Pero na-touch ako sa sinabi niyang bibigyan niya ako ng isang tahanan na mauuwian. Siguro nga way din ang pagpayag kong magpakasal sa kaniya para makawala ako sa mala-impyernong bahay ng aking ama kasama ang mga bruha kong 2nd family!. Pero pano na si Andrew... ang halos dalawang taong relasyon namin! ano bang dapat kong gawin? naaawa ako sa kaniya.Parang noong nakaraang araw lang ay pinagpa-planuhan na namin ni Andrew ang tungkol sa aming kasal. Excited siya alam ko iyon. Pero ako?, diyan tayo hindi sure!.Grrr…si Lyka talaga may kasalanan lahat ng ito ! Kung kailan medyo okay na ako at nakaka-move on na ako kay Arthur saka naman ako ginawan ng ganitong kalokohan. Bukod kay Kuya paano ko na naman haharapin sila Daddy? Ayst. Kakainis.Pero sa totoo lang, parang nagpapasalamat din ako sa nangyari dahil hindi kami in good terms ng family ni Andrew. Ang Mommy niya. Uff… Sa tuwing may family event sila Andrew pakiramdam ko ay ayaw sa akin ng Mommy niya at higit sa lahat ang nakakatanda
ARTHUR SALVADORNang tumalikod na si Frank ay inaya ko na si Frances na magtungo sa garahe. Habang naglalakad ay nakita ko sa kaniyang awra ang matinding pagkamuhi sa kahihiyang ginawa sa kaniya ni Joyce. Siguro nga ay hindi niya pa lubusang kilala ang kaniyang future sister-in-law, ang kawalang hiyaan ng pamilya ni Andrew. Alam na alam ko ang lahat dahil pina-imbestigahan ko ang bawat kilos ng pamilyang iyon, dahil kung sakaling alam kong safe at magiging masaya si Frances sa piling ng kaniyang mga in laws ay pakakawalan ko na siya. Hindi ko na siya hahabulin. Ngayon , kung hindi pa malinaw para kay Frances ang mga nangyayari. Siya na talaga ang pinaka-tangang tao sa buong mundo. Lingid sa kaalaman niya na sa kabila ng pag ngiti ng kaniyang mga in-laws sa kaniyang harapan ay siya namang pagka disgusto ng mga ito sa kaniya. Lalo na ang Mommy ni Andrew. Sabayan pa ng panganay nitong kapatid na si Joyce. Tinignan ko siya na tahimik lang na nakatayo sa tabi ko.“Okay ka lang ba Frances
“Hayst,... ano ka ba ? anong akala mo sakin tanga? Akala ko ba hindi ko alam na patay na patay ka sa kapatid ko? Isa pa bro, ikakasal na ako at wala akong tiwalang iwan si Frances sa kamay ng step siblings namin. Hindi ako bulag naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon. Hindi ko lang ito magawa noon sa pinas dahil na din palaging nakaaligid sa kaniya si Andrew!” “Pero kahit na… hindi mo ba inisip na baka gusto talaga ni Frances si Andrew? Saka mukhang mahal naman siya ni Andrew?” sagot ko sa kaniya na may halong pagtataka. “Hindi niya mahal si Andrew!” “Huh?” “Arthur come on. Pareho nating kilala si Frances , kahit hindi ako nagsasalita noon. Alam ko ang nangyayari sa pagitan niyong dalawa. Siraulo ka! Noong iniwan ko sayo noon si Frances, ito na talaga ang plano ko! Pero napaka bagal mo. Kaya nga iniwan ko kayong dalawa sa bahay. Sa tingin mo talaga may flight ako ng araw na yun? Haha “ malakas siyang tumawa “WALA… nandun ako sa pad ni Christine… naglagay pa ko ng camera s
