreign family. Idagdag pa ang maputi niyang balat na kahit naiinitan ay hindi umiitim.Payat din ang kanyang mukha kaya mas nakikita ang mga cheekbone niya sa pisngi. His very small and alluring eyes gave more impressive look. Kaya marami siyang fans tuwing naglalaro dahil gwapo naman siya."Mabilis ba akong maglakad?" tanong ko pa."Oo, ah! Kanina pa kita hinahabol!"Tss. Sa haba ng biyas niya ay hinin
My messanger notification popped up to my screen.It was a message from Braden.Nakangiti kong binuksan ang mensahe niya.A caption was written under the photo he sent.'Si Sossy lang ang sakalam.Malakas kumain ng gadgad ng niyog.'Kahit kailan talaga itong dalawa ito! Kung magsasama ay kung ano-anong kalokohan ang ginagawa.Braden was scraping the coconut while Sossy was busy eating the grated coconut.I replied, 'Baka utot nang utot iyang si Saoirse mamaya, ha?'"Miss Reesha, labas na po, naghihintay na sila," pahayag sa akin ng isa sa mga admin at staff ng mall.I will be having my first book signing today! Hindi ko akalain na bebenta ang kwento nina Aden at Ady sa lahat.It was just an ordinary story. Two young hearts met when they were still young, became friends but ended like strangers. However, I don't want my characters to end with no happiness. Dapat ay happy ending naman.I was known in my pen name Reesha, kabaliktaran sa pronunciation sa pangalan ng anak ko na si Saoirse.
BRADEN RION CASTRO PART II"Paano ba natin makukuha iyong lupain na iyan? Ang dami nating kompetensiya. Tiyak na mas bibigyan nila ng mas mataas na presyo ang may-ari!" pahayag ni Harry.Hindi ko mawari bakit ba napakalaking problema sa kanya ang hindi makuha ang lupa ni Adrielle. I know that the investor told us about the offer but what could we do if Adrielle doesn't want to sell her land to us?"Aden? Hindi ka lang ba gagawa ng paraan? Punta del Sol is your place, alam kong kilala mo si Miss Adrielle Santos," aniya."Teka? Si Adrielle? Si Ady ba kamo?" biglang sulpot ni Kurt bitbit ang isang can ng beer.Namumula na ang mukha niya, halata na marami na siyang nainom. At ano na namang masamang hangin at napadpad na naman siya sa shop ko?Nagtatakang tumango si Harry sabay sulyap sa akin. Hindi niya alam na may pinsan akong pakno (baliw)."Pinsan ko nga pala, si Kurt," walang ganang pakilala ko."Hindi mo ba alam na si Adrielle at itong pinsan kong si Aden ay magkaklase noong elementa
BRADEN RION CASTRO PART I"Huwag mo akong iiyak-iyakan, Braden. Maraming nagkakahiwalay na mag-asawa tuwing umiiyak ang groom sa kasal. Babaero daw ang mga iyon," pairap na turan ni Adrielle nang inihatid siya ng kanyang Tiyong Cito sa altar.Nagulat, hindi lang ako, pati na rin ang tiyuhin sa sinabi ni Adrielle. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya dahil walang ngising nakasilay sa kanyang mga labi.I glanced to Tiyong Cito, nagkibit-balikat lamang siya kaya napakurap ko ang mga mata dahil na baka hindi nga nagloloko si Adrielle.Is she really serious?Mayamaya ay narinig ko ang mahina niyang halakhak at kinalabit ang braso ko."Hindi tayo magkakahiwalay, promise mo iyan, ha?" puno ng paglalambing niyang sabi."Of course, love... never."Simple lamang ang kasal namin. Nais lang din ni Adrielle ng pribadong kasalan, iyong kami lamang kapamilya at malalapit na mga kaibigan ang makakasaksi sa pag-iisang dibdib namin.Sa simbahan kung saan pareho kaming nagdasal noon na sana, makatagpo n
TREASURENakahalumbaba ako sa lamesa habang pinapakinggan ang sinasabi ni Ate Sandy sa kabilang linya.Inilapag ko sa ibabaw ng mesa ang cellphone at hinayaan ko lang na i-loudspeak ito para marinig ko lahat ng pinagsasabi ni Ate.Kailangan ko na palang bumalik ng Punta del Sol dahil marami na raw pending na transaksiyon ang manggahan.Anihan pa sa susunod na linggo kaya kailangan ko na talagang ipunin lahat ng nagkapira-piraso kong puso para kahit naman papaano ay makapagtrabaho ako."Ady? Nakikinig ka ba?" untag ni Ate sa kabilang linya.Wala sa sarili akong nagsalita, "Ate, ano ang feeling no'ng nalaman mong buntis ka kay Scarlet?""Ano?" bulalas niya sa kabilang linya."Masaya ka ba? Natakot? Kinakabahan?" dagdag ko."Ano ba ang pinagsasabi mo, Ady? Ano'ng buntis-buntis? Ikaw ba'y..."I heard her gasp. Ang OA ng reaksiyon, ah!Natural na maaari akong mabuntis. Alam niya rin na parati kong kasama si Braden kaya alam kong hindi sila mag-iisip na nagrorosaryo lang kami sa loob ng bah
