Tanghali na nagising si Nathalie napasarap ang tulog niya. Bumagon na siya para maligo. Balak niyang sa mall na lang kumain ng tanghalian.
Sumakay sa jeep si Nathalie papunta sa sa isang mall. Kumain muna ito sa isang sikat na fastfood chain. Nais rin kasi ni Nathalie na magtipid para may pera siya habang hindi pa siya nakakapagsahod.Sarap na sarap si Nathalie sa mga pagkain na inorder niya. Naalala niya isang beses lang siyang nakakain sa ganitong kainan. Ang lahat kasi ng mga galaw niya ay laging may nakabantay. Ngayon niya naiisip kung paano ba siya nakasurvive sa ganoong sitwasyon.No'ng matapos na si Nathalie kumain ay pumunta na siya sa isang sikat na store. Oo mahal ang presyo ng mga damit pero magandang klase naman at pangmatagalan. Namili siya ng mga damit na puwede niyang isuot sa pagpasok sa opisina. Namili na rin siya ng puwedeng pambahay at pang-alis niya.Abala sa pamimili si Nathalie ay hindi niya napansin na may lalaking papunta sa direksiyon niya."Aray!" Napahawak si Nathalie sa kanyang noo. Dahil nabangga siya sa dibdib nang lalaki. Ang tigas kasi nito."Sorry po Sir," hingi ng paumanhin ni Nathalie sa lalaki."Tsk!" asik nang lalaki sa kanya.Dahil sa narinig niya ay hindi maiwasan ni Nathalie na tumingin sa lalaki. Naiinis kasi siya sa naging sagot nito.Pero nanlaki ang mga mata ni Nathalie dahil sa kanyang nakita. Nasa harapan lang naman niya ang lalaking ubod ng gwapo. Ang buong akala ni Nathalie ay si Luke na ang pinakagwapo sa lahat pero ito nasobrahan yata sa kagwapuhan."Are you okay Miss?" Tanong nito sa kanya."Shet! Ang ganda ng boses," saad ni Nathalie sa kanyang sarili."Miss, Miss you're blocking my way. Puwede ba tumabi ka!" Supladong sabi no'ng lalaki."Kuya, ano po name mo?" Wala sa sariling tanong ni Nathalie.Napakuno't noo naman ang lalaki sa naging tanong ni Nathalie."Bakit mo tinatanong?""Ang gwapo niyo po kasi. Puwede ko po ba malaman ang pangalan niyo?" Tanong ulit ni Nathalie sa lalaki, biglang nawala ang pagiging mahiyain nito. Pero nasobrahan naman yata siya dahil hindi na ito tinatablan ng hiya."Hindi ako mahilig sa bata kaya wala kang maaasahan sa akin," sabi nang lalaki kay Nathalie."Hindi na po ako bata kuya. Twenty three na po ako. Ang damot mo naman pangalan lang naman hinihingi ko sa 'yo." Nakangusong sabi ni Nathalie sa lalaki.Hindi naman maiwasan nang lalaki na mapalunok habang nakatingin sa magandang mukha nang babae. Bumagay kasi kay Nathalie ang kanyang nerdy looks. Sa totoo lang ay ngayon lang nakatagpo ang lalaki ng nerd na maganda."Rafa!"May tumawag sa lalaki at kilalang-kilala ni Nathalie ang boses na 'yon. Si Cheska iyon ang pinsan niya. Nataranta si Nathalie kaya agad siyang pumasok sa dressing room.Naiwan namang nagtataka si Rafa sa kinilos ng babae. Pero binalewala niya na lang ito. Sinalubong niya si Cheska. Ang kanyang kaibigan. Isa sa nakasama niya noong nakaraan sa isang pool party."Dito ka rin pala Rafa? Sabi ko na nga ba , tama ako dahil ikaw talaga ang nakita ko. Tara coffee muna tayo," yaya ni Cheska sa binata."Okay, pero mauna kana may kailangan lang akong gawin," sabi ni Rafa kay Cheska."Okay, hintayin kita sa labas." Nakangiting sabi ni Cheska bago lumabas sa store.Mabilis namang lumapit si Rafa sa dressing room. Kinatok niya ito, ilang sandali pa