Kabanata 33 WILLIAM smiled at her but she remained serious. Magkaharap sila sa mesa sa kainan, having dinner. "Medyo mabigat at nakakalito ang mga sinasabi ng inay mo a," ani William sa kanya, "Ang lupit ng kaso niya. Sa panahon niya sa napakamura niyang edad, menor, take note, halos umabot sa isang daan na bata ang kinuha niya. May isa akong nakita. I don't know. Pahapyaw ko lang na binasa. May nabanggit doon na humalili siya sa namatay niyang pinsan sa Maynila tapos ay kinuha niya ang bilyonaryong alaga niyang bata. Wala akong idea dahil hindi pinangalanan ang biktima. Kidnap for ransom ang ginawa ng inay mo at kung hindi tutubusin ay ibebenta ang mga internal organs. Syempre, under siya ng isang makapangyarihang sindikato. At may kutob ako Ziana, na ang sindikato na ito ang sinasabi mong nakabuntis sa kanya doon sa una niyang anak," mahabang paliwanag sa kanya ni William. Lalong pumait ang panlasa niya. Tila ba nawalan siya ng gana na kumain pero hindi niya pa rin iniurong ang p
Kabanata 34 HALOS mabangga ni Fabio ang waiter na may dala ng pagkain nang magmamadali siyang pumihit para lumabas. Lumabas na rin kasi ang dalawa ni William at Ziana. Hindi siya magkandaugaga sa sarili niya. What the fuck is he even doing? He questioned himself while looking at the poor waiter whose face was horror. Ang dala nitong tray na may laman na gumegewang na mga baso at ilang platito ay mataman nitong tinititigan, na para bang naghihintay kung alin ang mahuhulog sa mga iyon. At natumba na nga halos lahat ng baso. "Sorry," hingi niya ng paumanhin. Alam niya ang patakaran sa ganoong mga restaurant kung saan natatapon ang mga dalang pagkain ng serbidor. Salary deduction iyon. And not to contest with it anymore because it was really his fault, he just grabbed his wallet. "I'll just pay you. How much would that be all?" Tanong ni Fabio habang kumukuha ng bills. "Sir, nakakahiya po. Parati pong kasalanan ng crew at hindi ng customers—" napatigil ito nang agad niyang tingnan a
Kabanata 35DAHIL sa pagbabago ng ihip ng hangin ay nahirapan na si Ziana na gawin ang misyon para kay Sofia. She was badly affected everytime she came near to Fabio, and he was evading her all the time. Nasa iisang bahay sila pero halos hindi na sila magkita. Mukhang iniiwasan siya ng lalaki.And now, he was about to leave again for his hearing. Time passes by so fast. Malapit ng matapos ang isang buwan, at habang papalapit siya roon ay para bang nahihirapan ang kanyang kalooban na mapalayo na sa bata, na mula unang araw hanggang ngayon ay hindi nagbago. Sofia remained so sweet and very kind to her. She was so clingy. Mas lalong naging open sa kanya ang bata, at ang labis niyang ipinagtataka ay hindi talaga makuha ni Inez nang buo ang interes ni Sofia.Mabait si Inez kina Shawy at Manang, sa kanya lang hindi dahil insecure sa kanya ang babae. And Ziana could say that Inez was lucky to have Fabio. Mula nang aksidente silang magkita sa Legazpi, hindi na sa kanya lumapit ang lalaki kahi
