Kindly leave comment po and rate this story. Thanksss...
SORRYMabilis akong naglakad nang nakita ko si Ivan na papalapit sa akin. Kanina pa siya kaway nang kaway kaya iniiwasan ko siya.Hindi sa ayaw ko si Ivan. Hindi ako komportable sa kanya o kahit na kaninong lalaki. Well, Braden is exempted, alright?"Santos!" tawag niya nang naabutan ako.I helplessly stopped walking and looked at him innocently."Oh, Ivan. Bakit?" maang ko."Ka... kanina pa ako tawag nang tawag sa iyo pero hindi mo ako pinapansin. Ang bilis mo pang maglakad," aniya at inilagay ang mga kamay sa baywang.Ivan was tall. His slender legs defined a lot that he belongs to a foreign family. Idagdag pa ang maputi niyang balat na kahit naiinitan ay hindi umiitim.Payat din ang kanyang mukha kaya mas nakikita ang mga cheekbone niya sa pisngi. His very small and alluring eyes gave more impressive look. Kaya marami siyang fans tuwing naglalaro dahil gwapo naman siya."Mabilis ba akong maglakad?" tanong ko pa."Oo, ah! Kanina pa kita hinahabol!"Tss. Sa haba ng biyas niya ay hinin
SWEET OBSESSION"Tama na, Ady. Bakit ka ba umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Savannah sabay himas sa likod ko."I..." I sniffled between words and I felt my throat was closing up."Ano ba ang nangyari?" baling ni Athena kina Roseann."Ewan, nag-abang kami sa may faculty dahil nga na-call out si Braden, ngayon nang lumabas ito ay kinausap ni Adrielle, ayan... iyak na nang iyak," litanya ni Ritzel."I- didn't...""Ang alin?"I breathed heavily, trying to relax my chest. Dapat kong ikalma ang sarili para makapagsalita.I became incoherent when my emotion evaded me. Hindi ako iyakin kaya kung makabuhos ako ng luha ay wagas din.Uminom ako ng tubig dahil tila nanunuyo na ang lalamunan ko. When my emotion calm down, I tried to speak."Kasalanan ko ang lahat," anas ko."Kasalanan na?" naguguluhang tanong ni Athena."Ako ang dahilan bakit na-call out si Braden at muntikan ng mawalan ng scholarship. Si Kuya Robert pala ang lalaking lumapit sa atin kahapon at nagtanong patungkol kay Braden. Hind
EARTHQUAKEMy young love to Braden turned into a poison that tainted my whole being. My mind cycled through sentiments faster than a kid flipping radio channels. I've gone from level to rocky, fighting a mixture of competing emotions, and each of them vying for dominance.I rebooted myself, trying to forget him but I still couldn't. Though my first two years were hard but later on, I already used it.Over four fucking years of ignoring and thinking that I couldn't see him in the campus made my heart feels nothing, only numbness. Manhid na manhid na ang puso ko. I even broke my promise not to engage any relationship to someone. Sinagot ko si Ivan dahil kailangan. Kailangan kong mapagtakpan ang pait na nararamdaman ko tuwing nakikita ko si Braden sa paaralan. He must see me happy and okay kahit sa loob-loob ay namamatay na ang puso ko."Adrielle, saan mo gustong kumain, sa cafeteria o sa labas?" tanong ni Summer sa akin habang pinapasok ko sa loob ng locker ang notes ko sa Pharmacology n
