THIRD PERSON POV[Nakita ko ang satisfaction sa ngiti ni Aljur. Lalo itong natuwa nang maisip niyang mahahawakan niya ang maliit na dilag sa kanyang kandungan at mahalikan ito sa harap ng asawa ni Frances. Maya-maya, dumating na ang ilang bodyguards at sumugod papunta sa box na tinutuluyan nina Frances at Arthur. Sa isang iglap, marahas na itinulak ng mga ito ang pinto ng kahon, dahilan para manginig ang puso ni Frances.]Naunang sumugod si Ethan, at ng makita niya sa Frances na naka-subsob ang ulo sa lalaking kasama nito, ay agad siyang sumigaw. “Anong ginagawa mo Frances, halika dito at humingi ka ng tawad kay Aljur!” Sa sandaling nawala ang boses, yumuko si Ethan na parang isang aliping tao at tinanggap si Aljur. Pagkatapos, sumunod ang tatlong bodyguard at hinawakan ang pinto nang nakatalikod. Nang makita ito, pinigilan ni Arthur ang sarili at itinukod ang kanyang salamin sa tungki ng kanyang ilong upang ipaalala sa kanyang sarili ang kanyang pagkatao sa sandaling ito, ngunit
"At kung hindi kami umalis, anong gagawin mo?” mabagal na kinuha ni Aljur at sinindihan ang kaniyang sigarilyo at direstong binuga ang usok sa pwesto ni Frances na may mayabang na asal. "Hindi lang kami ang aalis, hindi ka rin makakaalis. Kung hindi ka hihingi ng tawad ngayon, pauli ulit kong sasabihin sayo na kailangan mong humingi ng tawad . At kailangan mo akong pagsilbihan ng mabuti sa harap ng talunan mong asawa at pakalmahin ako. Saka lang kita paalisin.” Pagkasabi ni Aljur ay tumingin siya sa kaniyang mga bodyguard , na animo’y nakalamang na siya. Iritable namang nakatingin si Frances at wala ng hiyang nagtanong sa lalaking ito. “Napakawalang hiya mo talaga Aljur, hindi ka ba natatakot na tumawag ako ng pulis?”“Ikaw tatawag ng pulis?”Natawa si Aljur .“Ano namang ikakaso mo sa akin? Kakasuhan mo ako na gusto kitang maka sex ? na may nag send sa akin ng location ng kwarto mo. Pwede kong sabihin sa mga pulis na inimbitahan mo ako sa bahay niyo. At ang magulang mo at step-br
FRANCES POVAt ano naman ang dahilan ko para kamuhian ko ang asawa ko sa ganitong sitwayson?! Napaka gwapo niyang tignan habang hawak niya sa kaniyang mga kamay ang buhay ng lalaking nagplano akong gawan ng hindi maganda. Imbis na maawa ay mas lumalamang ang tuwa sa aking isip. Pero siyempre hindi ko iyon sasabihin sa kaniya dahil ayokong kahiligan niya ang ganoong gawain lalo na sa harapan ko at ng magigin anak namin. Gusto ko pa ring ipaalala sa kaniya ang mali ang manakit ng tao ng sobra-sobra. Kaya ng marinig niya ang sinabi ko sa kaniya ay napanganga siya at saka sumagot. “Okay love.” Samantala, halos masuka ng dugo si Aljur habang pinapakinggan ang seryosong harutan namin sa kaniyang harapan.“Haha. pwe! Masyado pang maaga para magpakasaya kayong dalawa! Sa ganitong sitwasyon paglalandian pa rin ang inuuna niyo? Sinasabi ko sa inyo lalo ka ng Piloto ng ewan , pakawalan mo ako kaagad! Kapag may nangyari sa akin dito sisiguraduhin kong rehas ang hihimasin niyo!” Hindi ko maita
