Hello po, kumusta po kayo? Maraming salamat po sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
“Are you ready?” Tanong ni Rafa sa kanyang asawa.Kakarating lang nila galing sa honeymoon at sa bahay ng parents ni Rafa sila tumuloy. 'Yon din kasi ang sabi ng mommy niya. Ramdam ni Rafa na kinakabahan ang kanyang asawa. Dahil na rin sa unang pagkikita ng mga ito. Hindi maganda ang pagtanggap ng mommy niya kay Nathalie. “Kinakabahan ako, hon.” Sagot ni Nathalie kay Rafa.“Magiging maayos ang lahat. Hindi na galit si mommy, alam na niya ang totoo.” Pagpapa-kalma ni Rafa sa kanyang asawa, ramdam niya ang kaba nito dahil sa nanlalamig ang mga kamay nito.Ngumiti na lang si Nathalie para mabawasan ang kaba na nararamdaman niya. Hawak kamay silang pumasok sa loob ng mansiyon ng mga Blake. Nakita niyang pababa sa hagdan ang mommy ng kanyang asawa. “Nathalie,” salubong ng mommy ni Rafa sa kanya.“Magandang gabi po, Madam.” kabadong bati ni Nathalie sa kanyang biyenan.“Mommy, ang itawag mo sa akin anak.” Nakangiting sabi nito.“Okay lang po ba na mommy ang itawag ko sa inyo?” Hindi makapa
"Hon, gusto kong pumasok sa trabaho?" Tanong ni Nathalie sa kanyang asawa."Nalulungkot ka ba dito?" Tanong naman ni Rafa sa kanyang asawa na si Nathalie."Medyo, gusto ko talagang pumasok sa trabaho. Saka namimiss ko na ang mga ka-trabaho ko." Sagot naman ni Nathalie sa kanyang asawa. Nalulungkot si Nathalie tuwing wala siyang kasama sa bahay. Sa mga araw na dumaan sa pagsasama nila ay maayos naman. Nais lang talaga ni Nathalie na may ginagawa. Hindi rin niya nais na sumama sa asawa niya dahil alam niyang busy ito sa kumpanya at kapag naroon siya ay talaga namang makakaisturbo lamang siya.“Okay pero, promise me. Kapag may problema at kapag napapagod ka sa trabaho ay sabihan mo ako.” Paalala ni Rafa sa kanyang asawa."Thank you, honey. Promise lagi akong tatawag sa 'yo kapag nasa trabaho na ako. Sana nga ay tanggapin pa rin ako doon kasi namimiss ko na talaga ang mga kaibigan ko." Malungkot na sabi ni Nathalie."Tatanggapin ka ni Luke, malalagot siya sa akin kapag hindi. Dapat nga sa
Habang nasa biyahe si Nathalie ay biglang tumawag ang kanyang asawa na si Rafa."Hon, may dinner tayo sa labas kasama si Ninong Xacto. Okay lang ba na dito ka sa office dumiretso?" Tanong nito sa kanya."Okay, honey." Sagot naman niya kay Rafa."Okay, see you. I love you," malambing na saad ni Rafa bago ibinaba ang tawag.Tumuloy si Nathalie sa kumpanya ng kanyang asawa. Masaya naman siyang sinalubong ni Rafa. Niyakap at hinalikan siya nito kaagad. Kapwa naman sila napangiti sa isa't-isa."Ano oras ang dinner natin?" Tanong niya kay Rafa."Seven pm pa, hon. May time pa tayo para... You know to catch up something important." Nakangisi na sabi pa ni Rafa."Ikaw talaga kung ano na naman ang pumapasok diyan sa isipan mo. Work kana dahil maghihintay lang ako sa 'yo dito." Saad naman niya kay Rafa. Alam ni Nathalie na inaakit na naman siya ng asawa niya."Tapos na ako sa trabaho ko. Tinapos ko talaga dahil alam ko na darating ka." Sagot naman ni Rafa habang may ngiti sa labi."May binabalak
