Eliezah"PAKAWALAN mo siya, Zykiel! God!" Masamang tiningnan ni Nayla si Zykiel sa ibaba na nakanganga parin. "Nakalimutan mo bang buntis ito?!" Tinuro ako ni Nayla. "I'm fine, agent 00015." Sambit ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin. "Tss. Bahala nga kayo! Ang gugulo niyo!" Tinalikoran niya ako at padabog na bumaba sa hagdan. "Siguraduhin mong safe si Eliezah, Zykiel kundi lagot ka sa'kin. Ako ang ninang ng anak niyo! Kaya ingatan mo!" Galit na sambit ni Nayla. Napangiti ako sa inasal ni Nayla. Parang kailan lang ay nagmamaka-awa siya na balikan siya ni Zykiel pero ngayon ay...hmm. Mukhang hulog na hulog na nga siya kay Kieron. And speaking of Kieron. Hindi ko pa siya nakikita simula noong birthday ko. Hindi ko alam kung saan siya nagsusuot. "You don't have to remind me, Nayla." Sambit ni Zykiel at tinulak na si Nayla palabas. Nang makalabas na si Nayla sa pinto ay naroon parin ako nakatayo. Pagbalik ni Zykiel ay nagsalubong ang tingin namin at ako ang naunang magbaba ng
ELIEZAHMATAPOS sabihin ni Zykiel ang huling kataga ay nagpaulan siya ng bala dahilan para magtakbuhan ang mga tauhan ni Fergie Morgan. Hinila niya ako pasakay ulit sa elevator habang nagpapaulan parin siya ng bala sa kalaban habang ako ay paulit ulit na pinipindot ang button. "Zykiel baka tamaan si Papa!" Nag-a-alalang sigaw ko dahil baka tamaan si Papa sa dami ng pinaulan niyang mga bala. Pagkasara na pagkasara ng pinto ng elevator ay saka lang siya tumigil. Humagulhol ako ng maisip na kasama ng mga demonyong iyon ang Papa ko. Niyakap ako ni Zykiel. "Kaya ng Papa mo ang sarili niya, Elie. Magtiwala ka" sambit niya habang hinahagod ang likod ko. "Huwag ka ng umiyak. Makakasama kay baby iyan." Alo niya."P-pero...pero si Papa...baka a-anong m-mangyari..." humihikbi kong sagot. Huminga siya ng malalim at ikinulung ang mukha ko sa mga palad niya. Pinahid niya ang luha na nagkalat sa mukha ko saka siya marahan na nagsalita. "Hindi mangyayari iyon. Magtiwala ka sa kakayahan ng Pap
Eliezah"PAANO MO BA GUSTONG MABARIL, Manong Jorgie?" Walang emosyon kong tanong. Napamaang siya sa tanong ko. Pero may itinatago pa pala siya sa likod niya at nang ilabas niya iyon ay binaril ko siya ng walang alinlangan. Nabitawan niya ang kutsilyo sa kamay at deretsong napahiga habang umaagos ang dugo sa bibig at sa dibdib niya. Binitawan ko ang baril at wala sa sariling umakyat sa ikalawang palapag. Nagtungo ako sa isang kwarto kong saan matatagpuan ang mga baril ko. Kumuha ako ng backpack at saka naglagay ng mga baril at iba pang mga kakailanganin ko bukas. Nang matapos ay kumuha ako ng damit sa kwarto ko at isinilid rin sa bag. Pagkatapos ay mabilis na bumaba. Sumakay ako sa kotse at nilagay sa passenger ang bag. Pagdating ko sa bahay ni Zykiel ay ganun parin. Mukhang hindi siya umuwi. Sinipat ko ang relo ko at alas cuatro na ng madaling araw. Ilang oras nalang. Nangi-alam ako sa kusina ni Zykiel at may nakita akong mansanas roon at agad na nanubig ang bagang ko. Iyon ang gi
EliezahPAGAPANG akong sumunod sa matanda. Huminga ako ng malalim bago ako bumulusok pababa sa mismong harap niya. Dahil hindi niya inaasahan ang pagdating ko ay nagulat siya at hindi nakakilos agad kaya inatake ko agad siya. Mabilis naman niyang nasangga ang mga atake ko. Nagtagisan kami ng nalalaman hanggang sa nakarating kami sa mismong ground ng bodega. Sa bawat atake niya ay siya namang iwas ko at ganun rin siya sa atake ko. Gusto ko siyang bugbugin at pahirapan. Gustuhin ko man siyang patayin na agad ay parang napakadali naman niyon. Gusto ko iyong mahihirapan muna siya hanggang sa siya na mismo ang kikitil sa sarili niyang buhay. "Hindi mo ako kaya, agent 00013! You're too weak for me!" Sabi niya at humalakhak. Pinatayan ko rin ang halakhak niya. "Talaga ba? Tingnan lang natin." Sa isang kilos ko ay nahagip ng suot kong stilettos na may maliit na kutsilyo sa dulo ang tiyan niya dahilan para magkaroon iyon ng malaking tabas at umagos ang sariwang dugo roon. Nginisihan ko s
