Prinsesa Atyrrah POV
Hindi ko alam kung ilang oras akong tulog. Basta pagmulat ng aking mga mata ay nakapatongang ulo ng Ginoo sa sofa'ng hinihigaan ko. Napangiti ako sa mga mata niyang nakapikit. Nakikita ko ang manipis ngunit mahaba niyang pilik-mata. Umangat ang tingin ko sa kaniyang makapal ngunit may porma'ng mga kilay. Inangat ko ang aking kamay saka hinawakan iyon dahilan para mangiti ako.
Tila may humaplos sa aking puso nang mahawakan ko ang kaniyang kilay na umangat sa kaniyang malambot at mabangong buhok. Nakagat ko ang aking labi kapag naalala ko kung paano humihigpit ang aking kamay sa kaniyang buhok kapag napupunta ako sa langit gamit ang kaniyang dila. Hinaplos ko ang kaniyang buhok.
Bumaba ang tingin ko pabalik sa kaniyang mukha. Hinawakan ko ang matangos niyang ilong na bumaba sa kaniyang mapupulang labi. Lalo akong nangiti na parang kinikiliti kapag naalala ko ang lasa at lambot niyon.
Ang labi niyang nakatadhana para sa
Prinsesa Atyrrah POVNaghabulan sa pagtibok ang aking puso dahil alam kong nakikita ako ng Prinsesa Atirrah. Nakangiti siya at nananatiling nakatayo sa lugar kung saan namin siya nakita.Hinawakan ko ang pinto ng sasakyan ngunit natigil nang maalalang hindi ko alam kung paano ito buksan. Napatingin ako sa Ginoo na malalim ang tingin sa'kin at magkasalubong ang kilay. Seryosong-seryoso siya na aking ikinabahala."Ginoo, pakibuksan, pakiusap" ani ko pero nananatili siyang nakatingin sa'kin. Hindi ko mabasa ang kaniyang isipan. Natatakot ako sa kaniyang iniisip at nararamdaman. "Ginoo...""Hindi ka naman aalis diba?" natulos ako sa kinauupuan nang sabihin niya iyon. Napipi ako dahil doon. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin. "Diba, di ka naman aalis?" Tanong niya ulit ngunit hindi pa rin ako sumagot."Ginoo..." hindi ako makaapuhap ng salitang makakapagpahinahon sa kaniya. Natatakot ako sa nararamdaman niya. Pero sin
3rd Person POVTahimik na naglakad patungong parking lot sina Prinsesa Atyrrah, Prinsesa Atirrah at ang dalawang kawal. Halata ang pagkaseryoso ng Prinsesa Atyrrah.Nang makarating sa elevator ay sabay-sabay silang pumasok roon. Isinuot ni Prinsesa Atirrah ang susi sa pinakagilid ng elevator. Tumagos ang nguso ng susi sa gilid ng elevator at maya-maya lang ay bumukas ang pinto nito.Gano'n nalang ang gulat ni Prinsesa Atyrrah. Napatakbo siya palabas ng elevator at tiningnan ang kabuuhan ng lugar.Alam niyang ito ang gubat ngunit kalbong-kalbo na ito. Ang mayayabong na puno ay wala ng mga dahon, kung meron man ay tuyot na. May mga puno na putol na at mayroon ring payat na payat ang katawan. Ibinaba niya ang tingin sa tuyong lupa. Bitak-bitak ito dulot ng kakulangan sa tubig. Lumuhod siya at hinawakan ang lupa upang malaman kung may tubig sa ilalim ngunit wala! Walang siyang mahanap kahit malapit na batis upang bigyan ng maiinom ang lupa. Halos