260ARTHUR POVHindi ko iniisip ang kung anumang sinasabi ni Frances ay Frank ngayon. Nagsisisi akong inalis ko kaagad ang aking daliri sa kamay ni Frances. “Tang ina ang sarap sa pakiramdam!” Bulong ko sa sarili ko. Ang lambot at ang kinis talaga ni Frances. Bahagya kong itinulak ang aking salamin sa tungko ng aking ilong. “Chill Arthur. Alalahanin mo biktima ka din , wag kang masyadong magpahalatang kinikilig ka.” Bulong ko sa aking sarili.Nagulat ako ng muling magtanong sakin si Frances. Seryoso siyang umusong paunahan at ang mukha niya ay nakadungaw malapit sa mukha ko. “Bakit hindi ka lumaban kanina kay Kuya? Alam naman nating lahat na biktima ka din, pero nagawa ka niyang saktan ng ganuon. “Uhm.. ganito kasi yan Frances, siguro kung nung mga kapabataan pa namin baka pinatulan ko talaga si Frank kasi mahina talaga ang pasensya ko noon. Pero dahil sa tumatanda na nami at alam ko din na nasaktan ko din ang kuya mo, kaya naiintindihan ko siya. Hindi ko sinalubong ang galit
Pagkatapos niyang sabihin ang kaniyang mga kondisyon ay malumanay akong sumagot sa kaniya. “Wag kang mag-alala Frances, kahit na nag retiro na ako sa pagiging professor at kahit pa hindi ako nag handle ng mga business ng pamilya namin, mayroon naman akong sapat na pera para ibili ka ng sarili mong condo.”Pagkasabi ko nuon ay sinulyapan ko si Frank . “okay Frank… ikaw ang saksi . Ipapalipat ko ang title of ownership ng unit ko sa makati. “ nakangiti kong sabi kay Frank. Napapailing na lang at tumango ito sa akin. “Okay Boss” pang aasar na sagot ni Frank.Agad kong kuha ang cellphone ko at tinawagan si Atty.“Good Morning Attorney. Nandito ako ngayon sa Las Vegas. i know na naka bakasyon ka. Pero hihingi sana ako ng pabor. Gusto kong ilipat mo sa pangalan ni Frances ang unit ko sa Makati! Isesend ko na lang sayo ang buong detalye. Okay?!” Hindi ko alam kung naniniwala ba siyang may kausap ako sa kabilang linya dahil sa biglang pag-abante niya pasulong sa front seat. Tingin pa lang
IN THE PHILIPPINESAFTER THE EVENT IN LAS VEGASPagkadating namin ng Pinas. Kasama ko na si Arthur na umuwi sa aming bahay. Pero imbis na dumiretso sa bahay nila Daddy ay sinabihan muna ako ni Kuya na dadaanan namin ang kaibigang lawyer ni Arhtur na siyang kanang kamay din ng pamilya nila. “Frances, hindi na ako makakasabay sa inyo ni Arthur pag-uwi kila Daddy. Didiretso na ako sa Pad ng ate mo. I-su-surprise ko siya.” nakangiting sabi ni Kuya habang nakaakbay sa akin.“Kuya hindi kaya magalit si Daddy sakin?” medyo kinakabahan kong sabi“Huwag kang mag-alala. Hindi yun! Saka nandiyan si Arthur! Kaya nga niya dadaanan ang lawyer niya slash kanang kamay na si Joey”Nakatingin lang si Arthur at tatawa-tawa kay Kuya.“Huh? Ano yun parang bodyguard?”“Ganun na nga! Hindi mo pa nga lubusang kilala ang napang-asawa mo! “ napabuntong hininga si Kuya “okay! Si Arhtur ay mula sa pamilya ng mga namumuno dito sa Pinas, pero dahil sa tinalikuran ni Arthur ang magmando ng kanilang mga negosyo ay
Muling itinaas ng madrasta ko ang kaniyang kamay pero sa pagkakataong ito ay agad kong hinawakan ang kamay niya at matapang kong sinabi “Nandiyan si Arthur sa labas, sigurado ka bang gusto mo kong sampalin ulit ng hindi napapansin ang bakat nito sa mukha ko?” Nang marinig ng madrasta ko ang pangalan ni Arthur ay galit niyang binawi ang kaniyang kamay sa akin, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Agad na akong umakyat sa aking kwarto at kinuha ang mangilan ngilang kong gamit. Walang lingon akong nag-impake sa aking maleta. Iniwan ko ang lahat ng mga pinaglumaang gamit na binigay sakin ni Leonor na pinasa sa akin. Mga ilang damit, gamit at mga importanteng dokumento lang ang kinuha ko. Pagkababang-pagkababa ko ay narinig ko ang galit na sigaw ni Daddy “Punyeta kang bata ka! Sige sabihin na nating nagpakasal ka. Pero napakatanga mo talaga at nagpakasal ka sa isang Piloto na halos tinakwil ng kaniyang pamilya? Haha akala mo ba yayaman ka kung sasama ka sa kaniya! Sige nga tatanungin kit