PUSIT"Alam mo iyong tipong gusto mong kumain ng pusit pero hindi ko mahanap-hanap ang gusto ko sa palengke? Tapos iyong itlog, feeling ko ang tabang ng pagkakatimpla ko at ito pa... hindi ko maiwasang maiyak tuwing nakikita ko ang hitsura ko, Hector," kwento ko sa doktor na kasintahan ni Sav.Savannah gently caressed my back. Napahagulhul ako sa 'di na naman alam na dahilan. Depress na depress na talaga ako!"Gusto ko lang naman mag-stress-eating pero ako ang naste-stress sa mga kinakain," iyak ko."This is getting out of hand, Hector. What shall we do?" tarantang wika ni Sav sabay haplos sa balikat ko para tumahan ako.Hector rubbed his nape and smiled, dahilan para sabay kaming napakunot-noo ni Sav sa reaksiyon niya.Anong klaseng doktor siya? Nginingitian niya lang ang mga seryosong problema at dinaramdam ng mga pasyente niya? Na-offend ako kay Hector, promise!"B-Babe... stop smiling," saway ni Sav na pilit hinihinaan ang boses at pinandilatan pa ng mga mata ang kasintahan."Oh,
WEIRDPara akong tangang naghihintay sa kanya na bumalik siyang muli at kausapin ako.Baka... baka mapatawad ko pa siya. Baka pipikit na lamang ako at kakalimutan ang lahat. Kaya naman iyon, 'di ba?Ngunit natapos ang buong araw at walang Braden na dumating. Napagtanto kong wala akong mapapala sa kahihintay at kakaasa na muli siyang magbalik sa piling ko. It would never happen. I already chased him away."Get up, Adrielle! Day-off ko ngayon, tara! Clubbing tayo," yaya ni Venus sa akin sabay hila sa akin patayo sa kinahihigaan.I groaned, still closing my eyes."I'm tired..." pagod kong tugon sa kanya sabay yakap-yakap sa bolster pillow.Tatlong araw na ako rito sa condo ni Venus simula nang umalis ako ng Punta del Sol.Hindi ko kayang mag-isa at para akong mababaliw. Ayaw ko rin namang sa bahay nina Ate Sandy dahil baka ako pa ang mas babantayan niya at hindi ang sariling anak. Wala rin akong ibang kamag-anak na puwedeng mapuntahan dahil ayaw kong may masabi na naman ang mga iyon. Mah
DOOR Tears spilled over and streamed down my face like a river escaping in a dam. My body looked calm but contradicted to how tangled my mind was. Whimpers escaped my lips through the suppressed sound of hiccups. Sa sobrang pagpipigil ko ring humagulhul ay halos mawalan na ako ng panimbang na maglakad para makalabas pero kailangan kong magmadali. I know Braden will follow me, so I must go first before he'll catch me and explain lies again. Kilala ko ang sarili. Ang hina ko pagdating sa kanya. "Ma'am, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ng security guard nang nakita niya akong nakahawak sa railings ng hagdanan pababa ng restaurant. Akma niya akong hahawakan pero itinaas ko ang isang kamay. Ang sakit. Ang sakit ng ginawa ni Braden sa akin at walang katumbas na hinagpis ang pinabaon niya sa akin. Akala ko ay siya na ang matagal ko ng pinagdasal. Siya ang hiniling ko sa Diyos na sana ay makasama at mamahalin ko. Siya ang magiging kasama ko habambuhay, magiging ama ng mga anak ko. Pero
RUNI don't want to deprive myself now. I want to enjoy every single moment to Braden.Ang pagmasdan lang siya habang natutulog ay sapat na sa akin para memoryahin ang bawat sulok ng hitsura niya.The smooth flow of his forehead through temples, his small spotted moles on the cheeks like kisses of angels, prominent jaw angle, crisp jawline, and long, rounded chin, with all these facial aspects that Braden had will be stored in my brain. Para kung mami-miss ko siya ay iisipin ko na lang ang hitsura niya sa utak ko.Ang sarap niyang titigan habang tulog na tulog. Sa mumunting hilik niya at ang kaunting awang ng bibig ay alam kong puyat si Braden kakaabang sa akin kagabi.Akala niya ay nakatulog na ako kaya tumabi siya sa akin ulit habang mahigpit akong niyapos sa kanyang bisig.Hinihiling ko sana na hindi ko na maaalala ang lahat at ang tanging pinapakita ni Braden ngayon ang para sa akin ay totoo. Subalit sa kabila ng lahat ng ginawa niya, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa
ENDINGI am so proud of myself for being so hypocrite. Nakikingiti pa ako sa mga jokes at kuwento ni Braden habang kumakain kami. Nakikipagkuwentuhan pa ako at nagtatanong patungkol sa pamilya niya na hindi niya napapansin na hinay-hinay ng namamatay ang kalooban ko dahil sa sakit.Bakit niya ginagawa sa akin ito? Masaya ba siya kung nasasaktan ako't wasak na wasak? Nakakalabas ba ng tunay na pagkalalaki ang magpaikot at paglaruan ang nararamdaman ng isang babae?"Stop playing the squid ink, Braden!" natatawa kong saway sa kanya nang ipahid niya ang tinta ng pusit sa ngipin.He grinned and showed to me his black teeth."Remember before? Sabay-sabay tayong kumakain araw-araw ng tanghalian," sabi niya sabay inom ng tubig.Tumango ako at sinulyapan siya."Kami araw-araw pero ikaw hindi kasi parati kang absent!" ani ko na pabirong umirap sa kanya.He laughed giddily and nodded."Yeah, absenous nga ako rati pero bumawi naman sa high school dahil Best in Attendance awardee ako," pagmamayaba