"Bakit?" tanong ni Kerk sa apo at wala na sa kaniya ang atensyon nito. "Lolo, alis na po muna ako. Kayo na po ang bahala kay Tanya." Nagmamadaling paalam niya sa abuelo. Napangiti si Kerk habang sinusundan ng tingin ang apo. Mukhang nasagot na ang tanong niya rito. Nagulat si Roger nang makitang
"Takot sa rejection si Jenny lalo na ang umamin ng sarili niyang damdamin. Kung lumalalim na ang relasyon ninyo ay baka iyan ang isa sa iniiwasan niya ngayon." Namura ni Rafael ang sarili sa isipan lamang nang makuha ang ibig sabihin ng ginang. Ngunit hindi niya masabi dito ang kagaguhang ginawa k
"Manang, bakit po ganiyan kayo kung maningin?" tanong ni Tanya sa ginang. "Alam mo naman sigurong ayaw ni Rafael ang maging laman ng pahayagan?" tanong ni Alice habang nang aarok ang tingin sa dalagang nanatiling nakahiga sa kama. Mabilis na nag iwas ng tingin si Tanya sa ginang. Kanina pa siya ma
Mabilis na tumayo si Alice nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Rafael. Kumabog ang dibdib niya nang makita sa mukha nito ang galit. Pagtingin niya kay Tanya ay bakas din sa mukha nito ang pagkabahala. Nakagat ni Tanya ang loob ng bibig nang masalubong ang galit na mga titig ng binata sa ka
"Huwag kang magpakatanga sa kaniya, Rafael! Niloloko ka lang niya at isang laruan ang tingin niya sa iyo!" Ngumiti siya sa binata at naaawang tingin ang ipinukol dito. "What do you mean?" malamig na tanong ni Rafael. "Pinagpustahan ka lamang ng babaeng iyon, Rafael." Pagsisiwalat niya sa katotohan
Mainit ang ulo na tumayo si Rafael mula sa kinaupuan at naroon sa loob ng opisina. Pang limang araw nang hindi niya makita si Jenny. Kahit anong pangungulit niya kay Mark ay ayaw nitong sabibin kung nasaan ang dalaga. Pero alam niyang alam nito kung nasaan ang makulit na dalagang gumugulo sa puso't
"Maari mo ba akong tulungang hanapin ang cellphone ko?" Naiirita nang tanong ni Jenny sa pinsan. Ganito siya kapag may hinahanap at hindi agad makita. Kaya nga walang pumapasok sa opisina niya upang tumulong magligpit sa takot na lalo lamang magulo ang utak niya. "Natiis mong huwag makibalita sa la
"Where are you? Please sagutin mo ang message at tawag ko" Napasimangot siya nang halos limang ganoon na message ang nabasa niya. Wala manlang landi ang text nito sa kaniya at mukhang galit pa o napilitan lang na hanapin siya. Pero kahit paulit-ulit ang message ay binabasa pa rin naman niya. Excit