Hindi ko na nabilang kung ilang ulit kaming nagpakasasa sa katawan ng bawat isa ni Michael. Ang tanging malinaw sa'kin ay ang lalong pagtindi ng sarap sa bawat pagkakataong mapag-isa kami.Kain lang iyong pahinga namin sa buong maghapong nanatili kami sa bahay niya. Hindi pa rin humuhupa ang ulan at hanging dala ng bagyo kinagabihan. Katulad nang hindi ko rin alam kung kailan huhupa ang kasabikan namin sa bawat isa. Konting pagkakadikit lang ng mga katawan namin ay agad nauuwi sa bayuhan. Nangangalay na iyong balakang ko pero sige pa rin ako dahil talagang nakakahibang iyong sarap.Nababliw na nga yata ako o sadyang hindi ko lang matanggihan bawat pang-aakit ni Michael. Alam na alam niya talaga kung paano gisingin ang natutulog kong kalandian. Nasubukan na yata namin lahat ng posisyon kaya halos naubos din iyong lakas ko kahit kalimitan ay siya namna iyong nagtatrabaho."Paano ba iyan, crush, kailangan mo na yata akong panagutan," pabirong wika ni Michael matapos ang huling pagniniig
Kinabukasan ay talo ko pa ang buong gabing nag- marathon dahil sa pangangalay ng buo kong katawan.Mabutii na lang pinaghanda ako ni Michael ng maligamgam na tubig sa bathtub kaya nabawasan iyong pananakit matapos kong magbabad doon nang ilang minuto.Medyo nahiya pa nga ako dahil asikasong-asikaso niya ako. Pakiramdam ko ay ako lang iyong napuruhan sa pinaggagawa namin kagabi habang siya ay nasa kondisyon pa rin. Kung tutuusin ay siya pa nga itong dapat na makaramdam ng sobrang pagod dahil siya iyong gumagalaw habang ako ay nakahiga lang kalimitan habang umuungol sa sarap.Nakakabilib din naman kasi iyong stamina ni Michael. Parang gusto ko nang maniwala na mahigit isang buwan na siyang tigang. Gano'n ba talaga iyong mga lalaki? O si Michael lang iyong 'pag nag- abstinence ng kahit isang buwan lang ay todo bawi naman at halos ayaw nang paawat?Pagkatapos naming mag-agahan ay nagpahatid ako sa bahay namin upang nakapagpalit ako ng damit. Nagpumilit siyang hintayin ako upang sabay kam
Pagkatapos magpaalam ni Dianne ang naging abala na ako sa trabaho. Ayaw kong may ibang masabi ang mga katrabaho ko kaya ako na mismo ang nagpresenta na tapusin iyong ilang mga nakatambak naming gawain. Ayaw kong isipin nila na sinasamantala ko ang pagiging malapit ko kay RM kaya patetiks-petiks na lang sa ako trabaho.Sa sobrang subsob ko sa ginagawa ay namalayan ko na lang na lunch break na pala nang mag-aya iyong iba kong mga kasamahan."Kasabay naman ni Jocelle mamaya si RM kaya hindi na natin siya isasama," nanunuksong pahayag ng isang lalaki kong katrabaho.Agad na umugong ang tuksuhan habang nag-iinit naman ang mukha ko dahil sa hiya. Akala ko ay maiiwasan ko na ang mga panunukso nila dahil tahimik lang naman sila kanina pagkaalis ni Michael. Hinintay lang pala nila ang break."Mauuna na kami sa'yo, Jocelle, wala kaming kasabay na pogi eh," hirit ng isa kong kasamahang babae."Ano namang tawag mo sa amin?" kontra ng katrabahio naming lalaki na singundahan no'ng iba. "Lamang l
Lumipas ang mga araw na nagiging tahimik ang buhay ko dahil hindi na muling nagawi pa sa opisina si James. Nakasanayan ko na rin na ihatid-sundo ni Michael at palagi ko siyang kasabay mag-lunch at mag-dinner. Kahit sobrang busy niya ay lagi niya pa ring nagagawan nang paraan upang magkasama kami.Sino ba naman ang hindi mahuhulog nang tuluyan sa ganoong klaseng lalaki? Limot ko na nga iyong mga balita tungkol sa kalupitan niya at kawalan ng puso. Hindi naman kasi gano'n ang pagkakakilala ko sa kanya.Wala nang nangyari ulit sa amin kahit halos araw-araw kaming magkasama. Hindi pa rin nawawala iyong pagiging clingy ni Michael at nakakadarang niyang mga halik pero hindi na ulit siya nag-initiate na lumagpas kami roon. Minsan nga ay ako na iyong nagbibigay ng motibo pero siya itong malakas ang self-control. Malapit ko nang isipin na nawawalan na siya ng gana sa'kin kung hindi niya lang araw-araw pinapaalala iyong pagkaka-crush niya sa'kin na habnag tumatagal daw ay mas lumalalim.