ay binuksan ni Nathalie ang pinto."K-Kuya, bakit po?" Nauutal na tanong ni Nathalie. Natatakot kasi siya na baka nasa paligid pa si Cheska. Panay rin ang dungaw niya para silipin ito."Wala na si Cheska. Hindi ko alam kung ano ang meron sa inyo pero nakalabas na siya. By the way, I'm Rafa, Rafael Blake." Pakilala nito kay Nathalie."Nathalie po," nakilala naman nang dalaga sa lalaki.Lihim namang napangiti si Nathalie dahil sa wakas ay nakilala niya ang pangalan nang gwapong nilalang na ito na nasa kanyang harapan."I gotta go now," paalam ni Rafa kay Nathalie."Bye po, ingat po kayo.""Ikaw rin, ingat ka rin dahil tatanga-tanga kapa naman." Pahabol na sabi ni Rafa sa dalaga bago ito lumabas. Unti-unti namang nawala ang magandang ngiti ni Nathalie sa kanyang narinig kay Rafa.Gwapo sana pero hindi maganda ang tabas ng dila nito."Tsk! Sa 'yo na lang ang pangalan mo. Hindi naman maganda eh. Hindi bagay sa 'yo!" Naiinis na sabi ni Nathalie kahit na wala na sa kanyang harapan si Rafa. Tinapos na ni Nathalie ang pamimili para makauwi na. Ayaw na rin kasi ni Nathalie na magtagal pa sa mall dahil baka makita siya ni Cheska at isumbong pa siya sa kanyang daddy.Pagkauwi ni Nathalie sa kanyang tinutulayan ay inayos niya ang kanyang mga gamit. Nagtake-out na lang rin ito para sa kanyang hapunan. Kinagabihan ay nakaharap si Nathalie sa salamin na kanyang binili kanina.Tinanggal niya ang kanyang salamin. Napahawak siya sa kanyang buhok. Pinagmasdan ni Nathalie ang kanyang sarili hindi puwedeng manatili siya sa ganitong itsura. Mabilis niyang kinuha ang gunting at sinimulang gupitin ang mahaba niyang buhok.Habang ginugupit ni Nathalie ang buhok niya ay hindi niya maiwasang hindi umiyak. Ngayon nagsink-in sa isipan niya ang lahat. Ang lahat ng ginawa ng kanyang mommy para sa kanya.Naalala ni Nathalie na tuwing gabi ay ang kanyang mommy ang nagsusuklay sa kanyang buhok. Kahit na malaki na siya ay palagi nito itong ginagawa."Mommy, sorry po. Pangako babalikan ko kayo. Mag-iipon lang po ako ng tapang at lakas ng loob para umuwi. Hintayin niyo po ako mommy," umiiyak na sabi ni Nathalie. Natapos na niyang gupitan ang kanyang buhok.Maikli lang ang natira at talaga namang bumagay sa kanya. Pumili siya ng contact lens na babagay sa kanya. Nang makapili na ito ay kaagad niya itong inilagay sa kanyang mga mata."Simula ngayon ay hindi na ikaw si Nathalie na walang kwenta , na walang silbi. Ikaw na si Nathalie, ang Nathalie na susubukang lumaban. Kaya natin 'to." Nakangiting kausap ni Nathalie sa harap nang salamin. Masaya si Nathalie sa kanyang pagbabago."Bukas na ang simula nang bago mong buhay. Ang bagong Nathalie.""Pasalamat ka buhay ka pa. Ano kayang magiging reaksiyon ng anak mo kapag nakita ka niya na nasa ganyang kalagayan? Pero mas okay ito kasi mas lalo kang nahihirapan hahaha!" Kausap ni Cheska sa mommy ni Nathalie na ngayon ay comatose. Nagbubunyi ito sa nangyari kay Lora na siya ring may gawa. Walang may alam na si Cheska ang nagtulak sa Ginang.Lumabas na si Cheska na may malawak na ngiti sa kanyang labi. Iniisip nito na mas okay na hindi pa ito namatay kaagad. Masaya siya dahil malaya na niyang magagawa ang mga gusto niya. Sa ngayon ay kailangan niyang makuha ang loob ni Rafa.Sa buong buhay ni Cheska ay ngayon lang siya nahibang sa iisang lalaki. Kahit si Jerome ay walang panama kay Rafa. Lahat na yata ng hinahanap ni Cheska sa isang lalaki ay nakita niya kay Rafa. Lalo na nalaman niya na mayaman ito ay tumindi ang kagustuhan niyang mapasa kanya ang lalaki.Nagbihis ng sexy dress si Cheska. Nais niya itong akitin. Alam niyang babaero kaya alam ni Cheska na hindi ito tatanggi kapag si