"oh Frank... Ako..." babati din sana si Aljur kay Kuya Frank pero sinubsob na ni Arthur ang ulo niya sa dingding, habang may piraso ng bubog ang nakatarak sa kaniyang leeg. Halata ang pagkadismaya. "Ano bang nangyayari dito?" tanong ni Kuya Frank.{napatingin ako kay Frank. Sa totoo lang, hindi naman ma-impluwensya si Frank. Siya ang pinakamahina sa grupo namin pero dahil sa gusto niyang mang-asar ngayong araw sa akin kaya nagpaka feeling boss siya. Hinayaan ko na lang siya sa trip niya} Nang makita ni Ethan na parang kumakampi sa side nila si Kuya Frank ay bigla niya kaming binalingan ng panenermon lalo na si Arthur!"ikaw…Anong tinitingin-tingin mo huh? Pakawalan mo na si Aljur! Nandito na si Kuya Frank. Tingnan mo ang hitsura mo! Akala mo kung sino ka na pwedeng mam-bully kay Aljur. Alam mo ba kung sino yang binu-bully mo? Siya lang naman ang tagapagmana ng pamilya Esteban, at kilala mo ba ang Kuya ko? Siya lang naman ang pinaka-matayog na Piloto dito sa buong pilipinas at kaib
Gusto ko sanang magsalita pero agad kong na-alala ang napagkasunduan namin ni Arthur. Kaya imbis sabihin ang totoong pagkaka-kilanlan ni Arthur ay nagdahilan na lang ako. "Ah , kaibigan ko si ARthur dahil sa magkasama kami sa pagpapalipad ng eroplano. Ginagalang ko pa rin ang masayang samahan namin kahit na nagawan niya ng hindi maganda si Frances. Sa pagkaka-alam ko ang pamilya niya ay makapangyarihan noon pero nawala din ito lahat noong tinalikuran niya ang kanilang negosyo. Balita ko kung sino sino na lang ang may kapit ng mga negosyo ng pamilya nila. Nakita ko siyang nandito. Mangangamusta lang naman sana ako pero ito ang inabutan ko sa loob.” Biglang kumunot ang noo ni Ethan, pakiramdam ko ay hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Paano, palagi kaming magkasama ni Arthur noon tapos ngayon sasabihin ko galit ako sa kaniya?! Kahit ako natawa sa sarili kong sagot. Bago pa ako nakapagsalita muli ay bigla ng sumigaw ng malakas si Aljur."Hayop ka! Ang lakas ng loob mong maghamok ng
FRANCES POVSamantala, pagkatapos naming maghiwalay ng landas ni Arthur at iwan sila ni Kuya, dumiretso muna ako sa banyo ng mall upang umihi.Nagpaalam ako kila Kuya dahil may gusto sana akong bilhin at para makapag-pagpag na din sa sama ng nangyari kanina.Habang nasa loob ako ng cubicle, biglang pumasok ang dalawang babaeng abala sa pag-uusap at pagmamalaki tungkol sa kanilang mga luxury bags habang naghuhugas ng kamay.“Hay, girl! Ang ganda naman ng bag mo.”“Ahhh, alam mo naman, ito yung limited Edition from Paris. Hindi mo ito mabibili sa Pilipinas.”“Inggit na inggit talaga ako sa’yo! Biruin mo, araw-araw iba-iba ang bag mo. Wala na akong masabi sa asawa mo—ang bait niya sa’yo at talagang bigay-luho ka. Ang laki pa ng allowance mo buwan-buwan!”“Syempre naman… Hindi naman ako nililimitahan ng mister ko sa kung magkano ang gusto kong gastusin. Gusto niyang maging masaya ako ay mabili ko ang lahat ng magugustuhan ko! Alam mo naman wala akong ginagawa na sa buhay kaya ito na lang
Pagkatapos magsalita ng kaniyang kumare ay nagmamadali itong tumakbo palabas ng banyo, tuwang tuwa niyang hinila ang mga kasamahan niyang naghihintay sa kanila at sinabi ang nangyari sa loob ng banyo. Agad namang tumugon ang mga tao sa grupo.“Hay naku talaga ba mare?! Yan kasing si Nancy ubod ng yabang , hindi na makain ang mga sinasabi sa kayabangan. Wag kasing kumain ng hindi naman kayang lunukin!” “Talaga? Nakakahiya naman sa halagang 300 thousand lang nagpakilala na siya kagad! Tapos sasabihin niya na may unlimited credit card siya”“Susme, akala mo kung sinong mayaman, palaging ipagyayabang ang mga gamit niya. Na kesyo milyon ang bili ko sa bag na to , ung bagong sasakyan na nabili niya, ung alahas na binigay sa kaniya ng asawa niya. Kahit hindi tanungin laging pabida, yun pala utang ang iba. Hahaha. hambugera” malakas na nagtawanan ang mga ito.“At ang pinaka-nakakatawa ay siya na mismo ang tumatawag sa sarili niya na siya ang unang asawa na nagmula sa pinakamayang pamilya, n