Umakyat ulit si Lora para pababain si Arthur. Kumakatok siya pero hindi siya pinapansin ng mga ito. Siguro ay ganun talaga ka-busy ang dalawa sa pakikip*gtalik at hindi man lang nais na maabala. Pero hindi tumigil si Lora dahil patuloy niya itong kinatok."Anong kailangan mo?! Nakakaistorbo ka!" Galit na sigaw ni Arthur sa kanya."May naghahanap sa 'yo. Lalaking nakamaskara." Sagot ni Lora at bumalik ulit sa baba."T*ngina!" Napamura si Arthur dahil sa kasarapan na sila ng pagtat*lik ni Cheska. Pero nainis rin siya dahil dumating ang lalaking pinagkakautangan niya. Galit si Arthur. Pero mabilis siyang nagbihis para bumaba."Magbihis ka na dahil may bisita tayo." Saad nito kay Cheska."Okay, daddy." Malanding sagot ni Cheska sa matanda at hinalikan niya ito.Unang bumaba si Arthur at nakita niyang nakikipag-usap si Lora sa lalaki."Honey, paki-dalhan mo naman ng kape si boss." Malambing na utos ni Arthur kay Lora."Okay, honey." Pekeng sagot ni Lora sa kanyang asawa.Mabilis namang pum
Masaya ang buhay mag-asawa ni Nathalie at Rafa. Bumalik na rin sa trabaho si Nathalie at ang kanyang mommy ang naiiwan sa bahay nila. Habang papasok siya sa building ng Blake company ay may biglang humarang sa kanya na dalawang lalaki."Excuse me, Ma'am. Gusto ka makausap ni Sir Jerome." Sabi ng lalaking humarang sa kanya.Kaagad na napalingon si Nathalie sa likuran niya. Alam niya na kay Jerome ang kotse na naghihintay."Pakisabi po na hindi puwede. May trabaho po ako at ayoko ma-late." Nakangiti na sagot niya sa lalaki."Kahit five minutes lang daw po." Hirit pa nito."Kuya, pakisabi sa boss mo. Kung nais niya akong maka-usap ay magpa-appointment siya sa asawa ko." Nakangiti pa na niya sa mga ito. Para kay Nathalie ay walang dahilan para kausapin si Jerome. Para saan pa at higit sa lahat alam niya na galit ito sa kanya. Walang nagawa ang lalaki kundi ang bumalik kay Jerome at sabihin ang mga sinabi ni Nathalie."Boss, magpa-appointment daw po muna kayo sa asawa niya." Pagbibigay ala
Maagang nagising si Rafa dahil may emergency meeting siya sa company. Napangiti siya dahil ang himbing ng tulog ng kanyang asawa. Hinalikan niya muna ito bago siya umalis. Maganda ang mood niya o mas magandang sabihin na palagi naman maganda ang mood niya. Simula ng makasama na niya ang asawa niya ay walang araw na hindi siya kumakalma.Pagdating niya sa company ay kaagad siyang nagtrabaho. At hindi niya namalayan ang oras. Naalala niyang tawagan ang asawa niya kaya mabilis niyang kinuha ang phone niya. Halos ibato ni Rafa ang phone niya dahil sa hindi niya makontak ang kanyang asawa. Kaya mabilis niyang tinawagan ang mommy nito."Hello, mom. Pumasok po ba si Nath sa trabaho?" Pambungad na tanong niya."Kanina pa siya pumasok. Bakit iho?" Tanong ng biyenan niya."Hindi ko kasi siya makontak, sige mom. Tatawag muna ako sa company ni Luke. Thank you, mom." Sabi ni Rafa at kaagad na ibinaba ang tawag.Kaagad niyang tinawagan ang HR. At mabilis naman itong sumagot. Kumalabog ng malakas ang
Simula ng makilala ni Nathalie ang kanyang tunay na ama ay hindi na niya nagawa pang lumabas sa kanyang silid. Galit siya at hindi niya matanggap na ganito ang ginagawa sa kanya ng sarili niyang ama. Ang buong akala niya ang mabuti itong tao. Pero nilinlang lamang siya. At ngayon ay mukhang nililinlang rin nito ang kanyang asawa.Kasalukuyan siyang umiiyak ngayon dahil sa nakikita niya. Kasama ng kanyang asawa ang babaeng kamukha niya. Ang babaeng impostor, talagang kamukha niya ito at halos wala silang pinagkaiba."Honey, hindi ako 'yan. Sana maramdaman mong hindi ako 'yan." Umiiyak na kausap ni Nathalie habang nakatingin sa screen ng tv."Senyorita, kumain na ho kayo?" Saad sa kanya ng isang katulong na may dala-dalang tray."Hindi po ako nagugutom." Walang ganang sagot ni Nathalie at pinunasan ang mga luha niya."Pero hindi pa po kayo kumakain buong araw.""Please po, gusto kong mapag-isa. Hayaan niyo po ako." Pakiusap niya sa babae.Kaagad namang lumabas ang kanilang katulong at na