Prinsesa Atyrrah POV"Gusto kong makasal na kami sa lalong madaling panahon" ang pamilyar niyang boses ang aking narinig."Maghintay ka po ng pitong araw--""Tatlong araw ang binibigay kong palugit""Hindi po madali ang proseso. May mga naunang---""Ako ang hari. Sino ang susundin mo?""Pero kamahalan--""Ihanda mo ang iyong ulo. Mamaya ay mawawalan ka na niyan""A-Aayusin ko po, kamahalan" kasunod niyon ay ang yabag paalis. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ng muling pagsara nito.Nanatiling nakapikit ang aking mata. Alam kong nasa loob ako ng silid, nakahiga sa malambot na katre. Natitiyak kong hindi ang aking silid dahil sa amoy.Habang nakapikit ay naramdaman ko ang paglubog sa kabilang banda ng katre ngunit hindi ko pa rin iminulat ang mata. Nagpanggap akong natutulog."Aking Prinsesa, alam kong gising ka" hindi ko siya inimik, nagpanggap pa rin ako na tulog kahit buking na an
Prinsesa Atyrrah POVNaguguluhan kong tiningnan ang aking kapatid. Pilit siyang ngumiti saka ako hinatak papunta sa aking kama. Pareho kaming umupo roon. Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawa kong kamay saka siya nagsalita."Nagagalak akong makita ka, kapatid. Bakit ka bumalik? Hindi ba't sinabi kong manatili ka sa mundo ng mga tao?" Mahinhin niyang tanong pero naroon ang pag-aalala. Bagaman nakangiti ay kunot ang noo ng aking kapatid."Nagbalat-kayo ang Reyna bilang ikaw. Sumama ako kahit alam ko ang katotohanan upang wala siyang gawing hindi ko gusto sa mundo ng mga tao" agad nagsalubong ang kilay ni Prinsesa Atirrah. Tumayo siya at tumingala. Sa ganoon niyang paraan pinakakalma ang sarili."Lapastangan talaga!" Sigaw niya. Tumingin siya sa'kin nang salubong ang kilay at habol ang hininga. "Maayos ka ba? Anong ginawa nila sa'yo? Sinaktan ka ba?" Tiningala ko siya saka itinaas ang aking braso kung nasaan ang sugat dulot ng palaso'ng pinalipad kanin
Prinsesa Atyrrah POVUmalis ang Prinsesa Atirrah sa aking silid sa pagsundo ni Narnion, ang aking pamangkin. Hanga ako sa taglay na talino ng batang iyon. Aniya ay kailangan ng umuwi ng kaniyang Ina bago dumating ang Ama niyang Hari.Ngayon ay mag-isa na ako sa silid kung saan nakakulong ako sa ilalim ng maitim na kapangyarihan. Kapangyarihan na pumipigil sa akin na makalabas.Bumukas ang pinto at iniluwa ang nakangiting si Lucidiro. Hindi na nga yata mapapatid ang ngiting ito. Mula nang mapunta ako sa kaniyang puder, tila naukit ang ngiting iyon sa kaniyang mukha. Alam kong mahal niya ako kaya ganiyan nalang ang tuwa niya pero ang pakiramdam namin ay hindi parehas.Pagkadisgusto ang nararamdaman ko sa kaniya."Balak ko sanang dito ka na pakainin ngunit nalaman ng mga pinuno na narito ka kaya nagsipunta agad sila" pinukol ko ng nagdududang tingin si Lucidiro na agad umiwas ng tingin.May tinatago siya."Sinu-si
Prinsesa Atyrrah POVUna akong nag-iwas ng tingin sa Reyna. Kuyom ang aking kamao. Hindi ako papayag na sa huli ay ako ang matalo."Halika na" maamong sabi ni Lucidiro. Hindi ko magawang singhalan siya o ang sumimangot man lang. Alam kong kaharap ko ang mga opisyal at hindi ako maaaring magpakita ng kagaspangan ng ugali.Hinayaan ko si Lucidiro na dalhin ako sa mesa kung nasaan ang iba pa. Iniupo niya ko sa pangalawang upuan katapat ng aking kapatid habang siya ay nasa tabi ng puno ng hapag. Inokupa ni Reyna Karis ang upuang iyon kapagkuwan."Nais kong pasalamatan kayo sa pagtugon ng aking imbitasyon kahit madilim na ang langit. Nagagalak ang Kaharian ng Cladmus sa inyong mainit na suporta para sa nalalapit na kasal ng aking anak at ng Prinsipe Lucidiro" tipid akong ngumiti. Kuyom ang aking palad na nasa ilalim ng mesa. Tila isa siyang maamong tupa sa harap ng lahat pero ang totoo ay isa siyang leon sa loob ng bulwagang ito."Ikinararan
