"Huwag kang magkamaling idapo sa makinis kong bakat iyang marumi mong kamay!" Pinandilatan pa ni Jenny ng mga mata si Jules. Hindi makapaniwalang napatingin si Jules sa kaniyang kamay na natigil sa ere. Siya? Sinabihan na marumi ang kamay? "Hoy babae, ang kapal ng mukha mo para sabihin iyan sa as
Ngumiti si Jenny kina Laila at Tanya bago nilampasan ang mga ito. Alam niya lalong masama ang tingin ng mga ito sa kaniya ngayon. Gusto niyang inisin ang mga ito kaya siya naroon. "Ang kapal talaga ng mukha, ibang lalaki na naman ang nilandi upang makapasok dito at magyabang sa atin!" Nangigigil na
"The bidding will start with one million." Anunsyo ng host. "What? Ganoon siya kamahal?" hindi makapaniwalang naibulalas ni Laila. "Balita ko ay donation iyan ng mag-asawang bilyonaryo. Hindi na nakapagtaka kung hindi sila nanghinayang na e donate iyan para sa mahihirap." Humahangang ani ng isa s
Galit na sinundan nila Laila ang babae upang sitahin ito. Hindi sila makapapayag na natalo sila dahil sa perang ginamit nito na pag aari ng iba. Pagkalabas ni Jenny ay mabilis siyang bumalik sa venue kung saan may isa pang event para naman sa pagrampa ng mga modelo. Agad siyang nakita ni Rafael at
"Rafael, alam mo ba kung ano ang ginawa ng babaeng iyan?" Dahan-dahang inilayo ni Rafael ang labi sa bibig ng dalaga pero nanatili ang kamay sa baywang nito bago nilingon ang pinsan. Napalabi si Jenny dahil nabitin sa halikan nila ni Rafael. Pagtingin niya sa bagong dating ay si Tanya agad ang n
Hindi lang gold digger, ang landi pa!" pasaring ni Laila kay Jenny. "Magdahan-dahan ka sa iyong pananalita, Laila. Hindi porke asawa ka ng pinsan ko ay hahayaan lang kitang alipustahin ang pagkatao ng nobya ko. Hindi mo siya kilala para husgahan nang ganiyan!" angil ni Rafael sa babae. Takot na ku
"Ano ang ibig mong sabihin?" galit na tanong ni Kerk kau Jules pero ang matalim na tingin ay nanatili kina Rafael. Dahan-dahang nagtago di Jenny sa likuran ni Rafael at natakot siya sa matanda. Parang gusto kasi siya nitong bastunin. "Lolo, sumali sa bidding kanina ang babaeng iyan gamit ang pera
"Ipakilala ko pa lang po siya sa inyo ngayong gabi, lolo." Pormal na sagot ni Rafael sa abuelo. "Malaking gulo itong pinasok mo, Rafael. Bakit nagsama ka pa ng basura kung karelasyon mo pala ang anak ng isang kilalang pamilya?" tonong concern pero nang iinsulto ang tingin ni Jules kay Rafael. Nang