AFTER 2 YEARSPagkalipas ng dalawang taon ay bumalik si Nathalie sa Maynila. Muli siyang nag-apply sa Blake company dahil alam niya na kahit anong mangyari ay tatanggapin siya doon. Kailangan niya ng trabaho at wala na siyang pakialam kung sakali mang magkita pa sila ni Rafa. Siguro nga ay masaya na ito kasama ang pekeng Nathalie. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi niya sa kanyang sarili.Nagpapasalamat rin siya dahil naroon pa ang mga kaibigan niya. At kagaya ng dati ay namiss nila ang isa't-isa. Araw-araw siyang pagod galing sa trabaho dahil sa malayo rin ito sa bahay na nirerentahan niya. Pero kinakaya niya dahil alam niya na kailangan niya itong gawin."Mama!" Sigaw ng isang bata habang papasok si Nathalie sa loob ng kanilang bahay."Namiss mo ba si mama? Behave ka ba habang wala ako?" Tanong ni Nathalie sa kanyang anak na lalaki.Ilang araw mula noong tumakas si Nathalie ay napag-alaman niya na buntis siya. Sa loob ng dalawang taon ay kinaya niyang mabuhay ng mag-isa. Napadpad siya
NATHALIE’S POV Nagising ako ako dahil sa ingay na naririnig ko. At bumungad sa akin ang mga hindi pamilyar na mukha. Kaya naman bumangon na ako. “Good morning, sissy.” nakangiti na mukha ni Caye ang bumungad sa akin. “Good morning.” bati ko rin sa kanya. “Shower kana,” utos niya sa akin. “Bakit? At sino ang mga kasama natin?” tanong ko sa kanya. “Glam team sila. Sila ang mag-aayos sa atin.” sagot sa akin ni Caye kaya naman nagtataka na ako. “Glam team?” kunot noo na tanong ko sa kanya. “Kasal ngayon ni Trina. Siya na ang nag-adjust para sa ‘yo. Alam niya kasi na pagod ka kahapon sa binyag ni baby.” sagot niya sa akin. “Bakit ngayon ko lang nalaman na ikakasal siya?” nagtataka na naman na tanong ko. “Busy ka kasi kaya ganun. Pero handa naman na ang lahat. White and pink ang theme kaya naman handa na ang damit mo.” “Okay, sige maligo lang ako.” sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng banyo. Nalilito man ay mas pinili ko na lang na hindi na magtanong ng magtanong. Naka
Pagkatapos ng balita tungkol kay Arthur ay muling naging laman ng balita ang pamilya nila Jerome. Ibinunyag na kasi ang lahat ng masamang gawain nila at twenty years ang naging sentensya sa kanila. At nagpapasalamat naman ang mag-asawa dahil magiging tahimik na ang buhay nila. Dahil wala na ang taong may matinding galit sa kanila. Umaasa sila na sana ay magbago na ang mga ito. Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi man lang nila namalayan na kabuwanan na pala ni Nathalie. “M–Mommy, manganganak na po yata ako.” saad ni Nathalie sa kanyang ina na si Lora. “Okay, anak. Pumunta na tayo sa hospital. Doon na natin papuntahin si Rafa.” sabi nito sa kanya. “S–Sige po,” nahihirapan na sagot niya. Masakit ang balakang niya. Pati na ang buong tiyan niya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa katawan niya. Pero isa lang ang alam niya manganganak na siya. Nasa trabaho si Rafa kaya naman susunod na lang ito sa kanila. Ayaw pa sanang pumasok ng kanyang asawa pero ayaw naman ni Nathalie na
