Share

Psycho Employee
Psycho Employee
Author: Angelo Allen Santos

CHAPTER 1 FRED

last update Huling Na-update: 2021-09-02 12:32:25

      Isang gabi na maliwanag ang buwan. May isang lalaki na tumatakbo takot na takot. Bakas sa kanyang mukha na may humahabol sa kanya. Sa isang lugar parte ng Quezon City, parke sa umaga ngunit wala na dito masyadong tao kung gabi na. Mapuno, maraming halaman subalit maaga naman ito nagsasara… tahimik ang gabi…

Takbo…” isang salita lang ng lalaki…At sumagot ang isa pang lalaki na kanina nga ay tumatakbo.

                        “Huwaaaaaaggg!”  “Tapos ka na”.“AAAAAAHHHHH! Agh. “

Umaga. Isang Female Reporter ang nag-rereport sa saing parke.

      ” Isang Lalaki ang natagpuang patay sa isang parke sa Quezon City, laslas ang leeg nito, nakilala ang lalaki bilang manager ng isang kilalang mall din sa Quezon City.May salamin tinatayang nasa mahigit apatnapung taong gulang Efren ang panagalan na nakita sa ID nito ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa alam ang motibo ng Krimen.”

Madami ang nag - usyosong tao sa paligid sa ilalim ng isang puno kunsaan natagpuan ang bangkay. Madaming Pulis sa paligid. Sinisiyasat nila ang bangkay kasama ang mga Soco.

     ” Sir Ano po ang masasabi ninyo tungkol sa krimen na ito?” –Tanung ng Reporter sa Pulis.  ”       Sa ngayon po ay hindi pa namin alam ang motibo sa krimen ngunit hindi ito isang uri ng pagnanakaw, hindi din ito hold-up dahil wala nawala sa gamit ng biktima.”  ” Ganun po ba, may hinala na po ba kayo sa kung sino man po ang may gawa nito?”  ” Blangko pa ang kapulisan sa ngayon mam, ngunit titiyakin namin mananagot sa batas ang sino mang may gawa nito.”

                    ” Sige po Chief maraming salamat po.” –Sagot ng female reporter.

     Sa isang lugar sa Maynila, dito nakatira ang isang lalaki na ang pangalan ay Fred, may isa siyang anak na babae na pangalan ay Maria walong taong gulang.

     “Tay wala na po tayo Bigas”.  “Anak umutang ka muna sa tindahan ng bigas.”  “Sige po Itay”.

     Laman palagi ng Jobfair si Fred nasa tatlumpung taong gulang madalas naman siyang matanggap ngunit sa takbo ng buhay may trabaho sa Pilipinas hindi na mawawala sa kalakaran ang End of Contract matapos lang ang ilang buwan. Tulad ng marami sa mga Pinoy pag may trabaho busog at pag wala nababaon sa utang at balik na naman sa pagbibilang ng poste. Tulad ngayon nasa isang malaking Mall na naman si Fred sa isang Job Fair sa Quezon City.

     ” Hi mam Good Afternoon”.  “Base on your Resume I think we can Hire you as Sales Clerk in our Shoe Store.”  ” Thank you so much mam”.  ” Ok you can visit our office at Ortigas near Shaw Boulevard.”” Sure Mam”.

     Tulad ng dati natanggap naman si Fred at nagsimula muli sa bagong trabaho. Ganito nabubuhay ang maraming Pilipino ngayon. On and Off ang trabaho dahil sa Sistema ng Lipunan.      Simula ng magakaron ng Globalisasyon dito na nag umpisa ang Endo Contract.

     “Fred na-receive mo na ba ang Delivery natin today? Encode mo na sa computer tapos I- Display mo na ang iba.  “Yes Mam Sheryl”

     1 pm na ng Hapon. Nagpa-alam na si Fred kumain ng tanghalian sa boss niya.

     ” Mam pwede na po ba ako mag lunch?”  ” Ay nako Fred andami mo pa di na-Display na mga delivery mamaya na!”  ” Gutom na po kasi ako.”  Sumabat ang isang ka-trabaho ni Fred si Harold.  “Tamad mo talaga Fred tumatakas ka agad eh di ka pa tapos mag Display”.  ” DI naman sa ganun Dre”.  ” Ay nako basta tapusin mo muna yan Display mo ng mga Sapatos bago ka Lumamon!”

     Dahil sa nasigawan ng manager na si Sheryl hindi na lamang muna kumain si Fred. Gabi na 7pm ang uwian ni Fred dahil Opening Shift siya tulad ng nakasanayan na at kalakaran dalawa talaga ang Regular Shift sa mga mall sa Pinas Opening at Closing shift.

     “Mam magpaalam na po ako umuwe”.  ” Ano uuwe ka na? Bakit may benta ka na ba?”  ” Wala pa po Mam.”  ” eh bakit uuwe ka na wala ka pa pala benta?”  ” Mam ako po kasi nag ayos ng Display kanina at nag encode sa Computer kaya wala pa po ako benta”.  ” Haaaay Nakoo!!!    Di uubra sakin mga palusot mo! Hala balik sa selling area at magbenta ka!”  ” Mam kasi ho yun Anak ko wala po kasi magpapakain, yun nanay po kasi nya may trabaho din closing shift po”.

     Ang Asawa ni Fred ay isa din Sales Clerk sa ibang mall. Ganito na ata talaga ngayon sa hirap ng trabaho kahit graduate ka ng mabibigat na kurso sa kolehiyo minsan swerte na din makapag trabaho ka sa isang mall kung wala ka naman mahanap na ibang trabaho atleast may kitaka.

” Ano? Hindi ko na problema yan   Hoooy! di ba nasa kontrata ninyo willing to do Overtime kayo? And you signed your contract”.

     Wala nagawa si Fred kundi ang mag Overtime. 10pm na ng makauwe si Fred sa bahay nila.

“Tay, gutom na po ako.”  ” Anak sorry ngayon lang ako ha, OT kase si Tatay heto kumain ka na dinalhan kita ng adobo sabay na tayo kumain.”  ” Sarap naman nito Itay, tara kain na po tayo.”

     Matapos kumain ay natulog na ang mag ama, madalas naman kasi gabi na dumarating ang ina ni Maria kaya pagdating nito tulog na ang dalawa.

