NEW SEATMATE
"Ano 'yon?" tanong ko kay Athena.
I heard a continuous ring of bell, I think. Magsisimba ba kami? Tunog kampana ng simbahan, eh.
Nasa loob pa kami ng classroom at hinihintay namin ang indikasiyon na pupunta na kami sa field para sa flag ceremony namin. Akalain mo? Wala kaming flag ceremony kahapon dahil nakalimutan daw i-ring ang bell ng isang guro? Isn't it amazing? Sa school namin, wala kaming flag ceremony or flag retreat sa field kung may ulan, at doon sa loob ng classroom namin ginagawa kasama ng mga kaklase at guro ko. So weird, right?
"May simba ba tayo tuwing umaga?" usisa ko kay Athena nang ngumisi lang siya bilang sagot sa una kong tanong.
She laughed giddily and I felt a little bit annoyed from the way she giggled. What's the funny, by the way?
"Psst! Sav, hindi alam ni Adrielle ang ring ng bell," sabi niya kay Savannah na hindi pa rin tumigil sa katatawa.
Gaga! Alam ko ang tunog ng kampana, what I was asking, are we going to have a church mass?
Savannah raised her eyebrow and smiled.
"Hindi mo alam? Punta na tayo sa field, flag ceremony na," aniya.
What? Flag ceremony? At ang tunog ng kampana ang buzzer nila?
"Saang bundok ka ba nag-aaral, Adrielle?" patuyang tanong ni Athena.
Naaasar na talaga ako sa kanya. Saang bundok sila nag-aaral! Iyan dapat ang tanong. Ako pa talaga ang ginawang ignorante ng mga ito.
"Sorry, but I am expecting a buzzer," mataray na tugon ko sa kanila.
"Buzzer?" balik-tanong ni Athena na ngayon ay napawi na ang ngisi.
"Yes. You need to push a button para tumunog iyon," dagdag ko.
"Ah! Iyong parang nasa Game Ka Na Ba? Iyong sinasabi ni Kris Aquino na kamay sa dibdib," sabad ni Glen na ginaya pa talaga ang ginagawa ng mga contestants sa game show na iyon.
"No! Ibang buzzer iyon. In our school, one of the staff–"
"H'wag kang mag-english, hindi pa English subject ngayon," putol ni Razyl sa akin sabay kamot sa ulo.
Paano ko ba sila pakikisamahan? They don't know anything!
"Ito kasi iyon, something like a button ang dapat na pindutin para tumunog ang buzzer. Super lakas n'yon kaya naririnig sa buong kampus, hudyat iyon na dapat nang tumungo sa field para sa flag ceremony. Gets?"
Tumango-tango lang ang apat, ewan ko lang kung naiintidihan nila. Hmp!
Palabas na kami ng classroom nang biglang naramdaman ko ang pamimigat ng pantog. Naiihi ako!
"Mauna na kayo, girls," sabi ko sa apat.
"Sosyal ang girls na tawagan kaysa sa bruha," tugon ni Glenn na kinalabit ang braso ni Savannah.
Nakangiti akong napapailing sa ka-jolog-gan nila. And honestly, I like their company. Feeling ko, ang talino ko kung sila ang kasama ko.
Well, sa school ko rati, if magkakasama kami nina Venus at Summer, ang dalawang iyon ang matalino pakinggan, nahahawa lang ako, pero dito, tila ako si Einstein, and I am beginning to like here! Not the school or the barrio, but the company of these four girls.
Matapos kong mag-C.R. ay agad akong lumabas, naabutan ko sa isang desk ang isang lalaking kaklase ko na nagsusulat sa notebook niya.
"Hi?" bati ko sa kanya sabay pahid ng basa kong kamay sa palda ko.
Tumingala siya at ngumiti. Not too long, he eyed back to what he's doing. Ang busy naman nitong lalaking 'to at may gana pang magsulat kahit magfa-flag ceremony na.
"Ano ang ginagawa mo?" usisa ko.
"Nagsusulat."
Pilosopo!
Inismiran ko siya kahit hindi naman niya ako nakikita. Out of my curiosity, nakiusyuso ako at sinisilip ang kanyang ginagawa. Sinasagutan niya ang assignment namin sa Mathematics– multiplying decimals by ten and hundred. At kailangan ng ilang minuto, para ma-solve ito.
"Bakit ka rito nag-a-assignment? Assignment nga, 'di ba? Meaning, sa bahay–"
"Wala kaming ilaw," agad na sagot niya na hindi ako tinitingnan.
"Brown out?"
Tiningala niya ako sabay ngisi na hindi pinapakita ang mga ngipin.
