FRANCES POVMatapos ang nakakahiyang iskandalong nangyari kanina sa loob ng mall ay napag-desisyunan na naming dumiretso ng uwi sa aming bahay. Hindi na ako hinintay ni Arthur at nauna na siyang dumiretso sa parking lot. Hindi ko alam pero nahihiya ako sa nangyari lalo na at nalaman na niya ang tungkol kay Aljur at sa nangyari sa tingin sa akin ng aking 2nd family bilang isang malas na tao. Sa buong byahe namin ay tahimik lang si Arthur at medyo kakaiba ang atmospera sa loob ng sasakyan namin. Nakita ko si Arthur na iniiwasan ako ng tingin ni Arthur, ang tuon ng kaniyang atensyon ay nasa bintana lang at may malamig na ekspresyon ang kaniyang mukha, pakiramdam ko ay napaka-lalim ng kaniyang iniisip. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, natakot akong baka ng dahil dito ay biglang magbago ang pagtingin sa akin ni Arthur. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Alam kong sa relasyon namin ni Kuya Frank ay hindi niya ako ku-kwestyunin pero ang relasyon ko sa aking sec
Umiling si Arthur at seryosong nagsalita . "Frances, tandaan mo mapa-si Aljur man o Ethan yan wala akong pekialam. Hindi nila kayang apektuhan ang mood ko. Wala na kong magagaw kung ganuon sila kawalanghiya. Kasalanan na nila yun. Sa kabaligtaran, ginawa mo ang tama. Para protektahan ang sarili mo, sinaksak mo ang hudas na yun. Tungkol naman sa sinabi mong mawawalan sila ng respeto sakin, hindi totoo 'yan. Ang mga taong tunay akong nirerespeto ay natural na magbibigay galang at hindi ako hahamakin dahil sa mga walang kwentang bagay. Frances, ako si Arthur, at habang nabu-buhay ako, hindi ko kailanman iintindihin ang opinyon ng ibang tao. Ang opinyon mo lang ang mahalaga para sa akin. Alam mo bang galit din si Frank dahil hindi mo man lang sinabi ang tungkol dito?" Si Frances ay tumingala sa pagkalito "sige tatawagan ko si Kuya. Pero bakit ka ba nagagalit sa akin kung hindi naman pala dahil sa mga sinabi ko? Sa pagsira ko sa relasyon ni Ethan sa nililigawan niya?” "No! On the
Frances POV Noong una ay ayaw ko naman talagang umiyak, ngunit nang marinig ko ito, hindi ko na napigilang bumagsak ang aking mga luha, at tila napuno ng kung ano ang aking puso. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang iniisip ni Arthur! Kabaligtaran ito ng trato sa akin ng orihinal kong pamilya! "Bakit ka na naman umiiyak?" Nag-aalalang yumakap sa akin si Arthur nang mas mahigpit, na inabot upang marahan na punasan ang mga luha sa mga mata ko, "Wala akong sinabing masakit, bakit ka umiiyak? Wala akong masamang intensyon sa mga sinabi ko, ang ibig ko lang sabihin ay pakawalan mo ang iyong sarili sa malupit na nakaraan mo." Ngumuso ako at mariing umiling "It's none of your business." THIRD PERSON POV Pagkaraan ng ilang minuto, nagtungo sila sa banyo para maligo hinubad ni Frances ang kanyang puting bathrobe, kitang-kita ang kanyang makinis at bilog na mga balikat at seksing flesh-pink lingerie. Ang kaniyang lingerie ay natalsikan ng tubig, napalunok ng laway ni Arthur.