Naging maayos ang lahat. Nakalabas na sa hospital ang daddy ni Nathalie. Mas minabuti ng daddy niya na sa kanila na lang muna tumira para hindi siya mag-alala. At mas pabor naman ito sa kanya. Para naman namomonitor niya ito. Alam kasi niya na nanghihina pa ang daddy niya. “Daddy, sigurado po ba kayo na wala na kayong nararamdaman? Ang ulo mo, hindi na ba sumasakit?” nag-aalala na tanong niya sa daddy niya. “Anak, I’m fine. Malakas pa ako sa kalabaw.” natatawa na sagot ni Xacto sa kanyang anak. “Naninigurado lang ako, daddy. Ayaw ko na kayong makita na ganun. Natakot ako e, sobrang takot ako na iwan niyo ako. Hindi pa po kasi ako ready na mawala ka.” umiiyak na siya ngayon. “Shhh… Don’t cry, lagi mong isipin na hindi natin hawak ang buhay natin. Pero sino ba ang may gusto na mamatay? Wala, dahil lahat tayo gustong makasama ang mga mahal natin sa buhay. Ikaw, ang mommy mo at ang mga apo ko. Gusto ko pa kayong makasama, anak. Mahal na mahal ko kayo at hangga’t buhay ako ay gusto kong
WARNING: MATURE CONTENT. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! PLEASE READ AT YOUR OWN RISK!Pagpasok nilang dalawa sa loob ng silid nila ay mabilis na siniil ni Rafa ng isang mapusok na halik ang labi ni Nathalie.Para sa kanya ay sino ba ang ayaw sa ganito. Sa totoo lang ay gusto niyang inaangkin ang asawa niya. Palagi lang niyang inaalala na buntis ito at kailangan ng pahinga. Pero kung hindi siguro ito buntis ay gabi-gabi niya itong aangkinin kagaya ng ginagawa nila noon.“Ohhhh,” ungol ni Nathalie nang bumaba ang halik ni Rafa sa kanyang leeg. Habang ang kamay nito ay nasa kanyang dibdib.Sin*psip nito ang balat niya. At wala naman siyang ibang ginawa kundi yakapin ang kanyang asawa. At hayaan ito sa mga nais nitong gawin. Gustong-gusto niya ang ginagawa nito sa kanya. Lalo na ngayon na natatakam talaga siya sa asawa niya.Hinawakan niya ang necktie nito at hinila niya papunta sa kama nila. Tinulak niya si Rafa. Napahiga naman ito at nakatingin sa asawa niya. Hinubad ni Nathalie
Maagang umuwi si Rafa dahil nami-miss na siya ng asawa niya at ganoon rin naman siya. Nais raw nito na kumain ng saba na saging kaya naman dumaan muna siya sa palengke. Pero hindi niya inaasahan na sa pag-uwi niya ay maiinis ito sa naging sagot niya. Napa-buga na lang siya ng hangin dahil naalala niya na buntis pala ito. Mabilis niya itong hinabol at niyakap mula sa likuran. Ayaw niya kasi na naiinis o nagtatampo ito sa kanya. “I’m sorry, hon. Huwag ka ng magalit. I miss you so much, honey.” Malambing na saad ni Rafa sa kanyang asawa. “Kasi naman nakakainis ka. Para kasing napilitan ka lang sa sagot mo.” Sabi pa ni Nathalie sa kanya. “Kahit kailan po ay hindi ako napilitan sa ‘yo. I love you, honey. Bihis lang ako tapos mag-grill na tayo ng mga saba mo.” malambing na sabi niya sa asawa niya. “Okay,” parang bata na saad ni Nathalie. Mabilis namang umakyat si Rafa sa kanilang silid para magbihis. Pagkatapos niyang magbihis ay bumaba na ulit siya. Siya na ang mismong nag-grill ng mg
NATHALIE’S POV Naiwan akong nakaupo dito sa living dahil umalis na si Rafa para maghatid ng niluto kong soup sa bahay nila mommy. Habang naghihintay ako sa pagbalik ng asawa ko ay binuksan ko ang tv dahil masyadong nakakabingi ang katahimikan. Hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin na balita. “Kasalukuyang inaresto ang anak ni Mayor Cruz. Ang anak niya na si Jerome Cruz isang businessman at CEO ng Cruz Inc.” rinig ko na sabi sa balita. “Sir, ano po ang masasabi niyo? Totoo po ba ang mga paratang sa inyo?” tanong ng isang reporter kay Jerome. “Walang katotohanan sa mga paratang nila sa akin. Alam ko na ikaw ang may pakana ng lahat ng ito. I’ll show you na mali ang paratang mo sa akin.” galit na sabi niya at alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Sigurado ako na may kinalaman ang asawa ko. Lalo na narinig ko noong nakaraan na si Jerome ang may kagagawan ng mga kaguluhan sa Bartel. Pinatay ko na ang tv dahil naiinis lang ako. Kahit na saang chanel ay si Jerome ang laman ng balita. M
