Nilapitan ni Jenny si Rafael at alam niyang ito ang higit na apiktado sa kahihiyan ng pamilya nito. "Mapapatawad ko lang kayo kung pakakasalan ako ni Rafael."Lihim na napangiti si Stella sa ginawa ng anak niya. Literal na pamimikot na talaga ang ginagawa nito ngayon. Pumalatak si Charles sa isipan. Alam niyang itinataas lang ng anak niya ang dignidad ngayon ni Rafael at kamuntik nang masira dahil sa pamilya nito.Halos hindi na kumurap si Kerk habang nakatitig sa dalaga. Talaga palang palaban ito at ugaling palasagot basta nasa tama ito. Hindi niya initindi iyon kaninq dahil galit siya. Naalala niya na hindi mahilig sa social gathering ang anak ng mag asawa. Lalo na ang magpakilala sa publiko. Madalas kapag nakasama sa larawan ng mga magulang na inilalathala ay naka sunglass pa.Parang gustong bawiin ni Tanya ang sinabi kanina na ipaubaya na lang si Rafael sa anak ng mag asawa. Hindi niya ay nasasaktan siya. Lalo na ngayong iisa lang pala ang mga ito. Nadadagan ang insecurities niya
"Pera pa rin ang nasa isip mo hanggang ngayon na gago ka?" Hinampas niya ng baston sa katawan ang apo. Hindi magawang ilagan ni Jules ang palo ng abuelo dahil hawak siya sa magkabilang braso ng tauhan nito. Alam niyang mag iiwan ng latay sa braso, binti at likod ang baston na gamit pamalo sa kaniya . Lalong lumakas ang iyak ni Laila sa nakikitang pananakit ng matanda kay Jules. Hindi niya mahal ang asawa pero naawa siya dito. Nang siya naman ang balingan ng matanda ay niyakap siya ni Jules upang ito ang tumanggap sa palo ng abuelo nito. Hinahapong tumigil si Kerk sa ginagawang pananakit sa apo. "Mula ngayon ay hindi ka maaring tumuntong sa kompanamya hangga't hindi ka tumitino sa buhay! Ipapadala kita sa probinsya at doon ka sa hacienda magbabanat ng buto!"Pabagsak na naupo si Jules sa malamig na sahig, kasama ang asawa niyang yakap pa rin niya. Hindi nito kaya ang bigat niya kaya kasama niyang napaupo. Tiyak na iiwan na siya ng asawa kapag wala na siyang maraming pera. Malabong s
Pagkabati ni Gabriel sa mga magulang ni Jenny ay hinarap niya ang dalaga at hindi pinansin ang lalaking humahapit sa baywang nito. "How are you?"Pilit na ngumiti si Jenny sa binata. Wala na siyang sama ng loob dito. Dapat pa nga siya magpasalamat dito dahil sa binata ay naisip niyang maghanap ng lalaking babayaran. Suwerte niya lang at isang tulad ni Rafael ang natagpuan niya."Gabriel..." malambing na tawag ni Jinky sa binata habang papalapit dito.Napabuntong hininga si Gabriel bago nilingon si Jinky. Hindi naman nawala sa isip niya ito ang kapareha niya ngayon, una niya lang kasing bakita sina Jenny.Agad na ikinawit ni Jinky ang kamay sa braso ni Gabriel at ngumiti kay Jinky."Anak, mauna na kami sa upuan namin." Paalam ni Stella kay Jenny at ilang minuto na lang ay magsisimula na fashion show."Ma'am, kilala niyo na po ba ang pagkatao ng lalaking napulot ng anak niyo sa kung saan?" tanong ni Jinky upang pigilan ang pag alis ng ginang."May problema ka ba sa boyfriend ng anak ko?