"Sino ang tumawag kanina?" parang sasabog ang puso ko sa sobrang pagkagulat. Pinigilan ko ang kaniyang mapanuksong tingin, na nagpapakita ng medyo malungkot at mahinang tingin. "Ahem..." Sinadya kong umubo ng dalawang beses, at tumingin kay Frances na may malungkot na mukha, at sinabi ng tapat "Si Andrew iyon. Na-miss ka daw niya." Bahagyang nanginig ang puso ni Frances, at biglang natigilan ang buong pagka-tao niya. Hindi ko maintindihan kung ano ang mararamdaman ko. Nahihiya ako sa naging aksyon ko. Kaya bahagya kong niyuko ang ulo ko at humingi ng pasensya . “I’m sorry, hindi ko dapat sinagot ang tawag na iyon ng walang pahintulot mula sayo. Kasi.. nakita ko kasing si Andrew ang tumatawag, at na curious ako sa kung ano ang gusto niyang sabihin sa iyo, kaya hindi ko napigilang sagutin ang tawag niya sayo Frances. I’m sorry kasi wala akong confidence sa sarili ko, na lagi akong nag-aalala na kapag bumalik si Andrew ay ipagtatabuyan mo na ako at hihiwalayan!” Nakita kong tila l
ARTHUR POVNapahinto ako "Bakit?""Hey mister hindi ba sinabi mong masama ang pakiramdam mo dahil sa kumakalat na flu! May flight ka pa kaya magpahinga ka.You need to take care of yourself, hindi ka pwedeng magpalipad ng eroplano at basta ng hindi maayos ang kondisyon mo. I heard na magkakaruon ka ng 1 week straight flight?!”Hindi ako nakikinig sa kaniya, tinutuloy ko lang ang paghalik sa kaniyang tainga at bahagyang bumulong habang tuloy tuloy ang aking paghalik sa kaniya.“Okay lang yan. Matagal pa naman yun! May panahon pa kong makapag pahinga. Para naman ma exercise ko tong muscle ko.” Ibinaba ko ang aking ulo at ipinagpatuloy ang paghalik sa kanya. Hindi na nakatiis si Frances, at mabilis na hinawakan ang kamay ko. "Arthur, please wag muna?"Tumigil ako sa kaniya at nakangiting tumingin kay Frances "Okay, i’m sorry. Okay ka lang ba? Nanginginig ka?"“oka y lang ako, matulog na tayo muna okay?”Pagsabi ko ay niyakap ko siya mula sa likuran at mahina ko siyang binulungan "si
Sa kalagitnaan ng aming byahe, si Frank, na abalang nagmamaneho, ay napatingin sa akin at biglang nagtanong. "Diba ikaw yung kaibigan ni Frances nung high school pa siya?” tanong niya ng may mapungay na mata“Oo , hehe naalala mo pa pala ako Kuya Frank!” “Oo naman palagi kang kasama ni Frances. Kamusta naman ang trabaho niyo? “ “Okay naman. Kaya lang minsan siyempre hindi maiiwasan ang pressure, hindi sa trabaho kundi sa mga ka trabaho. Haha” sagot ko sa kaniya“Ganyan talaga, pero pag nagtagal naman kayo sa linyang yan magiging komportable na din kayo!” tugon niya sa akin“Kaya nga!” muli niyang binalik ang kaniyang tingin sa unahan ng sasakyan. Hindi naman na din ako nagsalita. Haist inis, bakit ba napaka-manhid ng lalaking ito. Hindi ba niya alam na mula pa noon kung gaano nahuhumaling si Frances kay Arthur ay ganuon din ang pagkabaliw ko sa kaniya. Nakakainis naman. Grrr…pero ang gwapo talaga ni Frank. Maingay na sigaw ng utak ko habang nakatitig sa kaniya. Hindi ko maiwasang
"Talaga lang? Pinakawalan mo si Frances ng ganun-ganun lang?" Kumunot ang noo ni Mrs. Cervantes, nadako ang mata niya kay Arthur na noon ay kumapit sa aking mga kamay. "Fuck, Frances, hindi ka naman siguro itinulak sa pilotong ito, 'di ba?"Hindi napigilan ni Frances ang palihim na pagtawa. Nakilala na niya ang asawa ng chairman na ito noon. Direktang magsalita at bukas-palad ang matanda, sinasabi nito kung anumang gusto niyang sabihin ng hindi nag-iisip. Sa sandaling ito, alam din ni Frances na nagsasalita lamang si Mrs. Cervantes para ipagtanggol siya at wala siyang balak kutyain si Arthur. Napansin ni Arthur ang ngiti sa mga labi ni Frances, kaya't medyo nanigas ang kanyang ekspresyon at sumulyap kay Mrs. Cervantes. "Tama, tinulak siya ni Nancy at Joyce sa isang hamak na piloto lang na kagaya ko! May masama ba dun?” malamig na sabi ni Arthur."Fuck! Ano ba yan"Tinitigan ni Mrs. Cervantes si Arthur nang may pag-alipusta, pagkatapos ay humarap kay Frances saka hinawakan muli ang