RAFA’S POVSa wakas ay bumalik na ang alaala ng asawa ko. Masaya ako para sa sarili ko pero mas masaya ako para sa asawa ko. Palagi kong hinihiling na sana ay maging okay na siya, na gumaling na siya. Alam ko na sobrang nahihirapan na siya. Pero sa totoo lang kung ako ang tatanungin ay mas gugustuhin ko na lang na gumawa kami ng mga bagong alaala. Mga alaala na masaya, mga alaala na hindi siya masasaktan. Pero kailangan kong tanggapin na tao lang ako at hindi ko kayang baguhin ang mga nangyari na. Halos atakihin ako sa puso dahil sa pag-akyat niya sa puno ng bayabas. Masaya ako dahil may parating na namin kami na anghel. Pero itong ginagawa niya ngayon ang papat*y sa akin. Hangga't maaari ay nais kong maging hands-on sa kanya. Gusto ko na maranasan kung paano maglihi ang isang buntis. Hindi ko man nagawa sa panganay ko kaya ngayon sa ikalawa naming anak ay nais kong maging hands-on sa asawa ko.“Hon, nagtatampo ka pa rin ba sa akin?” Tanong niya sa akin.“Medyo,” sagot ko sa kanya.“S
NATHALIE'S POVPagmulat ng mga mata ko ay ang nag-aalala na mukha agad nang asawa ko ang bumungad sa akin. "Hon, are you okay? How's your feeling? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.Napangiti naman ako dahil bakas sa gwapo niyang mukha ang pag-aalala. Bumibilis rin ang t*bok ng puso ko habang nakatitig ako sa kanya. "Why are you smiling?" Kunot ang noo na tanong niya sa akin."I missed you," nakangiti na sabi ko sa kanya."N—Naaalala mo na ako?" Nauutal na tanong niya sa akin."Oo, naalala na kita." Nakangiti pa rin na sagot ko sa kanya."Thank you, Lord." Umiiyak na sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.Nagpapasalamat rin ako sa Panginoon dahil ibinalik na niya ang mga alaala ko. Buo na ulit ang pagkatao ko. Sobra kong namiss ang ganito. Ngayon ko naalala ang treatment ko sa asawa ko noong may amnesia pa ako. Parang gusto kong kutusan ang sarili ko sa mga naging actions ko sa kanya."Hon, sorry sa naging trato ko sa 'yo." Parang naiiyak na sabi
Napangiti si Nathalie habang nakatingin sa kanyang asawa na mahimbing na natutulog. Hinaplos niya ang gwapo nitong mukha. Hindi niya maiwasan na uminit ang buo niyang mukha tuwing naalala niya ang ginawa nilang dalawa nang gabi. Medyo masakit ang balakang niya and she is sore down there.Pinalakbay niya ang kamay niya sa matangos nitong ilong. Naramdaman naman ito ni Rafa pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Lihim siyang napangiti sa ginagawa ng kanyang asawa."Hindi ko alam kung kailan kita ulit maalala pero sana hindi ka magsawa sa kakaintindi sa akin.” Kausap ni Nathalie sa natutulog na si Rafa. Gustong-gusto na talaga niya na maalala ang lahat. Alam niya na may mga alaala na malungkot at masaya. Pero hinahanda naman niya ang sarili niya. Hindi niya gusto na kalimutan ang lahat sa buhay niya. Akmang babangon na sana siya ay bigla na lang gumalaw ang asawa niya at mas niyakap siya nito. Napangiti na lang siya. Hinalikan niya sa pisngi si Rafa. At nakita niya na ngumiti ito.