Hello po, kumusta po kayoo? Maraming salamat po sa pagbabasa sa story na ito. Sana po ay samahan niyo po ako hanggang dulo. Feel free to leave some comments and reviews. Maraming salamat po, ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
"Nathalie, hindi ka pa ba lalabas d'yan?! Kanina pa naghihintay sa baba si Jerome! Alam ko gising ka!" Sigaw ni Cheska sa labas ng pintuan niya.Tinatamad at walang ganang lumabas sa kanyang silid si Nathalie. Lalo nalaman niya na pumunta pa si Jerome ngayon. Hinayaan lang niya ito at nagkunwari siyang tulog. Hindi niya nais na makita ito. Habang nasa labas nang pintuan ay nagagalit na si Cheska. Akmang aalis na ito ng biglang dumating si Arthur."Anong nangyayari?" Tanong nito sa kanyang pamangkin."Kasi kanina ko pa siya tinatawag pero hindi niya ako pinapansin. Kanina pa naghihintay sa kanya ai Jerome." Sumbong ni Cheska sa kanyang tiyuhin at halata na naiinis na ito."Nathalie! Buksan mo 'to!" Utos ni Arthur sa kanyang anak."Huwag mong hinatayin na magalit pa ako! Buksan mo na!" Napabangon bigla si Nathalie nang marinig niya ang boses ng kanyang ama. Kaagad siyang naglakad papunta sa pintuan at binuksan ito.Pak! Isang malutong na sampal ang sumalubong sa kanya sa paglabas niya
Pagkatapos nang nangyari sa restaurant ay hindi na nakita pang muli ni Nathalie si Rafa. Kahit sa opisina ay hindi na ito pumupunta. Aaminin niya ay namimiss niya ito. Naisip rin niya na baka masaya ito sa piling ni Cheska. Naiisip niya pa lang ito ay nasasaktan na naman siya. Bumalik siya sa dating Nathalie. Ang dating tahimik at puno ng kalungkutan. Palagi rin siyang pumupunta sa kanyang mommy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito gumigising.Maagang umuwi si Nathalie at dumaan muna siya sa bookstore para bumili ng kailangan niya sa trabaho. Paglabas niya ay nakita niyang nasa isang restaurant si Cheska at kasama nito si Rafa. Agad na umiwas ng tingin si Nathalie. Dahil tama siya mukhang masaya ito sa piling ng pinsan niya. Nawalan na siya ng ganang mag-ikot kaya umuwi na lang siya. Nawawalan na siya ng pag-asa. Isang buwan na lang ang binigay na palugit ni Jerome sa kanya."Bakit ngayon ka lang?" Tanong ng daddy niya sa kanya."May binili lang ho ako." Sagot niya sa ama dahil halata
Nakatanggap ng tawag si Nathalie mula kay Doc Brandon. Gising na ang mommy niya. Mabilis siyang bumiyahe papunta sa ospital. Nakaramdam siya ng galit sa kanyang daddy dahil hindi man lang siya nito tinawagan para sabihan na gising na ang kanyang mommy.Nang pumasok si Nathalie sa loob nang silid ay bumuhos ang luha niya. Mabilis niyang niyakap ang kanyang mommy. Sobra niya itong namiss. Laking pasasalamat niya sa Maykapal dahil naging maayos na ang kanyang mommy."Mommy, thank you dahil gumising kana. Sorry mom, sorry kung umalis ako. Mahal na mahal ko po kayo." Umiiyak na saad ni Nathalie sa kanyang ina habang yakap niya ito.Ngumiti naman ang kanyang mommy sa kanya. Niyakap niya ito at bumulong sa tainga ni Nathalie."Sana hindi kana bumalik anak, ayoko na nahihirapan ka." Mahina pero malinaw itong narinig ni Nathalie.Hindi naman siya makapaniwala sa narinig niya mula sa kanyang mommy. Umarte na lang siyang hindi niya ito narinig. Dahil kasama nila ang kanyang daddy. At baka makahal