"Wala kaming kuryente, wala kaming ilaw at lamparilya lang ang gamit namin. At hindi ko puwedeng ubusin ang gas ng lampara para lang sa assignment na ito. Kung hindi mo gets, meaning, wala kaming pera na pampa-kuryente," sarkastikong tugon niya at ibinalik muli ang atensiyon sa ginagawa.
Gusto kong mainis dahil sa ka-arogantehan ng pagsagot niya sa akin. But my heart melt when he was thinking for the gas. Malayo ang poblacion sa amin kaya hindi nga siguro dapat na mag-aksaya.
For some reason, it was my fault that I kept on asking. Nagmamadali siya dahil first period namin ang Math ngayon, idagdag pa ang terror naming guro na kung hindi ka makasagot o walang assignment ay tiyak, buong dalawang oras kang tatayo sa labas ng classroom.
Nakatayo lang ako sa likod niya. Ewan, I wanted to help but any time now, the flag ceremony will start.
"Last question..."
Tumingala muli siya sa akin at mabilis na binawi ang tingin para tapusin ang ginagawa– no, simulan ang ginagawa.
"Hindi ka sasali sa flag ceremony?"
Umiling siya habang ginagamit ang mga kamay sa pagso-solve.
Gusto ko siyang tulungan pero ayaw kong i-compromise ang sarili para lang sa kanya.
I ran to my desk and opened my bag. I took my Mathematics notebook and scanned the pages. Nang nahanap ko ang sinagutan ko kagabi ay napaisip muna ako.
Tama ba itong gagawin ko? Sa school namin dati, ako iyong tipo na estudyante na ayaw magpakopya dahil ayaw kong nalalamangan.
Sinulyapan ko siya at saka muling nilapitan.
"Hindi ka ba mahuhuli rito? Paano kung makita ka ni Sir Sergio?"
Bumuga siya ng malalim na hininga bago ako sinagot, "Hindi. Hindi nag-aaga si Sir Sergio kung alam niyang hindi siya first period. Nagpapakain pa ng manok iyon."
Yeah, sabungero ang guro namin.
"Okay!"
Inilapag ko ang notebook sa harap niya kaya nagtataka siyang tiningala ako.
"Copy my answers. But make sure, no one will catch you. Pareho tayong malalagot."
Napatitig siya sa notebook ko at tiningala na naman ako.
I bit my lower lip when I saw his white teeth. Sana all maputi at pantay-pantay ang ngipin.
"Sure ka?" tanong niya pa.
"Oo, basta 'wag kang–"
"Sure ka na tama 'to, ha?"
Wow, ha! Siya na nga itong nangungupya.
"Joke lang. Salamat, ha? Bobo ko talaga sa Math, eh!" nahihiya pa niyang sabi. He rubbed his nape and smiled at me.
"Sige na! Sagutan mo na iyan. Siguraduhin mong hindi ka mahuhuli... ano bang pangalan mo?"
Of course, I need to ask his name! Nagpapakopya ako sa hindi ko kilala?
Ngumiti siyang muli sa akin sabay abot ng kamay niyang may hawak na ballpen. Kaliwete siya, ha.
"Braden."
Oh, Braden. Siya iyong pinag-uusapan nina Savannah kahapon na pinsan nitong umabsent.
"Ikaw si Adrielle, hindi ba? Nakuwento ka sa akin ni Savannah. May bago raw kaming kaklase."
Tumango-tango ako at nagpaalam na sa kanya. Hinabilin ko na rin na ilagay sa bag ko ang notebook kung tapos na siya.
Agad na hinanap ng mga mata ko sina Glen pero hindi ko sila makita. Mga kinse minutos yata ako sa loob pero bakit ang gulo ng linya namin? Hindi ko nga alam kung nasa tamang linya ba ako.
Napataas ang kilay ko nang nakitang nakikipag-usap si Athena at Razyl sa ibang mga estudyante. Sa tingin ko ay mga Grade six ang mga ito dahil nasa hulihan sila.
Bakit sila naroon?
Dismayado kong inilibot ang mga mata. Hindi ko kayang ikuwento ito kina Summer at Venus. They will really laugh at me!
Nagsitigil ang paglalaro ng ibang estudyante sa flagpole nang tumungtong na ang isang guro.
After a short prayer, she conducted the beat of the National Anthem, followed by the Panunumpa sa Watawat. Right after, we sang the hymn, "Ako ay Pilipino". Mabuti na lamang ay alam ko ang kantang iyon.
Kinalabit ako nina Athena na naghahagikhikan sa likuran ko.
"Marunong kang sumayaw?" tanong ni Athena.
"Hindi."
"Ma'am!" tawag niya sa guro sa harap.
"Kami ni Adrielle magle-lead sa morning warm up!"
"Ano?"