IMMATURE"Mambigay ka naman ng mikropono, Adrielle!" reklamo ni Razyl nang angkinin ko ang kanta niya."Nitong umaga lang..." kanta ko sa kanta ng Rivermaya na Kisapmata.Mas lalo ko pang inalayo ang mic at pumatong sa lamesa para hindi niya maagaw."Everybody sing! Oh, kay bilis namang naglaho ng pag-ibig mo sinta... daig mo pa ang isang kisapmata!"Nakikisabay na rin sina Savannah at Athena sa akin habang nakabusangot na humalukipkip si Razyl.Natatawang tinatabi ni Glen ang mga bote ng beer sa lamesa at baka masipa ko pa."Lasing ka na, Adrielle?" natatawang tanong ni Athena sa akin.Umiling lang ako dahil kumakanta pa ako. Hindi ako lasing, masarap lang gumalaw kung nakainom. At saka, walang ibang tao dahil sabi ni Athena, exclusive ang resort sa amin lalo na't walang booking.Maliit lamang ang resort ng lolo niya. Isang malaking bahay na may swimming pool sa likod. Marahil dahil sa maganda ang pagkakaayos at desinyo nito na animo'y commercial resort talaga ay ginawa itong negosy
BETHindi makapaniwala ang mga kaibigan ko nang sabihin ko ang nangyari kanina sa pool. Kahit ako ay nagulat sa kapusukan ko kanina. Ano ba ang iniisip ko?"Tingnan mo 'yan, iiwas na naman iyang si Braden. Alam mo Ady, hindi ka na nadala, eh!" sermon ni Razyl sa akin.Nanlulumo akong sumandal sa semento ng pool at sinulyapan ang kinaroroonan nina Braden na masayang nagkakantahan.Nakainom na rin ito kaya nakikisalo na ng mikropono sa pinsang kumakanta."Mag-isip ka kasi minsan, Ady. Malalaki na tayo at dapat alam na natin ang mga bagay na dapat gawin at hindi. Alam mong may girlfriend na iyong tao, hinalikan mo pa!" dagdag ni Razyl na tila gigl na gigil sa akin.Kasalanan din naman niya, kung hindi niya ako itinulak ay hindi ako makakakapit kay Braden. Hindi ako mapapalapait rito at hindi ko ginawa ang bagay na iyon."It was just a smack. Let's say... friendly kiss."Razyl felt disgusted to what I said kaya lumangoy na lamang siya."Matured na si Braden, alam kong iisipin niya na lasi
STALKERNgingiti-ngiti ako habang nakatingin sa screen ng aking laptop.My name was on the list of the Nurse Licensure Examination passers. Registered nurse na ako!"Dapat ay maghanda tayo nang bonggang-bongga, anak! Pakainin natin lahat ng mga kapitbahay, trabahante at kahit buong barangay," eksaheradong sabi ni Mama."Over, Ma! Kahit tayo-tayo lang. Masaya na ako kung kaunting salo-salo para sa atin. Alam mo naman na ayaw ko ng selebrasyon. Ayaw ko ng maraming tao," tugon ko kanya at muling hinarap ang laptop para hanapin ang mga pangalan nina Summer at Venus."Yes!" bulalas ko nang nakita ang pangalan ng dalawa.Agad ko silang tinawagan pero parehong out of coverage ang mga ito. Alam kong hangover pa ang mga iyon dahil sa saturday night out namin kagabi. Ngayong umaga nga lang ako nakauwi at wala pang tulog dahil hinintay ko talaga na lumabas ang resulta.Inabot ni Papa sa akin ang mainit na kape. Kanina pa sumasakit ang ulo ko dahil sa nainom.Mama called everyone about the news.