Tumango ako ng may ngiting nakakainsulto, bahagyang nag-isip at saka nagsalita “nabigyan ko na ng condo si Frances sa Ayala Subdivision bago kami bumalik ng Pilipinas. Pag-iisipan ko pa kung ano pa ang dapat kong ibigay sa kaniyang regalo. Sa mga oras nayun ay biglang dumating ang step-sister ni Frances na si Leonor, nanlaki ang mga mata niya sa sinabi kong binigyan ko ng unit si Frances sa Ayala Subdivision. “Ano? Binigyan mo ng condo si Frances sa Ayala Subdivision? Wow!. napakamahal ng condo dunn, kahit maliit lang ay inaabot ng halos 50-100million”Agad niyang kinapitan ang bisig ng kaniyang ina at excited na sinabing “Mommy, gusto kong tumira dun!”Muling namintog ang mga mata ni Leonor “Mommy, alam mo bang may kaibigan ako, yung parents niya binilhan siya ng unit duon, at napakaganda talaga. Sobrang elegante!”"Okay, okay." sumang-ayon naman ang kanilang ina ng walang pag-aalinlangan. Masayang hinalikan, yumakap ito at hinalikan ang kaniyang ina sa pisngi . “Eee… wow Mommy.. n
Ito pala ang plano ni Andrew mula pa noong una, balak pala niyang mag-propose sa akin sa mismong birthday ko.Hayop ka Jackie!, alam mo pala ang plano ng anak mong mag-pakasal sa akin sa pagbabalik niya mula sa business trip niyang ito. Kaya pala ganoon na lang ang pagmamadali niyong mag ina na itulak ako sa kama ng ibang lalaki! Sinong mag aakala na papalpak ang plano niyo at kay Arthur ako mapupunta!“napaka dimonyo mong ina!” Galit na galit ako!Sobrang galit na galit ako kay Jackie!Nagagalit ako dahil pinapatay ako ng kunsensya dahil sa biglaang pagtalikod ko kay Andrew. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kahit magalit pa ako?Tapos na ang lahat. Hindi ko na maaaring balikan ang nakaraan namin ni Andrew.Sunod-sunod ang pagtawag ni Andrew sa akin.Paulit-ulit kong kinakansel iyon, hanggang sa tuluyan ko ng patayin ang telepono ko at naupo nang mag-isa sa tabi ng park.Tahimik akong nakaupo roon, nakatulala nang matagal, bago ko muling binuksan ang telepono ko at tinawagan ko s
Ang buong restaurant ay napuno ng mga paborito kong bulaklak. Bago pumasok sa loob ng resto, ang mga puno ng sycamore sa magkabilang gilid ay nakasabit ang mga makukulay na ilaw at iba't ibang "birthday wishes" at "love" na mga card. Ang mga makukulay na ilaw ay kumikislap, ang simoy ng hangin sa gabi ay humahaplos sa aking katawan, at ang paligid ay puno ng isang romantikong atmospera. Sumunod ako sa kasamahan ni Andrew papasok sa looban ng resto nang medyo malabo ang iniisip. Hindi ko kagad nagets ang mga nangyayari pero na wiwirduhan ako. Nakita ko ang mga kasamahan ni Andrew sa kaniyang trabaho na may hawak na mga heart-shaped balloons ng iba't ibang kulay, na kusang bumubuo ng isang bilog, na may ngiting may pagpapala sa kanilang mga mukha. Sa gitna ng resto ay may malaking projection screen na kasing taas ng isang tao. Matapos ang dalawang malalakas na tunog, lumitaw ang imahe ni Andrew sa screen. Naka-Formal attite siya, may suot na pulang bow tie, may hawak na isang bu