Kabanata 36 SA pagbukas ni Ziana ng pintuan ng kanyang kwarto ay nakataas na mga kilay ang sumalubong sa kanya, kasama ang mga braso na magkakrus sa mga braso. “May kailangan ka?” Tanong niya sa babae saka niya kinabig ang pinto papasara. “Let me just remind you that I am the future wife. I will decide for Sofia and not you,” malumanay pero halatang bwisit na sabi sa kanya ni Inez. Marahas na kinamot ni Ziana ang ulo, “Sirang plaka ka ba? Hindi ako bingi at huwag mo akong gawing tanga. Paulit-ulit ka na lang. Bahala ka sa buhay mo,” sagot niya saka niya ito nilayasan. Gusto talaga nitong isampal sa buong pagkatao niya na ito ang magiging asawa ni Fabio. Well, wala itong makikitang kahit na anong ekspresyon sa mukha niya. Hindi siya madaling basahin at hindi niya ipagkakanulo ang kanyang sarili. Kahit na naiinis siya sa katotohanan na hindi ito magawang bitiwan ni Fabio. Baka mabait talaga ito, sa kanya lang hindi. Kinatok niya ang kwarto ni Sofia pero walang sumagot doon kaya
Kabanata 36.1 HUMINGA nang malalim si Ziana nang sandali na makaharap siya sa salamin sa loob ng ladies room. “Inhale…” parang baliw na sabi niya sa sarili, “Exhale.” Ilang ulit niya iyong ginawa. She was meditating to lengthen her patience. Malapit-lapit na kasi niyang mabaril ang bibig ni Inez. Nababaliktad ang pakiramdam, siya ang naiirita sa babae na iyon. Inayos niya ang buhok at ang hulma ng kanyang mukha. Hindi naman talaga siya naiihi, gusto lang niyang humugot ng kaunti pang pasensya dahil malapit-lapit na niyang makalimutan na siya ay isang pulis. Baka makabaril na siya. Diyos ko. Nagseselos na kasi siya. Hindi naman siya tinatablan ng ganoon dati. After a couple of minutes, she was now ready to leave the ladies room. Pagkatalikod niya sa malaking salamin ay iyon namang pag-vibrate ng smartphone niya. Sa pag-aakala na si William iyon ay tumigil siya muli at tiningnan ang aparato niya. Ang Uncle niya. "Uncle," she said. "Ziana, nasaan ka anak?" "Nandito sa mall, Uncl
Kabanata 37 "FIA!" Ziana exclaimed when she looked behind the hanging dresses. Walang Sofia roon kaya agad siyang naglibot, at sa kasamaang palad ay wala talaga roon si Sofia. Uminit na sobra ang ulo ng dalaga at malalaki ang mga ginawang paghakbang papunta sa babaeng halos pupuso ng mga mata, na pumipili sa mga mamahaling damit na nakadisplay. "Maria Inez!" Galit na singhal niya sa babae, at wala siyang pakialam kung pinagtinginan siya ng mga tao roon. "Si Sofia?!" Maluha-luha na tanong niya sa babae. "She's here!" Mataray pa na sagot nito saka tumingin sa pwetan. Gigil at nakakuyom ang mga kamao na humakbang siya papunta sa babae. "Sofia?" Aniyon nang makumpirma na wala ang bata sa likod nito, "Oh my God! I told her to stay behind me!" Bulalas nito pero ang muling pinag-ipunan na pasensya ni Ziana ay tuluyang naglaho. "Pabaya! Ipinagpalit mo ang bata sa mga pesteng damit na ito!" Galit na sabi niya at hindi na siya nakapagpigil. Agad niyang sinampal si Inez nang wal
Kabanata 38 "SIR!" mula sa stainless na upuan ay napatayo si JK nang makita siya na pumasok sa loob ng ospital. Ang bigat-bigat ng loob niya habang papauwi siya. Para siyang sinasakal. Parang gusto niyang buhayin si Ziana at gawin ang mga gusto niyang gawin, sundin ang kung anong sinasabi ng damdamin niya. He likes fierce women. Wala siyang pakialam kung awayin siya basta matapang na babae sa lahat, hindi lang sa kanya. At higit sa lahat kaya napansin niya ang dalaga ay dahil sa pagkahumaling nito sa anak niya. Natunaw siya sa bagay na iyon. He saw a more capable mother to be than his girlfriend. Iyon ang totoo pero hinadlangan niyang pilit para huwag niyang masaktan si Inez. At nakokonsensya siya na nawala si Ziana pero hindi man lang niya naitrato ng tama, sa pakiramdam niya. Albert will die. Mahal na mahal ng lalaking iyon ang pamangkin. Kung hindi pumasok na bodyguard si Ziana, sana ay hindi ito nangyari sa dalaga. Napakabata at napakaganda ng dalaga para masira lang nang gani
