“Okay ka lang ba? Bakit ganiyan ang hitsura mo? May nangyari ba? Sinong kausap mo?”
Mabilis kong itinaas ang kamay ko para senyasan si Felize na tumahimik. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sandali kong tiningnan ang oras sa hawak kong cellphone. Kumunot ang noo ko. Alas otso na ng gabi pero bakit pumunta pa siya rito.
“Hello, Leah? Are you listening? Nandito ka ba sa bahay niyo o wala pa?”
Huminga ako ng malalim bago sumagot.
“Nandito ako kina Felize. Malapit lang yung bahay nila sa bahay namin. Sandali lang, pupuntahan kita.”
Pinatay ko na ang tawag at bumaling sa kaibigan kong nakakunot ang noo sa akin.
“Si Leander, nasa labas ng bahay namin.”
Felize’s eyes widened.
“Talaga? Bakit daw? Omg! Pupuntahan mo siya? Sama ako!”
Umiling ako. Hindi ko siya puwedeng isama. Halatang tipsy na siya at paunti-unti nang tumatama ang alak sa kaniya. Mahirap
“Did you drink last night?”Napahinto ako sa pagpasok sa loob ng opina nang marinig ang boses ni Leander. Dahan-dahan akong nag-angat nang tingin sa kaniya. Nakita kong nakatitig siya sa akin habang ang isa niyang kamay ay may hawak na ballpen.“Bakit mo natanong?” alanganing sambit ko.Hindi niya inalis ang pagtitig niya sa akin. Hindi rin naman ako nagpatalo sa mga titig niya. Wala siyang nagawa kundi maunang magbaba ng tingin sa aming dalawa at ipinagpatuloy ang ginagawa.“Next time, agahan mong pumasok. Hindi dapat nauuna ang Boss sa opisina.”I heaved a sigh and nodded lightly. Kasalanan ni Felize kung bakit tinanghali ako ng gising. Pagkatapos kasi naming uminom kagabi, hindi na ako nakauwi dahil sa sobrang kalasingan. Ang sabi ni William, siya na ang tumawag sa mga magulang ko para ipaalam na hindi ako makakauwi. Sa kuwarto na ni Felize ako nakatulog. Ihahatid daw sana ako ni William pero pin
“This is my school when I was in still studying in college. University of the Philippines, Diliman.”Proud kong ipinakita sa kaniya ang unibersidad na pinasukan ko noong ako ay kolehiyo pa lamang. Maraming tao ang nangarap na makapag-aral dito, pero pili lang ang mga nakapasok. Kailangan kasi munang makapasa ng UPCAT bago ka mabigyan ng chance na makapag-aral dito.“Yeah, I know this school. Dito rin nag-aral ang ibang pinsan ko,” aniya bago inihinto ang sasakyan sa parking area.Ang sabi ko kasi sa kaniya, mas makabubuti kung maglalakad lang kami para kahit paano ay maayos naming makita ang mga building dito sa campus. Isa sa mga magandang bagay rito, ay kahit sino ay puwedeng pumasok.Magmula parking area ay naglakad na kami hanggang sa makarating kami sa isawan ni Mang Larry. Ang akala ko ay magrereklamo siya dahil sa layo nang nilakad namin, pero nagkamali ako. Sa tuwing magtatagpo ang aming paningin ay bigla siya
The thing is, hindi ko inexpect iyon. What I was thinking the whole time is, we are going to their house to visit his mother. Because Leander is old enough to live on his own, ang akala ko ay kaya siya bibisita sa Mommy niya ay dahil minsan lang siya makauwi sa kanila.“I didn’t know—”He smiled.“It’s okay. Sinadya ko namang hindi ipaalam sa’yo. I want to see you go panic.”Sinamaan ko siya nang tingin. Pasalamat siya at narito kami sa sementeryo para bisitahin ang kaniyang ina. Kung wala kami rito, siguradong sinuntok ko na siya.Leander laughs. Maya-maya ay inabot niya ang isang kamay ko. Muntik pa tuloy malaglag yung boquet na hawak ng isang kamay ko.“Careful, ayaw ni Mommy na masisira ang bulaklak na para sa kaniya.”Ngumuso ako. Eh, kasalanan niya naman. Kung bakit ba naman kasi bigla-bigla niyang kinukuha ang kamay ko.“Let’s go,
Gaya ng sinabi ko kay Leander, maaga nga siyang gumising kinaumagahan. Ginising din niya ako kaagad para makapag-asikaso na. Pagkabangon ko sa pagkakahiga ay nakaramdam ako ng biglaang pagsakit ng ulo ko. Ito na yata ang epekto ng ilang oras lang na pagtulog. To be exact, tatlong oras lang dahil bandang alas singko ay ginising niya na ako. Hindi naman kami agad bumangon. Ilang minuto rin kaming tumitig sa kisame ng kuwarto ko. Hindi kami nag-usap. Tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya at ganoon din ako. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumayo na rin kami para mag-asikaso ng agahan. Tinulungan ako ni Leander sa pag-aasikaso sa kusina. Ang buong akala ko ay rito siya kakain. Hinintay niya lang pala magising ang mga magulang ko para makapagpaalam sa mga ito. Nagulat din si Papa sa pagmamano nito sa kanila ni Mama. “Aalis ka na, Kuya Leander? Hindi ka na sasabay sa amin na kumain ng agahan?” tanong ni Kyle s