Papalabas na ako ng opisina nang mahagip ng tingin ko si James na halatang may inaabangan.Lihim akong napamura nang makitang papalapit ito sa direksiyon ko pagkakita sa'kin. Mabilis akong lumihis ng daan pero maagap niya akong sinundan at ilang sandali lang ay naabutan na niya ako. Hindi ko na sana siya bibigyan nang pansin pero humarang talaga siya sa dadaanan ko."Celle—""Pwede ba, James, tigilan mo na ako!" nayayamot kong putol sa balak niyang pagsasalita.Pumiksi ako nang akma niya akong hahawakan. Umatras din ako upang mabigyang distansya ang pagitan naming dalawa.Hangga't maaari ay ayokong may makakita sa amin na magkalapit habang nag-uusap. Kung pwede nga lang ay limang metro sana ang layo namin sa isa't isa. "Bakit mo ba ako iniiwasan?" usisa niya habang pilit na tinatawid ang nakapagitan sa'ming distansya.Bawat hakbang niya pasulong ay umaatras naman ako. Nabubwesit na talaga ako sa totoo lang!"Tinatanong pa ba iyon?" nanggigil kong balik-tanong sa kanya. "Sinugod na a
Isang malakas na sampal ang sinalubong sa'kin ni Mama pagkauwi ko ng bahay."Inggrata ka!" sigaw nito sa'kin. "Wala kang utang na loob at nagawa mo pa talaga kay Trish iyon?"Nauna pa yatang nakarating sa bahay namin kaysa akin ang balita tungkol sa nangyari kanina.Sa sobrang kaba at takot ko dahil sa nangyari kahit wala naman akong kasalanan ay nakaligtaan ko na ngang tawagan si Michael upang magkwento. Nag-alala ako sa kalagayan ni Trish at ng baby nito. Hindi naman ako sobrang samang tao na hindi makaramdam nang gano'n sa kabila ng ginawa nito sa'kin.Kasalukuyan nasa business conference sa ibang bansa si Michael kaya wala itong kaalam-alam sa mga nangyari ngayon. Hindi ko nga rin masabi kung magkakaroon ba ito ng pakialam gayong problema ito sa loob ng pamilya namin.Kahit na sabihing may nangyayaring mutual understanding sa pagitan namin ni Michael ay hindi pa talaga ako sigurado sa totoo nitong nararamdaman para sa akin.Punong-puno pa rin ako ng insecurities lalo na at toto
Um-absent muna ako sa trabaho kinabukasan upang asikasuhin ang tungkol sa bago kong titirhan.Madali naman akong nakahap ng mauupahan kaya ang sunod kong ginawa ay bumili ng mga gamit. Sobrang abala ako sa paglilinis ng lilipatan kong bahay at pag-aayos ng mga napamili kong mga gamit kaya nawala talaga sa isip ko ang tungkol kay Michael.Hindi ko nga rin siya natawagan kagabi dahil mas inuna kong pinagtuunan nang pansin ang paghahanap ng mauupahang bahay sa internet at ilang mga kakilala ko. Hindi ko rin nasagot iyong tawag niya dahil nataon na kausap ko iyong landlady.Marami akong binago sa loob ng nilipatan kong bahay. Pinalitan ko iyong wallpaper at mga kurtina na naiwan no'ng unang umupa. Nilinis ko rin iyong mga sulok-sulok at pati iyong maliit na bakuran sa labas ay nilinis ko.Nanlilimahid ako nang matapos kong ayusin lahat at iyong mga pinamili kong groceries na lang iyong natirang aayusin. Mabuti na lang at may maliit na refrigerator na kalakip na ng bahay na inupahan ko.