Mabilis niya akong hinila sa harap. Sa totoo lang, kahit na ang liit lang ng mga estudyante rito ay nakakalula pa rin, lalo na halos sa akin nakatutok ang lahat.
Athena pulled me again. Nakapatong na siya sa sementadong stage na kasya lang ay dalawa.
"Hoy, hindi ako marunong!"
Humalakhak siya. "Sabayan mo lang ako."
The intro of the music started and my eyes widened when I heard Johnny Tillotson song, "Send Me the Pillow You Dream On". Alam ko ang kanta na ito dahil palagi itong pinapatugtog ni Papa tuwing umaga no'ng nasa Davao pa kami nakatira.
Wala bang mas bago? Iyong gaya sa amin na, Stupidisco ni Junior Jack o hindi kaya ay Funky Town ng Lipps, Inc para mas hype sayawin.
Athena began to dance with a big smile. Inapakan niya pa ang paa ko para gumalaw sa kinatatayuan.
I lazily moved my feet and followed her boring dance step na kaway-kaway lang ang marami.
Tila nakaraos naman ako nang natapos. And I warned her not to drag me again just to lead the morning warm up. I don't like it!
We transfered a classroom, katabi lang naman dahil ang Grade six adviser ang guro namin sa Math.
Kaunti lang ang teacher dito. Dalawang section ang grade one at Grade two, the rest, tag-iisa na lang kaya ipon kaming lahat. In one section, we are all fifty yata kaya masiyadong magulo.
"Adrielle!"
Nilingon ko ang nagtawag sa akin at si Braden iyon bitbit ang notebook ko.
Nanlalaki ang mga matang hinablot ko ang kwaderno sa kanya. I told him to put it in my bag!
"Ano ka ba, baka may magsumbong na pinakopya kita!" sabi ko sa kanya na pilit na hinihinaan ang boses para walang makarinig.
Braden burst his laughter and moved my headband.
For the first time, hindi ako naiinis na hinawakan niya ang headband ko. Naiinis ako sa tawa niya.
Pinameywangan niya ako at ngingiti-ngiti. "Sa totoo lang..."
"Adrielle, salamat sa answer, ha? Mukhang mape-perfect ako ngayon!" bulalas ng isa kong kaklase na si Kenith yata ang pangalan.
"Ako rin, feeling ko rin!" sabad ng isa pa na si Reynaldo.
Teka lang...
"Eh, pinakopya ko na rin sila para matuwa si Ma'am Nila sa amin," ika pa ni Braden.
Nanlalaki ang mga butas ng ilong ko sa inis! I shared my answer to him but it doesn't mean, he will share it to his friends!
"Tss!" I hissed and turned away.
Inis na inis talaga ako sa kanya! Ngayon lahat ng solution na pinaghirapan ko kagabi ay kalat na kalat sa mga estudyanteng walang effort sa pag-aaral.
"Adrielle! Galit ka?" tanong niya sa akin at hinabol ako.
"Hindi. Ang saya ko!" sarkastiko kong sagot.
He rubbed his nape and beamed. H'wag niya akong idaan-daan sa ngiti. Alam kong gwapo siyang ngumiti pero hindi ako marupok para ipain iyan.
"Sorry. Akala ko okay lang. Dito kasi, nagkokopyahan kami," pakli niya.
"Well for me, hindi puwede! Kanya-kanya tayong ng sikap sa pag-aaral." Inismiran ko siya at tinalikuran. Asar ako sa kanya at hindi na siya makakatikim ng tulong ko.
Dahil sa nakalat na sagot ko ay halos kaming lahat ay perfect. Hindi natuwa si Ma'am Nila. Malamang, magugulat talaga siya sa biglaang pagtalino ng mga estudyante niya, lalong-lalo na ang mga lalaki.
"Ngayon, sino ang source ng sagot?"
Tahimik kaming lahat. Wala ni isa ang gumawa ng ingay, takot na matawag.
"Savannah?" tawag ni Ma'am.
"Ma'am, may mali akong dalawa. Imposible na sa akin galing ang sagot," depensa niya.
"Athena?"
"Ma'am, imposible rin dahil iba ang solusyon ko. Tingnan ninyo po."
Tiningnan nga ni Ma'am ang papel ni Athena at kinumpara sa isang papel.
Ma'am Nila was convinced kaya lumipat ang tawag niya kay Razyl.
"Naku, Ma'am! Lima yata ang mali ko."
Sumasakit ang ulo ko dahil alam kong mahuhuli na kami. Tss!
Ma'am eyed to Glen.
"Dalawa lang ang tama ko, Ma'am!"
Nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinagot ni Glen. Ang talino nila, ha? May gana pang pangantiyaw.