Kabanata 38.1 "What the hell happened?!" Dumagundong ang boses ni Fabio nang siya ay makauwi, mula sa ospital. Diretso kaagad siya sa bahay pagkatapos niyang malaman na maayos naman ang lagay ni Ziana matapos itong magising. Hindi pa sila pinayagan ng doktor na pumasok sa emergency at makausap si Ziana. Kapapasok pa lang niya sa pinto at naabutan niya si Darren at si Inez na nasa sala, kausap si Manang. Napaitlag halos ang tatlo dahil sa lakas ng boses ni Fabio. "Babe!" Bulalas ni Inez na umiiyak. Sinalubong kaagad siya ng babae at yumakap sa kanya, "She fell from the third floor! Oh my God! Dahil sa mall tour ng isang artista nahulog siya dahil naipagtulakan siya ng mga tao, babe!" Umiiyak na sabi ni Inez sa kanya. Hindi niya alam ang nararamdaman niya. He feels so hurt. Kinokontrol niyang mabuti ang kanyang emosyon bago siya umalis, dahil sa kaisipan na mali na ang kanyang nararamdaman para kay Ziana, pero ngayon ay parang gusto niyang magsisi na hindi niya pa pinakiharapan i
Kabanata 49 PAKANTA-KANTA si Sofia sa likod ng sasakyan habang nagmamaneho si Fabio. Nasa apat na oras na sila mahigit na nasa kalsada. Tuloy-tuloy lang sila at nakalagpas na sila ng Naga. Ang tibay din ng bata sa biyahe, samantalang siya noon ay nahihiluhin at sumusuka pa nga. Ngayon ay tulog na ang bata kaya banayad ang takbo ng sasakyan. "Fabio," aniya na hindi tumitingin sa binata. Diretso ang tingin niya sa daan. "Uhm," he hummed, and she felt him glance her way. "Dumating ba sa punto ng buhay mo na may naka-date ka na anak ng mga kinamumuhian mong tao?" "Like kidnappers?" He directly asked her. "Could be." "Wala naman akong kinamumuhian na iba kung hindi kidnappers, rapists and murderers. Para sa akin, magkakapatid sila. At tungkol naman sa itinatanong mo, yes. Ilang beses na akong may naka-date noon na hindi ko pa asawa si Ces. I was still practicing my profession. Nagkakataon na may mga nakikipagkilala sa akin. I was game because these women were beautiful and sophistic
Kabanata 48 "BABY, will you help me with this? Thank God you're here," Hindi magkadaugaga na tanong ni Ziana habang pilit niyang isinusuot ang tank top niyang kulay puti. Katatapos lang niyang maligo, at ito ang unang pagkakataon na hindi siya nagtawag ng makakatulong sa paliligo niya, who happens to be manang. Akala niya ay kaya niya, hindi pala. Hirap siyang magsuot ng damit ngayon. Buti na lang at narito si Sofia. Kahit bra ay wala siya. "Pakiabot mo baby itong hook ng bra at isabit mo." Wala siyang nakuhang sagot pero ramdam niyang may lumapit. Napakunot noo ang dalaga. Sofia is a lively girl. Hindi iyon pumapasok na hindi nauuna ang pagbati sa kanya. Akma na siyang lilingon nang biglang may humawak sa hook ng kanyang bra. She immediately turned her face and to her surprise, Fabio held her neck. "F-Fabio?" Kandautal niyang sabi pero hindi na iyon nasundan ng anumang salita dahil bigla na lang siya nitong hinalikan sa labi habang hawak siya sa leeg. Naramdaman ni Ziana na