I am not okay. But I have to act that I am okay.“Let’s go then,” ani Leander.Nang akmang hahawakan niya ako sa kamay ay mabilis akong umatras palayo sa kaniya. No, he shouldn’t hold my hand in front of other people lalo na sa harapan ng mga empleyado niya. Hindi dahil nahihiya ako sa mga ito kundi ayokong isipin ng mga tao sa paligid namin na totoo ang hinala nila tungkol sa namamagitan sa amin ni Leander.Ang nasa isip kasi ng mga ito, kaya ako kinuha ni Leander bilang bago nitong sekretarya ay dahil may gusto si Leander sa akin. Tama naman sila. But I still believe that Leander did that not because he just likes me. Masipag din naman ako at magaling sa mga bagay na ginagawa ko. I have my skills too and I am smart. Kaya hindi puwedeng sabihin ng ibang tao na puro ganda lang ang meron ako.Mukhang naintindihan naman ni Leander ang ginawa ko. Marahan siyang tumango sa akin pagkatapos ay nauna na siyang maglakad patun
“Leah, please stand up.” Humakbang palapit sa akin si Liam at mabilis ako nitong inalalayan sa pagtayo. “What’s wrong with you? Umiiyak ka ba dahil kay Chase? Dahil sa nalaman mo?” nag-aalalang tanong niya. Dahil hindi ako makatingin sa kaniya, kinailangan pa niyang hawakan ang aking magkabilang pisngi para ingat ito. Puno ng luha ang aking mga mata nang tingnan ko siya. “What’s wrong? Please tell me,” pakiusap niya. Umiling naman ako. “Hindi, wala ito.” Pinilit kong kumawala sa kaniyang pagkakahawak pero mas humigpit pa ang kapit niya sa akin. “Leah, please. I hate to see you like this.” I nodded. “Ako rin. I hate to see myself like this. I hate the fact that I still blame myself for what happened to Chase.” Napansin niya ang panginginig ng aking mga katawan kaya agad niya akong niyakap. At sa pagkakataong iyon, habang yakap-yakap niya ako, may mga alaala na namang nagbalik sa aki
“Honestly, I came to talk about something.” Napatingin ako kay Liam nang marinig ang sinabi niya. Alam ko namang kaya siya narito ay dahil mayroon siyang gustong sabihin o hindi kaya ay nais na pag-usapan. At may hinala na ako kung saan tungkol iyon. “Tungkol ba ito sa nangyari kanina? Tungkol kay Chase?” He lowered his head. Hindi agad siya sumagot. Based on his reaction, mukhang tama ang hula ko. “How much do you remember, Leah?” Huminto ako sa paglalakad at inilibot ko ang aking paningin sa paligid ng court. Nakita ko ang maliit na damuhan na naka-korteng bilog. Imbes na sa sementadong bench ako magtungo, sa damuhan ako naglakad at ilang sandali pa ay umupo na ako roon. Sumunod naman si Liam at umupo sa tabi ko. We’re both Indian sitting there habang tahimik naming kinakain ang ice cream na binili namin sa convenience store. “I’m glad that they’re still not renovating this place. At least kahit paano may green areas p
“Hoy, okay ka lang ba?”Napaangat ako nang tingin kay Felize nang marinig ang tanong niya. Marahan akong tumango sa kaniya at pilit na ngumiti.“Mukha kang hindi okay. Pagod ba sa trabaho? May nangyari ba?”Umiling ako nang mariin.“Wala. Nag-iisip lang ako kung anong puwede kong bilihin para sa mga kapatid ko. Matagal na kasing nagre-request ng pasalubong ang mga iyon. Hindi ko naman nabibil’han dahil palagi kong nakakalimutan,” paliwanag ko sa aking kaibigan na ngayon ay titig na titig sa akin.“You’re not lying, are you?”I laughed.“Hindi. Okay lang ako. Siguro, bibili nalang ako ng chocolates na favorite nila.”Nang hindi pa rin umaalis sa harapan ko si Felize ay pabiro ko siyang tinulak. Tumawa naman siya.“Ikaw, Leah, kapag may problema ka, palagi kang masasabi sa akin o hindi kaya kay Kuya. Alam mo namang nandito lang kami