"Walang aamin? Ngayon..."
Ma'am skimmed the papers and randomly chose a lucky student. Kinakabahan na sila kung sino ang matatawag.
"Kenith! Ngayon, sagutan mo ito sa pisara." Sinulat ni Ma'am Nila ang unang tanong.
Kamot-ulong tumayo si Kenith sa harap. Halos matunaw na ang blackboard dahil ni isang numero ay wala siyang masagot.
"Upo!" sigaw ng aming guro kaya halos mapalundag kami sa gulat.
"Ngayon, sino ang kinopyahan mo?"
Nanlulunok na itinuro ni Kenith si Reynaldo.
Like what Kenith did, he was also asked to answer the same question but didn't get the right one.
"Reynaldo, sino ang kinopyahan mo?"
Tinuro ni Reynaldo si Braden. And I know, ako na ang ituturo nito. Lintik!
"Braden, ang paborito kong estudyante dahil mahilig umabsent." Tunog sarkastiko iyon.
"Sagutan mo ito, iho..."
Tumalima nga siya at tinitigan ang mga numero sa harap.
Fine! Ako na ang aamin. Baka sakaling lumiit ang sentensiya ko kung aamin ako ng totoo.
I suddenly stood up when Braden started to write the solution. Well, tumama siya. Did he memorize it?
"Ano'ng atin?" mataray na tanong ni Ma'am Nila sa akin.
Bubuka na sana ang bibig ko nang magsalita si Braden.
"Ma'am tapos na po."
Nawala ang atensiyon ni Ma'am sa akin at namamanghang tumatango. She wasn't satisfied and gave Braden another question. At ang mokong, nasagot talaga!
"So, sa iyo kumopya ang mga kaklase mo?"
Braden eyed at me and smiled. "Opo."
Hindi niya ako trinaydor?
Braden stayed outside for the whole period. Ma'am Nila will also give him a special quiz tomorrow. Dahil mabait naman daw na guro si Ma'am Nila, na galing din sa bibig ng guro ay bibigyan nito ng oras si Braden na mag-aral. Parusa ito sa pagpapakopya niya sa mga kaklase namin.
"You should point me. Madali lang naman ang parusa, eh!" sabi ko kay Braden.
Mahina siyang tumawa at pumasok sa loob ng classroom.
"Braden! Tutulungan kitang mag-aral. Gusto mo?" presinta ko.
After all, it was supposed to be my punishment. And it was my fault for letting him copy my answers. Ika nga, walang nangungupya kung walang nagpapakopya.
"Talaga? Eh, ang layo mo sa akin," sabi niya sabay turo ng mga upuan namin.
"After class."
"Hindi puwede. Marami akong gagawin sa bahay."
Iyon lang.
Braden pouted his lips, tila nag-iisip.
He suddenly went to my desk and talked to Glen. Ano ang pinag-uusapan nila?
Nakita ko ang pagtango ni Glen at pagkuha ng bag at libro. Saan ito pupunta?
Braden also went to his desk and took all his things. Lilipat sila ng upuan?
Nagtataka akong lumapit sa desk ko. Tatabi siya sa akin?
"Oh, ayan! Seatmate na tayo. Mas madali mo na akong matuturuan," ika niya sabay lapag sa bag niya sa ibabaw ng lamesa.
Seriously? He will be my new seatmate, then.
SHAREHanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa lugar, sa paaralan at sa paraan ng pagtuturo ng mga guro dito sa Punta del Sol. Ang layo-layo sa kinagisnan ko.Katulad ngayon, ang mismong adviser namin ang nagtuturo sa amin na puro sa test paper niya kinukuha ang mga itinuturo. Ang masaklap pa, pinapasulat sa amin lahat ang mga tanong at pinapasagutan pagkatapos."Ganito ba talaga araw-araw?" bulong ko kay Braden na abalang nagsusulat."Hindi ko alam. Hindi naman ako araw-araw pumapasok," sagot niya.Isa rin 'to! Matalino pala siya sa Mathematics, eh tamad namang pumasok. Useless din!Kahit labag sa loob ko ay kinopya ko na lang ang nakasulat sa pisara. Sa tingin ko nga ay magkakakalyo ang mga daliri ko rito.I hissed when our elbows bumped. Ang hirap kung kaliwete ang katabi mo."Ops! Sorry," sabi pa Braden pero hindi naman sincere pakinggan.Nauubos na ang pasensiya ko– sa pagsusulat na napakarami at minsang sinasadyang pagbangga ni Braden sa aking siko para lang mapikon ako."Puw
SLAMBOOK"H'wag ka na lang kayang umuwi tuwing tanghali, Adrielle," sabi sa akin ni Athena.Tuwing noon break, umuuwi ako sa amin, sinusundo rin naman ako ng tiyuhin ko kaya hindi naman hassle."Saan ako kakain?" tanong ko sa kanila."Sa classroom, eh! Marami naman tayo. O kung gusto mo sa kakahuyan tayo kumain," sagot ni Savannah.Er! Never akong kakain sa kakahuyan. Maaalala ko lang ang ginawa ni Braden noon!And speaking of him, absent na naman siya. MWF lang yata ang pasok ng isang iyon, eh!"Wala akong ulam para baunin sa tanghali. Busy si Mama sa manggahan at saka, tuwing tanghali lang nagluluto si Lola," katwiran ko.Totoo naman, tuwing umaga nga ay itlog o hotdog lang ang ulam ko. Harvest ngayon ng mangga kaya wala ang buong atensiyon nina Mama sa bahay."Eh, bumili ka ng ulam!" sabad ni Glenn."Saan ako bibili? Wala namang canteen dito."All of them snorted, tila nauubusan na ng pasensiya sa mga katwiran ko."Nakikita mo ang tindahan ni Ate Katerin?" ani Athena sabay turo sa
CRUSHEksaheradong nagsinghapan ang apat na babae kong kaibigan na ang letter A na tinutukoy ko na crush ay si Athan."O.A. ng reaksiyon, ha!" komento ko sabay tapon ng balat ng kayimito sa gitna ng araruhan."Sabagay, gwapo naman talaga si Athan. Kaso nga lang ay mabaho ang paa!"Inis kong tinapunan ng tingin si Razyl. Mali yata na sinabi ko ang tungkol kay Athan. Dini-discourage nila ako!"Ano sa tingin mo, Braden? Crush din kaya ako ni Athan?" wala sa sariling tanong ko.Nagkibit-balikat lang siya. Wala pala akong mapapala sa isang kaibigan na ito! Lalaki pa naman kaya importante ang opinyon niya."Braden!""Ano!" bulyaw niya nang tinulak ko siya para sagutin ako.I want to know what boy's thought about me. Siyempre lalaki siya kaya alam kong mayroon siyang ideya."Do you find me... attractive?" lakas-loob na tanong ko.He creased his brows and just stared at me. Pinag-aaralan niya ba ang mukha ko?"Ano..." Halos bulong na iyon, baka mawala ang konsentrasyon niya sa pagkilatis sa a
SPARKI looked away when Razyl stared at me. Naiilang ako sa tingin niya na para bang nagdududa. Pinaningkitan niya pa ako ng mata."H'wag mo nga akong tingnan ng ganyan!" angil ko sa kanya.She smirked and glanced to Athena and Braden who were so busy playing bato-bato-pick at the back side of the classroom."Sino ba ang tinititigan mo kanina? Si Athena o Braden?" tanong niya na hindi pa rin nawawala ang ngisi."Both!" agad na sagot ko."Botbot nimo!" she replied.Sinimangutan ko siya nang sabihan niya akong sinungaling.For almost a month of living here in Punta del Sol, I knew a lot of words. Weird words, actually. Kagaya nang sinabi ni Razyl, she just said, I am lying! Dito ko lang narinig iyan at sinasabi lalo na kung mukhang nagsisinungaling ka.Teka... am I saying that I lied?"Totoo nga!" giit ko.Tumango si Razyl pero alam kong hindi siya kumbinsido.Sinulyapan kong muli ang gawi nina Braden. Hindi ko alam saan nanggagaling ang inis ko kay Athena ngayon. Para bang... ang land