Dahil sa nangyari halos lumuwa ang mga mata ni Frank at piit na piit na bumalihit ng tawa dahil sa buong buhay niya, sa paninilbihan kay Arthur ay ito ang unang beses na nakita niyang napahiya ito.Lumapit si Frank kay Arthur at bumulong.“Haha.. ano ka ngayon Arthur?! Ilabas mo ang tapang mo sa harapan ng kapatid ko! Tignan natin kung hindi umusok yang pwet mo sa pagpapaliwanag kay Frances pag uwi niyo ng bahay!” natatawang sabi ni Frank sa kaibigan niya. Matalim siyang tinignan ni Arthur at pasimpleng pinandilatan ng mata. “shhh…Frank—”“Hahhaha okay sorry.” sabi ni Frank at halos bumulong sa gilid niya “haha tiklop ka pala pagdating sa kapatid ko pero pag nasa labas naku na lang?! Shu shu shu..” sisipol sipol na sabi ni Frank at pilit na tumitingin sa ibang parte ng mall paiwas sa mga mata ni Arthur!Habang ang lahat ay nagbibigay ng kaniya-kaniyang opinyon. Sinamantala iyon ni Frances para magsalita. "Oo nga, kaya nga sobra akong nagpapasalamat kay Tita Nancy at Joyce dahil kun
Ito pala ang plano ni Andrew mula pa noong una, balak pala niyang mag-propose sa akin sa mismong birthday ko.Hayop ka Jackie!, alam mo pala ang plano ng anak mong mag-pakasal sa akin sa pagbabalik niya mula sa business trip niyang ito. Kaya pala ganoon na lang ang pagmamadali niyong mag ina na itulak ako sa kama ng ibang lalaki! Sinong mag aakala na papalpak ang plano niyo at kay Arthur ako mapupunta!“napaka dimonyo mong ina!” Galit na galit ako!Sobrang galit na galit ako kay Jackie!Nagagalit ako dahil pinapatay ako ng kunsensya dahil sa biglaang pagtalikod ko kay Andrew. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kahit magalit pa ako?Tapos na ang lahat. Hindi ko na maaaring balikan ang nakaraan namin ni Andrew.Sunod-sunod ang pagtawag ni Andrew sa akin.Paulit-ulit kong kinakansel iyon, hanggang sa tuluyan ko ng patayin ang telepono ko at naupo nang mag-isa sa tabi ng park.Tahimik akong nakaupo roon, nakatulala nang matagal, bago ko muling binuksan ang telepono ko at tinawagan ko s
Ang buong restaurant ay napuno ng mga paborito kong bulaklak. Bago pumasok sa loob ng resto, ang mga puno ng sycamore sa magkabilang gilid ay nakasabit ang mga makukulay na ilaw at iba't ibang "birthday wishes" at "love" na mga card. Ang mga makukulay na ilaw ay kumikislap, ang simoy ng hangin sa gabi ay humahaplos sa aking katawan, at ang paligid ay puno ng isang romantikong atmospera. Sumunod ako sa kasamahan ni Andrew papasok sa looban ng resto nang medyo malabo ang iniisip. Hindi ko kagad nagets ang mga nangyayari pero na wiwirduhan ako. Nakita ko ang mga kasamahan ni Andrew sa kaniyang trabaho na may hawak na mga heart-shaped balloons ng iba't ibang kulay, na kusang bumubuo ng isang bilog, na may ngiting may pagpapala sa kanilang mga mukha. Sa gitna ng resto ay may malaking projection screen na kasing taas ng isang tao. Matapos ang dalawang malalakas na tunog, lumitaw ang imahe ni Andrew sa screen. Naka-Formal attite siya, may suot na pulang bow tie, may hawak na isang bu