“Anong iniiyak mo? Sinasabi ko sa ‘yo huwag mo akong ipapahiya dahil malilintikan ka sa akin.” Pabulong na sabi ni Arthur sa kanyang anak. Nagagalit na siya dahil nakakahiya na sa mga tao na naroon.Hindi na kasi tumitigil si Nathalie sa kakaiyak. Hindi niya kayang magpakasal sa lalaking hindi niya mahal. Natatakot na siya at hinihiling niya na sana ay isang panaginip lang ang lahat ng ito. Akala niya ay makakaya niya pero hindi pala dahil labag ito sa loob niya.“Daddy, hindi ko po kaya.” mahinang sabi niya sa kanyang ama habang umiiyak.“Huwag ngayon Nathalie! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo.” Mahina pero may diin sa pagkakasabi ng kanyang ama.“Daddy, hindi ko po talaga kaya.” Pahayag ni Nathalie sa kanyang ama ngunit isang masamang tingin lang ang naging tugon nito.“You’re so lovely today babe,” sabi ni Jerome sa dalaga habang malawak ang ngiti sa labi. Alam ni Jerome na ayaw magpakasal sa kanya ng dalaga.“J-Jerome hindi pa ako ready na magpakasal sa ‘yo.” Sabi ni
Mabilis na lumabas si Nathalie sa simbahan. Hindi niya binigyan pansin ang pagtawag sa kanya ni Rafa. Nasasaktan siya at nais niyang mapag-isa. Sa dami ng nangyari ay hindi niya alam ang gagawin niya. Hindi niya alam ang papaniwalaan niya. May nakita siyang kotse kaya mabilis niyang binuksan ang pinto. Pagpasok niya ay naroon sa loob ang lalaking nakilala niya sa ospital. Ito ang taong nagsabi na kaibigan raw ng kanyang mommy.“Tulungan niyo po ako,” pakusap ni Nathalie kay Xacto. Hindi nagsasalita si Xacto. Hindi niya alam ang sasabihin sa dalaga. Pero sa huli ay pinili nitong tulungan ito. Habang nasa biyahe ay tinanong niya si Nathalie.“May mapupuntahan ka ba iha?” Tanong niya sa dalaga.“Ang totoo po n’yan ay wala po. Nais ko lang lumayo dito, hindi ko na po kayang manatili sa lugar na ito. Naguguluhan po ako, galit ang mommy ko. Lalo na ang daddy ko dahil sinira ko ang pangarap niya.” Saad ni Nathalie sa lalaki habang umiiyak.“Kung nais mo ay doon kana muna sa isa sa mga bahay
WARNING MATURED CONTENT!!“Hi my dear cousin, how are you?” Nakangiting bati ni Nathalie sa pinsan niya kahit na sa loob-loob niya ay gusto niya itong i-ngud ngud at sabunutan. Nawala lang siya ay umaaligid na ito kaagad sa asawa niya. Napaka-landi talaga nito.“Hon,” hindi makapaniwala na tawag ni Rafa sa kanyang asawa. Mabilis niyang tinawid ang pagitan nila at niyakap niya ito ng sobrang higpit.“Lumalandi kana agad,” pabulong na sabi ni Nathalie kay Rafa.“Hindi po, katunayan ay hinahanap po kita.” Malambing na sagot ni Rafa sa kanyang asawa.Sobrang saya niya dahil bumalik na ang asawa niya. Ang buong akala ni Rafa ay iniwan na siya ng asawa niya. Hindi niya ito binibitawan, mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya. Baka kasi nanaginip lang siya kaya sinusulit lang niya.“Honey, hindi ako makahinga. Balak mo ba akong patayin?” Tanong ni Nathalie sa kanyang asawa.Nang bumitaw si Rafa ay kaagad niya itong hinalikan sa labi. Gusto niyang ipakita sa demonyita niyang pinsan na kan
“Kuya, papasukin niyo na po ako.” Sabi ni Nathalie sa guard na nagbabantay sa labas ng bahay nila. Nandito siya ngayon dahil nais niyang makausap ang mommy niya. “Sorry po, Miss pero hindi po kayo puwedeng pumasok. Mawawalan po ako ng trabaho,” sagot ng guard sa kanya. “Kuya, bibigyan kita ng trabaho. Hayaan mo lang ako na makausap ko ang mommy ko,” pag-kumbinsi pa niya sa guard. “Miss, sorry po talaga. Pero hindi po puwede,” pagtanggi nito sa kanya. Mabilis namang tinawagan ni Nathalie ang asawa niya. Naka-loudspeaker pa ito para siguradong marinig ng guard. “Hello hon,” saad niya kay Rafa. “Yes, hon may problema ba?” “Hon, ayaw kasi akong papasukin dito sa bahay namin. Mawawalan daw ng trabaho ‘yung guard. Okay lang ba na bigyan mo siya ng trabaho tapos 50k ang sahod?” Tanong niya sa asawa niya. “Sure hon, katunayan ay naghahanap si mommy ng guard ngayon sa bahay.” Sagot naman ni Rafa sa kanya. “Okay, hon. Thank you and i love you,” malambing na sabi niya bago ibinaba ang ta