ARTHUR POV Isa talaga sa nagustuhan ko kay Frances ang pagiging simple niya sa mga bagay-bagay. Hindi siya kagaya ng ibang babae na hihingi ng hihingi kahit pa noong kasama siya ni Frank sa baha. Nakita ko kung gaano siya ka disiplina . Namimiss ko na ang masiglahing Frances na nangungulit sa akin noon. Siya ang tipo ng babaeng papangarapin mo hindi lang dahil sa sex kundi dahil sa kabutihan ng puso niya! Talagang kakaiba siya sa karaniwang kababaihan! Pagkatapos ng ilang minuto, biglang dumating si Atty. Joey na nakatanggap ng message mula sa akin. kagaya ng pinag-utos ko kanina, sinabi niya ang eksaktong nasa message ko. “Arthur good morning mukhang wrong timing ata ako kaya lang may ilang mga kasosyo niyo sa airline ang narito at gustong makipagkita sa iyo para daw sa bagong proyekto na ila-launch” Bago pa makapagsalita ako makasagot ay mahinahong na ding nagsalita si Frances, “okay lang, pumunta ka na. Ako na lang ang maglilibot sa mall at uuwi na lang ako mag-isa,
Ito pala ang plano ni Andrew mula pa noong una, balak pala niyang mag-propose sa akin sa mismong birthday ko.Hayop ka Jackie!, alam mo pala ang plano ng anak mong mag-pakasal sa akin sa pagbabalik niya mula sa business trip niyang ito. Kaya pala ganoon na lang ang pagmamadali niyong mag ina na itulak ako sa kama ng ibang lalaki! Sinong mag aakala na papalpak ang plano niyo at kay Arthur ako mapupunta!“napaka dimonyo mong ina!” Galit na galit ako!Sobrang galit na galit ako kay Jackie!Nagagalit ako dahil pinapatay ako ng kunsensya dahil sa biglaang pagtalikod ko kay Andrew. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kahit magalit pa ako?Tapos na ang lahat. Hindi ko na maaaring balikan ang nakaraan namin ni Andrew.Sunod-sunod ang pagtawag ni Andrew sa akin.Paulit-ulit kong kinakansel iyon, hanggang sa tuluyan ko ng patayin ang telepono ko at naupo nang mag-isa sa tabi ng park.Tahimik akong nakaupo roon, nakatulala nang matagal, bago ko muling binuksan ang telepono ko at tinawagan ko s
Ang buong restaurant ay napuno ng mga paborito kong bulaklak. Bago pumasok sa loob ng resto, ang mga puno ng sycamore sa magkabilang gilid ay nakasabit ang mga makukulay na ilaw at iba't ibang "birthday wishes" at "love" na mga card. Ang mga makukulay na ilaw ay kumikislap, ang simoy ng hangin sa gabi ay humahaplos sa aking katawan, at ang paligid ay puno ng isang romantikong atmospera. Sumunod ako sa kasamahan ni Andrew papasok sa looban ng resto nang medyo malabo ang iniisip. Hindi ko kagad nagets ang mga nangyayari pero na wiwirduhan ako. Nakita ko ang mga kasamahan ni Andrew sa kaniyang trabaho na may hawak na mga heart-shaped balloons ng iba't ibang kulay, na kusang bumubuo ng isang bilog, na may ngiting may pagpapala sa kanilang mga mukha. Sa gitna ng resto ay may malaking projection screen na kasing taas ng isang tao. Matapos ang dalawang malalakas na tunog, lumitaw ang imahe ni Andrew sa screen. Naka-Formal attite siya, may suot na pulang bow tie, may hawak na isang bu