"Bayaran mo ako." "Ha? Wala naman akong utang sa 'yo." Naiiritang sabi ni Nathalie kay Rafa dahil bigla na lang siyang hinila nito at biglang maniningil."Ako ang nagbayad sa damit ni Cheska kaya magbayad kana. Kung ayaw mong sabihin ko sa kanya na ikaw ang ang pinsan niya." "Paano mo nalaman na pinsan ko siya?" Nagtatakang tanong ni Nathalie sa lalaki."Kahit na magmake-up ka pa makikilala pa rin kita Miss Nerd," nakangising saad ni Rafa sa dalaga.Nagulat si Nathalie dahil hindi nito inaasahan na makikilala siya ni Rafa. Bigla siyang nainis sa lalaki. Parang nais kutusan ni Nathalie ang binata ngunit pinigilan lang nito ang kanyang sarili."Bakit mo ba ako sinisingil? Sino ba kasi nagsabi sa 'yo na bayaran mo 'yun. At FYI ako ang tunay na may-ari nang damit na 'yon." May inis sa boses ni Nathalie."Really? But I don't care, bayaran mo pa rin ako." Sabi ni Nathalie sa binata."Ayoko, bahala ka!" Nagmamatigas na sabi ni Nathalie dito."Okay, tatawagan ko siya na nandito ka." Pananako
Warning matured content!!"You?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nathalie nang makita niya ang mukha nang lalaki.Napaatras pa ito dahil hindi niya inaasahan na si Rafa pala ang hinalikan niya. Pero bigla rin siyang napangiti sa ginawa niya. Hindi niya aakalain na dahil sa laro nila ay mahahalikan niya ang crush niya."S-Sowey, hahaha! Naglalaro lang kami, tapos tinuro ng kaibigan ko dito sa puwesto na 'to, kaya sinunod ko lang siya." Lasing na sabi ni Nathalie sa binata."Nasaan ang mga kaibigan mo?" Tanong ni Rafa."There....." Lasing na turo ni Nathalie sa puwesto nila.Pero hindi alam ni Nathalie na iniwan na siya ng mga kaibigan niya. Hinayaan na ni Trina si Nathalie kay Rafa. Ang totoo ay alam talaga ni Trina na si Rafa 'yung lalaki na nakatalikod kaya naman 'yon ang utos niya sa kaibigan niya."Wala namang tao doon," biglang sabi ni Rafa sa dalaga.Wala kasing tao doon sa mesa na itinuro sa kanya. Nagulat si Rafa dahil hindi niya inaasahan na may bigla na lang hahalik sa kanya. S
At muling pinagsaluhan ni Rafa at Nathalie ang isang mainit na tagpo. Kasalukuyang nakaunan si Nathalie sa braso ng binata. Nilalaro niya ang dibdib nito gamit ang kanyang daliri. Pasimple namang inaamoy no Rafa ang buhok ng dalaga."Rafa," tawag ni Nathalie sa binata."Hmmm." Tanging sagot naman nito kay Nathalie."Ayoko sa agreement mo." Biglang pahayag ni Nathalie sa binata na ikinagulat naman ni Rafa."Why?""Kasi ayoko, okay na ako sa tikim lang." Mahinang sabi ni Nathalie pero narinig pa rin ito ng binata."Tikim lang?" Hindi makapaniwalang tanong nang binata kay Nathalie."Oo, tikim lang. Ayaw ko na gawin na natin ito palagi. Baka masaktan lang ako sa huli," matapang na pahayag ni Nathalie sa binata. Nais niyang maging totoo dahil alam ni Nathalie na hindi marunong magseryoso si Rafa.Hindi sumagot si Rafa. Bumangon ito at pumasok sa banyo. Naiwan namang naguguluhan si Nathalie. Hindi niya alam pero hindi niya gusto ang idea na maging fvck buddies sila. Alam niya kasi na masasak