“Anong sinabi mo?!” galit na tanong ni Arthur sa kanyang asawa. “Alam ko na narinig mo ang sinabi ko kaya hindi ko na kailangan pang ulitin.” Sabi naman ni Lora sa lalaki. “Ang kapal ng mukha mong paglaruan ako!” Sigaw nito sa kanya. “Pinaglaruan mo rin ako! Sa tingin mo ba hindi ko alam? Alam ko na matagal mo na akong niloloko. Gusto mo malaman kung ano pa ang sikreto ko. Hindi mo anak si Nathalie. Nagtiis ako dahil kailangan kong gawin. Kaya oras na saktan mo ang anak ko, makikita mo kung ano ang kaya kong gawin sa ‘yo.” may pagbabanta na sabi niya kay Arthur. “Hindi mo ako matatakot! Ngayon na alam ko na ang lahat ay magbabayad ka sa akin! Lalo na ang anak mo!” Galit na sabi ni Arthur kay Lora. “Huwag mong susubukan ang hangganan ng pasensya ko. Akala mo ba hindi ko alam na ang daddy mo ang pumatay sa daddy ko. Ilang araw na lang malalaman mo rin ang dahilan kung bakit ko pinalabas na kasal tayo.” Kalmado niyang sabi bago umakyat sa silid nila. Galit na galit si Arthur.
NATHALIE’S POV Nagising ako ako dahil sa ingay na naririnig ko. At bumungad sa akin ang mga hindi pamilyar na mukha. Kaya naman bumangon na ako. “Good morning, sissy.” nakangiti na mukha ni Caye ang bumungad sa akin. “Good morning.” bati ko rin sa kanya. “Shower kana,” utos niya sa akin. “Bakit? At sino ang mga kasama natin?” tanong ko sa kanya. “Glam team sila. Sila ang mag-aayos sa atin.” sagot sa akin ni Caye kaya naman nagtataka na ako. “Glam team?” kunot noo na tanong ko sa kanya. “Kasal ngayon ni Trina. Siya na ang nag-adjust para sa ‘yo. Alam niya kasi na pagod ka kahapon sa binyag ni baby.” sagot niya sa akin. “Bakit ngayon ko lang nalaman na ikakasal siya?” nagtataka na naman na tanong ko. “Busy ka kasi kaya ganun. Pero handa naman na ang lahat. White and pink ang theme kaya naman handa na ang damit mo.” “Okay, sige maligo lang ako.” sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng banyo. Nalilito man ay mas pinili ko na lang na hindi na magtanong ng magtanong. Naka
Pagkatapos ng balita tungkol kay Arthur ay muling naging laman ng balita ang pamilya nila Jerome. Ibinunyag na kasi ang lahat ng masamang gawain nila at twenty years ang naging sentensya sa kanila. At nagpapasalamat naman ang mag-asawa dahil magiging tahimik na ang buhay nila. Dahil wala na ang taong may matinding galit sa kanila. Umaasa sila na sana ay magbago na ang mga ito. Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi man lang nila namalayan na kabuwanan na pala ni Nathalie. “M–Mommy, manganganak na po yata ako.” saad ni Nathalie sa kanyang ina na si Lora. “Okay, anak. Pumunta na tayo sa hospital. Doon na natin papuntahin si Rafa.” sabi nito sa kanya. “S–Sige po,” nahihirapan na sagot niya. Masakit ang balakang niya. Pati na ang buong tiyan niya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa katawan niya. Pero isa lang ang alam niya manganganak na siya. Nasa trabaho si Rafa kaya naman susunod na lang ito sa kanila. Ayaw pa sanang pumasok ng kanyang asawa pero ayaw naman ni Nathalie na