Yvo Artemis POVThree days had been passed.That three days is a mess.That three take my sanity away.That three days is a totally f*cked up!Para akong nababaliw na dumadaan ang araw nang hindi ko siya nakikita. Dumadaan ang araw na wala akong ibang ginawa kung hindi magmukmuok at magwala kapag nagbabalita ang mga agent ko na wala silang mahanap. Na hindi nila siya mahanap.I hired many assassins to look for Atyrrah. Pati ari-arian ko ay ginawa kong reward kapag may isang taong nakapagbigay sa'kin ng impormasyon tungkol kay Atyrrah. Pero lahat ng offer ko ay walang silbi. Wala silang mahanap na Atyrrah kahit saang lupalop ng daigdig.Hindi ako naniniwalang hindi siya tao. Alam kong may parte dito sa mundo kung saan doon siya naninirahan pero bakit hindi siya makita?!"Sir, sorry pero hindi po talaga namin mahanap" ulat ng isa kong agent na kaharap ako ngayon. Narito ako sa office hindi para magtrabaho
Yvo Artemis POVDahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Tumama ang eyeballs ko sa puting kisame ng kwarto ko. Napalunok ako sa napanaginipan. Mayroon daw isang maliit na insekto na mukhang tao. May pakpak siya na kulay pula at nagniningning na parang tala."Ginoo," napabalikwas ako dahil sa gulat. Umupo ako sa dulong bahagi ng kama ko. Dumako ang tingin ko sa ulunan ng kama ko. Hindi ako agad nakapagsalita! Gusto kong sapakin ang sarili kung totoo ba ang nakikita ko. "Ginoo pakiusap, kailangan kita, kailangan ka ng Prinsesa"'Hindi ito panaginip? T-Totoo?'Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Agad no'n napukaw ang interes ko kaya isiniwalang-bahala ko ang gulat."B-Bakit? A-Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ko ng may kaba sa dibdib. Huminga siya ng malalim. Pinagsiklop ang kamay at itinapat sa dibdib. Kunot man ang noo niya ay kita ko ang lungkot sa kaniyang maliliit na mga mata. Naroon ang pag-aalala."Ngayon ang kasal ng
Hello!Maraming Salamat sa suporta'ng ibinigay niyo kayla Atyrrah at Yvo. Maraming Salamat sa mga nanatiling magbasa hanggang dulo. Maraming Salamat sa bumoto, nagbasa, nagbigay ng gems at nag-aksaya ng coins. Doon pa lang sa part na nagbigay kayo ng coins para mabuksan 'yong chapter, thankful na po ako. At lalo akong nagpapasalamat sa pagbibigay ng gems at vote.Salamat sa pag-intindi ng kabuuan ng istorya kahit maraming typographical and grammatical errors. I'm still learning bud so I highly appreciate that you'd understand Atyrrah and Yvo's lovestory.I did my best to create this story. This is part of Pentagon Series at sana na-satisfy ko kayo. Marami pa'ng lalakbayin ang Pentagon, at ito pa lang ang simula.Napasaya ko ba kayo?Nalungkot ba kayo?Nagalit ba kayo?Kasi kung naramdaman niyo iyan sa pamamagitan nila Atyrrah, Yvo, Lucidiro, Hariette at Reyna Karis, then, maybe I'd satisfied you.Bud, it isn't yet the epilogue.