Kinabukasan pasok ulit si Fred, ganito naman talaga ang buhay sa Syudad, Routine lang ang buhay ika nga. Uuwe, kakain, matutulog, kinabukasan papasok na naman.

” Oh bakit late ka ng isang minuto Fred?” –Sita ng manager na si Sheryl kay Fred.” Naku pasensya na po mam, traffic po kasi.”

     ” Haay Nakooo!!! Yan lagi mga palusot ninyo pag late Traffic! Nalulugi kumpanya sa inyo! Ilan na ba ang lates mo?”  ” Tatlo po.”  ” Isang late mo pa suspended ka na, at pag nakalima ka tanggal ka na sa trabaho”.  ” Naku wag naman po sana mam, may anak po kasi ako.”  ” Wala ako pakialam.”

     2pm na at late lunch na kaya nagpaalam na si Fred para kumain sa kanyang manager si Mam Sheryl.

“Mam mag lunch lang po ako”.  “Ano? Mag lunch ka na eh may bentaka na ba?”  ” Wala pa po mam matumal po kasi ang tao ngayon, Lunes po kasi.”  ” Kapal ng mukha monoh, kakain ka na wala ka pa pala benta?”

     Sinabayan pa ng tawa ng kasamahan niyang si Harold ang turan ng manager nila. Ganito naman talaga ang mga Pinoy minsan sip-sip sa boss, dikit sa naka-tataas ika nga kahit makasakit na or maka-tapak na ng ibang tao.

Walang nagawa si Fred kundi mag benta na lang ulit, 4pm na siya nakapag lunch.  Gabi na 7pm ulit at nagpaalam na si Fred umuwi.

“Mam mag out na po ako.”  “Bakit sino nagsabi sayo pwede ka na umuwe? Quota ka na ba? Ilan na ba benta mo?”  ” Isang Sapatos po.”  ” Isa? Isa pa lang? Magkano yung isa na yon?” 

                                                                              3

     ” Dalawang libo po.”  ” 2k pa lang benta mo uuwe ka na?” HOOOY Sampung Libo Quota mo dito araw-araw!”  ” Oo nga naman pre di ka pa quota iiwan mo na kami ni Mam.hehe”. –Si Harold.  ” Oy Harold magbenta ka na din isa ka pa dalawang sapatos lang benta mo maghapon!” –Sabat ng manager na si Sheryl.

     Ganun araw araw ang routine ni Fred, araw araw kasama ang manager na nasa 40 yrs old na ang edad maganda naman ang itsura, maputi, mahaba ang buhok, mukhang tsinita nasa 5’7 inches ang taas ngunit maganda man ang itsura ay kabaliktaran naman ang ugali nito. SI Harold naman ay nasa 25 yrs old at medyo matangkad sa taas na 5’9 inches maitim ang kulay, kung anung pinangit ng mukha ay ganon din kapangit ang ugali nito. Hanggang sa araw na ng Suweldo nila…

” Mam Sheryl tanong ko lang po sana, kulang po ata yung sweldo ko”.  ” Panung kulang Fred?”  ” Andami ko po kasi OT pero bakit 5 thousand lang po ang sinahod ko?”  ” Sino may sabi may OT ka? Charity mo yun hindi ka na nga kumokota naghahanap ka pa ng OT pay?”  ” Siyempre naman po mam kasi pinaghirapan ko naman po yun, araw-araw po Opening ako pero Closing n’yo na po ako pinapauwe.”  ” Aba talaga sumasagot ka pa?!” Wag ka na pumasok bukas ha Sisante ka na!”

Terminated si Fred dahil sinagot nya ang kanyang manager.

” Paano ba ito, wala na naman ako trabaho…haaaist…hanapan na naman.”

     Sa bahay nila Fred. Si Chi-Chi ang asawa ni Fred, maputi ito nasa 5’4 inches ang taas, tsinita maganda ngunit masungit ito kapag nasa bahay.

” Anoooo?! Wala ka na namang trabaho Animal ka!” Wala ka talaga kuwenta!” Ako na naman lahat ang sasagot sa mga gastusin natin!”  ” Di ko naman kagustuhan mawalan ng trabaho, sadyang napakaraming masamang ugali ng mga boss ang mga kumpanya ngayon, tingin sa sarili nila diyos!”

     Nag-Computer si Fred at nagbaka-sakali makahanap ng trabaho On-Line ito na ang uso ngayon. Sa itsura ni Fred sa Picture niya na gwapo naman dahil sa totoo lang ay gwapo si Fred, maputi, matangkad sa height na 5’9 inches, medium built body, proper diet at konting gym, sabi nga 70% diet at 30% excersise ito ang sikreto sa magandang katawan, kaya naman isang kumpanya agad ang sumagot sa kanya On-Line at muli siya natanggap sa trabaho.

” Congratulation Fred you are now a Supervisor in our Department Store”.   “Wow, thank you po mam, I will do my best”.

     Dahil may experiences na si Fred sa mga Sales Work ay sinuwerte naman siya mapasok sa isang sikat na Department Store sa Quezon City bilang Store Supervisor. Nagkaroon siya ng mabait na Manager si Jerry.

                ” Oh Fred uuwe na ako ikaw na ang bahala sa tindahan natin”.  ”Yes Sir.”

     Sa isip ni Fred ay nasabi niya.

“Haaay Salamat at nagkaron din ako ng manager na mabait.”

Si Jerry ay isang manager na maganda ang pakitungo sa mga tao niya, marunong makisama, galing din kasi sa ibaba bago umangat ng Posisyon bilang manager. Matipuno ang katawan niya ika nga ng kababaihan ‘Tall, Dark and Handsome’.”

                                                                         

     Akala ni Fred ay magiging smooth na ang lahat. Sa isip niya.

“Mare-regular na ko sa trabaho na ito, pagbubutihan ko.”

Ngunit ilang Lingo pa lamang ang nakararaan, kinabukasan matapos ang isang day off niya.

” Absent ata si Sir Jerry.”

     Tinanung niya ang isang Sales Clerk na babae.