F.L.A.M.E.S.Gigil na gigil kung pinunit ang papel at ibinaon ko sa mga palad.Savannah, who was so busy licking her lollipop, shocked when she saw me in so much frustration. Napangiwi naman si Athena na nakatingin lang sa akin."Sayang naman ng papel..." Tiningnan ni Glen ang tatlong papel na nalukot ko sa tabi ng aking notebook."Maraming puno ang mapuputol dahil sa 'yo, Adrielle," komento ni Razyl."Ano ba kasi iyan at parang galit na galit ka?" Si Sav na kukunin sana ang mga papel sa aking lamesa pero mas mabilis ko itong nahablot.Asar na asar ako dahil kahit ano ang gawin kong pagfe-F.L.A.M.E.S sa pangalan ko at pangalan ni Braden ay hindi ko gusto ang resulta.Kung kasali ang buo niyang pangalan, pati apelyido niya at apelyido ng nanay ay sweet siya, ako naman ay friend ang resulta at overall result, friends lang kami.So, I took away our mothers' last name. Love ang resulta sa kanya kaya kilig na kilig ako pero sa akin ay friend pero ang overall ay accept! Nah! Hindi pa rin ma
GROWING"Gusto kita!" bigla kong sabi.Napalingon sina Athena at Razyl sa akin.Braden innocently looked up at me and smiled. Did he hear what I just said?"Adrielle!" saway ni Athena pero hindi ko siya pinakinggan.Kailan ko pa dapat sabihin sa kanya ang nararamdaman ko? I will not be the same Adrielle na gusto niya kung sarili kong nararamdaman ay nagsisinungaling ako."Tss! Ang tigas talaga ng ulo," Razyl murmured, walking out to get Savannah."Braden, are you listening?" I desperately asked.I don't know where did I get such guts. Basta ang alam ko lang ay ito na ang tamang oras."Ha? Bakit pala?"So, hindi talaga siya nakikinig.Umupo siya nang maayos at hinarap ako."May problema ba?" he worriedly asked, putting his pen on the table and faced me."B-Braden, gusto kita. Gusto mo rin ba ako?"Napaawang ang bibig niya. Marahil ay nagulat siya sa biglaang pagkumpisal ko sa nararamdamanSa bawat pagkurap ng mata niya ay katumbas din nang pagbilis ng tibok ng puso ko. What if he will
OBSESSEDMali sina Sav. Mali sina Mama at Papa. Maling-mali sila.Ang sabi nila, mawawala lang daw itong kakaibang nararamdaman ko kay Braden. Pero bakit hanggang ngayon ay narito pa rin. Ang mahirap pa ay mas lalong lumalaki ang paghanga ko sa kanya. I even missed him now!Before, summer vacation thrilled me so much. Pero ngayon, gusto kong pumasok na. Aside sa boring at wala akong matinong makausap dito sa bahay, kung lalabas din ko ay puro puno ng mangga ang nasa paligid. Ayaw ko ring makipaglaro sa mga pinsan, aasarin lang ako kung matatalo ako at isa pa, dalaga na rin ako. Baka isipin ni Braden na para akong bata dahil naglalaro pa.''Anak, anong oras dadating ang mga kaibigan mo?'' magiliw na tanong ni Papa na sa tingin ko ay pang-limang beses na niyang paulit-ulit na tinatanong sa akin. Mas excited pa siya kaysa sa akin, eh! Siya yata ang may kaarawan sa amin.Yes, it's my eleventh birthday. At unang beses kong nagdiwang ng kaarawan na may mga kaibigang pupunta. Kahit na nasa D
MINEIf cracking my knuckles would make them separate from each other, I'd rather break it than seeing them so close.Kanina ko pa tinataliman ng tingin sina Braden at Yui, kanina pa rin bumibigat ang loob ko sa nakikitang mga eksena. Ganyan ba talaga ka-close silang magpinsan at kailangan pang sumandal sa balikat niya si Yui?''Hayaan mo na, close talaga sila simula noon pang mga bata pa kami,'' sabi sa akin Savannah sabay pisil sa balikat ko.Napangiwi ako sa sinabi niya. Ang weird kaya tingnan. Kahit sabihin na nating close sila pero dalaga na si Yui at binata si Braden. Ano na lang ang iisipin ng mga tao kung makikita silang ganyan ka-close? At hindi gawain ng magpinsan iyan. Hindi kami ganyan ng mga pinsan ko.''Bakit kayo? Hindi ba close kayo ni Braden, magpinsan pa na buo, bakit hindi ganyan ka ka-touchy?'' Halata sa boses ko ang inis kaya medyo nagulat si Sav.Nagkatinginan pa silang dalawa ni Razyl. Wala siyang maisagot dahil tama ako. May point naman ako, hindi ba?Bakit ba
My messanger notification popped up to my screen.It was a message from Braden.Nakangiti kong binuksan ang mensahe niya.A caption was written under the photo he sent.'Si Sossy lang ang sakalam.Malakas kumain ng gadgad ng niyog.'Kahit kailan talaga itong dalawa ito! Kung magsasama ay kung ano-anong kalokohan ang ginagawa.Braden was scraping the coconut while Sossy was busy eating the grated coconut.I replied, 'Baka utot nang utot iyang si Saoirse mamaya, ha?'"Miss Reesha, labas na po, naghihintay na sila," pahayag sa akin ng isa sa mga admin at staff ng mall.I will be having my first book signing today! Hindi ko akalain na bebenta ang kwento nina Aden at Ady sa lahat.It was just an ordinary story. Two young hearts met when they were still young, became friends but ended like strangers. However, I don't want my characters to end with no happiness. Dapat ay happy ending naman.I was known in my pen name Reesha, kabaliktaran sa pronunciation sa pangalan ng anak ko na si Saoirse.