Zykiel"No! No! No!" Sigaw ko habang inaalalayan si Elie sa bisig ko na unti unting nanghihina. Sumuka siya ng dugo. No! Hindi! Hindi maaari! May nakapa akong basa sa likod niya at parang nawalan ng kulay ang mukha ko ng makita ang kulay pulang likido sa palad ko. Nanginig ang buong katawan ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang biglang tumigil sa paggana ang utak ko. . Ang mahal ko! Galit akong tumingin sa ama ko na nagulat rin sa nangyari. Pati ang mga kapatid ni Elie ay hindi rin makagalaw dahil sa gulat Pare-pareho silang nakanganga at nanlalaki ang mga mata. Ang bilis ng pangyayari! "Ha!!!!" Sigaw ko at kinalabit ang gatilyo ng baril ko at binaril siya ng ilang beses. Hinagis ko ang baril ko at binuhat si Elie. "Babe! Hold on! Please! Maawa ka sa anak natin! Please hindi ko kaya!" Paulit ulit kong sambit habang nagmamadaling tinatahak ang daan palabas ng bodega. Narinig ko ang tawag nina Steve at Stephanie pero hindi ko na sila pinansin. Paglabas ko ay siya ring
Zykiel"I DON'T CARE." sagot ko kay Steve. Nabuhay pa pala talaga siya. Tunay ngang matagal mamatay ang masamang damo. "But...the doctor still couldn't determine when will he wake up... it's seems like, without the machine, he'll be dead." dagdag ni Steve. Masama ko siyang tiningnan. "Why are you saying these to me?" Namulsa siya at yumuko pagkatapos ay tumanaw ulit sa kwarto ng kapatid. "Because he's still your father?" I smiled without humor. "Like what I've said, I don't care. If possible, pull that fucking machine out of him!" Hindi na nagsalita si Steve. Si Stephanie naman ay nagpa-alam na pupuntahan ang ama ni Elie sa ika-pitong palapag. "Anong nangyari kay General Gaell? At sa mga anak niya?" Tanong ko matapos pakalmahin ang sariling galit. "Their on jail. General Constantine personally put handcuffs to him. I've heard that their case were unbailable. Well, they deserve it, anyway." Tugon ni Steve at huminga ng malalim. Tapos na. Tapos na ang paghihirap ni Elie mula s
ELIEZAHNAPAHAWAK ako sa balakang ko ng biglang sumakit ito. Marahan akong naglakad palapit sa couch at doon naupo. Hinimas ko ang tiyan ko na halata na. Nang magising ako ay sinabi ng doktor na kambal ang ipinagbubuntis ko. Sobrang saya ko nong mga oras na iyon pero naglaho ang saya ko ng hanapin ko ang ama ng mga anak ko. Hindi ko siya makita. Kahit anong tanong ko sa mga taong nasa paligid ko ay wala silang sinasabi sa akin. Hindi nila ako sinasagot. Tikom lahat ang bibig nila na sobra kong ikina-inis. Kinakabahan ako kung ano na kaya ang nangyari sa kanya pero noong nagkaroon ako ng hint na maaaring nakulong siya ay hindi na ako nagtanong pa. Kung ayaw niyang ipa-alam sa akin ay hindi ko siya pipilitin. Alam kong pinoprotektahan niya ako at idagdag pa na hindi pa natuluyan ang matandang demonyo! Hayun at humihinga parin sa tulong ng makinarya. This must be crazy to think that he is the father of the father of my children but what he did to me is beyond forgivable. I don't know if
ELIEZAH"GENERAL?" Natigilan ako at dahan dahang napalingon sa likod ko. Katulad ko ay namilog rin ang mga mata niya at tumigil sa paghakbang. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Nakaposas. Kumurap siya ng ilang beses bago nagpatuloy sa paghakbang. Tumayo ako and meet him halfway. I immediately wrap my hands around him. I miss him so much. I miss him. I felt him stiffened."E-elie...""I miss you. We miss you very much..." I whispered and hugged him even more kahit pa hindi siya makagalaw dahil nakaposas siya. Isinubsob niya ang mukha sa leeg ko. "I miss you too, babe. Miss na miss na kita." Bulong niya. Narinig ko ang paghikbi niya dahilan para mapahikbi rin ako. Suminghot singhot ako nang bahagya siyang lumayo kaya bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. I cupped his face and looked at him painfully. A lot of emotion showed up in his face while our gaze are locked to each other. "Your plan always hurt me..." mahinang sambit ko habang nakatingin parin sa kanya. Nagbaba siya ng tin