” Absent ata si Sir ngayon anu sabi ng General Manager natin?”  ” Po? Ay Sir, wala kayo pala kahapon wala na si Sir Jerry, Nag resign na kahapon”.  ” Ha? Bakit daw?”” Nagkaron ata ng Violation na matindi kaya na-force to resign”.  ” Hala. Napakabait pa naman nun”.” Naku Sir kung anong bait ni Sir Jerry balita ko sobrang sama naman ng ugali nung papalit sa kanya si Sir

     Ricardo sa kabilang Department ilalagay daw sa Department natin”.” Ganon ba pero balita ko malumanay naman daw magsalita yun.”  ” Ay naku Sir di lahat ng maganda magsalita mabait.”

Kinabukasan nga ay nasa Department na nga nila Fred si Ricardo, isa pang manager ng Department Store nila.

     ” Good Morning Fred.”  ” Good Morning Sir.”  ” Simula ngayon sakin mo na ire-report lahat ng kaganapan sa Department natin.”  ”Yes Sir.”

Gabi. Sa isang parke sa Maynila. Isang babae at isang lalaki ang magka-date.

“Kailan ba tayo magpa-pakasal?” sabi ng babae sa lalaki.  “Wala pa kasi ako ipon”. Wika ng lalaki.

     Gabi na nuon. Malalim na ang gabi…maganda ang panahon, ngunit malamig ang hangin dahil sa Ber month na at nalalapit na din ang pasko...wala na masyado tao sa parke dahil almost 12am na nang hating-gabi.  Sa ilalim ng puno magkayakap ang dalawang magka-date. Nakapikit at dinadama ang lamig ng hangin.

                                                                 “Takbo!”

     Paglingon ng lalaki ay isang Anino ang nakita nya. Sabay-

                                     “EEEEEHHHHHH!!!” Ahg. Sigaw ng babae.

“Ahhhh”. Halos di makapagsalita ang lalaki at di nakagalaw sa pagkagulat nakita niya ang kasintahan na laslas ang leeg at umaagos ang dugo. Ngunit nawala agad ang anino sa likuran nila dahil maraming puno sa parke na iyon. Sa takot ng lalaki nagtatakbo ito at iniwan ang kasintahan. Umaga…natagpuan ang bangkay ng babae. Isang Female Reporter ang nag-uulat, kausap ang Pulis.

     ” Isang babae po ang natagpuan sa isang parke sa Maynila, laslas ang leeg, hinala ng Pulisya ang kasintahan nito ang pumatay sa biktima, di umano niyaya na ng babae na magpakasal ang lalake ngunit napag alaman na may Asawa na pala ang lalaki kaya pinatay nito ang babae.”  “Sa ngayon di pa namin nahuhuli ang kasintahan niya si Harold.”  ” Di umano isang manager ng kilalang Botique ng Sapatos nagtratrabaho ang biktima, kasamahan niya naman sa trabaho ang lalaki si Harold.” –Patuloy ng reporter.  ” TSk-TSk basta sa mall talaga nagtratrabaho ang lalaki sigurado may asawa na.”  ” Nyehh, oo nga naman di po katulad ninyo ano Sir, basta Pulis matulis. Hehe.”

                              Sa Department Store kunsaan nagtratrabaho si Fred.

                                                                           

     “Fred!”  “Bakit po Sir Ricardo?”  “Ano to, yung mga trabaho sa Desk mo hanggang ngayon nakatambak!”” Naku Sir, bago na ho yan tinapos ko na po kahapon yung mga nariyan.””

     Palusot ka pa! Di mo ginagawa yung trabaho mo!”” Sige Sir gawin ko na lang po agad.”

     Gabi na at uwian na sana ni Fred.

     “Boss uwe na po ako.”  “Naku Fred di ka pa pwede umuwe Overnight ka ngayon.”  ” Ho? Eh       Opening po ako kanina.”  ”May mga I repair sa Department natin ikaw ang magbabantay.”  ” Sir kayo po ang closing di po ba yun Rules kung sino po ang closing siya po ang overnight?”  ” Di pwede may gagawin ako, mano-nood ako ng basketball ngayong gabi.”  ” Sir yung anak ko po kasi wala magpapakain, gabi pa ho dating ang nanay niya”.  ”Wala ko pakialam basta ikaw ang overnight”.

     Wala nagawa si Fred kundi ang sundin ang boss niya.  Pag uwe ni Fred nung umaga.

“Tay, nandiyan ka napala.”  “Sorry anak, overnight si Tatay eh. Nakakain ka ba kagabi?”  ” Hindi po, hinintay ko po kayo hanggang nakatulog na po ako. Si Nanay wala din ata po kasi dala pagkain kagabi”.  ” Sorry Maria Anak. Halika mag-almusal na lang tayo.”

Pagkatapos ng almusal may tumawag kay Fred sa cellphone niya.

“Hello?”  “Fred opening ka ngayon ha.”  “Po? Boss Ricardo, kau-uwe ko lang po galing overnight.”  ” Hay naku inaantok pa ko, nanuod kasi ako ng basketball kagabi, basta pumasok ka na.”

     Wala nagawa si Fred kahit antok pa ay pumasok na ito, kahit pa nga 24 hrs na siya gising.

” Busog ka na ba anak? Pasensya na kaylangan ko na pumasok ulit, pakisabi na lang sa nanay mo pag nagising tumawag kasi ang boss ko pinapasok na ko ulit.”  ” Sige po Itay.”

     Samantala si Allan isang Imbestigador may hawak ng kaso sa pagpatay sa manager na babae sa parke. Si Allan ay isang medium built body, fair skin, 5’8 ang taas, bakas sa mukha nito ang pagiging batikang Imbestigador. Nasa parke siya sa Maynila at palaisipan pa rin sa kanya ang kaso na hinahawakan niya.

“Nasaan na kaya si Harold ang pangunahing Suspek sa pagpatay kay Sheryl.”

Naupo ang Detective sa upuan kun-saan namatay ang biktima, nakapikit siya, malalim ang iniisip.

     ” Hindi sapat na dahilan na malaman ng biktima na may asawa si Harold para patayin siya ni Harold.”

     Kinakausap ni Allan ang kanyang sarili. Sa upuan sa isang parke sa Maynila, kunsaan mapuno, maraming ibon ang nasa paligid ni Allan nangi-nginain sa lapag sa mga nahuhulog na tinapay na kung minsan ay kinakain ng mga tao na nagdaraan sa parke. Ngunit hindi pansin ni Allan -

ang ganda ng parke kung umaga, bagaman ang iniisip niya ay ang dilim ng gabi, kunsaan naganapang krimen. Sa Department Store muli pumasok si Fred. Dati pa din, ginawa ang trabaho niya. Hanggang dumating ang boss niya si Ricardo.