Magkasabay kaming naglakad ni Liam patungo sa kusina. Tahimik lang siya habang naglalakad. Pagkapasok namin sa loob, agad na tumayo si Felize. “Kuya, gusto mo bang kumain?” alanganing tanong ni Felize sa kaniya. Kay Leander unang dumapo ang tingin ni Liam. He gave him a light nod before looking at my parents. Lumapit siya sa mga ito at nagmano sa mga magulang ko. Dumaan din siya sa likuran ng mga kapatid ko para tapikin ang mga balikat ng mga ito. “Kuya, kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin. May isa pang bakanteng upuan oh. Mukhang nakatadhana talaga para sa’yo.” Tipid na ngumiti si Liam sa mga kapatid ko at tumango. Marahan siyang naglakad patungo sa bakanteng upuan saka umupo rito. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya, pinagmamasdan ang reaksiyon at galaw niya. Baka kasi napipilitan lang siya. “Mabuti naman at naisipan mo nang dumalaw rito, William,” sambit ni Mama sa kaniya. Simpleng ngiti lang ang isinagot ni Lia
“Kumusta ka?”Ngumiti ako sa unang tanong niya sa akin. Pagkatapos naming mamili, nagtungo kaming dalawa ni Felize sa isang malapit na fast food chain. I felt the awkwardness the moment we sat on the chair. Nang magkatinginan kami kanina ay sabay pa kaming umiwas nang tingin sa isa’t-isa. I thought she won’t speak at all. But here she is, asking me if how am I.“Sa tingin ko, okay naman ako.”Napansin ko ang pagtaas ng isang kilay niya sa sinabi ko. I knew she would react that way.“Leah, I…” she trailed off.Yumuko siya. Nararamdaman kong nag-aalangan pa siyang magsalita kaya hinintay ko siya. That’s what I’m good at. Waiting.“Leah, I want to say sorry for the things I’ve done to you in the past months. For not listening to you. For shoving you off. For not showing up whenever you’re at our house.”I keep on listening.&ld
“How are you feeling?” tanong ni Leander pagkatapos niya akong abutan ng isang basong tubig.Halos sabay lang kami nakauwi ng kaniyang condo. And as expected, maraming nakaabang na press sa labas ng building. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina. Sa totoo lang, takot ang nanaig sa akin. Wala akong ibang problema. Kung masira man ako sa tao, ayos lang iyon. Huwag lang sana madamay ang pamilya ko at ibang tao na malalapit sa akin.The moment the news come out, mabilis akong nagtungo sa bahay namin. Walang pasok ang mga kapatid ko noong araw na iyon, hindi rin pumunta ang mga magulang ko sa palengke para magtinda. Pagpasok ko sa loob ng bahay, mabilis akong sinalubong ng mga kapatid ko at yumakap sa akin. They know that the circulating wrong information on the internet could give me a huge backlash. Honestly, it doesn’t matter to me anymore. What I want to know if they’re mad at me. Natatakot ako na baka magalit sa akin ang mga
“Pinayagan ka niyang tawagin siyang Papa?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Leander pagpasok namin sa kaniyang condo. Nilingon niya ako, tipid siyang ngumiti bago tumango nang marahan.“Paano mo iyon ginawa?”Nagkibit-balikat naman siya.“He asked me few questions. I answered him with all honesty. That’s it.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I don’t believe him. Kilala ko si Papa. Hindi iyon ganoon. Bata pa lang ako, ang sabi niya sa akin, lahat ng lalaking manliligaw sa akin ay dadaan sa mahigpit niyang pagbubusi. Kaya nga si Liam lang ang nakapasa sa standards niya. Dahil si Liam ay matagal niya nang kilala.“Kidding aside. Tinanong niya kung may plano ba akong pakasalan ka at sinabi kong oo.”My eyes widened in his revelation. Lumapit ako sa kaniya at inis na hinampas siya sa balikat. Napa-aray naman siya. Mabilis siyang umatras palayo sa akin pero sinundan ko s
Matagal akong natulala sa sinabi ni Felize. Kung hindi pa lumapit sa akin si Mama para hawakan ang braso ko at tanungin kung ayos lang ba ako, ay hindi ako matatauhan.“Anak, totoo ba ‘yong narinig namin? Totoo bang hindi ka na tutuloy sa America?”Nang bumaling ako sa pintuan ng aking kuwarto ay nakita kong naroon si Papa at ang dalawa kong kapatid na nakatanaw sa akin mula sa labas.“Ma, puwede po bang mamaya ko na kayo kausapin? Uunahin ko lang po muna si Felize. Kung ayos lang po iyon sa inyo?” pakiusap ko sa kaniya.Nang makita kong tumango si Mama, mabilis akong naglakad palabas ng bahay. Hahabulin ko si Felize. Kakausapin ko siya at ipaiintindi ko sa kaniya ang lahat.Paglabas ko sa gate ng aming bakuran, tumakbo na ako patungo sa kaniya. Mabilis ang kaniyang mga hakbang.“Felize!” pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Huminto siya sandali at bumaling sa akin.Nang makita niya