Kahit na buong gabing umiyak si Nathalie ay pinili pa rin niyang pumasok sa trabaho. Ngayon rin ang dating ng bagong secretary ni Luke. Laking pasasalamat niya dahil hindi namaga ang mga mata niya sa kakaiyak. Nang makuntento si Nathalie sa kanyang looks ay pinagpasyahan niya na umalis na para pumasok na sa trabaho.Halos kasabay lang ni Nathalie dumating ang bagong secretary ni Luke. Sobrang ganda nito at mabait rin. Hindi nila inakala na may mga anak na pala ito. Naging palagay kaagad ang loob ni Nathalie kay Caye."Hi sissy," bati ni Nathalie sa bago niyang kaibigan."Hi sissy, magtitimpla lang ako nang kape ni Sir at ng pinsan niya." Sagot naman ni Caye sa kanya."Ang gwapo ng pinsan niya noh? Alam mo ba crush ko 'yun," pabirong sabi ni Nathalie."Oo nga sissy, bagay kayo. Kaya lang si Sir may pagkabugnutin talaga." "Naku masasanay ka rin. Ganyan talaga 'yan si Sir, mahilig manigaw hahaha!" Natatawang sabi ni Nathalie kay Caye."Kaya nga, sige mauna na ako sa 'yo. Baka hinahanap n
"Don't make any noise," bulong ni Rafa sa tainga ni Nathalie.Nang malaman ni Nathalie na si Rafa ang humila sa kanya ay nanatili itong tahimik. Tinapik niya ang kamay nang binata dahil hindi na siya makahinga. Kaagad namang tinanggal ni Rafa ang kanyang kamay sa bibig ni Nathalie."Bakit ka nandito?" Pabulong na tanong ni Nathalie sa binata."Cheska called me. What have you done?" Pabulong na tanong ni Rafa sa dalaga."Binangga niya ako tapos hinila niya buhok ko. Sa sobrang inis ko sinuntok ko mukha niya." Naiinis na kwento nito sa binata.Lihim namang napangiti si Rafa sa kanyang narinig. Ang buong akala niya ay mahinhin lang si Nathalie pero may taglay rin pala itong tapang. Hindi rin inaasahan ni Rafa na marunong pala itong manuntok."Sige na, puntahan mo na siya." Utos ni Nathalie sa binata."Ihahatid muna kita," sagot naman ni Rafa."Naku, 'wag na puntahan mo na lang ang pinsan ko. Mukhang patay na patay sa 'yo eh." Saad pa ni Nathalie."Ihahatid kita," nakakunot ang noo na sabi
"Mom, kailan po ba kayo gigising? Gising kana po, please. Mom, alam mo ba may mga kaibigan na ako. Ipapakilala ko po sila sa inyo kapag nagising kana po. Ang saya ko sa trabaho ko mom, at si Rafa ipapakilala ko po siya sa inyo. Siya po ang tumutulong sa akin. Suplado po siya minsan pero masasabi ko na mabait po siya. Ang gwapo niya, kung magkakaroon man po ako ng boyfriend siya po ang gusto ko." Kausap ni Nathalie sa kanyang mommy. Dumalaw ulit siya sa hospital. She wants to check her mom's condition. Ang sabi kasi ni Brandon ay wala pa rin improvement sa condition ng kanyang mommy. Pero hindi nawawalan ng pag-asa si Nathalie. Alam niya na babalik ang kanyang mommy, na gigising rin ito."Mom, aalis po ako ulit. Sana pagbalik ko ay gising kana." Umiiyak na sabi ni Nathalie sa kanyang mommy.Lumabas na siya sa ICU pero bago makaalis si Nathalie ay may lalaking biglang bumangga sa kanya."I'm sorry," hingi nito ng paumanhin."Okay lang po," saad naman ni Nathalie."Ahm, Miss... Dito ba s