     “Fred!”  “Yes Sir?”  ” Ano ito sinabi ng HR na ni-renew mo yung isang tao natin na matigas ang ulo at lumalaban sa akin?”  ” Sir, wala po kasi siya bad record, at ok naman po ang performance niya.”  ” Pirma ka ng Pirma di ka nag iisip! Dapat lahat ng gagawin mo sinasabi mo muna sa akin. Halika dun tayo sa may ari ng Department Store mag-uusap.”

                                                                           

     At kinausap sila ng May Ari. Dahil sa mas mataas si Ricardo at regular na ito sa kumpanya, natanggal sa trabaho si Fred.”

” aaahhhh…ano ba itong kapalaran ko, lagi na lang…mga hayop na boss yan, tingin sa Sarili nila diyos sila.”

     Kinakausap ni Fred ang sarili habang naglalakad pauwi sa bahay nila galing sa Department Store kunsaan siya nasisante.

     ” Lagi na lang, ano ba namang buhay ito…bakit may mga tao na nagka posisyon lang umaakyat na sa ulo nila ang posisyon nila. O marahil may mga tao na hindi nakaranas maging mababa O dumaan sa mababang posisyon kaya napaka-taas ng tingin nila sa sarili nila.”

     “Hindi kayo Diyos, Hindi! Sapagkat ang Diyos kaya niya magbigay buhay at bumawi din nito.”

“Iyon ang tunay na Diyos.”

     Sa bahay nila Fred.

“Tay gutom na ko.”  “Anak, umutang ka muna kela aling Bebang sa tindahan ng De-lata…wala pera si Tatay mo ngayon. Yung sweldo naman ng nanay mo naibayad na sa Upa sa bahay at kuryente.”  ” Sige po Itay.”

     Tulad ng dati nagbibilang na naman ng poste si Fred. Apply dito, Apply duon. Sampung taon na ang nakararaan ganito lang umiikot ang buhay niya. Apply, Trabaho, Tanggal, Endo, typical na buhay ng mga ordinaryong Pinoy…ilan-ilan lang naman sa mga Pilipino ang talagang yumaman nang husto o di kaya Pilipino nga ba sila talaga sa mga Apelido pa lang kase nila mga apelido at pangalang banyaga na.

     ” Congrats Fred, you are now hired as our new consultant.”  ” Thank you po mam.”

Natanggap ulit si Fred sa isang kumpanya sa Maynila. Isang Gym. Siya ngayon ay taga kuha ng mga member ng Gym na ito. Sa simula ay maganda naman ang trabaho ni Fred. Mabait ang boss niya na medyo may edad na babae, manager ng gym nila. Mahusay na si Fred sa Sales, marami siyang nakukuha na new member para sa gym nila.

                                   ” Segurado tatagal na ko sa trabaho na ito.”

     Gabi sa Parking-lot…pasakay na sa kanyang motor ang isang manager ng Department Store.

“Takbo.”  “huh? AAAhhhhgh.”

Iyon na ang huling nasabi nito sa kanyang paglingon.  Umaga. Isang Female Reporter muli ang nagbabalita kausap ang isang Pulis.

” Isang lalaki po ang natagpuang patay sa tabi ng kanyang motor sa parking lot ng isang kilalang    Department Store. Laslas ang leeg nito ngunit di umano ang mga pulis ay nagtataka dahli wala naman nawala sa gamit nito, ang motor niya ay di din naman ninakaw ng salarin.”  ” Mam sa ngayon ay wala pa kami leads sa kung sino ang pumatay sa kanya, bagamat marami ang nagsasabi ito palang manager na ito na si Ricardo ay maraming galit pala dito, marami sa mga tao niya ang nagsasabi masama daw ang ugali ng manager na ito.”

     Si Allan. Ang batikang imbestigador ay nagpunta sa pinangyarihan ng krimen, madalas natotoka siya talaga sa mga ganitong kaso. Ito kasi talaga ang Forte niya mga “Murder Case”.

     ” Sir Allan, anu po ang masasabi ninyo dito?”  ” Sa ngayon ay may hinala ako subalit hindi pa ako nakatitiyak. Ang taong ito ay dating Nobyo ni Sheryl isa ding manager ng mall. Sa style ng paglaslas sa leeg nila mukhang isang pattern lang ang ginamit…galing sa likuran”.  “kung gayon sino ho ba ang pinaghihinalaan ninyo?”  ” Si Harold”. Ang naging kasintahan din ni Sheryl. Sa ngayon ay hinahanap na siya ng mga kapulisan.”

     Sa gym na pinagtratrabahuhan ni Fred. Kausap ni Fred ang isang Male trainer.

     ” Uuy ang daming handa ahh.”  ” Oo despedida ni madam, nag-resign na last day na niya ngayon”.  ” Ha? Naku sino papalit kay madam?”  ” Yun bading galing sa Cavite branch si boss Mico, balita ko istrikto daw yun.”

     Masarap magtrabaho sa gym maganda ang ambiance, libre gym, may mga free classes.        Masaya si Fred sa trabaho niya. Hanggang sa dumating na ang bagong mananger si MIco. Hindi lagi smooth ang Sales Work, may panahong malakas, may panahon na mahina ang benta ng membership. Si Fred kausap ang manager niya si Mico.

     ” Boss Mico uwe na po ako.”  ” Uuwe ka na? bakit may nabentahan ka na ba ng membership?”  ” Wala pa po.”  ” Bawal umuwe walang benta, hindi na kayo bata alam ninyo na obligasyon ninyo sa trabaho na ito.”

     Hindi nga nakauwe si Fred hanggang sa magsara na ang Gym nila ng alas Onse ng gabi. Halos araw araw ay ganuon ang nangyayari sa Gym Opening to Closing lagi si Fred. Minsan may mga paborito din ang mga boss.

     “Sir, bakit ho nawala sa account ko yun isang client na foreigner? Sakin po yun bakit nakita ko sa board benta na ni Cecil?”  ” Naku wala ka kasi kanina nag-lunch ka ayun napunta ke Cecil.”   ” Sir Mico hindi naman po ganon ang kalakaran, pag encoded na sa isang consultant sa kanya po dapat yung benta.”  ” Ako ang boss, ako ang kalakaran, Ako ang Masusunod!”  “Hindi ka diyos”. Bulong ni Fred sa sarili.  ” Ano sinabi mo?”  ” Wala…wala ho”.