“Leah, hindi naman sa nangingialam ako sa mga desisyon mo, pero sigurado ka na ba sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo? Nakausap mo na ba si Liam? Hindi ba parang masyado namang mabilis ang ginawa mong pag-ca-cancel sa plano niyo na magtrabaho sa America? Have you considered Kuya Liam’s reaction before you ended up with this decision?”Humugot ako ng malalim na hininga bago humarap kay Felize. Kasalukuyan akong nasa aking kuwarto, nag-aayos ng mga gamit ko. Kauuwi lang namin ni Leander galing sa El Nido. Mas napaaga kumpara sa plano naming mag-iisang linggo kami roon. Parang kahapon lang ay nakaharap namin ang kaniyang ama. Tapos ngayon, narito na ulit kami sa Metro Manila. Our decision going back to the city in no time happened last night. Halos hindi rin kaming nakatulog dalawa ni Leander dahil sa dami naming pinag-usapan. Tungkol sa pagiging CEO niya ng kumpanya na pag-aari ng kaniyang ama. At tungkol sa pag-alis ko papuntang America.
Kinabukasan nang magising ako ay agad kong napansing wala sa tabi ko si Leander. Hindi ko mawari sa aking sarili kung bakit ako nakaramdam ng kaba. Agad akong bumangon sa kama at nagtungo sa kitchenette pero wala siya roon. Wala rin siya sa shower room at lalong wala sa balcony.Ilang beses kong inikot ang buong suite pero wala talaga siya. Gustong-gusto ko nang lumabas sa suite para hanapin siya, pero bago ko ginawa iyon ay naghilamos muna ako at nagsipilyo. Nagpalit na rin ako ng damit. Mas conservative ang pananamit ko ngayon kaysa sa mga nakalipas na araw.I’m wearing one of his shirts and a denim tokong the reaches the middle of my knees.The first place that I went to is in the gym. Naisip ko, baka nag-g gym siya. Pero wala siya roon. The next place I went was the play area, still there is no sign of him being there. Bigla ko namang naalala ang Misto. Right. Maybe he is there, having chitchats with his cousin, Vin.Nasa bun
Isang marahang katok sa labas ng suite na tinutuluyan namin ang kumuha sa aming atensiyon. Nagkatinginan kami saglit ni Leander. Mayamaya ay bumuntong-hininga siya.“Sino ba itong istorbo?” naiinis na sambit niya. Tinawanan ko siya sa kaniyang reaksiyon. Normally, hindi talaga mainitin ang ulo niya. Pero ngayon, kitang-kita sa kaniyang hitsura na nainis siya.“Hey, love birds. It’s time to go outside of your nest and feel the beach air.”Nang marinig ko ang boses ni Vin ay agad akong napatayo sa kama at napatakbo patungo kay Leander. Sa likuran niya ako pumuwesto dahil wala akong suot na bra at the moment. I held Leander’s arm. Naramdaman ko naman ang pagharang niya sa akin. He’s covering my body so that Vin won’t see it.“So possessive,” pang-aasar nito sa kaniya. Inirapan niya naman ang kaniyang pinsan.“I’m just protecting my girl.”Vin nodde
Maganda ang buong kuwarto. Halos pinagsamang laki ito ng tatlong kuwarto namin sa bahay. Mayroong balcony sa labas. Nang magtungo ako sa banyo, nakita ko ang bathtub at ang shower room. Grabe, siguro yung gastos dito ni Leander ay kasing laki na ng tatlong buwan na trabaho ko.“Bakit naman ganito kalaking kuwarto ang kinuha mo? Dalawa lang naman tayo. Ang lawak ng espasyo, oh.”He smiled at me and put both of his hands on my shoulder.“Hindi ba sabi ko huwag mo nang problemahin kung magkano ang ibinayad ko rito. Bakasyon ito, Leah. Bakasyon natin. Mas gusto ko kampante ka. Gusto ko mae-enjoy mo ang paligid, kabilang ang kuwarto na tutuluyan natin.”“Kaya ganito kalaki ang kinuha mong kuwarto para makampante ako? Seryoso ka bas a sinasabi mo? You know I—”Napahinto ako sa pagsasalita nang halikan niya ako sa labi. Binigyan niya ako ng isang marahang halik bago mabilis na lumayo sa akin.