Naging maayos ang lahat. Nakalabas na sa hospital ang daddy ni Nathalie. Mas minabuti ng daddy niya na sa kanila na lang muna tumira para hindi siya mag-alala. At mas pabor naman ito sa kanya. Para naman namomonitor niya ito. Alam kasi niya na nanghihina pa ang daddy niya. “Daddy, sigurado po ba kayo na wala na kayong nararamdaman? Ang ulo mo, hindi na ba sumasakit?” nag-aalala na tanong niya sa daddy niya. “Anak, I’m fine. Malakas pa ako sa kalabaw.” natatawa na sagot ni Xacto sa kanyang anak. “Naninigurado lang ako, daddy. Ayaw ko na kayong makita na ganun. Natakot ako e, sobrang takot ako na iwan niyo ako. Hindi pa po kasi ako ready na mawala ka.” umiiyak na siya ngayon. “Shhh… Don’t cry, lagi mong isipin na hindi natin hawak ang buhay natin. Pero sino ba ang may gusto na mamatay? Wala, dahil lahat tayo gustong makasama ang mga mahal natin sa buhay. Ikaw, ang mommy mo at ang mga apo ko. Gusto ko pa kayong makasama, anak. Mahal na mahal ko kayo at hangga’t buhay ako ay gusto kong
WARNING: MATURE CONTENT. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! PLEASE READ AT YOUR OWN RISK!Pagpasok nilang dalawa sa loob ng silid nila ay mabilis na siniil ni Rafa ng isang mapusok na halik ang labi ni Nathalie.Para sa kanya ay sino ba ang ayaw sa ganito. Sa totoo lang ay gusto niyang inaangkin ang asawa niya. Palagi lang niyang inaalala na buntis ito at kailangan ng pahinga. Pero kung hindi siguro ito buntis ay gabi-gabi niya itong aangkinin kagaya ng ginagawa nila noon.“Ohhhh,” ungol ni Nathalie nang bumaba ang halik ni Rafa sa kanyang leeg. Habang ang kamay nito ay nasa kanyang dibdib.Sin*psip nito ang balat niya. At wala naman siyang ibang ginawa kundi yakapin ang kanyang asawa. At hayaan ito sa mga nais nitong gawin. Gustong-gusto niya ang ginagawa nito sa kanya. Lalo na ngayon na natatakam talaga siya sa asawa niya.Hinawakan niya ang necktie nito at hinila niya papunta sa kama nila. Tinulak niya si Rafa. Napahiga naman ito at nakatingin sa asawa niya. Hinubad ni Nathalie
Maagang umuwi si Rafa dahil nami-miss na siya ng asawa niya at ganoon rin naman siya. Nais raw nito na kumain ng saba na saging kaya naman dumaan muna siya sa palengke. Pero hindi niya inaasahan na sa pag-uwi niya ay maiinis ito sa naging sagot niya. Napa-buga na lang siya ng hangin dahil naalala niya na buntis pala ito. Mabilis niya itong hinabol at niyakap mula sa likuran. Ayaw niya kasi na naiinis o nagtatampo ito sa kanya. “I’m sorry, hon. Huwag ka ng magalit. I miss you so much, honey.” Malambing na saad ni Rafa sa kanyang asawa. “Kasi naman nakakainis ka. Para kasing napilitan ka lang sa sagot mo.” Sabi pa ni Nathalie sa kanya. “Kahit kailan po ay hindi ako napilitan sa ‘yo. I love you, honey. Bihis lang ako tapos mag-grill na tayo ng mga saba mo.” malambing na sabi niya sa asawa niya. “Okay,” parang bata na saad ni Nathalie. Mabilis namang umakyat si Rafa sa kanilang silid para magbihis. Pagkatapos niyang magbihis ay bumaba na ulit siya. Siya na ang mismong nag-grill ng mg
NATHALIE’S POV Naiwan akong nakaupo dito sa living dahil umalis na si Rafa para maghatid ng niluto kong soup sa bahay nila mommy. Habang naghihintay ako sa pagbalik ng asawa ko ay binuksan ko ang tv dahil masyadong nakakabingi ang katahimikan. Hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin na balita. “Kasalukuyang inaresto ang anak ni Mayor Cruz. Ang anak niya na si Jerome Cruz isang businessman at CEO ng Cruz Inc.” rinig ko na sabi sa balita. “Sir, ano po ang masasabi niyo? Totoo po ba ang mga paratang sa inyo?” tanong ng isang reporter kay Jerome. “Walang katotohanan sa mga paratang nila sa akin. Alam ko na ikaw ang may pakana ng lahat ng ito. I’ll show you na mali ang paratang mo sa akin.” galit na sabi niya at alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Sigurado ako na may kinalaman ang asawa ko. Lalo na narinig ko noong nakaraan na si Jerome ang may kagagawan ng mga kaguluhan sa Bartel. Pinatay ko na ang tv dahil naiinis lang ako. Kahit na saang chanel ay si Jerome ang laman ng balita. M