      Sa totoo lang ang kasalanan ng mga tao nuong panahon pa nila Eva at Adan ay ang kagustuhan maging diyos. Hindi ang simpleng pagkain sa prutas ngunit ang epekto ng prutas na iyon, “You Will Be Like God”…kasalanang namamana..kaya ba lahat ng tao ay gusto maghari? Sa kahit saang puntahan, trabaho, lugar, teritoryo, maging sa sariling tahanan.

” Pagod na ko sa ganitong sitwasyon ko. Bakit ba para sa iba madali ang pera, sa mga taong anak ng Diyos.”

     Ito ang sinasabi ni Fred sa sarili habang kumakain ng meryenda sa canteen. Isang beses nilagnat si Fred at nakapag absent siya ng tatlong araw. Pagpasok niya sa Gym ay sinalubong agad siya ng manager niya.

     ” I want your resignation ngayon din. I do not want an employee like you, tatlong araw ka absent.”  ” Sir Mico, may medical naman po ako.”  ” Fred, I don’t care about your medical, you resign or I will terminate you.”

Wala nagawa si Fred kundi mag resign.

     ” Sobra na ito lagi na lang ganito…mga hayop na boss yan sobrang lupit…puro hindi maka-tao…mga maka hayop sila! Hindi kayo Diyos. Ang Diyos ay kaya bumuhay or bumawi nito.”

Umuwe si Fred…sa bahay nila nadatnan ni Fred si Chi Chi, day off nito.

                                                                            

     ” Ano? Wala ka na namang trabaho? Ano ba naman yan lagi na lang ganito!”  ” Nay wag na ho kayo magalit kay Itay, di naman po niya gusto mawalan ng trabaho.” –Sabat ng anak nila na si Maria.

Sabay dumating ang Nanay ni Chi-Chi nakasimangot, lagi naman talaga ito naka simangot, si Simang, yan ata mas maganda pangalan niya kahit ang tunay nitong pangalan ay Choling.

                                         “Wala na naman trabaho asawa mo.”

     Lumabas na lang ng bahay si Fred, nagpahangin, nagpunta sa Parke, nag isip-isip. Maganda ang isang Parke sa Maynila, isang sakay lang ito mula sa bahay nila. Ngunit di pansin ni Fred ang mga puno, ibon, halaman at sariwang hangin. Gabi na nuon ngunit tila ayaw pa niyang

umuwe. Nasa isip na susungitan lamang siya ng Asawa kung uuwe siya. Nakakapagod ang ganuon, ang boss nga maari mo iwanan sa trabaho ngunit ang Pamilya ay araw-araw mo kasama sa bahay. Mahal naman ni Fred ang asawa niya kahit pa nga masungit at madakdak ito.      Siyempregayundin ang anak niyang si Maria, Makita lang niya ang ngiti nito, kahit anong hirap sa buhay ay napapawi na ng mga ngiti nito. September nuon…sa parke kunsaan naka upo si Fred sa ilalim ng puno. Isang lalaki ang hinuli ng Pulis.

                                                         “Wag kang Papalag!”

                                                       Nakita ni Fred ang lalaki.

                          ” Si- Si Harold! bakit kaya?” –Si Fred nakita si Harold dala ng Pulis.

     Si Allan kasama ang dalawa pang Pulis bit-bit si Harold.

     ” Nahuli ka din namin, ngayon mananagot ka na sa mga krimen na ginawa mo!”  ” Wala po ako kasalanan Tata!”  ” Wala ka na kawala ngayon, patunayan mo na lang sa korte kung talagang inosente ka.”

     Si Fred naisipan na din umuwe…naisip niya naghihintay ang kanyang anak sa bahay. Ang tanging pumapawi ng kanyang kalungkutan. Napangiti si Fred nung makita niya na nahuli ng Pulis si Harold. Marahil ay naiisip niya nakaganti na siya sa kasip-sipan nito nuon sa kanilang boss na si Sheryl. Sa isang parke sa Maynila, may inu-usyoso ang mga tao, sa isang CR ng lalaki. Isang Bakla nakahandusay, wala ng buhay ito, duguan at may laslas ang leeg. Nang makita ito ni Allan sa balita sa TV agad siya pumunta sa lugar ng krimen. Interesado siya sa mga ganuong kaso. Ito ang Passion niya kasi to solve mysteries, Crime Passion.

     ” Shit, yun pagkalas-las sa leeg niya parehong pareho kay Sheryl at Ricardo! Pe-pero imposible ito kung iisa ang salarin nila, kagabi pa naka-kulong si…Harold!”

Sa isip ni Allan, iniisip niya na bago kaya nila nahuli si Harold ay napatay pa nito ang bakla? Kung Oo, Ano naman ang motibo? Tulad ng dati wala nawala sa bakla…at nakuha ng mga Pulis ang ID nito.

     “Mi..Mico.”  ” Maari kaya nag col boy na lamang si Harold kaya siya nama-makla? Ang sabi ng mga huling nakakita sa biktima ay bakla daw ito sa kilos at galaw. Ngunit bakit niya pinatay ito?”

     Sa bahay ni Fred. Naglalaba si Fred ng mga damit ng makita siya ni Maria.

     ” Tay andami mo ata nilalabhan damit…bakit may mantsa po ata mga damit ninyo?”  ” Ahh. Barbecue Sauce natapon kagabi…iniisip ko kasi magtinda na lamang ako ng barbecue anak. Ang hirap kasi maghanap ng trabaho ngayon.”

                                                                              

     Ngumiti si Maria… Si Fred napangiti din…nakatitig sa nilalabhan niyang mga damit.

     ” Tay yung kitchen Knife natin andumi daw sabi ni nanay, di mo daw po hinugasan mabuti, ginamit mo po ba iyon sa barbecue itay? Parang may mga sauce din.”” Ahh Oo anak. Oo.”

     Sa parke…muli nagrereport ang isang female newscaster.

” Isang bakla muli ang natagpuang patay sa isang CR sa parke, marami na talagang Crime of   Passion na nagaganap sa ngayon sa ating lipunan…marahil na din ay sa takbo ng lipunan sa ngayon, kahirapan, o baka naman dahil na din sa kalupitan ng mga tao.”

