"Ma'am, ano na po ang gagawin namin ngayong hindi namin sila maaring sundan?" tanong ng lalaki sa tawag kay Denise."Standby lang muna kayo diyan at ako ang bahala upang masundan niyo sila." Mahinahon na kausap ni Denise sa tauhan.Pagkababa ng tawag, nakangiting nag-dial muli ng numero si Denise. T
"Kumusta ang pag iimbistiga niyo? Nahanap niyo na ba kung saang barangay pumunta ang asawa ko?" Naiinip na tanong ni Mauro kay Jules. Kahapon pa sila dumating sa isang bayan ng Samar at naka check in siya sa hotel. Nalaman nila na sa bayan na iyon pumunta ang sinakyan ng asawa mula sa daungan ng ba
Nagising si Diana dahil sa ingay sa labas. Pagtingin niya sa bintana ay palubog na ang araw. Napahaba na naman ang tulog niya dahil sa pagbubuntis. Naging antukin na siya mula nang magbuntis siya. Pero hindi maaring ganito lang sita, dapat may source of income sila ni Meashell habang hindi pa siya n
"Sir, are you ready?" tanong ni Jules kay Mauro pagkalapit nila sa harap ng bahay nila Diana.Napatingin si Mauro sa mga naroon na pumaikot na rin at inaabangan ang kaniyang gagawin. Hindi siya sanay sa ganito pero kailangan niyang gawin para sa asawa. "Are you sure na mag-work itong naisip mo?"Ala
Pinaalis ni Meashell ang mga usyusirong kapitbahay, katulong si Ronald. Sumunod ang mga ito sa takot sa binata dahil anak ng kapitan. Nang wala na ang mga chismoso at chismosa ay napatingin siya kay Mauro. Ang sama na nang tingin nito kay Ronald kaya agad siyang pumagitna sa mga ito."Ako ang asawa
"Paalisin mo siya, ate!" Napahikbi si Diana dahil sa labis na inis na nadarama."Sir, tama na. Huwag mo munang ipilit ang sarili mo sa kaniya at baka duguin iyan dahil sa labis na galit," pabulong na payo ni Jules sa binata.Naikuyom ni Mauro ang kamao at mas nasaktan siya nabg makitang umiiyak na a
"Diana, hindi ka ba naaawa sa asawa mo?" tanong ni Meashell habang palihim na sinisilip ang tatlo na nakatayo sa labas ng kotse. Kumakain ang mga ito roon na nakatayo."Puwede naman kasi silang kumain sa loob ng kotse. Isa pa ay mawalan ako ng ganang kumain kapag kaharap ko siya." Nakalabi na turan
Habang lulan sa sasakyan, nanginginig ang mga kamay na tinawagan ni Diana ang pinsan. Mabuti na lang at nabitbit ni Meashell ang cellphone niya kanina. Wala siyang ibang malapitan ngayon at mapagkatiwalaan kundi si Stella.Nagising si Charles dahil sa ingay ng cellphone ng asawa. Wala sana siyang ba
Inirapan ni Freya ang binata upang itago ang tunay na nadarama. "Hindi ka ba papasok sa opisina?" Sandaling natigilan si Ken at wala sa sariling napatingin sa paligid ng silid. Nagtatakang sinundan ng tingin ni Freya kung saan nakatanaw ang binata. "Kaninonh silid ang kinaroroonan natin?" Mukhang
"Shit, bro, mukhang kidnaper ka sa ginagawa mong ito!" naibulalas ni Dave nang makita ang suot ni Freya habang buhat ni Ken papasok sa kompanya. Tulog pa rin ang dalaga at wala itong kamay malay na nakarating sa kompanya at ang suot ay ternong pajama. "Tsk, alam mong hindi ko siya maiwan sa bahay
"Pagod lang siguro ako." Mabilis na iwinaksi si Dony ang laman ng isipan na alam niyang imposible. "Babalik na lang ako bukas at kailangan ko munang umuwi sa pamilya ko." Nainis si Luisa sa abogado at parang wala namang nangyari sa pag uusap nito at ni Ken. Hindi manlang ito pinigilan ng asawa niy
"Hayop kang matanda ka!" Galit na galit na tumayo si Luisa at ibinato kay Lolita ang isang sandal na suot. Ngunit mabilis itong nakailag at lalo siyang pinagtatawanan. "Nagsalita ang hindi na gurang." Nang aasar na ani Lolita. "Kapag sinaktan mo ako ay huwag kang magsumbong at gagantihan kita na gu
Nagmamadaling dumiritso si Dony sa silid ni Freya pagkarating sa bahay ng mga ito. Nakasunod sa kaniya si John at nag aalala rin nang mabalitaang sinumpong na naman ng sakit ang dalaga. "Ano ang nangyayari, bakit parang napadalas na ang sakit ng ulo niya?" tanong ni Dony habang kumakatok sa pinto.
"Please, don't leave me!" Nanghihinang bulong ni Freya at parang pagod ang pakiramdam. "I'm scared!" "Hindi kita iiwan. Nandito lang ako hanggang sa paggising mo." Masuyo niyang bulong sa dalaga at parang batang ipinaghihili ito upang makatulog. Kumatok si Dave sa pinto nang hindi na marinig ang i
Lumakas ang iyak niya matapos maalala ang bilin ng ina noon. Parang kailan lang nangyari ang lahat dahil sa mga naalala. Sumakit ang ulo niya pero tiniis niya iyon at hinayaang dumaloy pa ang ibang alaala sa kaniyang gunita. Nagawa niyang itago sa ilalim ng kama ang box nang maulinigang may paparat
"January one, kasabay ng pagputok ng fireworks ay masayang sinalubong namin ng asawa ko ang bagong taon. Mahal namin ang isa't isa at ngayon ay nagbunga na ang pagmamahalan namin." Napangiti si Freya sa pagbasa sa unang lahad ng ina sa diary nito. Nasa tabi niya lang si Ken at tahimik na pinapakin
May isang oras din ang ginugol sa beyahe dahil traffic. Pagkababa sa sasakyan ay siniguro muna ni Ken na walang makakita sa kanila na katulong bago pumunta sa likod ng malaling bahay. Madali nilang nahanap ang loction na nasa alaala niya at nag iwan din patandaan si Aleng Lolita. "Akin na," ani K