Kabanata 47 ISANG tikhim ang nagpalingon kay Ziana habang nakatayo siya sa may bintana, nakatingin sa mag-ama sa labas ng lumang bahay nila. Namamangha si Sofia sa mga makalumang bagay sa kanilang bakuran. Naroon ang mga naka preserve na lumang pang-araro sa bukid, lumang kubo, lumang kalan, mga lutuan at kung anu-ano pang mga lumang kagamitan. "Uncle," ngumiti na bati niya sa tiyuhin na nakangiti na rin sa kanya. "How do you feel now, anak? Wala ba sa iyong sumasakit?" "Wala naman, Uncle. Everything's going back to normal. Minsan nahihilo ako pero not to the extent na umiikot na ang paligid." "Magsabi ka kaagad kapag may hindi ka magandang pakiramdam para makapagpagamot kaagad. You've been through worst, honey." Tumango siya, "Tingin ko naman ay diretso na ang paggaling ko, Uncle. I am helping myself, too. I don't want to be like this forever." "You will get better in no time. I can see how strong you are. Si Fabio, kumusta?" Ngumiti ito kaya naman napalabi. "Si Uncle talaga
Kabanata 46.1 BUHAY na saksi pala si Shawy ha! Nakangiti lang si Fabio pero sa loob niya ay ang lakas ng tawa niya nang aminin ni Shawy na mukhang nagkamali nga ito ng akala, na malamang ay si Inez lang ang may pakana ng lahat na may relasyon na sila kahit na may asawa pa siya. "Nakakainis naman si Shawy," nakabusangot na kamot ni Ziana sa ulo habang papalabas sila ng bahay, "Ang lakas pa naman ng loob ko na makipag-deal, talo naman papa ako! Tsk!" Ani pa nito kaya naman natawa lang ang binata nang mahina. Nang tumayo ito sa may kahoy na mesa habang nagmamaktol ay tumayo naman siya sa likuran nito. "I am not a cheater," paglilinaw ulit niya. "Oo na!" Irap nito kaya lalo lang siyang natawa. "I have to help you understand it, Ziana. Importante sa akin na paniwalaan mo ako at malaman mo ang totoo kong pagkatao. Wala naman akong alam na ganoon ang pinagsasasabi ni Inez sa ibang tao tungkol sa amin. All this time, she was telling her friends that she was my other woman." "Sinong ma
Kabanata 46 FABIO smiled victoriously when he put the final ingredient on the tray, the flower. "Naks naman si Sir!" Shawy exclaimed when the woman entered the kitchen, inspired na inspired." "Come here. How do you find this presentation? And where is Sofi?" "Ay si Sofi po tulog pa," anito saka lumapit, sinipat ang inihanda niyang bowl ng sopas. He also has the garlic bread on the sides. "Maganda na po, Sir. Parang huling naghanda po kayo ng breakfast ay noong..." hindi nito itinuloy ang sasabihin kaya naghintay siya. "Noong?" "Noon pong nasa ospital si Ma'am Ces naiwan..." malungkot nitong sabi. He smiled. Yes. Naalala niya. And he swore to hell that moment that he would never prepare any meal for any woman again, dahil ang kanyang dala ay hindi na nakain, dahil nawala na si Ces ilang minuto matapos siyang dumating sa ospital. "It's okay. Anim na taon ng wala si Ces. Nakapag-move on na ako, Shawy." "Mukha nga po, Sir kasi ay naghanda na po kayo ulit ng meal." He smiled. Hi
Kabanata 45 "LEIUTENANT, nandiyan na po si Attorney," JK's voice made Ziana stop from checking the bush. Hawak niya ang kalibre 45 niya habang sinusungkit ang mga dahon ng halaman. Naglalaro kasi si Sofia roon at kinukuha lang ang manika sa kwarto. Nag-aalala siya na baka may naligaw na naman na ahas doon, anak ni Inez. Naiirita talaga siya sa patanggi-tanggi ni Fabio na may relasyon na ang dalawa hindi pa man lang patay si Ces. Hindi nag-abala ang dalaga na ipilig ang ulo para tingnan ang lalaki. Agad na kumulo ang dugo niya pagkarinig na nariyan na si Fabio, si Fabio na walang pakialam, si Fabio na sinungaling at mapagpanggap, malandi at lahat-lahat na. "O, ngayon?" Mataray na sagot niya sa lalaki. "E, baka lang po Ma'am gusto niyong salubungin ba." "Hindi ako magpapakapagod. Sige na, pumunta ka na roon." Naramdaman niyang tumalikodnna si JK kaya naiinis niyang binusiklat ang dahon. "Ni kuwit walang text tapos sasalubungin. Ano ako, hilo? Hindi pa ako tanga para salubungin a