SA OPISINANakahinga ng maluwag si Ella nang matiyak niyang alam ni Arthur na ngayong araw ay birthday ni Frances. Pagdating ng oras ng tanghalian, hinanap niya si Frances para mag-lunch.FRANCES POVBinuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ito, at naalala ko na iniiwasan ako ni Arthur kaninang umaga kahit pa alam kong mag flight siya ngayon, kaya't bigla akong tumango ng malungkot.Pero dahil kilala ako ni Ella, alam niyang may hindi okay na nangyayari sa akin. Kinuha niya ang cellphone ko at tinignan ang mga message ko.Sa huli, nagbiro na lang si Ella sa akin "Baka gusto ka niyang sorpresahin ka. Pinipigilan niya lang ngayon at hindi ka pinapansin, tapos bibigyan ka ng sorpresa pagkatapos ng trabaho. Para maging emosyonal ka at ma touch ka!” Tumingin ako kay Ella at ngumiti "Saan mo na naman natutunan lahat ng 'yan?"Itinaas ni Ella ang kanyang baba nang may kumpiyansa, "Maghintay ka lang!"Pagdating namin sa canteen, tinawagan ko iba pa naming mga kasamahan at trineat ko sila
FRANCES POVKinabukasan, nagising ako ng maaga para magluto ng almusal, gusto ko sanang magka-ayos kami ng aking asawa sa aming alitan nitong nakaraang gabi. Halos hindi kasi niya ako pinapansin, sa di ko malamang dahilan. Masaya naman kami noong nakaraang araw pero biglang nagbago ang mood niya kagabi.Marahan akong kumatok sa pinto ng guest room pero walang Arthur na sumagot mula sa kabilang bahagi ng kwarto kaya naman nagdesisyon na akong pumasok na.Habang naglalakad, hindi maipinta ang mukha ko, kakaibang kalungkutan ang bumabalot sa aking katauhan.Pagdating ko sa pintuan ng Office ko ay biglang nanakbo si , Ella papunta sa akin at sinadya akong banggain, kinuha niya ang isang regalo at inabot sa akin . "Frances, Happy Birthday!"Sandali akong napatigil, at saka ko lang naalala na birthday ko pala ngayong araw. Magmula naman kasi ng mamatay si Mama, kinalimutan ko ng mag celebrate ng birthday. Para sakin ang araw sa buong taon ay normal lang. Kinuha ko ang regalo at walang gan
Sa totoo lang nainis ako sa mga sinabi niya kaya sinagot ko din sila ng nararapat na sagot.“Teka lang huh…Una sa lahat ang obligasyon namin si Papa, at FYI nagbibigay kami ng pang gastos ni Papa.Pangalawa, hindi niyo nga ako tinuring na anak niyo, ngayon kung maka-asta ka akala mo ay talagang ulirang ina ka?At pangatlo, bakit hindi niyo pag-trabahuhin yang si Ate Leonor. Hindi yung aasa lang siya sa binibigay namin kay Papa. Kung tutuusin siya ang pinaka-matanda sa amin pero siya ang pinaka-walang pinagka-katandaan.” agad na napa-ismid si Tita Mylene pero nagmatigas siyang umalis ng kusa.Napaisip ako, ngayon lang ako nakakita na niyawyawan ng kaniyang mapang-aping madrasta sa sarili nitong bahay, pagka bukas na pagkabukas pa lang ng pinto. ANo pa nga bang magagawa ko, kung palalayasin ko sila malamang na gagawan nila ito ng malaking issue kaya naman hinayaan ko na lang silang pumasok. Inalok ko na lang sila ng juice. Alam kong may naglalaro na naman sa isip ng mga ito kaya nand
Kagaya ng hindi ko pagyayabang, bumungad sa kanila ang isang mala mansyong bahay na tinitirahan namin ni Arthur. Hindi ko kailanman flinex sa aking social media account ang aming bahay dahil hindi naman ito sa akin. “Tang in*! Frances, ito ang bahay niyo?!” sigaw ng kasamahan kong bakla na halos ikahulog ko na sa golf cart sa sobrang pagkagulat.Napakamot ako ng ulo at napabuntong-hininga. “Bwisit ka bakla, gulat na gulat ako sayo!, oo ito yung bahay namin.” Ngunit hindi agad sila gumalaw. Nakabuka ang mga bibig nila, tila hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nila sa kanilang harapan. Si Kristal, na kanina ay puro kayabangan ngayon ay halatang hindi makasabay sa pangyayari. Kahit na inaatake siya ng pride niya dahil sa dami ng paninirang sinasabi niya sa akin sa opisina ay hindi rin maipagkailang namangha din siya sa bahay na tinutuluyan namin ni Arthur. “Frances… ito ba talaga ang bahay mo?” tanong ng isa na hindi pa rin makapaniwala.“Hindi. Trip ko lang pumasok para sa staycat