Hindi inaasahan ni Nathalie na darating ang daddy niya."Hindi ko na pala kailangan na hanapin ka dahil kusa kana pa lang pupunta dito," natatawang sabi ni Arthur sa kanyang anak."D-Daddy," natatakot na sambit ni Nathalie sa kanyang daddy."Ang laki ng pinagbago mo anak. Siguro ay handa kana ngayong magpakasal. Sigurado ako na lalong mahihibang sa 'yo si Jerome." Nakangising saad ni Arthur sa dalaga habang pinagmamasdan ang kanyang anak."Bugart, tawagan mo kaagad si Jerome at Cheska." utos nito sa kanyang tauhan.Kahit si Arthur ay hindi makapaniwala sa laki ng pinagbago ng kanyang anak. Ang pakiramdam ni Arthur ay bigla siyang nanalo sa lotto dahil sa wakas nahanap na niya ang anak niya. At matutuloy na ang tulong na kailangan niya. Sigurado na ang pagkapanalo niya sa eleksiyon."Daddy, ayoko ko pong magpakasal sa kanya." Umiiyak na sabi ni Nathalie."Sa ayaw at gusto mo, magpapakasal ka sa kanya. Sundin mo ako dahil malilintikan kana talaga sa aki—"Hindi natapos ni Arthur ang sasa
NATHALIE’S POV Nagising ako ako dahil sa ingay na naririnig ko. At bumungad sa akin ang mga hindi pamilyar na mukha. Kaya naman bumangon na ako. “Good morning, sissy.” nakangiti na mukha ni Caye ang bumungad sa akin. “Good morning.” bati ko rin sa kanya. “Shower kana,” utos niya sa akin. “Bakit? At sino ang mga kasama natin?” tanong ko sa kanya. “Glam team sila. Sila ang mag-aayos sa atin.” sagot sa akin ni Caye kaya naman nagtataka na ako. “Glam team?” kunot noo na tanong ko sa kanya. “Kasal ngayon ni Trina. Siya na ang nag-adjust para sa ‘yo. Alam niya kasi na pagod ka kahapon sa binyag ni baby.” sagot niya sa akin. “Bakit ngayon ko lang nalaman na ikakasal siya?” nagtataka na naman na tanong ko. “Busy ka kasi kaya ganun. Pero handa naman na ang lahat. White and pink ang theme kaya naman handa na ang damit mo.” “Okay, sige maligo lang ako.” sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng banyo. Nalilito man ay mas pinili ko na lang na hindi na magtanong ng magtanong. Naka
Pagkatapos ng balita tungkol kay Arthur ay muling naging laman ng balita ang pamilya nila Jerome. Ibinunyag na kasi ang lahat ng masamang gawain nila at twenty years ang naging sentensya sa kanila. At nagpapasalamat naman ang mag-asawa dahil magiging tahimik na ang buhay nila. Dahil wala na ang taong may matinding galit sa kanila. Umaasa sila na sana ay magbago na ang mga ito. Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi man lang nila namalayan na kabuwanan na pala ni Nathalie. “M–Mommy, manganganak na po yata ako.” saad ni Nathalie sa kanyang ina na si Lora. “Okay, anak. Pumunta na tayo sa hospital. Doon na natin papuntahin si Rafa.” sabi nito sa kanya. “S–Sige po,” nahihirapan na sagot niya. Masakit ang balakang niya. Pati na ang buong tiyan niya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa katawan niya. Pero isa lang ang alam niya manganganak na siya. Nasa trabaho si Rafa kaya naman susunod na lang ito sa kanila. Ayaw pa sanang pumasok ng kanyang asawa pero ayaw naman ni Nathalie na
