"Ho-hoy, ano ang gagawin mo?" kunwaring sita ni Jenny sa binata upang pagtakpan ang pagkapahiya dahil nahuli pa rin naman siyang nasilip sa siwang ng pagitan ng mga daliri. "Hindi ako makatulog nang maayos na may suot na t-shirt, puwede mo ba akong tulungang maalis ito?" "Pangtaas lang ha?" nanini
Pagkalabas ni Jenny sa banyo ay halos manginig pa siya sa lamig. Para naman kasing may yello ang tubig. Ginutom na rin siya kaya hindi na pinansin ang paligid at mabilis na dinampot ang kapeng nangangalahati na ang laman. "Don't!" Naudlot ang paglapat ng bibig ng tasa sa labi niya dahil sa sita ng
"Pare, ano ang nangyari sa iyo?" pangangamusta ni Luis habang sinusuri ang katawan ng kaibigan. "Doon tayo!" Sa halip na sagutin ang kaibigan ay tinuro niya ang isang nakatayong tent na madalas niyang tambayan kapag naroon siya sa site. Mabilis na inalalayan ni Luis ang kaibigan at mukhang nakirot
"Matulog ka nang muli at may trabaho akong tinatapos." Mabilis na humiga si Jenny sa kama ng binata at tumagilid paharap dito. "Ano ang ginagawa mo?" "Work," maiksing sagot ni Rafael habang nakatutok ang tingin sa laptop. "I hate work," aniya bago tumihaya ng higa. Nilingon ni Rafael ang dalaga,
Sinundot ni Jenny ang pisngi ng binata nang hindi na ito gumalaw. Kasuwerte naman nito at nakayakap sa kaniya. Pero hindi niya napigilan ang sariling ilong na ilapit sa bibig ng binata na na bahagyang nakaawang. Ang sarap samyuhin ng mabining paghinga nito. Muli niyang sinundot ang binata at sa pagk
"Ano pala ang nangyari sa braso mo?" pigil ni Luke sa pag alis ng pinsan. "May kailangan ka pa ba?" Sa halip na sagutin ay mukhang naiinip na pinagmasdan ni Rafael sa pinsan. "Rafael, maingat ka sa sarili mo kaya nakapagtaka na nagkaroon ka ng injury? Hindi ba dapat ay mas naaalagaan ka ngayon dah
Fate 4 c 13 pagbabalik Galit ding bumaba ng sasakyan si Jinky at matapang na hinarap si Gabriel. "How dare you! Bakit kailangan mong pumunta sa bahay ng babaeng iyon?" "Jinky, napag usapan na natin ito. Tapos na tayo kaya sana ay huwag mo na akong sinusundan pa." "No, Gabriel! Alam kong gusto mo
"Puwede mong dalhin ang kotse ko pabalik upang hindi kayo mahirapan ni Rafael sa beyahe." Alok ni Jenny kay Roger. May lumang sasakyan pa naman kasi siyang maaring gamitin. Ngumiti si Roger sa dalaga. "Ang bait niyo naman po at pati mamahaling gamit ay walang pag alinlangang ipahiram sa akin. Pero