SA OPISINANakahinga ng maluwag si Ella nang matiyak niyang alam ni Arthur na ngayong araw ay birthday ni Frances. Pagdating ng oras ng tanghalian, hinanap niya si Frances para mag-lunch.FRANCES POVBinuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ito, at naalala ko na iniiwasan ako ni Arthur kaninang umaga kahit pa alam kong mag flight siya ngayon, kaya't bigla akong tumango ng malungkot.Pero dahil kilala ako ni Ella, alam niyang may hindi okay na nangyayari sa akin. Kinuha niya ang cellphone ko at tinignan ang mga message ko.Sa huli, nagbiro na lang si Ella sa akin "Baka gusto ka niyang sorpresahin ka. Pinipigilan niya lang ngayon at hindi ka pinapansin, tapos bibigyan ka ng sorpresa pagkatapos ng trabaho. Para maging emosyonal ka at ma touch ka!” Tumingin ako kay Ella at ngumiti "Saan mo na naman natutunan lahat ng 'yan?"Itinaas ni Ella ang kanyang baba nang may kumpiyansa, "Maghintay ka lang!"Pagdating namin sa canteen, tinawagan ko iba pa naming mga kasamahan at trineat ko sila
FRANCES POVKinabukasan, nagising ako ng maaga para magluto ng almusal, gusto ko sanang magka-ayos kami ng aking asawa sa aming alitan nitong nakaraang gabi. Halos hindi kasi niya ako pinapansin, sa di ko malamang dahilan. Masaya naman kami noong nakaraang araw pero biglang nagbago ang mood niya kagabi.Marahan akong kumatok sa pinto ng guest room pero walang Arthur na sumagot mula sa kabilang bahagi ng kwarto kaya naman nagdesisyon na akong pumasok na.Habang naglalakad, hindi maipinta ang mukha ko, kakaibang kalungkutan ang bumabalot sa aking katauhan.Pagdating ko sa pintuan ng Office ko ay biglang nanakbo si , Ella papunta sa akin at sinadya akong banggain, kinuha niya ang isang regalo at inabot sa akin . "Frances, Happy Birthday!"Sandali akong napatigil, at saka ko lang naalala na birthday ko pala ngayong araw. Magmula naman kasi ng mamatay si Mama, kinalimutan ko ng mag celebrate ng birthday. Para sakin ang araw sa buong taon ay normal lang. Kinuha ko ang regalo at walang gan
Sa totoo lang nainis ako sa mga sinabi niya kaya sinagot ko din sila ng nararapat na sagot.“Teka lang huh…Una sa lahat ang obligasyon namin si Papa, at FYI nagbibigay kami ng pang gastos ni Papa.Pangalawa, hindi niyo nga ako tinuring na anak niyo, ngayon kung maka-asta ka akala mo ay talagang ulirang ina ka?At pangatlo, bakit hindi niyo pag-trabahuhin yang si Ate Leonor. Hindi yung aasa lang siya sa binibigay namin kay Papa. Kung tutuusin siya ang pinaka-matanda sa amin pero siya ang pinaka-walang pinagka-katandaan.” agad na napa-ismid si Tita Mylene pero nagmatigas siyang umalis ng kusa.Napaisip ako, ngayon lang ako nakakita na niyawyawan ng kaniyang mapang-aping madrasta sa sarili nitong bahay, pagka bukas na pagkabukas pa lang ng pinto. ANo pa nga bang magagawa ko, kung palalayasin ko sila malamang na gagawan nila ito ng malaking issue kaya naman hinayaan ko na lang silang pumasok. Inalok ko na lang sila ng juice. Alam kong may naglalaro na naman sa isip ng mga ito kaya nand
Kagaya ng hindi ko pagyayabang, bumungad sa kanila ang isang mala mansyong bahay na tinitirahan namin ni Arthur. Hindi ko kailanman flinex sa aking social media account ang aming bahay dahil hindi naman ito sa akin. “Tang in*! Frances, ito ang bahay niyo?!” sigaw ng kasamahan kong bakla na halos ikahulog ko na sa golf cart sa sobrang pagkagulat.Napakamot ako ng ulo at napabuntong-hininga. “Bwisit ka bakla, gulat na gulat ako sayo!, oo ito yung bahay namin.” Ngunit hindi agad sila gumalaw. Nakabuka ang mga bibig nila, tila hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nila sa kanilang harapan. Si Kristal, na kanina ay puro kayabangan ngayon ay halatang hindi makasabay sa pangyayari. Kahit na inaatake siya ng pride niya dahil sa dami ng paninirang sinasabi niya sa akin sa opisina ay hindi rin maipagkailang namangha din siya sa bahay na tinutuluyan namin ni Arthur. “Frances… ito ba talaga ang bahay mo?” tanong ng isa na hindi pa rin makapaniwala.“Hindi. Trip ko lang pumasok para sa staycat