Mataman kong tiningnan ang mga batang naglalaro at nagtatawanan mula sa pinto ng palasyo. Ang kamay ko ay nasa loob ng aking pantalon habang nakasandal ako sa hamba ng pinto.Isang taon na rin ang lumipas.Masagana na ang lahat. Masigla na. Puro masasaya ang mga bata. Maayos na pinamumunuan ang Kaharian ng Cladmus ni Tiyo Atikus habang hinihintay si Viola na maging ganap na tagapag-mana ng kaharian. Sa kabila ng kasalanan ng Reyna Karis sa Kahariang ito at nalaman man ng mga Acrañum ang tunay na identidad ni Viola, hindi nadamay ang bata sa galit nila kay Reyna Karis.Si Tiya Agnes naman ang pansamantalang namumuno sa Kaharian ng Bilbun. Si Atirrah at Galleion sa Kaharian ng Lintuen at mag-isang pinamumunuan ni Reyna Althea ang Kaharian ng Minimulis.Binigyan ng parusa sina Atirrah, Aireen, Lucidiro at Heneral Baron. Ang parusang tinanggap nila ay depende sa kasalanang nagawa nila sa kanilang kaharian.Maraming nangyari sa
Yvo Artemis POVIto ang ika-anim na araw pagtapos ng nangyari sa Kaharian ng Cladmus. Marami na kong natutunan tungkol sa mga narito dahil araw-araw ay wala kaming ginawa ni Atyrrah kung hindi ang umalis at mamasyal sa lugar. Proud niyang ipinakikilala sa akin ang mga bagay-bagay. Halata ang tuwa lagi sa kaniyang mukha. Masaya rin naman ako pero hindi kapag gabi.Sa oras na natutulog dapat ang lahat at nagpapahinga ay hindi ako. Gusto kong titigan siya magdamag at walang pakialam kahit umaga na. Ayokong ipikit ang mga mata ko dahil sa takot na baka pagdilat ko ng mata ay wala na siya.Natatakot ako."Anong iniisip mo?" Ibinaba ko ang tingin kay Atyrrah. Nakaupo kami sa isang puno na mayabong ang mga dahon habang pinagmamasdan ang dapit-hapon."Wala" pagsisinungaling ko. Hinaplos ko ang kaniyang balikat dahil nakaakbay ako sa kaniya habang siya ay nakahilig ang ulo sa dibdib ko. Magkasiklop ang aming kamay at panay ang haplos ng hinlalak
Yvo Artemis POVHumagulgol ang lahat. Lahat sila nakapalibot sa amin. May mga paru-parong nagsiliparan sa paligid na kulay asul at dumarapo sa mga patay na Acrañum. May lumapit na dalawang puting paru-paro na lumapag sa likod ng palad ni Atyrrah.Ayokong paniwalaan. Para akong nakalutang. Ang sakit ng ulo ko dulot ng pag-iyak. Wala pa kong nasasabi sa kaniya. Hindi ko pa napapatunayan ang pagmamahal ko sa kaniya."Atyrrah..." umiiyak kong tawag sa pangalan niya. Pilit kong isinisiksik sa utak ko na biglang magmumulat ang mata niya kahit alam kong imposible. Wala na ang mainit niyang hininga."Halika na," tumingala ako. Dumapo sa entrada ang mata ko. Isang babaeng naka-trahe de boda at isang lalaking walang mukha ang nakita ko. Unti-unting humarap sa gawi ko ang babaeng naka-trahe de boda. Ngumiti ang labi niya sa akin saka tumango."Atyrrah.." bulong ko sa aking sarili saka binitiwan ang katawan niya. Lumapit ako sa e
Yvo Artemis POVNabitawan ako ng Reyna nang hawakan siya ni Atyrrah sa pulsuhan. I can't believe of what I am seeing right now. The consistency of smirk and glare at her face gave shivers in my body. She is way too far from what she was used to be.Nanghihina kong tiningnan ang laban nila. Simpleng hawak lang sa braso ang ginawa ni Atyrrah pero ang gulat sa mukha ng Reyna ay bakas na bakas. Bigla ay hinawakan niya ang buhok ng Reyna at iniuntog ang ulo nito sa tuhod niya. Hindi nagpakita ng sakit ang Reyna. Hinawakan niya si Atyrrah sa braso at ipinaikot pero mabilis pa sa pagkurap na tumalon si Atyrrah na sa likod ng Reyna napunta. Iyon ang naging dahilan kung bakit tila nakakulong ang Reyna sa sarili nitong braso."Bumitaw ka!" Makapangyarihang sigaw ng Reyna pero isang kakila-kilabot na tawa ang pinakawalan ni Atyrrah."Baka nakakalimutan mo. Ako ang bida sa kwentong ito" hindi ko maipaliwanag ang boses niya. Magkahalo ang boses niya at ng