Kabanata 44 Fabio found himself in front of Silas' mansion. This is the last plan on his list before he flies back to Legazpi tonight. For the very last time, he wants to talk to Inez to have a better closure. He couldn't just leave her just like that. Kahit paano ay napakalalim na ng kanilang pinagsamahan. "Sir Fabio!" Nakangiti na bati ni Dolores sa kanya nang makita siya sa loob ng bakuran. "Si Inez, manang Dolor?" "Ay naroon po sa pool, nagsu-swimming with her friends." He just made a simple nod. Naglakad siya papunta sa pool na nasa may likod na ng mansyon. May mga babae siyang nakikita na nakaupo sa gilid, naglalaro ng tubig. Mga kaklase ni Inez ang mga iyon, sina Shanti at Faye, kung hindi siya nagkakamali. Una na niyang inabisuhan si Inez na darating siya. Sumagot naman iyon sa pormal na paraan ng okay. Just that and nothing more. Perhaps she was already moving on. Lumingon ang dalawa ni Faye pero si Inez ay hindi niya nakikita. "Fabio!" Ani ng dalawa kaya medyo ngumit
Kabanata 43 ZIANA feels getting better every day. Lalo na sa umaga pag nagigising suya ay ang gaan ng pakiramdam niya. Natutuwa siya sa maliliit na effort ni Sofia sa kanya, tulad ng pagtutulak ng cart ng pagkain para raw hindi na siya maglakad papunta pa sa dining room. The dining room is just a few steps away from her room. Nagpabili pa iyon kay Fabio ng cart, at ang isa naman ay hindi tumatanggi sa kagustuhan ng anak. He bought a cart right away, a small one. Na-miss tuloy niya ang kanyang Daddy at ang mga tiyuhin niya na sumakabilang-buhay na. Wala rin siyang hinihingi na hindi ibinibigay ng mga iyon. Kaya siguro siya nag-aral na maging mabait na bata dahil may reward siyang nakukuha. And now that she's old enough to understand, dapat talaga ay mabuting tao lang siya para may reward siya sa Diyos, tulad ng extension ng kanyang hiram na buhay. She's not being spiritual but that's her belief as a normal Christian. And that's what her parents taught her. Biglang sumilip sa pinto a
Kabanata 42 SI Sofia ang pinakamasayang tao sa mundo nang dumating sila sa bahay. Kitang-kita ni Fabio ang pagmamahal ng bata sa dalagang kinuha niyang bodyguard, a kind of affection he never saw from Sofia to Inez, even for several years. Hindi niya maintindihan kung paano na hindi nakuha ng babae ang ganitong pagmamahal mula kay Sofia. Hindi naman kasi siguro nag-effort iyon na makuha. Salamat at hindi na sumama si Silas sa kanila. Napapakunot-noo na lamang siya sa tuwing magtatanong siya sa isip kung bakit ganoon na lang ang concern ng matandang lalaki kay Ziana. And he saw that man kissing her on the head. As a father, kakampi ang isang ama sa anak kahit na ano pa man. Sa sitwasyon ngayon, parang walang pakialam si Silas sa mararamdaman ni Inez, sa oras na malaman no'n na pumunta pa ang ama sa Legazpi para lang tingnan si Ziana. Walang estrangheri ang gagawa ng bagay na iyon sa isang kakikilala lang na tao, liban sa isang ama na nagmamahal sa anak. But that's so Impossible.