SA OPISINANakahinga ng maluwag si Ella nang matiyak niyang alam ni Arthur na ngayong araw ay birthday ni Frances. Pagdating ng oras ng tanghalian, hinanap niya si Frances para mag-lunch.FRANCES POVBinuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ito, at naalala ko na iniiwasan ako ni Arthur kaninang umaga kahit pa alam kong mag flight siya ngayon, kaya't bigla akong tumango ng malungkot.Pero dahil kilala ako ni Ella, alam niyang may hindi okay na nangyayari sa akin. Kinuha niya ang cellphone ko at tinignan ang mga message ko.Sa huli, nagbiro na lang si Ella sa akin "Baka gusto ka niyang sorpresahin ka. Pinipigilan niya lang ngayon at hindi ka pinapansin, tapos bibigyan ka ng sorpresa pagkatapos ng trabaho. Para maging emosyonal ka at ma touch ka!” Tumingin ako kay Ella at ngumiti "Saan mo na naman natutunan lahat ng 'yan?"Itinaas ni Ella ang kanyang baba nang may kumpiyansa, "Maghintay ka lang!"Pagdating namin sa canteen, tinawagan ko iba pa naming mga kasamahan at trineat ko sila
FRANCES POVKinabukasan, nagising ako ng maaga para magluto ng almusal, gusto ko sanang magka-ayos kami ng aking asawa sa aming alitan nitong nakaraang gabi. Halos hindi kasi niya ako pinapansin, sa di ko malamang dahilan. Masaya naman kami noong nakaraang araw pero biglang nagbago ang mood niya kagabi.Marahan akong kumatok sa pinto ng guest room pero walang Arthur na sumagot mula sa kabilang bahagi ng kwarto kaya naman nagdesisyon na akong pumasok na.Habang naglalakad, hindi maipinta ang mukha ko, kakaibang kalungkutan ang bumabalot sa aking katauhan.Pagdating ko sa pintuan ng Office ko ay biglang nanakbo si , Ella papunta sa akin at sinadya akong banggain, kinuha niya ang isang regalo at inabot sa akin . "Frances, Happy Birthday!"Sandali akong napatigil, at saka ko lang naalala na birthday ko pala ngayong araw. Magmula naman kasi ng mamatay si Mama, kinalimutan ko ng mag celebrate ng birthday. Para sakin ang araw sa buong taon ay normal lang. Kinuha ko ang regalo at walang gan
Sa totoo lang nainis ako sa mga sinabi niya kaya sinagot ko din sila ng nararapat na sagot.“Teka lang huh…Una sa lahat ang obligasyon namin si Papa, at FYI nagbibigay kami ng pang gastos ni Papa.Pangalawa, hindi niyo nga ako tinuring na anak niyo, ngayon kung maka-asta ka akala mo ay talagang ulirang ina ka?At pangatlo, bakit hindi niyo pag-trabahuhin yang si Ate Leonor. Hindi yung aasa lang siya sa binibigay namin kay Papa. Kung tutuusin siya ang pinaka-matanda sa amin pero siya ang pinaka-walang pinagka-katandaan.” agad na napa-ismid si Tita Mylene pero nagmatigas siyang umalis ng kusa.Napaisip ako, ngayon lang ako nakakita na niyawyawan ng kaniyang mapang-aping madrasta sa sarili nitong bahay, pagka bukas na pagkabukas pa lang ng pinto. ANo pa nga bang magagawa ko, kung palalayasin ko sila malamang na gagawan nila ito ng malaking issue kaya naman hinayaan ko na lang silang pumasok. Inalok ko na lang sila ng juice. Alam kong may naglalaro na naman sa isip ng mga ito kaya nand
Kagaya ng hindi ko pagyayabang, bumungad sa kanila ang isang mala mansyong bahay na tinitirahan namin ni Arthur. Hindi ko kailanman flinex sa aking social media account ang aming bahay dahil hindi naman ito sa akin. “Tang in*! Frances, ito ang bahay niyo?!” sigaw ng kasamahan kong bakla na halos ikahulog ko na sa golf cart sa sobrang pagkagulat.Napakamot ako ng ulo at napabuntong-hininga. “Bwisit ka bakla, gulat na gulat ako sayo!, oo ito yung bahay namin.” Ngunit hindi agad sila gumalaw. Nakabuka ang mga bibig nila, tila hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nila sa kanilang harapan. Si Kristal, na kanina ay puro kayabangan ngayon ay halatang hindi makasabay sa pangyayari. Kahit na inaatake siya ng pride niya dahil sa dami ng paninirang sinasabi niya sa akin sa opisina ay hindi rin maipagkailang namangha din siya sa bahay na tinutuluyan namin ni Arthur. “Frances… ito ba talaga ang bahay mo?” tanong ng isa na hindi pa rin makapaniwala.“Hindi. Trip ko lang pumasok para sa staycat