BRADEN RION CASTRO PART II"Paano ba natin makukuha iyong lupain na iyan? Ang dami nating kompetensiya. Tiyak na mas bibigyan nila ng mas mataas na presyo ang may-ari!" pahayag ni Harry.Hindi ko mawari bakit ba napakalaking problema sa kanya ang hindi makuha ang lupa ni Adrielle. I know that the investor told us about the offer but what could we do if Adrielle doesn't want to sell her land to us?"Aden? Hindi ka lang ba gagawa ng paraan? Punta del Sol is your place, alam kong kilala mo si Miss Adrielle Santos," aniya."Teka? Si Adrielle? Si Ady ba kamo?" biglang sulpot ni Kurt bitbit ang isang can ng beer.Namumula na ang mukha niya, halata na marami na siyang nainom. At ano na namang masamang hangin at napadpad na naman siya sa shop ko?Nagtatakang tumango si Harry sabay sulyap sa akin. Hindi niya alam na may pinsan akong pakno (baliw)."Pinsan ko nga pala, si Kurt," walang ganang pakilala ko."Hindi mo ba alam na si Adrielle at itong pinsan kong si Aden ay magkaklase noong elementa
BRADEN RION CASTRO PART I"Huwag mo akong iiyak-iyakan, Braden. Maraming nagkakahiwalay na mag-asawa tuwing umiiyak ang groom sa kasal. Babaero daw ang mga iyon," pairap na turan ni Adrielle nang inihatid siya ng kanyang Tiyong Cito sa altar.Nagulat, hindi lang ako, pati na rin ang tiyuhin sa sinabi ni Adrielle. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya dahil walang ngising nakasilay sa kanyang mga labi.I glanced to Tiyong Cito, nagkibit-balikat lamang siya kaya napakurap ko ang mga mata dahil na baka hindi nga nagloloko si Adrielle.Is she really serious?Mayamaya ay narinig ko ang mahina niyang halakhak at kinalabit ang braso ko."Hindi tayo magkakahiwalay, promise mo iyan, ha?" puno ng paglalambing niyang sabi."Of course, love... never."Simple lamang ang kasal namin. Nais lang din ni Adrielle ng pribadong kasalan, iyong kami lamang kapamilya at malalapit na mga kaibigan ang makakasaksi sa pag-iisang dibdib namin.Sa simbahan kung saan pareho kaming nagdasal noon na sana, makatagpo n
TREASURENakahalumbaba ako sa lamesa habang pinapakinggan ang sinasabi ni Ate Sandy sa kabilang linya.Inilapag ko sa ibabaw ng mesa ang cellphone at hinayaan ko lang na i-loudspeak ito para marinig ko lahat ng pinagsasabi ni Ate.Kailangan ko na palang bumalik ng Punta del Sol dahil marami na raw pending na transaksiyon ang manggahan.Anihan pa sa susunod na linggo kaya kailangan ko na talagang ipunin lahat ng nagkapira-piraso kong puso para kahit naman papaano ay makapagtrabaho ako."Ady? Nakikinig ka ba?" untag ni Ate sa kabilang linya.Wala sa sarili akong nagsalita, "Ate, ano ang feeling no'ng nalaman mong buntis ka kay Scarlet?""Ano?" bulalas niya sa kabilang linya."Masaya ka ba? Natakot? Kinakabahan?" dagdag ko."Ano ba ang pinagsasabi mo, Ady? Ano'ng buntis-buntis? Ikaw ba'y..."I heard her gasp. Ang OA ng reaksiyon, ah!Natural na maaari akong mabuntis. Alam niya rin na parati kong kasama si Braden kaya alam kong hindi sila mag-iisip na nagrorosaryo lang kami sa loob ng bah
PUSIT"Alam mo iyong tipong gusto mong kumain ng pusit pero hindi ko mahanap-hanap ang gusto ko sa palengke? Tapos iyong itlog, feeling ko ang tabang ng pagkakatimpla ko at ito pa... hindi ko maiwasang maiyak tuwing nakikita ko ang hitsura ko, Hector," kwento ko sa doktor na kasintahan ni Sav.Savannah gently caressed my back. Napahagulhul ako sa 'di na naman alam na dahilan. Depress na depress na talaga ako!"Gusto ko lang naman mag-stress-eating pero ako ang naste-stress sa mga kinakain," iyak ko."This is getting out of hand, Hector. What shall we do?" tarantang wika ni Sav sabay haplos sa balikat ko para tumahan ako.Hector rubbed his nape and smiled, dahilan para sabay kaming napakunot-noo ni Sav sa reaksiyon niya.Anong klaseng doktor siya? Nginingitian niya lang ang mga seryosong problema at dinaramdam ng mga pasyente niya? Na-offend ako kay Hector, promise!"B-Babe... stop smiling," saway ni Sav na pilit hinihinaan ang boses at pinandilatan pa ng mga mata ang kasintahan."Oh,