PERSUADEIsang mahinang tapik sa balikat ang nagpagising sa akin.Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata at ang nakangiting stewardess ang agad na nasilayan ko."We are already arrived at Mactan-Cebu International Airport, Ma'am," masiglang bungad niya sa akin.Tinanggal ko ang travel pillow sa leeg at inayos ang gulo-gulong buhok. Nakatulog pala agad ako sa biyahe.The air travel from Davao to Cebu took only half an hour, pero dahil sa pagod ako sa kakaisip kagabi at halos hindi na makatulog dahil sa sobrang excitement ay hindi pa nakakalipad ang eroplano ay bagsak na ang mga mata ko.Kinuha ko ang maliit na bagahe sa compartment sa itaas. Isang maliit na trolley bag lang iyon dahil limang araw lang naman kami.Napakamot pa ako sa ulo dahil ako na lang pala ang huling pasahero sa eroplano ang hindi pa nakababa.I immediately opened my phone and called Savannah. Sabi niya sa akin kahapon ay may susundo raw sa akin na kakilala nila at ihahatid ako sa matutuluyan namin."Sav!" agad na t
DEALAsar na itinapon ni Razyl ang pinagsuotan niyang damit sa akin at saka pumasok sa banyo para mag-ayos. Kaninang alas singko pa ako nakapag-ayos pero hanggang ngayon ay hindi pa sila tapos.It was past eight already and Braden might wait us so long. Baka hindi na siya sumama sa amin dahil sa sobrang bagal ng mga kasama ko."Hindi ka naman halatang atat, 'no?" patuyang saad ni Glen."Hindi masiyado. Baka maghintay iyong tao! Kawawa naman.""O baka hindi makapaghintay ang puso mo, kawawa naman..." panunukso ni Athena at isinuot ang shoulder bag."Both!" agad kong tugon sa kanila at isinuot na ang puting sneakers."Malamig mamaya, Ady. Naka-shorts ka lang, magdala ka kaya ng jacket," sabi ni Sav sa akin."No, ayaw kong masira ang outfit ko. At sanay ako sa lamig."Nagkibit-balikat lamang siya at nagsuot na rin ng sapatos.Sabay-sabay kaming lumabas ng kwarto. The heavy vibes of the place brought goosebumps to me. Ewan ko ba, iba ang nararamdaman ko.Tanging isang ilaw ng poste ang na
My messanger notification popped up to my screen.It was a message from Braden.Nakangiti kong binuksan ang mensahe niya.A caption was written under the photo he sent.'Si Sossy lang ang sakalam.Malakas kumain ng gadgad ng niyog.'Kahit kailan talaga itong dalawa ito! Kung magsasama ay kung ano-anong kalokohan ang ginagawa.Braden was scraping the coconut while Sossy was busy eating the grated coconut.I replied, 'Baka utot nang utot iyang si Saoirse mamaya, ha?'"Miss Reesha, labas na po, naghihintay na sila," pahayag sa akin ng isa sa mga admin at staff ng mall.I will be having my first book signing today! Hindi ko akalain na bebenta ang kwento nina Aden at Ady sa lahat.It was just an ordinary story. Two young hearts met when they were still young, became friends but ended like strangers. However, I don't want my characters to end with no happiness. Dapat ay happy ending naman.I was known in my pen name Reesha, kabaliktaran sa pronunciation sa pangalan ng anak ko na si Saoirse.
BRADEN RION CASTRO PART II"Paano ba natin makukuha iyong lupain na iyan? Ang dami nating kompetensiya. Tiyak na mas bibigyan nila ng mas mataas na presyo ang may-ari!" pahayag ni Harry.Hindi ko mawari bakit ba napakalaking problema sa kanya ang hindi makuha ang lupa ni Adrielle. I know that the investor told us about the offer but what could we do if Adrielle doesn't want to sell her land to us?"Aden? Hindi ka lang ba gagawa ng paraan? Punta del Sol is your place, alam kong kilala mo si Miss Adrielle Santos," aniya."Teka? Si Adrielle? Si Ady ba kamo?" biglang sulpot ni Kurt bitbit ang isang can ng beer.Namumula na ang mukha niya, halata na marami na siyang nainom. At ano na namang masamang hangin at napadpad na naman siya sa shop ko?Nagtatakang tumango si Harry sabay sulyap sa akin. Hindi niya alam na may pinsan akong pakno (baliw)."Pinsan ko nga pala, si Kurt," walang ganang pakilala ko."Hindi mo ba alam na si Adrielle at itong pinsan kong si Aden ay magkaklase noong elementa