"Gusto mong titira ako sa bahay mo?" maang kong tanong kay Michael habang pareho kaming nakahiga sa kama ko.Katatapos lang naming kumain at kasalukuyan kaming nagkukwentuhan tungkol sa sitwasyon ko ngayon."Malaki ang bahay ko at ang lungkot 'pag wala akong kasama roon," malambing niyang wika."Ngayon ka pa talaga nalulungkot?" sarkastiko kong tanong. "Gusto mo lang yatang may palaging inaano eh," bubulong-bulong kong dugtong.Malakas akong napatili nang bigla niya akong kinubabawan."Michael!" naeeskandalo kong tawag sa pangalan niya nang ikiskis niya sa'kin ang ibabang bahagi ng kanyang katawan."Ano iyong sabi mo?" pilyo niyang tanong bago mapaglarong isinubsob ang mukha sa dibdib ko."Michael kakakain lang natin," saway ko sa kanya.Ngayon pa nga lang kami nakapagpahinga simula no'ng dumating siya kaninang tanghali tapos ngayon ay nararamdaman ko na namna ang kahandaan niya sa panibagong bakbakan. "Pampatunaw 'to," nang-aakit niyang tugon. "Ang bango mo," anas niya."M-Michael,"
Kinagabihan ay sumalo sa hapunan namin ng pamilya ni Dianne si Michael. Mabilis niyang nakuha ang loob ng Nanay at Tatay ni Dianne. Mga simpleng tao lang ang mga ito kaya siguro hindi nila gaanong kilala ang katauhan ni RM. Alam nilang malaking tao ito sa larangan ng negosyo at galing sa mayamang pamilya pero hindi nila alam kung ano ang kaya nitong gawin at ang mga nagawa na nito. Pinapakitunguhan nila si Michael batay sa pinapakita nito ngayon at hindi sa kung sino ito sa pagkakakilala ng publiko. Kakaibang saya ang nararamdaman ko habang pinapanood si Michael na masayang nakikipag-usap sa tatay ni Dianne. Tungkol sa pinagkaabalahan sa palaisdaan ang pinag-uusapan nila. "Magtatagal ka ba rito sa isla?" bigla ay tanong kay Michael ni Nanay Veron na nanay ni Dianne Napansin ko ang ginawang pagsulyap sa'kin ni Michael bago bumaling kay Nanay. "Depende po kay Jocelle,"agalang niyang sagot. "Paano kung dito na titira si Jocelle?" natatawang tanong ni Tatay Dong, ang ama ni Dian
Bago tuluyang nagpaalam sina Michael ay kinausap muna ako ni Lola Mathilda.Kabadong-kabado pa ako at baka bigla ako nitong offer-an ng sampung milyon layuan lang ang kanyang apo. Kung kailan kami nagkaayos ni Michael ay tsaka pa ako masampal ng kayaman ng Lola niya.Siguro kung ibibigay niya sa'kin ang kalahati ng buong ari-arian ng mga Arizon ay pag-iisipan ko pa ang magiging offer niya pero hindi gano'n ang naging usapan namin."Mahal ka ng apo, sana ay sa susunod na may ganitong pangyayari na naman ay sa'kin ka lumapit bago ka gumawa ng desisyon." Malumanay ang boses ni Lola Mathilda habang kinakausap niya ako.Iyong kaba ko kanina ay biglang naglaho."Kung makikita kong may mali ngang ginawa si Rowan Michael ay ako ang dedesiplina sa kanya. Malabo mang may kalokohang gagawin ang isang iyon pero tandaan mong kakampihan kita 'pag nagkataon.""Pasensya na po kayo," nakayuko kong paghingi ng paumanhin.Naiintindihan ko naman iyong naratamdaman niyang inis dahil sa inakto ko. Pati ba