Pagkababa ni Jinky sa stage ay agad siyang nilapitan ni Kera. "Paanong siya ang CEO?""Hindi ko rin alam." Nakagat ni Kera ang kuko sa hintuturo.Nanghihinang napaupo si Jinky sa upuan nang maalala ang sinabi ng lalaki kanina. Hindi manlang niya initindi ang sinabi nito kanina na dito matatapos ang career niyan. Kung hindi lang sana kayabangan ang pinairal niya kanina ay naisalba pa sana ang sariling career. Huli na para humingi ng sorry sa binata."Ano na ang gagawin natin?" nababahalang tanong ni Kera sa kaibigan.Napabuntong hininga si Jinky at nanlulumo sa kinaupuan. Malabo nang makakuha siya nang malaking project ngayon. Nang magsalubong ang tingin nila ni Jenny ay inis na inirapan niya ito. Alam niyang pinagtatawanan na siya nito ngayon. Kasalanan nito kung bakit puro kamalasan ang dinadanas niya ngayon."Umalis na si Gabriel," bulong ni Kera habang sinusundan ng tingin ang binatang naglalakad palabas ng venue. Naikuyom ni Jinky ang kamao, gusto man niyang sundan si Gabriel ay
Nakangiting nilapitan ni Jinky si Tanya at binati ito. "Congratulations!"Ngumiti si Tanya sa babaeng lumapit sa kaniya. Nakilala niya bilang model rin. "Thank you!"Nakipag toast si Jinky sa babae bago tumingin kay Rafael na nasa tabi ni Jenny. "Kilala mo ba ang babaeng kausap ng dati mong kasintahan?"Nangunot ang noo ni Tanya at nang aarok ang tingin kay Jinky. "May alam ka ba sa kaniya?"Ngumiti si Jinky sa babae, "of course, paanong hindi ko makilala ang babaeng dating talunan at gustong agawin sa akin ang boyfriend ko?"Biglang nagkaroon ng interest si Jinky sa kausap pero ayaw niyang may makapansin sa kanila na nag-uusap. "Here's my calling card. Usap tayo sa ibang araw at huwag sa ganitong lugar."Mabilis niyang kinuha ang maliit na card at agad na umalis sa tabi ni Tanya. Nang wala na ang kausap ay lumapit si Tanya kay Rafael."Desisyon ni Lolo ang pagpili sa kaniya." Paliwang ni Rafael kay Jenny kahit hindi naman siya tinatanong."Ayos lang sa akin, isa pa ay business is b
"Rafael, may tiwala kami sa iyo kaya hinahayaan namin ang anak ko na kasama ka sa pagtulog. Pagpasensyahan mo na rin ang kakulitan niya. Pero kung sa tingin mo ay pabigat siya sa iyo or—""No, sir, and thank you sa tiwala." Putol niya sa pagsasalita ng ginoo. "Sanay na rin po ako sa presensya niya. Isa pa ay hindi responsibility ang turing ko sa kaniya."Ngumiti si Charles at tinapik sa balikat ang binata. "Beware, selosa ang anak ko."Tumango si Rafael sa ginoo. Nasa kotse na niya si Jenny at talagang inunahan na siya roon upang hindi niya mapaghindian sa kakulitan nito.Hindi na nabura ang ngiti sa labi ni Jenny habang nasa beyahe sila. Excited siyang makita ang pad ni Rafael. Masaya siya dahil tiyak na siya din ang unang babaeng makapasok sa pad nito."May gusto ka bang bilhin sa convenient store bago tayo tumuloy sa pad ko?" tanong ni Rafael habang ang tingin ay nasa unahan at patuloy sa pagmamaneho."Busog na ako. Gusto ko na lang na matulog pagdating natin doon at ang sakit ng
Nagising si Rafael na may humahalik sa labi niya. Umiwas siya bago nagsalita, "Jenny, stop doing that."Hindi niya pinakinggan ang binata. Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi at pinisil ang bibig nito bago hinalikan. Napangiti siya nang magmulat ito ng mga mata. Lalo itong gumawapo sa messy hair nito. "Ayaw kong sirain ang tiwala ang parents mo." Tonong nanenermon na ani Rafael."Hindi ko naman sasabihin." Pilyang ngumiti siya at dahan-dahang hinaplos ang labi ng binata gamit ang hintuturo."Tsk, alam mo ba kung ano ang mawawala sa iyo kapag itinuloy mo iyang pamimikot mo?""Pakasalan mo naman ako, 'di ba?" Nakalabi niyang tanong."Maaga pa para masabi ang bagay na iyan."Napasimangot si Jenny at pinanggigilan ang pisngi ng binata. "Pero kapag ang babaeng iyon ang aakit sa iyo ay ok lang?"Napabuntong hininga si Rafael at talagang wala pang alam sa buhay ang dalaga."Hindi ba ako maganda at kaakit-akit?" Mukhang paiyak nang tanong si Jenny at hindi sinagot ng binata ang una ni
"May problema po ba, sir?" tanong ni Roger nang mapansin ang pangungunot ng noo ng amo."Kapag nagtanong ba ang babae kung maganda siya ay dapat bang sagutin ng oo?"Sinulyapan ni Roger ang amo bago muling itinoon ang tingin sa daanan. "Depende po sa hitsura ng babae. Nagagandahan ka po ba sa kaniya?" "Ano ang tingin mo kay Jenny?" balik tanong ni Rafael sa lalaki.Napakamot si Roger sa ulo kahit hindi naman makati iyon. "Maganda po, pero magkaiba naman tayo ng taste o basihan upang masabing maganda ang babae."Muling tumahimik si Rafael at nag isip."Ano po ba ang sagot mo sa kaniya, sir?" curious na tanong ni Rafael. Sa hitsura ng amo ay mukhang nagtampo dito ang pasaway na dalaga."Hindi ko sinabing maganda pero hindi rin pangit.""Ang babae po kasi sir ay sensitive sa ganiyang bagay lalo na kung nakikita ang dati mong kasintahan." "Sa tingin mo ay nagtampo siya sa akin?""Hindi lang po tampo, nagselos pa." Mukhang sigurado na tugon niya sa amo. Nang matahimik ang amo ay mabilis