Naging maayos ang lahat. Nakalabas na sa hospital ang daddy ni Nathalie. Mas minabuti ng daddy niya na sa kanila na lang muna tumira para hindi siya mag-alala. At mas pabor naman ito sa kanya. Para naman namomonitor niya ito. Alam kasi niya na nanghihina pa ang daddy niya. “Daddy, sigurado po ba kayo na wala na kayong nararamdaman? Ang ulo mo, hindi na ba sumasakit?” nag-aalala na tanong niya sa daddy niya. “Anak, I’m fine. Malakas pa ako sa kalabaw.” natatawa na sagot ni Xacto sa kanyang anak. “Naninigurado lang ako, daddy. Ayaw ko na kayong makita na ganun. Natakot ako e, sobrang takot ako na iwan niyo ako. Hindi pa po kasi ako ready na mawala ka.” umiiyak na siya ngayon. “Shhh… Don’t cry, lagi mong isipin na hindi natin hawak ang buhay natin. Pero sino ba ang may gusto na mamatay? Wala, dahil lahat tayo gustong makasama ang mga mahal natin sa buhay. Ikaw, ang mommy mo at ang mga apo ko. Gusto ko pa kayong makasama, anak. Mahal na mahal ko kayo at hangga’t buhay ako ay gusto kong
WARNING: MATURE CONTENT. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! PLEASE READ AT YOUR OWN RISK!Pagpasok nilang dalawa sa loob ng silid nila ay mabilis na siniil ni Rafa ng isang mapusok na halik ang labi ni Nathalie.Para sa kanya ay sino ba ang ayaw sa ganito. Sa totoo lang ay gusto niyang inaangkin ang asawa niya. Palagi lang niyang inaalala na buntis ito at kailangan ng pahinga. Pero kung hindi siguro ito buntis ay gabi-gabi niya itong aangkinin kagaya ng ginagawa nila noon.“Ohhhh,” ungol ni Nathalie nang bumaba ang halik ni Rafa sa kanyang leeg. Habang ang kamay nito ay nasa kanyang dibdib.Sin*psip nito ang balat niya. At wala naman siyang ibang ginawa kundi yakapin ang kanyang asawa. At hayaan ito sa mga nais nitong gawin. Gustong-gusto niya ang ginagawa nito sa kanya. Lalo na ngayon na natatakam talaga siya sa asawa niya.Hinawakan niya ang necktie nito at hinila niya papunta sa kama nila. Tinulak niya si Rafa. Napahiga naman ito at nakatingin sa asawa niya. Hinubad ni Nathalie
Maagang umuwi si Rafa dahil nami-miss na siya ng asawa niya at ganoon rin naman siya. Nais raw nito na kumain ng saba na saging kaya naman dumaan muna siya sa palengke. Pero hindi niya inaasahan na sa pag-uwi niya ay maiinis ito sa naging sagot niya. Napa-buga na lang siya ng hangin dahil naalala niya na buntis pala ito. Mabilis niya itong hinabol at niyakap mula sa likuran. Ayaw niya kasi na naiinis o nagtatampo ito sa kanya. “I’m sorry, hon. Huwag ka ng magalit. I miss you so much, honey.” Malambing na saad ni Rafa sa kanyang asawa. “Kasi naman nakakainis ka. Para kasing napilitan ka lang sa sagot mo.” Sabi pa ni Nathalie sa kanya. “Kahit kailan po ay hindi ako napilitan sa ‘yo. I love you, honey. Bihis lang ako tapos mag-grill na tayo ng mga saba mo.” malambing na sabi niya sa asawa niya. “Okay,” parang bata na saad ni Nathalie. Mabilis namang umakyat si Rafa sa kanilang silid para magbihis. Pagkatapos niyang magbihis ay bumaba na ulit siya. Siya na ang mismong nag-grill ng mg
NATHALIE’S POV Naiwan akong nakaupo dito sa living dahil umalis na si Rafa para maghatid ng niluto kong soup sa bahay nila mommy. Habang naghihintay ako sa pagbalik ng asawa ko ay binuksan ko ang tv dahil masyadong nakakabingi ang katahimikan. Hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin na balita. “Kasalukuyang inaresto ang anak ni Mayor Cruz. Ang anak niya na si Jerome Cruz isang businessman at CEO ng Cruz Inc.” rinig ko na sabi sa balita. “Sir, ano po ang masasabi niyo? Totoo po ba ang mga paratang sa inyo?” tanong ng isang reporter kay Jerome. “Walang katotohanan sa mga paratang nila sa akin. Alam ko na ikaw ang may pakana ng lahat ng ito. I’ll show you na mali ang paratang mo sa akin.” galit na sabi niya at alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Sigurado ako na may kinalaman ang asawa ko. Lalo na narinig ko noong nakaraan na si Jerome ang may kagagawan ng mga kaguluhan sa Bartel. Pinatay ko na ang tv dahil naiinis lang ako. Kahit na saang chanel ay si Jerome ang laman ng balita. M