BRADEN RION CASTRO PART I"Huwag mo akong iiyak-iyakan, Braden. Maraming nagkakahiwalay na mag-asawa tuwing umiiyak ang groom sa kasal. Babaero daw ang mga iyon," pairap na turan ni Adrielle nang inihatid siya ng kanyang Tiyong Cito sa altar.Nagulat, hindi lang ako, pati na rin ang tiyuhin sa sinabi ni Adrielle. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya dahil walang ngising nakasilay sa kanyang mga labi.I glanced to Tiyong Cito, nagkibit-balikat lamang siya kaya napakurap ko ang mga mata dahil na baka hindi nga nagloloko si Adrielle.Is she really serious?Mayamaya ay narinig ko ang mahina niyang halakhak at kinalabit ang braso ko."Hindi tayo magkakahiwalay, promise mo iyan, ha?" puno ng paglalambing niyang sabi."Of course, love... never."Simple lamang ang kasal namin. Nais lang din ni Adrielle ng pribadong kasalan, iyong kami lamang kapamilya at malalapit na mga kaibigan ang makakasaksi sa pag-iisang dibdib namin.Sa simbahan kung saan pareho kaming nagdasal noon na sana, makatagpo n
TREASURENakahalumbaba ako sa lamesa habang pinapakinggan ang sinasabi ni Ate Sandy sa kabilang linya.Inilapag ko sa ibabaw ng mesa ang cellphone at hinayaan ko lang na i-loudspeak ito para marinig ko lahat ng pinagsasabi ni Ate.Kailangan ko na palang bumalik ng Punta del Sol dahil marami na raw pending na transaksiyon ang manggahan.Anihan pa sa susunod na linggo kaya kailangan ko na talagang ipunin lahat ng nagkapira-piraso kong puso para kahit naman papaano ay makapagtrabaho ako."Ady? Nakikinig ka ba?" untag ni Ate sa kabilang linya.Wala sa sarili akong nagsalita, "Ate, ano ang feeling no'ng nalaman mong buntis ka kay Scarlet?""Ano?" bulalas niya sa kabilang linya."Masaya ka ba? Natakot? Kinakabahan?" dagdag ko."Ano ba ang pinagsasabi mo, Ady? Ano'ng buntis-buntis? Ikaw ba'y..."I heard her gasp. Ang OA ng reaksiyon, ah!Natural na maaari akong mabuntis. Alam niya rin na parati kong kasama si Braden kaya alam kong hindi sila mag-iisip na nagrorosaryo lang kami sa loob ng bah
PUSIT"Alam mo iyong tipong gusto mong kumain ng pusit pero hindi ko mahanap-hanap ang gusto ko sa palengke? Tapos iyong itlog, feeling ko ang tabang ng pagkakatimpla ko at ito pa... hindi ko maiwasang maiyak tuwing nakikita ko ang hitsura ko, Hector," kwento ko sa doktor na kasintahan ni Sav.Savannah gently caressed my back. Napahagulhul ako sa 'di na naman alam na dahilan. Depress na depress na talaga ako!"Gusto ko lang naman mag-stress-eating pero ako ang naste-stress sa mga kinakain," iyak ko."This is getting out of hand, Hector. What shall we do?" tarantang wika ni Sav sabay haplos sa balikat ko para tumahan ako.Hector rubbed his nape and smiled, dahilan para sabay kaming napakunot-noo ni Sav sa reaksiyon niya.Anong klaseng doktor siya? Nginingitian niya lang ang mga seryosong problema at dinaramdam ng mga pasyente niya? Na-offend ako kay Hector, promise!"B-Babe... stop smiling," saway ni Sav na pilit hinihinaan ang boses at pinandilatan pa ng mga mata ang kasintahan."Oh,