     Sa isang radio maririnig ang mga binabalita tungkol sa mga pagpatay.

” Isang matandang babae patay sa saksak itinapon sa ilog.”  ” Bagaman at may nahuli na daw na suspek ang Pulisya ay di naman nila isina-isantabi ang iba pang mga motibo sa krimen sa bakla na natagpuan sa parke”.

     ”Hindi Diyos ang tao para pumatay, ano pa man ang kasalanan ng sino man, Diyos lamang ang maaring humusga.” –Si Allan nakikinig ng balita.

Sa bahay ni Fred…nakaupo si Fred sa tabi ng bintana nakatingala sa langit sa paborito niyang puwesto sa bahay nila.

     ” Hindi kayo diyos…pagkat ang tao ay may kamatayan.  “Hindi kayo diyos pagkat ang Diyos ay may kakayahang bumuhay o bumawi nito.” “Parurusahan ang masasama sa Impiyerno pagdating ng takdang panahon.”

Muli si Fred ay nasa harap ng kaniyang Computer naghahanap ng trabaho On Line.

                                                                   The End?...

     Tulad ng dati, nag apply muli si Fred On- Line, at may sumagot naman sa kanya at masuwerteng matanggap muli sa trabaho. Sales palagi ang trabaho ni Fred dito na siya nalinya simula’t sapul nang siya ay maka-graduate ng college mga sampung taon na ang nakararaan.    Ngayon siya naman ay nagtrabaho bilang broker ng isang sikat na Real Estate company.

     ” Yes mam malapit ko na mapabili yung isang client natin.”

Babae ang manager ni Fred Cora ang pangalan nasa tatlumpu at walong taong gulang, 5’7 ang height, fair skin, medyo mataray ito.

     “Seguraduhin mo lang Fred, isang buwan ka na wala benta”.  ” Opo madam.”  ”Yun mga rentals natin ano balita?”  ”Medyo matumal madam pero meron naman tayo mga ilang clients sa ngayon.”  ” OK, bukas duty ka sa isang mall sa Sucat.”  ” Po, eh North po ako umuuwe madam medyo malayo sakin yon.”  ” It’s not my problem, bukas duon ka.”

     Wala nagawa si Fred kundi sumunod sa Manager niya. Si PJ ang medyo naging kaibigan ni Fred isa din na Broker katulad niya. Mabait si PJ, ito palagi ang kasabay niya kumain ng lunch, medyo maliit ito sa kanya nasa 5’6 ang taas, maputi at mga tatlong taon ang tanda nito sa kanya sa edad.

                                   “Tara Pre, kain na tayo”.  ” Ok bro Fred, tara.”

     Sa isang bulalohan sila madalas kumain ni PJ sa Sucat.

     ”Sarap talaga ng pagkain dito noh”.  ” OO nga Fred, panalo pa sa free soup.”  ” haha, yun lang ata habol mo dito yun sabaw.”

7pm ng gabi at umuwe na din ang dalawa. Samantala sa kabilang dako, sa isang parke sa Maynila sa Rizal Park ay naglalakad lakad si Allan ang matipunong Imbestigador. Gabi mahilig maglakad si Allan sa Parke, ayaw niya sa umaga hanggat maari dahil mainit.

      ”Nakaka-bagot ang ganito, kapag tahimik at payapa, masarap sa pakiramdam ngunit nagkakaron lamang ng silbi ang katulad kong Imbestigador kung meron na bagong kaso na hahawakan.”

     November na nuon, malamig ang hangin, masarap ang panahon hindi mainit ngunit hindi din naman ma-ulan. Si Fred, muli nasa bahay na niya at nasa tabi ng bintana, nakatingin sa langit.

     ”Masarap tignan ang mga ulap, nakakaramdam ka ng kapayapaan…kahit sandaling oras nalilimutan mo ang mga problema.”  “Ang mga tao ginagawa lamang ang gusto nila, tulad din ng Diyos minsan pinagpapala ang mga tao, minsan nililipol niya ang mga ito dahil sa kanilang kasamaan.”  “Tulad din ng mga Anghel sa langit, si Lucifer ginagawa niya lang din ang gusto niya, maging malaya, sa daigdig ng mga tao wala siyang katulad, siya ang diyos ng mundo at tulad ng tao gusto niya din maging diyos…kaya ba ang mundo ay puno kung minsan ngkasamaan…puno ng taong may masasamang ugali…mga Boss na Masasama ang ugali…mga Boss na tingin sa kanilang sarili ay di nagkakamali…mga Manager na tingin sa sarili ay diyos.”    “Gusto ng marami ang lipulin ang masasamang tao…di kaya dapat isama na duon ang masasama na Manager?” – natawa si Fred sa kanyang sarili. Sa biro na kanyang naisip.

     “Hindi kayo Diyos mga nilikha lamang ang tao, mga Anghel, at lahat ng nilalang, ngunit kung wala ang lahat ng nilalang ay wala na din Diyos dahil wala na siyang pamumunuan at wala dinmagpupuri para sa kanya kung kayat nilikha niya ang lahat ng bagay. Marapat lamang papurihan ang Diyos pagkat kung hindi Niya tayo nilikha ay wala tayong lahat.”

Kausap na naman ni Fred ang kanyang sarili…may alaga siyang Pagong sa Aquarium niya, isang   Golden Thread Turtle, minsan tinitignan niya ito at ang alaga pa niyang Betta Fish sa tabi ng bintana na parang ito ang kausap niya. Kinabukasan pasok na naman si Fred. Sa Condominium siya din ang taga kolekta ng bayad ng mga Tenants at Kliyente nila ng kanyang Boss…minsan Ok ang Collection minsan Hindi. Sa Opisina dinala ni Fred ang Collection nila.

     ” Fred Kumusta ang Collection?”  ” Di po maganda madam, tatlo lamang po sa tatlong Tenants ang nagbayad yun pito po next month na daw.”  ” Ano?! Sira na naman ang collection natin niyan, pambihira, ang bobo mo talaga!”  “Sige pumunta ka na ng Alabang dun ka Duty ngayon sa isang Mall don.”  ” Mam malayo po ako sa Alabang, di po ba nung i-hire nyo po ako sabi nyo North ninyo po ako ilalagay?”   ” Wala eh kulang tao ko sa Alabang, hala sige alis na punta na don!”