RAFA’S POVSa wakas ay bumalik na ang alaala ng asawa ko. Masaya ako para sa sarili ko pero mas masaya ako para sa asawa ko. Palagi kong hinihiling na sana ay maging okay na siya, na gumaling na siya. Alam ko na sobrang nahihirapan na siya. Pero sa totoo lang kung ako ang tatanungin ay mas gugustuhin ko na lang na gumawa kami ng mga bagong alaala. Mga alaala na masaya, mga alaala na hindi siya masasaktan. Pero kailangan kong tanggapin na tao lang ako at hindi ko kayang baguhin ang mga nangyari na. Halos atakihin ako sa puso dahil sa pag-akyat niya sa puno ng bayabas. Masaya ako dahil may parating na namin kami na anghel. Pero itong ginagawa niya ngayon ang papat*y sa akin. Hangga't maaari ay nais kong maging hands-on sa kanya. Gusto ko na maranasan kung paano maglihi ang isang buntis. Hindi ko man nagawa sa panganay ko kaya ngayon sa ikalawa naming anak ay nais kong maging hands-on sa asawa ko.“Hon, nagtatampo ka pa rin ba sa akin?” Tanong niya sa akin.“Medyo,” sagot ko sa kanya.“S
NATHALIE'S POVPagmulat ng mga mata ko ay ang nag-aalala na mukha agad nang asawa ko ang bumungad sa akin. "Hon, are you okay? How's your feeling? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.Napangiti naman ako dahil bakas sa gwapo niyang mukha ang pag-aalala. Bumibilis rin ang t*bok ng puso ko habang nakatitig ako sa kanya. "Why are you smiling?" Kunot ang noo na tanong niya sa akin."I missed you," nakangiti na sabi ko sa kanya."N—Naaalala mo na ako?" Nauutal na tanong niya sa akin."Oo, naalala na kita." Nakangiti pa rin na sagot ko sa kanya."Thank you, Lord." Umiiyak na sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.Nagpapasalamat rin ako sa Panginoon dahil ibinalik na niya ang mga alaala ko. Buo na ulit ang pagkatao ko. Sobra kong namiss ang ganito. Ngayon ko naalala ang treatment ko sa asawa ko noong may amnesia pa ako. Parang gusto kong kutusan ang sarili ko sa mga naging actions ko sa kanya."Hon, sorry sa naging trato ko sa 'yo." Parang naiiyak na sabi
Napangiti si Nathalie habang nakatingin sa kanyang asawa na mahimbing na natutulog. Hinaplos niya ang gwapo nitong mukha. Hindi niya maiwasan na uminit ang buo niyang mukha tuwing naalala niya ang ginawa nilang dalawa nang gabi. Medyo masakit ang balakang niya and she is sore down there.Pinalakbay niya ang kamay niya sa matangos nitong ilong. Naramdaman naman ito ni Rafa pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Lihim siyang napangiti sa ginagawa ng kanyang asawa."Hindi ko alam kung kailan kita ulit maalala pero sana hindi ka magsawa sa kakaintindi sa akin.” Kausap ni Nathalie sa natutulog na si Rafa. Gustong-gusto na talaga niya na maalala ang lahat. Alam niya na may mga alaala na malungkot at masaya. Pero hinahanda naman niya ang sarili niya. Hindi niya gusto na kalimutan ang lahat sa buhay niya. Akmang babangon na sana siya ay bigla na lang gumalaw ang asawa niya at mas niyakap siya nito. Napangiti na lang siya. Hinalikan niya sa pisngi si Rafa. At nakita niya na ngumiti ito.