WEIRDPara akong tangang naghihintay sa kanya na bumalik siyang muli at kausapin ako.Baka... baka mapatawad ko pa siya. Baka pipikit na lamang ako at kakalimutan ang lahat. Kaya naman iyon, 'di ba?Ngunit natapos ang buong araw at walang Braden na dumating. Napagtanto kong wala akong mapapala sa kahihintay at kakaasa na muli siyang magbalik sa piling ko. It would never happen. I already chased him away."Get up, Adrielle! Day-off ko ngayon, tara! Clubbing tayo," yaya ni Venus sa akin sabay hila sa akin patayo sa kinahihigaan.I groaned, still closing my eyes."I'm tired..." pagod kong tugon sa kanya sabay yakap-yakap sa bolster pillow.Tatlong araw na ako rito sa condo ni Venus simula nang umalis ako ng Punta del Sol.Hindi ko kayang mag-isa at para akong mababaliw. Ayaw ko rin namang sa bahay nina Ate Sandy dahil baka ako pa ang mas babantayan niya at hindi ang sariling anak. Wala rin akong ibang kamag-anak na puwedeng mapuntahan dahil ayaw kong may masabi na naman ang mga iyon. Mah
DOOR Tears spilled over and streamed down my face like a river escaping in a dam. My body looked calm but contradicted to how tangled my mind was. Whimpers escaped my lips through the suppressed sound of hiccups. Sa sobrang pagpipigil ko ring humagulhul ay halos mawalan na ako ng panimbang na maglakad para makalabas pero kailangan kong magmadali. I know Braden will follow me, so I must go first before he'll catch me and explain lies again. Kilala ko ang sarili. Ang hina ko pagdating sa kanya. "Ma'am, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ng security guard nang nakita niya akong nakahawak sa railings ng hagdanan pababa ng restaurant. Akma niya akong hahawakan pero itinaas ko ang isang kamay. Ang sakit. Ang sakit ng ginawa ni Braden sa akin at walang katumbas na hinagpis ang pinabaon niya sa akin. Akala ko ay siya na ang matagal ko ng pinagdasal. Siya ang hiniling ko sa Diyos na sana ay makasama at mamahalin ko. Siya ang magiging kasama ko habambuhay, magiging ama ng mga anak ko. Pero
RUNI don't want to deprive myself now. I want to enjoy every single moment to Braden.Ang pagmasdan lang siya habang natutulog ay sapat na sa akin para memoryahin ang bawat sulok ng hitsura niya.The smooth flow of his forehead through temples, his small spotted moles on the cheeks like kisses of angels, prominent jaw angle, crisp jawline, and long, rounded chin, with all these facial aspects that Braden had will be stored in my brain. Para kung mami-miss ko siya ay iisipin ko na lang ang hitsura niya sa utak ko.Ang sarap niyang titigan habang tulog na tulog. Sa mumunting hilik niya at ang kaunting awang ng bibig ay alam kong puyat si Braden kakaabang sa akin kagabi.Akala niya ay nakatulog na ako kaya tumabi siya sa akin ulit habang mahigpit akong niyapos sa kanyang bisig.Hinihiling ko sana na hindi ko na maaalala ang lahat at ang tanging pinapakita ni Braden ngayon ang para sa akin ay totoo. Subalit sa kabila ng lahat ng ginawa niya, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa
ENDINGI am so proud of myself for being so hypocrite. Nakikingiti pa ako sa mga jokes at kuwento ni Braden habang kumakain kami. Nakikipagkuwentuhan pa ako at nagtatanong patungkol sa pamilya niya na hindi niya napapansin na hinay-hinay ng namamatay ang kalooban ko dahil sa sakit.Bakit niya ginagawa sa akin ito? Masaya ba siya kung nasasaktan ako't wasak na wasak? Nakakalabas ba ng tunay na pagkalalaki ang magpaikot at paglaruan ang nararamdaman ng isang babae?"Stop playing the squid ink, Braden!" natatawa kong saway sa kanya nang ipahid niya ang tinta ng pusit sa ngipin.He grinned and showed to me his black teeth."Remember before? Sabay-sabay tayong kumakain araw-araw ng tanghalian," sabi niya sabay inom ng tubig.Tumango ako at sinulyapan siya."Kami araw-araw pero ikaw hindi kasi parati kang absent!" ani ko na pabirong umirap sa kanya.He laughed giddily and nodded."Yeah, absenous nga ako rati pero bumawi naman sa high school dahil Best in Attendance awardee ako," pagmamayaba