FRANCES’ POV Pagdating ng Sabado, maaga akong nagbihis ng komportableng damit at tumungo sa tagpuan kung saan ko sasalubungin ang mga kasama ko sa trabaho. Isa-isa na silang dumating, at agad akong binati ng ilan sa kanila. “Congratulations sa promotion mo, girl!” sigaw ni Mary, sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako at isa-isang nagpasalamat. Habang naghihintay pa sa iba, naisipan kong bumili ng maiinom sa mini-store sa kanto. Tahimik lang ang paligid nang biglang dumating si Kristal, ang babaeng kilalang mahilig mambara at laging may masasabi tungkol sa iba. “Oh, dito ba ‘yung inyo?” tanong niya, sabay irap sa mumurahing apartment sa harapan namin. “Anong apartment number ‘yung bahay niyo?” Bago pa ako makasagot, sumabat na ang isa pang kasamahan namin na malapit kay Kristal. “Oo nga, Ma’am! Dapat sa susunod lumipat ka na ng mas magandang apartment. Hindi bagay sa isang aviation manager ang nakatira sa ganitong klaseng bahay!” Napataas ang kilay ko at napatingin kay Ella. Hin
[Gusto ko lang magtanong, may boyfriend na nga ba talaga si Miss Frances?] Matapos ang maanghang na akusasyon laban kay Frances , ngayon lahat ay pumabor sa kaniya. Napapangiti naman si Mr. Rivera sa kaniya.Kagaya ng orihinal na dahilan kung bakit nagpunta si Frances sa restaurant ay nagsimula ang kanilang meeting. Ilang discussiona ng naganap sa pagitan nila at hindi din nagtagal ang meeting na iyon. Bumalik siya sa opisina. Nagulat siya ng salubungin siya ng kaniyang mga kasamahan.“Frances, congratulations!”“Frances, treat mo kami this time!”“Tama, Frances, weekends naman sa susunod na araw, mas okay siguro kung sa bahay niyo tayo mag-celebrate. Para makatipid at double celebration na din tayo. Ang pagkaka promote sayo officially at ang kasal mo.”Hindi naman kaagad nakasagot si Frances. Sa kalagitnaan ng pangungulit ng mga kasamahan niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello!”“Love, mukhang pagod ka? Hindi mo ata hiyang ang magpanggabi. Dibale malapit na din n
Pagkatapos sabihin ni Mr. Rivera ay naglakad na sila pabalik sa loob ng restaurant. Ngunit napansin ni Frances na mula sa di kalayuan ay may nagkakagulong mga tao at kumakapal na kamera na nagmumula sa mga vloggers, isang babae ang napansin nilang nagpunta sa isang sulok. Halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha, at tila gusto niyang maglaho na lang sa hangin.Pero hindi nagtagal, agad siyang pinalibutan ng mga vloggers."Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Sabi mo may relasyon si Mr. Rivera at Frances! Ng dahil sayo muntik pa akong makasuhan" singhal ng isang lalaki habang nakatutok ang camera sa kanya.“Oo nga, hayop ka. Mali-mali ang mga impormasyong sinasabi mo samin!”“Kaya nga pahamak ka!” "Ano ang masasabi mo na nalantad na ang totoo?" sigaw naman ng isa pa.Napayuko ang babae at hindi niya alam kung paano ipagtanggol ang kaniyang sarili. Pero wala na siyang lusot. Nalantad na ang katotohanan, ang mga maling ipinakakalat niya dahil sa galit kay Frances ay nalantad na. Si Al