     Tulad ng dati wala na naman nagawa si Fred kundi ang sundin ang Manager niya. Papunta siya ng Alabang nakasakay sa Taxi at kausap na naman niya ang sarili.

     ” Nakakainis wala lagi ako magawa, ang Diyos may nagagawa, kaya niya gawin ang lahat ng maibigan niya, ngunit mas madalas ay pinapanuod niya lamang ang kanyang mga likha, marami ang nagugutom, marami ang naghihirap…marahil ay kasalanan din ng mga tao dahil sa taglay nilang karamutan at pagiging sakim, ang bawat nalalaman ng tao imbes na-ipamahagi ay ibinebenta, lahat kailangan may bayad? Kung gayon ang masasamang Manager dapat din ba Magbayad?” – natawa na naman si Fred sa kanyang sarili sa kanyang tinuran at naisip.

Sa Alabang Mall kasama niya si PJ.

     “Matumal benta natin ngayon noh Fred?”  ” OO nga bro.”  ”Pinagalitan na naman ako ni Mam eh wala kase ako benta.”  ” Sino bang hinde. Ako din naman.”  ” Dapat lahat ng mga masusungit na boss mawala na sa mundo noh? Hahaha.”

Medyo napakunot ang noo ni Fred, naging seryoso ang mukha nito sa turan ng kaibigan.

     ” Kung pwede nga lang lahat ng masamang Boss malipol na sa mundo.”  ” haha, ang seryoso mo bro, biro lang yun.”

Natawa din si Fred.

” hahaha. OO biro lang din bro.”  ” Tara tol kain na tayo ng tanghalian”.  ”Tara, yun nga lang masarap gawin sa mundo sabi ni Haring Solomon sa Bible.”  ” Ang alin Fred?”  ” Ang kumain at uminom.”  ”Hahaha…marahil tama nga siya.”

     Sa Mall Canteen kumain ang dalawa sakto nakasabay nila ang isa pa nila kasamahan sa trabaho si Larry, mabait naman ito kaibigan ngunit medyo may pagka-sipsip sa boss at minsan sumbungero din, chikboy din ang isang ito, sabagay sa itsura niya na gwapo naman, maganda ang katawan dahil sa nag gym din ito medyo di lang katangkaran sa height na 5’6 ngunit habulin din ito ng babae.

     ” Oy mga bro, kumusta”  ”Oy Bro Larry Ok naman. Tara kain tayo.”  ” Sige gutom na nga din ako.”  “Balita ko wala kayo benta ngayong buwan ah.”  ” Oo nga bro, medyo mahina ngayon ang benta.” –Sagot ni Fred kay Larry.  ”Hay nako makapunta na nga minsan sa Binondo at makapagpa-Feng-Shui, makabili ng Charm Bracelet or Jade Pendant pantaboy malas. Haha”  ” Haha. Ok na ideya iyan ahh.” –Sabat ni Fred kay PJ.

     ” Hahaha…naniniwala kayo sa mga ganuon?”  ” Wala naman seguro masama kung masubukan minsan.” ”Sarap ng pagkain dito noh PJ?”  ” Nakow Fred eh paanong di sasarap kahit saan naman tayo kumain Fried Chicken o kaya Letson Kawali ang inuulam mo.”

     Dumating ang isang magandang babae, maputi, cute, singkit, tsinita at long hair.

                                                          ” Ganda naman nun.”

     Lumapit ang babae sa mesa nila.

                                                                           “Hi.”

                                                                Tumayo si Larry.

     ” Pre Gf ko nga pala si Marjorie.”  ” Hello.” –Bati ni PJ.  ” Hi.” –Sabi ni Fred sa babae.

     ” Sige mga bro una na ako sa inyo.”  ” Sige Tol Larry.” –Sagot ni PJ.

Gabi…sa bahay nila Fred.

     ” Oh Maria anak pasalubong ko sayo Hamburger”.  ” Wow sarap naman po nito Tay.”  ” Ang nanay mo kumain na ba?”  ” Kumain na po siya Itay. Tulog na po si Nanay.”  ” Ok mabuti naman.”  “Pagkatapos mo kumain anak matulog ka na rin maya-maya ha.”  ” Opo Itay.”

     Gabi alas Onse na ng Gabi matutulog na sana si Fred ng tumawag ang Manager niya.

     “Hello.”  ” Hello po, Good Evening po.”  ” Hello, Fred Puntahan mo yung isang Client magbabayad na daw sa Alabang.”” Ho? Eh ang layo po non nasa bahay na po ako matutulog na nga po ako eh.”  ” Eh Magbabayad na yun, sayang naman ang benta! Basta puntahan mo na ngayon din!”

     Wala nagawa si Fred kahit alas onse na ng gabi pinuntahan niya ang Kliyente ngunit dahil nga sa malayo ito hindi na niya naabutan ang Kliyente nila. Sa Cellphone kausap ni Fred ang Manager niya si Cora.

     ” Hello mam, di ko na ho inabutan yun Client, nakauwe na po sila.”  ” Ano?! Eh pano yan! Sayang ang benta, ang bobo mo talagang hayup ka! Tanga mo! Inutil wala ka silbi! Milyon yung benta na nawala!”  ”Uuwe na ho ako mam, pasensya na.”

KInabukasan hanggang sa Opisina ay sinasabon ng manager niya si Fred.

                                     ” Wala ka talaga kuwenta benta na nawala pa!”

                                       Nandun din si Larry at PJ nang mga oras na iyon.

     ” Pre ikaw naman kase sipagan mo naman sa trabaho. Hehe.” –Singit ni Larry.  ” Wag mo na gatungan si mam Larry, porke top seller ka lang kasi.” –Sabat ni PJ.

                    ” Pag ganyan ka ng ganyan tatang-galin kita sa trabaho mo Fred!”

     Tahimik lang si Fred at nakatungo habang nakaupo sa mesa sa harap ng manager nito, sila PJ at Larry naman ay nakatayo sa tapat niya. Maya maya pa ay pinalabas na din sila sa Opisina ng Manager nila. Si Larry pumunta na sa Gf niya at ang dalawa naman ay pumunta ng canteen para mag meryenda si PJ at Fred. Sa isang mesa sa canteen nagkakape ang dalawa.