RAFA’S POVSa wakas ay bumalik na ang alaala ng asawa ko. Masaya ako para sa sarili ko pero mas masaya ako para sa asawa ko. Palagi kong hinihiling na sana ay maging okay na siya, na gumaling na siya. Alam ko na sobrang nahihirapan na siya. Pero sa totoo lang kung ako ang tatanungin ay mas gugustuhin ko na lang na gumawa kami ng mga bagong alaala. Mga alaala na masaya, mga alaala na hindi siya masasaktan. Pero kailangan kong tanggapin na tao lang ako at hindi ko kayang baguhin ang mga nangyari na. Halos atakihin ako sa puso dahil sa pag-akyat niya sa puno ng bayabas. Masaya ako dahil may parating na namin kami na anghel. Pero itong ginagawa niya ngayon ang papat*y sa akin. Hangga't maaari ay nais kong maging hands-on sa kanya. Gusto ko na maranasan kung paano maglihi ang isang buntis. Hindi ko man nagawa sa panganay ko kaya ngayon sa ikalawa naming anak ay nais kong maging hands-on sa asawa ko.“Hon, nagtatampo ka pa rin ba sa akin?” Tanong niya sa akin.“Medyo,” sagot ko sa kanya.“S
NATHALIE'S POVPagmulat ng mga mata ko ay ang nag-aalala na mukha agad nang asawa ko ang bumungad sa akin. "Hon, are you okay? How's your feeling? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.Napangiti naman ako dahil bakas sa gwapo niyang mukha ang pag-aalala. Bumibilis rin ang t*bok ng puso ko habang nakatitig ako sa kanya. "Why are you smiling?" Kunot ang noo na tanong niya sa akin."I missed you," nakangiti na sabi ko sa kanya."N—Naaalala mo na ako?" Nauutal na tanong niya sa akin."Oo, naalala na kita." Nakangiti pa rin na sagot ko sa kanya."Thank you, Lord." Umiiyak na sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.Nagpapasalamat rin ako sa Panginoon dahil ibinalik na niya ang mga alaala ko. Buo na ulit ang pagkatao ko. Sobra kong namiss ang ganito. Ngayon ko naalala ang treatment ko sa asawa ko noong may amnesia pa ako. Parang gusto kong kutusan ang sarili ko sa mga naging actions ko sa kanya."Hon, sorry sa naging trato ko sa 'yo." Parang naiiyak na sabi
Napangiti si Nathalie habang nakatingin sa kanyang asawa na mahimbing na natutulog. Hinaplos niya ang gwapo nitong mukha. Hindi niya maiwasan na uminit ang buo niyang mukha tuwing naalala niya ang ginawa nilang dalawa nang gabi. Medyo masakit ang balakang niya and she is sore down there.Pinalakbay niya ang kamay niya sa matangos nitong ilong. Naramdaman naman ito ni Rafa pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Lihim siyang napangiti sa ginagawa ng kanyang asawa."Hindi ko alam kung kailan kita ulit maalala pero sana hindi ka magsawa sa kakaintindi sa akin.” Kausap ni Nathalie sa natutulog na si Rafa. Gustong-gusto na talaga niya na maalala ang lahat. Alam niya na may mga alaala na malungkot at masaya. Pero hinahanda naman niya ang sarili niya. Hindi niya gusto na kalimutan ang lahat sa buhay niya. Akmang babangon na sana siya ay bigla na lang gumalaw ang asawa niya at mas niyakap siya nito. Napangiti na lang siya. Hinalikan niya sa pisngi si Rafa. At nakita niya na ngumiti ito.