FRANCES’ POV Pagdating ng Sabado, maaga akong nagbihis ng komportableng damit at tumungo sa tagpuan kung saan ko sasalubungin ang mga kasama ko sa trabaho. Isa-isa na silang dumating, at agad akong binati ng ilan sa kanila. “Congratulations sa promotion mo, girl!” sigaw ni Mary, sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako at isa-isang nagpasalamat. Habang naghihintay pa sa iba, naisipan kong bumili ng maiinom sa mini-store sa kanto. Tahimik lang ang paligid nang biglang dumating si Kristal, ang babaeng kilalang mahilig mambara at laging may masasabi tungkol sa iba. “Oh, dito ba ‘yung inyo?” tanong niya, sabay irap sa mumurahing apartment sa harapan namin. “Anong apartment number ‘yung bahay niyo?” Bago pa ako makasagot, sumabat na ang isa pang kasamahan namin na malapit kay Kristal. “Oo nga, Ma’am! Dapat sa susunod lumipat ka na ng mas magandang apartment. Hindi bagay sa isang aviation manager ang nakatira sa ganitong klaseng bahay!” Napataas ang kilay ko at napatingin kay Ella. Hin
[Gusto ko lang magtanong, may boyfriend na nga ba talaga si Miss Frances?] Matapos ang maanghang na akusasyon laban kay Frances , ngayon lahat ay pumabor sa kaniya. Napapangiti naman si Mr. Rivera sa kaniya.Kagaya ng orihinal na dahilan kung bakit nagpunta si Frances sa restaurant ay nagsimula ang kanilang meeting. Ilang discussiona ng naganap sa pagitan nila at hindi din nagtagal ang meeting na iyon. Bumalik siya sa opisina. Nagulat siya ng salubungin siya ng kaniyang mga kasamahan.“Frances, congratulations!”“Frances, treat mo kami this time!”“Tama, Frances, weekends naman sa susunod na araw, mas okay siguro kung sa bahay niyo tayo mag-celebrate. Para makatipid at double celebration na din tayo. Ang pagkaka promote sayo officially at ang kasal mo.”Hindi naman kaagad nakasagot si Frances. Sa kalagitnaan ng pangungulit ng mga kasamahan niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello!”“Love, mukhang pagod ka? Hindi mo ata hiyang ang magpanggabi. Dibale malapit na din n
Pagkatapos sabihin ni Mr. Rivera ay naglakad na sila pabalik sa loob ng restaurant. Ngunit napansin ni Frances na mula sa di kalayuan ay may nagkakagulong mga tao at kumakapal na kamera na nagmumula sa mga vloggers, isang babae ang napansin nilang nagpunta sa isang sulok. Halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha, at tila gusto niyang maglaho na lang sa hangin.Pero hindi nagtagal, agad siyang pinalibutan ng mga vloggers."Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Sabi mo may relasyon si Mr. Rivera at Frances! Ng dahil sayo muntik pa akong makasuhan" singhal ng isang lalaki habang nakatutok ang camera sa kanya.“Oo nga, hayop ka. Mali-mali ang mga impormasyong sinasabi mo samin!”“Kaya nga pahamak ka!” "Ano ang masasabi mo na nalantad na ang totoo?" sigaw naman ng isa pa.Napayuko ang babae at hindi niya alam kung paano ipagtanggol ang kaniyang sarili. Pero wala na siyang lusot. Nalantad na ang katotohanan, ang mga maling ipinakakalat niya dahil sa galit kay Frances ay nalantad na. Si Al