Ilang sandali pa at magkakaharap na kaming lahat sa sala nina Dianne. Dati naman ay naluluwagana ako sa sala nila pero dahil sa presensya ng mga bisita namin ay biglang parang sumikip.Pakiramdam ko nga ay hindi kakayanin ng maliit na ceiling fan na nandito sa sala iyong init na dala ng tensiyon.Kahit saan talaga ilagay itong Lola Marga ni Michael ay astang reyna talaga ito. Well, gano'n naman talaga ito, reyna ng mga Walliz. "Now, ipaliwanang mo sa'kin kung bakit bigla-bigla kang umalis," seryoso nitong kausap sa'kin."Bakit ako iyong magpapaliwanag?" maang kong tanong. "Ako po iyong niloko ng apo ninyo," dugtong ko.Kailangan ko lang pala isipin iyong kasalanan sa akin ni Michael para magkalakas loob akong sagutin ang lola niya.Kung ako naman iyong naaagrabyado ay hindi ako dapat na manahimik lang lalo na ngayong may pinoprotektahan na ako.Wala sa sariling naipatong ko ang kamay sa impis kong tiyan. Nang mahagip ng tingin ko ang pagtutok doon ni Michael ay taranta ko namang inali
"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako pakikinggan," matigas na pahayag ni Michael.Sa pagkakataong ito ay nakikita ko na iyong RM na pinangingilagan ng lahat. Ibang-iba ang Michael na kaharap ko ngayon sa Michael na nakasama ko. Gano'n pa man ay hindi nagbabago iyong damdamin ko para sa kanya. Partida galit pa ako niyan dahil sa ginawa niyang pagtataksil sa'kin."Walang katotohanan ang inaakala mong panloloko ko sa'yo," mariin niyang dagdag.Mapakla akong napapalatak habang naiiling dahil sa narinig."So, sinasabi mo na hindi totoo iyong nakita ko?" sarkastiko kong tanong. "Gagawin mo pa akong tanga, eh kitang-kita ko kayong dalawa ni Vernice!" nanggagalaiti sa galit kong bulyaw sa kanya."Celle, kalma lang," awat sa'kin ni Dianne. "Hindi makabubuti sa'yo ang ma-stress," makahulugan niyang dugtong.Agad kong naalala ang kasalukuyan kong kondisyon kaya mariin akong pumikit at huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili.Nang muli akong magmulat ng mga mata at diretso kong sinama
Pagkauwi ko kinahapunan ay hindi ako mapakaling inaabangan si Dianne. Bawat napapadaang sasakyan ay agad akong naalarma. Baka kasi bigla ay si Michael na ang dumating.Pagkarinig ko sa tunog ng motor ni Dianne ay sinalubong ko siya.Siguro ay halata sa hitsura ko iying nararamdaman kong pagkabalisa kaya"Ano? Nagpunta kanina sa opisina ni'yo si RM?" malakas na tanong ni Dianne matapos kong magkwento sa kanya pagkauwi kinahapunan."Oo nga," aligaga kong sagot. "Kasama niya si Sir Sky.""Wala naman siyang ginawa o sinabi 'di ba?" pang-uusisa niya."Iyon nga ang mas nakakakaba dahil tiyak na may binabalak iyon!" "Maupo ka nga, ako nang nahihilo sa'yo," saway niya sa palakad-lakad kong ginagawa.Pabuntung-hininga ko siyang tinapunan nang tingin pero hindi talaga ako mapakali kaya hindi ko rin magawang umupo."Paano kung nandito siya dahil nalaman niyang buntis ako?" nag-alala kong tanong. "Tapos kikunin niya iyong anak ko upang makuha iyong mana niya?""Kumalma ka, okay?" mahinahong uto
May disadvantage rin pala kapag halos magkakilala na lahat ng mga tao sa paligid mo dahil pagkapasok ko ulit bukas sa opisina ay sinalubong ako ng mga pagbati mula sa mga katrabaho ko.Ang bilis umabot sa kanila ng balitang buntis ako. Wala akong naramdamang pagkailang o ano pa man dahil sa kawalan ng ama ng dinadala ko. Hindi nila pimaramdam sa'kin na dapat ko iyong ikahiya at ni isa sa kanila ay walang nag-usisa tungkol doon. Lahat ay excited sa pinagbubuntis ko at wala silang pinakitang interes sa kung papaano ako nabuntis at bakit wala silang nakikitang tumatayong tatay para sa anak ko.Ang nakakatuwa pa ay nagpresenta ang lahat na magiging ninang ng anak ko. Dalawang buwan pa nga lang ang tiyan ko ay may nangako nang sasagot sa drinks ng binyagan.Nakakataba ng puso na kahit kabago-bago ko pa lang ay ganito na ang pagtanggap nila sa'kin.Maging si Sir Cloud ay nanlibre ng snacks sa buong opisina bilang selebrasyon ng pagbubuntis ko.Ngayon pa lang ay botong-boto na ako sa kanya