Prinsesa Atyrrah POVHindi ko magawang magsaya. Ang puso ko ay nilulukob ng takot at lungkot dahil sa mga naririnig na sigaw at iyak ng mga Acrañum. Sa pagkakataong ito nasabi ko na mahina ako. Bilang Prinsesa, dapat ko silang ipagtanggol ngunit heto ako. Nakasakay kay Havok kasama ang Ginoo.Hindi.Hindi ang aking sarili ang pwede kong isipin ngayon. Hindi ang Ginoo kung hindi ang responsibilidad ko. Hindi ako ipinanganak upang marinig ang tangis at makita ang paghihirap ng mga Acrañum."Bumaba ka Havok--""Ano?! Hindi!" Salubong ang kilay na tiningnan ko ang Ginoo. Kunot ang noo niya."Kailangan ako ng mga Acrañum" ani ko. Umiling siya at saka hinawakan ang aking tiyan."Hindi ka pwedeng masaktan. Nasa iyo ang anak ko Atyrrah" kunot man ang noo ay kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. Inilapit ko ang labi sa kaniya saka iyon inilapat sa labi niya."Huwag kang mag-aalala. Sa'
Yvo Artemis POVHabang dumadampi ang hangin sa aking mukha na ginugulo ang aking buhok ay hindi ko maiwasang matakot. Fear is creeping me out not by me but for those creature. I saw the messy place. I saw how powerful the Queen is. And I can't help myself but to get worried about them especially to Atyrrah.Bumaliktad ang sitwasyon namin. Ako naman ang ignorante sa nakikita pero hindi ko ma-appreciate ang paligid dahil sa pag-aalala.Habang nililipad ako ni Havok ay lumilipad rin ang aking isip. Ano ang pwede kong gawin para makatulong? Hindi ako sumama dito para lang magtago.Inilapag ako ni Havok sa isang bundok. Kakaiba rito dahil nagliliwanag ang mga puno. May mga alitaptap rin na nagpapaganda sa lugar. I roam my eyes at the place. My hands are in my pocket as I withdraw myself from Havok's back.This place was breath-taking. It is charming. A fantasy. What I am seeing right now makes me amaze.How God created this kind
3rd Person POVNaging marahas ang bawat isa, alisto sila. Ang mga kawal at ibang Acrañum ay nakatutok ang mga palaso sa mga nag-alyansa laban sa Reyna na pinamumunuan ni Heneral Baron. Nanatili itong nakaupo sa kaniyang kabayo.Ang mga opisyal ay handa na ang kapangyarihan habang nakatingin kina Prinsesa Atyrrah at Reyna Karis. Bakas naman ang takot sa mukha ni Yvo Artemis. Hawak niya ang brasong nakapalibot sa kaniyang leeg.Ang Reyna na may apoy sa kaniyang palad ay desidido sa gagawin. Kapag naipasa sa kaniya ng pormal ang Kaharian ng Cladmus, mapapasakaniya na ang buong kaharian. Nang dumating ang Tiyo at Tiya ng magkapatid na Prinsesa ay kinabahan siya. Ayaw niyang mawala ang Kaharian na simbolo ng kaniyang kapangyarihan."Kapag sinunod niyo ang nais ko, papakawalan ko ng walang galos ang taong ito" banta niya sa lahat lalo na kay Prinsesa Atyrrah na ngayon ay walang makikitang emosyon sa mukha. Palipat-lipat na rin ang kulay
Prinsesa Atirrah POVBumuntong-hininga ako. Nalulungkot ako na magagaya ang tadhana ng aking kapatid sa akin. Natatakot ako na magaya ang kapalaran niya sa akin. Ano pa kapag nalaman ni Lucidiro na may bata sa kaniyang sinapupunan?Tiningnan ko ang aking anak. Seryoso niyang iginagala ang tingin sa Kaharian ng Cladmus. Sobra akong naaawa sa kaniya. Halata ang pagiging ignorante niya sa mundong ito. Paano nga ba mabubuksan ang isip niya kung ikinukulong siya ni Galleion sa kaharian? Na hanggang pagtingin nalang mula sa bintana ang tanging nagagawa niya.Iniangat ko ang tingin. Hinihiling kong matapos na ang paghihirap, hindi ng sarili ko kung hindi ng aking anak.Tumunog ang gong. Senyales ng pagpasok ng mga opisyal. Pangungunahan ni Narnion ang pagpasok. Ang unang pumasok ay ang mga kawal na nasa kinse ang bilang.Nag-martsa sila sa pasilyo at nang tumapat ang pinuno sa hilera ng gintong upuan ay huminto siya, gano'n rin ang mga k