     ” Pasensyahan mo na si madam, wala kase asawa yun kaya ganun, may asawa siya dati ngunit iniwan siya ng asawa niya, may dalawa silang anak isang lalaki at isang babae.”  ” Hindi na ako magtataka PJ at iniwan siya ng Asawa niya sa ugali niya.”  ” HAHA…tama Fred. Pero lahat naman ata ng babae ganuon, “Bungangera, Madak-dak, Masungit! Di ba ganun din naman ang asawa mo?” – biro ni PJ.

Tahimik lang si Fred at nagkakape.

     ” Panu yan pag kunsakali lang matanggal ka, may anak ka pa naman Fred.”  ” Pag napalitan ba manager natin mata-tanggal pa ko?”  ” Ano ba namang tanong yan Fred, syempre hindi na...haha iba na manager eh, eh panu naman maiiba manager unless mag resign si Mam.”

Maya-maya pa ay gumabi na at umuwe na din ang dalawa.

Gabi. Sa Isang Mall sa Alabang sa Parking area, pasakay na ng kotse ang isang babae. Madilim na sa parking area at wala na halos kotse nakaparada liban sa tatlo na magkaka-layo pa ang distansiya.

                                    “Takbo!”  “Huh?! EEEEEEEHHHHHH!!! Ahg.”

     Umaga kinabukasan. May nagrereport na female reporter sa Parking Area ng isang mall.

     “Isang babae po ang natagpuang patay sa Parking Area ng isang mall, kinilala ang biktima na si MRS Cora, isang Manager ng kilalang Real Estate Firm, Laslas ang Leeg nito at naliligo sa sariling dugo.”   “Wala po nawala sa biktima ni isang gamit niya, matatandaan na may ilang insidente din na nangyari sa Maynila at Quezon City nung mga nakaraang buwan na kahalintulad ng nangyari ngayon, tila ba may iisang Patern ang mga pangyayari, sa ulat ay puro manager ang mga biktima, at wala nawawala ni isa mang gamit nila maliban sa pagpatay sa kanila.”

                             “Ito po si Kat ng Ka-berks Balita Channel, nag uulat.”

                                Si Allan nanunuod ng TV, nakita niya ang balita.

     ” Bakit ganun, nahuli na ang Serial Killer na pumapatay nuon, si Harold.”  “Maaring nagkataon lamang ang mga pangyayari, isa pa malayo ang Alabang sa Maynila at QC.”  “Ang mga serial killer ay hindi lumalayo sa isang lugar kadalasan, malapit sa kunsaan lamang sila nakatira at namumuhay.”

     Sa Opisina nila Fred, magakausap si Fred at PJ.

     ” Pre Fred, nabalitaan mo na ba, patay na daw si Mam Cora.”  ” Ha? Bakit? Ano nangyari?”  ” Pinatay daw si Mam, nakita sa isang parking area sa mall sa Alabang ang katawan niya.”  ” Naku, dun kasi malapit si Madam sa tinitirahan niyang Condo sa Alabang din, nakakatakot na talaga ang panahon ngayon ano?”  ”May iba na papalit ke mam as manager natin.”  ” Sino?”

Bigla pumasok si Larry sa Opisina.

     ” Ako. Sabi ng Board of Members ako na daw ang new manager ninyo dahil ako ang top seller ng condo sa team natin.”  ” Wow congrats Larry.”  ” Kung ganon congrats din bro, but it’s not a happy thing na naging manager ka because namatay yung boss natin.”  ” Oo naman Fred, malungkot din ako dahil sa nangyari, ayaw ko din sana maging manager dahil ayoko ng responsibilidad.”

     Bigla may dumating na mga Pulis.

     “Sino po si Larry?”  ”Siya po mamang Pulis.” – Si PJ sabay turo kay Larry.

”ba-bakit po?”  ” dinadakip ka namin sa salang murder, sa pagpatay mo sa manager ninyong si Cora.”  ” Po?! Ba-bakit po?! Wa-wala po a-ako kasalanan.”  ”Sa presinto ka na magpaliwanag, may nakuha na ballpen mo sa pinangyarihan ng krimen, may fingerprint mo sa ballpen, matibay na ebidensya na yon”.  ” Naku nagkakamali po kayo hiniram po yun ni mam sakin kahapon at nalimutan niya isoli!”  ” Sino maniniwala sa Sinasabi mo, patunayan mo na lamang yan sa korte.”

     Samantala si Allan nakikinig ng Radio sa kanyang Opisina at nadinig niya ang balita tungkol sa Alabang murder case.

     ”Sabi ko na nga ba at nagkataon lamang ang lahat.”  “Iba ang salarin sa Manila at QC Manager murder cases. May motibo si Larry na patayin ang boss nila dahil siya pala ang papalit dito na manager kung sakali. Isa lamang itong ordinaryong kaso ng pagpatay, walang misteryo sa isang ito, di tulad ng mga naging murder cases sa Manila at QC.”

     Sa opisina nila Fred, magkausap si Fred at PJ.

     ” Hala katakot ahh si Larry pala ang pumatay kay mam!”  ” Sino na kaya magiging manager natin PJ?”  ” I don’t know, atleast kung iba na magiging manager im sure, segurado na ang renewal ng kontrata mo o baka ma-regular ka na din.”

Napangiti si Fred sa narinig. Nakatingin sa sahig ng Opisina si Fred.

                                                              The End? …Case Close?...

  

                                                                        

Pinakabagong kabanata

  • Psycho Employee   CHAPTER 1 FRED

    Isang gabi na maliwanag ang buwan. May isang lalaki na tumatakbo takot na takot. Bakas sa kanyang mukha na may humahabol sa kanya. Sa isang lugar parte ng Quezon City, parke sa umaga ngunit wala na dito masyadong tao kung gabi na. Mapuno, maraming halaman subalit maaga naman ito nagsasara… tahimik ang gabi…Takbo…” isang salita lang ng lalaki…At sumagot ang isa pang lalaki na kanina nga ay tumatakbo. “Huwaaaaaaggg!” “Tapos ka na”.“AAAAAAHHHHH! Agh. “Umaga. Isang Female Reporter ang nag-rereport sa saing parke. ” Isang Lalaki ang natagpuang patay sa isang parke sa Quezon City, laslas ang leeg nito, naki

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status