Nang sumunod na mga araw ay nakumpleto na ang mga kinakailangan kong check-up upang mapangalagaan kaming dalawa ng magiging baby ko. Babalik pa naman ako sa OB ko para sa'king prenatal schedule. Kahit tapos nang kumpirmahin ng doktor na tama iyong lumabas na result ng PT ay parang panaginip pa rin ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaroon na ako ng baby!Nakakamangha lang na meron nang nabubuong buhay sa sinapupunan ko. Ganito pala iyong feeling ng magiging nanay, nakaka-excite na nakakanerbyos.Sa samo't saring emosyon na nararamdamab ko ay nanaig iyong saya lalo na ngayong napag-alaman kong maayos naman ang pagbubuntis ko. Wala akong kaalam-alam na dalawang buwan na pala akong buntis dahil wala naman akong naramdamang kakaiba sa katawan ko.Hindi ko nga naranasan ang tinatawag na morning sickness, na karaniwang sintomas ng pagdadalang-tao. Pero sinabi ng doktor na normal lang ito. Mayroong mga buntis na hindi talaga nasusuka, habang may iba naman na malala iyong nar
"Buntis ka ba?"Maang akong napatingin kay Dianne dahil sa diretsahan niyang tanong."Anong klaseng tanong iyan?" natatawa kong balik-tanong sa kanya.Hindi ako natawa sa pinapanood kong comedy film pero sa tanong niya ay napatawa talaga ako... tawang may kasamang nerbyos. Dalawa na sila no'ng dalagitang nagtitinda ng prutas na inakalang buntis ako. Iyong una nga lang ay inakalang naglilihi ako tapos itong kaibigan ko ay diretsahan talaga akong tinanong!"Seryosong tanong 'to," nandidilat niyang tugon.Halos mag-iisang linggo na ako rito sa isla at unang day off ko ngayon kaya naisipan kong mag-netflix and chill pero literal na pinanlalamigan ako sa buntis-buntis naming paksa!Nang sumunod na mga araw pagkatapos akong kausapin ni Sir Sky tungkol kay Michael ay abot-abot ang kaba ko habang hindi mapakali at baka totoo ngang biglang susulpot ang huli. Pero ngayon ay nawala na sa isip ko ang posibilidad na iyon. Ilang araw na kasi ang dumaan at ni anino ng Michael na iyon ay hindi nagp
Wala naman pala akong dapat na ipag-alala sa bago kong trabaho dahil mababait iyong mga makakasama ko.Maging si Sir Cloud ay sobrang bait. Seryoso lang itong tingnan pero kapag kausap mo na ay sobrang down to earth.Kambal man sila ni Sir Sky ay hindi iti nawisikan ng pagiging masungit ng huli. Bawing-bawi naman sa hitsura dahil hindi man magkamukhang- magkamuha ay wala namang tapon sa magkakapatid. Akala ko noon ay si Michael lang iyong perpekto pagdating sa kagwapuhan pero meron din pala sa lugar na ito at iyon ay ang magkakapatid na Granzon. Si Ma'am Star naman na minsan ko na ring nakilala ay ang masasabi kong pinakamadaling lapitan sa triplets. Bungisngis kasi ito at sobrang kwela. Kapag nakikipag-usap sa aming mga empleyado ay parang kabarkada lang. Si Sir Sky lang talaga iyong medyo ilag kami dahil bibihira lang talaga itong ngumiti at iyon ay kapag kinukulit na ito ni Ma'am Star.Hindi ko pa nakikita iyong mga magulang nila at sa usap-usapan ko lang naririnig iyong tungkol