FRANCES’ POV Pagdating ng Sabado, maaga akong nagbihis ng komportableng damit at tumungo sa tagpuan kung saan ko sasalubungin ang mga kasama ko sa trabaho. Isa-isa na silang dumating, at agad akong binati ng ilan sa kanila. “Congratulations sa promotion mo, girl!” sigaw ni Mary, sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako at isa-isang nagpasalamat. Habang naghihintay pa sa iba, naisipan kong bumili ng maiinom sa mini-store sa kanto. Tahimik lang ang paligid nang biglang dumating si Kristal, ang babaeng kilalang mahilig mambara at laging may masasabi tungkol sa iba. “Oh, dito ba ‘yung inyo?” tanong niya, sabay irap sa mumurahing apartment sa harapan namin. “Anong apartment number ‘yung bahay niyo?” Bago pa ako makasagot, sumabat na ang isa pang kasamahan namin na malapit kay Kristal. “Oo nga, Ma’am! Dapat sa susunod lumipat ka na ng mas magandang apartment. Hindi bagay sa isang aviation manager ang nakatira sa ganitong klaseng bahay!” Napataas ang kilay ko at napatingin kay Ella. Hin
[Gusto ko lang magtanong, may boyfriend na nga ba talaga si Miss Frances?] Matapos ang maanghang na akusasyon laban kay Frances , ngayon lahat ay pumabor sa kaniya. Napapangiti naman si Mr. Rivera sa kaniya.Kagaya ng orihinal na dahilan kung bakit nagpunta si Frances sa restaurant ay nagsimula ang kanilang meeting. Ilang discussiona ng naganap sa pagitan nila at hindi din nagtagal ang meeting na iyon. Bumalik siya sa opisina. Nagulat siya ng salubungin siya ng kaniyang mga kasamahan.“Frances, congratulations!”“Frances, treat mo kami this time!”“Tama, Frances, weekends naman sa susunod na araw, mas okay siguro kung sa bahay niyo tayo mag-celebrate. Para makatipid at double celebration na din tayo. Ang pagkaka promote sayo officially at ang kasal mo.”Hindi naman kaagad nakasagot si Frances. Sa kalagitnaan ng pangungulit ng mga kasamahan niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello!”“Love, mukhang pagod ka? Hindi mo ata hiyang ang magpanggabi. Dibale malapit na din n
Pagkatapos sabihin ni Mr. Rivera ay naglakad na sila pabalik sa loob ng restaurant. Ngunit napansin ni Frances na mula sa di kalayuan ay may nagkakagulong mga tao at kumakapal na kamera na nagmumula sa mga vloggers, isang babae ang napansin nilang nagpunta sa isang sulok. Halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha, at tila gusto niyang maglaho na lang sa hangin.Pero hindi nagtagal, agad siyang pinalibutan ng mga vloggers."Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Sabi mo may relasyon si Mr. Rivera at Frances! Ng dahil sayo muntik pa akong makasuhan" singhal ng isang lalaki habang nakatutok ang camera sa kanya.“Oo nga, hayop ka. Mali-mali ang mga impormasyong sinasabi mo samin!”“Kaya nga pahamak ka!” "Ano ang masasabi mo na nalantad na ang totoo?" sigaw naman ng isa pa.Napayuko ang babae at hindi niya alam kung paano ipagtanggol ang kaniyang sarili. Pero wala na siyang lusot. Nalantad na ang katotohanan, ang mga maling ipinakakalat niya dahil sa galit kay Frances ay nalantad na. Si Al