WEIRDPara akong tangang naghihintay sa kanya na bumalik siyang muli at kausapin ako.Baka... baka mapatawad ko pa siya. Baka pipikit na lamang ako at kakalimutan ang lahat. Kaya naman iyon, 'di ba?Ngunit natapos ang buong araw at walang Braden na dumating. Napagtanto kong wala akong mapapala sa kahihintay at kakaasa na muli siyang magbalik sa piling ko. It would never happen. I already chased him away."Get up, Adrielle! Day-off ko ngayon, tara! Clubbing tayo," yaya ni Venus sa akin sabay hila sa akin patayo sa kinahihigaan.I groaned, still closing my eyes."I'm tired..." pagod kong tugon sa kanya sabay yakap-yakap sa bolster pillow.Tatlong araw na ako rito sa condo ni Venus simula nang umalis ako ng Punta del Sol.Hindi ko kayang mag-isa at para akong mababaliw. Ayaw ko rin namang sa bahay nina Ate Sandy dahil baka ako pa ang mas babantayan niya at hindi ang sariling anak. Wala rin akong ibang kamag-anak na puwedeng mapuntahan dahil ayaw kong may masabi na naman ang mga iyon. Mah
DOOR Tears spilled over and streamed down my face like a river escaping in a dam. My body looked calm but contradicted to how tangled my mind was. Whimpers escaped my lips through the suppressed sound of hiccups. Sa sobrang pagpipigil ko ring humagulhul ay halos mawalan na ako ng panimbang na maglakad para makalabas pero kailangan kong magmadali. I know Braden will follow me, so I must go first before he'll catch me and explain lies again. Kilala ko ang sarili. Ang hina ko pagdating sa kanya. "Ma'am, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ng security guard nang nakita niya akong nakahawak sa railings ng hagdanan pababa ng restaurant. Akma niya akong hahawakan pero itinaas ko ang isang kamay. Ang sakit. Ang sakit ng ginawa ni Braden sa akin at walang katumbas na hinagpis ang pinabaon niya sa akin. Akala ko ay siya na ang matagal ko ng pinagdasal. Siya ang hiniling ko sa Diyos na sana ay makasama at mamahalin ko. Siya ang magiging kasama ko habambuhay, magiging ama ng mga anak ko. Pero
RUNI don't want to deprive myself now. I want to enjoy every single moment to Braden.Ang pagmasdan lang siya habang natutulog ay sapat na sa akin para memoryahin ang bawat sulok ng hitsura niya.The smooth flow of his forehead through temples, his small spotted moles on the cheeks like kisses of angels, prominent jaw angle, crisp jawline, and long, rounded chin, with all these facial aspects that Braden had will be stored in my brain. Para kung mami-miss ko siya ay iisipin ko na lang ang hitsura niya sa utak ko.Ang sarap niyang titigan habang tulog na tulog. Sa mumunting hilik niya at ang kaunting awang ng bibig ay alam kong puyat si Braden kakaabang sa akin kagabi.Akala niya ay nakatulog na ako kaya tumabi siya sa akin ulit habang mahigpit akong niyapos sa kanyang bisig.Hinihiling ko sana na hindi ko na maaalala ang lahat at ang tanging pinapakita ni Braden ngayon ang para sa akin ay totoo. Subalit sa kabila ng lahat ng ginawa niya, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa
ENDINGI am so proud of myself for being so hypocrite. Nakikingiti pa ako sa mga jokes at kuwento ni Braden habang kumakain kami. Nakikipagkuwentuhan pa ako at nagtatanong patungkol sa pamilya niya na hindi niya napapansin na hinay-hinay ng namamatay ang kalooban ko dahil sa sakit.Bakit niya ginagawa sa akin ito? Masaya ba siya kung nasasaktan ako't wasak na wasak? Nakakalabas ba ng tunay na pagkalalaki ang magpaikot at paglaruan ang nararamdaman ng isang babae?"Stop playing the squid ink, Braden!" natatawa kong saway sa kanya nang ipahid niya ang tinta ng pusit sa ngipin.He grinned and showed to me his black teeth."Remember before? Sabay-sabay tayong kumakain araw-araw ng tanghalian," sabi niya sabay inom ng tubig.Tumango ako at sinulyapan siya."Kami araw-araw pero ikaw hindi kasi parati kang absent!" ani ko na pabirong umirap sa kanya.He laughed giddily and nodded."Yeah, absenous nga ako rati pero bumawi naman sa high school dahil Best in Attendance awardee ako," pagmamayaba